The Boggling Things My Mind T...

By MissRedPen

156 1 6

Ang mga nakasulat dito ay mga bagay na naiisip ng aking utak base sa kung ano ang aking nakikita at sa mga ku... More

INTRODUCTION CHORVA :D
Their generation and ours
LAHAT NALANG MAY SPARKS!

Long Distance Relationships

23 0 0
By MissRedPen

"If the only place where I could see you was in my dreams, I'd sleep forever." 

 Ano nga ba ang meron sa isang long distance relationship? Syempre hindi pedeng wala yung dalwang taong nasa magka-layong lugar pero nagmamahalan, anjan din yung love.. syempre at hinding hindi mawawala, ang always present.. PROBLEMS.

Anong role ng problems jan? Aba syempre, ang manira ng relasyon. XD Ang mga common na problems ng mga nagpapakatatag sa isang long distance relationship ay ang COMMUNICATION, LACK OF TRUST, TIME, MISUNDERSTANDING at TEMPTATIONS.

1. COMMUNICATION

Well, mahirap nga naman yung minsan nalang kayo magkita o minsan nga, hindi pa kayo nagkikita, tapos hindi pa din kayo nagkakausap o nagkakatext man lang. Aba magalimutan na kung ganun. -_- Pero joke lang yun.

Kung international yan, understandable pa. Kasi syempre, magkaiba kayo ng time zone at pahero naman kayong may mga buhay, kaya ok lang kung minsan pa sa minsan kayo magkausap pero syempre, dapat always present yan.

Eh yung local? Tsk. 'Matik na dapat yan eh. Yung pag may free time ka para magtext man lang ng kahit isang message, ITEXT MO! Lalo na pag umaga? Minsan kasi, isa yan sa mga bagay na makakabuo sa araw ng partner mo. Yung simpleng "Good morning. Take care pretty/handsome. ;) Iloveyou. <3" Nako swear, good mood na yan maghapon. Iba kasi yung dating ng ganun dahil malalaman nya na kahit magkalayo kayo, pinipilit mong isara yung gap between you and her/him. Diba? :) Tsaka pag gabi, bago kayo matulog, itext mo lang ng "Good night. Dream of me tonight. ;)" Diba? XD Para malaman nya na bago kayo matulog, naaalala mo pa din sya. Ok na yung solid at hindi pumapalyang sweet texts tuwing umaga at gabi para laging alam ng partner mo na naiisip ka din nya agad (bukod kay God) paggising nya sa umaga at bago sya matulog sa gabi. 

Communication is important. Hindi dapat yan nawawala sa isang long distance relationship, dahil pag nawala yan, as in yung mga 3 days straight kayong di nagkakausap, aminin mo man o hindi, nanlalamig ka at mafi-feel mo na parang neglected ka na nya. At syempre, pag hindi kana nya gaanong tinetext o tinatawagan, papasok jan yung masyadong pag-aalala, pagdududa at pagkukulang nyo sa isa't isa. Kaya minsan, ang tendency ay hanapin nyo sa iba yung pagkukulang ng partner nyo, per kung ganun kayo katatag, andun kayo sa isang gilid ng kwarto nyo, kung di nagmumukmok.. naglalaslas. XD JOKE LANG! Syempre, mag-aantay ka ng text nya. Bawat tunog/vibrate ng phone mo, hinihiling mong sya sana, tapos sobrang disappointed ka pag hindi. 

Hindi ba? :3

2. LACK OF TRUST

Kanina, sinabi ko sa communication na dapat always present yun. Pero hindi porke't sinabing dapat "ALWAYS PRESENT" ay kailangan maya't maya kayo magkatext o magkausap. Aba, may kanya kanyang buhay din kayo no. Nag-aaral ka, or nagtatrabaho, at ganun din sya. Pagdating sa trsut, may mga taong sobrang kulang sa ganyang pagdating sa partner nila. Yung tipong, hindi lang agad makareply ng 1 oras, iisipin, may iba na agad katext o kausap. Or pag magkausap kayo sa phone tapos may maririnig kang sumisingit singit sa background, iisipin mo agad, may ibang kasama.. KABET! MGA TAKSIL! 

....

Ang OA diba? XD Pag anjan lagi yung pagdududa mo sa partner mo o anjan lagi yung pagdududa sayo ng partner mo, MAGHIWALAY NA KAYO! XD Suggestion lang naman yun. kasi kung wala kang trust sa partner mo, hindi ka pedeng pumasok sa isang long distance relationship dahil pareho lang kayong mahihirapan, mabubwisit pa sya dahil sobra kang magduda at maghinala. At syempre, pareho lang yun kung sya ang laging nagdududa sayo. Kung wala syang trsut sayo, bakit ka pa nya ginawang partner? Pag papasok sa isang commitment, long distance man yan o hindi, ALWAYS PRESENT DAPAT SI TRUST. Pag wala si trust, walang mangyayari sainyo dahil puro doubt ang papasok sa isip nyo. At ang tendency nyang pag nainis kayo sa isa't isa, yung mga doubts nyo sa isa't isa, magkakatotoo. :P

Sabi nga nila, kadalasan kung ano yung binibintang mo sa iba, yun ka. Tingna nyo ko, pinagbibintangan ko lahat ng girls sa campus na maganda.. maganda kasi ako. ;) CHAROT LANG! :D

3. TIME

Syempre, isang kailagan din to. Bakit? Kung wala kang time para sa partner mo.. ano? Nga nga nalang poreber? Kung love mo talaga ang partner mo, syempre, lagi kang gagawa ng paraan para magkaroon ng time para sakanya.. kahit mag multi-tasking ka pa, maitext mo lang sya dahil miss na miss ka na nya, gagawin mo. (Gawain ko eh. XD) 

Yung time na tinutukoy ko ay hindi lang in terms of pag-uusap sa phone. Anjan din yung pakikipagkita mo sakanya kahit once a week or twice a month lang, ok din yun. Or minsan pag may extra time ka, yung mga surprise visits? Yun ang pinaka THE BEST. Bakit the best? Kasi syempre, malalaman nya na handa kang ilaan ang extr time mo para sakanya kahit minsan, pagod na pagod ka na. 

Isipin mo, pag nawalan ka ng time para sa pet mo, ano gagawin nito? Maglalayas at maghahanap ng ibang owner. :3 Kekekeke. Pero, pet naman yun eh, ewan ko lang kung nag-aapply din sa mga partners. Na kapag nawalan ka ng time sakanila, mangangaliwa. ;) Siguro may ibang ganun kasi syempre, sobrang nakukulangan sila eh, kaya maghahanap sila ng ibang company. Sabihin na nating kulang yun sa loyalty pero sa tingin mo ba, kung hindi ka nagkukulang sakanya, gagawin nya ba yun? Kung binibigay mo sakanya lahat ng time na kaya mong ibigay, maghahanap pa ba sya ng iba? Siguro oo kung malandi yan, pero kung loyal at faithful sya sayo (Magkaiba pa daw talaga ang loyal at faithful ;D) iintindihan nya na yun lang ang kaya mong ibigay na time at HINDING HINDI ka nyan ipagpapalit.. ever. ;)

Pero minsan kasi, nakakapang-duda naman talaga. EXAMPLE.. magkasama kayo, tapos may tatawag na ibang lalaki/babae sakanya, tapos kailangan pa lumayo sayo bago sagutin yung phone? -_- I mean, bakit kailangan lumayo? ung maingay sa pwesto nyo, understandable yun, eh kung hindi? Yung tipong nasa isang tahimik na kaininan naman kayo, tapos biglang may tatawag, aba kailangan pa lumabas ng resto bago sagutin ang tawag. -_- Diba? Pano ka hindi magdududa? :P Or minsan.. ANOTHER EXAMPLE, (may ibang girls namakakarelate dito) yung makakakita ka ng lipstick stain sa suot nyang damit. ANO!? GERA NA ITUUU! >___< Tapos mag-eexplain sya sayo pero minsan ang layo nung explanation nya. Aba matinde yan! -_- Kung hindi nyo rin naman kayang maging faithfull sa partner nyo, wag nyo na ituloy. Mahihirapan lang kayo eh. Wag nyo idahilan na mahal nyo ang isa't isa, dahil kung mahal nyo talaga ang isa't isa, hindi kakayanin ng konsensya nyo na lokohin yang tao na yan. :3 Diba?

4. MISUNDERSTANDING

Kekeke. "ANG LANDI LANDI MO!" sigaw ng isang lalaki sa gf nya dahil nakitang may kasamang iba sa 7Eleven, ang hindi nya alam.. magka-classmate sila, nagawa ng project  kung ano man. Ay si koya, judgemental. :3 Ganyan talaga minsan diba? Yung mga maliliit na bagay, pinapalaki dahil sa pagkakamisunderstood ng isang simpleng siwasyon.

May nakatext lang na iba, lumaland agad? Nakita lang na may kasamang iba, ka-date agad? Hindi ba pedeng.. pinsan pala nya? XD Yun nga, don't make hasty generalizations. :) Pumapasok din dito yung lack of trust. Bakit? Kung may tiwala naman sya sayo, kung makita ka nyang may kasama, katext o kausap na iba, magtatanong muna yan bago mag-judge.. hindi ba? Hindi yung nagdududa agad. ENEBE!? *Flips table*

Nagkakaroon ng matitinding away o tampuhan dahil jan sa pesteng misunderstanding na yan. Kaya ang advice ko lang, MAGTANONG MUNA BAGO MAGSALITA.

Yun lang.. bow. :)

5. TEMPTATIONS may sabit... AND LIES

Aminiiiiiiin~ ;) Pag malayo kasi si partner, may freedom ka. Freedom na gawin lhat ng pinagbabawal nya. Freedom na manloko. Freedom na manchiks/mag boyhunting. Yung sinasabi mong nagrereview ka para sa quiz pero ang totoo, andun ka sa likod ng school, nagyoyosi. Yung sinasabi mong may klase kayo, per wala pala yung teacher o prof kaya andun ka sa bahay ng classmate mo, nag-iinom. Yung sinasabi mong pauwi kana pero may kadate ka pang iba. XD Tsk. Isa yang malaking pagkakamali. :3 Ito yung pinaka worst na problem sa isang long distance relationship. Yung ang lakas mo magsinungaling dahil sa mga temptatons sa gilid gilid. 

Pero para sakin kasi, pag nakakayanan mong magsinungaling sa partner mo, o hindi mo kayang pigilan ang temptations mo, either hindi mo talaga sya mahal o nakukulangan ka ng sobra sakanya kaya ginagawa mo na lahat. Tulad nga ng sabi ko kanina dun sa part ng time, hindi kakayanin ng konsensya nyo na magsinungaling at magtaksil kung mahal nyo talaga si partner.

Ang long distance relationship ay nagcoconsist ng dalawang taong magkalayo sa isa't isa pero dahil iisa ang puso, nawawala ang gap. Yung distance kasi, space lang yan. Kayang kaya punan yang space na yan Maaring hindi muna kayo magkasama ngayon, pero kung magiging matatag kayo, magsasama din kayo sa iisang bubong balang araw. Ok lang din naman yung mga pag-aaway o pagtatampuhan nyo minsan, kasi it's what a relationship healthy. Pero ang LOT nga daw ay saLOT. *Wink sa mga nakagets* Hahaha. Too much is always too bad. At nasasainyo naman yun kung pano kayo magpapakatatag at magoovercome ng mga problems nyo. Walang problema ang hindi pedeng ayusin, at hindi laging solusyon ang break up.

Kaya all you have to do is BE STRONG, BE FAITHFUL, GIVE IT ALL YOU'VE GOT and ang pinaka-importante sa lahat, HAVE FAITH IN God na tutulungan nya kayo sa lahat at hindi nya hahayaang masira kayo ng kaaway. ;)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Shout out dun sa inspirasyon kung bakit ko nasulat tong chapter na to. XD Ang dami nya na-contribute dito. KEKEKEKE. :3

Iloveyou guyth. :* Thanks for reading. :D

Continue Reading
Wattpad App - Unlock exclusive features