(TRISTAN'S POV)
Nasa isang kwarto sila Darren at Sandy. Sa pagkakaalam ko... pinunta na nila kaagad si Darren dito sa hospital. Kug tutuusin kailangan nga... sa lakas ng pagkakahampas ni Sandy sa ulo ni Darren. Narinig ko yung tunog ng bungo nya.
"Papasok ka?" tanong ni June na kanina pang sunod ng sunod sa akin. "nakakahalata na ako sa'yo... tigilan mo na sya" sabi nya.
"Ano ba yang pinagsasabi mo?!" sabi ko sa kanya. "tigilan mo na nga pagsunod sa akin!" utos ko sa kanya. Sabay hawak ng Doorknob.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Sumilip ako sa kanila sa loob.
"balang araw... papakasalan din kita!?" lokong sabi ni Darren. Lumapit si Darren kay Sandy. "Anong sa tingin mo?" dugtong nito.
"Oo ba... pwede na!" sabi ni Sandy kay Darren. Inabutan ni Sandy si Darren ng pag kain. "kaya ikain mo na lang yan ng matupad mong yang pinagsasabi mo!" dugtong pa nito.
"ano ba sila?" bulong ko. Tumalikod ako at isinarado yung pinto. Ayan na naman!? Ba't ba lagi na lang akong naiinis ng walang dahilan?
"di ba?... kitang kita naman sa kilos mo yung gusto mong iparating eh?!" sabi ni June. Dinaanan ko lang sya pero sunod pa rin ng sunod sa akin. "Alam mo Tristan... hindi na ako magtataka kung magkatuluyan sila?! Kung sa bagay naman... Close sila... lagi pa silang magkasama at magkasundo" dugtong nya.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan! Sabi kong manahimik ka na di ba?" asar kong sigaw sa kanya. Habang sya tuwang tuwang tinitignan ako.
"Hwag kang magalit sa akin?! Dapat nga magalit ka sa sarili mo eh?!" sabi nya "nakakaramdam ka pala ng selos... edi sana matagal ko ng nagging syota si Sandy ng Makita ko ang reaksyon ng mukha mo!" dugtong nya.
"SABING TUMIGIL KA NA!" sigaw ko at hinawakan pataas ang kwelyo nya. "Ba't ba lagi mo na lang pinapakealaman ang buhay ko ahh!?" pikon kong sabi sa kanya.
"BAKIT?! GUSTO MO BA TALAGA MALAMAN HA?!" sigaw naman nya sabay hawak ng kwelyo ko. Akmang magsusuntukan kami. Nang napadaan sa amin sila Sandy at Darren.
"Oyyy! Ano ba yan!? Nagaaway na naman ba kayo ha?!" pagpigil sa amin ni Sandy. "para kayo mga batang inagawan ng candy ( =_=)" dugtong pa nito. Binitawan o na si June habang sya hindi pa rin bumibitaw sa akin.
"malalaman mo rin... pagdating ng araw" sabi ni June atsaka nya binitawan ang manggas ko.
Dumating din si Ma'am Miki sa amin. Galit na naman syang nakatingin sa aming dalawa ni June.
"Maguusap tayo." Sabi ni Ma'am Miki sa amin.
(SANDY'S POV)
Parang kanina lang nag-o Auditon pa kunwari si Darren sa akin. Sasali daw sya sa play na gaganapin next week. Ginawa nya akong Judge. =_= hinatulan ko naman agad!
Tapos ngayon... mala action. Ang nangyare sa labas ng kwartong pinasukan namin kanina.
=____= Ayyy buhay!
Pinatawag sila June at Tristan. Pinalabas na rin naman kaagad si Darren. Pagkabalik namin sa academy. Sumunod kami sa HQ. nakiki-chismis kung ano ba talaga ang pinag-awayan ng dalawa. Ayun sa pagkakita ko sa mga itsura nila. Parang PERSONAL yung problema nila. Malamang may hindi na namang pinagkasunduan ang dalawang toh.
Sa headquarters kung saan nakakabingi ang katahimikan. Pinagalitan ni Ma'am Miki sina Tristan at June.
"Lagi na lang kayo nag aaway! Di nyo ba patatahimik ang buhay ng isa't isa!? Ha?!" sigaw ni MA'am Miki. Nako kung ako lang ang nasa kalagayan nila baka umiyak na ako sa takot kay Ma'am Miki. "Simula ngayon... Sandy!" sigaw ni MA'am
Ohhhh! Ohhhh! L(=o=)7 Ma'am wala po akong kinalaman dyan! Hindi ko po sila kilala!
"PO????" tanong ko kay MA'am Miki. Mukhang masama ang mangyayare ahhhh!
"Ikaw Sandy! Lagi ka ng sumama kay June! At Tristan! Kay Darren ka naman!" utos ni MA'am Miki. Nagkatinginan kami ni Darren
"Ohhh hindi!" sabay naming sabi. Ayyyy! Sanay po akong si Darren ang kasama ko. Minsan ko lang po makasama yang mga taong yan. Tapos itatabi nyo ako sa pinaka halimaw na nakita po sa talambuhay ko! Kay June! Aba! Ang kapalaran nga naman... KAILAN PA NAGING BANGUNGOT!? HA?!
"Ma'am Miki L(-o-)7 kasi po....." sabi ko. ETOH NA! magrereklamo na ako. "baka po kasi... kaming dalawa ni June ay mag-away lang sa misiion baka..." dugtong ko
"MAY REKLAMO KA SANDY!" sigaw na pagalit ni Ma'am Miki.
"Ehhhhh? Sabi ko nga po!? Sisikapin po naming hindi mag-away heheheheh Yun lang!?" sagot ko. Bigti na tayo guys! =_=
Nang matapos ang meeting namin...
(=___=) Nakakawalang gana ka!
"So????? Ano ha?! Masaya ka na nyan nakatrabaho mo na rin ang pinaka perfect dito?!" sabi ni June na buong pagmamalaking kinakausap ako. Grabeh ka! Napaka positive mo sa buhay! Ok lang yan~ nang mabago ang pananaw mo.
"Oo tama ka~ perfect sa kasamaan!" sagot ko habang naglalakad
Kami. May isang babaeng tumigil sa harapan namin. Kilala ko sya... minsan ko na syang na search sa File at TripleX at ayun doon!?
Sya si...
"Nerisa.. whats your name?" tanong nito kay June. Aba?! =_= Ang karisma ni June umaandar na naman!? L( =_=)7
"I'm June... nice meeting you" sagot nito kay Nerisa. Ahhh! NAgmumukha lang akong dumi sa tabi kapag may kausap na iba si June.
Sya si Nerisa isa sa mga pinaka magandang nilalang ditto sa academy kadalasan pag may pagent ayun lagi ko syang nakikita. Idol ko nga sya eh?! *O* Kasi ang GANDA GANDA NYA! Ang ganda din ng kutis at katawan nya. =_= kapag hinalintulad kami.... ummm.. hindi ko naman ata kailangan ibaba ang sarili ko di ba?
Hini halata pero starstruck talaga ako. *O*
"and you?" anong ni Nerisa sa akin. WOOOAH! ANGEL *O* "Ummmmm... Uy!? Anong pangalan mo?" tanong nya sa akin.
OHhhmaygasss! Isusulat na ba ang pangalan ko sa langit?
"hindi pa ako handa" mahina kong sabi habang nakatulala sa kanya. "Uhhh?! Ano pala?! Ako si Sandy?" sabi ko at kinamayan sya. Uh Grabeh ang lambot ng kamay nya.
"sige una na ako" sabi nya at umalis. O_O AMBANGO!!!
"Pfffft~ PWAHAHAHAH! YUNG MUKHA MO SANDY PARANG DINALAW NG ANGEL!?" tawang tawang sabi ni June. Uy! Grabe ka naman! =_= Palibasa basta may maipamintas lang eh noh?! "Ano?! Tao ka na ba ulit?! Gusto mo sundan natin sya!?" sabi nya natumitigil na sa pagtawa.
"Di nga!? Seryoso~ Sige ba!???? Tara!!" sabi ko. At hinila sya.
"Bwahahahahahahha! Ayus ka rin noh!?" tawa pa nya. Akala mo? Close tayo? Aba! Seryoso ako hoy! "Mukhang di ka naman nagbibiro... sige na nga!? Basta sandalian lang toh ahhh!" sabi nya
Yeah~ Pumunta kami sa Theater Room. Yeah~ free kaming pumasok dun. Kabilang kasi si June ditto kasama sila Tristan at Darren. Hindi ako napili. Baka over qualified ako kaya ganon! Baka nga!
Nasa lubong namin sila Darren at Tristan sa loob ng Theater. Nanunuod sila ng practise. Kinalabit ko si June.
"Uyyy!~ June pupuntahan ko si Nerisa ahhh?!" pagpapaalam ko sa kanya. "Hihingi lang ako ng picture nya." Sabi ko.
"Adik ka talaga eh noh!? Sige... nandoon sya sa dressing room nasa likod ng stage" sabi nya sa akin. Wow! Tinulungan nya ako ahhh!.
Pumunta ako dun. Bawal nga pala yung tao dun kaya nagbihis. Little red riding hood ako. Sandalian ko lang sinuot yun ahhh! Pagkatapos ko lang makakuha nya picture nya na may authograph.
Nang Makita ko yung dressing room nya. May naririnig akong nagsisigawan. In-On ko yung contact para marinig ng L.A. Unit. Mukhang masama na naman ang mangyayare eh???!
"Papatayin na kita!" sigaw ng isang lalaki. Bahagya akong sumilip sa dressing room. May isang babaeng kasama si Nerisa. Di ko kilala pero malamang staff yung babaeng kausap nya rito sa theatre.
"papatayin mo ko?" takot na takot na sabi ni Nerisa. Pero sa pagkakakita ko... nakaupo lang si Nerisa habangnakatayo yung babae. "Yumi... papatayin mo alaga ako?" tanong nito.
"Aba! Hwag kang gaganyan ganyan! Sawang sawa na ako sa ugali mo at pinaggagagawa sa akin.... Yan ba talaga ang talent mo! Na maging mabait sa paningin ng iba!" galit na galit na sigaw ng babae.
Biglang lumabas yung Yumi napaurong ako at nakayuko. Pinagmasdan lang ako ni Yumi. Ayyyyyst!
May dumating pang isang.
"Yumi... kailangan na si Little red riding hood" sabi ng babae. "Ito ka pala! Ikaw na kanina ka pang hinahanap!" sabi ng babaeng kakarating pa lang sabay hila sa akin! Hala ka! Wala nga akong alam dyan eh?!
Nang nasa stage na ako. Nagulat sila ng Makita ako. Ah? Anong sasabihin ko dito?
Lumingon ako. Nakita kong umalis si Yumi. Sabay sunod ni Nerisa. Uy sandali pa picture muna!
(TRISTAN'S POV)
Nang narinig ko yung nasa contact na ipinadala ni Sandy. Napatayo kami.
"Tristan... puntahan na natin" sabi ni Darren. Nang biglang namingnakita si Sandy na nasa stage. "Little red riding hood?" napatanong si Darren.
Hindi mapakali si Sandy sa stage at pinagmasdan nya si Nerisa kasama ang isang babae. Nang sinundan namin si Nerisa. Kinausap nya yung mga nakabantay sa pinto. Nang palabas na kami. Bigla nila kaming hinarangan.
"Pasyensya na.... bawal lumabas" sabi ng lalaki doon.
"Bakit sila pinalabas mo... atsaka kanina pa kami tapos ahhh!" reklamo ni Darren. May kakaiba ditto eh?!
"Pasyensya na... napagutusan lang kami" sabi nila. Wala kaming nagawa. Hinintay naming matapos ang practise.
Sabay sabay kaming umalis roon. Papunta kami sa Headquaters.
"Ayus Sandy! Ang damio mong nasabi sa stage" sabi ni June habang asar na asar si Sandy sa totoo lang... puro. 'Ahhhh... Eh... Ummm... Oo!' yun lang ang nasabi ni Sandy habang nasa practise. Napagkamalan lang sya ang gaganap kasi suot nya yung kanina pang hinahanap ng bibida dun.
"Tumigil ka dyan?! Si Nerisa hindi ko na sya nakita ahhh!" malungkot na sabi ni Sandy. Nang nakapasokna kami sa loob.
Tiningnan ko yung C.C.T.V. ng school.
"AHHHHHHHHHHHH! TULONG!!!! AHHHHHHH!" rinig naming sigaw sa CCTV. Hindi namin Makita kung sino.
Natigilan kami sa kanya kanyang ginagawa at napatutok sa Monitor.
"San ba maliban sa mga lugar na yan ang hindi nakikita ng camera?" tanong ni Darren
"Sa CR!" sabi ni Sandy.
(SANDY'S POV)
Umalis kaagad kami sa Headquaters. Naghiwalay hiwalay kami sa paghahanap. Kaya naiwan akong mag isa. Pumunta ako sa Cr ng Academic Building.
"TULONG!!!" narinig kong sigaw. Agad akong tumakbo sa loob ng CR. Nakita ko si Nerisa sa sahig at may sugat sa binti...
"L.A. Unit nasa CR ng academic ang biktima" sabi ko sa contact. Sabay paso ko sa loob ng Banyo.
"Tulong.. Si si Yumi ang may gawa" sabi ni Nerisa habang umiiyak.
Ano bang nangyayare sa kanila?