TEMPTATION ISLAND: Sinful Des...

CeCeLib tarafından

45.6M 860K 183K

WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Inside | COVER BY: Race Darwin "You're invited to Temptation Island." Daha Fazla

SYNOPSIS
Temptation Island
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
You're Invited to Temptation Island
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
EPILOGUE

CHAPTER 21

756K 17.5K 4.5K
CeCeLib tarafından

CHAPTER 21

PAULIT-ULIT na binabasa ni Havoc ang sulat ni Inna para sa kaniya habang nasa loob siya ng kulungan. Hindi niya iyon matanggap dahil alam niyang hindi 'yon sasabihin sa kaniya ng Inna niya.

His Inna would never used him. Never.

But her letter...kahit hindi siya naniniwala, masakit pa rin.

Havoc,

I know it will be hard on you but please let me go. Don't look for me. I don't want to see you anymore. Ginamit lang kita para makawala ako kay Monti. Huwag mo na akong hanapin o ipahanap. I want to live my life the way I want it. No man to hold me back. No man to tell me what I need to do. I'm sorry for using you, Havoc. Forgive me.

Inna

Nilumukos ulit niya ang papel saka nagtagis ang bagang.

Siguradong may kinalaman ang mga magulang ni Inna dito.

Inna loves him. She would never do this to him! Never!

Napatingala siya sa kisame saka mariing ipinikit ang mga mata. Where are you, Inna? Where are they hiding you? Alam kong hindi mo basta-basta iiwan. Magpapakasal pa tayo.

Kumuyom ang kamao niya saka nagmulat ng mata ng marinig na bumukas ang selda na kinalalagyan niya.

"Andrada. Laya ka na." Anang Pulis.

Tumayo siya saka lumabas ng selda at sinalubong siya ni Fyre na halata sa mukha na nag-aalala sa kaniya.

"'Insan... ano bang nangyari?" Kaagad nitong tanong. "Bakit ka ba nagwala sa bahay ng mga magulang ni Inna?"

"Tinatago nila si Inna." Nagtagis ang bagang niya. "Tinatago nila sakin si Inna."

"What proof do you have?" Kaagad nitong tanong kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "I'm sorry for asking that. Its just the Lawyer in me."

Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya. "They're hiding Inna. Sigurado ako do'n. Dahil kung hindi nila tinago si Inna, ibig sabihin ginamit lang niya ako at hindi ako naniniwala do'n. Mahal ako ni Inna. Hindi niya ako iiwan ng ganito."

"Couz..."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "I will call my Private Investigator. I'm sure he can help me find Inna."

Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng presinto at natigilan ng makita si Monti sa labas habang nakasandal ito sa nakaparadang Ducati at nilalaro ang helmet na hawak nito.

Nang maramdaman nito ang tingin niya, nag-angat ito ng tingin sa kaniya.

And Havoc can't help but ask himself. Is this my karma?

Siya ang unang nag-iwas ng tingin saka nagmamadaling pinara ang paparating na Taxi at nagpahatid sa bahay nila Inna para kunin doon ang sasakyan niya.

Nang makarating doon, napatitig siya sa malaking mansiyon.

Malakas ang hinala niya na tinago ng mga magulang nito si Inna.

I will find you, Inna.

Sumakay siya sa kotse niya saka pinaharurot iyon habang tinatawagan si Mr. Kim sa kabilang linya.

"Please find Inna." Nakikiusap ang boses niya.

"I'll call you when I have an update." Sagot nito sa kaniya saka nawala sa kabilang linya.

Pinaharurot niya ang sasakyan pabalik sa Club niya pero hindi pa siya nakakarating doon ay kinabig niya ang manibela at bumalik siya sa bahay nila Inna.

Hindi siya mapapakali hanggat hindi niya nakikita si Inna.

Humigpit ang hawak niya sa manibela ng makarating sa bahay ng mga magulang ni Inna. Lumabas siya ng sasakyan at akmang susugurin ang gate ng humarang sa kaniya si Monti.

"Whatever you're planning, don't do it." Wika nito saka bumuntong-hininga. "I'll do it."

Puno ng pagdududa na tiningnan niya ang lalaki. "Why would you do that?"

"I'm doing this for Fyre, not for you." Sagot nito saka nag doorbell.

Kaagad na pinagbuksan ito ng katulong at pinapasok. Siya naman ay nakasandal sa pader at naghihintay ng balita kay Inna.

Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas si Monti ng gate at tumingin ito sa kaniya. "She's not there."

Kaagad na tumalim ang mga mata niya. "That's not true!"

"Inna is not inside. Her mother said she left—"

"That's not true!"

Sa galit na nararamdaman, tumaas ang nakakuyom niyang kamao at akmang susuntukin ang kaharap ng pumagitna sa kanila si Fyre.

"Don't you dare, Havoc!"

Sa sobrang galit at frustrasyon na nararamdaman, pinagsisipa at pinagsusuntok niya ang gate.

"Ilabas niyo ang Inna ko! Inna! Alam kong tinatago niyo siya sakin! Inna! Inna! Inna!"

Hindi niya tinantanan ang gate hanggang sa may nagsisigaw sa loob.

"Inna! Inna!" Sigaw niya sa sobrang galit habang pinagbababayo ang gate. "Ilabas niyo si Inna! Inna I'm here! Inna!"

Nang bumukas ang pinto, wala siyang pakialam kahit may nakatutok na baril sa kaniya. Pilit siyang pumapasok.

"Inna! Inna!" He's screaming his beloved's name. "Inna! Please! My Inna! Please!"

"Get out!" Sigaw ng lalaki na nagpakulong sa kaniya kaninan. "You're trespassing! Wala rito ang hinahanap mo!"

Nanlilisik ang matang tumingin siya sa lalaki. "Hindi! She's here! Tinatago niyo lang siya sakin—"

Kinalabit nito ang gatilyo ng baril at dumaplis sa kaniya ang bala.

Napaawang siya sa ginawa nito pero parang wala lang ang sakit sa kaniya. "Sir, please..." he's begging... "please, Sir, please let me see Inna. Please.... Please..." lumuhod siya habang nakatingala sa lalaki at sa ina ni Inna na kadarating lang at masama ang tingin sa kaniya, "parang awa niyo na, Sir. Ilabas niyo na si Inna. Pananagutan ko siya. Mahal na mahal ko ho siya. Pakakasalan ko siya. Parang-awa niyo na, Sir, ilabas niyo ang babaeng mahal ko."

Pero walang nagbago sa emosyong ng dalawang taong niluhuran niya.

"Sir, Ma'am, Please..." he begged. "I'll do anything...please..."

Nanatiling walang emosyon ang mukha ng dalawa.

"Wala rito ang babaeng hinahanap mo." Wika ng ina ni Inna habang pilit na sinasara ang pinto kahit naiipit siya.

May humawak sa kamay niya at hinila siya patayo at napatitig siya kay Fyre na hawak pa rin ang kamay niya.

"Tama na, insan." Wika nito.

Marahas siyang umiiling. "No...I won't stop. Mahal ako ni Inna!" Desperado na ang boses niya habang inilalabas ang nilumukos na sulat daw sa kaniya ni Inna saka ipinakita kay Fyre. "Kapag tumigil ako, para ko na ring tinanggap na totoo lahat 'to! This is not true! Inna loves me! She would never leave me!"

Kinuha ni Fyre ang nilumukos niyang sulat saka binasa 'yon kapagkuwan ay naawang tumingin sa kaniya. "We can search for her but we cannot search her parents house."

Galit na pinagsisipa niya ang gulong ng sasakyan niya saka pinagsusuntok ang hood niyon.

He felt so hopeless! Wala siyang magawa!

Napasabunot siya sa sariling buhok saka tumingala sa madilim na kalangitan.

Inna... my Inna... "Is this my karma? For taking away what's not mine?" He keeps on tapping his chest where his heart is located. "Fuck! Inna would never do this to me. Pakakasalan pa niya ako."

Wala sa sariling naglakad siya pasakay sa kotse niya saka pabagsak na naupo sa driver's seat. Nabuhay lang ang dugo niya ng narinig na tumunog ang cellphone niya at nakitang si Mr. Kim 'yon.

"Mr. Kim." He's agitated. "Nahanap mo ba si Inna?"

"Hindi." Sagot nito na ikinatigil ng mundo niya. "Hindi ko siya mahanap."

"B-bakit?" Nanghihina ang katawan niya sa sinabi nito. "Bakit hindi mo siya mahanap?"

"I'm sorry, Mr. Andrada. Pero hindi ko siya mahanap." Ani ng nasa kabilang linya. "Wala siyang record kahit saan. She's last seen with you. Hanggang doon lang ang nahanap ko."

Marahas siyang umiling. "Search her parents house CCTV. She's there."

"I'm sorry, Mr. Andrada but that's illegal. I can't do that."

Nanghihinang bumagsak ang kamay niyang may hawak sa cellphone saka pinatay ang tawag.

Hinahalukay niya ang isip kung saan puwede magpunta si Inna kung naglayas man ito.

The house I built for her!

Mabilis niyang isinara ang pinto ng kotse saka pinaharurot iyon patungo sa beach house na pinagawa niya. Hindi bumagal ang takbo niya kahit muntikan na siyang madisgrasya.

Nang makarating siya sa beach house, nagmamadali siyang lumabas at pumasok ng gate.

"Inna! Inna!" Sigaw niya sa pangalan nito habang nagmamadaling binubuksan ang pinto ng beach house. "Inna! I'm here, Inna!"

Hinalughog niya ang buong kabahayan pero wala siyang Inna na nakita.

Pabagsak siyang napaupo sa sofa at napasabunot sa sariling buhok.

"Inna... 'san ka na, Inna?" Para siyang nababaliw sa kakaisip kung nasaan si Inna, kung ano ang gagawin niya mapasok lang ang bahay ng mga magulang nito.

Tumayo siya saka lumabas ng bahay at napatingin sa madilim na karagatan.

Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya.

Inna.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka tinawagan si Mr. Kim.

"Mr. Andrada—"

"Please." He begged. "Please, Mr. Kim, find Inna. Ikaw nalang ang inaasahan ko. Please....i love her, so much. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala siya sakin. I know you know what I feel. You're married, right? Kaya mo bang mawala sayo ang babaeng mahal mo?"

Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. "Hindi."

"Then please, help me." He begged again. "Magbabayad ako kahit magkano. Kahit isangla ko ang kaluluwa ko, mahanap ko lang ang babaeng mahal ko, gagawin ko."

Mr. Kim sighed. "Susubukan ko ulit pero hindi ako nangangako."

"Thank you!" Havoc exclaimed in gratitude. "Thank you so much! I'll owe you. I'll owe you a lot."

"I'll call you when I have an update." Wika ni Mr. Kim saka nagpaalam na sa kaniya.

Siya naman ay tinungo ang kotse niya saka sumakay at pinaharurot iyon pabalik sa bahay ng mga magulang ni Inna.

Ipinarada niya hindi kalayuan ang kotse sa gate ng bahay ng mga ito at halos hindi na siya kumurap habang nakatitig sa gate.

Naniniwala siyang nasa loob si Inna. Kailangan niyang maging handa baka ilabas ng mga ito si Inna at ilipat ng lugar.

Pero hanggang sa bumukang-liwayway, hindi bumukas ang gate pero nanatili pa rin siya sa loob ng sasakyan hanggang sa katukin siya ng isang Guard at pilit na pinapaalis.

"Sir, Please... may kailangan lang akong bantayan—"

"Pasensiya na, Sir." Anang Guard. "Ako ang pagagalitan kung hahayaan kitang manatili rito. Ni-report ka na nang may-ari ng bahay na yan." Tinuro nito ang bahay ng mga magulang ni Inna.

Kumuyom ang kamao niya. "Sir, please—"

"Pasensiya na talaga, Sir, pero kailangan niyong umalis."

Napipilitang pinagalaw niya ang sasakyan habang lihim na nagmumura. Mahapdi na ang mata niya dahil wala siyang tulog pero pilit niyang minumulat 'yon.

Natagpuan ni Havoc ang sarili sa penthouse niya pero hindi niya magawang ihakbang ang paa papasok.

Naalala niya si Inna sa lahat ng sulok ng penthouse niya. Bawat ala-ala na mayroon sila ni Inna. Ang birthday surprise nito sa kaniya, ang pagkanta nito sa kaniya, ang paglalambing nito. Ang mga pinag-usapan nila rito.

Lahat 'yon ay sabay-sabay na pumapasok sa isip niya na halos hindi siya makagalaw.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka napasandal nalang sa hamba ng elevator habang nakatitig lang sa buong penthouse niya.

"Inna..." bulong niya sa hangin, "hindi mo naman ako iiwan, diba? Hindi naman totoo 'yong sulat mo...hindi ako naniniwala ro'n. Magpapakasal pa tayo, e." Mahigpit na kumuyom ang kamao niya. "Fuck! Fuck! Fuck! Fuck!"

Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang mini-bar niya saka deretsong uminom ng alak sa mismong bote. Nakailang inom na siya ng alak ng pumasok na naman si Inna sa isip niya.

Humigpit ang hawak niya sa alak saka binitiwan iyon at nagmamadaling lumabas ng penthouse at bumama sa Club niya at tinungo na naman ang kotse niya at pinaharurot iyon pabalik sa bahay ng mga magulang ni Inna.

He will beg...just to see her.

Pero hindi siya pinapasok ng mga Guard. Ayaw siyang papasukin kaya wala siyang nagawa kundi iparada ang sasakyan sa labas ng subdivision.

Halos lahat ng lumalabas, tinitigan niya at pinagmamasdang maigi ang loob ng sasakyan. Kinakabahan siya kapag tinted ang salamin ng kotse pero tiyak na tatawag naman sa kaniya si Mr. Kim kapag lumabas ng bansa si Inna.

Havoc was like that for days! Halos hindi na siya umuuwi sa penthouse niya at nagbabantay lang siya sa labas ng subdivision.

Sa isang linggo na lumipas, araw-araw, ramdam niya ang pagkawala ni Inna. Araw-araw, hinihintay niya ang tawag ni Mr. Kim pero walang dumating. Araw-araw, nagdarasal siya sa panginoon pero siguro nga ganun kalaki ang kasalanan niya dahil hindi nito pinakinggan ang mga panalangin niya.

And when Havoc return to his penthouse after a week, Fyre is in his Club, waiting for him.

"What?" Tanong niya sa walang buhay na boses ng humarang ito sa daraanan niya.

May inabot itong papel sa kaniya. "Your restraining order."

Kumunot ang nuo niya. "Restraining order?"

"Requested by Inna's family." Fyre sighed and looked at her. "Hindi ka na puwedeng magkampo sa labas ng subdivision nila, kapag pinagpatuloy mo, makukulong at kakasohan ka nila."

Nilampasan niya lang si Fyre saka napatigil siya sa paghakbang ng may marinig siya.

Mabilis siyang lumingon sa pinto at nanlaki ang mga mata ng makita roon si Inna pero ng kumurap siya ay nawala kaagad ito.

Kinusot niya ang mga mata at napatitig ulit sa pinto ng Club niya.

Am I hallucinating?

Tumingin siya kay Fyre. "D-did you see Inna right there?" Tanong niya sabay turo sa pinto.

Fyre frowned at her. "Couz, natulog ka naman siguro habang nagkakampo roon sa labas ng subdivision diba?"

Napakurap-kurap siya saka hinilot ang sentido. "No. I haven't had a good night sleep."

"Havoc!" Pinandilatan siya ni Fyre. "Baka naman sa mental ka bumagsak dahil sa ginagawa mo? You need to rest! You need a good sleep! Sa tingin mo matutuwa si Inna sa ginagawa mo sa sarili mo?"

Sa halip na sagutin si Fyre, sumakay siya ng elevator at nagpahatid sa penthouse niya.

Nang makapasok sa penthouse niya at nakalapit sa kama, bigla nalang bumagsak ang katawan niya at kusang pumikit ang mga mata niya.

"Havoc...Please let me go."

Mabilis siyang nagmulat ng mata ng marinig ang boses ni Inna. Pabalikwas siyang bumangon at pinalibot ang tingin sa kabuonan ng penthouse niya.

There's no Inna.

"Havoc, i just used you."

Napasabunot siya sa sariling buhok. "No... that's not true."

Pabagsak siyang nahiga ulit sa kama at kahit ilang beses niyang narinig ang boses ni Inna na tinatawag ang pangalan niya, hindi siya gumalaw at mariin lang na pinikit ang mga mata at tinakpan ang tainga niya.

Nang lumaon ay malakas siyang sumigaw para lang tantanan siya ng boses na naririnig niya.

Maybe he need some sleep. Pero paano siya makakatulog kung ang isip niya ay ayaw magpahinga? It keeps on thinking about Inna. Nag-iisip kung itinago ba ito ng mga magulang nito o talagang totoo ang nakasulat sa sulat nito na ginamit lang siya nito?

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
60.1M 1.7M 68
If there was one thing Blaze Vitale perfected over the long years of suffering and pain, that was pretending to be okay and making "I'm fine," the mo...
53.3M 1M 30
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko...
58.8M 1M 25
Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding...