Bagay Ka sa Langit

By Eloraamour

14.1K 226 49

May isang matalinong tao ang minsang nagsulat ng aklat. Ang totoo, sya ang pinakamatalinong tao na nabuhay s... More

Hello, Stranger
Bagay ba Tayo?
Do You Have What it Takes?
Are You Ready to Jump?
Oops I did it Again..
We should fly!
Never Neglect the Basics
Awestruck Moment ni Juan
The Garden Thrill
Gaano Ka Nya Kamahal
The King is Searching

Saan Daw?

777 11 3
By Eloraamour

Paano kung imbitahan ka sa isang trip?  Isa iyong trip sa espesyal na lugar.  Lugar na malayo mula sa mabilis na takbo ng buhay sa city, sa trabaho, sa klase at sa buhay mo ngayon in general.  Yung lugar kung saan meron kang malinis na hanging malalanghap kahit saan, may magagandang tanawin at sariwang mga pagkain.  Doon ay hindi nagsisiksikan ang mga tao, walang mahabang pila, walang traffic jam at walang mga high rise condominium.  Wala rin doong home work, walang research, walang deadline at walang phone calls.  Lahat ay natural at fresh, nature trip kung saan ikaw ay makakapag relax at magiging kung sino ang talagang ikaw.  Sasama ka ba sa trip na ito?

                Ang totoo, lahat  tayo ay gusto ng ganitong uri ng trip.  At kung pwede nga, naiisip natin na sana ganun na lang ang buhay dito sa earth araw-araw.  Pero alam natin na ang stress, problems at hardship ay parte talaga ng buhay.  Kung minsan gusto nating takasan 'yon kahit sandali lang.  Nagpapabook tayo ng flight to travel some where, kung hindi naman sapat ang pera para magbakasyon, manonood na lang ng sine o kakain sa labas.   Pero madalas ang dream paradise natin ay napupuntahan lang natin gamit ang ating imagination o panaginip.  

                May isang lugar na gusto kong ikwento.  Ito ay napakalayong lugar kung saan walang pagsubok o hirap ang buhay.  Ito ay lugar kung saan mawawala ang lahat ng worries mo dahil sa spectacular scenery na makikita mo.  Pero hindi mo ito mararating gamit ang iyong car  o ang jeep, bus, boat or plane.  Syempre ang tinutukoy ko ay ang langit.  Unlike sa naunang trip, maaari ka ditong mag confirm agad ng reservation mo.   Ito ay isang trip kung saan hindi ka matutulungan ng travel agent mo.  Dahil nakarating ka na sa part na ito, umaasa ako na nakagawa ka na ng reservations mo by now. ^^ Ang totoo, maraming tao ang hindi talaga nakakaalam ng tungkol sa lugar na tinatawag na langit.  Sigurado may  konti silang narinig o nalaman tungkol dito, pero karamihan sa mga pinaniniwalaan nila tungkol sa langit ay galing lang sa mga movies o  kaya naman ay mula sa mayaman nilang imahinasyon.  Napag-isipan mo na rin ba kung ano talaga ang langit?

Father's House

                Kung isa ka sa 12 disciples ng Lord, siguro curious ka tungkol sa heaven.  Dahil diba nga  si Jesus ay mula sa langit at nagkwento sya ng mga bagay tungkol sa pagpunta nya roon. 

                "Do not let your hearts be troubled. Trust in God; trust also in me. In my Father's house are many rooms; if it were not so, I would have told you. I am going there to prepare a place for you. And if I go and prepare a place for you, I will come back and take you to be with me that you also may be where I am."  Jn. 14:1-3            

·         Isang totoong lugar – Nangako si Jesus na pupunta Sya sa actual place na tinatawag Nyang Father's house.  Hindi ito state of mind o isang philosophical concept.  Hindi rin ito happy thought or fairy tale na ginawa ni Jesus para pansamantalang pawiin ang grief ng kanyang disciples.  Ito ay isang totoong lugar - kasing totoo ng silyang inuupuan mo o gaya ng bahay nyo kung saan makakakita ka, makakaramdam, at makakahawak.  It exists!               

·         Isang Inihandang lugar – Noon, merong custom ang 1st century Palestine na sinusunod ng mga engaged couples.   Ayon sa kaugalian nila, ang lalaki habang sila ay engaged ay babalik sa bahay ng kanyang ama kung saan sisimulan naman nya ang construction ng additional room na matitirahan niya at ng kanyang bride pagkatapos ng kasal.  Kapag natapos na nyang buoin at itayo ang room ay babalik na sya at susurpresahin ang bride para sa kanilang kasal.  After ng ceremony at ng celebration ay pupunta na sila sa lugar na inihanda ng husband.  Alam ni Jesus na aware ang mga disciples nya sa ganitong practice at ito ang ginamit Nya para tulungan silang magkaroon ng idea kung ano bang tulad ng heaven.  At nangako Sya na gamitin ang panahon sa gitna ng ascension Nya at ng second visit Nya sa Earth para maghanda ng lugar sa heaven para sa lahat ng nakakakilala sa Kanya. 

          Kung iisipin mo ang kalakihan ng creation, yung kagandahan ng mga bundok, yung malawak na karagatan, ang kagandahan ng kalangitan at ang laki ng universe, Ilang araw lang Nyang ginawa ang lahat ng yon?  Hindi ba mas magiging great ang lugar na hinahanda nya?  He has spent the past 2000 years preparing heaven.  Isipin mo, Jesus the Christ, the Master Carpenter, is building a place for you!  It is a place beyond your greatest imagination.  "No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love him" 1Co. 2:9

·         Lugar ng Pag-asa – Tignan natin ang context noong nagsabi si Jesus tungkol sa langit.  Ito ang huling gabi na makakasama nya ang mga kaibigan Nya.  Malapit na Syang umalis at pumunta sa heaven.  For them, it means loss, separation, painful ache of not being together anymore.  Nangko Sya na hindi lang sila ipaghahanda ng lugar kundi nangako rin Sya na babalikan sila.  Babalik Sya at isasama sila sa heaven one day and it gave them hope.

·         Lugar kung saan naroon ang Diyos – marami tayong makikita at malalaman tungkol sa heaven, pero higit sa ano pa man, the greatest joy in heaven is simply being with God. 

Heaven 101

Makikilala ba natin ang isa't isa sa langit?

                Oo.  We won't really know each other until we get to heaven.  Dahil ang capacity natin for knowledge and relationship ay limitado lang sa ngayon dahil sa sin.  Pero,  it will unbelievably enhanced in heaven.  Siguradong makikilala natin ang isa't isa sa langit.  Nakilala rin ni Peter sina Moises at Elijah noong dumating sila sa earth mula sa langit (Mtt.17:1-14).  Sinabi rin ni Jesus na mare-retain natin ang ating identity sa langit (Mtt.8:11).  Makikilala natin agad ang bawat isa, hindi lang mga kaibigan o kapamilyang namatay kundi pati mga characters sa Bible at sa buong history.  Pwede mong tanungin si Noah tungkol sa pagsakay nya ng ark, o si Elijah sa pagsakay nya ng chariot.  Makikilala mo rin doon si Moises at matatanong ang experience nya noong nahati ang dagat.  Magkakaron ng maraming reunion at kamanghamanghang kwentuhan kapag nandon na tayo. 

Anong magiging itsura ng katawan natin doon?

                Kagaya ng glorified body ni Jesus Christ.  Wala doong palutang-lutang na espiritu.  Walang mataba at nakahubad na bata na palaru-laro ng harp.  Ang magiging katawan natin doon ay much much better than that.  Doon hindi na tayo magkakasakit o mapapagod.  Hindi na magkakaroon ng wrinkles or pimples.  Hindi na tayo magkakapasa o masasaktan (1Cor. 15:42-43).  Makakatanggap tayo ng special bodies made to withstand the intense glory of heaven.  Sa katawang iyon, makakaya nating tumagos sa pader (Jhn.20:19), maglakbay sa kalawakan (Ac.1:9-11), biglang mag appear at disappear (Lk.24:31), at magkaroon parin ng kakayahan na magsalita, lumakad, kumain at uminom (Lk.24:39-43).  Nangako si Jesus na Sya ay kakain at iinom kasalo natin sa  espesyal na pagdiriwang (Lk. 22:18;Mtt.8:11;Rev.19:9). 

May wedding ba sa langit na gaya ng sa Earth?

                Wala.  Bad news dahil doon hindi na kayo ikakasal ng taong mahal mo.  Ang kasal na alam natin o ang ganong relasyon ay pang dito lang sa Earth at iyon ay lumilipas.  (Mtt.22:24-30 ;1Cor.7:31) Pero ang good news ay nagplano ang Lord ng isang wedding ceremony for us as His bride.  Ang mga relasyon natin sa ating asawa ay magkakaroon ng napaka espesyal na pagbabago kapag nandon na tayo.  Ang mga relasyon na iyon ay magiging perfect sa unang pagkakataon. 

Ano pang mga bagay sa buhay dito sa Earth na wala na sa Heaven?

                Ang mga bagay na wala sa Heaven ay ang suffering, death, grief, pain, cancer, AIDS, abuse, murder, abortion, divorce, racial prejudice, stress,war, fighting, hurt feelings, disappointments, worry, emptiness, boredom, or any product of sin (Rev.21:8,27). 

May chance ba na malulungkot tayo sa langit?

                Wala.  Sa langit wala nang luha, wala nang kalungkutan (Rev.21:4) Meron sigurong mga initial tears pag dating natin don pero, nangako rin ang Diyos na papahirin Nya iyon.  In heaven, we will have the perfect mind of Christ, able to see all things from His perspective.  Ang joy natin hindi na kailanman mawawala. 

Anong gagawin natin sa Heaven?

                Heaven will never be boring.  Hindi ba ang Diyos ang creator ng lahat ng fun and enjoyment? (Ecl.2:25)  Sigurado walang sinuman ang maghihikab doon.  Hindi pa natin alam kung anu-ano ang lahat ng mga gagawin natin doon pero kabilang sa activities do'n ang mga sumusunod: 

·         We will reign with Christ (Rev.22:5)

·         Overseeing cities (Lk.19:17-19)

·         Judging angels (1Cor.6:30)

·         Governing nations (Mtt.19:28)

·         Serve Christ in ways He has yet to reveal to us (Rev.22:3)

·         Experience the greatest level of friendship and fellowship possible (Mtt.8:11; 1Thes.4:17)

·         Rest (Rev.14:13)

                We will spend forever in a never-ending joyous adventure discovering about God and His universe.  Lahat ng senses natin ay mae-enhanced, it will be heightened to the maximum with a constant and perfect fulfillment.  Magiging napakadakila ng Heaven kaya nga sinabi sa Bible na lahat ng imagination ng human mind ay hindi makakayanang abutin kung gaano iyon kadakila (1Cor.2:9).  Isipin mo na lang ang pinakamasaya at pinakaexciting mong memory at i-multiply mo yun by a billion pero iyon ay katiting parin compared sa joy na meron sa Heaven.  Kaya nga kailangan pa natin na magkaroon ng espesyal na katawan sa langit para makayanan natin ang ganoong klaseng experience. 

Final Destination              

                Kapag Christian ka, alam mo na Heaven ang naghihintay sayo pagkatapos ng time mo dito sa Earth.  Heaven is your home.  And we will be with Him one day.  Pero may mga pangyayari sa buhay natin dito na pilit na magpapalimot sa atin ng katotohanang iyon.  Ito yung mga pangyayaring nakakatakot, nakakagalit, nakakafrustrate o nakakalungkot.  Mga pangyayari na nagiging mahirap para sa atin na mag-enjoy at magrelax. 

                Dumating din sa buhay ko yung panahon na yun na pakiramdam ko lumipas na ang masasayang araw.  Na depress ako noon dahil tingin ko, nabigo ako sa mga bagay na sinikap kong abutin sa buhay na ito. Pakiramdam ko noon hindi na ako sasaya kahit kailan.  Parang natapos na ang lahat at hinihintay ko na lang na ipatawag ako ng Diyos.  Ang O.A no?  Ganun talaga ka O.A pag nade-depress.  Sabi nga, ang mga Christian paminsan-minsan dinadapuan din yan ng lungkot, pero konti lang at hindi sila nananatili doon.  Hindi sila darating sa puntong susuko na sila sa buhay at magpapakamatay.  Wala pa akong nabalitaan na totoong Christian na nagpakamatay.  Naitanong ko nga rin kung bakit.  Nalaman ko ang sagot noong ako mismo ay nasa puntong gusto ko nang mamatay. May mga bagay na hindi ko kayang i-share sa kaibigan o kapamilya.  Hindi rin ako ganon ka komportable na makita nila akong umiiyak.  Kaya sa Diyos ako naglalahad ng lahat ng nasa loob ko.  Ang bigat ng loob ko at totoong marami akong iniluha noon. 

                Ninety nine percent of the time God will speak to your mind through your spirit.  Hindi Sya gaya sa mga napapanood nating cartoons na may maririnig kang malakas na voice over na magsasabi sa tao kung anong gagawin.  No.  That's not intimate enough.  Mangungusap Sya directly to our spirits.  In that moment of depression,  God gave me His loving message and it deeply touched my heart.  Bigla ko nalang naalala ang Heaven.  Hindi lang ang ganda nito o ang amazing things na makikita roon, pero dumating din sa isip ko yung moment na magkikita kami ng Lord face-to-face.  Dumating sa akin yung thought of being with Him forever.  Pakiramdam ko, nabuhay ulit ang puso ko at naramdaman nito yung joy and excitement of that one sweet day.  From that moment, I caught myself smiling again and praising Him.  Nagkaroon ako ng bagong pag-asa at naalala ko ang mga pangako Nya. 

                Sa Bible, sinabi na in this life we will have troubles, trials and persecutions (1Thes.3:3-4; 2Tim.3:12).  Ang mga problema ay sure na darating.  Walang taong exempted.  At kahit nga ang Lord humarap din sa mga hardship at persecution. 

1Thes.5:16-18,  "Be joyful always; pray continually; give thanks in all circumstances, for this is God's will for you in Christ Jesus." 

 Ph. 3:1 Finally, my brothers, rejoice in the Lord!

 Ph. 4:4 Rejoice in the Lord always. I will say it again: Rejoice!

                Sa gitna ng troubles, trials and persecutions maging joyful?  Mag rejoice?  Posible ba talaga yun?  Nalaman ko na, kaya pala ako nakaramdam ng ganong lungkot ay dahil naiba ang focus ko.  Nakatingin ako noon sa problema ko.  Nagfocus ako doon hanggang sa unti-unti iyong lumaki at naharangan non ang mata ko sa pagtingin sa Lord.  Parang si Peter, noong inalis nya ang paningin nya kay Lord at nagfocus sya sa malalakas na alon at hangin (Mtt.14:30) natakot sya at lumubog.  Kaya pala mahigpit ang bilin sa atin sa Col.3:1-4; at Phil. 4:8

"Since, then, you have been raised with Christ, set your hearts on things above, where Christ is seated at the right hand of God. Set your minds on things above, not on earthly things. For you died, and your life is now hidden with Christ in God. When Christ, who is your life, appears, then you also will appear with him in glory."  Col.3:1-4    

"Finally, brothers, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable — if anything is excellent or praiseworthy — think about such things."  Phil. 4:8

                Focus on the things above.  Kaya tayo nakakaramdam ng mga negatibo dahil mali ang tinitignan natin.  Focus our eyes on Jesus, think of the things above.  Talagang nandun yung tukso na magpaka "nega" (negative) tayo, pero kailangang labanan natin yun.  Kapag nandyan na ang challenges, takbo ka agad  sa Lord.  He will strengthen and guide you.  And remember, merong langit na naghihintay sa iyo at doon hinihintay ka ni Jesus.  Gusto Nyang maging matatag ka sa buhay na ito.  He wants you to run the race, huwag kang magpatalo.  He wants you to fight the good fight of faith(1Tim.6:12) and He wants you to win.  Remember, in Christ we are more than conquerors?  And on that very special day, He is ready to give you the reward (Rev.22:12).  Be strong and trust Him.  :)

 "I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world." Jn. 16:33

Continue Reading

You'll Also Like

526K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
480K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...