Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Eleven

1.5K 50 1
By MicxRanjo


"IYONG gilingan, malaking pera ang ipinasok noon niyon kaya siguradong makababawi ang negosyo sa darating na anihan." Kumpay ni Enrique sa kamay habang kausap ang abogado ng pamilya na si Attorney Rosales. Larawan sa kanyang mukha ang iritasyon.

"Na hindi na masyadong dinarayo ngayon ng mga magsasaka dahil sa libreng gilingan sa bayan mula sa donasyon ng mga Guerrier. Kahit pa isang oras ang ibiyahe ng mga magsasaka para mapagiling ang kanilang mga aning mais at bigas kung lahat naman ay libre, walang kaso sa kanila iyon," agad na sagot ng kausap.

"Wala na akong magagamit pang salapi para maipambayad sa mga interes ng mga nalugi kong negosyo, paano pa kaya ang kapital? Kung hindi lamang sa bagyong sumira sa lahat ng mga negosyo ko ay hindi ako mangungutang sa bangko ng ganoong kalaking halaga para makabangon. Akala ko ay sapat na ang tatlong taon para mabawi ko ang lahat at makabayad pero..." Nagsalin si Enrique ng alak sa babasaging baso tsaka iyon tinungga.

"I also warned you not to compete with the Guerrier's line of business. Sakop nila ang maisan at bigasan dati pa. Maayos naman ang fruit plantation and poultry business mo dati pero nagpumilit kang sumuong sa linya nila at napabayaan mo ang sa iyo. Eksperto ang mga Guerrier sa negosyong iyon, pero hindi ikaw, Enrique."

"Punyeta!" Malakas na ibinagsak ni Enrique ang baso sa bar top, mahigpit na kumuyom ang kamay sa baso.

"Huli na para bumawi pa, said na ang perang mayroon ka para magpatuloy pa. Wala ka ng magagamit para ikolateral sa bangko," nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Attorney Rosales.

Tiim ang bagang na muling nilagok ni Enrique ang natitirang alak sa baso, nang matigilan at agad tiningnan ang kausap. "Ang lupain sa burol, sa tabi ng Twin-Hills waterfall, muntik ko nang makalimutan, pag-aari ng pamilya ko ang maluwang na lupaing iyon." Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

"Oo, isa iyon sa ipinamana ng mga magulang ninyo sa inyong magkapatid, pero kay Katerina nakapangalan ang pag-aaring iyon, hindi sa iyo."

Napalis ang ngiti sa labi ni Enrique. Natigilan. Nilapitan niyang muli ang sisidlan ng alak at nagsalin sa baso, sinimsim iyon nang dahan-dahan habang may nilalaro sa isipan.

"Kung papayag si Katerina na ibigay sa iyo ang lupang iyon, kalahati ng mga utang mo ay mababayaran at malaking tulong iyon, lalo pa kung maibebenta bilang isang commercial site dahil gagawin ng tourist spot ang talon, mas malaking halaga ang makukuha mo."

"I'll call her. Tatawagan na lang ulit kita kapag may balita na ako."

"Enrique, bilang kaibigan at abogado ng pamilya mo, pakinggan mo ang bilin ko, bitawan mo na ang anumang negosyong may kaugnayan sa mga Guerrier, hindi ka mananalo. Pagtuunan mo na lang ang negosyo kung saan ang kagalingan mo. Huwag kang magpadala sa iyong galit."

"Delmar," sa matigas na tinig ni Enrique, nagbabala.

"Kung ayaw mong mawala ang lahat ng kayamanan na ipinundar mo, huwag mong pakitirin ang utak mo nang dahil sa isang galit."

"Tama na. Umalis ka na, Delmar."

Napabuntung-hininga ang abogado, napailing. Kahit anong bilin pa ang gawin nito para sa kaibigan, alam nitong wala iyong silbi. Dinampot nito ang maleta at tinungo ang pinto ng silid-aklatan ng Villa De Dios. "Tawagan mo ako kaagad kapag nakausap mo na si Katerina. Send my regards to her."

Hindi kumibo si Enrique, sa halip ay nanatili ang pagtitig niya sa teleponong nasa ibabaw ng mesa. Nang mapag-isa, tumiim ang kanyang bagang. Ilang taon na nga ba ang lumipas nang huli niyang makita ang kakambal? A, hindi na niya matandaan.


Binuksan niya ang top drawer ng lamesa niyang gawa sa narra, may hinalungkat doon at nang matagpuan, binuklat ang isang maliit na papel at may binasa. Humigop siya ng hininga bago dinampot ang receiver tsaka tumipa sa mga numero sa telepono. Isang tunog. Dalawa. Tatlo. Wala pa ring dumarampot sa kabilang linya. Hanggang nakalimang ring ay walang sumagot, sa halip ay dumiretso ang kanyang tawag sa isang voice message machine.

"Hi! This is Katerina De Dios, leave your name, phone number and message and I will get back to you as soon as I can. Thank you." sa malumanay na tinig babae sa recorded greeting.

Enrique was held back and couldn't talk for a minute, until the beep sounded to hint the ending of the call. Mabilis siyang nagsalita. "K-Katerina...call me, your brother, Enrique. We need to talk." Tsaka niya ibinaba ang receiver.

As soon as he hung up, memories from the past came flooding in his mind. Mariing naipikit niya ang mga mata, ipinilig ang ulo upang palisin kung anuman ang mga iyon. Pagkuwa'y mapakla siyang napangiti nang maalala kung bakit hindi na halos sila nagkakausap na magkapatid.

Alvaro!

Mariing kumuyom ang kanyang mga palad. Muli ay umigting ang galit na kimkim sa dibdib patuon sa pangalang binanggit.



LUNCH break, naisipan ni Caleb na iabot ang maikling sulat para sa dating kasintahan. Maluwang ang mga ngiti nito nang masilayan siya. Isang matipid na ngiti rin ang kanyang iginanti.

"Ano ito?" Masayang kuha nito sa kanyang iniabot.

"Lugar kung saan kita gustong makausap. Hihintayin kita bago ka umuwi."

Lalong lumuwang ang pagngiti nito. "Sige, darating ako. See you later, Cale." Tsaka na ito tumalikod, ngunit palingon-lingon sa kanya habang lumalakad palayo.

His heart sunk at her sight. Alam niya, umaasa si Marie na magkakabalikan sila subalit desidido na siya sa gustong mangyari. Humakbang na rin siya at bumalik sa sariling klase, kahit pa wala ang buong atensiyon doon, nakuha pa rin niyang umupo at magkunwaring nakikinig sa kanilang propesor.



"OY, tusok-tusok tayo." Lapit ni Rommel at kinadyot siya sa braso.

"Tokneneng ako," sabat ni Danilo na nakisabay sa kanilang paglalakad palabas ng gate ng paaralan.

"Billiard, gago, hindi fishball."

"A, gago, linawin mo kasi." Ngising pabalik ni Danilo kay Rommel.

"Sorry, may pupuntahan ako e." Kumalas siya sa akbay ng dalawa.

Tumigil ang mga ito sa paghakbang at sabay na nagsalita. "Saan?"

"Wala na kayo roon. Sige, 'bukas na lang." Mabilis siyang lumakad palayo sa mga ito at pinuntahan ang sasakyang nakaparada sa school parking.

Kabado siya sa gagawing pagharap kay Marie. Ayaw niya itong saktan at makitang umiiyak, ngunit mas ayaw niya itong tuluyang maniwala na mayroon pa siyang nararamdaman para rito. Inihimpil niya ang jeep sa paradahan sa likod ng St. Peter's church. May parke sa likuran ng simbahan at doon siya sinagot ni Marie. Tahimik doon kaya makapag-uusap sila nang sarilinan.

Mabilis ang kanyang mga hakbang na makarating doon subalit naroon na si Marie nang makarating siya, nakaupo sa isang mahabang upuan na gawa sa malaking katawan ng kahoy.

Tumayo ito nang makita siya, kumaway at ngumiti. Sa upuan ring iyon siya nito sinagot. Muling nanikip ang kanyang dibdib. Suddenly he felt sick.

"Cale..." Larawan sa mukha nito ang sobrang kasiyahan.

"M-Marie."

"Cale!" Sinalubong siya nito't niyapos, mga braso sa kanyang baywang at pisngi sa kanyang dibdib. "I miss you so much, Cale. Akala ko ay hindi mo na uli ako kakausapin."

"Rie..." Nanlata siya. Kahit sino ay iisipin kung gaano siya kawalang puso para biguin ang kasiyahan nito. Subalit, nakapangako na siya kay Erina. Kumilos ang kanyang mga kamay tsaka ito inilayo sa kanyang sarili.

"C-Cale?" Napatingala ito sa kanya, may pagtataka sa mukha.

"I'm sorry. I promised to love you but, I can't do it anymore." Lord knew how hard it was to utter those words.

"A-anong...anong ibig mong sabihin?" Ito naman ang nanlumo, bigla ay napalitan ng pagkabahala ang reaksiyon.

"Hindi na kita mahal, Marie." Ngunit alam niyang ito lamang ang tama, masasaktan pa rin ito kahit anong dahilan ang kanyang ikatwiran.

"Caleb--" Naantala sa ere ang pag-awang ng mga bibig nito, naghahagilap ng masasabi.

"I'm sorry." Naramdaman niyang kumudlit ang kanyang puso nang makita ang pagdaloy ng mga luha nito sa mga pisngi.

"N-nangako ka sa akin, sabi mo...sabi mo mahal mo ako."

"Oo, pero Rie, ikaw ang unang tumalikod sa atin. Kahit pa sabihing ilang araw lang, tumalikod ka pa rin. Nasaktan ako."

"Pero Caleb, mahal pa rin kita."

"Ayokong magsinungaling sa iyo."

"Bakit? Bakit bigla ka na lang nagbago? Bakit Caleb?" Medyo tumaas na ang tinig nito.

Sinubukan niyang sumagot, mangatwiran, ngunit ang lahat ng iyon ay hahantong lamang sa iisang kasagutan.

"M-mahal mo na ba siya? Agad-agad? You hardly know her?"

"Marie--"

"Imposible. Nahihibang ka lang dahil sa kasuotan niya. Ano, inakit ka ba niya? At nagpatukso ka naman? It was just a fling, Caleb, you couldn't possibly seriously love her?" Napalitan ng hinanakit ang pagtititig nito.

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi totoo iyan." At ito rin ang kauna-unahang pagkakataong narinig niyang nagsalita ito nang ganoon sa kapwa.

"I can't believe you. Ipagpapalit mo ako sa isang flirt?"

"Marie."

"Ang taas ng tingin ko sa iyo. Akala ko ay iba ka kaya minahal kita. Hindi ko akalaing ganoon ka kadaling matukso."

"Hindi totoo iyan," tumigas ang kanyang tinig.

"It is! Tingnan mo nga iyang sarili mo, ipinagtatanggol mo pa siya." Hindi niya masisisi ang galit na ipinapakita nito.

Napailing siya. Lumunok. Sinuklay ng mga daliri ang makapal na buhok. Mabilis ang bawat paghapyo ng kanyang dibdib. Nagpalinga-linga sa paligid ng parke na parang may hinahanap, ngunit ang totoo ay ayaw niyang salubungin ang mga titig ng dating kasintahan. Huminga siya nang malalim saka iyon marahang pinakawalan.

"Cale, look at me. Siguro ay infatuated ka lang sa kanya. Isang linggo, bibigyan kita ng isang linggo para...palipasin ang p-pagnanasang nararamdaman mo sa kanya--"

"Iyon ba talaga ang tingin mo sa akin?" mariin niyang agaw.

Ngunit hindi nabawasan ang paniniwala nito.

"Wala na tayo. Isang araw man, isang buwan, o isang taon ang pagitan, wala na tayo. Nang ligawan kita at naghintay ako nang matagal sa iyong kasagutan, iyon ay dahil totoo ang damdamin ko sa iyo. Kaya iyong pakiramdam na basta mo na lang tinapos ang ating relasyon, sinaktan mo ako. Without giving me any reasons, you turned your back at me."

"Sinabi ko naman na kung bakit 'di ba? At hindi nangangahulugang hindi na kita mahal, na totoong tapos na tayo. Bakit hindi ka naghintay?"

"Sinabi mo bang hintayin kita?"

"Kung talagang minahal mo ako iyon ang dapat na ginawa mo."

"Kung totoong pinahalagahan mo ang damdamin ko sa iyo ay hindi mo dapat sinabi ang mga katagang hindi mo na ako mahal. With those words alone made me think I no longer had the right to love you anymore. You did not just dump me, Marie, you also pushed me away. I can love a hundred times, but I will only allow myself to get hurt once."

"Caleb...how can you be so cruel?" Napalitan ng mga luha ang galit nito, muli ay nagsumamo.

"Cruel?" Napasinghal siya. "Oo, natukso ako, aaminin kong natukso ako pero hindi sa inaakala mong dahilan. Wala na tayo nang makaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Tinapos mo na ang ating relasyon bago pa man may mamagitan sa aming dalawa. Wala akong kasalanan sa iyo, kaya huwag mong iparamdam sa akin na tila wala akong kuwentang lalaki. Huwag mo akong sisihin sa pag-iiba ng aking damdamin, at lalong hindi ko ginamit ang pagkabigo ko sa iyo para lang pansinin siya."

"I-I'm sorry, Cale." Tumakip ang mga palad nito sa mukha, ibinuhos doon ang pag-iyak.

"Sorry din." Pinalipas muna niya ang ilang minuto bago isinagot iyon, ang tanging natitirang mga kataga sa kanilang pagitan. "Ihahatid na kita sa inyo." Siya ang unang tumayo.

"M-mahal pa rin kita, Cale, hindi magbabago iyon. K-kahit wala na tayo, sana isang araw, bumalik ka rin sa akin. Maghihintay ako." Tumayo na rin ito at nagpatiuna sa paghakbang patungo sa kanyang sasakyan.

Pinanood niya ang likuran ng dating nobya, nilaro sa isip ang huling sinabi nito. Hindi mangyayari iyon dahil...sigurado siyang wala ng lalalim sa nararamdaman niya ngayon para kay Erina.




KATERINA just came back from the hospital where she was working at as a nurse. Naligo siya sa ospital at nagpalit ng damit bago umuwi. Hinubad niya ang mga sapatos, maayos na inilagay sa shoe rack sa tabi ng pintuan. Tumama ang kanyang paningin sa mga maletang nasa sala, isang malaki at maliit, ang kanyang passport at isang brown envelope kung saan nakasilid ang school paperworks at ibang dokumento para kay Erina.

She wasn't sure if she wanted to go back, but a call from her brother, Enrique helped her decide to finally return after so many years. Isa pa, kailangan siya ng mahal na pamangkin, at alam niyang siya lang ang makakapitan at kakampi nito sa lahat ng bagay. Wala siyang alam na dahilan upang pagdamutan si Erina ng pagmamahal ng sariling mga magulang, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kung tratuhin ng mga ito ang anak.

Sinipat niya ang orasan sa bisig, alas sais na nang umaga, katatapos lang ng kanyang night shift. Dumiretso siya sa silid, hindi sinindihan ang ilaw at hinayaan ang dim na ilaw sa table lamp ang tanging liwanag sa silid. Nagpalit siya ng pambahay, nahiga sa kama at nagdesisyong matulog.

May isang buwan pa bago ang kanyang bakasyon sa Pilipinas ng dalawang buwan. Isang buwan pa ang gugugulin siya sa night shift duty bago tuluyang makapagpahinga. Kahit hindi pa siya sigurado kung ano ang dapat maramdaman sa nalalapit na pagbabalik, mas pinagtuunan niya ng pansin ang kalagayan ni Erina.



UNIVERSITY of PEÑAFLOR CAGAYAN VALLEY, basa ni Erina sa pangalan ng paaralang pinapasukan ng kanyang mga kapatid, Juliet, mga barkada ni Caleb, at ni Caleb mismo-- isang pangunahing kolehiyo sa bayan ng Peñaflor. Naisip niyang dito rin ipagpatuloy ang pag-aaral kaya excited na pumunta rito.

Pagkatapos makakuha ng Visitor's ID badge sa security office ay naglibot siya sa buong campus. Humanga siya sa magandang arkitektura ng school buildings at kung paano pinanatili ang natural at alagang mga puno at halamanan, para tuloy siyang pumasok sa isang gubat dahil sa maberdeng kapaligiran. Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang hiyawan ng mga estudyante sa isang basketball court.

I wonder where Caleb's class is, sa wakas ay pinagbigyan din niya ang sariling ilabas ang tunay na nararamdaman sa kanyang pagdayo sa paaralang ito. Kinilig siya sa sarili nang ma-imagine kung paano magugulat si Caleb kapag nalaman nitong narito siya ngayon at dito rin mag-aaral. Hindi na siya makapaghintay pang mahanap ito.



"PANAWAGAN lang po sa nawawalang bata—biro lang..." panimula ng boses lalaki na nagsalita sa school paging system na bumulahaw sa buong campus, "Paging Caleb Guerrier of BSBA department, may naghihintay sa iyo rito na super gandang babae—ito hindi biro," muli nitong ng pak'wela, "Hihintayin ka raw niya rito." Inulit pa nito iyon ng dalawang beses bago tinapos.

Saglit na napaisip si Caleb, nilaro sa isip kung bakit nabanggit ang kanyang pangalan sa pager at sino ang babaeng naghahanap sa kanya. Pagkuwa'y biglang nanlaki ang kanyang mga mata at agad na tumayo mula sa silya, dinampot ang backpack at patakbong lumabas ng library. Pumanaog siya ng hagdanan mula sa third floor, lumabas ng gusali at tinungo ang Mass Communication building kung saan nakapuwesto ang paging room.

May kutob na siya kung sino ang naghahanap sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman, ngunit sigurado siya na ang kabang nararamdaman ay dahil excited siya na makitang muli ang dalaga.

A/N:

H'yeah! Thanks for reading! Don't forget to vote and your reactions are much appreciated. Share if you like it.

Thanks!

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

93.3K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.6M 99.4K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
95K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?