My Fishy Love [A Voiceless Fa...

By allydilydaly

11.1K 240 79

More

My Fishy Love
[1] Cause it's all about me

[2] First Impressions

1.4K 44 41
By allydilydaly

AHHH! Ang sarap ng feling nang makalabas ng bahay!

God! 3 weeks akong hindi lumabas nang bahay. Ang pangit ko na nga eh, ang pale na nang balat ko. Ikaw ba naman yung hindi maarawan nang 21 days, hindi ka mamumutla? Sarap nang feeling nang araw sa balat ko.

Ayos lang naman na maarawan ako eh. Haha. Maputi naman ako. Hahaha.

Well, pupunta muna ako ng coffee shop. Nakakatamad sa bahay eh. Ang boring. Wala si mommy, wala si dad. Wala rin si kuya. Sus.

Ang loner nang dating ko kapag nandun lang ako, kaya labas kung labas!

Pag-pasok ko sa coffee shop, naka-amoy na ulit ako ng mga muffins. Freshly-baked blueberry muffins.

At yung mga éclairs!

Chocolate,  Vanilla, Pistachio, Caramel eclairs all for my taking. Kawawa nanaman ang bulsa ko nito, pero wa-pakels ako. Basta mapakain ko lang yung mga bulate sa tiyan ko.

NOM NOM NOM NOM NOM NOM NOM

Oh, ito yung laman nang tray ko ngayon.

Tig-iisang slice ng strawberry shortcake (na para akong bumalik sa pagkabata ko), vanilla heaven (plain man, pero it packs in amazing flavor), banofee pie (perfect combination of bananas and caramel), dark choco loco (super sinful, and the best part, sugar-free!), Pandan-dalandan (super weird na sobrang sarap. Nagtatalo yng flavor nang citrus with the sweetness of pandan), ube macapuno tarte (parang nasa laguna lang), mango bravo (perfect. Summer na summer!)

May mga chocolate bars rin akong binili.

Funky Monkey (punong puno nang marshmallows), Cafe' Latte (the marriage of latte and the decadence of a candy bar), Singapore Sling (dark chocolate, flavored with brandy and maraschino cherries), B-52 (One of my favorites. Caramel bits mixed with Bailey's) at ang pinaka-favorite kong Chocolate bar, The Rock (A white chocolate bar with swirls of dark chocolate packed with hazelnuts and almonds)

Syempre, palalagpasin ko ba naman yung mga pasta nila? Dalawa lang naman yung inorder ko, eh. Cheesy pesto lang naman and carbonara. Wala daw spaghetti with meatballs eh.

Sayaaang. Favorite ko pa naman yun >3<

At isang napaka-laking Extra-Large Strawberry milkshake na bottomless.

Oh, talbog kayo, no? Kung sa kainan lang, wag niyo na akong kalabanin. Masasayang lang oras niyo, dahil ako. Ako na eh. Ako na ang matakaw. Hahahaha

Buti nalang walang masyadong tao dito sa cafe' ngayon. Nakaka-shock nga eh. There are just a handful of people na nandito samantalang it's a Saturday. Sabagay, it's just 2pm.

At may laban si Manny Pacquiao, kaya siguro walang masyadong tao. Tama lang yan. Para konti lang yung makaka-kita sa katakawan ko.

Pero alam naman nang mga tao dito sa village yung katakawan ko eh, so why bother, 'di ba?

Nung maka-rating na ako sa counter, na-shock ako sa bill. Php 1,746.00

Pwedeng pa-utangin niyo ako? Please?

Bayaan na nga natin. Matagal rin naman akong hindi nakaka-labas, eh. Pag-bigyan nalang ang mga anaconda sa tiyan ko.

Alright! Simulan na natin ang pag-aalay nang pagkain sa tiyan ko. Hahaha

Pero bago pa man ako maka-subo nang isang pirasong Strawberry Shortcake, eh may napansin akong parang may naka-tingin sa akin dun sa katabing table ko.

Nung nilingon ko, ang masasabi ko lang, eh WOW.

Mas marami pa siyang pagkain sa akin!!! Inggit ako!  Sabi ko na nga ba, eh. Kulang yung binili ko. Darn. At parang mas masarap yung mga napili niyang cake kesa sa akin?

Unfair! Unfair!

At ang pinaka-unfair pa, bakit may sphagetti siya?! Akala ko ba, not available? Tapos, ngayon, meron na kaagad? Ano 'to, lokohan? WEH?

Hala. Napansin niya ata na tinitingnan ko siya. DEYM. Maka-tingin na nga sa labas.

PSSSSH. Sana hindi na naka-tingin sa akin yung poging nilalang.

Lagot. Naka-tingin pa rin. Patay tayo jan.

Isip. Isip. Isip.

"May dumi ba sa mukha ko?"

"Ha?" Sabi nung mokong. DUH. Sino pa ba yung nakatingin sa akin? Baka si Wako-wako, pero malabo, eh.

"I said, "May dumi ba sa mukha ko?" Naka-tingin ka kasi sa akin, eh"

"Hindi ako naka-tingin sa'yo, naka-tingin ako sa labas"

"Ahh. Okay" Sabay yuko. Pahiya ako dun, ah?

Grabe. NAKAKA-HIYA!!! Ayan, feelingera ka kasi masyado, Aly.

Sige, ako na. Ako na yung napa-hiya. Supalpal ako, dun. PSH. Akala mo naman kung sinong gwapo. WHATEVER.

Maka-kain na nga lang.

Pero bakit may spaghetti with meatballs siya? Dapat ako rin. UNFAIIIR!

Patayo na sana ako (kasi tatanungin ko sa counter kung may spaghetti pa. Blame it on the bulate, guys!)  nung napa-sulyap ulit ako sa kanya, and sure na sure na sure na ako na naka-tingin siya sa akin.

Positively, absolutely.

Alam ko na.

"Excuse me, anung tinitingnan mo sa labas?"

"Wala. Yung araw"

"It's impossible to look at the sun. It's against every instinct in your body. You're supposed to look away from the sun, not stare at it directly."

"I know that. I'm not looking at the 'sun'. By 'araw', I meant 'day'. I'm looking forward to the day that I'm going to have, on how the weather can affect my day. And I can see that it's sunny, so I might go for a walk today. You know, you shouldn't take things too literally. Life's abstract, remember?"

"Excuse me? I don't know what you mean by that. Are you saying that we've met before?"

"I don't know. You tell me."

"Hindi kita kilala"

There was something that crossed his face pero it was in a milli-second. Hindi nga ako sure kung nangyari nga yun, eh.

"Same here. Hindi rin kita kilala, pero I think I have seen you before"

"I would doubt that. Hindi ako lumalabas ng bahay"

"Oh, okay. Maybe nagkakamali lang ako"

"Yeah. Baka nga"

Oh, 'di ba? At least hindi na awkward kahit na balingan ko siya nang tingin ngayon, kasi, kahit papaano, we've made small talk. Kahit na he's a complete stranger, I can tell that he's kind naman. OKAY. Baka medyo biased ako kasi pogi siya, but still, he looks like the type of person that you can be friends with. And malay mo, baka maging friend ko pa 'tong isang 'to, 'di ba? Hahaha

Well, maka-kain na nga lang. Nagugutom na ako eh. Salita nang salita, sayang yung pag-kain na nasa harap ko.

NOM NOM NOM NOM NOM NOM

Ang chalap-chalap naman nuun. (-ὡ-)

Kahit na buong buhay ko, cake nalang yung kakainin ko, okay na ako. Masaya na nun yung buhay.

Kahit puro chocolate and vanilla and strawberry and lemon and merengue and pandan and ube and banana and red velvet nalang yung mga flavors na nanjan. Wala nang bitter sa mundo.

Masaya kaya kung lahat nalang nang food, eh puro cake? Edi lahat nun nang tao eh masaya na, kasi puro sugar, kaya palagi nun tayong may sugar rush. Iih. Ang saya-saya nun.

Habang masay akong naka-immerse sa pag-lasap nang mga cake ko, may taong umupo across me.

"Hindi mo na ba talaga ako nakikilala?"

Si pogi. Nasa harapan ko. Anubeeh?

"Nope. I would have recognized you if I know you. I don't"

"Are you sure?"

"Absotuvly, posituvly. Must not panic. Hahaha"

"I know that line. Little mermaid, right? Your favorite since you first saw it on your 5th birthday"

"Excuse me, what?" Ako naman yung hindi makapag-salita ngayon. Paano niya nalaman na nung 5th birthday ko yun unang napanuod?

There's something about this guy. I just couldn't place it.

"Oh, nothing. So, you go to the IS?"

"Yeah. I'll be a freshmen this coming school year. Ikaw? Do you go there too?"

"Yeah. I'm actually a sophomore this June"

"Ahh. Wait lang, how do you know na pumapasok ako sa IS?"

"Nakikita kita. Kapag pumapasok ka papuntang school"

"Ahhhh" Weird. Ako nakikita niya, siya, hindi ko nakikita. Ang weeeeeird.

"So. See you next week."

"Huh?"

"Start na nang classes next week."

"Oh. Uhm. Yeah. See you next week!"

Malapit na siya sa door when I remembered to ask for his name.

"Wait. I didn't catch your name!"

"It's memo."

Ano daaaw? Memo? As in yung ginagamit sa office nila daddy na binibigay sa mga employees kapag may news about the company? Yun ba kamo? Patawa naman 'tong isang 'to.

Ma-asar nga. Hahahaha.

"What? I didn't quite get that. Nemo?"

Lumapit siya ulit sa table ko, na surprisingly, marami pa ring pagkain. Walang basagaaan.

"It's Memo. Not Nemo." Tapos, tumalikod na ulit siya papunta sa door.

"Ohh. Okay. Bye Fishy!"

Nakita ko lang siyang nag-shake nang head, tapos tumawa.

Weird, but in a very cute way.

Continue Reading

You'll Also Like

47.3K 3.1K 79
Si Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang pa...
159K 7.5K 54
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
84.9K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...