Dayo

By helliza

1M 44.2K 9.1K

Dayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masak... More

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
kabanta 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas

Kabanata 10

22.7K 980 149
By helliza

10.

      Dapit-Hapon ang tawag sa mundo ito. Hindi nila alam ang planet earth lalong hindi nila alam ang Pilipinas.

     Ang Dapit-Hapon ay pinamumunuan ng Hari at Reyna na may Konseho na binubuo ng sampung Tagapayo. Sila ang nagsa-suggest ng batas sa hari. Habang ang hari ang pipirma at magpapatupad niyon.

    Mabuti si hari Rolando. Ngunit ng mamatay ang reyna at ang labing-lima taon gulang nitong prinsepe. Tila nawalan na ito ng gana na mabuhay.
Lagi ito tulala. Kumikilos pero hindi ngumingiti. Unti-unti napabayaan ng hari ang Dapit-Hapon.

     Naging sunod-sunudan si hari Rolando sa mga konseho nito.
Mga Konseho na inaabuso ang kawalan sigla at gana ng hari.

     Naging magulo sa Dapit-Hapon. Nagkalat ang masasama tao. Dumami ang mga umaabuso.

     Walong taon na madilim at puno ng karahasan ang bawat bayan dito.

     Ang Sandugo. Ang grupo ni Drigo ay isa mga palihim na tumutulong sa mga naaapi at inaabuso.

     Hindi malinaw sa akin kung paano nabuo ang grupo. Kapag tinatanong ko kasi umiiwas sila kaya hindi na ako namilit.

     Matagal-tagal na din na naandito ako. At dahil medyo nakapag-adjust na ako hindi na gaano maingat at bilang ang kilos ko.

     Akala ng iba naengkanto o nababaliw ako kaya kakaiba ang kinikilos ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi. May amnesia lang ako. Hindi ako baliw kaya sigurado ako na nasa iba mundo ako.

     At hanggang ngayon wala pa din ako nasasagot sa mga tanong ko. Isa na doon kung paano ako na punta dito.

     May isa pa ako dilemma.

     Boredom. Hindi ko alam kung bakit, but I feel so restless. Tulad ng sabi ko hindi sanay ang katawan ko sa mga ginagawa ko dito.

     Dito sa Dapit-hapon walang ginagawa ang mga babae kundi gawain bahay lang. Hintayin ang mga kalalakihan na dumating. Well maliban pala kina Sena, Winona at Trina na minsan ay kasama umaalis nila Drigo.

     Speaking of Rodrigo. Until now hindi ko parin alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Hanggang ngayon lito padin ako sa mga kakaiba at bago pakiramdam na nararamdaman ko sa kanya.

     Mula sa sa pagkakaupo sa bangko nasa may bakuran napaunat ako ng maalala ko ang pinangako ko sa kanya.

     "Ipangako mo na hindi mo ako iiwan."

     "Ha?"

     "Ipangako mo na hindi ka aalis sa tabi ko hanggat hindi pa bumabalik ang alaala mo."

     Hanggang ngayon ramdam ko padin ang pagkadismaya ni flirty side ko. Akala ko ang ibig nya sabihin ay huwag ko sya iwan.

     Assume pa more--- sensible side.

    Pasagi-sagi din sa isip ko ang ginawa nya paghalik sa akin. Pilit ko winawala sa isip ko iyon pero paulit-ulit din na bumabalik.

     Nakakainis lang kasi na parang ako lang ang apektado. Patuloy sya sa mga ginagawa nya samantalang ako napapahinto.

     Huwag na kasi isipin --- sensible side.

     Pwede ba hindi. --- flirty side.

     Oo kung gugustuhin mo, pwede. --- di papatalo si sensible side.

      Geez nababaliw na naman ako. Ang masaklap pa iyong taong dahilan ng pagkabaliw ko mukha hindi apektado.

     Lagi sya may lakad sa mga nakalipas na araw at kapag naandito sya hindi iilang beses na nagtatama ang mga mata namin. Minsan nakangisi iyong ngisi na lagi ko nakikita sa kanya at kinaiinisan ko ngayon. Kasi parang paulit-ulit nya pinapaalala sa akin na hinalikan nya ako. Hindi ko tuloy maiwasan na samaan sya ng tingin na ginagantihan nya ng halakhak.

     O diba nakaka-high blood ang sarap lang halikan.

     At dahil nalilito ako iniiwasan ko na mapagsolo kami. Bukod pa na ang sama ng tingin sa akin lagi ni Sena na obvious na obvious na may gusto sa gwapo pinuno.

    “Wala naman ako plano na agawin ang pinuno nya unang-una hindi ako tagarito.” Sabi ko sa sarili ko bago bigla natigilan ng maalala ko ang eksena namin binata bago ito umalis tatlong araw na ang nakakaraan.

    Nagprisinta ako noon sa paghuhugas ng plato sa likod-bahay. Iyong tubig na dati sa balon kinukuha ngayon ay sa ilog na. Pahirapan ang tubig nito makalipas na ilang araw. Bakit? Tinakpan lang naman ang mga balon. Nagpatupad ng bago batas na babayaran na ang tubig, sa buong Dapit-Hapon.

     Tatlong pilak para sa isang balde. At dahil hirap na nga ang mga tagarito hindi nila magawa makabayad.

     Sa ilog ngayon nag-iigib. Ngunit may mga Tagapagparusa na  pagala-gala doon. Pinagbabawalan ang mamayanan na kumuha ng tubig.  Kaya naman kailangan pa pumuslit.

     “Grabe ang mga Konseho na iyan pati tubig pinagdadamot.” Naisip ko habang sinasabon ang mga plato sa mesang nagsisilbi lababo.

     Nakarinig ako ng kaluskos mula sa likuran ko. “Palagay na lang dyan iyong tubig Pedro. Thank you.” Sabi ko. Si Pedro ang inutusan ni Nanay Geneva na kumuha ng tubig.

     “Dito ba binibini?” Napatigil ako sa pagkuskos ng plato gamit ang isang tela at likido kulay dilaw na nagsisilbing sabon.

    Mula sa pagkakatalungko napaunat si flirty side ko at nabuhay ang dugo.

     Dahan-dahan ko sya nilingon.

     Suot nya ang isang kulay itim na tila t-shirt. Nakatali ang mahaba niya buhok at may buri bag sa likod nya. May nakasukbit din palaso doon. 

     Kumunot ang noo ko. "May lakad ka?”

     Hindi nya ako sinagot. He just crossed his arms and look at me.

     Ayan na naman iyong titig nya na para bang may nakikita sya sa akin na hindi nakikita ng iba. At sigurado ako na ilang segundo lang ngingisi sya.

      Hindi nga ako nagkamali. Tumaas ang sulok ng labi niya.

     Bigla ko binitawan ang ginagawa ko. Tumalsik ang tubig na nagpabasa sa kulay brown kong bestida. Hinarap ko sya.

     “Pwede ba. Magkalinawan nga tayo Pinuno Drigo. Bakit ba ganyan mo ako titigan?”
    
      Lalong tumaas ang sulok ng labi niya.

      “Paano ba kita titigan binibining Mary Rayette?” Nakakaloko nyang tanong.

    Ehh Drigo why so gwapo. Pabebe tili ni Flirty side ko.

    “Ganyan, kung makatingin ka sa akin nakakaloko. Tinitignan mo ako na para bang may nakikita kang kung ano sa akin na hindi ko maintindihan. Pagkatapos ganyan, ngingisihan mo ako. "What it is dudes?" nilapitan ko sya. “May problema ka ba sakin?”

     Ang magaling na nalalaki hindi umimik at tinitigan lang ako.

     “Ano na?” impatiently kinamot ko ang tungki ng ilong ko wala pakialam kahit bahagya iyon nalagyan mg sabon.
 
     “Alam mo ba na ang kulay lupa mo mga mata ay nagiging tila apoy kapag naiinis ka ng ganyan. At nagiging tila basang lupa sya kapag nagiging determinado kang gawin ang isang bagay?” he said na hindi ko naman na gets.

   Speechless. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi nya.

     “A-ano ba iyang pinagsasabi mo?”

     “Ikaw ang kauna-unahang babae na sumilaw sa akin binibini Mary Rayette.”

     Geez bumabanat ba sya kinikilig ako. Halos maihi sa flirty side ko, kilig na kilig ang bruha.

     Lumunok ako tumikhim. “Hindi ko alam kung nambobola ka pinuno o nantri-trip.” Tinalikuran ko sya. Ibinalik ang pansin sa paghuhugas. “take care na lang sa kung anong man na gagawin--,”

     Nahinto ako sa pagsasalita ng bigla nya ako iharap. Dahil hindi ko gusto mabasa at malagyan ng sabon ang damit nya iniiwas ko ang mga kamay ko sa kanya. Napasadsad ako sa dibdib nya at tumama ang labi nya sa noo ko.

     Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko. Sinubukan ko lumayo ngunit lumipat lang ang isa nya kamay sa bewang ko.

     “Mag-ingat ka dito Mary Rayette.” Bulong nya na ang mga labi ay nasa noo ko pa din. Bahagya sya lumayo para tignan ako ng deretso sa mga mata. Bago nya muli idinikit ang labi sa noo ko. Sa pagkakataong iyon para sa isang magaan na halik.

     His famous smirk is the last time I saw bago sya tuluyan umalis ng araw na iyon.

     Napailing-iling ako para maiwaksi ang eksena iyon sa isip ko.

     Hindi ko lang talaga maintindihan bakit nya ginawa iyon? Diba kapag hinawakan o hinalikan ng lalaki ang isang babae dito dapat nya pakasalan.

     Di dapat pakasalan ako ni Drigo ilan beses nya na ako hinawakan diba. Nagtatalon sa tuwa si Flirty side sa naisip.

     Kung isa ka taga Dapit-hapon. Ang problema Rayette sigurado ka hindi ka tagarito. Iyon din siguro ang nasa isip nya. Alan nya wala lang sayo ang paghawak-hawak na yan. Rason ni sensible side.

     Nagulo ko nalang ang buhok ko sa ala-alang iyon.  Bumalik ako sa room. Maghahanap ng gagawin baka kasi tuluyan na ako mabaliw dito.

     Pagpasok ko naispatan ko ang mga gamit pantahi sa may lumang tokador. Matagal ako nakatingin doon pagkuway napangisi.

     Bakit nga hindi.

🦁⚘🦁⚘🦁

     Masaya ko pinagmasdan ang sarili ko pagkatapos kong tahiin ang bestida suot.

     Dahil may pagkakonserbetibo ang  mga tao dito. Hindi ko iyon pinutol. Tinahi ko lang style jumper ginawa ko tila pantalon. Iyong longsleeve ginawa ko three-fourth. Para ako nakaover-all. Buti nalang pala nagkainteresan ko magbasa ng libro noon tungkol sa pananahi.

     Natigilan ako.

      Omg. May naalala ako.

     Naalala ko ang title ng libro. Needle and Me.”

      "Malapit ko na bang maalala ang mga nakalimutan ko?”

     Ngunit nang sinubukan kong may alalahanin pa sumakit lang ang ulo ko.

      Bumuntung-hininga ako at lumabas na lang. Tulad ng inaasahan ko nagulat sila sa suot ko.

      “Rayette?” si Nanay Geneva.

     “Binibini?” si Anita na hindi na nga umalis dito at lagi nakadikit sa akin. Kahit hindi ko sya utusan hawak nya na kaagad ang kailangan ko. Sinabihan ko na sya na hindi nya na kailangan gawin iyon pero ginagawa nya parin. Hinayaan ko na lang. Sinigurado ko na lang na hindi sya nagmumukha katulong ko sa mga pinaggagawa nya.

      “Anong ginawa mo sa baro mo Ineng?” ni Nanay Geneva.

      May hawak syang papel at nakapalibot doon sina Sena, Trina,Winona, Anita at ilan pang kababaihan. May mga lalaki din na may edad na. Si Mang Artemio na tatay ni Trina. At si Fausto Delfin na isa sa pinakamatanda sa grupo ni Drigo. Medyo hindi ko ito kasundo dahil laging may puna sa gawa ko. Hindi naman ako naiinis natutuwa pa nga akong makipagdebate sa kanya.

     Kumamot ako sa ulo. “Ahm tinahi ko Nay. Hindi po kasi ako sanay sa bestida Nay. Nahihirapan ako kumilos.”

     “Napakaimoral hindi mo ba alam na bastusin iyang tabas ng damit mo.” O diba may comment kaagad si lolo.

     “Lolo Fausto. Imoral kaagad iba lang ang tabas ng damit bastusin kaagad.”

     “Bastusin. Kitang-kita ang korte ng katawan mo at huwag mo ako tawagin lolo hindi kita apo.”

     “Lo, may korte talaga ang katawan ko kaya imposible hindi nyo po makita iyon. At ano pong itatawag ko sa inyo Tatang o tanda.”

      “Ikaw na--,”

      “Maganda naman diba.”

      Mabilis na sumang-ayos si Anita sa akin. Sunod si Trina at Winona. Si Sena tumingin lang.

     “O di ba Lo.” Nakatawa binalingan ko ang matanda.

      May sasabihin pa sana ito. Hindi na lang naituloy dahil nagsalita ulit ako.

     “Ano iyan Nay?” tukoy ko sa papel na hawak nya.

      “Galing sa Tagapagbalita.” Ang tagapagbalita na sinasabi niya ay ang mga mensahero na nagdadala ng mga news sa kung ano man nangyayari sa buong Dapit-hapon. Mga mensahero din sila na naghahatid ng utos ng mga Konseho o ng Hari mismo.

      “Ano po sabi Nay?”  tanong ko.

      Umiling sya. “Hindi namin alam?”

      Kumunot ang noo ko. Nakabukas naman ang papel bakit hindi nila alam ang sinabi?

     “Wala po nakasulat?” ako.

      “Wala pa si Drigo kaya hindi naman malalaman ang nakasulat dito.”

     “Ho?” lalo ako nalito. “Hindi nyo po ba pwede basahin? Kailangan si Drigo talaga?”

     “Taklesa bata. “ si manong Artemio. “Paano natin babasahin iyan kung hindi naman tayo nakakabasa.

     Nabigla ako sa narinig ko.

      Hindi sila marunong magbasa!

      “Hindi kayo marunong magbasa lahat dito?” hindi nakatiis na tanong ko.

      “Wala ka bang alam na bata ka. Kelan pa nagkaroon prebeleheyo tayong mahihirap na maturuan magbasa at makapag-aral. Mula pa sa mga ninuno natin ganito na. Masyado malaki kabayaran ang kailangan sa paa-aaral, paano mo hindi alam.”

       Gulat na gulat ako sa narinig ko.

       Hindi sila pwede mag-aral dahil mahirap lang sila?  Malaki pera ang kailangan para makapasok sa eskwelahan.

     Bakit wala ba public school dito? Puro private lang?

     "Wala po bang paaralan para sa mga mahihirap?"

     "Ano bang pinagsasabi mo bata ka. Wala paaralan para sa mahirap. Saan ka nakarinig at nakakita ng ganon? Kapag mahirap ka wala ka karapatan matuto. Wala ka karapatan turuan na magbasa."

     “Mayaman o mahirap. Lahat may karapatan matuto. Lahat pwede magbasa. Pasintabi po pero talaga nakakagago ang mga naging batas ng hari nyo dito. No scratch that. Unang gago ang mga konseho nyo dahil sila ang gumagawa ng batas.” Inis na sabi ko.

     Dahil lang mahirap hindi na pwede mag-aral. Wala ba tulong na binibigay ang gobyerno at ganito ang pamamalakad dito.

     Anong klseng sistema ba meron ang Dapit-Hapon?

     “Hindi ka talaga nag-iisip na bata ka. Nauuna ang bibig bago ang utak. Hindi na ako magtataka kung ikamamatay mo yan.”

     “Hindi ho. Ang pagiging mangmang at walang alam ang maaring ikamatay ng isang tao. Hindi ho pwede ganito. Hindi ho pwedeng hindi kayo pag-aralin dahil mahirap kayo. Kahit pagbabasa hindi pwede? That absurd. Hindi aasenso ang lugar na ito kung ganyan ang sistema nyo.”

     “Abat nagmamarunong ka talaga sige nga ikaw bay marunong magbasa?” kinuha ni Lolo Fausto ang papel kay Nanay Geneva. Hinagis sa akin.

Sinalo ko naman, binasa.

     Sa mga mamayanan ng Liwayway. Ipinaparating namin na kailangan magdagdag ang bawat isa tao nang isang pilak para sa kanilang dalawang pilak na buwis. Ito ay ipapatupad ikatlong araw pagkatapos ng nilagdaan petsa. Inaasahan ang pagsunod ng lahat.
Kung sinoman ang ang susuway ay paparusahan ng labing limang hagupit at ikukulong ng sampung buwan.

     Ito ay isinulat nilakdaan at  pinapatupad.

Ladga
Ang Punong Konseho

This is fuck.

     Sa ilang araw ko rito nakita ko kung paano hirap na mabuo ng ilang tagarito ang dalawang pilak na buwis na binabayad tuwing kinsenas at katapusan. Tapos dadagdagan pa. Eh ano lang ba ang kabuhayan nila dito. Pagsasaka, pangingisda at pagtitinda ng gulay.

     “Mga sakim alam nila na hirap na tayo, dadagdagan pa nila ang buwis. Ano bang gusto nila mamatay na lang tayong lahat.” Komento ni manong Artemio.

     “kailangan malaman kaagad ito ni Drigo.” Si Sena.

     “Totoo ba na iyan ang nabasa mo o gawa-gawa mo lang.” si Lolo Fausto.

     Ibinalik ko sa kanya ang papel.

     “Nay papuntahin nyo lahat ng naiwan na kagrupo ni Drigo. Kung may gusto pa kahit hindi miyembro dalhin nyo rito.”

     “Bakit Ineng?”

“Tuturuan ko kayong lahat magbasa. Kung gusto nyo magbago ang sistema nyo rito simulan muna natin sa mga nalalaman nyo.”

      Lahat sila napatanga sa akin.

      Yes tuturuan ko sila kahit dito man lang mabayaran ko sila.

  🦁⚘🦁⚘🦁⚘

     
     “Anong nangyayari dito?”

     Mula sa pagsusulat sa puting tela gamit ang tubig na kinulayan ko sa pamamagitan ng mga pintura. Napatingin ako sa grupo ni Drigo nakararating lang.

     Naabutan nila ako tinuturo ang pagsama ng patinig at katinig para makabuo ng mga salita.

     Ikalawang-araw ng pagtuturo ko.

Halos lahat ng taga-Liwayway pumupunta dito. Mapabata o matanda tinuturoan ko. Babae o lalaki.

     “Ikakapahamak mo itong bata ka.” Naalala ko sabi sa akin ni Lolo Fausto na kinakibit-balikat ko lang.

     Sanay ako dyan.--- badass side

     Napailing na lang sa akin si Lolo Fausto. Pero ngayon halos nababasa na ng matanda ang abakada gawa ko.

    Kahit sina Trina, Sena, Winona, Anita at Nanay Geneva nagpaturo sa akin.

      Ramdam ko ang kagustuhan ng lahat na matuto kaya pinagpupuyatan ko ang lesson plan ko.

     Naisip ko pa nga baka isa akong teacher dahil pulidong-pulido ang pagkakagawa ko.

     Hindi ko pinansin ang mga bagong dating pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nakita ko ang paglapit ni Nanay Geneva sa kanila at ang paglalakad nila sa kubo nagsisilbing opisina.

     Sampung minuto pa lumabas si Ejercito.

     “Pinapatawag ka ni Drigo Binibini.”

     Tumango ako.  Hindi kaagad sumunod. “Iyan muna para ngayong araw guys. Basta makabisado nyo lang ang Patinig at katinig magagawa nyo nang makabuo at makapagbasa ng mga salita.”

     Nakangiti silang nagpaalam sa akin bitbig ang mga kanya-kanya papel at lapis na ginagamit.

     Pagkatapos sumunod na ako kay Ejercito.

     Nakaupo si Drigo sa bangko lagi nya inuupuan nang pumasok ako.

      Nasalikod nya sina Ejercito, Benito at Pedro. Naandon din si Winona, Trina at Sena. Pati narin si Nanay Geneva at Anita.

     Nasa akin kaagad ang mata ni Drigo.

     Ramdam ko ang pagsipat nya sa kabuoan ko.

     Nakatokong ako noon at t-shirt. Oo ganon ang suot ko. Kasabay ng pagtuturo ko nagtahi din ako ng ilan damit pa na komportable ko suotin.

     Binigyan ko ngarin sina Anita at Trina na nagustuhan ang gawa ko. Sinuot ko nadin ulit ang rubber shoes ko.
 
     Hindi ako naupo sa bangko. Bagkus doon ako dumeretso sa bintana kinuha ang batong naandon at pinukpok ang kawayang nakausli.

Kapag nagkaroon ako ng oras kukumpunuhin ko ang mga sira nitong kubo. Wala sa loob na naisip ko.

     “May kailangan ka pinuno Drigo.” Tanong ko na pinagpagan ang kamay at hinarap na sya.

      Hindi sya umimik.

     Tinitigan muna ako. Iyong titig na kinaiinis ko. Magko-comment na sana ako ng sa wakas ay magsalita sya.

     “Tinuturuan mo daw magbasa ang mga tagarito.” Sabi niya.

     Hindi naman ako umalis mula sa pwesto ko sa may tapat ng bintana. Nagkibit-balikat ako. “Nalaman ko na hindi sila marunong magbasa.” Simple sagot ko.

     Nagkaguhit ang kanya noo.

     “Naisip mo ba na maaring malagay sa peligro ang buhay mo sa ginagawa mo? Anomang oras pwede ka kunin ng mga Tagapagparusa at parusahan dahil sa dami ng mga batas nanilalabag mo binibini Mary Rayette.”

      Tulad ng sagot ko kay Lolo Fausto kibit-balikat din ang binigay ko sa kanya.

      Hindi niya yata nagustuhan iyon dahil tumayo sya at mukha galit na lumapit sa akin.

     “Seryoso usapan ito Mary Rayette kayang-kaya kang patayin ng mga Tagapagparusa. Walang makakapigil sa kanila na gawin iyon.”

     “Kung mamatay ako mamatay ako. Sa kahit anong dahilan, sa kahit anong paraan o sa kahit kanino kamay. Kapag oras mo oras mo. Bakit kailangan hindi ko gawin ang isang bagay na alam ko kaya kong gawin at gusto kong gawin dahil lang sa takot na baka mangyari ang talaga naman na mangyayari. Mas maganda mamatay na nagawa mo ang lahat ng gusto mo, kesa mamatay kang nagsisi dahil hindi mo ginawa, hindi ba?”

     Natigilan sya. Sila.

     “Mary Rayette--,”

     “Isa pa kaya ko rin naman silang patayin kaya kung nanganganib ang buhay ko ganon din ang sa kanila.”

     “A-anong ibig mo sabihin?” hindi ko pinansin si Winona.

     Sinalubong ko ng deretso ang mga mata ni Drigo. Black to Brown. Brown to black.

     “Benito, Pedro.”  Mayamaya ay tawag nya sa mga kasama. Ang mga mata niya ay nasa akin padin. “pagkatapos nito sabihan ang lahat na hindi dapat kumalat at makarating sa mga Tagahatol o kahit sa Munisipyo ang ginagawa pagtuturo ng binibini. Gusto ko rin na sabihin nyo sa lahat ng miyembro lalaki na protektahan si  Mary Rayette. Hindi sya dapat maiwan mag-isa kahit saan o kahit sa anong oras.”

     Nanlaki ang mga mata ko. “Teka bakit? Kaya kong protektahan ang sarili. Hindi ako kailangan bantayan Drigo.”

      “Kung gusto mo ipagpatuloy ito. Kung gusto mo turuan ang mga taga Liwayway hayaan mo suklian ka namin. Iyon ay ang masigurado ang kaligtasan mo.”

     “Sinabi ko nang hindi ako nanghihingi ng sukli sa mga ginagawa ko. Hindi ko naman kayo binayaran  bakit nyo ako susuklian. Hindi naman ako nakikipagpalitan bakit nyo ako bibigyan ng kapalit.” Inis na sabi ko.

     “Ayaw ka lang namin mapahamak.” Sabi ni Drigo.

     “At ayaw ko rin kayong mapahamak. Bakit mo isusugal ang buhay ng mga tao mo para lang sa isang tulad ko.”

     “Katulad ng dahilan kung bakit mo ginagawa ito para sa amin.”

     Bumuka ang bibig ko pero walang tinig na lumabas doon.

     “At huwag mong ila-lang  ang sarili mo. Hindi mo alam kung anong liwanag ang hatid mo sa mga ginagawa mo. Kung anong liwanag  ang hatid mo sa buhay ko.”

     “D-Drigo.” Mas lalong wala akong masabi.

      “Kaya hayaan mong protektahan ka namin Mary Rayette.”

     Hindi ko nga kailangan ng pagprotekta. Sigaw ng badass side ko.

     Tumango ako.

     Ano pa magagawa ko. Habang nakatingin ako sa mga mata nya para hinihigop ako at pinipilit na sumang-ayon sa gusto mga gusto nya.

    Damn it malala na'ko.

... itutuloy

🦁⚘🦁⚘🦁⚘

H/N

Salamat sa mga hindi bumibitaw at patuloy na naghihintay.

Helliza Sabida
12132019Npo 7:40









Continue Reading

You'll Also Like

170K 5.8K 59
Highest Achievement: #1 in Humor _____________________________ Katsumi Cazzandra Clarkson a.k.a "The Goddess" Who will she choose? A famous singer? H...
91.5K 2.9K 58
Celestia Jayana also known as C-jay, was a hard-headed and stubborn lady and then she became a Harrelson because of her step-father. She met her 7 ho...
10.5M 481K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #03 β—’ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
841K 30.7K 59
(The Reapers Series #1) A troublemaker who wants to get the attention of her brothers. After making another trouble from her previous school, she was...