I'm 20 but still NBSB (Publis...

Galing kay nayinK

4.7M 42.2K 3.4K

PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano ka... Higit pa

AUTHOR'S NOTE
All Rights Reserved
Short Description
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Book 2: I'm NBSB No More Teaser
Book 2: I'm NBSB No More Prologue

Chapter 3

163K 2K 193
Galing kay nayinK

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 3

 

“Never give up on something you really want.

It’s difficult to wait, but worse to regret.”

Georgina

 

Hindi ako nakatulog kagabi. Okupado ang isip ko ng e-mail slash spam message na natanggap ko last night. Hindi ko talaga ito expected. I almost gave up pero dumating ang sign. Ibig sabihin kaya, may pag-asa pa? May posibilidad pa na magkaroon ako ng love story? Na magka-boyfriend ako? Could it be?

Natatakot ako. Hindi ko alam kung tama ba na gawin ko ito. Ako ang gagawa ng first move. Hindi kaya pumangit naman ang tingin sa’kin ng ibang tao? Magiging masaya nga ba ako kung gagawin ko ‘to? Paano kung masaktan lang ako? Umasa? Should I take the risk?

I sighed. I didn’t know what to do.

Nasa jeep ako at papunta na sa office. Tumingin ako sa paligid.

“Lord, please give me another sign,” I whispered.

In the blink of an eye, may isang kotse na tumigil sa tabi ng jeep na sinasakyan ko. Nang umandar na ito, napansin kong sa likuran nito ay may nakadikit na sticker. It said, “It’s now or never”.

I smiled.

Pagdating ko sa office, pakiramdam ko’y punung-puno ako ng positive aura. I could feel it. I could really feel it. Naniniwala akong matutupad ang mga pangarap ko. Hindi man ngayon, pero sisimulan ko na. Mangyayari ‘yon. Push lang nang push! Para ‘to sa pangarap, Georgina!

 “Good morning, Blesie!” I greeted my best friend pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina. Binati ko rin‘yong iba ko namang katrabaho.

Si Blesie, nakatingin lang sa’kin. Ni hindi man lang nag-“good morning din”. Sabi ko na, e. Ganito ang magiging reaksiyon niya.

“Wagas makatingin? I asked.

 “Good vibes ka? May boyfriend ka na? O natanggap mo na ‘yong totoo?”

See. Sabagay, ngayon lang din naman ako pumasok nang ganito kasaya. May kakaiba talaga akong nararamdaman, e. Sana, maging maayos ‘to. At least, kahit papaano, nagkaroon ako ng pag-asa.

Tinawanan ko na lang ito. “Ikaw talaga. Hindi ba puwedeng biglang maging masaya lang?”

“Nah, I smell something fishy! Spill it out! Come on.”

She really knows me. Ang babaeng ito na pinagkaitan ng tangkad at laman dahil sa kapayatan at height na hindi tugma sa edad niya. Blesie is really my best friend.

Kaso office hours pa at ang aga-aga para magtsismisan.

“Maybe, later. Sa break.” Kininditan ko siya at pumunta na sa table ko.

Smiling still, ginawa ko ang mga dapat kong gawin: nag-encode ng amounts ng nominal accounts na dapat assistant ko ang gagawa. Yes, may assistant ako. Ako kasi ang “leader” ng Finance team next to the Head.

Kinuha ko kay Kaidy, ang mahinhin at masayahin kong assistant,  ang lahat. Sabi ko, I could handle it. Ako na rin ang gumawa ng financial plan. In short, lahat ng pinagawa ko sa kanya, binawi ko at ako ang tumapos. My works were done and I am eager to work more. Loads of work ang gusto ko.

“Ms. G, nakakahawa naman ang smile mo. Dapat lagi kang ganyan, good vibes,” Kaidy said.

“Thank you, Kaids. Masaya lang ako.”

Sinisipag talaga ako ngayon. Ito ba ang nagagawa ng biglang nagkaroon ng pag-asa sa buhay pag-ibig? Natatawa na lang ako.

* * *

There you go, lunch break. Gaya ng inaasahan ko, nilapitan agad ako ni Blesie.

“Hoy, Georgina! Tara nang kumain at alam kong may ikukuwento ka pa sa’kin.”

“Puwede bang dito na lang tayo kumain? May baon ka ba?”

Wala kasing tao dito sa office kapag lunch break. Lahat ay pumupunta sa cafeteria. Minsan ay nagbabaon kami ni Blesie kaya puwedeng dito na lang kami kumain.

“Sure.” Agad siyang naupo sa table ni Cathryn katabi ng sa’kin, binuksan ang lunch box niya, at kumain na. Gano’n din ako.

Habang kumakain, kinukulit niya ako. “Kuwento na, dali! Isang oras lang ang lunch break!”

“Natatawa ako sa reaksiyon mo!”

“Pa’no ba naman, malay ko ba kung may boyfriend ka na? Dali na. Ano ba kasi’ng mayro’n?”

I explained to her everything – the spam message and that “it’s now or never” sign. Habang nagkukuwento, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Pakiramdam ko rin nagtu-twinkle ang mga mata ko sa sobrang pagkakaroon ng pag-asa.

“Oh, my golly! Sign na ‘yan. Double sign pa nga! G, gawin mo ‘yan! Gawin mo ‘yan! Nae-excite ako!”

Tama nga ako, mas magiging hysterical pa siya sa’kin.

S’yempre, hindi lang puro saya ang nararamdaman ko. Sinabi ko rin ang mga doubt ko, na natatakot ako, na ayaw kong sumugal kasi baka masaktan lang ako. Na baka hindi ko kayanin ‘pag nagkataon.

Pero sabi niya, “Life is full of risks. You need to take some for you to know what’s waiting for you afterwards. You are probably scared but if you didn’t take it, you might lose the possibility of true happiness. Don’t be afraid. If you get hurt, at least you tried.”

Risk. Hurt. Happiness.

Napaisip ako. Anytime talaga, magkakasama ‘yang tatlo na ‘yan. Pero I made up my mind. Susubukan ko lang naman.

Tama, tama. I should take this.

“Thank you, B.” I smiled. She smiled back.

“So, ready ka na? Gawin na natin ang first step.”

“Ngayon na agad?”

“Sayang ang oras, G!”

“Bukas na lang!”

“Akala ko ba, gustong-gusto mo nang magka-boyfriend?”

“Oo nga.”

“E, ba’t ipagpapabukas mo pa gayong puwede na namang simulan ngayon?”

Huminga ako nang malalim. Kinakabahan ako. Ni hindi ko nga alam kung paano gagawin ang sampung steps na ‘to.

“Relax, I’ll help you.”

Buti na lang talaga at nandito si Blesie.

“Sige na nga. Game!”

“Rule number 1: ‘Find a guy of your taste. Make sure he doesn't have a girlfriend.  It's pointless to go after someone who is already in a relationship’. Oo nga naman, dapat single ang makuha mo. Pero pa’no ka makakahanap?"

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi alam ang isasasagot sa tanong niya.

 “Alam ko na! Open your Facebook. Dali!”

Hindi naman banned ang Facebook sa office. Boss Lee trusted us enough na naniniwala siya na magagawa namin ang mga dapat naming gawin kahit na puwede kaming mag-open ng kahit anong social media sites. Our laptops and computers are connected sa Wi-Fi ng company. Madalas, nagwa-Wattpad ako at nagbabasa ng stories do’n kapag break time.

Sinunod ko ang sinabi ni Blesie: I logged in to my account, at siya na ang nagkalikot. Kinakabahan ako sa gagawin niya, but I trusted her.

Nagta-type siya ng mga pangalan sa search box sa Facebook, names like Kevin, Daniel, Kristoffer, Reichen, Kent, Ely, Ace at kung anu-ano pa. Iyong iba ay ina-add niya.

“Uy. Ano’ng ginagawa mo?”

“Kalma. I’ll handle this.”

“Kinakabahan ako sa’yo, e.”

She ignored me. Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya. Napagtanto ko na kung bakit siya nagse-search ng names ng mga lalaki at ina-add sila using my account.

“Nagse-search ka ng names ng guys na tunog guwapo? Tapos single? Then, you add them using my account? Tama ba?”

“Correct! You’re so bright talaga.” She’s smiling widely.

Puwede, puwede. Buti na lang at naisip ‘to ni B.

Ang huling name na sinearch niya ay George. Baka daw sakaling soulmate ko ang mga may pangalang George since Georgina is my name.

Kaloka talaga si Blesie. She scanned the profile of that Facebook user named George Aries Andrade.

“Oh, my! Kailan nagpunta ng SM Dasma si Lee Min Ho? The feels! Tingnan mo, o, may picture siya sa may Cyber Zone! Bakit hindi natin ‘yan nabalitaan?!”

Ha? Lee Min Ho sa SM Dasma? Para namang imposible ‘yon?

Tinitigan kong mabuti ‘yong picture na tinitingnan niya. Kamukhang-kamukha ni Lee Min Ho ang guy. As in! ‘Yong lalaki, matangkad, itim ang buhok na medyo kulot, may dimples, macho, hot! Grabe. Ang guwapo niya!

“Hindi siya si Lee Min Ho, Blesie. Kaloka-like siya. Tingnan mo. Naka-ID siya. Siya si George.”

Maka-George ako. Feeling close. Pero seriously, I was shocked. May lalaki palang kamukhang-kamukha ni Lee Min Ho dito sa Pilipinas! Bigla akong kinilig!

“Add mo siya!” bigla ko na lang nasabi.

Napatingin sa’kin si Blesie. Ngiting-ngiti ang loka.

“Yiii. Crush mo, ‘no?” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ako sumagot. Ang guwapo kasi talaga e, and Lee Min Ho is the only non-Filipino actor I like.

“Na-add ko na. Kanina pa,” tatawa-tawang sabi ni Blesie.

After a couple of minutes, agad akong may notification na natanggap.

“George Aries Andrade accepted your friend request.”

And a message. From him.

“Hi, Miss Steve. Thanks for the add. Magkababayan pala tayo. I'm George. Nice to meet you. Keep safe.”

Lalo akong kinabahan. ‘Yong tibok ng puso ko, hindi ko mapaliwanag. Parang may nagtatambol. Lub-dub, lub-dub.

“Mag-reply ka!” utos sa’kin ni Blesie.

“Ano’ng sasabihin ko? ‘Wag na.”

“Ano ka ba, isi-seenzoned mo lang ang ganyang kaguwapong nilalang? Sabihin mo, ‘no problem’.”

Gaya ng sabi niya, nireplayan ko ang message ng “no problem” with a smiling face. Kinakabahan talaga ako.

Blesie and I read some information about him. Stalker ang peg. We found out that he’s 22, Civil Engineer, and working at KGP Inc. Taga-Dasma rin siya.

And most importantly, he’s single.                    

Is he the one?

Lub-dub, lub-dub.

Heart, wala pa.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

12.2M 186K 31
Agatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpap...
6.2K 636 8
Pia x Ferdz story 03/22/2023 - 03/27/2023
3.6K 195 5
Patrick Lauchengco of Apollo's Heartbreak 10/14/2022 - ONGOING
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...