ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL

414 27 18
By angelodc035

Mabibilis ang mga ginagawang paglalakad ni Laurea sa makinis na sahig ng pasilyo papunta sa tarangkahan sa tore ng palasyo. Kahit na pakiramdam niya ay mabigat ang mga paa ay pilit pa rin niyang binabagtas ang pasilyo papalabas sa bahaging iyon ng tore. Malakas ang ihip ng hangin, maitim ang kalangitan at matatalim ang mga sanga-sangang kidlat na nakikipaglaro sa mga maiitim na ulap. Kasabay nito ang nakakabinging kulog na tila isang leon na galit na galit na umaatungal upang magbigay babala sa sino mang may nais na pumasok sa nasasakupan nito.

Hindi alintana ni Laurea ang nangangalit na panahon. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala, at gusto niyang sisihin ang sarili dahil wala siyang magawa. Gusto niyang maglabas ng kanyang galit at sama ng loob kung bakit kailangang umabot ang lahat sa ganitong sitwasyon. Ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib at kalooban na pilit niyang tinitiis dahil alam niyang makakaalis pa rin siya sa kamay ni Anilaokan bago pa umabot ang muling pagpula ng buwan na kung kailan gaganapin ang nalalapit nilang kasal.

Dumungaw si Laurea sa tarangkahan sa tore ng palasyo at doon ay humagulgol siya kasabay ng malakas na buhos ng ulan. Kailangan niyang gawin ang pag-iyak upang mabawasan ang nararamdamang bigat sa kanyang kalooban at makapag-isip ng mabuti.

Kung may magagawa lang sana siya para mailigtas ang kanyang kaibigan. Kung hindi sana siya napapasailalim sa kapangyarihan ni Anilaokan, makakaya niyang mailigtas si diyosang Tala sa kamay ni Kasanaya na matagal ng nagpapanggap bilang si diyosang Bulan.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Laurea sa konkretong pader ng durungawan. Mabibilis ang kanyang mga paghinga at gustong pakawalan sa kanyang dibdib ang sama ng loob at ng galit. Kailangan mayroon siyang gawin. Kailangan may magagawa siya para sa kanyang kaibigan. Alam niyang siya lamang ang bukod tanging makakatulong kay diyosang Tala. At iyon na nga ang mahirap dahil wala siyang magawa. Pati ang kanyang sarili ay hindi na niya kayang iligtas pa. Wala siyang kwenta, wala siyang silbi para mailigtas si diyosang Tala. Ang mas nagpapahirap sa kanya ay alam niyang may magagawa siya para sa kanyang kaibigan pero hindi niya magawa dahil sa itim na orasyon ang bumabalot sa kanya para pigilin siya sa paggamit ng kanyang kapangyarihan na si Anilaokan ang may gawa. Pinipigilan ng orasyon ang paggamit niya ng kapangyarihan laban sa kanila. Hindi niya kayang tanggihan ang mga inuutos sa kanya ng lalakeng diwata. Tanging si Anilaokan lamang ang makakapag-alis sa bisa ng orasyong bumabalot sa kanya.

Sumandal si Laurea sa konkretong pader ng tarangkahan at dahan-dahang napaupo sa basang sahig. Ibinaluktot niya ang kanyang mga paa at niyakap ang mga ito. Sinapo ng kanyang mga tuhod ang kanyang noo at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Doon siya ay tumangis para sa kanyang sarili.

Parang binubuhos naman sa sobrang lakas ng ulan at sumisipol ang hangin sa paligid ng tore. Tila isang delubyo na itong maituturing dahil sa tindi ng lakas ng nangangalit na sama ng panahon, pero hindi ito naging dahilan para matakot si Laurea dahil isa siyang diwata ng kagubatan tulad ng pinsan niyang si Makiling. Ilang libong malalakas na unos na rin siyang nasaksihan na higit na mas malakas pa sa nangangalit na bagyo na bumisita ngayon sa isla Labuad. Gusto lang niyang mapag-isa muna at ibuhos ang galit sa kanyang dibdib, kasabay ng nangangalit ding panahon.

Sa pagpanaw ni Bathala, ay napapadalas na sa Sanlibutan ang mala-delubyong mga kalamidad sa iba't-ibang parte ng Mundo. Kamakailan lamang ay isa sa mga isla ng Labuad ang lumubog sa dagat dahil sa napakalakas na lindol na naganap sa gitna ng karagatan sa timog ng Ilaya. Ang isla ay nasa gawing hilaga ng Labuad na kung saan ay natatanaw ito mula sa kinaroroonang tore ni Laurea.

Dalawa ang palasyo sa kaharian ng Labuad. Ang hilagang palasyo ay ang Bantayog ni Bulan na tinutuluyan ni Anilaokan. Ito ang bilangguan ni Laurea simula ng bihagin siya ng lalakeng diwata. Ito ang nagsisilbing depensa ng buong isla laban sa mga gustong pumasok sa teritoryo nito. Mayroong itong mahigit sa dalawan-daang-libong malalakas na mandirigma para protektahan ang palasyong nasa gawing timog ng isla. Tinatawag na Palacio Lunar ang palasyong ito dahil ito ang tahanan ni Kasanaya o ang nagpapanggap na si diyosang Bulan. Sa Palacio Lunar din dinala si Bathala ng palihim na itinakas mula sa Kalangitan ang katawan nito matapos makagat sa makamandag na langgam na tinatawag nilang Antique. Doble ang laki nito sa Bantayog ni Bulan na tinutuluyan nina Anilaokan at Laurea. Sa paligid nito ay ang mga bahay ng mga mamamayan ng Labuad na karamihan ay mga mandirigma na nagtatanggol sa buong isla at mananakop ng mga kaharian sa ikatlong mundo.

Iba't-ibang mga personalidad na rin ang nakita ni Laurea na dumalaw sa isla ng Labuad. Nasaksihan na rin niya kung paano pinagpaplanuhan na pabagsakin ang Kalangitan ngayong wala na si Bathala. Gustong pamunuhan ni Kasanaya ang buong Sanlibutan kaya nakipagkasundo siya kay Behemot na magsasanib puwersa para pabagsakin si Bathala at ang Sansinukop na siyang mundo ng mga tao. Bukas ay magkakaroon muli ng malaking pagpupulong ang lahat ng kaanib sa La Liga delos Niños dela Luna (League of the Children of the Moon). Alam lahat iyon ni Laurea at wala siyang magawa kahit gusto niyang bigyan ng babala ang mga nasa Kalangitan na minsan ay kumupkop sa kanya.

Bukas ay darating ang lahat ng kaanib ng La Liga delos Niños dela Luna at ibabahagi sa kanila ni Kasanaya ang kanyang mga plano para sa pagpapabagsak sa Kalangitan. Ihaharap din si diyosang Tala sa mga kaanib at sa harapan nila mismo ay sisimsimin ni Daleria ang dugo at kapangyarihan ng diyosa at kukunin ang katauhan nito tulad ng ginawa ni Kasanaya kay diyosang Bulan. Dahil mananalaytay na sa dugo nila ang dugo ni Bathala, ay magkakaroon sila ng kakayahang hawakan at gamitin ang Lintik at Eskrihala na nasa kamay na ngayon ni Kasanaya.

Labis ang pangamba ni Laurea sa kahihinatnan ni diyosang Tala bukas sa pagpupulong. Magkakaroon pa kaya siya ng pagkakataong mailigtas ang kanyang kaibigan o di kaya ay mabigyan ng pagkakataon na makausap man lamang ang diyosa? Gagawa siya ng paraan para makalapit sa kaibigan at mailigtas ito sa kamatayan sa kamay ng kambal na sina Kasanaya at Daleria. Bukas ay sigurado ang pagdalo nila ni Anilaokan sa pagpupulong kaya magkakaroon siya ng pagkakataong mailigtas si diyosang Tala.

Nanatili si Laurea sa kanyang pagkakaupo, yakap-yakap pa rin ang parehong tuhod at nakikisabay ang kanyang mga luha sa malakas na patak ng ulan. Pakiramdam niya ay gumaan na ang kanyang kalooban, nabawasan na ang kanyang mga dinadala sa kanyang balikat. Nakapagpasiya na siya na kahit na anong mangyari ay ililigtas niya ang kaibigan kapalit man nito ang kanyang buhay. Panahon na rin para magkita sila ng kanyang kapatid na si Odessa para matulungan itong tuparin ang propesiya ng mga pantas na babaylan at manggagaway.

Mula sa bintana ng tore ay nakamasid sa kanya si Anilaokan. Kanina pa niya pinagmamasdan ang pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan. Matigas ang ekpresyon ng kanyang mukha pero nasasaktan siya sa kanyang nakikita. Gusto niyang lapitan si Mariang Sinukuan para yakapin at ipadama sa kanya kung gaano niya ito kamahal. Parang dinudurog ang kanyang puso sa nakikita sa kanyang pinakamamahal na diwata. Parang dinadaganan ang kanyang dibdib sa tuwing nakikita niya ang mga patak ng luha sa mga mata ni Mariang Sinukuan.

Kaya ba niyang ipaglaban ang pinakamamahal niya sa diyosang muling nagkaloob sa kanyang buhay? Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang pag-ibig kay Kasanaya, na maaaring ikapapahamak pang lalo ng pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan? Gulong-gulo na si Anilaokan kung ano ang magiging desisyon niya. Gusto niyang gumawa ng desisyon na alam niyang maiipit siya sa pagitan ng pag-ibig kay Mariang Sinukuan at katapatan sa Mangcucusi na si Kasanaya. Ayaw niyang mapahamak ang pinakamamahal niyang diwata at kaya niyang itaya maging ang kanyang buhay para lang masigurong walang mangyayaring masama sa pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan.

Ngunit, habang kasama niya ang pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan ay hindi ito magiging ligtas sa mga mata ni Kasanaya. Kung palalayain naman niya ang pinakamamahal niya ay baka hindi na niya makita pang muli ang diwata. Hindi niya kakayanin na hindi makita at makasama si Mariang Sinukuan. Hinding-hindi na niya hahayaang pang mawala sa kanyang paningin ang babae na tanging dahilan kung bakit nais pa niyang mabuhay. Ibinigay ng tadhana ang pagkakataong makasama ang pinakamamahal niya at hinding-hindi na niya hahayaang mawala pa ito sa kanyang buhay.

Pero bakit nararamdaman niya ang sobrang kalungkutan sa tuwing nakikita niyang nagdurusa si Mariang Sinukuan? Hindi ba dapat masaya siya dahil libong taon ang kanyang hinintay para lamang makasama niya ang kanyang mahal? Masaya ba siya na kasama niya si Mariang Sinukuan kahit na nagdurusa ito dahil hindi siya kayang mahalin nito? Kamatayan lang ang puwedeng magpahiwalay sa kanila at isinusumpa niya iyon. Kamatayan lang at hindi niya hahayaang mawalan ng halaga ang sakripisyong ginawa niya mapasakanya lamang ang pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan.

Sinimulang tumalikod ni Anilaokan sa bintana ng tore para bumalik na sa kanyang higaan. Maaga pa ang pagpupulong ng mga taga-suporta ni Kasinaya tungkol sa pagkubkob sa kahariang matagal ng pinangarap na pamunuan ng diyosa. Ang Kalangitan na hindi pa rin natutukoy ang salarin sa pagkawala at pagpanaw ni Bathala.

Tutulungan ni Anilaokan si Kasanaya sa pagpapabagsak sa Kalangitan at mailuklok ito bilang isang diyosa na pamumunuan hindi lamang ang Kalangitan, kundi maging ang buong Sanlibutan. Pagkatapos na maisagawa ang kagustuhang iyon ni Kasanaya ay ilalayo na niya si Mariang Sinukuan sa Labuad. Ilalayo niya ang mahal niya kay Kasanaya at sa magulong mundo ng Sanlibutan. Kahit saan basta malayo sa lahat ng kaguluhan. Doon ay magsisimula sila ng bagong buhay at bumuo ng pamilya.

Hindi pa man nakakalayo sa bintana ng tore ay napahinto si Anilaokan ng mapansin niya ang anino na nagmumula sa tapat ng pintuan. Anino ng isang babae ang kanyang nakikita sa bawat pagkislap ng matatalim na mga kidlat sa kalangitan.

Lumingon si Anilaokan at kitang-kita niya ang pagpasok ni Mariang Sinukuan sa kanilang silid. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa may kadiliman sa loob ng silid. Tahimik na naglakad patungo sa banyo ang diwata para makapagpalit ng basang kasuotan.

Sinubukang magsalita ni Anilaokan, ngunit pinili na lamang niyang huwag ng magsalita. Nakapako ang kanyang mga mata sa babaeng pinakamamahal niya na tila hindi niya kayang titigan ang namumugtong mga mata nito.

Pagkatapos magbihis ay dumeretso si Laurea sa kanyang higaan. Kinumutan ang kanyang katawan at saka tumagilid sa kanyang kinahihigan. Doon ay pinili niyang magkunwaring nakatulog na para iwasan na rin si Anilaokan.

Nanatili namang nakatayo sa kanyang kinatatayuan si Anilaokan. Parang napako ang kanyang mga paa sa sahig ng kanilang kuwarto at nanatili na lamang nakamasid sa kanyang pinakamamahal na diwata. Ikinuyom ni Anilaokan ang kanyang mga kamao at nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. Galit siya. Oo galit siya sa mga sandaling iyon, hindi kay Mariang Sinukuan, kundi sa kanyang sarili.

Bakit ba pinapahirapan niya ang kanyang sarili na nakikitang naghihirap ang kanyang pinakamamahal na babae? Nagiging makasarili ba siya sa nararamdaman niya para sa kanya? Huminga ng malalim si Anilaokan at muling inihakbang ang mabibigat niyang mga paa papunta kay Mariang Sinukuan.

"Ma...Mariang Sinukuan, mamahal ko..."
Ang mahina niyang tawag kay Laurea.

Hindi tumugon si Laurea. Nanatili siya sa kanyang pagkakahiga at nagkunwaring nakatulog na.

"Ma...mahal kita, hihindi ko sinasadya na saktan ka..." ang muling wika ni Anilaokan sa diwata.

Nanatili sa pagtutulug-tulugan si Laurea. Pinipigilan niya ang kanyang sarili para huwag ng pansinin pa ang lalakeng diwata na kinasusuklaman niya.

"Ginagawa ko lamang ito dahil mahal kita, at para sa ikabubuti mo...natin."

Idinilat ni Laurea ang kanyang mga mata dahil sa narinig mula kay Anilaokan. Mula sa kanyang pagkakahiga ay umupo ito sa kanyang higaan at bumuntong hininga.

"Mahal? Alam mo ba 'yang sinasabi mo? Hindi ka marunong magmahal Anilaokan, hindi kailanman dahil hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal. Sarili mo lamang ang mahal mo." Ang tugon ni Laurea na naging emosyonal dahil hindi na matiis pa ang sarili na hindi tumugon sa mga sinasabi ni Anilaokan.

"Hindi totoo 'yan mahal ko. Alam mong noon pang mga bata pa tayo, at pareho pa tayong nasa Kalangitan ay may nararamdaman na akong pag-ibig sa'yo. Mga bata pa tayo noon minahal na kita, kulang na lang ay sambahin kita at alam kong alam mo iyon. Pero hindi mo sinuklian ang pagmamahal ko sa'yo. Hindi mo sinuklian hanggang pinalayas ako ni Bathala sa kalangitan. Walang araw na hindi ko hinangad na makabalik sa kalangitan para lang muli kitang makita at makasama. Ginawa ko ang lahat para bumalik ang tiwala ni Bathala. Walang laban akong hindi naipanalo para lang muli akong pagbigyang makabalik sa kalangitan, pero hindi iyon ipinagkaloob sa akin. Hindi niya nakikita ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya, sa kaluwalhatian niya pero mas itinuon niya ang kanyang pansin sa mga tao. Nang dahil sa mga tao hindi na ako nakabalik sa kalangitan. Ginawa ko ang lahat makabalik lamang sa Kalangitan mahal ko, para makita at makasama kitang muli." Ang mala-kulog na boses ni Anilaokan.

"Noon pa man alam mong hindi kita kayang mahalin Anilaokan, wala akong nararamdaman sa'yo at hinding-hindi kita kayang ibigin. Hindi kailan man at hindi mo puwedeng ipilit ang nararamdaman mo." Ang halos pasigaw na tugon ni Laurea.

"Naging masama ako ng dahil sa'yo. Pumanig ako sa kasamaan ng dahil sa'yo mahal ko."

"Hindi ko hiniling sa'yo na mahalin mo ako at lalong hindi ko hiningi sa'yo na maging masama ka ng dahil lang sa hindi ko masuklian ang nararamdaman mo sa akin. Kagustuhan mo ang pumanig sa masama at lalong kagustuhan mo ang maging masama. Kaya wala kang karapatang isumbat sa akin ang mga iyan dahil ikaw ang nagpasyang umanib sa kasamaan."
Pumikit si Laurea at dumaloy ang mga luha sa makinis niyang pisngi. "Alam mo Anilaokan, hindi ka marunong magmahal...kailan man hinding-hindi ka matututong magmahal. Alam mo kung bakit?"

Tumingin si Anilaokan sa mga mata ni Laurea. Pinilit niyang huwag ng tumugon sa tanong ng pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan. Tumalikod siya at tinungo ang pintuan ng hagdanang pababa sa palasyo.

"...hindi ka naman talaga nagmamahal eh, dahil sarili mo lamang ang mahal mo. Yan ang totoo, sarili mo lang ang minamahal mo." Ang patuloy na sabi ni Laurea kay Anilaokan.

Tumigil sa paglalakad si Anilaokan pagkarinig sa sinabi sa kanya ni Laurea. Ikinuyom niya ang kanyang nanginginig na kamay at saka huminga ng malalim. Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili at saka dahan-dahang pinakawalan ang kanyang hininga. Gusto niyang lumingon kay Laurea para sagutin ang mga sinasabi nito sa kanya. Pero minabuti na lamang niyang bumaba mula sa tore ng palasyo.

Naiwang nag-iisa sa loob ng kuwarto si Laurea. Sa pagkakataong ito ay kailangan na niyang lumaban para mailigtas ang kaibigan. Kailangan makaisip siya ng paraan para mailigtas niya si diyosang Tala na nakatakdang patayin ni Daleria para kunin ang lakas at kapangyarihan nito. Gagawin niya ang lahat para sa kaligtasan ng kanyang kaibigan.

Patuloy sa pananalasa sa Labuad ang malakas na bagyo. Sumisipol ang napakalakas na hangin at parang binubuhos ang malakas na ulan. Matatalim ang mamula-mulang mga kidlat na sinasabayan pa ng nakabibinging mga kulog ang kadiliman ng gabi. Marami na ang nagtumbaang mga puno sa paligid at mga salamin ng mga bintana ay sumasabog sa pagdampi ng malakas na hangin.

Sa kuwartong iyon sa Palacio Lunar ay nag-iisang nananalangin si diyosang Tala sa kanyang amang si Bathala. Alam niyang naririnig pa rin siya nito kahit wala na ang pisikal na katawan ng ama. Batid niyang ang malakas na bagyo na nananalasa sa kanila ay ang pagpaparamdam ng kanyang ama na nakikinig pa rin sa kanya. Ang mga matatalim na kidlat na nagbabadya ng kapangyarihan ng ama ay nagbigay ng pag-asa sa kanya na hindi pa huli ang lahat na maililigtas niya ang Kalangitan na gustong sakupin ni Kasinaya.

Sa gitnang bahagi ng palasyo ay naghahanda na ang mga tauhan ng ni Kasanaya para sa malaking pagtitipon ng mga anak ng buwan bukas. Nauna ng dumating si Sitan na kakikitaan ang malaking pagbabago sa hitsura at pangangatawan mula ng lusubin niya ang mundo ng mga tao kamakailan lamang. Nakamasid at pinangangasiwaan niya ang mga tauhan ng palasyo sa pag-sasaayos ng lahat para sa pagtitipon bukas.

Si Sitan ang diyos ng kasamaan at ngayon ay pati na rin ng kadiliman. Hindi alam ni Kasanaya na si Sitan at Behemot ay iisa na. Sumanib ang katauhan ni Behemot kay Sitan ng talunin siya ni Odessa sa mundo ng mga tao sa may Bulacan. Kumawala ang espiritu ni Behemot ng mapatay ni Odessa ang pisikal na katawan nito at mabilis bumalik sa kanyang kaharian. Nadatnan niya si Sitan na kababalik din mula sa pakikipaglaban kay Odessa. Iyon ang pagkakataon na sumanib siya sa katawan ng diyos ng kasamaan at ipinangakong muling babalik at papatayin ang sarili nitong anak na si Odessa.

May mga plano na siya para gawin ang paghihiganti sa sarili niyang anak. Sigurado siya na hinding-hindi luluhod at magmamakaawa sa kanya si Odessa. Matitiis ba na hindi makilala ni Odessa ang bubuo sa pagkatao niya, ang kanyang ina na si Baguinua na nasa mga kamay na niya? Sisiguraduhin niya na magtatagumpay siya sa pagkakataong ito dahil wala na ang unang balakid sa kanyang tagumpay, si Bathala.

Naging mas makapangyarihan at mapanganib ngayon si Behemot sa katauhan ni Sitan. Walang nakakaalam kung sino siya ngayon dahil siya man ay may pagnanais na pamunuan ang Sanlibutan. Hahayaan niya sa pakikipaglaban si Kasanaya hanggang sa talunin siya ng kanyang anak na si Odessa. Doon siya papasok at papatayin ang lahat ng hadlang sa kanyang pagnanais na makuha at pamunuan ang Sanlibutan. Pero para maisakatuparan ito ay kailangan muna nilang sakupin ang Kalangitan. Papatunayan niya sa nag-iisang Diyos na May-kapal na nagkamali siya sa pagpapatalsik niya sa kanya bilang isang makapangyarihang anghel.

Madaling araw na ng magising ng mga kalabit si Laurea. Nang maimulat ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya si Anilaokan. Biglang kinabahan si Laurea sa puwedeng gawin sa kanya ng lalakeng diwata. Kahit minsan ay hindi siya nito pinagsamantalhan ang pagkababae ni Laurea, pero hindi pa rin nawawala sa kanya ang takot na baka sapilitang gawin pa rin iyon sa kanya ni Anilaokan dahil kontrolado pa rin siya ng kapangyarihan nito. Mabilis na umupo si Laurea sa kanyang kinahihigan at masasalamin ang takot sa mga mata nito habang nakatitig kay Anilaokan.

"Huwag kang matakot mahal ko, wala akong masamang balak na gawin sa'yo. Alam mo rin na hindi ko kayang gawin na saktan ka." Ang wika ni Anilaokan habang inilalapit ang mukha kay Laurea. "Sshhh...huwag kang maingay, baka marinig nila tayo."

"Pakiusap, lumayo ka!" Ang takot na takot na si Laurea.

Lalong inilapit ni Anilaokan ang kanyang mukha sa mukha ni Laurea. Pinagpawisan naman sa takot ang diwata lalo na ng itinapat ni Anilaokan ang kanyang bibig sa kanyang tenga.
Damang-dama niya ang napakainit na hininga ng lalakeng diwata na nagpadagdag sa takot na nadarama.

"Humanda ka, itatakas natin si Tala." Ang halos pabulong na wika nito sa diwata.

"A...ano?" Ang halos di makapaniwalang tugon ni Laurea kay Anilaokan.

"Ilang oras na lang at mag-uumaga na. Kung hindi ka pa kikilos diyan ay baka hindi na natin magagawang iligtas pa ang diyosa." Ang tugon nito na halos pabulong pa rin.

Halos maluha si Laurea sa kanyang narinig mula mismo kay Anilaokan.

"Si...sigurado ka? Pero...bakit?" Ang usisa niya.

"Kung ako sa'yo ay kumilos ka na kung gusto mo pang mailigtas ng buhay si diyosang Tala. Inalis ko na ang bisa ng orasyong pumipigil sa'yo na gamitin ang iyong kapangyarihan. Kakaunti na lang ang natitirang oras para makalayo kayo sa inyong pagtakas. Sasamahan ko kayo sa bahaging kanluran ng isla at doon may naghihintay sa inyo na masasakyang Balanday para ililipad kayo ni diyosang Tala papalayo sa islang ito. Sarado para sa mga tulad mo ang lahat ng Pilunlualan dito at tanging mga pinakakatiwalaan lamang ni Kasanaya ang nakagagawa ng mga lagusan. Kaya imposible na makakatakas dito maliban sa Balanday na naghihintay sa inyo doon." Ang paliwanag ni Anilaokan.

"Bakit mo ito ginagawa?"

Buntong-hininga ang naging tugon ni Anilaokan. Yumuko ito at nangingislap ang mga mata. Tumingin ito kay Laurea at sa unang pagkakataon ay hinawakan nito ang kamay ng diwata. Marahang pinagmasdan at hinalikan niya ang makinis na kamay ni Mariang sinukuan at saka inilagay sa kanyang dibdib.

"Mahal kita...sobra." huminga ng malalim si Anilaokan. "...kaya pinalalaya na kita." Ang wika nito na nanginginig pa ang kanyang boses.

Maluha-luhang niyakap ni Laurea si Anilaokan sa sobrang kaligayahan.
"Salamat...salamat."

"Ang tanging hiling ko lang ay huwag na huwag mo akong kalilimutan." Ang hiling ni Anilaokan kay Laurea.

"Puwede kang sumama sa amin. Tatakas tayo, tayong tatlo ni diyosang Tala." Ang paanyaya ni Laurea kay Anilaokan.

Ngumiti lamang si Anilaokan at muling hinalikan ang kamay ng diwata. "Kung hindi pa tayo kikilos baka hindi na natin maililigtas pa ng buhay ang iyong kaibigan." Ang naging tugon ni Anilaokan.

Muli ay niyakap ni Laurea si Anilaokan. "Salamat." Ang muling pasasalamat nito at sa unang pagkakataon ay hinalikan niya sa pisngi ang lalakeng diwata at saka mabilis na tumayo sa kanyang higaan.

Naalimpungatan si diyosang Tala sa mga kaluskos sa loob ng kuwarto. Tumila na ang malakas na bagyo at tahimik na ang buong isla kaya dinig na dinig niya ang mga yabag ng paa na papalapit sa kanya. Sinubukang tumayo ni diyosang Tala pero tila may puwersang pumipigil pa rin sa kanya para hindi siya makagalaw. Muling nabalutan ng takot si diyosang Tala dahil papalapit sa kanya ang mga yabag sa makinis na sahig ng silid.

"Kumusta na Tala?!" Ang matigas na wika ni Daleria sa kanya.

Mabilis na nilingon ni diyosang Tala si Daleria na nasa gilid na ng higaan nito. Umupo si Daleria at nakangiti ito sa kanya.

"Bakit ka nandito? Ano ang kailangan mo?" Ang halos pasigaw na wika ni diyosang Tala kay Daleria.

Ngumiti si Daleria at pinagmasdan ang diyosa mula ulo hanggang paa. Pinagapang nito ang kanyang hintuturo sa makinis na mukha ng diyosa.

"Lumayo ka! Layuan mo ako demonyo ka!" Ang muling sigaw ni diyosang Tala at pilit na kumakawala sa puwersang pumipigil sa kanya para makakilos.

"Hmmm...bakit mo naman ako itinataboy kaagad? Masama ba na kumustahin ko ang magiging pagkain ko bukas? Masama bang manabik sa masarap na pagkain na takam na takam ko ng matikman?" Ang tugon ni Daleria na inilabas ang mahabang dila na pinagapang sa leeg ng diyosa.

Kakaibang kilabot ang naramdaman ni diyosang tala habang gumagapang ang mainit at magaspang na dila ng mangcucusing si Daleria. Naiiyak na sa sobrang takot si diyosang Tala at wala siyang magawa.

"Hindi na ako makapaghintay na matikman ang iyong dugo at simsimin ang iyong kagandahan. Gusto na kitang matikman para maging katulad mo. Maganda, maalindog at kaakit-akit." Ang mahinang wika ni Daleria na patuloy na dinidilaan si diyosang Tala.

"Layuan mo ako! Mapapatay mo man ako pero sinisiguro kong hindi pa rin kayo magtatagumpay sa gusto ninyong mangyari. Pipigilan kayo ng babae sa propesiya!" Ang matapang na wika ni diyosang Tala.

"Ganun ba? Puwes, bago pa mangyari yan ay sinisigiro ko muna na matitikman muna kita." Ang sagot ni Daleria. Unti-unti ay ibinuka nito ang kanyang bibig at ipinahaba ang kanyang maitim at sangang dila. Biglang nagbago ang anyo ni Daleria. Humaba at naging patulis ang mga tenga nito habang nagsisihabaan ang tila mga karayom na ngipin nito sa kanyang bibig. Nanlilisik ang mga pulang mata ni Daleria na nagbigay ng lalong takot sa diyosa. Hindi inaasahan ni diyosang Tala na babalikan siya ng Mangcucusi para ituloy ang balak nitong sipsipin na ang kanyang dugo. Mararamdaman din ba niya ang naramdamang sakit ng kapatid niyang si Bulan ng gawin ito sa kanya ni Kasanaya? Kung mangyayari man ngayon ang kanyang kamatayan, sana gawin na lamang niya itong madali at huwag na siyang pahirapan pa.

"Huwag kang mag-alala hindi pa kita papatayin, pero titikman ko muna ang iyong dugo. Sabi ng aking kapatid napakasarap sa pakiramdam kapag nalasahan na ang dugo ng isang makapangyarihang diyosa. Kaya hindi ko palalampasin ang gabing ito na hindi ko nalalasahan ang iyong dugo." Pagkasabi nito ay ibinuka ni Daleria ang napakalaki nitong bibig at nakaakmang sasakmalin na ang leeg ni diyosang Tala.

"Huwag!" Ang tanging naisigaw ni diyosang Tala.

Hindi na kayang pigilan pa ni Daleria ang kagustuhang nitong matikman ang dugo ni diyosang Tala. Takam na takam na ito sa masarap na dugo ng diyosa kaya wala na itong sinayang na oras at sinimulan na ang pasakmal sa leeg ni diyosang Tala.

Tumilamsik ang mainit at maitim-itim na dugo sa mukha ni diyosang Tala habang damang-dama niya ang pagpatong sa kanya ni Daleria. Wala siyang naramdamang sakit kundi ang bigat ng katawan ng Mangcucusing si Daleria. Ipinikit ni diyosang Tala ang kanyang mga mata at saka huminga ng malalim.

Continue Reading

You'll Also Like

242K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...