The Heartthrob Project

By walangmagawa1210

106K 3K 477

Audrey, the ultimate IT girl, thought she had it all controlled. She's every boys dream girl and all the girl... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
CHAPTER 16
Chapter 17
Chapter 18

Epilogue

4.5K 175 37
By walangmagawa1210

A.N. Final na talaga ito.. epilogue na nga e...
9-25-18

7 years later..

"Shocks naiiyak ako... " sabi ko... at kunwari nagpunas ako ng luha.

Nagtawanan naman ang mga tao.

"Joke lang! sige ito seryoso na..."

I cleared my throat and lift my glass of champagne.

"To the girl who always encourage me....  Who always have my back.... Trish.... My coolest, truest and closest friend... You deserve to be happy! Cheers to both of you!"

Nagtaasan ang mga champagne glass ng mga tao as a congratulatory toast to the newly wedded couple.

"Wait lang... may pahabol pa ako....  At ikaw naman kuya, kung pinaiyak mo yan... kahit kapatid kita.... sa hukay ka na lang pupulutin!"

Natatawa si kuya at iiling-iling.

"Talagang mas mahal mo pa talaga sya kesa sa akin a!"

Without warning, mabilis na lumapit sa akin si kuya, he head locked me, at ginulo-gulo ang buhok ko! Much to my dismay!

"let go of me your freak!!!" Sinigawan ko sya pero pareho kaming nagtatatawa.

"Tigilan nyo na nga yan... hanggang dito ba naman?" sabi ni Trish pero nakikitawa din sya. Pinakawalan ako ni kuya, but this time inakbayan nya ako.

"Seriously kuya.. aalis na ako sa trono ko.. I have been your baby sister for the past years.. I will not deny na sobrang spoiled ako sa yo. Pinalaki mo kasi akog ganito! But this time, you have someone to take care of na, full time. I know that you will be a great husband and a great dad to your future kids.. If they only know how big your heart is......"

Tumingin naman ako sa bestfriend ko.

"and Trish.. take care of my kuya... all his life he has been taking care of somebody else, namely.. me! Kung alam mo lang kung gaanong sakit ng ulo ang binigay ko sa kanya."

"Oh yeah, you got that right!" sabat ni kuya at hinampas ko sya. Brutal lang ang peg ko ngayon.

"Ok fine... You're more than a brother to me... alam mo yan. You've been taking good care of me like some kind of a guardian. When all else fails... I know that you will always be there for me.... But in some ways... I feel na kailangan mo ng lumaya..." May mga naluluha pero natawa sila sa sinabi ko.
"You have a whole new world in front of you.. a whole new resposibility... So don't you worry about me na... I'll be fine."

Tumingin ako kay Trish.

"Well I guess it's time for him to be taken care of this time... And I know you'll do a great job.. You both deserve eachother... I love you both... I really do.. Hindi ko na kayo i-wi-wish ng successful marriage, because I know that you will definitely live a life that that is happily ever after."

"Awwwww Audrey..." Umiiyak si Trish ng yakapin nya ako. Sumabay na din si kuya at niyakap nya kaming dalawa. May luha din si kuya? Naks na-touch ata sya!

"Sige na... tama na yang kadramahan na yan! Let's party na!" sabi ko.

Everybody is in a festive mood. Kuya and Trish made a lovely couple. Who would ever know na silang dalawa pala ang magkakatuliyan?! nagulat nga din ako! Ang dating super fan na si Trish, e hindi naman masyadong pinapansin dati ni kuya. Nag-aral sa New York si Trish, si kuya naman inasikaso ang international career nya, and somehow they have crossed paths.. then BOOM!!! iyan na nga ang resulta.

May umakbay sa akin, at ng tumingala ako.. si daddy.

"Well said. Good job."

"Hmmmm... Syempre matured na ako... Kaya if ever na may napupusuan din kayo, wag kayong matakot na sabihin sa amin.. we will understand. You also deserve to be happy dad."

Napangiti si Daddy at hinigpitan nya ang pagkaka-akbay sa akin.

"You know that there'll be no one else who can occupy my heart."

Napangiti ako..

"I know dad. Just in case lang naman."

Pinanood namin si Trish at kuya as they move aroind the dancefloor. They surely make a lovely couple. Haaaaayyy.. ako kaya.. kelan ko kaya makikita ang prince charming ko. Hindi naman na ako naniniwala sa kasabihan na kung successful sa negosyo o career, palpak sa lovelife.. Nasa harapan ko ang ebidensya na kalokohan lang ang kasabihan na yon.

After I graduated from high school, gusto ko sanang samahan si Trish na doon na lang kami mag-aral sa america. I just want to be far away from Austine. Iniisip ko kasi na kapag malayo, mas madali ko syang makalimutan. Unfortunately hindi ako pinayagan ni daddy. He moved mountains nga naman para lang mailipat sa Pilipinas ang base nya tapos ako naman ang aalis... Make sense kaya nag-stay na lang din ako sa Pinas at nag-aral ng business course but at the same time I studied fashion. Then I knew.. that my passion is fashion.

It was so awkward at first dahil parte ng banda ni kuya si Austine. There are times na nagkikita kami, pero todo iwas naman ako sa kanya. That went on for a few months hanggang may nangyari sa pamilya nya. Nalaman ang tungkol sa kanya ng magkabilang pamilya ng mommy at daddy nya. Both families are very powerful at naipit sa gitna si Austine. One day.. he suddenly dissapeared. Kay kuya lang nagpaalam, pero kahit si kuya ay hindi na din nya nalaman kung saan nagpunta si Austine pero ang hula nya ay nagpunta sa ibang bansa. On what specific country? I guess I will never know.

"Dance with your old man?" Inilahad ni daddy ang kamay nya sa akin...

"Of course..." Inilagay ko ang kamay ko sa kamay nya at nagtungo kami sa dancefloor katabi nila kuya.

"Btw, I had the report on your new collection from your distributor... and congratulations.. sold out na naman in one week ang mga designs mo. "

"Wow! 1 week na lang ngayon? That good! Ayun lang... mapipilitan na naman akong mag-isip ng mga bagong designs."

"Kaya mo yan. I'm your number 1 fan."

"Really dad." I said sarcastically.

Natawa sya.

Oh yeah... I became a designer. Fashion is my passion nga e. At first hobby ko lang. Katulad nga ng na-predict ko, na-bore ako sa business add. Kaya habang nag-d-discuss ng kung ano anong numero ang ibang teachers ko... sinasabayan ko ng drawing ng damit sa notebook ko. Then naghanap ako ng pwedeng manahi ng isa sa mga designs. Sabi ko kasi para unique in the world ang suot ko. Unfortunately, hindi ko nagustuhan ang pagkakatahi ng modista, kaya bumili ako ng sariling kong sewing machine at nag-aral akong manahi. I started wearing my own clothes at maraming maaarteng nagtanong kung saan ko nabibili ang mga damit ko. Hindi ko pinaalam sa kanila na ako ang gumagawa ng mga damit ko, instead I put up an online exclusive dress shop at prinomote ko ito sa mga maarte kong mga kaklase. Ang peg, only 1 dress per design. Kaya kung sino man ang makabili ng damit na yon... sya lang ang merong ganon.

Natuwa ako dahil may bumibili talaga! It was soooo cool because I was already earning my own money. Ganon pala ang feelinga kapag kumikita ka na sa sarili mong sikap. Ang sarap ng feeling!

Noong una, mangilan-ngilan lang ang bumibili, mga schoolmates ko lang. Hindi nagtagal, may mga nag-o-order na din na taga ibang school. Hanggang kumalat ang balita. Lumaon, ang dami ng demands! Ang gulat ko, may mga nag-o-order na mga artista at socialites! Feeling ko ang bongga bongga ko! Hindi ko na kinaya yung 1 design 1 dress at nagpakontrata na din ako ng mga dressmakers para gawin ang mga damit. Pero hindi lumalampas ng 20 dresses per design. So masasabing exclusive pa din. Naging very popular ang mga designs ko at ang dami ng gumagaya! This time nangumpisal na ako sa daddy ko sa sideline ko, dahil sya ang alam kong makakatulong sa akin para ma-control yung designs at mapanatiling kong exclusive ang mga damit.

Nagulat sya sa ginagawa ko. Sabi nya, hindi daw kami nagkakalayo ng mommy ko. Ang pagkakaiba lang namin, author sya, designer naman ako. Pero my mom, kahit na super popular sya noon, ayaw nya talagang magpakita sa tao... Pero ako... willing naman akong ilantad ang maganda kong mukha.. pero saka na kapag nakapagtapos na ako. Baka wala ng bumili kapag nalaman nilang undergrad yung designer.

Kumuha ng consultant si daddy at ang sabi nito, hindi daw talaga maiiwasan na magaya ng iba ang designs. Ang pwede ko lang gawin ay gumawa ng distinct label to mark the authenticity of the dresses.

For seven years, lumaki ng lumaki ang negosyo at hindi na sya naging on-line shop lang. Nakakarating na sa ibang bansa ang mga damit. Pero yung ibang designs ay binibili para maging exclusive distributor sila ng mga damit. And now, we are planning for expansion.

Naka-graduate din naman ako despite of my super busy schedule. Pinilit ko talagang makatapos kahit sobrang nahihirapan ako sa pagbabalasehin ang pag-aaral at ang negosyo. I did not graduate at the top of my class... hindi ako dean's lister... palagi nga akong nakakatulog sa loob ng classroom paano ako ma-d-dean's list? But I graduated and that's what matters is I took home my diploma, at iyon ang niregalo ko sa mommy ko.

After kong maka-gradute. Sumama na ako sa isang fashion show sa new York at isa ako sa nag-model ng damit ko. At the end of the fashion show, nagpakilala na ako bilang designer.

It was the most memorable moment of my life! Grabe ang pagtanggap sa akin ng fashion world! Kinabukasan lang nasa newspaper na ako... at matapos ang isang linggo, laman na din ako ng mga fashion magazazines!

Hindi naman ako palaging nag-m-model. Kapag may nadesign lang akong damit na gustong-gusto ko, doon lang ako lumalabas.

After kong lumabas in public, kinausap ako ng daddy ko na mayroon daw malaking offer ang isang kompanya to be the exclusive distributor ng label ko. Tinignan ko ang kontrata... At grabe a!!!! SUPPPER TEMPTING ANG OFFER! Nakipag-negotiate ang dad sa company and they got the deal.

Up to now, Sila pa din ang distributor ko. Hindi ko pa nakikita ang may-ari ng kompanya, hindi kasi magkatagpo ang mga sched namin. Kapag libre ako, nasa ibang bansa naman daw sya. Kapag naman siya ang may oras, nasa busy naman ako sa fashion show. Pero palagi naman itong nagpaparamdam. Everytime I have a fashion show, there will always be a purple rose at my dressing room waiting for me after the fashion show.

Cute.... Mas lalo tuloy akong na-curious sa may ari ng kompanya.

Oh well... someday.


****

"Sige na... go na... ako na ang bahala dito."

Tinataboy ko na sila Trish and Kuya matapos ang reception ng kasal. It's their wedding day. Enjoy na lang muna sila. Nag-volunteer na ako na ang mag-aayos ng turnover ng mga coor and full payments sa lahat ng suppliers.

"Awwww ang bait mo talaga girl! Sure ka a..."

"Sige na... alis na, bago pa magbago ang isip ko!"

Niyakap ako ni Trish.

"Thanks! The best ka talaga. Here's the cheqs."

Inabot sa akin ni Trish ang isang booklet ng cheke. May inabot sa akin si kuya na isang makapal na envelop. Pagtingin ko, dalawang bundle ng tig 1000 pesos.

"Tips, bahala ka na din magdistribute."

"Sure.. papapila ako kunwari ninang nila ako."

"Sige lang.. para maraming magmano sa yo."

"nyeks! wag na nga! Akin na lang lahat ito! Thanks kuya!! Hahahhaa!"

"Sige subukan mo, kung hindi ka kuyugin paglabas mo ng hotel."

"Hmmmp! sige na layas na kayo!"

Niyakap ako ni Trish. "Sige. thanks ulit!"

"Mauna ka muna Trish, may sasabihin lang ako kay Audrey."

Tumango si Trish pagkatapos ay umalis na sya.

"Masyado ka namang malihim, pinauna mo pa si Trish. Bakit, mag-iiwan ka na ba ng huling habilin?"

"Puro ka talaga kalokohan."

"Nagmana lang ako sa 'yo."

"Whatever. Anyway, dad is at the lounge. Pinapapunta ka nya doon, May gusto syang ipakilala sa 'yo. Yung nag-mamay-ari ng kompanyang nag-exclusive sa mga designs mo."

"Really? Umattend sya ng kasal mo?"

"Nakita ko sya kanina."

"Oww.. Kilala mo pala."

"Syempre, lahat naman ng tungkol sa buhay mo inaalam ko."

Parang bigla akong nalungkot.

"Why the long face?!" Tatawa-tawa syang ginulo ang buhok ko.

"GRRRR! Let go of my hair! Kainis ka, ma-mi-miss na sana kita pero nagbago na ang isip ko!"

Sumeryoso si Kuya.

"Don't worry Audrey, Hindi naman magbabago ang lahat. Our family is just growing, that's all."

"I know. "

"Sige na... alis na ako baka umiyak ka pa dyan!"

"Ang kapal ng mukha nito!!! Sige na! Get lost you moron! 'Wag kang uuwi ng wala akong pasalubong a!"

"Ano ba gusto mo?"

"Syempre.. BOYFRIEND!!"

Natawa si kuya.. "'wag kang mag-alala, hindi pa ako nakakaalis, meron na! !" Tatawaxtawa sya habang naglalakad palayo.

"Baliw! Layas!"

"You also deserve to be happy Audrey! Good luck sa magiging boyfriend mo!"

"Good luck mo mukha mo! PASAWAY!"

Sigaw nya habang naglalakad patalikod!

Haaayyy nako si kuya talaga! Pero seryoso... mix emotions ako..

Ng wala na si kuya nilapitan ko ang head coordinator at inayos ko na ang mga balance sa kanila at iba pang suppliers.

All these money for a days event! Grabe si kuya sobrang galante! Kung sabagay, saan ba nya dadalhin ang pera nya? Kung tutuusin, hindi naman nag-ouch ang wallet nya kahit ang laki ng pinakawalan nyang pera. And Trish is worth it naman. She's the only girl that I approved for him, wala ng iba. Ang dami sigurong babaeng nagluluksang ngayong araw na ito. Wawa naman sila... Oh well...

Hindi naman ako nagtagal sa pag-aasikaso ng mga suppliers. Maayos kausap ang coordinator kaya matapos ang ilang minuto lang ay papunta na ako sa lounge.

Nakita ko si daddy na may kausap. Sya na siguro yung sinasabi ni kuya. Sa wakas ay makikilala ko na ang nagpasikat sa mga damit sa lahat ng kilalang fashion capital sa buong mundo.

Nakatalikod sya sa akin kaya wala akong idea kung anong itsura nya. Base sa likod nya, mukhang hindi pa sya kabilang sa tanders. Matangkad at makikita mo na well fit sya kahit na nakatago sa suit ang katawan nya.  Wish ko lang na hindi sya talikodjenic! Baka naman talagang gwapo ito... Naalala ko yung sinabi ni kuya na may pasalubong na sya sa aking boyfriend! hahahaha! Simula nung na-broken hearted ako kay Austine, wala na akong nikikitang boyfriend material. Ang taas naman kasi ng standard ni Austine... wala pa din makapantay sa kanya...

Malay natin baka sya naaaaaaaa........

Naputol ang pag-iisip ko ng humarap sa akin ang lalake...

"A..... Au....Austine?!"

"Audrey."

Ngumiti sya sa akin at parang nagimbal ang mundo ko! He took my breath away literally! Resulta,,, natapilok ako!!! I lost my balance at dahil ilang dipa pa sa akin si Austine, hindi nya ako nasalo nung sumalpak ako sa sahig!

I CAN'T BELIEVE THIS IS HAPPENING TO ME!!!!!! Ang tagal kong hindi nakita si Austine ganito. I have imagined a thousand different scenario on how we would meet again... sobrang ganda ng pagkaka-imagine ko sa muli naming pagkikita, tapos ganito?!

Lumindol ka please! Bumuka kang lupa ka  at lamunin mo na ako!

In just a quick second, Austine is at my side, trying to help me get up. Patayo na ako pero nakaramdam ako ng matinding sakit! Sobra ang pagkakatapilok ko, dahil na din sa sobrang taas ng hills ko! Napaupo akong muli sa sahig at hindi ko na alam kung paano pa i-re-redeem ang sarili ko!

"Audrey are you all right?"

Napatingin lang ako kay Austine. Gusto ko sanang sabihin na ok na ok ako... pero wala e..

Lumuhod na din si daddy para tignan ako.

"Does it hurt so bad?"

"Not really, I just need a minute."

Bago pa ako pa ako makapagsalita ulit, naramdaman ko na lang na binuhat na ako ni Austine!

"Teka! Teka lang! Ibaba mo ako!"

"Stay put and don't make a scene." sabi ni Austine. "I'll take you to the clinic."

Napansin ko nga at marami ng nakatingin sa amin! Yung iba patago po, pero obvious naman na nag-v-video sa amin. Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko.

"Ok.. let's go.. now na please!"

"Ok."

Nagpaalam muna si Austine kay daddy.

"I'll just take her to the clinic Tito."

"Tito??" Close sila? Bakit tito ang tawag ni austine kay daddy? Parang hindi naman in speaking terms si Austine at daddy 7 years ago.

"I'll leave her to your capable hands. And Audrey... Maura na ako, I think you have a lot to talk about.  Ihahatid ka na lang in Austin."

Ok... Anong pinakain ni Austine kay daddy, parang ang lakas nya? Simula noong nagbalik loob sa pamilya si dad, super protective nya, malala pa kay kuya. Tapos ngayon sya pa ang nagsasabing ihahatid ako ni Austine??? Not that I'm protesting, nagtataka lang ako.

"Ok dad."

Sabay kaming lumabas ng lounge, with Austine carrying me bridal style. Feeling ko tuloy ako yung kinasal! Naghiwalay na kami sa loby. Umalis na si daddy, kami naman, papintang clinic.

Ang awkward lang! pareho kaming tahimik! Naghahanap ako ng safe topic, pero hindi gumagana ang utak ko! Paano ba naman kasi gagana? If you are in a situation I'm in right now, tignan ko lang kung hindi sumabog ang utak mo!!! Idagdag pa itong nagwawalang puso ko!

Nakarating at nakalabas kami ng clinic ng hindi nag-uusap. Namamaga ang paa ko kaya hindi na talaga ako makalakad. Gusto ko na lang sana magwheele chair, kaso pinagtawanan ba naman ako ni Austine! Kaya pumayag na lang ulit akong buhatin nya. Nakahinga lang ako ng makuwag ng ibaba nya ako sa upuan ng kotse nya. grabe ang ganda ng kotse nya a... latest model ng bugatti!

"You're ok?" sabi nya pagsakay nya.

Hindi ko sya tinitignan kasi.... TINAMAAN ATA AKO NG HIYA!!!!! All of a sudden kasi naalala ko yung nangyari nung graduation day namin! Ninakawan ko sya ng halik and I left him speechless!!! Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na makapagusap pagkatapos non dahil umiiwas na ako sa kanya, then after ilang months, umalis na din sya... So this is really kind of awkward!

"For you." Inabutan nya ako ng isang bouquet of roses..

"Ummm .. thanks... but you really don't have to..."

Napangiti lang sya at pina-andar na nya ang sasakyan.

Tahimik pa din kami... grabe a!!! mas lalo tuloy akong hindi mapakali! Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga bulaklak.

Teka... wait lang.. there's something about these flowers. Hindi ko masyadong napansin kanina dahil madilim. Ngayon, nakikita ko na sya ng mas maayos dahil naaanigan ng mga streetlights.

"These are purple flowers!!!" Napatingin akong bigla kay Austine at napaturo.

"You!!! You're the one whose giving me flowers all these years???"

"Yes.."

"Teka wait lang naguguluhan ako... you mean to say that you.....you.... you are..."

"You are exclusively mine."

"WHAT??!!!"

Natawa sya sa reaction ko. Hinampas ko tuloy ang braso nya.

"Ikaw a! Naguguluhan na nga ako dito, tatawa-tawa ka pa!"

"'Wag kang magwala, baka mabangga tayo!"

Itinabi na lang nya ang sasakyan, baka nga naman maging violent ako, kung saan pa kami pulutin nito.

"Bakit ngayon lang? I have been under your company for how many years?! Wala akong clue! Bakit hindi ka man lang nagparamdam? Bakit hindi ka nagpakita? Teka.. wait lang...baka married ka na talaga kaya hindi ka man lang nagparamdam! Are you married to Steph? Ilan na anak nyo????....."

"Woa! woa! Hold it right there! Masyado kang advance magisip!" Natatawa na talaga sya!

"First things first... I'm not married.."

"Girlfriend mo pa din si Steph? E bakit hindi pa din kayo nagpapakasal...." Ipinatong nya ang daliri nya sa bibig ko paramahinto ako sa pagsasalita. Natameme naman ako.

"Let me just do the talking for now. ok?"

Tinanggal nya ang daliri nya sa bibig ko at tumango na lang ako. Mas mabuti pa nga na sya na lang magsalita.. mas lalo akong nagpapahiya sa mga sinasabi ko! hindi naman ako dating ganito, Napaka-poise ko nga.. Grabe naman kasi.. Panic mode to the highest level ako ngayon!

AUSTINE! KUNG ALAM MO LANG ANG EPEKTO MO SA AKIN NGAYON!!

"Steph & I... well.. hindi naman naging kami."

"Huh? Paanong... "

He gave me a meaningful look at nataimik akong muli.

"I admit.. I was so infatuated with her back then. But I came to realize.. Ideal girl ko lang pala sya... I was really not in love with her. I was in love with someone else"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Question lang.... when did you realized that?"

"Naalala mo yung concert na first time kong nakasama sa banda?"

"Yeah.... You mean.... You already had feelings for me then???!"

"ummmm.... yeah.... "

"But......... why? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Tumingin sya sa malayo.

"Bakit hinayaan mong magkalayo tayo? I poured out my heart to you! You felt the same way din pala! Why?"

"It's because.... I made a promise....to your dad."

"Oh."

My dad? paano napasok ang daddy ko dito? Ang pagakakalam ko, hindi nakikialam si daddy sa love life ko.

Matagal syang nanahimik na parang iniisip nyang mabuti ang sasabihin sa akin. Hindi na din muna ako umimik. Medyo nahuhulaan ko na ang mga nangyari pero mas gusto kong marinig ito sa kanya. Then finally, nagsalita na ulit sya.

"It was hard.... Especially noong sinabi mo na mahal mo ako, I was sooo torn seeing you walking away from me...... Kung alam mo lang Audrey..... "

He paused again...

"I can't even tell you the reason why."

Tumingin ako sa itaas, malapit na kasing tumulo ang mga luha ko.

"Kinausap ako minsan ni Tito Air. Napansin nya siguro na may something akong nararamdaman sa 'yo. I don't know how he knew,  Father's instinct maybe? He told me not to get you involve because both of us are to young to handle a relationship. And yes he knew that you have feelings for me. Obvious naman Audrey."

Namula ng husto ang mukha ko! Nakakahiya din pala!

"It's not only that. Nalaman nya ang tungkol sa pagkatao ko. Magulo ang pamilya ko at alam nya na kung tayo ang magkakatuluyan, baka maging magulo ang buhay mo. 'Wag kang magalit kay Tito, I understand his intentions. He told me to grow up first, ayusin ko ang buhay ko and all that. And if the time comes when we meet again... I might have a second chance with you."

"Pero, I've been under your wing for quite some time now... Bakit ngayon lang? And.. anong nangyari sa 'yo? Paano mo na build ng ganon kabilis ang mga negosyo mo?"

"Noong nalaman ang tungkol sa akin ng  both sides of the family... Nagkagulo sila.. Kaya nga ako umalis... Pero para matigil na lang ang lahat... both of them disowned me, na parang hindi na lang ako nag-exist. Masakit, but I have to accept that, para sa ikatatahimik na nga lang din ng pamilya. They gave me my part of the inheritance  so I can move on without having to do anything about them. As if I didn't exist in the first place. I went to New York , then out of the blue, Tito Air made an appointment with me. Hindi ko alam kung paano nya ako nahanap, or kung paano nya nakuha ang number ko. I guess your dad has his ways. He was the one who helped me. He introduced me to people who can help me invest my money. Hindi ko naman sya palaging nakikita dahil mas madalas syang nasa Pilipinas. But he constantly monitors me. Para ngang mas naging tatay pa sya sa akin kesa sa sarili kong mga magulang. You are lucky to have him.

Kahit nag-aaral ako, mabilis kong natutunan ang pasikot-sikot ng negosyo, hanggang sa lumaki ng lumaki ito. Then nabalitaan ko ang tungkol sa 'yo. That you are taking the fashion show by storm. Piniga ko ang isip ko kung paano ko ma-i-t-tie-up ang sarili ko sa 'yo. Then I came up with the deal.

Hindi muna ako nagpakita sa 'yo, because I feel it was not yet time. But I was always there.... Lahat ng mga fashion show mo, nandon ako. You don't know how proud I am sa mga accomplishments mo. You've matured so much. Hindi ko na nga ma-trace ang Audrey na una kong nakilala at kinainisan."

"Wag mo na ngang ipaalala sa akin yon! Nahihiya lang ako sa sarili ko. "

"Pero.. kung hindi ka pasaway... Wala sigurong chance na magiging close tayo... So I thank God that you're pasaway. "

"Paano kung pasaway pa din ako ngayon?"

"Then I'll do something about that."

"Really? "

"Hindi ko na nga alam kung ano pa ang hindi ko kayang gawin para sa 'yo. "

Is this real? Totoo ba talaga ang lahat ng narinig ko?

"Hindi ba ako nananghinip?"

He took my hand and kissed it.

"Audrey.... I'm not planning to let you go this time. But only if you can still accept me."

"Austine..... Hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko para sa'yo. How I wished it would fade over the years... I tried to forget you... Hindi ko alam kung bakit.... Bakit hanggang ngayon... mahal pa din kita.... "

Niyakap nya ako ng mahigpit...

"That's the only thing I want to hear right now. I love you sooo much Audrey."

"I love you too Austine...."

Mas lalo nyang hinigpita. ang pagkakayakap sa akin. Naluluha naman ako dahil hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Hindi ko akalain na magkikita pa kami muli ni Austine. But he's here. Hindi lang yon, matagal na din pala nya akong mahal!

I gave a small prayer of thanks. I knew my happily ever after will come sooner or later. I didn't expect it to be sooner.

"Audrey...." He whispered. Nakayakap pa din sya na para bang ayaw na nya akong pakawalan.

"hmmmm ... will you marry me?"

I smiled.

"Sige.... Now na!"

THE END!

A.N.

yehey!! confetti! confetti! confetti! After 3 years nakayapos na din ako ng story.
Thank you sa lahat ng nagbasa, sumubaybay sa kwento ni Austine at Aubrey.

Thank you to Lola Madam for making kulit and encouraging me to finish my stories. Sa totoo lang, wala na sana akong balak balikan ang wattpad (magsesenti muna ako hahahhaa) Sa dami kasi ng trabaho at responsibilidad ko, naisip ko na waste of time lang ang pagsusulat... But thanks to Lola Madam, pati na din sa kuya ko , who encouraged me to write again... ayun... na-realize ko na na-e-enjoy ko pa din pala ang pagsusulat... Nagulat din ako at may mga nagbabasa pa din pala ng mga stories ko kahit ilan taon akong nag-hybernate!

kaya...

THANKS!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 43.9K 56
Love at first sight Dao pero bakit lumalayo siya sa akin? Yanyan laments. Kung ayaw niya di wag! Manghahalay na lang ako ng ibang papable! KaSaMaAnB...
15.6K 621 13
Hindi madali maging estudyante. Pero mas hindi madali maging ama habang ikaw ay estudyante pa lamang. Sina Vein Rich Alcantara at Riva Fuentes ay ka...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.3K 370 33
β€’| An office love story between a Boss and a Secretary. Sazha, with high hopes of getting a good job spent her 8 hell years just to survive. Ezekiel...