Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 22K 839

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

030

23.6K 348 30
By Kass-iopeia

030

C A L L U M

"Love, let's sleep. Bukas mo na tapusin yan." Pauline said as she pulled me to our room. Walang nagawang hinayaan ko na lang siya. Nahiga kami sa iisang kama at mahigpit siyang yumakap sa akin. Pinikit niya ang mga mata niya habang ako naman ay nanatiling dilat at nakatitig sa ceiling.

Limang taon na din mula ng pakasalan ko siya. Akala ko kapag pinakasalan ko si Pauline ay makakalimutan ko na siya pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Sa limang taon naming pag sasama ni Pau, siya pa din ang paulit ulit kong hinahanap. Para bang palaging hindi kompleto ang araw ko.. Parang may kulang palagi. At hindi ko alam kung ano ba yun.

Paulit ulit ko mang isipin kung ano yun pero hindi ko makuha-kuha. Akala ko ang pakasalan si Pauline ang pinaka mabuti kong gawin nuon pero bakit ganito.. bakit parang gusto kong magsisi. Ayokong saktan si Pauline kaya hindi ko sinasabi sa kanya ito pero... hindi na talaga ako masaya sa kanya o sa amin. Nuon pa man hindi na talaga ako masaya pero pinilit ko pa din. Limang taon kong pinilit maging masaya sa kanya pero ewan ko ba. Para akong hindi makontento at may kung ano palaging hinahanap.

"Pau.."

"Hmm?"

"Gusto ko na magkaanak."

Dumilat siya at humarap sa akin. Maliwanag ang mukha niya at malawak ang kanyang ngiti na abot abot hanggang sa kanyang tenga. Alam kong matagal na niyang gustong magkababy kami since we got married but sinabihan ko siya na hindi pa ako handa para duon dahil di ko pa alam kung paano magpaka-ama. Pero hindi na naman ako bumabata. At baka ito na yung matagal ko na palang hinahanap. Baka kaya pakiramdam ko may kulang ay dahil gusto ko lang ng anak. Isang anak na mag bibigay kulay sa mundo naming dalawa ni Pauline.

Anak na mag pupuno ng kulang na nararamdaman ko.

"Akala ko hindi mo na sasabihin yan." Sumimangot siya at napangiti na lang ako habang napapailing.

"How many kids do you want?" I asked. She just smiled and shrug her shoulder.

"Di ko alam. Kahit ilan. How about you?"

Nag isip ako sandali bago ako ngumiti sa kanya.

"Mga wala siguro." I said and she burst out laughing.

"Oh no. That's too much."

"I thought you said kahit ilan?" I said smiling and she doubled over in laughter.

"Ang daya mo. You're mean, parang ayaw mo na talaga ako pabalikin sa pag momodelling ah."

I hugged her so tight and kissed the top of her head.

"Gusto mo pa bang bumalik?" I asked.

Honestly, ayoko na talaga siyang pabalikin sa pag momodelo dahil ayoko nang maulit yung nangyari sa amin nuon. Ayoko na muling mag kasala sa kanya. Ayoko nang masaktan siya ulit at natatakot ako na baka mangyari ulit iyon kapag nabusy nanaman siya sa pag momodelling pero naisip ko din na baka ayun talaga ang nag papasaya sa kanya. At ayoko namang hadlangan ang nag papasaya sa kanya.

"Alam mo namang buhay ko ang pag momodel di ba?"

"I know love. But promise me, you'll give me a son first."

Mabilis na napaharap siya sa akin.

"Eh paano kung babae?" She asked.

"Edi gagawa pa tayo ulit basta hindi ka babalik sa pag momodelling hanggat hindi mo ako nabibigyan ng anak na lalaki."

She pouted her lips. Nag papaawa. Napaling na lang ako.

"Fine!" She said in defeat.

K A T H A R I N A

"Inna, ang anak mo isinugod kaninang umaga sa hospital!" Bungad sa akin ni aleng Hilda pagkagaling ko sa hacienda kung saan ako nag tatrabaho bilang katulong. Agad kong nabitawan ang hawak hawak kong mumurahing laruan.

"Ano pong nangyari?" ang bilis bilis ng tibok ng dibdib ko na para bang ano mang oras ay maari iyong sumabog.

"Hindi ko alam. Nag lalaro lang yun kanina sa labas ng bahay niyo tapos bigla na lang daw nahimatay. Puntahan mo na."

"S-Salamat po." Nag mamadali akong sumugod sa nag iisang hospital duon. Hindi ko na tinanong kung saang hospital dahil nag iisa lang naman ang hospital sa lugar namin. Habang papalapit ako ng papalapit sa hospital ay mas lalong lumalakas ang tahip ng dibdib ko.

Diyos ko po. Iligtas niyo po ang anak ko sa kapahamakan. Wag niyo naman po siyang pababayaan. Siya lang po ang mayroon ako at hindi ko po kakayanin kapag may mangyaring masama sa kanya. Hinawakan ko nang mahigpit ang laruang binili ko pa kanina sa bayan bago ako umuwi. Bukas kasi ang kaarawan ng anak ko at gusto kong may maibigay naman ako sa kanya sa araw na iyon. Matagal na kasi niyang hinihiling sa akin ang mag karuon nang kotse-kotsehang laruan.

Agad akong pumasok sa hospital at hinanap ang anak ko. Maliit lang ang hospital at walang kanya kanyang kwarto. Tanging kurtina lamang ang nag seseparate sa bawat kama. Inisa isa kong buksan ang mga kurtina at sa pangalawang bukas ko ay nakita ko kaagad ang anak ko. Tulog siya at may mga nakapasak sa ilong niya. Hindi ko naiwasang mapaluha sa naabutan kong kalagayan niya. Nuon pa mang baby pa lang siya alam kong mahina na siya. Palagi siyang nasusugod sa hospital. Gusto ko man ipatingin siya sa mga doktor sa manila pero wala akong magawa. Ayokong bumalik duon.. Natatakot ako na baka.. Baka isang araw bigla na lang may kumuha sa akin ng anak ko. Hindi ko yata kakayaning mangyari yun kaya ginawa ko na lang lahat ng magagawa ko para alagaan siya. Namamasukan ako bilang katulong tuwing umaga at nag titinda naman tuwing gabi.

Ibinuhos ko lahat ng oras ko sa pag tatrabaho at sa anak ko. Wala akong ibang hangad kundi ang mabigyan siya ng magandang buhay. Pero kada mag kakasakit siya natatakot ako. Kada mag kakasakit siya sinisisi ko yung sarili ko. Baka kasi mas maalagaan siya kung iniwan ko na lang siya sa ama niya. Pero kasi hindi ko kaya eh. Siya na lang ang mayron ako nung mga panahon na yun at hindi ko yata kakayaning pakawalan siya. Kaya inilayo ko siya, itinago. Natatakot din ako nuon na baka totohanin ni Chris ang banta niyang papatayin ako kaya nag tago na lang ako dito.

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko. Ang sakit sakit para sa isang ina ang makitang ganito ang kalagayan ng kanilang anak at walang magawa. Kung pwede lang kunin ko na lang yung sakit niya eh. Kung pwede lang na ako na lang yung nahihirapan wag lang siya. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko dapat siya iniiwan mag isa sa bahay lalo na't maliit pa siya pero wala akong magawa eh. Kailangan kong kumita ng pera para mabigyan ko siya ng maayos na buhay.


Natigilan ako nang mag salita ang anak ko.

"Nanay.." Dahan dahang idinilat niya ang mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa nuo.

"Ano yun anak?"

"Ba't ka miiyak?"

Agad kong pinahiran ang mga luha sa mga mata ko at nag peke ng ngiti.

"Hindi baby. Hindi miiyak si nanay. Love love ka ni nanay, anak."

"Nanay, uwi na." Aniya na mukhang pagod na pagod. Muling nangilid ang mga luha sa mga mata ko pero pinigilan kong mapaiyak. Hindi ako dapat mag pakita ng kahinaan sa anak ko.

"Hindi pa pwede anak eh. Hintayin muna natin yung sasabihin ng doktor ah?"

"Nanay, kailan uwi tatay?" Punong puno nang lungkot na tanong niya. Tumalikod ako sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko. Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Nag wowork pa ang tatay Nicholas, pero wag kang mag alala. Nag padala siya ng laruan para sayo. Ito oh." Inilabas ko ang laruan na binili ko at ngumiti kahit gustong gusto ko na mapaiyak. Ang sakit sakit.

Ang hirap hirap mag sinungaling sa anak mo na walang ibang gusto kundi ang makita at makilala ang kanyang ama. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala. Hindi ko siya pwedeng ipakilala sa ama niya dahil hindi ko kakayanin kung kukunin nila sa akin si Nicho at ayoko ding makasira pa ng isang relasyon. Masaya na ngayon si Callum kay Pauline. Nabalitaan kong kinasal na sila at masayang bumubuo ngayon ng pamilya. Ayokong sirain pa uli ang samahan nila.

Kaya kapag tinatanong ako ng anak ko tungkol sa ama niya ay palagi kong sinasabi na nasa malayong lugar ito at nag tatrabaho. Pero ang totoo ay hindi man lamang siya kilala ng kanyang tunay na ama. Masakit sa akin na lokohin ang sarili kong anak. Sobrang sakit kasi nakikita kong umaasa siya. Umaasa siya sa wala. Pero yun lang kasi ang naiisip kong paraan para makasama siya. Wala na akong ibang gusto kundi ang makasama pang habang buhay ang anak ko.

Agad sumigla ang mukha ng anak ko nang inilabas ko na ang laruang binili ko. Agad niya itong binuksan mula sa pag kakabalot sa plastik at agad na nilaro. Pinanuod ko lang siya habang busy siya sa pag lalaro ng bagong laruan. Kitang kita sa kanya na sobra siyang masaya sa bagong laruan. Kahit papano naibsan yung sakit na nararamdaman ko. Napaka dali lang pasiyahin ng anak ko.

"Kayo po ba ang nanay ng bata?" Tanong ng nurse at tumango ako.

"Pinapatawag po kayo ni doc sa opisina niya."

Tumango ako at sumunod sa nurse sa opisina ng doktor. Kilala ko na ang doktor dito dahil madalas masugod dito ang anak ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Good evening doc." Bati ko. Ngumiti lang siya ng kimi bago tumango at mag salita.

"Inna, hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. Malala na ang lagay ng anak mo. Kailangan mo na siyang ipatingin sa mas malaking hospital."

"Sa maynila?" Tanong ko.

Tumango tango naman si doc. Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko na bumalik pa duon. Natatakot akong baka may makakilala sa akin duon at malaman ni Chris at kuhanin sa akin ang anak ko o kaya naman ay baka ipapatay na lang niya ako. Natatakot ako. Yun ang dahilan kung bakit ako nag tatago sa maliit na bayang ito at kung bakit mas pinili kong tawagin sa ibang pangalan. Mahirap na. Ayokong matunton kami ni Chris kaya pati ang tunay kong pangalan ay isinikreto ko.

"Pag isipan mong mabuti Inna. Kailangan ng anak mong mag patingin sa maynila."

"Naiintindihan ko po dok."

"Ang maipapayo ko lang ay sana makaluwas kayo kaagad at maipatingin mo siya agad sa maynila. Habang patagal ng patagal ay mas lalong nalalapit sa kapahamakan ang bata. Kaya ngayon pa lang balakin niyo nang lumuwas."

Tumango tango ako. Mukhang wala na nga talaga akong magagawa kundi ang sundin ang doktor. Hindi ko pwedeng hayaan na may mangyaring masama sa anak ko. Kailangan ko siyang madala kaagad agad sa hospital sa maynila.

Tulalang bumalik ako sa pwesto ng anak ko. Nag lalaro pa din ito ng laruang binigay ko na akala niya ay bigay ng kanyang ama. Pinanuod ko lang siya. Kumukuha lang ako ng lakas sa kanya dahil sa totoo lang pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na ang katawan ko sa pag tatrabaho para sa kinabukasan niya at pagod na pagod na ang puso kong makita siyang nahihirapan. Ang sakit sakit. Bakit pati ang anak ko pinaparusahan. Ako na lang sana. Kaya ko naman eh. Kakayanin ko naman kung sana ako na lang pero bakit ang anak ko pa? Bakit ang anak ko pang walang kamalay malay ang pinaparusahan ng ganito? Ang hirap hirap. Ang sakit sakit. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang sumuko pero hindi pwede eh dahil buhay na ni Nicholas nag nakataya dito. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya. Gagawin ko lahat para lang mailayo siya sa kapahamakan. Kahit sarili kong buhay kaya kong ibuwis para sa kanya. Kaya kong ibigay lahat para sa anak ko. Ibibigay ko ang lahat sa kanya.

Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya. Ikakamatay ko pag may mangyaring masama sa kanya..

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 48.1K 41
"You can't escape me Samantha. Not now. Not tomorrow. Never." wika ni Tres sa nanggagalaiting tinig. I take a step backward to avoid his skin to tou...
287K 3.8K 43
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Royve Wilson is one of Wilson Twins. he is the best detective and hacker in town, he works infront of computer t...
520K 11.5K 35
LOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamu...
79.7K 4.5K 39
Khloe Emerald was born and raised in a wealthy family. She was treated like a Princess... a precious gem in their family so saying no to her parents'...