Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

029

21.3K 345 17
By Kass-iopeia

029

K A T H


Tinutoo nga ni Chris ang sinabi niyang ipaaalala niya ulit sa akin ang impyernong pinanggalingan ko. Isang linggo na mula nang bumalik ako dito sa hacienda at isang linggo na din niya akong kinukulong dito sa kwartong ito. At sa bawat araw ay mas lalo niya akong pinahihirapan. Mas naging mahigpit siya at malupit. Ipinaparamdam niya sa akin araw araw yung mga bangungot ko nuon. Ipinaparamdam niya sa akin muli yung pakiramdam na para kang nasa impyerno. Hindi lilipas ang isang araw na hindi niya ako nasasaktan. Kung ano anong pananakit ang ginawa niya sa akin na halos hindi na ako makabangon sa kamang ito.


Hindi ako makapaniwalang nagagawa niya sa akin ang lahat ng 'to. Hindi ako makapaniwala na magagawa ng isang kagaya niya ito. Napaka buti niyang tao nuong nakilala ko siya pero bakit siya naging ganito? Napaka sama na niyang tao at hindi na siya marunong mahabag. Hindi ko na kayang tiisin yung mga pang mamaltrato niya sa akin. Ang sakit sakit na. Sobra sobra na. Pinapaaalala niya sa akin lahat ng nakaraan ko at takot na takot ako. Ayoko na. Para niyo nang awa, tigilan niyo ako. Ilang beses akong nag makaawa sa kanya na pakawalan ako pero hindi niya ginawa. Habang nag pupumilit akong makaalis lalo niya akong sinasaktan.


At tuwing gabi, muli akong nag kakaruon ng mga masasamang bangungot pero wala ng yumayakap sa akin para sabihing magiging maayos din ang lahat. Mas lalo kong naramdaman ang pakiramdam na nag iisa na nga lang talaga ako.


May pagkakataong naiisip kong magpakamatay na lang pero sa tuwing tatangkain kong gawin iyon ay pumapasok sa isip ko si Callum. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing maaalala ko siya parang nawawala yung dahilan ko para mag pakamatay. Siguro dahil ayokong dumating yung oras na hindi ko na muling masisilayan yung ngiti niya.


Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti ng mapait. Siguro kung makikita ako ngayon ni Callum.. hindi na niya ako mamahalin ulit at hindi na niya ako gugustuhin pang makita ulit. Isa na akong basura ngayon. Kinapa ng kamay ko ang mga mata kong halos hindi ko na maidilat dahil sa pasa at dahil na din sa pamamaga dulot ng mayat mayang pag iyak. Sunod kong hinaplos ay ang ilang mga galos sa mukha ko at ang galos sa may bandang labi ko. Muling tumulo ang mga luha ko. Ayoko sanang umiyak dahil sobrang hapdi kapag nag lalandas ang mga luha ko sa mga sugat sa mukha ko pero hindi ko talaga mapigilan. Kapag titingnan ko ang sarili ko sa salamin ay hindi ko magawang maawa sa sarili ko. Pati ang buong katawan ko ay punong puno na ng pasat mga sugat. Hindi ko alam kung bakit ba ako ginaganito ni Christopher. Alam kong nagkasala ako sa kanya pero tama bang gawin niya lahat ito sa akin. Kahapon lang nang makita niya akong nag aayos ng sarili ay agad siyang kumuha ng gunting para gupitin ang buhok ko. Papapangitin at sisirain niya daw ako para hindi na daw ako makapag landi. Hanggat hindi niya ako nasisira ng husto ay hinding hindi daw siya matatahimik. Kaya ito ko ngayon.. Halos hindi na makilala ang sarili. Malayong malayo sa dati. Baka nga pag nakita ako ni Callum ay hindi niya na ako makilala eh.


Ang sakit sakit. Hindi lang niya ako physically sinasaktan kundi pati pagkatao ko tinatapakan na niya. Pagod na pagod na ako. Wala bang kataposan ito? Bakit ako pa? Bakit sa akin nangyayari itong lahat? Bakit?


Biglang bumukas ang pinto at pumasok si manang Loleng. Nagulat siya pagkakita sa hitsura ko. May dala dala siyang tray ng pagkain at halos maibagsak na niya ito. Sa isang linggo kong pagkakakulong dito ay ngayon lamang na si Manang Loleng ang nag hatid ng pagkain ko. Agad akong lumapit sa kanya upang yakapin siya. Mahigpit din naman niya akong niyakap pabalik. Sa mga oras na yun kahit papaano ay gumaang yung loob ko. Kasi kahit papano nagkaruon ako ng pag asa nang makita ko si manang.


"Katharina.." Hindi pa din siya makapaniwala habang nakatitig sa akin.


"Manang.." Muli akong yumakap sa kanya.


"Oh diyos ko po. Anong nangyari sayong bata ka?"


"Manang isang linggo na po akong kinukulong ni Chris dito at araw araw niya ho akong sinasaktan.."


"Diyos ko po. Paano? Bakit?"


"May kasalanan po ako sa kanya." Napatungo ako.


"Pero sigurado ako na kung ano man ang kasalanan mo sa kanya ay hindi yun sapat para gawin niya ito sayo. Tignan mo ang sarili mo Hija..." kitang kita ko kung paano nahahabag si manang habang nakatingin sa akin. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang kalagayan ko.


"Manang tulungan niyo po ako..." Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos iyon.


"Manang Loleng anong ginagawa niyo dito?" Biglang pumasok ng kwarto si Chris. Seryosong seryoso itong nakatingin sa aming dalawa ni manang. Nakadama ako ng takot para kay manang Loleng. Paano kung pati siya ay idamay ni Chris? Paano kung pati siya ay saktan din ni Chris? Hindi pwede. Agad akong humarang sa harapan ni manang.


"Chris, hinatiran niya lang ako ng makakain."


"At sinong nag utos sa kanyang gawin iyon?"


"Ano ba itong ginagawa mo Christopher? Sa tagal kong nag silbi sa pamamahay na ito, hindi pa pala kita totoong kilala. Paano mo nagawa kay Katharina ito? Paano mo siya nagawang saktan ha Christopher!" Galit na galit na sabi ni manang. Pilit ko siyang pinipigilan pero ayaw niyang mag paawat.


"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan ha tanda?" Natakot ako nang lumapit si Chris sa amin at mabilis niya akong hinila palayo kay manang.


"Palalampasin ko ang pangingielam mo ngayon Loleng pero wag na wag ka nauling lalapit kay Katharina kung ayaw mong madamay sa impyernong buhay ng babaeng 'to."


Nagulat ako nang imbis na matakot si manang ay mas lalo pa nitong pinatigas ang kanyang mukha. Lumapit siya sa akin at inilapit ako sa tabi niya.


"Hindi ko na kayang mag silbi pa sa pamamahay na ito kung hindi na naman pala tao ang pinag sisilbihan ko! Aalis na ako at isasama ko si Katharina! Kapag pinigilan mo ako ay mapipilitan akong isumbong ka sa mga pulis! Sobra na ang ginawa mo kay Katharina at hindi ako papayag na dagdagan mo pa ang pag hihirap na dinanas ng batang ito. Christopher! Gumising ka! Alam na alam mo ang mga pinag daanan ni Katharina pero paanong nagawa mo pa din ito sa kanya?! Demonyo ka!" Hinila ako ni manang palabas ng kwarto pero hindi pa man kami nakakababa ng hagdan ay pinigilan na kami ni Christopher. Hinila niya ako mula kay manang at hindi sinasadyang naitulak niya ito. Nawalan ng balanse si manang at nahulog sa hagdan. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa katawan niyang nag pagulong gulong sa hagdan.


"

Manang!" napasigaw ako at napapikit ng mariin nang tuluyan na siyang bumagsak sa baba.


"Ahhhh! Manaaaang!!! Ahhhh!" napasigaw ako ng malakas at nabuhal mula sa pagkakatayo. Napaluhod ako mula sa kinatatayuan ko. Nanginginig at hindi malaman ang gagawin. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at halos hindi na ako makahinga. Wala ng ibang pumapasok sa isip ko. Hindi ako makahinga at nanlalabo ang paningin ko. Hindi ako makagalaw mula sa pwesto ko na para bang napako na ako duon. Nahihirapan akong huminga na para bang nawawalan ako ng hangin sa katawan hanggang sa mag dilim na lang ng tuluyan ang paningin ko..


"Congratulations Mr. Montemayor she's pregnant." Rinig kong sabi ng doctor bago ako dahan dahang nag mulat ng mga mata. Nasa kwarto na ulit ako at nakahiga sa kama ko. Lumipat ang tingin ko sa doctor na nasa gilid ng kama ko at kausap ni Chris.


Nakita kong nag bago ang hilatsa ng mukha ni Chris pagkasabi nuon ng doktor. Nag bilin ang doktor ng kung ano ano pero hindi ko na iyon naintindihang lahat ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay ang umang salitang binigkas niya nang magising ako. Buntis ako.. Hindi ako makapaniwala. Nag bunga ang pag mamahalan namin ni Callum.. Nag paalam na ang doktor at inihatid naman ito ni Chris sa labas.


Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina bago ako mawalan ng malay. Hindi ko alam kung panaginip ko lang ba iyon o nangyari talaga lahat nang 'yun. Sunod sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Kasalanan ko ito. Pati si manang Loleng nadamay dahil sa akin. Pati siya na walang kinalaman dito ay madamay ng dahil sa akin. Ang sama sama ko. Hindi ako makapaniwalang ako ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanya. Hinding hindi. Diyos ko... Iligtas niyo naman po sana si Manang Loleng. Diyos ko tulungan niyo din po akong maisilang ng ligtas ang magiging anak namin ni Callum. Nag mamakaawa ako diyos ko ako na lang po. Ako na lang po please. Wag lang po ang mga taong mahalaga sa akin. Wag lang po sila. Para niyo nang awa. Iligtas niyo po sila sa kapahamakan at lalong lalo na ang anak namin ni Callum.


Pagkatapos ng ilang minuto ay muling bumalik si Chris sa kwarto na may blan

kong mukha. Bumangon ako para harapin siya.


"Nasan si Manang Loleng? Anong nangyari sa kanya? Ligtas na ba siya?"


"Naitakbo agad siya sa hospital kaya hindi pa siya patay pero di ko sigurado kung magigising pa siya. Kasalanan mo itong lahat Katharina! Hindi mo ba nakikita? Sinisira mo ang buhay ng mga taong nag mamahal sayo! Ginagawa mong impyerno ang mga buhay namin tulad ng sayo!"


Kumuyom ang mga palad ko.


"Kasalanan mo itong lahat Chris! Hayop ka! Hindi na kita kilala! Pati ba naman si manang na pinagsilbihan ka ng pagkahaba habang panahon ay sasaktan mo? Demonyo ka Christopher! Wala kang pinagkaiba sa ama ko! Demonyo ka!" ito ang unang beses na nilabanan ko si Chris hindi ko kasi talaga matiis eh. Hindi ko na kayang manahimik na lang dahil dinamay na niya pati ang malalapit na tao sa akin. Sobra na siya.


Wala siyang puso. Pati ba naman si manang na walang ginawa kundi ang pag silbihan siya ay magagawa niyang saktan? Wala siyang kwentang tao! Napaka sama niya.

Ang sama sama niya. Paano niya nakayanang gawin iyon sa walang kamalay malay na matanda.

Nakaramdam ako ng takot nang lumapit siya sa akin. Nag tangis ang mga bagang niya sa sobrang galit. Itinayo niya ako sa papamagitan nang pag sakal sa akin. Hindi ako nag pakita ng kahit konting takot at tiniis ko na lamang ang mga ginagawa niya. Galit ako. Oo marunong din pala akong magalit at ngayon galit na galit ako kay Christopher sa ginagawa niya sa akin. Sinisira niya ang pag katao ko. Pinag lalaruan na parang hayup! Napaka demonyo niya.

"Wala kang karapatang sisihin ako sa nangyayari sa buhay mo! Ibinabalik lang kita sa impyernong pinanggalingan mo! Hindi mo ba nakikita? Ikaw ang gumagawa nito sa mga taong nakapaligid sayo! Ginagawa mong miserable ang buhay nila! Dinadamay mo sila sa impyernong buhay mo! Kaya alam mo? Hinding hindi ako papayag na sayo mapupunta ang apo ko! Isisilang mo lang siya pero hinding hindi ka niya kikilalaning ina! Dahil kapag lumabas na ang batang yan hindi na kita bubuhayin! Sisirain ko ang buong pagkatao mo na hindi mo na gugustuhin pang mabuhay." Binitawan niya ako at tinulak. Napasalampak ako sa sahig. Lumabas na siya ng kwarto pag katapos nuon.

Hinaplos ko ang hindi pa halatang tiyan ko. Hindi ako makapaniwalang nag bunga ang maikling pag sasama namin ni Callum. Nakaramdam ako ng saya dahil kahit pala nawala sa akin si Callum ay may iniwan siyang isang munting regalo kaya lang pero hindi ko pa din magawang sumaya ng lubos dahil alam kong may posibilidad na mapahamak si baby habang nandito kami sa loob. At ayokong dumating yung araw na isilang ko siya pero babawiin lang din siya sa akin. Siya lang ang kaisa isang bagay na matuturing kong pag aari kaya hinding hindi ako papayag na hindi ko makakasama ang anak ko. Gagawa ako ng paraan para lang makatakas dito. Hinding hindi lalaki ang anak ko sa impyernong lugar na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
34.9K 1K 26
Just an ordinary story of an ordinary girl, and her life as a college student but what if that's not all this story is about? What if she's hiding a...
91K 2.7K 42
Love. Passion. Power. Three different things but when combined together, beyond great power. Like a steel that can't be broken. Platinum that can't b...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...