Making Love - Published by PHR

Od FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... Viac

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Nine (Part 2)

170K 3.8K 218
Od FGirlWriter

TULALA si Lana. Yakap-yakap niya ang mga binti habang nakatingin sa kawalan.

            Buong araw silang nasa ospital ni Dylan. Nang nahimatay siya ay hinikayat ng doktor niya si Dylan upang mapa-CT Scan na siya. Usually, inaabot ng tatlong araw hanggang isang linggo ang result. But Dylan, paid a big amount of money for them to know the results already.

            And they did.

            Positive. Her brain cancer's back. Stage three. Malaki at malalim na ang tumor na namuo ulit sa utak niya. It's on the left side of her brain. Kailangan agad ng surgery.

            But her case was 50-50. Dahil hindi alam kung maiaalis ng buo ang tumor at kung madadala iyon ng chemotheraphy. Actually, sa surgery pa lang ay 50-50 na agad ang chance of survival niya. The surgery could fail and it will be the end of her.

            Dati siguro, nakaligtas siya ng tatlong beses. Eh, ngayon kaya?

            Hindi niya na inalam kung gaano na kalalim ang tumor at kung gaano kalaki iyon. Her heart's already crying now.

            Ito na naman. Magpapagamot na naman siya. Hindi na naman niya alam kung gagaling siya o hindi.

            "Lana?" katok ng Mom niya sa pinto ng kuwarto nila ni Dylan. Kanina pa sila nakauwi ng asawa at kanina pa rin siya nag-iisa sa kuwarto.

            Gusto niyang mapag-isa muna. Ayaw niyang may makitang ibang tao. Kahit ang mga anak niya, hindi niya kayang makita.

            "I don't want to talk, Mom," aniya na parang isang matigas na ulong teenager ulit.

            "Lana," her father called. "Let us in."

            "Dad, hayaan niyo muna akong mag-isa!" singhal niya sa mga ito.

            Wala na siyang narinig pa na kahit ano sa mga ito. Nabalik siya sa pagkakatulala. Di niya na alam kung anong iisipin.

            Ano bang nagawa niyang mali at binabalik ng Diyos sa kanya ang cancer? Had she been a bad mother or wife? Anong naging kasalanan niya at kailangan niya na namang maghirap ng ganito?

            Narinig niyang bumukas ang pinto. Hindi na siya lumingon pa. Alam na niyang pinahiram na ni Dylan sa mga ito ang susi ng kuwarto.

            "Allana..." It was Dylan. Naramdaman niyang bumalot ang mga braso nito sa kanya.

            She bit her lower lip and tried hard not to cry. But her tears were just as stubborn as she is. Napasinghap siya at saka tahimik na naiyak.

            "D-Dylan..." bulong niya. "N-Natatakot ako..." then she cried harder.

            Wala siyang narinig na kahit ano kay Dylan. But his shoulders started shaking.

            "Ayoko n-nito... Ayoko... A-Ayokong mamatay, Dylan. Hindi puwede..." nahihirapang sabi niya sa pagitan ng mga luha.

            Mas humigpit ang yakap nito sa kanya. Nararamdaman niya na ang tahimik nitong pag-iyak.

            "Ang liliit pa ng mga anak natin... Hindi ko pa sila puwedeng iwan..."

            "You're not going to die... We'll fight, Allana," mahinang sabi nito.

            "Makikita nila akong nahihirapan sa sakit ko, later on. Ayokong makita nila Aki iyon. They'll probably cry. Lalo na si Calvin. I don't want them to see me on this condition... Damn it, Dylan!" hagulgol niya. "Gusto ko pang makitang lumaki si Deina..."

            Lana cried hard and harder. And Dylan's crying with her. Hindi nila alam kung paano patatatagin ang isa't isa ngayon. They were just so down right now.

            They cried together all night while Dylan never let her go. This is the first time that they stayed up all night crying and not making love.

            Kung kailan sa tingin nila ay wala na silang luha pang ilalabas, kapag sinambit na ni Dylan ang pangalan niya ay naiiyak na naman siya. Then, he'll cry again with her.

            Unti-unti nang lumiliwanag sa labas. Parehas pang gising sina Lana at Dylan. Nakaunan siya sa dibdib nito habang ito'y napakahigpit ng yakap sa kanya habang hinahaplos-haplos ang buhok niya.

            Walang nagsasalita. Wala na ring umiiyak.

            Narinig ni Lana ang pagtilaok ng manok at ang huni ng mga ibon. Ngunit, walang dating sa kanya iyon. She was like thrown back in the days where she was the naïve and scared eighteen year-old girl. Her life was black and white once again.

            Sa kaalaman pa lang na bumalik ang sakit niya na nakamamatay, doon pa lang, parang pinatay na siya.

            Bakit ganoon? Kung kailan maganda na ang mga bagay at saka naman papangit?

            "Allana..." tawag ni Dylan sa namamaos na tinig. Tumikhim ito. "What are you scared of?"

            "I'm scared of my children growing up without a m-mom..." Napalunok siya. "I'm scared that I need to leave you..."

            Humugot ito ng malalim na hininga. "Bakit mo iniisip na... n-na mamamatay ka? Hindi mo ba naisip na lumaban para sa mga anak natin... para sa'kin? Para sa sarili mo at sa... sa mga taong nagmamahal sa'yo?"

            Hindi siya nakasagot. She's in her indenial stage—the dark stage where everything is negative.

            Lalaban? Lalaban na naman?

            Paano kung binalik sa kanya ang sakit na iyon dahil, sa panahong iyon, kailangan na talaga niyang mamatay?

            Biglang bumangon si Dylan. Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Come with me," buo nitong sabi.

            Sinalubong niya ang mga mata nitong namumula at namamaga dahil sa buong magdamag na pag-iyak kasama siya. "S-Saan tayo pupunta?"

            "May hahanapin tayo."

            Hahanapin? "Anong h-hahanapin?"

            He slowly smiled and reached her hand.

            "Acceptance."

***

NAKAPANGHIHINA. Nakakatakot. At masakit.

Sobrang sakit.

Ngunit, pagkatapos ng isang buong magdamag na pagtangis kasama ang asawang si Lana dahil sa kondisyon nito, oras na para kay Dylan upang maging lakas nito

It's time to hide all his fears and worries. This is the time to be strong for her. To show how much he'll support his wife no matter what will happen.

It's time to fight, to have faith, to hope for the best... And tell Lana how much he'll love her like what he promised...

Beyond ends.

Napasulyap siya kay Lana na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse nila. Walang ekspresyon ang mukha nito. Diretso at blanko ang tingin sa labas.

Hindi na kailangan pang makita or marinig ang kalungkutan mula rito. Because he can feel it already. But he'll try his best to make her feel better, to smile once again, nd to accept everything that's happening to them now.

"We're going to Bataan," imporma niya rito. Dylan showed a smile and used a jolly voice. Kahit nanghihina ang loob niya kasama ng asawa, magpapakatatag siya.

"Why Bataan?" she boredly asked, without facing him.

"Hindi kasi dapat isuko."

Doon ito napasulyap sa kanya. "Are you trying to make a joke?"

He lightly chuckled. "No. Doon kita dadalhin dahil ang lugar na iyon, ipinaglaban, at ibinigay ng lahat ng mga Pilipinong sundalo ang kaya nilang gawin para lang hindi mawala ang Bataan sa kanila. Gusto ko 'yung ginawa nila. May mga bagay kasing sadyang hindi sinusuko agad," sabay makahulugang sulyap rito. "Dapat pinaglalaban."

Umiwas ito ng tingin sa kanya at napayuko.

Alam niyang mahirap pa ang lahat dito lalo na at kahapon lang nila nalaman ang tungkol sa sakit nito. The tumor is back and it's growing deeper.

He felt a pinch in his chest knowing that Lana would suffer again. Dahan-dahan siyang nagpakawala ng hangin.

May tatlong oras pa sila sa biyahe. Hindi naman puwedeng hindi sila mag-usap ng asawa. He knows she wanted to be alone to absorb the bomb that exploded right infront of them yesterday. Pero hindi nito kailangang mag-isang tanggapin lahat iyon. Dahil nandito naman siya para rito.

"Maka-ilang beses ko na siguro sa'yo nasabi 'to sa loob ng seven years. Kung ibabalik ang oras para mabago ko ang paraan kung paano tayo nagkakilala, uulitin ko lang ulit iyong nangyari noon. I still wanted to experience being avoided and being resisted by you. Dahil doon, natuto akong maging mas pursigido just to catch your heart," napapangiting wika niya.

"I never gave up easily," he continued. "I realized that one person will really come into your life and she will be worth fighting for. And every time I woke up in the morning with you by my side, and whenever I look at our kids ... napapangiti na lang ako tapos nasasabi ko sa sarili ko, 'buti na lang hindi ko 'to sinukuan'. Buti na lang, lumaban ako kahit ang daming nangingialam, at kahit mismong mga sarili natin ang hadlang pa minsan."

Lana remained silent and still staring away. But he knows, she's listening.

"We fought through a lot of trials in our marriage life, Allana. Why not just continue it now?"

"You've never experienced cancer," she answered. "You'll never know how is it living in fear that tomorrow you might die without you knowing."

"Dapat pala, hindi kita pinatigil sa pagta-trabaho sa Big Hopes. You always give encouragements to kids who lose hope . You always tell them to fight for their lives. You always bring out the positivity in them. Can't you remember that anymore, honey?"

"It's different with me, Dylan. I'm not a child anymore."

"How is it different? You all wanted to survive."

            Hindi ito sumagot.

            "Allana—"

            "I always tell the kids, then, that we'll never know what will happen tomorrow. Pero kung patuloy pa rin silang nagigising araw-araw, I told them to live their dream. Just be positive today. Just live and fight today. Ngayon lang ang iisipin nila. Huwag muna nilang isipin ang bukas," anito na may tatag sa boses. Ngunit nawala ang katatagang iyon nang magsalita ulit ito.

"But I-I cannot just live t-today, Dylan. I need to be alive tomorrow. Because I'm a m-mother. Hindi ko kayang isipin na ngayon buhay ako, bahala na bukas. Hindi ko kayang isipin na ngayon nakikita ko mga anak ko, bukas h-hindi ko alam," nanginginig na ang boses nito. "I always looked into the future now, D-Dylan. What would Aki wanted to be when he grows up? What would Bench be like when he's older? What would Calvin do to reach his dreams? What would Deina do when she falls in love for the first time?

"See, I'm a mother now. I can't stand the fact that tomorrow maybe, I won't see my children... That I won't be able to see them grow up..." pahina nang pahina na sabi nito.

Bawat salitang binibitawan ni Lana, ang paghihirap sa tinig nito—doble ang sakit kay Dylan. Humigpit ang hawak niya sa manibela. He's secretly shaking. Parang gusto niya pang unahan ang asawa sa pag-iyak.

But, no. He understands Lana, because he's a father and their talking about their children's future. But Lana's being negative.

"You wanted to see them grow up? Then fight, Allana. Don't let fear eat you."

Hindi sumagot ang asawa niya kaya napasulyap siya rito. Nakayuko ito. She's silent but her shoulders were shaking.

Agad namang itinabi ni Dylan sa isang gilid ang kotse. He reached for her.

"I will be here for you, for us, for our family," he whispered while controlling his emotions. "Heaven knows that I'm scared as you are because I'm more afraid of loosing you... I'm more frightened of the thought that we won't grow old together. But, damn the fears! I won't let it eat me and steal all my hopes and faith... in us."

"D-Dylan..." iyak nito.

"Mahal na mahal kita, Allana. We'll have another happily ever after, once more," he promised.

And really, they'll have it again. Being more mature through the years made him believed what is needed to be believed in. At ipapaalala niya iyon sa asawa.

***

MATAMLAY na inikot ni Lana ang tingin sa buong paligid. Sa isang resort sa Bataan siya dinala ni Dylan. Maganda ang resort dahil kakaiba ang theme niyon. Para siyang ibinalik sa Spanish Era kung saan ang mga facilities ng naturang resort ay Spanish-Filipino styled. Pati ang mga tinutuluyan ng mga guests ay mga Spanish-styled old houses. Ang mga uniform pa ng mga staff  ay makaluma—barong tagalog, kamisa de chino, Filipiñana, at baro't saya. Kulang na lang ay kalesa sa lugar. Golf carts nga lang ang ginagamait na service ng resort para sa mga guest na makapunta sa tutuluyan ng mga ito.

            Lana would really appreciate all the things she's seeing right now kundi lang talaga niya alam ang kondisyon niya ngayon. Suddenly, she just don't know how to view things beautiful now.

            "Bakit mo 'ko dinala rito?" tanong niya kay Dylan habang nakasakay na sila sa likod ng golf cart na maghahatid sa kanila sa tutuluyan nila. Sa may bandang beach daw ang kinuha nitong lokasyon.

            "I told you, we'll live our teenage dream."

            Oo nga pala. Nakalimutan niya na naman. Iyon nga pala ang rason na hindi niya maintindihan. "What do you mean by that, by the way?" Parang gusto niya nang umuwi at mas gusto niyang gugulin ang oras kasama ang mga anak niya. Pero parang hindi niya pa rin kayang humarap sa mga ito dahil baka bigla na lang siyang mag-break down sa harap ng mga ito. That's the last thing she wanted their children to see.

            "Let's have this day be like a throwback day."

            Napahikab siya, Nararamdaman niya na ang sobrang pagod sa biyahe. Humahampas pa sa kanya ang mainit ngunit sariwang hangin. "Ayoko, Dylan. Gusto kong magpahinga."

            Hininto sila ng golf cart sa isang two-storey old Binondo-style house. Dala ni Dylan ang  dalawang bag na gamit nila sa isang kamay nito habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanya ng mahigpit.

            Magkasabay silang pumasok sa tutuluyan at sinalubong sila ng isang babaeng receptionist na agad silang iginiya sa kuwarto nila.

            Nang makita ni Lana ang malaking kama ay mabilis niyang tinanggal ang mga sapatos at humiga roon. Nag-uumpisa nang kumirot ang sentido niya. Magtutuluy-tuloy na iyon.

            Naramdaman niya ang paglundo ng kama at ang paghalik ni Dylan sa kanyang noo. Biglang parang bula na nawala ang sakit ng ulo niya. Napadilat tuloy siya at napatingin sa asawang nakangiti habang nakatunghay sa kanya.

            "Let's have a roleplay," he gently said while caressing her face. "Let's forget everything for a while, honey. Let's pretend that we don't have our kids yet, like were still newly weds. Forget about the cancer. Leave your fears behind."

            "But—"

            "We'll have fun today. Let's live the teenage dream we had. You remember those flirty and sweet moments we did back then? Making out in the backseat of the car, making love everywhere... saying endless sweet nothings and 'I love yous'."

            Napakunot noo siya. "You wanted to do all those today?"

            He laughed. "No. I wanted your sweet naughty smile back and your shining eyes. I want to hear you laugh. I want to see you looking at me with love."

            Hindi siya nakasagot. Kaya niya ba iyon? Kaya niya bang magpanggap na maging masaya? Na maging okay lang?

            "This day, it's just you and me. You and me, Allana." He gave a swift kiss on her lips. "When you wake up later, we'll start to have fun."

            Napalunok siya. Her heart was screaming 'yes'. Dylan's escaping the reality with her. For just a day. "Just y-you and me?"

            "Just you and me."

            Mahina siyang tumango na ikinangiti ng asawa. "Now, rest. Hihintayin kitang magising."

            "Pa'no kung hindi na 'ko magising?" she dared him.

            Tinitigan siya nito. "Hihintayin kitang magising," he just repeated then let her rest.

            When she closed her eyes, one things on her mind. Gusto niya ring magising.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
3.4M 86.8K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
13.2K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...