Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Nine (Part 1)

198K 3.7K 226
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-NINE

Two months later...

"DYLAN! We're going to be late!" paalala ni Lana sa asawa habang karga-karga si Deina at inaayos ang purple dress nito at baby hairband.

            Ngayon ang araw ng binyag ng bunso nila ni Dylan. Kasabay sa binyag ni Deina si baby Contessa—ang two month old baby nina Prince at Trisha. Seven months na buntis si Trisha nang manganak siya kay Deina.

            "How long do I have to wear this thing?" nakasimangot na sambit ni Aki habang nakatingin sa polo nito na hanggang sa leeg nakabutones.

            Yumuko siya at tinanggal ang isang butones. "Sandali mo lang susuotin iyan, Aki. One hour lang. After the christening, you can take that off na."

            "Mommy, maraming food mamaya?" tanong ni Bench na nakaupo sa sofa at kinakawag-kawag ang paa nito.

            "Yes, Bench. Basta behave ka lang mamaya. Saka kapag hindi ka maingay. I'll show you the chocolate fountain."

            Nagningning ang mga mata nito at napapalakpak. "Ooohhh! Chocolate!"

            "Okay! Are you all ready? We're going now," anunsiyo ni Dylan pagkababa nito. Buhat nito si Calvin na naka-gel pa ang buhok. Si Dylan siguro ang naglagay.

            "Bakit ang tagal niyo?" medyo iritadong wika niya nang makita ang oras sa wristwatch. "Nakakahiyang ma-late. Baka nandoon na kanina pa sina Prince."

            Ibinaba ni Dylan si Calvin na agad lumapit sa mga kapatid nito.

            Inakbayan siya ng asawa. "Sakto lang ang oras, honey. Isa pa, malapit lang naman ang chapel. Pasensya na rin natagalan. Mahirap kumbinsihin si Calvin na magsuot ng damit niya. Gusto niya nakahubad lang daw siya. Crazy kiddo."

            "Mana sa'yo," nakairap na tugon niya. "O, halika na. Naiinip na rin 'tong mga bata. Lalo na si baby Deina ko..." sabay baling sa anak na napapahikab na.

            Hinalikan siya nito sa sentido. "Huwag ka ng masungit, honey. Hindi tayo male-late." Bumaling ito kay Deina. "Di'ba, baby, hindi tayo male-late?" sabay halik sa bumbunan ng anak nito. "Kamukhang-kamukha mo talaga siya, Allana."

            "Siyempre, anak ko," sarkastikong wika niya.

            Dylan chuckled. "Ang sungit mo talaga. Lagot ka sa'kin mamayang gabi," pilyong saad nito.

            Natawa siya at kinurot ito sa tagiliran. "Umalis na nga tayo!"

            "Uy, excited. Biglang nabago ang mood."

            Pabirong inirapan niya ulit ito at saka nanguna nang lumabas habang tinatawag sina Aki, Bench, at Calvin. Maya-maya ay nasa kotse na silang isang pamilya at papunta na sa binyagan.

            Hindi nga sila na-late at maaga pa sila ng kalahating oras. Agad naman silang nakipagbatian sa mga tao roon.

Nandoon na sina Prince at Trisha kasama ang anak ng mga ito. Nandoon din sina Mom at Dad. Lolo Rex was currently in Spain kaya hindi naman ito makakadalo. Naroon na rin ang mga kapamilya ni Trisha at ilang mga kaibigan

            At mawawala ba naman ang mga loko-lokong pinsan ni Dylan na kahit di naman nila kinukuhang ninong ay nandoon? But well, may pamilya na rin ang mga ito.

            Dylan's parents are also there. Pati na ang totoong ama nito.

            Sumunod ay naging abala na rin si Lana nang tinawag siya ni Trisha. Parehas silang excited and nervous mommies na gustong maging perfect at walang problema ang magiging binyag nina Deina at Contessa.

            Pagkatapos ng mga kamustahan ay nagsimula na ang binyagan. Alam niyang nakahinga lang sila ng maluwag ni Trisha nang maayos na natapos ang binyag. Siyempre, hindi mawawala ang mga group pictures.

            Unang kinuhanan silang dalawa ni Trisha na karga-karga ang mga bagong binyag na anak. Sumunod ay kasama na nila ang kanilang mga asawa at anak. Pagkatapos ay ang mga Ninang at Ninong naman.

            Marami pang set of groups na kinuhanan ng litrato. At sa lahat ng pictures ay hindi puwede walang nakangiti ng malapad. Pa'no naman kasi ay laging nagpapatawa si Prince. Sinasabayan pa ng mga pinsan ni Dylan. Wala siguro silang matinong picture.

            Maya-maya ay last two shots na lang. Family picture nina Prince at Trisha at family picture nila. The atmosphere was just so happy for welcoming two lovely babies in the Christian world.

            Agad na pumunta sila sa handaan ng binyag, Ginanap sa isa sa mga sikat na restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nila Trisha ang party. As usual, sina Lana at Trisha ang nag-eestima ng mga bisita. Sina Dylan at Prince ang pinag-alaga nila sa mga baby nila.

            Nakikipagkuwentuhan si Lana kay Trisha habang may hawak siyang baso ng strawberry shake. Maya-maya'y bigla na lang niyang nabitawan ang hawak na baso ng shake. Lumikha ng ingay ang pagkabasag niyon.

            Napangiwi siya. "Oh my! I'm sorry," aniya at aayusin sana ang nabasag pero pinigilan siya ni Trisha

            "Baka masugatan ka. Magtawag na lang tayo ng puwedeng maglinis."

            "Ang clumsy ko talaga. Alam mo bang ngayong week, ilang beses din akong nakabasag ng pinggan sa bahay?" aniya rito nang may lumapit na sa kanilang waiter at niligpit ang nabasag niya.

            "What happened?" hangos naman ni Prince sa kanila.

            "Sorry, Prince. Nadulas sa kamay ko iyong baso. Babayaran ko na lang."

            "Okay lang 'yan. Aksidente lang naman. Hayaan mo na," sabi nito sa kanya. "Let's start the program for the kids."

            "Program?" nagtatakang wika niya.

            "Di'ba may hinanda tayong maliit na program para sa mga bata?" paalala ni Trisha. "Pinagplanuhan natin 'to last week para may kaunting kasiyahan for them."

            Napakunot-noo siya. Wala kasi siyang matandaan na may hinanda pala silang ganoon.

            "Hay, nako. Sign of old age na iyan, Lana," biro ni Trisha. "Sige na, halika na kayo. Prince, ikaw na magpaalala sa kapatid mo, ako nang bahala magtipon sa mga bata."

            Ganoon nga ang ginawa ni Prince. Napapitik na lang siya nang maalala na siya pa nga pala ang unang nag-suggest niyon dahil naisip niyang baka mainip ang mga bata sa handaan. Kaya gumawa sila ng mini-program.

            Napailing-iling na lang siya sa sarili. Bakit kaya nawala iyon sa isip niya?

            Maya-maya lang ay nag-umpisa na ang mini-program sa mga bata. Buti na lang at handa sina Trisha kaya naman walang naging problema at nagpatuloy pa rin ang kasiyahan.

***

LUMIPAS ang mga araw at hindi alam ni Lana kung bakit madalas na siyang makabasag ng mga gamit sa bahay. Parang naging mabagal ang reflexes at body coordination niya. Idagdag pa ang madalas na mood swings niya. At madalas ay iritado siya.

            Kaya nga minsan ay nagtampo pa sa kanya ang anak na si Aki dahil nasigawan niya ito. Pero, nagkaayos naman sila ng anak niya agad at ipinaliwanag rito ang mali nito at pagkatapos ay humingi rin siya ng sorry sa pagsigaw dito.

            Ganoon din ang nangyari kina Bench at Calvin. Pero naayos din naman niya.

            Sa mga nakalipas na araw din ay madalas ang biglaan niyang pagkahilo. O minsan inaatake siya ng migraine kapag sobrang pagod siya sa pag-aayos ng bahay at pag-aalaga sa mga anak niya. Mabilis na siyang mapagod. Nasusuka pa siya minsan.

            "Honey, baka naman buntis ka na naman," sabi ni Dylan isang gabi na nag-uusap sila nito. Tulog na rin ang mga anak nila.

            Napalingon siya rito. Napaisip. "B-Baka... Hindi pa nga pala dumadating ang period ko." Why didn't she think of that? Nasa kanya na lahat ng signs ng pagiging buntis.

            "Pa-check up ka na bukas," biglang na-excite na sabi nito at saka siya niyakap sa baywang mula sa likod.

            Medyo napakislot siya ng ilong. "Kapapanganak ko pa lang four months ago, baka buntis na naman ako?"

            "Two months after you gave birth to Aki, nalaman mong buntis ka kay Bench, di'ba? Same with Calvin. Si Deina lang naman ang napagplanuhan talaga natin."

            She chuckled. "Oo nga, ano? Hindi talaga tayo marunong mag-family planning."

            Dumampi ang mga labi ni Dylan sa balikat niya. "Gusto mo samahan kita magpa-check up bukas?"

            "May meeting ka di'ba? Huwag na. Ako na lang bahala bukas."

            "Sigurado ka?"

            Tumango siya. "Susunduin ko lang sa Day Care sina Aki. Tapos iiwan ko muna sila kanila Mom. Pati si Deina. Then, magpapa-check up na 'ko."

            "Good. Then, let's have dinner after your check-up. Tayong dalawa lang."

            Napangiti siya. "Like a date?"

            "Yes. Saka celebration kung buntis ka talaga. Which is more possible." nakangising sabi nito at saka mas humigpit ang yakap sa kanya. "7 PM tomorrow night. After work, didiretso na 'ko sa favorite resto natin. Sunduin na lang natin sila Aki after our date."

            Humarap siya rito at yumapos sa leeg nito. "Okay. Tatandaan ko iyan. Tomorrow night. 7 PM."

            Umakyat ang mga labi nito sa gilid ng leeg niya. "How about tonight? What shall we do?" he naughtily asked.

            Humikab siya. "Matutulog na."

            He groaned. "Ayaw mo mag-roleplay?" malanding sabi pa nito.

            Umiling siya. "Inaantok na talaga ako, eh."

            Napabuga na lang ito ng hangin. Kapag ayaw niya, hindi na siya nito mapipilit. "Okay. Let's sleep." Hinila na siya nito sa kama at sabay silang nahiga. Umunan na siya sa braso nito at siniksik ang sarili rito.

            Totoong inaantok na siya at ang gusto niya lang ay matulog  sa loob ng mga braso nito. Agad na nakatulog si Lana. Naging mahimbing at malalim ang tulog niya.

            Paggising niya kinabukasan ay ginawa niya ang daily routine niya. She prepared breakfast for her kids and Dylan. Pagkaalis ng asawa ay saka niya hinahanda sila Aki para sa pagpasok ng mga ito. 11 AM ang pasok ng mga anak niya at maglalabasan ng 2 PM.

            Kaya pagkahatid ni Lana kanila Aki ay nag-grocery siya kasama si Deina. Masyadong nalibang si Lana kasama ang anak kaya naman nakalabas na sila ng mall saktong uwian nila Aki, Bench, at Calvin.

            Agad niyang sinundo ang mga anak at pagkauwi ng bahay ay inasikaso niya ang mga ito. Gumawa rin siya ng meryenda para sa mga ito pagkatapos niyang patulugin muna si Deina.

            She spent the whole day with her kids. Tumutulong pa ang mga anak minsan kapag naglilinis siya.

            It's already 8 PM when she remembered that she didn't use her phone the whole day. Umakyat siya sa kuwarto niya at hinanap iyon.

            "Ay, dead batt pala," nasambit niya nang makita iyon sa bedside table. Kaya pala hindi niya naririnig na tumutunog ang cellphone niya. Agad naman niyang kinuha ang charger at nag-charge. Tatawagan niya ang asawa dahil nagtataka siya kung bakit hindi ito umuwi sa hapunan.

            Pag-On niya ng cellphone ay napapikit siya dahil masyado siyang nasinagan sa ilaw. Dapat niya nang i-adjust ang brightness niyon dahil parang nanlalabo ang paningin niya.

            She was about to call Dylan but a lot of text messages came in. Fifty text messages at lahat galing kay Dylan!

            Biglang kinabahan si Lana. May nangyari kaya sa asawa niya? Bakit naman ito magte-text ng ganoon karami?

            Magbubukas sana siya ng isang text ngunit agad na tumunog ang cellphone niya. Si Dylan ang tumatawag kaya agad niyang sinagot.

            "Dyl—"

            "Damn, Allana! Why are you not answering my calls and messages?! Nag-aalala na 'ko masyado. Nasaan ka ba?" galit na bungad agad nito sa kanya.

            Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. "W-Wait... why are you angry? Ikaw dapat ang tinatanong ko. Nasaan ka ba? Bakit hindi ka pa umuuwi? You missed dinner!"

            "Seriously?! Allana, did you forgot?"

            "Forgot about what?" pagalit na rin na tanong niya rito.

            "Damn it! Di'ba may usapan tayo na pagkatapos mo magpa-check up, magdi-dinner date tayo ng 7 PM? Bakit hindi ka sumipot? Alalang-alala ako na baka anong nangyari sa'yo."

            Nangunit ang noo niya. "Dinner date? At saka anong check-up? May pinag-usapan ba tay—Shit!" Biglang parang pumitik sa isip ni Lana ang pinagplanuhan nila ng asawa kagabi. Natandaan niya ang lahat ng dapat na gagawin niya ngayong araw.

            Nasapo niya ang noo at mariing napapikit. Oh my! Mas lumalala na ang pagiging makakalimutin niya!

            "N-Nakalimutan ko, Dylan. S-Sorry... sorry, Dylan. I—"

            "You forgot? Naghintay ako ng isang oras sa wala, Allana?"

            Nakagat niya ang ibabang labi at napaupo sa kama. "Dylan, I'm sorry... Nakalimutan ko talaga. Pati pagpapa-check up, nawala sa isip ko."

            "Mag-usap na lang tayo pagkauwi ko," he dismissed coldly.

            "Ah, Lana! Ano ba nangyayari sa'yo?!" kastigo niya sa sarili. Kagabi lang nila napag-usapan, nakalimutan niya agad?

            Pati pagpapa-check up, hindi niya rin naalala. Hindi niya tuloy alam kung naglilihi na naman ba siya kaya ganito. May buntis bang nagiging ulyanin?

            Napabuntong-hininga na lang siya at saka lumabas ng kuwarto. Mas mabuting patulugin niya na ang mga anak niya para walang maging istorbo sa pag-uusap nila ni Dylan. Mukhang mahaba-habang usapan ang mangyayari.

***

"DYLAN..."

            He boredly look at her. "Siguro buntis ka talaga. At gusto mo na naman akong nakikitang naba-badtrip," iiling-iling na sabi nito at saka umakyat na ng kuwarto nila.

            Sinundan niya ito. "Dylan, I'm sorry... I really forgot about what we planned yesternight. I'm so sorry..."

            "Tulog na ang mga bata?" tanong lang nito pagkapasok sa kuwarto nila. Dumiretso aga ito sa walk-in closet.

            "Oo. Maaga ko silang pinatulog."

            Hindi na tumugon si Dylan. Nakatayo si Lana sa may bungad ng walk-in closet at pinanood itong nagpapalit ng damit.

            "K-Kumain ka na ba?"

            "Wala na 'kong ganang kumain."

            "Dylan..."

            Hinarap siya nito. Seryoso. "Look, I'm disappointed, Allana. I was looking forward for that dinner date. Because, to be honest, I really miss being with you alone. Just the two of us." Lumabas na ito ng walk-in closet. Nilagpasan lang siya.

            "Dylan, hindi ko naman gustong makalimutan, eh. Magpapa-check up na talaga ako bukas." Hindi lang siya pupunta sa OB-Gyne. Magpapatingin na rin siya sa isang espesyalista para malaman niya kung bakit madalas na siyang nagiging makakalimutin.

            "Tuloy na lang natin bukas ang date natin. What do you think?" suggestion niya pa rito. She smiled at him but he just looked away.

            Padapa itong humiga ng kama. "Ayoko. Baka makalimutan mo lang ulit. Just make sure na makakapagpa-check up ka na talaga bukas."

            Sumampa na rin siya ng kama at niyakap ito sa likod. "I'm really sorry..." naiiyak na sabi niya. Hindi sanay si Lana na ganito ka-cold si Dylan. They usually work things out before they go to sleep. Pero masyado nga atang bad trip si Dylan ngayong gabi.

            "Huwag mo 'kong iyakan, Allana. Pagod ako. Bukas na lang tayo mag-usap."

            Napalunok siya. "Hindi ako makakatulog kasi galit ka sa'kin..."

            Hindi sumagot si Dylan. Hindi niya alam kung tulog na ba ito o ano. Minutes passed ngunit hindi pa rin ito nagsasalita.

            Sinilip niya ang mukha nito. Nakapikit na ito pero alam niyang hindi pa ito tulog.

            "Dylan..."

            He sighed. Hinarap siya nito. "Damn! Bakit ba di ko kayang magtampo sa'yo nang matagal?" Niyakap siya nito at sumubsob naman siya sa dibdib nito.

            "I'm really sorry..."

            Hinalikan siya nito sa sentido. "You're forgiven, honey. Pasensya na pinalalaki ko ang issue."

            "Pero, nakakatampo naman talaga ang hindi ko pagsipot. Minsan nga lang iyon..."

            "Shh... Let's just forget about it. Sleep now. Bukas, sasamahan kita sa doktor."

            Tumango siya at saka pinikit ang mga mata. "I love you, Dylan. Thank you for always understanding me," pasasalamat niya rito. Mas naging mature ang pagmamahalan nila ni Dylan kaya natutunan nilang intindihin ang isa't isa at mas palawakin ang pasensya.

            God blessed them with a happy marriage life. So, they must be faithful to each other and be also a blessing to their children.

            At kung sakali man na buntis na naman ulit siya, hindi nila kailangan ni Dylan ng mga tampuhan ngayon. Babawi na lang siya sa asawa sa susunod.

***

ANG PLANO sana ni Lana kinaumagahan ay gigising siya ng sobrang aga at ipagluluto si Dylan ng paborito nitong ulam para sa almusal. Pero hindi niya nagawa.

            Pagkamulat pa lang niya ng mata ay naramdaman niya agad ang pagkahilo at parang paghalukay sa tiyan. Mabilis siyang bumangon at pumasok ng CR. Doon siya nagduwal nang nagduwal na parang wala nang bukas.

            "Allana!"

            Napaungol lang siya dahil sa sakit ng ulo niya. Umpisa na ata ng mga morning sickness niya.

            Naramdaman niyang hinahagod ni Dylan ang likod niya. Nilalayo rin nito ang buhok niya sa kanyang mukha.

            Latang-lata at putlang-putla si Lana nang matapos. Napaupo siya sa tiled floor ng banyo. Agad naman siyang inasikaso ng asawa.

            Nang mahimasmasan siya ay binuhat siya ni Dylan pabalik sa kama nila. Hindi na siya nahihilo at nasusuka.

            "How are you feeling?" nag-aalalang tanong ni Dylan dabay abot sa kanya ng baso ng tubig.

            "Buntis nga yata talaga ako," nanghihina pang sabi niya. Napahawak siya sa tiyan. "Grabe ka, Dylan. Sharpshooter," she teased him.

            He chuckled and kissed her temple. "Hindi na muna ako papasok sa trabaho. Sasamahan na kitang magpa-check up ngayong umaga. Tatawagan ko sina Mommy. Pakikiusapan kong pumunta dito para sila muna ang mag-asikaso ng mga bata."

            "Sigurado kang hindi papasok? Baka kailangan ka sa gym."

            "Mas kailangan mo 'ko ngayon. You know I'll set aside anything for you."

            She weakly smiled and hugged him. Para siyang naiiyak. Mood swings, again. Ang hirap ng buntis! To say, panglima niya na ito kung talagang buntis nga siya.

            Later on, nag-ayos na si Lana at ganun din ang asawa. Agad nitong natawagan si Mommy Venus at ang Mom niya. Kaya naman ang dalawang lola ay nandoon na agad wala pang isang oras nang tawagan ang mga ito.

            Nang mabilin na nila ang lahat sa mga ina at nang makapagpaalam na sa mga anak ay pumunta na sila ni Dylan sa ospital. Wala pa ang OB-Gyne nila kaya naman nauna na munang magpatingin si Lana sa kakilala niyang neurologist.

            It was their turn already nang may importanteng tawag na kailangang sagutin si Dylan.

            "Go on. Answer that. Kaya ko na sa loob," she said to him.

            Tumango ito. "Susundan kita agad, once I finished this call. Importante lang talaga, honey."

            "I understand," nakangiting sabi niya rito. "Sige na, papasok na 'ko."

            Lumayo na si Dylan at sinagot ang tawag. Habang si Lana ay pumasok na sa opisina ng doktor na minsan nang humawak sa kaso niya noong nagka-brain cancer siya.

            "Hello, Lana! Ngayon na lang ulit kita nakita," nakangiting bati sa kanya ng matandang doktor pagkapasok niya. "How are you doing?"

            "Okay naman po ako. I'm married with four children, already."

            "That's good news. Well, anong maipapaglilingkod ko sa'yo ngayon?"

            "Doc, madalas na po kasi akong maging makakalimutin these past few weeks. Sobrang makakalimutin po na kahit malalaking bagay, nakakalimutan kong alalahanin. Kahit kasasabi lang kahapon, nakakalimutan ko ngayon."

            Tumangu-tango ito. "Palagi na ba iyan?"

            "Hindi naman po."

            "May iba pa bang nagbago sa'yo o sa katawan mo?"

            "Madalas po akong maging clumsy. Wala po atang araw na wala akong nababasag o nabibitawan bigla. Mabilis din pong magbago ang mood ko at mairita pero parte po siguro iyon ng pregnancy."

            "Buntis ka?"

            "Malalaman pa lang po namin ng asawa ko mamaya."

            "Okay. Gaano ka kadalas makalimot?"

            Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko po alam. Basta dati, maliliit lang na bagay ang nakakalimutan ko. Kaso po kahapon, as in nakalimutan ko po yung gagawin ko sana ng isang buong araw."

            Kumunot ang noo ng doktor. "Nagsusuka ka ba?"

            "Opo. Part din po ng pregnancy."

            "Any severe headaches?"

            Nag-isip siya. "Last month po, inatake ako ng migraine. Paminsan-minsan, sumasakit po ulo ko pero sandali lang. Kaya di ko na pinapansin. Tapos kanina pong umaga, sobrang hilo po ako."

            May sinusulat-sulat ito. "Are you really sure you're pregnant?"

            "I-I have the signs po kasi..."

            Nag-angat ng tingin sa kanya ang doktor. Matagal siyang tinignan nito. "Hindi ko puwedeng sabihin na may early signs of Alzheimers ka dahil nakakalimot ka nga pero naaalala mo naman ng kusa  kapag pinaalala sa'yo."

            Tumango siya. "Opo."

            "Puwede bang magpa-CT scan ka?"

            She creased her forehead. "C-CT scan? Bakit, doc?" The last time she went on for a CT scan is when she was cleared from brain cancer. Mula niyon, hindi niya na nakaharap pang muli ang aparatong iyon.

            Pinagsalikop nito ang mga kamay. "I don't think you're pregnant, Lana. But..."

            Kumabog ng malakas ang dibdib niya at nanlaki na agad ang mga mata. Napailing-iling siya. "No... No, please. Don't say that possibility..."

            "But you have the signs again."

            Tila nagpantig ang tainga ni Lana. Biglang tumaas ang balahibo sa buong katawan niya at nanlamig ang mga kamay.

"Mood swings, vomitting, headaches, memory lapses... clumsiness... Nanlalabo ba ang mga paningin mo minsan?"

She hardly swallowed the imaginary lump in her throat. "Y-Yes..." Lalo na kapag nagbabasa siya ng text message o ng libro. But she just thought that she's getting old that's why.

"Well, from there, you can tell me what you're possibly having," mahinahong wika ng doktor.

Doon na parang namanhid ang buong katawan ni Lana. No. No. Not... again.

            Ngunit, hindi imposible ang sinasabi ng doktor niya.

            Shit! How can she not remember the symptoms?

            Naramdaman niyang nabasa ang pisngi niya. Oh, God! She's crying already. She started shaking, too!

            Nagsusumigaw siya sa loob ng utak. No! No! It can't be!

            "I can't have c-cancer now... No..." wala sa sariling sabi niya.

            "Lana, calm down. Malalaman pa lang natin sa CT scan kung— Lana!"

            Mabilis siyang tumayo at tumakbo palabas ngunit saktong papasok naman si Dylan.Bumunggo siya sa matigas nitong dibdib.

            "Allana? Why are you crying? W-What's wrong?"

            Pagtingala niya rito at nakita ang mukha nito ay lalong sumikip ang dibdib niya. Hindi siya makahinga. Hindi siya makapagsalita. Napahagulgol na siya ng iyak at bumuway ang pagkakatayo. Agad naman siyang nasalo ng asawa.

            "Allana, honey? What's wrong? Tell me," sobrang nag-aalala na ang tono nito.

            A lot of things rushed through her head until she felt that her brain was like being squeezed so hard inside her head! Tila nilagay sa isang kamay ang utak niya at kinuyom iyon ng mahigpit. Napapikit siya ng mariin at napasinghap ng malakas.

            Nasapo niya ang ulo at napasigaw siya ng malakas. "Ahhhhh!" matinis at punung-puno ng sakit ang sigaw niya.

            Lalong naalarma si Dylan. Narinig niyang may sinabi ang doktor at naghalo-halo na ang boses sa paligid niya hanggang sa tuluyan nang nawala ng malay si Lana.

            Brain cancer.

            No! She cannot accept it!

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
844K 29.1K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.4M 86.8K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...