Immortal City

By Kokonoze

649K 19.2K 3K

They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen... More

Immortal City
Note
01 - Cenon Thanh
02 - Kaven Slade
03 - Zairus Demafelix
04 - Lucienne Starr
05 - Xaniel Velasco
06 - Celestine Demafelix
07 - Drake Parker
08 - Julien Ruiz
09 - Kaoru del Valle
10 - Ione Alcazaein
11 - Riley Avena
12 - Van Veridiano
13 - Luna White
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Character Design
Special Chapter: The Moon and the Fireworks
Special Chapter: Tale of Hers
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 05

9.2K 321 70
By Kokonoze

Chapter 05
Weird Eyes


Natahimik ang lahat at parang tumigil ang oras dahil hindi sila kumikibo. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat na para bang may sinabi si Teacher Sparks na matagal na nilang tinatago.

Ano bang mayroon? Gulong-gulo na ako. Bakit parang alam nilang lahat ang tinutukoy ni TS at ako lang ang hindi nakaka-relate? Kahit si Kuya ay parang naparilasa at hindi maigalaw ang mga paa niya sa pagkakatayo. Anong nangyayari?

"Heh," biglang sabi ni Drake na nakangisi, "I thought you were just a dumb teacher."

"I'm not as dumb as you think, Drake Parker. Since I'm in charge here, all of you will have to shut up and listen to me."

Sa sinabing 'yon ni TS, hindi ko alam kung anong nangyari pero 'yung iba na may balak mag-quit kanina ay bumalik sa kani-kanyang upuan nila.

"I'm here to help all of you," sabi ni Teacher Sparks at ngayon lahat na ay nakikinig sa kanya, "not to risk your life in this Division's Competition."

Mukhang lahat ay nakapagdesisyon na manatili. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa nangyayari. Siguro dahil hindi ko na kailangang isauli si Rina.

"Alam kong noong una ay inisip niyo na kayo lang ang natatanging may kakaibang kakayahan. Ngayon alam niyo nang hindi kayo nag-iisa. Marami pa tayong hindi nalalaman tungkol sa kakaiba nating mga mata at layunin ng Nameless Organization na malaman 'yon. Limitado lang din ang alam namin ni Takano rito."

"Takano? 'Yung principal po natin?" tanong ni Number Eleven, si Riley.

"Oo. Kagaya niyo ay may eye ability rin kami ni Takano. We are both alumni of Immortal City. A school that used to be the greatest school of all."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Teacher Sparks. Ang Immortal City ang dating best na school? Kung gano'n, nanalo ang dating chosen twelve namin sa Division's Competition?

"Yes, Number Six. Masasabing ang Immortal City ang pinaka sikat na school dati. Dumagsa ang bilang ng mga enrollees at transferees dahil sa sunod-sunod na pagkapanalo ng dating chosen twelve ng Immortal City sa Division's Competition. But ten years ago, everything ended. Natalo ang Immortal City dahil na rin sa pagbabago ng members ng dating Nameless Organization. Iba na kasi ang piniling labindalawang estudyante," rinig kong sabi ni Rina sa aking isipan.

"Pwede ko bang malaman kung sino-sino ang chosen twelve dati na nagpapanalo sa Immortal City?"

"Searching database..."

Nag-flash sa screenng ID ko ang mga pangalang hindi pamilyar sa'kin. Ilalayo ko na sana ang tinginko kay Rina pero may nahagip ang mata ko.


Number 01 - Patrick Asuncion

Number 02 - Crystal Shin

Number 03 - Ryuu Takano

Number 04 - Kenneth Santos

Number 05 - Renzo Mariano

Number 06 - Irene Sparks

Number 07 - Emerald Shin

Number 08 - Tristan Iñego

Number 09 - Mitsuru Aoki

Number 10 - Laurenz Lee

Number 11 - Brianna Mae Ross

Number 12 - Venice West


"Teacher Sparks, isa kayo sa chosen twelve dati?" tanong ko na ikinagulat ng iba.

"You were using your ID, weren't you? Anyway, totoo 'yon. Isa kami ni Takano sa chosen twelve at member ng Nameless Organization dati."

"I am dying to ask this TS," sabi ni Lucienne. "Who named the group Nameless Organization? Could you tell the guy that it's lame?"

"The one who named Nameless Organization was the previous Number Nine," sabi ni TS na may malungkot na ngiti, "Mitsuru Aoki. Unfortunately, for some reason, I can't talk to him. 'Wag na nating pag-usapan ang nakaraan. Ang importante ay ang new generation Nameless Organization," masiglang sabi ni TS.

Lumabas si Teacher Sparks ng room at bumalik na may dala-dalang hoodies.

"Sa ngayon, pag-uusapan natin ang eye ability niyo," sabi ni TS habang binibigyan kami ng tig-iisang hoodie. "Let me clear something. Don't think that your eyes are cursed. Think of it as a gift. That's the first step in learning to control your abilities.

"You will be using these hoods everytime." Tumigil si TS para i-emphasize ang sinabi niya. "Delikado na makita ng ibang tao ang mga mata niyo. Sigurado naman ako na alam niyong nagiging pula ang mga mata natin sa tuwing ginagamit ang ating eye ability. Dahil inaaral niyong ma-control ang eye ability niyo, madalas na magiging pula ang mga mata niyo ng hindi sinasadya.

"First rule, always wear your hoodie." Inutusan kami ni Teacher Sparks na isuot ang ibinigay niyang black na hoodie. May nakasulat na kulay dilaw na Number 06 sa kaliwang parte ng hoodie ko. Gano'n din sa iba pero iba ang Number nila at kulay nito. "Our first activity for today is to know each other's name and eye ability. Then later, try to figure out mine. Except for you, Drake. Let's start with Number One, Cenon Thanh. How would you describe your eye ability?" tanong ni TS kay Cenon.

Mukhang nagdadalawang isip si Number One kung sasagutin niya ba ang tanong. Ganoon ba talaga ka-big deal 'yung eye ability?

"It's okay, Cenon. I promise, your secret is safe with us."

Mukhang big deal nga.

"I... I can make myself invisible."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Cenon.

Kaya niyang maging invisible?! Wait, seryoso ba siya? Hindi ba pang movies and cartoons lang 'yon? Ito ba 'yung tinutukoy nilang eye ability?

Patay ka, Celestine. Ano 'tong pinasok mo?

"I would call your ability concealing eyes," sabi ni TS.

Ano ba kasi talaga ang eye ability?

"Rina, bigyan mo ko ng listahan ng lahat ng tao na may eye ability."

"Searching database... Sorry, that is not something I can answer."

Huh? Bakit hindi masagot ni Rina?

"Ganito nalang. Ano ang eye ability?"

"Searching database... Eyes are the organs of vision. They detect light and convert it into electro-chemical impulses in neurons. The simplest photoreceptor cells in conscio—"

"Hindi 'yan ang tinutukoy ko Rina!"

"Sorry, that is not something I can answer."

Bakit walang ibig sabihin ang eye ability?! Paano nalang kapag ako na ang tinanong ni Teacher Sparks? Anong sasabihin ko? Ayan kasi, sali-sali ka pa.

"Cenon, please be kind enough and show your fellow members the power of your concealing eyes," sabi ni TS kay Cenon na agad niyang sinunod.

What the hell?!

Anong nangyari? Nasaan na si Cenon?

Napatakip ako ng bibig nang bigla ulit siyang magpakita. Kakapalit lang ng kulay ng mga mata niya. Mula pula, naging normal na ulit ang kulay nito. Shit. Anong nangyari? Bakit bigla siyang nawala? Ayon ba ang sinasabi ni Teacher Sarks na concealing eyes? Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mga mangyayari.

"Number Two, Kaven Slade. Describe your eye ability."

"I can magnify things in my vision," simple niyang sagot. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang emosyon kung magsalita. Typical cold guy.

"Focusing eyes would be a suitable name. Sayang lang at hindi mo pwedeng maipakita sa amin ang eye ability mo."

"Actually, I can. The color of your bra is magenta." Namula si Teacher Sparks sa sinabi ni Kaven na ngayon ay kulay pula ang mga mata.

Bigla akong napatakip ng dibdib.

Ang sabi niya, kaya niyang mapalaki ang mga bagay gamit ang focusing eyes niya. Ibig sabihin, parang magnifying glass ang mga mata ni Kaven? Kung ganon, siguro sa mga maliliit na butas ng tela niya tinignan ang kulay ng bra ni TS.

Scary.

"N-Next! Number Three, Zairus Demafelix. Describe your eye ability."

Si Kuya? May eye ability rin si Kuya? Bakit hindi ko alam 'yon? Ibig sabihin baka mayroon din ako.

"I remember everything."

"Memories?"

Tumango si Kuya.

"Recollecting eyes. That's what we'll call your eye ability. Demonstrate your ability in your own way."

Biglang naging kulay pula ang mga mata ni Kuya.

Shit. Totoo nga.

May eye ability nga siya.

"I came here with Lucienne right after a male teacher excused us from our class exactly 3:11 p.m., 49 seconds left before 3:12 p.m. We walked for almost five minutes and 37 seconds, stopping at the cafeteria a minute and 23 seconds before continuing to walk 345 steps until we reached the door to the principal's office. For six seconds, Lucienne hesitated to open the door. She told me 'Do it for me genius, I can't face the principal first.' Right after that, I opened the door. We took sixteen steps before the principal asked for our names. A minute later he—"

"Okay na," pagtigil ni TS kay Kuya at bumalik na sa normal na kulay ang mga mata niya.

Ngayon ko lang nalaman na may gano'n pala siyang kakayahan. Pero bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Kaya pala sa tuwing tinatanong ko siya ng petsa ay walang pag-aalinlangan niya akong sinasagot agad.

Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol kay Kuya...

"Number Four, the famous Lucienne Starr. Show us your eye ability."

Hindi ko alam kung anong nangyari. Bigla nalang akong napatingin kay Lucienne na ngayon ay kulay pula ang mga mata. Pansin ko rin na hindi lang ako ang nakatingin sa kanya kundi lahat, maliban nalang kay Julien at Van. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Lucienne, masyado ako naa-attract sa kanya. Bakit gano'n?

"I've already picked a name for my eye ability," nakangiting sabi ni Lucienne, "and it's called attracting eyes." 'Yung ngiti niya ay 'yung ngiting masyadong proud sa sarili.

"You're not that attractive to me," bored na sabi ni Van na Number Twelve at nakatingin sa malayo.

Mukhang nainis si Lucienne sa sinabi niya dahil nagsalubong ang kilay nito.

Sa isang iglap lang ay nawala ang pagka-attract ko kay Lucienne at nakita kong naging normal na ulit ang kulay ng mga mata niya. Ayon pala ang dahilan kung bakit ang aura niya ay kapansin-pansin. Pero bakit hindi na-attract si Julien at Van?

"Number Five, Xaniel Velasco, is exempted from the showcase of abilities. I do not favor his eye ability. He has remaking eyes. He can change his body's physical composition... permanently."

Kung exempted si Number Five, ibig sabihin...

"Number Six, Celestine Demafelix, you're next. What's your eye ability?"

Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Wala naman akong eye ability. Ang alam ko lang natural na pula ang mga mata ko. Paano na?

"Uhm," kinakabahan kong sabi, "ano... I have... red eyes."

Nakita kong ngumisi si Van at Lucienne na para bang pinagtatawanan ako.

"I know, dear. We all have red eyes. Be more specific," sabi ni TS.

"Ah... ehh... kapag pumipikit ako... dumidilim?" At biglang nagtawanan ang lahat sa sinabi ko maliban kay TS at Kuya Zairus.

Nakakahiya.

Continue Reading

You'll Also Like

32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
850K 25.9K 68
Si Stella Franz ay isang typical na unemployed fresh graduate ng Advance Information Technology sa taong 473 G.E.. Due to her frustration to find a...
112K 8.7K 40
VOLUME 2 1 out of 4 chess pieces. 3 more left. New areas and Game Generals. New teams and players. Don't trust your eyes, Everyone is in disguise. Ea...