WHO'S THE ONE? - (Indefinite...

By MISSterious_x

1.7K 88 39

Sa sobrang haba ng hair nya, tinalo na nya sa world record si Rapunzel! (o_o) Wanna know why? Read this. ^_^ More

WHO'S THE ONE? (bakit crush ka din ng crushES mo?)
PROLOUGE
Chapter one - HACHU!
Chapter two- SECRET
Chapter three - JR?
Chapter four - LUCKY
Chapter five - PINK
Chapter six - TABLE
Chapter seven - GAME
Chapter eight - CLASSMATE
Chapter nine - SEATMATE
Chapter ten - TUTOR
Chapter eleven - ROOFTOP
Chapter twelve - MIDTERMS part one
Chapter twelve - MIDTERMS part two
Chapter thirteen - GENTLEMAN
Chapter fourteen- BASKETBALL
Chapter fifteen - ANNOUNCEMENT
Chapter Seventeen - NUMBER
Chapter Eighteen - RUN!
Chapter Nineteen - DECEIVING
Chapter Twenty - FAVOR Part one
Chapter Twenty - FAVOR part two
Chapter Twenty One- POPCORN
Chapter Twenty two - LETTER D
Chapter Twenty Three - BROTHER
Chapter Twenty Four - CONDITION
Chapter Twenty Five - DATE

Chapter Sixteen - NORMAL

30 2 0
By MISSterious_x

Hi! Isang buwan na naman ang nakalipas. (mahigit pa haha) Ganun talaga. Masanay na kayo. :) Sorry nga pala sa nabitin daw last time, si C at K at sa naguluhan na si J. haha. Bitin to ulet.

Anyway, may gift  pala ako sa last part so sana basahin niyo. Thanks!

.

.

.

SIXTEEN - NORMAL

____________________________________________________________________

Nakaakbay pa rin sa akin si Xander hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Ramdam na ramdam ko nga na marami ang nakapansin doon habang naglalakad kami. Si Cassy kasi bigla kaming iniwan at mag-ccr lang daw. Kasabay naman namin siya kanina at nakaakbay din si Xander sa kanya kaya parang okay lang. Alam naman ng karamihan na friends kaming tatlo. At hindi naman first time ginawa 'to ni Xander. In fact, kapag magkakasama kami palagi siyang nasa gitna namin at nakaakbay. Minsan pa nga nakahawak pa kami sa braso niya na parang escort sa tingin ng iba pero sa interpretation namin, tingin namin sisters kami. And it is a normal thing.

But this time, iba. At feeling ko din may iba. Nakikita ko pa ngang nagbubulungan sila na pinipilit ko namang pakinggan pero masyadong mahina, (kasi nga bulong lang) pero alam ko namang kami yung pinag-uusapan nila. May patingin-tingin pang nalalaman eh. Hindi naman maipagkakaila na sikat din si Xander dito sa Filipinas. Sumali kasi siya ng Mr. Freshman last year at kahit hindi siya yung nanalo (2nd runner up siya) naging popular pa rin siya. Diba nga marami ang may crush sa kanya. Daig pa nga ako tuwing valentines sa dami ng chocolates eh. At kung naaalala niyo pa, isa ako sa nabiktima niya sa panlabas na anyo.

“Hoy Xander yang kamay mo, alisin mo na nga.” Bulong ko sa kanya. Ayoko namang basta na lang alisin. Baka kung ano na naman ang maisip nila.

“Bakit? Wala namang masama ah? Nahihiya ka ba sa akin? You’re hurting my feelings, you know?” sabi niya tapos lumabi pa na parang nagpapaawa.

“Sira! Hindi yun. Pinagtitinginan kasi tayo at baka kung ano pa ang isipin nila.” Lalo pa ngayon at walang klase kaya madami ang nasa labas ng classrooms.

“Like what? Na tayo na? Haha. Yucky! That will never happen girl.”

 

“Syempre naman no. Pero kasi ang tingin nila sayo eh lalaki.” Patuloy lang kami sa pagbubulungan habang naglalakad. Syempre hindi nila kami pwedeng marinig.

“Dapat lang no. That’s the point.”

“What?” Anong point ang sinasabi nito?

“Wala. Tara na nga at bilisan na natin. Huwag mo na lang silang pansinin. Baka nga kinikilig ka pa dyan eh. Crush mo ko diba?” Naku! Sabi na eh! Dapat talaga hindi na niya nalaman yun. Kahit matagal na yon, basta may pagkakataon pinang-aasar niya pa rin sa akin.

“Kapal mo ah. Dati pa yun no.” Hinampas ko siya sa balikat niya which is also a normal thing.

“OMG!” At yang bulong na yan, hindi na nakaligtas sa akin. More than bulong na kasi siya pero less than sigaw pa naman. Parang bulong na malakas?

“Sila na?” dagdag nung babae habang nakaturo pa sa amin na agad naman niyang binaba ng makitang napalingon ako. Hala! Hinampas lang, kami na agad? Hinayaan ko na lang. Pero bago pa kami makalayo, narinig ko pa sila.

“Malay mo naman nililigawan pa lang no?

“But they look sweet together. Nagbubulungan pa sila.” Bulungan lang, sweet agad? Hindi ba pwedeng may sikret lang muna?

“I thought he’s into Cassy?”

“Ako rin. Pero ang swerte niya.” Haaayyy. Kung alam niyo lang girls. Napailing na lang ako.

.

.

.

.

Pagdating namin sa cafeteria marami ng tao. Dito din siguro naisip pumunta ng ibang mga estudyante. Hindi lang naman iisa ang cafeteria dito sa Filipinas. Nasa lima yata or more. Pero ito kasi yung pinakamalapit sa Main Building kung saan kami nagkaklase. Kapag first year and second year kasi eh karamihan sa mga klase mo ay sa Main Building tapos yung mga major subjects ay sa kanya-kanyang department building. (Oo. Tig-iisang building per department dito.)

At dahil karamihan ng populasyon ng mga estudyante ay nasa paligid ng Main Bldg. eto yung parang main branch ng cafeteria at ito rin yung favorite naming branch. Dito naman kasi kami madalas. Kilala na nga din namin yung mga chef at servers dito eh.

Papunta na sana kami sa favorite spot namin dito pero occupied na pala kaya no choice kami kundi maghanap ng ibang available na upuan. Dito kasi, hindi porket yun yung paborito naming pwesto eh wala ng ibang pwedeng umupo dun bukod sa amin. First come first serve pa rin dito. At nirerespeto ito ng lahat. Wala ding bully dito kahit na marami sa kanila ay kayang mang-bully pero hindi nila ginagawa. Bukod kasi sa No Bullying Policy dito, sa tingin ko dahil na rin yun sa family business nila and connections. Alam niyo na, business is business. Dapat bati bati lahat. Naaalala ko pa yung kaisa-isang bilin ng Daddy ni Cassy sa kanya, “Never start a fight in school.”

And one more thing, kahit gaano ka kayaman o kahit pinakasikat ka pa, kapag nasa loob ka ng campus you are treated the same way as any other student. May mga celebrity ding nag-aaral dito that study normally without special treatment. Siguro yung may-ari lang ng school ang mas nakakaangat. Kung yung apo siguro ng chairman ng Filipinas eh dito nag-aral, baka siya lang yung may karapatang mang-bully. Pero hindi rin. Sobrang bait nung chairman kaya sigurado mabait din kahit sino sa pamilya nila. Ganon yun di ba?

We’re lucky at may vacant seats pang natira. Medyo nasa may sulok na siya pero ayos na din. Yung katabing lamesa eh vacant na rin. Kaaalis lang nung nakaupo kanina. Pagkaupo namin, umorder agad si Xander ng ice cream na paborito niya (double dutch). Tinext ko naman si Cassy kung saan kami nakaupo para madali niya kaming mahanap.

Pagkabalik ni Xander dumating na din si Cassy. Umorder na siya agad at nagpa-order na din ako, macaroni salad. Ang sarap kasi ng salad nila dito. Mamaya na lang kami magkakanin tutal maaga pa naman.

Four-sitter yung table namin. Nakaupo kami ni Xander sa isang side, tapos si Cassy sa kabila. Ewan ko nga kung bakit sa akin to tumabi ngayon eh kadalasan sila ni Cassy ang magkatabi unless… what? Hindi naman sila mag-kaaway ngayon. Well, normal din naman to.

Tahimik lang kaming kumakain. Ganito talaga kami kapag kasisimula pa lang kumain, hindi nagsasalita. Para bang nagcoconcentrate kami sa pagkain at ninanamnam bawat pagsubo. Pero di din magtatagal (as in sandaling sandali lang) di kami makakatiis at masisimula na kaming mag-usap at magkwentuhan ng ….kahit ano.

“Look who’s here.” Cassy said after like 30 seconds. Oh diba? Dahil si Cassy lang ang nakaharap sa may entrance at kami ay sa pader na, siya yung nakakakita kung sino yung mga pumapasok at umaalis.

Napatingin naman ako sa kanya at nakitang nakangisi siya. Kaya no choice at nilingon namin kung ano yung tinutukoy niya. Saglit na natigilan naman ako ng makita kung sino yung kapapasok lang sa loob ng cafeteria. Saglit lang mga one…o sige two seconds lang. Binalik ko kasi agad ang tingin ko sa kanya na ngayon ay mas lalong lumaki ang pagngisi at sinamahan pa siya ni Xander.

 

“O bakit parang namumula ka yata. May sakit ka ba?” mapang-asar na tanong ni Xander na may pagtaas-taas pa ng isang kilay. Hmp. Kaya ko rin yun no. Dalawa pa nga eh. Dalawang sabay.

“Wala no. Malamig lang tong salad.”

“Ohhh. Ganun ba yun?” sabi na lang niya na halatang di naniniwala. Namula ba talaga ako o niloloko lang ako nito. Wala kasing salamin eh para makita ko. Puro pader na kasi sa part na to. At bakit naman ako mamumula?

Naramdaman ko naman na may umupo sa katabi ng table namin. Oo nga pala vacant doon kanina. Nakatalikod ako sa table na yon pero kahit hindi ko na lingunin, alam na alam ko na kung sino yung mga umupo base na rin sa tingin nila Cassy.

“He’s sitting behind you.” Bulong ni Xander. I just shrugged and continue eating my salad. Eh ano ngayon kung nakaupo siya sa likod ko? We’re not even sitting together. He’s just…behind me, back-to-back, shoulder-to-shoulder, head-to-head? Ano ngayon if he’s like 3 inches away? (that I can already smell his perfume) Wala lang naman yun. And besides, every Monday eh nakaupo din naman siya sa likod ko so…. normal na ito para sa akin. Dapat.

Maliban lang sa medyo pagbilis ng pag-pump ng dugo ng puso ko. Sinisipag na naman tong puso ko. 24 hours na nga lang nagtratrabaho, hindi pa ba siya napapagod? Hindi ko naman sinasabing tumigil siya no. Huwag naman yun. What I mean is, hindi na niya kailangang mag-double work. Hayyy… I'm over thinking again. Isa lang naman ang ibig sabihin nyan eh. KINAKABAHAN ako. Tama. Yun lang yun. Kailangan ko na sigurong bawasan ang pag-inom ng kape.

“Uy Jace, Ellie, Gin, nandito pala kayo? Bakit wala kayo kanina sa class natin?” narinig kong tanong sa kanila. (Gin nga pala yung pangalan ni Mr. Valdez) Class natin? So ibig sabihin kaklase namin siya sa DiffCal at pamilyar nga yung boses. Tama! Si Rachelle, yung isa ko pang seatmate. I don’t dare to look behind to confirm it. Sigurado naman na ako na siya yun.

 

“Nalaman kasi namin agad na walang klase kaya di na kami tumuloy.” Si Gin ang sumagot.

“Ngapala Jace, may gusto kasing malaman yung friend ko tungkol sayo. Eh hindi ko naman sure yung sagot sa tanong niya. Kaya tatanungin ko na lang para sure diba? Ahm… May girlfriend ka na daw ba?” Ha? Sino kaya yung nagpapatanong na yun? Friend niya? Ahm…okay nevermind. Pero girlfriend? Ang alam ko wala, sa ngayon. Pero sabi nga niya hindi sure. Curious na din ako sa isasagot niya so medyo nag-lean backward ako para mas marinig ko.

“Naku girls, sorry na lang kayo. Kahit single etong si Prince charming natin, he is very much not available.” Not available pero single? Bakit? “Nakareserved na kasi yan.”

“Reserved as in naka-arrange?” that’s exactly what I’d like to ask. Buti na lang yun din ang tinanong ni Rachelle. Arrange marriage. Meron ba talagang ganyan?

“No no. That’s not what I mean.” Parang nakahinga naman ako doon. And I didn’t even realize na I am holding my breath. “Ang ibig kong sabihin eh nireserved na niya yung sarili niya sa isang girl na let’s say… hinihintay niya. Waiting for the right time. Diba pare?”

May hinihintay siya? Totoo ba yun?

“Tss. Ingay mo.” So it’s true. He didn’t deny it.

“Wow ang swerte naman nung girl.” Ang swerte nga. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng salad. Ang sarap talaga ng salad nila eh.


Pero bakit parang nag-iba yung lasa? Masarap naman to kanina ah. Parang nawalan na tuloy ako ng gana. Pero kailangan ko pa ring ubusin to. Sayang naman.

__________________________________________________________________________

NOTE: Sooooo.....Pasensiya na kayo, after one month yan lang mababasa  niyo. hehe. Next month ulit? Eto na pala yung gift ko, if you consider this as a gift. (Parang hindi eh.)

TEASER 1: (Naisipan kong lagyan nito kasi naman ang bagal bagal nung nagsusulat. 1 chapter a month! WHAT! Ang tagal diba? At nakakabagot na. haha. Bi-nash ang sarili. And dami ko na kasing naiisip na scene at gusto ko ng mapunta dun pero di ko naman mapabilis yung paggawa. huhu. Kaya bago ko pa makalimutan, ilalagay ko na lang muna dito. Hindi ko masasabing ito yung exact na mangyayari kasi baka mabago pa.)

"Mahal kita."

"Ha? M-mahal mo ako? P-parang ang bilis naman yata. Diba dapat gusto muna, like muna tapos ano..ah yung ayaw mong may kasama akong iba tapos ahh.. yung..yung magiging mahalaga na bago pa yung.. yung ano,... yun."

"Bakit ko pa patatagalin. Dun din naman mapupunta?"

"Ano kasi, baka nabigla ka lang. Alam mo na. Baka hindi ka pa sure."

"Sure na ako."

"Pero..."

"Okay fine. I like you."        "Bukas naman, ayoko ng may makasama kang iba."

------------------Okay korni. haha

________________________________________________________________________

08.02.14

Edited: 06.30.16

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features