Immortal City

By Kokonoze

649K 19.2K 3K

They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen... More

Immortal City
Note
01 - Cenon Thanh
02 - Kaven Slade
03 - Zairus Demafelix
04 - Lucienne Starr
05 - Xaniel Velasco
06 - Celestine Demafelix
07 - Drake Parker
08 - Julien Ruiz
09 - Kaoru del Valle
10 - Ione Alcazaein
11 - Riley Avena
12 - Van Veridiano
13 - Luna White
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Character Design
Special Chapter: The Moon and the Fireworks
Special Chapter: Tale of Hers
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 04

10.2K 349 23
By Kokonoze

Chapter 04
Nameless Organization


Sa loob ng isang hindi kapani-paniwala dahil sobrang laki na classroom, naroon kaming labindalawang estudyante kasama si Teacher Sparks. Oo, Irene Sparks ang pangalan ng babaeng teacher na kanina pa raw excited. Ang sabi niya, teacher daw ang itawag namin at hindi ma'am para "cool". Pwede rin naman daw namin siyang tawaging TS dahil masyadong mahaba kapag Teacher Sparks.

Nagsimula nang magsalita 'yung isang babaeng estudyante na ngayon ko palang nakita. Ang sabi kasi ni Teacher Sparks, lahat daw kami ay magpapakilala.

"Ako si Cenon Thanh," sabi niya at mukhang nahihiya pa. "Class III-B. Ang sabi sa'kin ni Sir Takano, ako raw ang Number One. Para saan po ba 'yon Teacher Sparks?"

"Don't worry, dear. I'll explain everything later," sabi naman ni Teacher Sparks. "For now, gusto ko munang kilalanin niyo ang isa't isa."

"Kami lang?" tanong ni Kaoru. "Kami lang ang kikilala sa isa't isa? Bakit hindi kayo kasama?" Halata ang pagdududa sa kanya.

"Because I already know each one of you, Kaoru del Valle. But of course, I'll introduce myself too."

Mukha namang wala nang may balak pang magtanong kaya nagsimula na ulit magpakilala ang lahat.

Labindalawa kaming estudyante at siguradong matatagalan ako bago ko masaulo ang mga pangalan nila. Apat lang ang matagal ko nang kilala at 'yon sina Lucienne, Kaoru, Ione at si Kuya Zairus.

Ngayon ko lang naintindihan 'yung sinabi ni Sir Takano na Numbers. Naka-depende ang Number namin sa pagkakasunod-sunod namin dumating. At dahil ako ang pang-anim na pumunta dito, ako si Number Six. Ang hindi ko pa rin talaga maintindihan ay kung bakit kailangan pa ng gano'n.

Nagulat ako nang biglang magsalita si Rina, 'yung ID ko. Pero bakit parang ako lang ang nakakarinig kay Rina?

"Number Six, here's the list of Nameless Organization's members," ang sabi niya.

Mula sa itim kong ID ay nagkaroon ng listahan ng mga pangalan.


Number 01 — Cenon Thanh

Number 02 — Kaven Slade

Number 03 — Zairus Demafelix

Number 04 — Lucienne Starr

Number 05 — Xaniel Velasco

Number 06 — Celestine Demafelix

Number 07 — Drake Parker

Number 08 — Julien Ruiz

Number 09 — Kaoru Del Valle

Number 10 — Ione Alcazaein

Number 11 — Riley Avena

Number 12 — Van Veridiano


"I'll teach you the basics of using your ID," biglang sabi ni Teacher Sparks. "A normal ID card stands for identification card. Our ID stands for innovative device. It was made and developed by the Administration. This thing is one of their finest inventions."

Tinignan ko lang si Teacher Sparks at ang ID ko. Kung hindi ako nagkakamali, nabanggit na rin ni Sir Takano 'yung the Administration kanina. May Nameless Organization na nga, may the Administration pa. Hindi ko na talaga makuha ang mga sinasabi nila.

"I'm assuming all of your IDs already has a name?" tanong ni Teacher Sparks. Ang iba ay sumagot ng oo, ang iba naman ay nakatingin lang kay TS. "You and your ID can communicate directly through a medium that only you and your ID can use. In other words, it's like your ID can read your mind and immediately answer any question you're thinking. 'Yon ang dahilan kung bakit kayo lang ang nakakarinig sa ID niyo. Sa tingin ko ang iba sa inyo ay na-experience na ito kani-kanina lang."

Ibig sabihin... 'yung kanina, totoong ako lang ang nakarinig no'n? Nababasa ng ID ko ang nasa isip ko?

"Yes, Number Six."

Oh my god. This is so cool.

"That's not possible. There hasn't been any device that could directly read a person's mind."

Napatingin ako kay Kuya dahil sa bigla niyang sinabi. Gano'n din ang iba ko pang kasama.

"Yes, there is," sabi ni TS. "It's possible Zairus, and the proof is in your hands."

"Naniniwala ako kay Teacher Sparks," at ngayon ay sa akin naman sila nakatingin dahil sa sinabi ko. "N-Nagkausap na kami ng ID ko."

"You're lying," napunta naman ngayon kay Lucienne ang atensyon dahil sa sinabi niya sa akin. "Gusto mo ba talaga kaming maniwala sa'yo?"

"No." Napatingin naman kaming lahat ngayon kay Drake na kumontra kay Lucienne. "She's telling the truth, and you're just jealous because you and your ID haven't talked yet."

"T-That's not true!" pagtanggi ni Lucienne.

"It's true," sabi ni Drake habang nakangisi. "It's in your head, dear."

Natigil ang pagtatalo nila ni Lucienne nang biglang tumawa si Teacher Sparks. Hindi ordinaryong tawa ang ipinakita niya. Isa itong tawa na parang nasobrahan siya sa saya at halos mapaiyak na.

"Baliw," sabay na sabi ni Kaoru at Ione.

"Hey! I'm not crazy," pabirong sabi ni TS. "Natutuwa lang ako dahil sa ipinapakita niyo sa'kin ngayon. Hindi nga ako nagkamali ng pagpili sa inyong lahat."

"Gagamitin mo lang kami," sabi ni Drake kay Teacher Sparks.

Huh? Gagamitin?

"Let me finish first, Drake." Hindi na kumibo si Drake at umiwas siya ng tingin kay Teacher Sparks. "Alam kong gusto niyo na malaman kung bakit kayo naririto. Simple lang naman ang sagot diyan. Nandito kayo dahil member na kayo ng Nameless Organization. Ako ang naatasan ng principal ng Immortal City na pumili ng labindalawang estudyante na magiging bahagi ng Division's Competition."

"Teacher Sparks, ano 'yung Division's Competition?" tanong ni Number Eleven. Hindi ko tanda ang pangalan nila. Mas natandaan ko sila sa Number. Si Drake ay medyo kilala ko na dahil magkaklase sila ni Kuya at madalas ko sila makitang magkasama.

"Good question, Riley. Ang Division's Competition ang main event every school year. It's a competition exclusive for students who are one of the chosen twelves," she says and we just stare at her in confusion. "Let's start from the beginning, shall we? Anong school ang pinaka-sikat sa lahat?"

"Northvale High," proud na sabi ni Lucienne.

"Pero sikat din ang Rivendell Boarding School," sabi naman ni Ione. "Madaming gwapo 'don," pabulong pa niyang dagdag.

"Same goes for Easton Boys' Academy," sabi ni Number Eight. Julien yata ang name niya.

Pansin ko lang na puro babae lang ang nagsasalita. Parang walang pakialam 'yung mga lalake sa nangyayari. Pero mukha namang nakikinig pa rin sila.

"All of you got the correct answer," TS said. "Now let's rank these three schools. Easton Boys' Academy is the cream of the crop, followed by Rivendell Boarding School and finally, Northvale High. Now, another question. What's the basis of ranking schools? How are they ranked?"

"Competitions?" hula ko.

"That's right! That's the exact answer to my question, Celestine. Now, who could elaborate on Celestine's answer?"

"'Yon po 'yung competitions in different aspects na sinasalihan ng mga estudyante galing sa iba't ibang schools like quiz bee, spelling contest, and other academic contest. Pwede rin in terms of sports," sabi ni Cenon, Number One.

"Now that," Teacher Sparks starts, "is a fraud. Those competitions are just for show. Hindi 'yon ang totoong nagpapatanyag sa isang school dahil lahat ng 'yon ay scripted. Planado na kung sino ang mananalo. Why? Because there's only one true game that every school participates in. That is Division's Competition."

"Division's Competition?" I repeat, admittedly confused. "Wala naman po akong naririnig na gano'ng laro."

"Of course. It's because that game is hidden to the public. That game is illegal. And all of you are now part of that game hosted by the Administration."

"I see," bulong ni Number Eight, "that's the reason behind our IDs."

Kasali kami sa isang illegal na competition? Pero bakit? Bakit hinahayaan lang 'to ng mga nakakaalam? Hindi ba dapat sila ang pumipigil dito dahil nga illegal 'to? Kung tama ang pagkakaintindi ko, hindi lang kami ang natatanging labindalawang estudyante na sasali. Ibig sabihin, lahat ng school ay may kani-kaniyang twelve students. Gaano nalang kami karami no'n?

"It is the only illegal competition recognized by the authorities and is kept as a secret, Number Six. Not all schools are required to join," rinig kong sabi ni Rina.

"Kung hindi naman pala required, bakit kailangan pa naming sumali?" tanong ko kay Rina sa isip ko.

"Sorry, that is not something I can answer." Mayroon ka rin palang hindi kayang sagutin.

"Kaya mo ba mag-Filipino?" Hindi ko alam kung bakit naitanong ko pa 'yan kay Rina sa kabila ng mga nangyayari.

"Yes, Number Six."

"Sige, simula ngayon, gusto kong gumamit ka rin ng tagalog paminsan-minsan."

"Yes, Number Six." Maalam daw siya magtagalog pero bakit yes pa rin ang sagot?

"Innovative devices answer a yes-or-no question in English by default."

Ah. Sabi ko nga.

"Incoming messagefrom Number Three," sabi ni Rina. Incoming message? Pwede rin ba 'yon?


You're idling, Celestine.


Ito ang nakasulat sa ID ko. Nanggaling ang message kay Number Three. Sino nga ba si Number Three?

"Number Three, Zairus Demafelix," sabi ni Rina.

Nakakatuwa naman. Kahit na hindi ko siya directly tanungin, sinasagot niya pa rin.

"I'm returning this. Ayoko maging parte ng sinasabi mong Division's Competition," sabi nung lalake na ngayon ko lang narinig magsalita. Ang pagkakatanda ko siya si Number Two.

"He's Number Two, Kaven Slade," sabi ni Rina.

"But Kaven, you can't just say no." Halatang ayaw pumayag ni TS.

"No," sabi ni Kaven gamit ang mukha niyang walang ekspresyon.

"He just said no," rinig kong bulong na Ione sa katabi niya.

Maraming sumunod sa ginawa ni Kaven. Sinauli nila kay Teacher Sparks ang mga ID nila. Isa na roon si Kuya.

"Celestine, ano pang ginagawa mo diyan? 'Wag mo sabihin gusto mong sumali sa sinasabi nung teacher na 'yon?" Nagulat ako ng makita ko nalang sa harapan ko si Kuya Zairus.

Hindi naman sa gusto kong sumali sa Division's Competition. Sa katunayan ay ayoko sumali. Pero ayoko lang talaga isauli si Rina. Kahit papaano ay nag-eenjoy akong kausap siya. Isa pa, limited lang 'to, 'no! Ang swerte ko nga dahil nakaranas ako nito. Again, thank you Lord for this blessing.

Nanatiling nakaupo si Drake at Kaoru kasama si Number Twelve na Van yata ang pangalan. Sila at ako lang ang natirang nakaupo habang ang iba ay pinipilit ni Teacher Sparks na manatili.

"I'm doing this to help all of you!" Bigla nalang silang napatahimik nang biglang magsalita si Teacher Sparks. "You all thought you were monsters when you were younger right?"

Hindi ko alam kung bakit pero bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat maliban kay Drake at Kaoru.

"Everyone in this room isn't normal," sabi ni Teacher Sparks. "Lahat kayo ay nagtataka kung bakit kakaiba kayo hindi ba?"

Lumapit siya isa-isa sa amin habang nagsasabi ng mga salitang hindi ko alam kung para saan.

"Cenon, you disappeared for almost a week. Kaven, you're suffering headaches because of your vision. Zairus, you remember everything I taught you right? You're not as attractive as they think, that's what you told yourself Lucienne. Your appearance changed for the seventh time Xaniel. You have blazing red eyes, Celestine. You know what I'm thinking, right Drake? Julien, you can stop their abilities. Kaoru, you're a liar. You predicted this would happen, Ione. Show me your emotions, Riley. And don't try to make me freeze, Van."

What is she talking about?

"Everyone in this room isn't normal."

Continue Reading

You'll Also Like

20.1K 988 55
Zenaya Smith is the daughter of the high - end people, Dr. Alexia Smith and Dr. Leon Smith. Her parents owned lots of business around the world, and...
762K 30.7K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
1.3M 19.2K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...