Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 22K 839

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

027

21.7K 377 115
By Kass-iopeia

027

KATHARINA


"Kath, I'm so sorry." Nakatungong sabi ni Callum nang maiwan kaming dalawa sa kwarto. Nag iwas ako ng tingin. Ayokong makita niyang sobra akong naaapektuhan. Ayokong isipin niya pa ako.


Si Pauline, siya ang kasintahan niya. Siya ang babaeng pakakasalan niya at siya ang tunay na nag mamay-ari sa kanya kaya hindi na dapat akong pumapel pa sa buhay nila. Kahit mahal ko siya wala akong karapatang angkinin siya lalo nat may nag mamay-ari na sa kanya. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Marahan niya iyong hinaplos.


"Kath patawarin mo ko. I didn't mean to hurt you." Aniya habang may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Hinaplos ko ang kanyang mukha at mapait na ngumiti.


"A-ayos lang ako." Ngumiti ako pero sadyang traydor ang mga mata ko nang muling mag sipag unahan sa pag tulo ang mga luha mula sa mga ito.


"Please don't cry, angel."


"Bakit Callum? Bakit?" Di ko na napigilan at napahagulgol na lang ako sa harapan niya. Ayokong isisi sa kanya ang lahat pero di ko maiwasang mag tanong. Kung bakit ako pa? Bakit niya pa ako pinaasang aayusin niya at itatama niya ang lahat kung may minamahal na pala siyang iba.


Alam naman niya ang mga pinag daanan ko pero bakit niloko niya pa din ako. Akala ko, ito na yung panahon ko para sumaya at akala ko sa pagkakataong ito ay kakampi ko na ang tadhana pero mali pala ako dahil ang malupit na tadhana ay muling ipinamalas ang kanyang kalupitan sa akin at ito nanaman ako. Unti unting nawawasak...


"I'm so sorry, angel."


"Ayos lang. Sanay na naman ako eh." Hirap na hirap kong sabi. Patuloy pa din kasi ako sa pag hikbi.


"Katharina, please don't cry." Hinawakan niya ang mukha ko at ipinag dikit ang aming mga nuo at tyka pumikit.


"Tell me what you want. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo, gagawin ko. Kath, patawarin mo lang ako."


"Pakasalan mo si Pauline at maging masaya ka sa kanya. Yun lang.. Yun lang Callum. Gusto kitang sumaya..." pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko.


"... Wag mo na akong isipin. A-Ayos lang ako. Magiging maayos din ulit ako." humiwalay ako at ngumiti.


"...wag ka na maawa sa akin. Si Pauline, nasaktan din siya tulad ko. Sa kanya ka paulit ulit na humingi ng tawad dahil sa kanya ka tunay na nagkasala. Wag mo na ako isipin, kasi makita lang kitang masaya magiging okay na din ako. Hindi lang siguro agad agad na magiging okay ako pero alam ko.. Alam ko na magiging maayos din ang lahat. Hindi ba ang sabi mo gagawin mong tama ang lahat? Ngayon mo na gawin yun Callum. Gawin mo ang tama. Pakasalan mo si Pauline at maging masaya kayo. Pinapalaya na kita.."


Kitang kita ko kung paano bumagsak ang mga luha sa mga mata ni Callum pagkatapos kong sabihin iyon. Agad agad niya akong hinila at mahigpit na niyakap. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at duon na muling tumulo ang mga luha ko. Masakit sakin na nakikita siyang naguguluhan, masakit para sa akin na nalilito at nahihirapan siyang mamili sa aming dalawa ni Pauline na hindi naman niya dapat ginagawa.


Si Pauline ang nararapat na babae para sa kanya at hindi isang tulad ko lang. Naniniwala ako na minahal niya ako at sapat na sa akin yun. Kahit papano naramdaman ko yun, kahit papano naramdaman kong maging mahalaga sa taong mahal ko din. Hinding hindi ko pag sisisihang minahal kita Callum...

Kahit ang sakit sakit na.

"Mahal na mahal kita Kath. I don't wanna lose you! How many fvcking times do I have to tell you that I love you? you're my sunshine and I can't imagine my everyday without you?!"


"Baka kaya hindi sumasang-ayon satin yung nasa itaas kasi sa una pa lang naman mali na 'to eh. Mali to, Callum at kahit anong gawin natin, hinding hindi natin maitatama ang lahat. Makakasakit lang tayo."


"Pero paano ka?" hirap na hirap na tanong niya.


"Okay ako. Magiging okay ako." mapait akong ngumiti.


"Ako paano ako Kath? Paano kung hindi ako maging okay kapag lumayo ka?"


"Magiging okay ka. Callum please, palayain na natin ang isat isa."


"Is it too much to ask you to stay? I love you so much it fvcking hurts."


"Please, Callum ayokong saktan ka pa lalo. Kapag nag stay ako dito, magkakasakitan lang tayong talo at alam kong ikaw ang pinaka maiipit dito kaya Callum tama na."


"Mahal mo ba ako Kath?"


"Mahal na mahal na ang sakit sakit na din."


"Then fvcking fight for me!" Aniya bago walang lingon lingon na lumabas ng kwarto.







"Sa room mo ako matutulog babe ah." Rinig kong sabi ni Pauline habang nag luluto ako nang aming haponan. Kababalik niya lang kanikanina at may mga daladala na siyang mga gamit.


Desidido na talaga siyang dito tumira. Gusto ko nang umalis sa totoo lang pero hindi ko talaga kayang iwan si Callum lalo na't hiniling niya sa aking ipaglaban ko siya. Ang tanong, kaya ko ba talaga siyang ipag laban? Wala naman akong laban eh dahil alam kong si Pauline ang mas dapat para kay Callum at siya ang totoong nag mamay-ari sa kanya. Pero kasi hindi naman madaling iwan si Callum ng ganun ganun na lang. Hindi ko din magawang magalit sa kanya dahil siya lang naman yung taong nag mahal sa akin ng buong buo.


Parang lahat ng kinatatakutan ko nuon ay unti-unting nangyayari. Ang taong pinaka nakapag pasaya sa akin ay unti unti nang nawawala. Binabawi na siya agad sa akin. Binabawi na siya pero ayaw ko pang bitawan. Alam ko namang dehado ako pero bakit nandito pa din ako at pilit na ipinag lalaban ang bagay na kahit kailan hindi nagising sa akin. Masama na ba akong tao? Tama nga si Nanay na ang pag ibig ay sobrang makapangyarihan dahil nagagawa nitong baguhin ang isang tao. Ayokong makasakit... Pero hindi ko yata kakayaning mawala sa akin si Callum. Hindi ko na yata gugustuhin pang mabuhay kung babalik nanaman ako sa dati na punong puno ng lungkot. Kay Callum ko lang naramdamang sumaya ng labis at hindi ko na yata magagawa pang sumaya ulit kung mawawala siya sa akin.


Hindi ko naman hinihiling na maging akin siya. Wala naman akong balak na agawin siya mula kay Pauline dahil sapat naman na sa akin na hanggang tanaw lang ako sa kanya. Ang mahalaga lang sa akin ay ang makita siya araw araw, ang makasama siya paminsan minsan at ang pag silbihan siya pang habang buhay. Kontento na ako sa ganun. Kahit hindi na siya maging akin o kahit na mag laho pa yung nararamdaman niya para sa akin. Ayos lang. Basta makita ko lang na maayos siya at masaya. Sobrang okay na ako duon.


Oo masakit, pero mas masakit yata yung iwan siya. Ayoko nang bumalik sa dati. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko ibang tao ako at ang saya saya ko. Pag lumayo ako baka kahit kailan di ko na madaramdaman yung ganung pakiramdam. Natatakot ako na baka pag lumayo ako ay bumalik nanaman ako sa dilim. Ayoko na. Sawang sawa na ako. Hindi ko na yata kakayaning bumalik pa sa ganun, kaya sige. Kahit masakit tatanggapin ko. Kahit ano pa man ang ibatong insulto sa akin ng iba, tatanggapin ko. Tatanggapin ko lahat manatili lang ako malapit kay Callum.


"Pau, you don't have to do this."


"Anong gusto mong gawin ko Cal? Ipaubaya ka sa pokpok na yan?"


"Pau!" Agad nag taas si Callum ng boses. Pinilit kong wag pansinin ang usapan nila pero hindi ko yata kaya.


"Cal simple lang yan eh kung ayaw mo ng ganitong set up, lumayo ka sa babaeng yan. Tapos ang problemang 'to."


Hindi ko narinig na sumagot si Callum.


"Oh ano? So balak mo kaming pag sabayin? Fine! Mag sakitan tayong tatlo!"


Hindi ko na kaya pang manahimik kaya lumapit ako sa pwesto nila at matapang na hinarap ang toong nag mamay-ari sa taong minamahal ko. Yumuko ako at dahan dahang lumuhod sa harapan niya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon at alam ko na tulad ko nasasaktan din siya. Babae din ako kaya alam ko kung gaano kasakit ito para sa kanya. Hindi makayanan ng konsensiya ko na may nasasaktan akong tao kaya para matapos na ang lahat ako na lang ang mag papakumbaba dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Kung hindi ako dumating sa buhay nila ay hindi sana ganito kamiserable ang relasyon nila.


"Pauline, unang una humihingi ako ng tawad sayo. H-hindi ko intensiyong makasakit ng tao maniwala ka.." Pinigilan ko ang mga luhang unti unting namumuo sa mga mata ko.


Hindi ako pwedeng mag pakita ng kahinaan sa harapan ni Callum. Ayokong kaawaan niya ako at mahirapan nanaman siyang pumili sa aming dalawa dahil lang naaawa siya sa akin.


"Kath what are you doing?" Tumayo si Callum sa kinauupuan niya at pilit akong pinatatayo pero hindi ko siya sinunod.


"Pangalawa humihingi ako ng tawad para kay Callum. Patawarin mo na siya.. Kasalanan ko 'tong lahat dahil kung hindi ako dumating sa buhay niya ay hindi hahantong sa ganito ang lahat. Sorry Pauline, hindi ko gustong saktan ka. Maniwala ka sa akin, hindi ko ginusto ito at lalo na si Callum. Hindi ka niya gustong saktan. Mahal ka niya Pauline, mahal na mahal ka niya kaya patawarin mo na siya oh. Ayos lang sa akin kung hindi mo ako mapatawad pero parang awa mo na, patawarin mo na si Callum. Mahal na mahal ka niya..." Sa puntong yun hindi ko na napigilan sa pag patak ang mga luha ko.


Napaka sakit para sa aking bitawan ang mga salitang iyon. 'Mahal na mahal ka niya' bawat letra sa salitang yun tumatagos sa dibdib ko. Sobrang bigat sa dibdib. Sobrang sakit. Pero ganun naman talaga yata ang katotohanan, masakit. Para kang mababaliw sa sakit pero wala kang choice kundi ang lumaban na lang.


"Kath please, you don't have to do that." Pinipilit pa din akong patayuin ni Callum. Kitang kita ko ang mga luhang namumuo sa mga mata niya at naiiinis ako dahil ako ang dahilan ng mga yun. Patawarin mo ako Callum kung nahihirapan ka ng sobra ngayon.

Hinawakan ko ang kamay ni Pauline habang unti unting nahihilam ang mga mata ko dahil sa mga luhang ayaw paawat sa pag bagsak.


"Nakikiusap ako Pauline... Tanggapin mo siya ulit at mag simula kayo ulit na para bang walang nangyari. Sige na naman oh. Kalimutan mo ng nangyari ito. Kalimutan mo na lahat ng kasalanan niya sayo. Isipin mo na lang na ako ang nag kasala sayo dahil inakit ko siya, please tanggapin mo siya ulit tulad nuon. Pangako hinding hindi ko kayo guguluhin. Hinding hindi ako mag hahabol at hindi ko sisirain muli ang relasyon niyo. Kaya para mo ng awa patawarin mo na siya. Magiging masaya ako para sa inyo. Hindi ako mang gugulo ulit. Basta isang pabor lang ang gusto ko mula sayo Pauline. Yun ay pasayahin mo siya. Yun lang Pauline. Yun lang para mo ng awa..."

Unti unting bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ni Pauline habang nakatingin sa akin. Damang dama ko kung gaano siya nasasaktan sa mga oras na yun. Parepareho lang kaming nasaktan at patuloy na masasaktan kung ipagpapatuloy pa namin ang larong ito. Ang pag ibig ay hindi isang paligsahan na kailangan niyong paglabanan, hindi sa patatagan o patigasan nakakamit ang tunay na pag ibig. Dahil ang tunay na pag ibig may pusong mapag patawad at pusong mapagparaya. Ang tunay na matapang ay marunong tumanggap ng pagkatalo.

Unti unti akong tumayo mula sa pagkakaluhod at binalingan si Callum. Nakatulala lang ito sa kung saan habang kusang bumabagsak ang mga luha sa mga mata niya. Pinilit kong tatagan ang loob ko kahit gustong gusto ko nang yakapin siya at alisin ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero naisip ko kung gagawin ko yun mas lalo ko lang siyang pahihirapan sa pag pili. Mas lalo lang siyang masasaktan at ayokong mangyari yun. Ayokong malito nanaman siya. Okay na ako. Ayos na sa akin na hindi ako yung babaeng nararapat sa kanya. Tanggap ko nang talo ako. Tanggap ko nang hindi para sa akin ang taong mahal na mahal ko. Kahit sobrang sakit. Kahit halos mabaliw ako sa sakit, ayos lang. Ang mahalaga maipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kaya kong isuko ang lahat para sa kanya maging ang sarili kong kasiyahan.

Continue Reading

You'll Also Like

236K 10.5K 61
He is the most powerful leader of Andromida Conglomerate, Asia's largest business empire and the supreme commander of an elite organization called...
1.3M 34K 43
Seducing Mr. Esteban Isang simpleng babae lang si Abby Salazar na nagkagusto sa lalaking minsan nang sumagip sa buhay niya. Luke Esteban ang lalaking...
680K 35.9K 42
**✅FREE READ✅** Arranged Marriage. Zen Montaner and Fausta Montemayor were told to get married, without the right to refuse, by their parents. Kapwa...
4.6M 73.4K 43
De La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she fo...