The Gangster's Kiss [PUBLISHE...

By PrincessInJeans

3.5M 55K 5.6K

[Unedited Version] A love story that started with a kiss, challenged by obstacles and sealed with love. Who w... More

The Gangster's Kiss
Chapter 1 [Mr. Robber]
Chapter 2 [Twin Princes]
Chapter 3 [The Gangster Prince]
Chapter 4 [The Ice Prince]
Chapter 5 [Date with a Gangstah!]
Chapter 6 [A Prince and A Fairytale]
Chapter 7.1 [His Past]
Chapter 7.2 [His Past]
Chapter 8.1 [A Little Angel]
Chapter 8.2 [A Little Angel]
Chapter 9 [Smitten]
Chapter 10 [Amidst the Danger]
Chapter 11 [Secret Guardian]
Chapter 12.1 [Stolen Moment]
Chapter 12.2 [Stolen Moment]
Chapter 13.1 [That Night]
Chapter 13.2 [That Night]
Chapter 13.3 [That Night]
Chapter 14 [Five Minutes]
Chapter 15 [Weird Feelings]
Chapter 16 [Mystery Girl]
Chapter 17 [Smile.]
Chapter 18 [Sticky Situation]
Chapter 19 [Love is selfless]
Chapter 20 [Her First Love]
Chapter 21 [The Savior]
Chapter 22 [Realize]
Side Story [Jade & Glenn]
Chapter 23 [Kyle's Plans]
Chapter 24 [I love you]
Chapter 25 [Promise]
Chapter 26 [He's Back]
Chapter 27 [First Date]
Chapter 28 [Choices]
Chapter 29 [Decision]
Chapter 31 [Chaos]
Chapter 32 [I'm yours]
Chapter 33 [And They Meet Again]
Chapter 34 [Together]
Chapter 34.2 [Together]
Chapter 35 [Seven Dates]
Chapter 35.2 [Seven Dates]
Chapter 36 [Missing Him]
Chapter 37 [Broken]
Chapter 38 [Pain]
Chapter 39 [It must have been love]
Chapter 40 [Don't give up]
Side Story [His Side]
Chapter 41.1 [Past and Future]
Chapter 41.2 [Past and Future]
Chapter 42 [Live for Today]
Chapter 43 [Run Away]
Chapter 44 [Danger?]
Chapter 45 [It Ends Here]
Epilogue
Special Chapter [Mr. Robber's Point of View]
Publishing Details (+FAQs)

Chapter 30 [Jade's Ever After]

50K 848 135
By PrincessInJeans

Chapter 30

[Jade's Ever After]


(Jade's POV)

Dance is a Life. Life is a Dance.

Kailangan mong magpractice para matuto. Minsan magkakamali ka at di makakasabay sa tugtog. At kung susuko ka na lang agad, kahit na kelan hindi mo matutunan sayawin yung tugtog na yon. Hindi ba ganon din yung agos ng buhay? Konting pasensya at wag kang susuko, makakasabay ka din sa agos ng buhay.

Pag nagsasayaw ka, hindi importante ang mapansin ka o ang maraming humanga sa'yo o kung ilan ang napapangitan sa sayaw mo. Ang mas importante ay yung nag-eenjoy ka sa pagsayaw mo at wala kang natatapakan at nasasaktan. Para sakin, ganon ka dapat mabuhay.

[Now Playing : How did you know by Gary Valenciano] 

(Video on the side)

I remember so well

Nasa ballet room kami ngayon ni Glenn. First time naming ipapractice yung talent portion namin. Para siyang dramatic dance na interpretative dance. How did you know yung kanta. Yung choreo namin, gawa nung isa naming kabatch na member din ng dance troupe.

The day that you came into my life

Sa part na 'to. Hinaplos ni Glenn yung pisngi ko tapos umikot siya sakin habang sinusundan ko naman siya ng tingin.

You asked for my name 

You had the most beautiful smile

Ang lahat ng 'to, nagsimula sa napaka-nakakalokong pangyayari. Tinamaan kita ng bato tapos ninakaw mo ang first kiss ko. Sinong mag-aakala na aabot sa ganito? Na kailangan kong mamili sa pagitan mo at ng taong matagal ko ng gusto?

My life started to change 

I'd wake up each day feeling alright

Di ako mahilig magsabi ng problema sa ibang tao, kahit pa sa malapit sakin. Kaya hindi ako sanay na kino-comfort. Pero ikaw, nagawa mong pagaanin yung loob ko ng hindi tinatanong ang problema ko. Tinuruan mo kong i-express yung nararamdaman ko.

With you right by my side 

Makes me feel things will work out just fine

Sa tuwing malungkot ako, nandyan ka para pagaanin yung loob ko.

How did you know 

I needed someone like you in my life

Paano mo nga ba nalaman, Glenn? Paano mo nalamang kailangan ko ng taong masasandalan at makakaintindi sakin nung mga panahong yun?

That there was an empty space in my heart 

You came at the right time in my life

Kung hindi ka dumating, hindi na ko malilito ngayon. Pero kung hindi ka rin naman dumating, hindi ko na alam kung ano na ko ngayon..Sobrang lungkot ko dati. Biruin mo, yung taong gusto ko nagpapalakad sakin sa pinsan ko. Pero dumating ka at pinasaya ako kahit pa lagi mo kong binubwisit.

I'll never forget 

How you brought the sun to shine in my life

Sa part na 'to. Inikot ako ni Glenn. Tapos sa huling part nung line, inilapit niya ako sa kanya. Sobrang lapit.

And took all the worries and fears that I had 

I guess what I'm really trying to say

Pakiramdam ko, safe pag kasama kita. Pero Glenn, sapat na ba yun para masabing mahal nga kita? Kumpara kay Rj na ilang taon kong kakilala at nagustuhan, sapat na ba yun 19 days? Hindi ko alam.

It's not everyday that someone like you comes my way 

No words can express how much I love you

"I love you, Jade." sabi ni Glenn kasabay ng last line.

Nagulat ako. Hindi ko yun inexpect eh. Akala ko.. ang sabi niya... umaarte lang siya. Laro lang ang lahat. Pero bakit ang sincere ng mata niya nung sinabi niya yun?

Nginitian niya ko bago nagsimulang maglakad paalis.

"G-glenn, saglit.."

 

"Oh?" tumigil siya pero di lumingon.

"S-seryoso ka na ba ngayon?"

 

"Umpisa pa lang seryoso na ko, Jade. Ikaw lang ang nag-iisip na joke ang lahat." Tapos tuluyan na siyang umalis.

Omaygad. Ano ba 'to?! Di na nakakatuwa! Nakapagdecide na ko na piliin si Rj eh! Kasi akala ko joke at arte lang ang lahat kay Glenn. Inisip ko, mas magiging mas masaya ako kay Glenn. Tapos.. eto na naman.

(Mia's POV)

Lalala~ Feeling ko maraming kaguluhang mangyayari. Ewan ko kung bakit. Ang tense lang ng atmosphere XD Si Parekoi tahimik, si Jade tahimik (mirale yun!), si Glenn tahimik (well.. wala namang pinagbago yun.) Pero 'yon! Tense much! Natetense din tuloy ako!

"I'm quitting the competition." Eh? Glenn, isdatchu?

"Huh? Bakit? Pano si Jade?" Oooh. Ang gwapong boses ni Kyle!! Okaay~ Stop and listen!

"Nakausap ko si Rj. Siya na yung bagong partner ni Jade. Marami pa namang oras para makapagprepare sila."

"Bakit ka magqu-quit?" OO NGA!! Wag niyang sasabihing magpaparaya siya kasi wala sa ugali niya ang magparaya!!

"Napaaga yung alis ko para sa Exchange Program. Bukas na yung flight ko. Wala... na ko dito sa Saturday." O.O Bukas na alis ni Glenn?! Akala ko sa Monday pa!! Hala hala hala. What to do? Think think think. Brain blast! Joke. Nasobrahan lang ata ako sa panonood ng Jimmy Neutron XD

Pero aaaah! Di tayo ang time para magjoke >______<! Eh kaseeeh. Ano ba yaaaan. Ipit na naman ako! Ehhh.

Aalis na lang muna ako. Kunwari wala akong narinig----

"Hoy." Busted. > 3<

"Y-yes?" dahan-dahan akong lumingon kay Glenn habang nag-inosente look.

"Alam kong narinig mo. Wag kang pa-inosente." Pshh. Siya na masungit sakin forever! Hmph! Sungeeeet! "W-wag mong sabihin kay Jade, please." Tse. Pagdating kay pinsan pumi-please na siya! >:(


"Talagang di ko sasabihin. Dapat ikaw magsabi sa kanya nuh!" Tama naman ako eh? Deba? 

"Alam ko. Pakibigay na lang sa kanya 'to bukas, Mia." Tapos may inabot siyang.. uhh. voice recorder.

"O-okay. Pero Glenn, anong oras ba ang flight mo bukas?"

"10:30 AM. Oi, wag mo kong pipigilan ah?" tapos ngumisi siya sakin.

"Asa ka naman! Bakit close ba tayo?! Hahaha." Tapos nakitawa na rin siya sakin. Bah, buddy buddy kami ni Sungit ngayon ah. Ganyan ba talaga pag mawawala na?! Lol. Panget ng term XD

"Salamat sa lahat, Mia." Nginitian niya ko tapos naglakad palayo.

Woah. Starstruck ako! Ang gwapo pala talaga nun pag nangiti? Woah. *O_O*

NEXT DAY.

Good morning Sunshine!

Waaah. Di pala ko dapat pumetiks. Alis na nga pala ngayon ni Glenn! Kailangan kong hanapin si Jade! Sabog pa naman mga tao sa school. Kalat sila eh. Walang klase ngayon kasi lahat nagpapraktis para sa Intrams.

Una akong pumunta sa canteen. Baka nalamon sila ni Yumi. Ang kaso, FAIL. Wala sila dun. Sa Field naman na laging tinatambayan ng barkada, wala din siya! Waaah. Tinatawagan ko yung phone di naman, nasagot!!

Wait... Sa Ballet room! Baka doon sila nagpapraktis ni Rj! Tama tama.

Tumakbo naman ako papuntang Ballet Room. Pagbukas ko ng pinto, tama ako. Nagpapractice sila ni Pareng Rj ng sayaw nila.

Bagay talaga sila.. Pero sorry Parekoi...

"JAAAAAADE!" sigaw ko. Tinginan sakin lahat ng nandun. Dami pa naman naming klasmeyt na nanonood sa kanila. :P

"Oh, Mia bakit?"  tanong niya nung makalapit sakin.

"Kikidnapin ko muna si couz ah? Byeeee~" Tapos hinila ko si Jade papunta sa may Field.

"Bakit ba, Mia? Problem?"


"Yup. Pakinggan mo." Tapos inabot ko sa kanya yung tape recorder ni Glenn at lumayo. Good luck pinsan.

(Jade's POV)

Tape recorder? Weird..

At isa pang weird... bakit nag-quit si Glenn? Ayaw na ba niya kong maging partner? Pero sabi niya.. mahal daw niya ko ah?

Haaay. Papakinggan ko na nga lang muna 'tong recorder.

Pinindot ko yung play.

"Oy, Girlfriend!" O__O Glenn.. Boses ni Glenn yun ah. "Wag ka munang kumontra! Last na 'to, promise! Gusto lang kitang tawagin ng ganun.. for the last time.." 

"Four years ago, may babaeng nakatama sakin ng bola ng volleyball. Inis na inis ako nun kasi nahilo ako sa sobrang lakas nung pagtama sakin.. Pero nung nakita ko yung mukha niya.. na nag-aalala. Takte, natememe ako. Ang ganda niya kahit pa simple siya kumpara sa ibang babae at kahit pa pawis na pawis siya nun at haggard. Pagtapos, dinala niya ko sa clinic at inalagaan. Nakakatuwa nga kasi para siyang batang panic ng panic nun. Hindi niya alam yung gagawin niya. Naisip ko, kabaliktaran ko siya pero kahit pa ganun.. Na love at first sight ako, potek lang."

Four years ago..? Oh my god.

"Tanda mo na? Kaw yun.. Corny, di ba? Na-inlove si Mr. Mysterious sa babaeng tulad mong parang armalite yung bibig. Pagtatawanan mo siguro ako. Pero di bale na.. Pagtawanan mo na ko pero kailangan mo 'tong malaman... pagkaalis ko."



Pagkaalis? Anong pagkaalis?!

"Alam mo bang pinilit kong mag-aral ng mabuti para masama sa top? Na-insecure kasi ako sa'yo, nasa top ka. Tapos ako? Isang gangster na pabaya. Ang kaso.. nasobrahan ata ako sa aral.. na-offeran tuloy ako na masama sa Student Exchange Program. At oo, tinanggap ko yun. Pero hindi ko akalain na sa mismong araw na tinanggap ko yun, maabutan kitang umiiyak sa garden, nung Dance Night 'yon. Ninakawan kita ng halik.. sobrang ganda mo kasi habang nasisinagan ng buwan. Kasalanan mo 'yon! First kiss ko kaya yun."

Naramdaman konh may tumulong luha sa mga mata ko. Bakit hindi ko 'to alam? Bakit hindi ko napansin? Ahh.. magaling kasing artista si Glenn. Tinago nya sakin lahat ng 'to. Hindi ko man lang nahalata.

"Tapos nalaman ko pang sinaktan ka nung g*gong si Rj. Tss. Alam ko namang gusto mo siya eh. Stalker.. ay mali.. secret admirer mo kaya ako! Hahaha. Gwapo ako eh kaya admirer." Bahagya akong napatawa nun. "Alam mo bang mula sa malayo, tinitignan kita habang nakatanaw ka din sa kanya. Lintek lang, ang sakit kaya? Tapos sa oras na alisin mo yung tingin mo sa kanya, makikita ko.. siya naman yung titingin sa'yo. Engot niyo ding dalawa. Nauna ko pang malaman na may gusto kayo sa isa't isa bago kayo nagkaaminan."

Nasasaktan ko na pala nun si Glenn.. Pero hindi niya pinahalata. Tinulungan pa niya ko.

"Nung nakita kitang umiyak ulit sa garden. Nainis ako ng sobra kay Rj. Kahit pa ka-gang ko siya at baka masira yung samahan naming lahat, wala na kong pakialam. Naging selfish ako. Kinuha ko yung chance para maging girlfriend kita ng one month. Taena lang kasi! Di ko kayang.. makita kang umiiyak. Ayoko. Naisip ko, kung ako yung gusto mo.. hinding hindi kita papaiyakin at kung iiyak ka man dahil yun sa sobrang saya pero para sa kanya.. ang dali lang na paiyakin ka. Tapos nagkaron tayo ng one month deal. Sa Monday kasi dapat yung alis ko.. sa mismong tapos nung one month natin. Ang kaso.. bumalik yung gusto mo tapos iniwan mo ko. Kahit pa wala naman akong karapatan at hiniram lang kita.. masakit eh." Narinig ko siyang humikbi. Umiiyak siya.. Umiiyak si Glenn para sakin.

"Pero di na importante yun. Pagbalik ko.. maging magkaibigan tayo ah? Malay mo.. pagbalik ko.. nakamove-on na ko. Six months din kasi akong mawawala.. At pag naibigay 'to sa'yo ni Mia baka nakaalis na ko. Pakisabi sa pinsan mo salamat ah? At sorry kung lagi ko siyang nasusungitan. Hindi kasi ako sanay na maging mabait sa ibang babae bukod sa'yo.  BANG! Hahaha. Oo nga pala, ibig sabihin nung hand sign na yun, tinamaan ako sa'yo. Hahahaha. Mga naisip kong kabaduyan dahil sa'yo. I love you, Jade Lian Punzalan. Goodbye.

Tapos namatay yung tape. Humahagulgol na ko ngayon.

Yung taong nandyan para damayan ako.. sinasaktan ko pala. Ang unfair eh.. Glenn didn't deresve that! Dapat siyang maging masaya... Bakit ba kasi sa katulad ko pa siya nagkagusto? Maraming ibang babae diyan eh.. Pero Glenn.. bakit nga ba ako pa?

"Jade.." Lumapit sakin si Mia at yumakap. Iyak lang ako ng iyak sa balikat niya. Si Mia, umiiyak na din.

"M-mia.. K-kailangan ko siyang m-makausap. Nasan siya?! Andito pa ba siya sa campus?"


"N-nakaalis na si Glenn." sagot ni Mia sakin. "Nandito siya kanina pero nakaalis na siya papuntang airport."


"Anong oras... anong oras ang alis niya?!"


"Ten-thirty ngayong umaga, couz." Tinignan ko agad yung relo ko. Less than an hour na lang ang meron ako. Kaya pa ba yun? Malayo dito ang airport. pero importante na makausap ko si Glenn!

"H-halika, dali.. P-puntahan natin siya."

"Paano?" 

"Tutulong kami, Bes! ^U^" paglingon ko, nandun sina Kurt at Yumi. Kanina pa ba sila.

 "Thank you, Bessy." Tapos tumakbo ako kay Yumi at niyakap siya.

"Wala 'yon. Ano pa't bespren mo ko di ba? So, ano pang hinihintay natin? Let's goooo *O*/" Tapos nagsimula ng maglakad yung tatlo papuntang parking. Napahinto ako.. sa di kalayuan.. si Rj..

"Rj.."

"W-wag kang umalis.. please.." Paiyak na siya. Hala. May papaiyakin na naman ba ko?

"Pero kasi---" 

"Kapag umalis ka.. ibig sabihin pinipili mo na si Glenn." Napatigil ako. Pipiliin ko na nga ba si Glenn? Siya na nga ba talaga?

"I-I'm s-sorry, Rj.." Tapos tumakbo na ko papunta sa may parking, sa kotseng dala ni Kurt.

"Pasok na, Bes!" sigaw ni Yumi mula sa loob. Pumasok na ko. Magkatabi kami ni Mia sa backseat habang nasa unahan sina Yumi.

"Hala, mushroom. Pinaalam mo ba kay Kyle na gagamitin mo yung kotse niya?"

"Nope." Tapos nag-grin si Kurt bago tuluyang paandarin yung kotse.

Tahimik lang kami sa kotse. Walang ibang maririnig bukod sa hikbi ko.

Hindi pwedeng umalis si Glenn.. Hindi siya pwedeng umalis ng hindi ko nasasabi na mahal ko din siya.

Oo, mahal ko din siya.

Tama nga siguro yung sinasabi nila na marerealize mo yung halaga ng isang tao pag mawawala na siya sa'yo..

Ayokong umalis si Glenn ng hindi alam na  gusto ko siya. Ayoko siyang mag-move on. Ayokong kalimutan niya ko.. Gusto ko kahit pa mawala siya, babalik pa din siya sakin pagkatapos ng six months. Kami pa din.

Glenn.. hintayin mo ko please.. 

"Ah.. eh.. buksan mo kaya Yumi yung radio? Music? hehe." --Mia.

"Good idea! Sigi sigi!" --Yumi

'Cause I'm leaving on a jet plane
I don't know when I'll be back again

I don't know when I'll be back again.. Paano kung hindi ko maabutan si Glenn? Babalikan pa niya ko? O pagbalik niya meron na siyang iba? Hindi ko kakayanin.    

"Oops. hehe. Lipat natin ng station." --Yumi

Farewell to you my friends
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay

Miles away.. Ilang dagat nga ba ang magiging pagitan namin ni Glenn? Sa America ang punta niya. Masyadong malayo yun.

"Wag na lang kaya tayong mag-music?" --Yumi

"Good idea!!" --Mia.

"Bes.. wag kang mag-alala.. aabot tayo okay?" sabi ni Yumi sakin. "MUSHROOM BILISAN MO PAAA!"


"Teka!! Mahuhuli na tayo niyan pagbinilisan ko pa. Tatagal tayo lalo!" --Kurt

Kahit papano napangiti ako. I have great friends.

* * *

 (play the video again :"> )

"Sht. Traffic jam =___=" --Kurt.

Ano ba yan?! Kung kelan malapit na kami sa airport saka pa tumraffic! Tanaw ko na yung airport eh. Sumilip ako sa labas. Bad luck naman oh! May nagkabanggaan pa ata. 

Fifteen minutes na lang eh!!

"Tatakbuhin ko na lang!!" bago pa sila maka-react, lumabas na ko ng kotse at mabilis na tumakbo papuntang airport.

12 minutes.. Please Glenn.. Wag ka munang aalis. Please..

4 minutes. Shoot! Nandito na ko sa may entrance nung airport. Hingal na hingal na ko pero hindi ako pwedeng tumigil. Not now!

"Miss teka, nasan yung passport mo?" pigil sakin nung guard nung papasok na ko.

"PO? A-ah ano.. hindi po ako sasakay.. May kailangan lang po akong habulin!!" papasok na sana ako ulit kaso pinigilan ulit ako nung guard.

"Sorry Miss. Hindi ka pwedeng pumasok. Yan ang policy." 

"Kuya naman! Importante talaga 'to! Pleeeaaassseee!"

"Sorry talaga Miss." Naiinis na ko kay Kuya ah!! Tinulak ko siya tulad ng ginagawa sa mga movies.

Ang kaso.. di naman siya nagalaw. Nainis pa ata sakin (_ _"")

"Umalis ka na, Miss." 

Eeehhhh! Pano 'to?! Ano, ganito na lang?

"WOOOY!!!!" Napatingin ako sa MGA sumigaw.

Si RJ.. kasama ang Black Knights..

Nakatingin sa kanila yung mga tao. Paano, mga delinquents yung mga hitsura.

Kinuyog nung iba si Manong Guard. Pinipigilan lang nila.

"Security! Security!!" sigaw nung guard.

"R-RJ.." --ako

"Ano pa hinihintay mo? Pumasok ka na sa loob. Habulin mo siya.." sagot niya sakin ng nakangiti.

"Salamat salamat salamat, RJ! Labyow!" niyakap ko siya tapos tumakbo palayo.

"Labyutu!" Narinig kong sigaw niya pabalik.

Konti na lang.. Glenn...

Tumakbo ako papunta sa listahan ng Flights..

At nanghina ako..

Yung flight ni Glenn.. nakaalis na..

Hindi 'to pwede...

Napaupo na lang ako.. wala na kong pakialam kung nakatingin sakin yung mga tao..

Nahuli na ko.. Wala na..

"Sht. Ang daya eh.. Glenn naman.. Bakit umalis ka na?! *huk huk* hindi ko pa nasasabi sa'yo eh.. Na mahal din kita. *huk huk* Leche namang buhay 'to oh. Di ba ako pwedeng maging masaya?! Lagi na lang may kontra?! *huk huk* Glenn.. ang g*go mo naman eh. Sabi mo di mo ko papaiyakin!! Eh nasan ka ngayon? Ang sakit eh.."



"Di ba sabi ko sa'yo, don't say bad words?"

Napatingala ako.

Ngumiti siya sakin tapos umupo sa harap ko.

"One bad word, one kiss." Saglit at marahan niya kong hinalikan. "Inalis mo kasi agad yung tingin mo. Di mo nakita, na-delay yung flight ko." Tumingin ako ulit sa listahan nung flights, DELAYED na yung nakasulat sa flight ni Glenn.

"Nakakainis ka naman eh!! Kanina mo pala ko nakikita! Di mo ko agad nilapitan!" Sigaw ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng mahina. "E di kung nilapitan kita agad, di ko nalaman na mahal mo din ako?"



Mas lalo akong napaiyak. Tapos niyakap ko siya. Natumba kaming dalawa.. pero wala na kong pakialam. 

"Plano mo pang umalis ng di nagpapakita sakin?!"

"Sorry.." Mahina siyang tumawa.

"Bakit ba kanina ka pa tawa ng tawa?! Iyak na nga ako ng iyak oh!" 

Humiwalay siya sakin tapos pinunasan yung luha ko gamit yung kamay niya. "Masaya lang ako at nandito ka.. para sabihing mahal mo din ako. Hindi ako makapaniwala."



Napangiti ako sa sinabi niya tapos niyakap ko ulit siya. Nakaupo lang kami ngayon sa sahig. Pero wala na kong pakialam.. Sobrang saya ko.. Naabutan ko siya. Nasabi ko sa kanya..

May babaeng nagsalita sa intercom.

"Tinatawag na yung flight ko... pipigilan mo ba ako?" tanong niya sakin. Umiling ako.

"Para yan sa future mo. Bakit ako hahadlang.. Six months lang naman yun. Nahintay mo nga ako ng four years, ano ba naman sakin yung six months?"

Hinawakan niya yung pisngi ko. "Hintayin mo lang ako Jade.. Promise, babalik ako."


"Wag kang magpromise. Gawin mo. Bumalik ka dito. Bumalik ka sakin. Pagbalik mo, tayo na ha?"


"Oo naman. At kahit pa ayaw mo na, pagpipilitan ko yung sarili ko, may utang ka pa saking eleven days di ba?"


"Hinding hindi ako aayaw. Ngayon pang mahal na kita? At yung eleven days na yun? Gagawin nating yun 11 years.. at forever.."



Tinawag ulit yung flight niya.

"Kailangan ko nang umalis."

Tumango ako habang pinipigilan yung luha ko. Baka mas lalo siyang mahirapan eh. "Hindi tayo mawawalan ng communication ah?"


"Oo. Bye, Jade. Mahal kita." 

"Mahal din kita." Niyakap niya ko for the last time bago naglakad palayo.

Napayuko ako. Kahit pa aalis siya.. Masaya ako. Ayos na kami eh.

"GIRLFRIEEEEND~" Tumingala ako. Nakita ko si Glenn sa di kalayuan.

"BANG!" tapos ginawa niya yung handsign niya. Yung naka-fist na kamay tinapat niya sa puso niya tapos inextend niya yung kamay niya sakin habang naka-gun sign. 

"BANG!" at ginaya ko din siya.

Kumaway siya ulit sakin bago nagpatuloy na maglakad palayo..

Tinamaan din ako sa Mysterious na alien na 'to.

At kahit pa anong mangyari.. hihintayin ko siya..

Hihintayin kita Glenn Corpuz....

Ang buhay ay parang sayaw. Iba't ibang tugtog, iba't ibang steps.. Pero ang importante sa lahat ay yung maging masaya ka habang nagsasayaw, at sigurado.. ibang accomplishment ang matapos mo ang sayaw na 'yon.

===================================================

BANG! Okay na ang story ni Jade. Kina Yumi na ko magfofocus ^O^

Btw, SINONG PWEDENG MAG-OPERATOR NG FB NI KURT AT GLENN? Hinihintay ko kasing may mag-op sa kanila bago ko gawan ng fb yung girls ehh. Mawawala ng six months si Glenn. :< Baka mamiss niyo. At least kung may fb sila pwedeng doon niyo sila bisitahin ni Jade. De baaa? So pleeeaaase? 

Btw, thank you sa lahat ng nag-volunteer na maging operator! PM ko kayo pag may nagawa na kong account! SALAMAAAAT :")

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
293K 7.8K 81
Love is still a Love nga ba , kung ang destiny mo ay kontra na lang lagi? Pwede bang turuan ang pag-ibig sa dapat netong paglagyan? SANSHIAN PATRIZE...
309K 2.1K 107
TAGALOG STORIES WITH THEIR AUTHORS
561K 11.3K 51
The Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't...