ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 57: THE ESCAPE

337 26 9
By angelodc035

Kitang-kita ni Blake na akmang sasagpangin na ng Lubingan si Mariang Makiling. Ipinikit nito ang kanyang mga mata at sa isang iglap ay naglaho ito sa kanyang kinatatayuan.

Poofff!!!

Hindi nakuhang tumayo pa ni Mariang Makiling sa pagkakahampas sa kanya ng Lubingan. Alam niyang aatake na ang dambuhalang ahas para siya'y patayin at kainin. Hindi siya titingin. Hindi niya tititigan ang nilalang na tatapos sa kanyang buhay. Hindi niya inaasahan na sa ganitong paraan pala matatapos ang kanyang buhay.

Kitang-kita niya ang anino ng lubingan na unti-unti sa pagtayo ng ulo nito na tila kumukuha ng buwelo para siya ay tuklawin. Dumaloy ang luha sa mga mata ng diwata dahil alam niya na iyon na ang kanyang katapusan.

Tulad ng inaasahan ni Mariang Makiling, kaagad na ipinuwesto ng Lubingan ang kanyang katawan pagkaangat nito sa kanyang ulo. Ngumingis ang dambuhalang ahas at inilabas ang dalawang pares ng pangil para ibaon ang lason sa katawan ng babaeng diwata. Palalambutin ng lason ang mga buto ni Mariang Makiling para madali niya itong malulon at tunawin sa kanyang tiyan. Akmang tutuklawin na ng dambulang ahas ang babaeng diwata ng biglang lumitaw sa harapan ng diwata ang batang si Blake at pinatama niya ang ilaw na nanggagaling sa kamay nito sa ulo ng ahas. Biglang umusok ang ulo ng Lubingan pagtama ng ilaw sa mukha nito at namilipit sa sakit. Isang napakatining na sigaw ang pinakawalan ng dambuhalang ahas dahil sa sobrang sakit na ginawa ng ilaw na nanggaling sa kamay ng batang si Blake.

Mabilis na hinawakan ni Blake si Mariang Makiling at parehong naglaho sa lugar na iyon. Patuloy sa pamimilipit sa sobrang sakit ang dambuhalang ahas sa kanyang pugad. Hindi nito alintana na tinatamaan nito ang mga itlog sa paligid niya. Ilan sa mga ito ang napisa at ang ilan naman ay nagpagulong-gulong sa paligid at muntikan ng mahulog sa mga kanal na dinadaluyan ng nag-aapoy na putik.

Poofff!!!

Sampung metro mula sa pugad ay muling lumitaw sina Blake kasama si Mariang Makiling. Tila nagtataka si Blake sa nangyari dahil hindi pa pala sila nakakaalis sa lugar na iyon. Mukha ng pagkadismaya ang nangibabaw sa kanya lalo na ng makitang patuloy sa pagyugyog sa ulo ng ahas na nasaktan ng ilaw mula sa kamay ng batang si Blake.

Akmang muling gagamitin ni Blake ang kanyang kapangyarihan ng biglang hinawakan ni Mariang Makiling ang kamay nito. Napatingin si Blake sa diwata.

"Huwag, hindi pa ang tamang panahon para gamitin ang iyong kapangyarihan. Maging matalino ka sa paggamit niyan dahil yan ang magsasalba sa buhay mo." Ang mahinang wika ni Mariang Makiling. "Kailangan muna natin makapunta roon at dumaan sa butas na iyon." Sabay turo sa butas na malapit sa kisame ng kuweba.

Napatingin si Blake sa itinurong butas ni Mariang Makiling. May kataasan iyon at para maakyat ito ay kailangan nilang dumaan sa mga namuong mga stalagtite at stalagmite sa tabi nito. Tinitigan ni Blake ang diwata. Sa kalagayan nito ngayon ay baka hindi kakayanin ni Mariang Makiling na makaakyat hanggang doon sa maliit na daanan dahil sa tinamong pinsala sa pagkakahampas sa kanya ng dambuhalang ahas.

"Pero baka hindi po ninyo kakayanin ang pag-akyat sa kisame ng kuweba." Ang nag-aalalang wika ni Blake sa diwata. Patuloy na minamasdan ni Blake ang ahas para paghandaan ang muling pag-atake nito kapag nakabawi na sa ginawang pinsala ni Blake sa kanya.

"Huwag mo akong alalaanin Blake. Kaya ko ang sarili ko at malaki na ang pasasalamat ko sa'yo kanina dahil sa pagsagip mo sa akin sa Lubingan. Na kung tutuusin ako dapat ang gumagawa niyan sa'yo." Ang wika ng diwata. "Saka pakiramdam ko ay nababalutan ng mga dasal ng engkanto ang lugar na ito kaya pinipigilan nito ang iyong kapangyarihan para makalabas tayo dito."

"Ha? Ibig niyo pong sabihin ay hindi po tayo basta-basta makakalabas dito  kahit gamitin ko pa ng paulit-ulit ang aking kapangyarihan?" Ang tanong ni Blake sa diwata.

Malungkot na tumango si Mariang Makiling sa tanong ni Blake. "Maaaring ganun na nga Blake." Malalalim ang pagbuntong-hininga ng diwata at may pag-aalalang tumingin sa Lubingan na nagsimula ng huminahon mula sa kinalalagyan nito. "Tumakas ka na Blake. Iwan mo na lang ako dito, pipigilan ko ang Lubingan para makaabot ka sa butas ng kuweba at makabalik ka na sa pamilya mo."

Parang binuhusan ng malamig ng tubig si Blake sa narinig sa diwata. "Teka, hindi. Hindi ko po kayo puwedeng iwan dito." Ang halos napapaiyak na wika ni Blake kay Mariang Makiling.

"Bata ka pa Blake at espesyal ang kapangyarihang mayroon ka. Kailangan mong linangin iyan at gamitin para sa kabutihan. Alamin mo ang pagkatao mo."

"Hindi, nangako ka sa akin na ikaw ang tutulong sa akin para makauwi sa pamilya ko. Kailangan niyo pong tuparin iyon." Ang pamimilit ni Blake sa diwata.

"Iyan na nga ang ginagawa ko Blake ang tulungan ka para makaalis ka na dito. Magagawa ko lang iyan kapag napigilan ko ang Lubingan sa paghuli sa atin para gawin niyang pagkain, kaya umalis ka na." Ang sabi ni Mariang Makiling na handang isakrapisyo ang buhay para masiguro lamang na ligtas ang batang si Blake.

"Kung gayon po, hindi rin ako aalis."

"Bla...Blake?! Huwag matigas ang ulo, umalis ka na, iligtas mo na ang sarili mo."

"Magsasama po tayo dito, kung ang tanging paraan para makaalis dito ay labanan ang Lubingan, lalabanan ko po siya. Nakita kong nasaktan siya ng husto sa liwanag ng aking kamay, ito rin ang magiging sandata ko para labanin siya." Ang matapang na tugon ni Blake at pinailawan ang kamay nito.

"Blake, importante ang kaligtasan mo kaya sundin mo ang sinasabi ko sa'yo."

"Importante rin po kayo sa akin. Kaya hindi ko po hahayaan na may mangyayaring masama po sa inyo. Kahit hindi na po ninyo ako tulungang makabalik sa pamilya ko okay lang po sa akin importante po sa akin ay ligtas po kayo at sabay tayong makakaalis sa lugar na ito."

Napaisip si Mariang Makiling sa sinabi sa kanya ni Blake. Naramdaman niya sa kanyang puso ang bawat salitang namutawi kay Blake, halos maiyak siya sa pagbibigay halaga sa kanya ng bata. Kaya pinilit niyang tumayo para sabay na silang aakyat ni Blake papunta sa labasan mula sa kisame ng kuweba.

"Tara na Blake, sabay na nating akyatin ang lagusan. Puwera na lang kung gusto mong maging pagkain ng lubingan?" Ang pabirong wika ni Mariang Makiling habang pinipilit na tumayo. Napangiti si Blake sa narinig mula sa diwata kaya pinatay nito ang ilaw sa kanyang palad.

Inalalayan ni Blake si Mariang Makiling sa pagtayo para kaagad na makaakyat sa mga stalagtite at stalagmite papunta sa butas ng kuweba. Pagkahawak nila sa malumot na bato ay muli nilang naramdaman ang mahinang pagyanig sa paligid. Nagkatinginan sina Blake at Mariang Makiling dahil kapwa nila alam na papalapit na sa kanila ang dambuhalang ahas.

Mabilis na kumilos ang dalawa sa pag-akyat sa may dalawampung metrong taas na kisame ng kuweba. Tinulungan ni Blake na makaakyat sa mga nakausling mga bato ang diwata bago siya nagsimulang umakyat. Mahirap para kay Blake na alalayan sa pag-akyat ang babaeng diwata lalo na't wala pa siyang sapat na lakas dahil isa lang siyang bata. Makailang ulit din na muntikan na silang mahulog mula sa mga stalagtite at stalagmite at mahiwa ang mga kamay at tuhod dahil sa mga matatalim na mga bato. Pareho nilang tiniis ang hirap na kanilang nararanasan dahil sa kagustuhang makaalis na sa lungga ng Lubingan.

Patuloy sa kanilang pag-akyat ang dalawa hanggang sa makaabot sila sa gitnang bahagi ng kanilang inaakyatang mga stalagtite at stalagmite at doon ay bahagyang nagpahinga muna. Mula sa kinaroroonan nila ay nararamdaman na nila ang malamig na hanging nanggagaling sa lagusan na nagbigay ng kaunting ginhawa sa kanilang pakiramdam.

Nakaramdam ng panunumbalik ng lakas ni Mariang Makiling. Amoy na amoy niya ang mga dahon at mga bulaklak sa mga puno at halaman. Ang malamig na tubig sa batis ay tila nag-aanyaya sa kanya para magtampisaw. Ilang hakbang na lang at magagamit na niya ang kanyang kapangyarihan. Magiging ligtas na sila ni Blake at matutulungan na rin niya itong makauwi sa pamilya nito. Paglabas nila sa kuweba ay tatakpan niya ang butas sa kuweba para hindi na makalabas mula rito ang Lubingan at hindi na makapambiktima pa ng mga nilalang sa kagubatan.

Ngunit nakaramdam silang muli ng mga pagyanig pero sa pagkakataong iyon ay higit na mas malakas kaysa sa mga naunang pagyanig. Napatingin sa ilalim si Blake at kitang-kita niya ang ang mabilis na pag-akyat ng Lubingan sa mga stalagtites at stalagmites na dinaanan nila. Muntikan ng mapatingin si Blake sa mga mata ng dambuhalang ahas kung hindi lamang siya hinila kaagad ni Mariang Makiling.

Muling kumabog ang kanilang mga puso sa kanilang mga dibdib at nagkatinginan ang dalawa. Mabilis na tumindig si Mariang Makiling at nabalutan muli ng pangamba ang kanyang pakiramdam.

"Blake." Ang tawag niya at mabilis na ipinagpatuloy ang kanilang pag-akyat.

Kahit pagod pa rin at mahapdi ang mga sugat na natamo nila sa mga matatalim na batong kanilang nahawakan sa kanilang pag-akyat ay pinilit nilang tiniis ang mga ito makaalis lang sa lugar na iyon.

"Bilisan mo Blake, malapit na siya." Ang paalala ni Mariang Makiling na nauuna sa pag-akyat. Noon ay napagtanto nilang mas mahirap ngayon ang pag-akyat dahil kakaunti na ang mga nakausling mga bato na puwede nilang tuntungan at hawakan para makaabante paakyat. Naging mabagal ang kanilang pag-akyat habang mabilis naman sa paglingkis sa tila mga posteng bato ang Lubingan.

Tumigil sa pag-akyat ang Lubingan at iniangat ang ulo nito at inamoy-amoy ang sariwang dugo na nanggagaling sa mga natamong sugat nina Blake at Mariang Makiling. Pero batid nito na malapit ng makalabas ang dalawa sa butas ng kuweba. Labas-masok ang dila ng Lubingan at nalalasahan kung gaano na kalayo ang dalawa. Kahit na hindi ito nakakakita ay tila lalong nanlisik ang kulay itim nitong mga mata dahil sa pagkasabik na makatikim ng sariwang pagkain. Hinding-hindi niya pakakawalan ang pagkakataong matikman ang dalawang nilalang na nagpatakam sa kanya sa lasa ng mga dugo ng mga ito.

Kluk kluk kluk kluk kluk kluk kluk!!!

Ang pinakakawalang tunog ng Lubingan. Nagtaas-baba ang ulo nito at paulit-ulit na gumawa ng  parehong klase ng tunog mula sa lalamunan nito. Pero may napansin na kakaiba si Mariang Makiling sa ginagawa ngayon ng Lubingan. Mas mababa ang tunog na nagmumula sa lalamunan ng dambuhalang ahas at kakaiba ang pagtaas baba ng ulo nito. Kung dati ay ay pasulong at paurong, ngayon at pataas-baba at saka iniikot-ikot ang ulo nito na tila nagtatawag ng kasama.

Napatingin ang diwata sa pugad ng lubingan. May napansin itong mga paggalaw sa mga itlog ng dambuhalang ahas. At mula sa pugad nito ay nag-uunahan ang sampung bagong pisang mga lubingan papunta sa kinaroroonan nila. Kinilabutan si Mariang Makiling sa kanyang nakita habang dinig na dinig niya ang maliliit at matitining na boses ng mg ito na gumagawa rin ng tunog na katulad sa ginagawa ng inahing na Lubingan. Napatingin rin si Blake sa kinaroroonan ng mga maliliit na Lubingan at halos mapasigaw siya ng makita ang mga ito na higit na mababangis kaysa sa kanilang ina.

Lalong binilisan nina Blake at Mariang Makiling ang pag-akyat hanggang sa makarating si Mariang Makiling sa pinakabukana ng butas ng kuweba at sinimulan ang pag-abot dito.

"Malapit na tayo Blake, kaunti na lang..." ang wika ng diwata habang nakatingin ito kay Blake na kasunod niya sa pag-akyat.

Mabilis din sa pag-akyat ang dambuhalang ahas kasama ang mga bagong pisang mga anak nito. Labis ang pagkagutom ng mga maliliit na Lubingan kaya nag-uunahan ang mga ito sa pag-akyat sa mga tila-posteng mga stalactite at stalagmite na kung saan umaakyat din sina Blake at Mariang Makiling.

Lalong nataranta si Blake pagkakita sa mga Lubingan. Alam niyang aabutan sila ng mga ito dahil mas mabilis sa pag-akyat ang mga Lubingan. Kapansin-pansin ang pagtigil sa pag-akyat ng dambuhalang Lubingan na tila hinahayaan ang kanyang mga anak para sa una nilang pagkain. Damang-dama naman ni Blake ang panginginig ng mga stalactite at stalagmite dahil sa mga nag-uunahang mga tig-lilimang talampakang habang mga batang Lubingan.

"Bilisan mo Blake! Bilis!" Ang sigaw ni Mariang Makiling sa bata. Nakahawak na sa bukana ng kuweba ang diwata at tinodo ang lakas nito para maiangat ang sarili sa butas. Tagaktak ang pawis nito sa kanyang noo lalo na't madulas ang mga bato sa paligid ng bukana. Hindi niya makita kung ano ang nasa labas ng kuweba dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula rito. Iniangat naman siya ni Blake ng ginamit nito ang katawan niya para magiging tuntungan ng diwata para makaayat at makaahon na papunta sa labas ng kuweba.

Pero labis ang pagkagutom ng mga bagong pisang mga Lubingan. Pagkasampa ng isa sa mga ito ay nilundagan niya kaagad si Blake na mabilis namang nailagan ito at muntikang pang malaglag ang babaeng diwata sa patuloy na pag-akyat sa bukana ng kuweba.

Kinabahan si Mariang Makiling ng muntikan siyang mailaglag ni Blake sa pag-akyat niya sa makipot na butas ng kuweba. Tumingin ang diwata kay Blake at kitang-kita niya na isa-isang umaatake ang mga bagong pisang mga Lubingan sa kanya. Alam niya na mas mababangis ang mga maliliit na Lubingan kaysa sa kanilang ina dahil sa pagkasabik sa una nilang pagkain. Higit na mas makamandag ang mga bagong pisang mga Lubingan kaysa sa kanilang mga magulang. Pero wala pa silang kakayahang magawang bato ang sino mang makakita sa kanilang mga mata.

Pagkasampa sa bukana ng kuweba ay buong lakas na hinila ng diwata ang kanyang katawan para tuluyan ng makalabas mula dito. Hindi alintana ni Mariang Makiling ang mga galos at sugat na nililikha ng mga nakausling mga bato, maiangat lamang niya ang kanyang katawan papalabas ng kuweba. Gusto na rin ni Blake ang kanyang tulong para maiangat siya at mailabas na rin sa butas ng kuweba.

Panandaliang nakahinga ng maluwag si Blake ng makitang unti-unti ng nakakalabas sa kuweba si Mariang Makiling. Pero kailangan niyang paghandaan ang mga umaatakeng mga bagong pisang Lubingan. Kitang-kita niya na sabay-sabay na naka-abang ang siyam na Lubingan sa kanyang mga ikinikilos. Isa sa mga ito ang nagtaas ng ulo at iniurong nito ang kanyang leeg papunta sa likod. Nagsunod-sunuran ang walo sa ginawa ng naunang Lubingan na lalong ikinabahala ni Blake.

"Blake! Magdudura sila ng lason, huwag mong hayaang madantian ka kahit kapatak sa kanilang lason!" Ang malakas na sigaw ni Mariang Makiling na nakatingin pala sa kanya habang papalabas na sa  butas ng kuweba.

Tulad ng sinabi ni Mariang Makiling ay nagsimula ng dumura ng lason ang isa sa mga maliit na Lubingan na napaghandaang iwasan ni Blake. Dumaan ang laway ng Lubingan ilang pulgada lamang ang layo sa mukha ni Blake. Tumama ito sa pader kasabay ng pamumuo ng itim na usok na amoy sinunog na goma. Dinig ni Blake ang pagsagitsit ng laway sa bato na parang kumukulong mantika.

Ngayon ay paano niya maiiwasan ang pagdura ng walong Lubingan kung sabay-sabay nilang pakakawalan ang kanilang makamandag na laway? Napalunok si Blake at pilit na pinaghahandaan ang pagdura ng lason ng mga  batang Lubingan.

Pinailawan ni Blake ang kanyang kamay para magamit sa mga bagong pisang mga Lubingan. Naging alisto ang kanyang mga mata upang  makaiwas sa ibubugang laway ng mga ito.

"Blake!" Ang tawag sa kanya ng nag-aalalang si Mariang Makiling na tuluyan ng nakalabas sa kuweba. Nakadungaw sa butas ang diwata at pilit na iniaabot ang kanyang kamay kay Blake para hilahin papalabas sa butas ng kuweba.

Napatingin si Blake sa diwata at napangiti ito sa kamay na pilit na iniaabot nito sa kanya para tulungang makaalis na doon. Lumundag si Blake para makahawak sa isang nakausling bato na siyang tanging paraan para maabot niya ang kamay ng diwata, ngunit sa kasmaang-palad ay nabali ito at muntikan ng mahulog ang bata sa sahig ng kuweba.

"Blake!!!" Ang malakas na sigaw ni Mariang Makiling na nabalutan ng takot ng makitang nawalan ng balanse ang batang si Blake ng mabali ang hinawakang bato.

Bumagsak si Blake isang metro malapit sa mga maliliit na Lubingan. Pigil ang hininga nito na dahan-dahan sa kanyang mga kilos habang nag-aaway ang mga batang Lubingan na masolo siya bilang unang pagkain nila. Sa mundo ng mga Lubingan, matira ang matibay ang labanan. Unang mamamatay ang mahihina hanggang iisang ahas lang ang matitira upang lumaking katulad ng kanyang magulang.

Maging si Mariang Makiling ay pigil ang hininga habang umiiyak dahil sa takot sa magiging kapalaran ni Blake.

Pakiramdam naman ni Blake ay tila bumigat ang kanyang katawan na hindi nito halos maigalaw ang kanyang mga kamay at tuhod. Dinig na dinig niya ang mababangis na mga batang Lubingan na nag-sasakmalan at nagtutuklawan sa isa't-isa. Umiiyak at nanginginig sa takot ang batang si Blake habang nilalakasan ang loob nito na makalayo sa mga mababangis na halimaw.

"Blake, dali!!!" Ang muling sigaw ni Mariang Makiling ng makitang unti-unting nakakalayo ito sa mga nag-aaway na mga batang Lubingan. "Ngayon na ang tamang oras para gamitin mo ang kapangyarihan mo Blake,  dali Blake, dali!"

Pagkarinig sa diwata ay dahan-dahang tumayo si Blake para gamitin na sana ang kanyang kapangyarihang magteleport. Pero hindi pa man siya nakakatayo ay dalawang batang Lubingan ang biglang umigpaw sa himpapawid papunta sa kanya. Nawindang si Blake dahil hindi niya inaasahan ang naging kilos ng mga batang Lubingan. Isinangga niya ang kanyang nag-iilaw na kanang kamay na tumama sa dalawang Lubingan. Kasabay nito ang pagpikit sa kanyang mga mata at nakiramdam sa kung ano ang mangyayari sa kanya. Pero wala siyang naramdamang pag-atake sa kanya ng dalawang Lubingan, bagkus ay may narinig siyang tila may kung anong nalaglag sa kanyang harapan.

Iminulat ni Blake ang kanyang mga mata para makita kung ano ang mga naglaglagan sa kanyang harapan. Tumambad sa kanyang harapan ang dalawang putol na ulo ng bagong pisang Lubingan na nagsisigalawan pa. Halos natulala si Blake sa kanyang nakita at tinitigan ang umiilaw niyang kamay. Hindi niya lubos maisip na hindi lamang nakakasugat ang ilaw sa kanyang kamay bagkus ay kaya din nitong pumutol at pumatay tulad ng isang totoong sandata sa pakikidigma.

Halos hindi makapagsalita si Mariang Makiling sa nakitang kakayahan ng ilaw na nanggagaling sa kamay ni Blake. Lalong nagkaroon ng interest ang diwata na alamin ang pagkatao ng bata para malaman kung saan nanggagaling ang kapangyarihan nito.

Nagsunod-sunuran sa pag-atake ang mga batang Lubingan, pero sa bawat pag-igpaw na ginagawa nila ay isa-isang bumabagsak ang mga ito na wala ng buhay at putol ang ulo.

Nag-uulol naman sa galit ang dambuhalang Lubingan ng makitang isa-isang bumabagsak ang kanyang mga inakay sa kanyang harapan na wala ng mga ulo.

Hisssss...

Pinuluputan niya ang mga poste na gawa sa stalactite at stalagmite at saka buong puwersang nilingkis ang mga ito at piniga. Unti-unting naglalaglagan ang mga piraso ng bato habang pahigpit ng pahigpit ang paglingkis nito sa mga poste. Galit na galit ang dambuhalang Lubingan at tila sinisuguro nitong magbabayad ang may sala sa pagpatay sa kanyang mga inakay.

Nakaramdam ng malakas na pagyanig sa tinutuntungang poste ng bato ang batang si Blake na halos magpawala ng balanse sa kanyang pagkakatayo mula rito. Isa sa dalawang natitirang inakay na Lubingan ang biglang nagbuga ng laway kay Blake na tumama sa suot na damit nito. Biglang umusok ang suot na damit ni Blake kung saan tumama ang laway ng batang Lubingan malapit sa kanyang dibdib. Mabilis na hinubad ng batang lalake ang unti-unting pagkaagnas ng kanyang damit bago pa man ito kumapit sa kanyang balat. Itinapon ni Blake ang hinubad na damit sa kanyang harapan at diretsong nahulog ito sa mamasa-masang sahig ng kuweba.

Unti-unting gumuguho na ang poste sa patuloy na paglingkis ng dambuhalang Lubingan sa mga ito. Pinilit na huwag mawalan ng balanse si Blake para hindi siya mahulog sa halos dalawampung metrong taas ng kisame ng kuweba. Batid niya na kamatayan ang naghihintay sa kanya kapag tuluyan siyang nahulog dito.

"Blake bilis!" Ang sigaw ni Mariang Makiling habang pilit na iniaabot ang kamay niya sa kanya.

Sinimulan ni Blake na malapitan at maabot ang kamay ng diwata na nakadungaw sa butas ng kuweba. Pero hindi nito namamalayan ang paglundag sa kanya ng natitira pang batang Lubingan. Buong puwersang nilundagan naman ni Blake ang kamay ng diwata kasabay ng tuluyang pagguho ng tinutuntungan niyang stalactite at stalagmite. Gahibla na lamang ang layo ng maliit na Lubingan sa pag-igpaw nito kay Blake at muntikan na siyang matuklaw nito sa kanyang kamay.

Parang naging mabagal ang lahat sa paligid ni Blake habang dumaraan sa kanyang mukha ang batang Lubingan na muntikan ng tumuklaw sa kanyang kamay. Naging mabagal din ang patuloy na pag-abot ng kanyang kaliwang kamay sa kamay ni Mariang Makiling habang dumadagundong ang mga naglalaglagang malalaking tipak na bato sa sahig ng kuweba. Gumuho ang mga tipak na bato kasama nitong nalaglag at natabunan ang dambuhalang Lubingan.

Napasinghap si Blake ng mahagip ni Mariang Makiling ang kanyang kamay. Pigil ang hininga ng diwata hanggang sa mahagip nito ang kamay ni Blake na muntikan ng matuklaw sa batang Lubingan. Nanumbalik kay Blake ang lahat sa kanyang paligid. Ang kanina'y biglang pagbagal ng mga nangyayari ay naging normal na ang bilis ng lahat bagay at nangyayari sa kanya. Takang-taka ang bata, maging ang bata sa kanilang nasaksihan. Kapwa hindi sila makapaniwala na nagawa iyon ni Blake.

Nang masigurong ligtas na sa kanyang mga kamay ang bata, saka lamang nakahinga ng maluwag si Mariang Makiling at dahan-dahang iniaahon ang batang si Blake.

Nakabitin si Blake sa mga kamay ng diwata habang mabilis na mabilis sa pagpintig ang kanyang puso dala na rin sa mga nangyari sa kanya. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Mariang Makiling at buong lakas niyang hinila ang batang si Blake. Ngunit hindi pa man siya naiaangat ng diwata ay mula sa mga tipak ng mga bato ay biglang umigpaw ang dambuhalang Lubingan na nabukas ang malaking bibig para sagpangin si Blake.

"Aaahhhh!!!" Ang malakas na sigaw ni Blake sa dambuhalang Lubingan na nakahandang lumunok sa kanya.

Ibinaba ni Blake ang kanyang kanang kamay at pinailawan niya ang kanyang palad na tumama sa bunganga ng dambuhalang Lubingan. Humiwalay ang ilalim na panga ng dambuhalang ahas at tuluyan ng nalaglag ito na wala ng buhay.

Nanatiling nasa ganoong posisyon si Blake habang hinahabol ang kanyang paghinga. Tumingin si Blake sa diwata at sa pagkakataong iyon ay nakuha ng ngumiti ni Blake. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalawa at tuluyan ng naiahon ni Mariang Makiling ang batang si Blake. Pagkalabas nito sa kuweba ay tumambad sa kanya ang napakakapal na kagubatan. Dinig na dinig niya ang pagbagsak ng mga tubig ng talon sa di kalayuan sa lugar na kinatatayuan nila. Lumanghap ng sariwang hangin si Blake at nahiga sa makapal na damuhan. Ninanamnam niya ang sariwa at napakalamig na hangin sa paligid. Humiga rin sa tabi niya si Mariang Makiling at minasdan ang napakaaliwalas na kalangitan. Halos kakabangon pa lamang ng haring araw ng mga sandaling iyon at nakatutok mismo sa lugar nila ang liwanag nito na nagbigay ng bahagyang init sa kanilang pagod na katawan. Nagkatinginan ang dalawa at saka sabay na nagpakawala ng mga malulutong na halakhak.

Matagal-tagal din sila sa ganoong posisyon ng makaramdam sila ng kakaibang ihip ng hangin at tila mga tunog ng maliliit na kampana na nagmumula sa butas ng kuweba. Napaupo ang dalawa at tumambad ang isang maliit na kulay bughaw na bola ng ilaw na lumabas mula sa loob ng kuweba.

Halos mapayakap si Blake sa diwata ng makita ang palutang-lutang na ilaw na unti-unting lumalapit sa kanila. Napatayo naman si Mariang Makiling sa nakita at dahan-dahang lumapit sa kulay bughaw na ilaw.

Tumulo ang mga luha sa mata ni Mariang Makiling ng masiguro kung kanino espiritu ang lumulutang ng bola ng ilaw.

"Amihan..., paanong...?" Ang tanging nasambit ng naging emosyonal na diwata.

Salamat...salamat at pinalaya ninyo ako sa sumpa ni Kasanaya...

Ang iniwan nitong mensahe sa kanila at tuluyan na itong inilipad ng hangin patungo sa kawalan...

Nanatili si Mariang Makiling sa kanyang kinatatayuan. Tinatangisan ang isang kaibigang hindi niya inaasahang namaalam ng dahil sa sumpang ipinataw sa kanya ni Kasanaya na hindi niya kakilala.

Pero, sino nga ba si Kasanaya? Bakit niya isinumpa ang diyosang Amihan bilang isang dambuhalang Lubingan?Ito ang mga katanungang iniwan sa kanya sa pagpapakita ng espirito ng diyosa si Amihan.

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...
16.2K 698 38
Highest rank: #997 IN FANFICTION _________________________________________ This story is pure taglish. _________________________________________ One...
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
26.3K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...