Prince of Lust: The Seven Dea...

By thefairyfromnorth

265K 4.7K 485

Language: TAGALOG/ENGLISH For a 17 year old, Catriona Amberden is a damn hot temptress. A sexually active one... More

Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 19

5.5K 90 10
By thefairyfromnorth

                  [ Asmodeus' POV ]

"Mammon!" Halos umalingawngaw ang boses ko sa pasilyo ng kastilyo ni Mammon. Pagkapasok na pagkapasok ko sa malaking pintuan ay agad ko ng isinigaw ang pangalan niya.

Dumiretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa isang kwarto kung saan alam ko na madalas siyang naroroon. Doon ay nakaupo siya sa isang upuang kahoy habang umiinom ng alak. Napansin kong kasama niya pala si Leviathan, lumingon siya sa akin saka muli niyang itinuon ang atensyon sa sumasayaw na apoy sa kanyang harapan.

"What brings you here, Asmo?" Kaswal na tanong Mammon.

"Ano ang mga sinabi mo kay Catriona?!" Singhal ko sa kanya.

"May masama ba sa mga sinabi ko, Asmodeus?" Uminom siyang muli sa kanyang kopita, "Sinabi ko lang ang ilang mga bagay at katotohanan tungkol sa atin. Bakit may problema ba?" Lumingon siya sa direksyon ko habang nakasandal ang kanyang ulo sa upuan.

"Mukhang nagkakaroon kayong dalawa ng mumunting sigalot." Nakakaloko na ngiting sambit ni Leviathan.

Di ko pinansin ang sinabi ni Levi at agad ay lumapit ako kay Mammon habang siya ay kalmanteng nakaupo pa rin sa kanyang upuan. "Wag mo kaming pakealaman ni Catriona, Mammon. Ayaw kong magkaroon ng gulo sa pagitan natin."

"Pagbabanta ba iyan, Asmodeus?" Payak na tumawa si Mammon na tila nang-iinsulto. "Maliban sa half-mark na walang pahintulot mong nilagay sa kanya, ano pa ang pinanghahawakan mo kay Catriona?"

Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Leviathan saka niya isinandal ang magkabilang siko niya sa kanyang nga tuhod habang nakaupo, "Tama ang ating kapatid na si Mammon, Asmo. Maliban nga sa marka, ano pa nga ba?"

"Kailan ka pa natutong makisawsaw sa pag-uusap ng dalawang panig, Shītfaćē?" Sagot ko kay Levi. "Bakit ka nga pala nandito sa kastilyo ni Mammon? Wag mong pabayaang laging nag-iisa ang mahal mong si Lilith."

"Nandun lang siya at naghihintay sa'kin." Kalmanteng sagot ni Levi.

"Shītcōck." Sabay tawa ko. "Please tell that power hungry bītch, if she misses my dīck again, and I knew she is, I'll send one of my demons to fūck her hard instead."

Napatayo si Leviathan mula sa kanyang pagkakaupo at halata sa mukha niya na nainis siya sa mga sinabi ko. "Anong sinasabi mo, Asmodeus?!"

"Kahit matagal na kaming hiwalay ni Lilith ay pumupunta pa rin siya sa'kin. I guess you can't satisfy her like I do." Pang-aasar ko kay Leviathan. Umiling pa ako ng bahagya saka tumingin ako kay Mammon, "I thought it's an open secret, dude?"

"Why don't you answer my question about Catriona, Asmo?" Pag-iiba ng topic ni Mammon.

Kinuyom ko ang aking palad upang mas lalo kong pigilan ang aking sarili. Tama si Mammon sa sinabi niya kanina.

Kahit pa nagsabi na si Catriona na attracted siya sa'kin. Maliban kasi sa marka ay ni hindi ko pa hawak ang puso niya. Ayaw ko namang masyadong madaliin ang mga bagay sa kanya. She is too precious for that.

"Ako ang unang nakakita sa kanya." Sagot ko sa normal na tono.

"Rule of the finders keepers?" Sagot din ni Mammon saka siya bahagyang ngumiti at nilingon niya si Leviathan.

Maski ang istupidong si Leviathan ay napahagalpak ng tawa. Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Tumayo si Mammon saka pinagpag ng bahagya ang kanyang kasuotan, "You marked her house, I marked the other one. Magkakapatid tayo dito sa impyerno, bakit hindi mo na lang siya ibalato sa'kin?" Humarap siya sa akin saka siya bahagyang ngumiti, "You know you can't win, Asmo. I'm the Prince of Greed, I can get what I want."

Sa pagkakataong ito, ako naman ang napangiti. Tinignan ko si Mammon bago muling magsalita. "Hindi ko ibibigay sa'yo si Catriona, Shītbāg. Hanggang saan mo gustong makarating ang tungkol kay Catriona?"

"Hanggang saan ba ang kaya mo?" Sagot ni Mammon sabay titig niya rin sa mga mata ko.

Alam kong hindi rin ako uurungan ni Mammon. Halata sa kanya na pursigido siyang makuha rin si Catriona sa akin. Ang nakapagtataka lang ay siya pa ang napili ni Mammon kahit alam na niyang sa akin si Catriona. He could have chose another human or a shewolf, a mermaid, a fairy, vampire, elf, demoness at kung sino pa. Bakit kay Catriona pa natuon ang atensyon niya?

Halos magkadikit ang aming mga katawan kasabay ng matatalas naming mga titig. Isang galaw lang ay magkaka-sagupaan na kaming dalawa.

Ang pagtawa ni Leviathan sa gilid ay katunayan na natutuwa siya sa alitan naming dalawa. "Seryoso ka, Asmo? Ang lakas naman ng loob mo na hamunin si Mammon lalo na't nandito ka sa teritoryo niya?"

Malakas talaga ang loob kong hamunin si Mammon dito sa teritoryo niya dahil alam kong hindi siya malaking duwag na papatol sa walang laban. Dahil alam naman naming lahat na di kami makakagamit ng aming kapangyarihan kapag nasa teritoryo kami ng isang prinsipe.

"Sa labas?" Sagot ko matapos kong sindihan ang sigarilyo sa bibig ko.

Itinaas ni Mammon ang kanyang mukha saka siya ngumiti.

Ipinitik niya ang kanyang kamay at sa isang iglap at nasa labas na kami ng kastilyo ni Mammon na maraming puno. I can use my demon power now.

Naglakad si Leviathan patungo sa isang malaking bato saka niya ito pinagpag bago umupo. Hinalukipkip pa niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib na indikasyong susubaybay siya sa mga magaganap.

"Sigurado ka ba sa paghamon mo sa akin, Asmodeus?" Tanong ni Mammon habang itinataas niya ang kanyang long sleeve hanggang sa kanyang mga siko at ang mga mata niya ay unti-unting nagiging pula.

Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at unti-unting lumakas ang ihip ng hangin.

Ibinuga ko ang usok ng sigarilyo at aking mga mata ay naging kulay pula na rin. "Itinatanong pa ba 'yan?"


Si Mammon ay may kakayahang manipulahin ang hangin habang ako naman ay apoy. Ang daling isipin na ang lust ay associated sa fire.

Tumalon paitaas si Mammon para sa kanyang unang sumugod. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at isang malakas na pwersa ng hangin ang paparating sa akin. Bago pa man ito tumama ay nakaiwas na ako agad.

Sinimulan ko ng paapuyin ang kanang kamay ko para ako naman ang susunod na umatake.

Nag teleport ako sa harapan niya, "Ferrum Igne!" Sambit ko saka ko siya sinuntok sa nag-aapoy kong kanang kamay.

Tumilapon siya at humampas ang kanyang katawan sa unang puno saka ito tumagos hanggang sa ika-anim pang malalaking puno.

"Kung maipapangako mo na titigilan mo na si Catriona, ititigil na natin ito, Mammon."

"Aking kapatid," Bumangon si Mammon mula sa mga wasak na puno, "nagsisimula pa lang tayo." Ikinumpas ni Mammon ang kanyang dalawang kamay, "Gravitas!" Sigaw niya.

Biglang bumagsak ako sa lupa dahil sa malakas na pwersa ng hangin. Halos hindi na ako makagalaw. Lumapit sa kinaroroonan ko si Mammon saka niya inapakan ang likod ko habang ako ay nakadapa sa lupa.

"I won't give her up. She's a gift exclusively for me, Asmo." Anas ni Mammon.

Bago pa man ako magsalita ay tinadyakan niya ako ng sa bandang tagiliran kaya tumilapon ang katawan ko.

"I'll pay double to see this scene again." Narinig kong sambit ni Leviathan kasabay ng kanyang pigil na pagtawa.

Tumayo ako saka ko dinura ang kaunting dugo na nalasahan ko sa aking bibig.

Magaling. Nagugustuhan ko ang mga nangyayari. Tila nabubuhay ang mga maliliit na kalamnan sa katawan ko aa ginawa ni Mammon.

"Dinugo ka na agad, Asmo?" Pangungutya ni Mammon habang siya ay nakalutang sa hangin. "Isang simpleng atake pa lamang 'yon."

"Gusto ko itong laban natin na 'to." Ngumiti ako kay Mammon saka ko pinagliyab ng apoy ang aking buong kanang kamay. "At pag natapos tayo, sigurado ako na hindi ka na makakalapit pa kay Catriona."

Gagamitan ko na siya ng isa sa pinakamalakas kong kapangyarihan. Matagal-tagal na rin mula ng nagamit ko ito noon pang nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Langit at Impyerno.

Nagliyab ang aking buong kanang kamay. This one is as badass as the strongest and hardest metal on heaven and hell.


Mammon bitterly smirked. Inilahad niya ang kanyang dalawang kamay saka namuo rito ang mga ipo-ipo.

Nauna na siyang sumugod sa akin kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. Sasalubungin ko ang bangis ng atake niya.

"Pentium impetus tempestatis!" Sigaw ni Mammon at ang kanyang mga ipo-ipo sa kamay ay mas lumaki.

"Pugnus Metallum!" Sambit ko habang tumakbo rin ako papalapit sa kanya.

Nang malapit ng magtama ang aming mga kamao ay biglang may malakas na kidlat na pumagitna sa amin kaya kaming dalawa ni Mammon ay tumigil at mabilis na tumalong paatras bago kami tamaan ng kidlat.


"You are seriously fighting over a human?" Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Lucifer, The Prince of Pride.

Ilang saglit lang ay awtomatikong napadako sa itaas ng puno sa may di kalayuan ang mga mata ko, "Fāggōt-aśś." Anas ko sabay pagpag sa aking kasuotan.

"Wrong timing, dude. Lagi ka na lang wrong timing." Sagot ni Leviathan kay Lucifer. Tumayo siya sa pagkaka-upo mula sa bato saka siya naglakad patungo sa direksyon ni Lucifer.

Halata ang pagkainis sa mukha ni Mammon, "At anong dahilan ng pagpunta mo rito, Lucifer? Nasan si-"

"Si Satan?" Sabay turo ni Lucifer sa itaas ng puno. "Siya ang nag-aya rito kaya siya ang sisihin ninyo."

Napatingin sila Leviathan at Mammon sa itinuro ni Lucifer. Nakita nila doon si Satan na naka-tayo sa isang sanga. Itinaas pa niya ang kanyang kamay bilang pagbati habang bumuga siya ng usok ng sigarilyo sa bibig niya.

"Nakaramdam siya ng away kaya sinama niya ako dito." Pagpapatuloy ni Lucifer. "Seryoso kayo? Nang dahil lang sa isang mortal?"

"Bakit mo kami pinigilan, Satan?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha ko ang isang sigarilyo sa aking bulsa saka ko ito sinindi.

Tumalon mula sa sanga ng puno pababa si Satan saka ito lumapit sa amin. "Gusto pa sana naming manood ni Lucifer, ang kaso dapat ay sa Dostem ninyo ginawa ang laban."

Ang Dostem ay ang lugar kung saan nagpapatagisan ng lakas ang mga demon. Kung may hindi pagkakaintindihan, dito ginaganap ang laban para maresolba ito.

Malamang ay hindi na kami parehong makapaghintay ni Mammon na magtuos kaya hindi na namin napagtuunan pa ng pansin na doon maglaban.

"Sa Dostem, Mammon!" Aya ko habang nilalaro ko ang nagliliyab na apoy sa aking kamay.

"Kung ako sa inyo, ititigil ko na ang walang kwentang laban na 'to." Itinapon ni Satan ang sigarilyong hawak niya sabay laro ng maliliit na kuryente sa kanyang mga kamay,

Lalo na't nakarating na ito kay Haring Balaam." Sabi ni Satan saka niya sinenyasan si Lucifer.

Tumango si Lucifer kay Satan bilang pag sang-ayon.

Nag-teleport palapit sa amin si Lucifer saka ito tumikhim bago magsalita, "Asmodeus at Mammon, pinapatawag kayo ni Haring Balaam para sa isang pribadong pagpupulong."

----------- 1786 words ----------
Author's Note:

Ang tagal kong hinintay ang fight scene na ito nung una pa lang. Gaya ng inasahan ko, malamya. Hahaha

Hindi pa ako ganoon kagaling gumawa pero, sana pagtyagaan ninyo na lang din. 😁

Continue Reading

You'll Also Like

853K 18.1K 55
[Werewolf Series #1] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's i...
65.9K 1.7K 51
Who are you siding with... Sunny... or Eve... Read the story to find out! Enjoy :)
229K 4.8K 63
Meet Xania Madrid she is one of the top notch Lawyer in the country lahat ng kasong hawak niya ay panalo never pa siyang natalo.Pero may problema the...
424K 17.2K 58
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- THIS STORY IS ALL ABOUT UNO AND ONE, NATE AND MILES' TWINS. Copyright © 2016 by GandangS...