Reapers Trilogy (Tagalized)

By Tsubame

24.7K 804 120

I'm Aramis Rayne. Seventeen. Forever. Isa akong personal assistant. Pero mas complicated ang job description... More

Bago ang lahat...
Book I - Thirteen Brothers
0
I
II
III
IV
V
VIII

VI

492 33 2
By Tsubame


-VI

Sakay ang pulang Volkswagen Beetle ni Carter, pinuntahan namin ang bahay nila Lindsay. Nag-park kami sa isang apartment complex sa Fountain Springs. Dalawang floors ang building, gawa sa kahoy. Gray na ang dating white-wash nitong pintura. Iba't-ibang kulay ang mga telang nakasabit sa mga balkonahe bilang panangga sa init ng araw.

"Tandaan mo," simula ni Carter. "Kapag hinulaan ka ni Mrs. Moseley, 'wag kang maniniwala agad."

"Copy."

"Naalala ko tuloy no'ng una kong pumunta sa bahay nila Lindsay." Napangiwi si Carter. "Sabi ni Mrs. Moseley, huwag daw akong lalabas sa ninth birthday ko kasi maaaksidente daw ako. Binigyan pa naman ako ni Mom ng tickets sa amusement park. Tuloy, sinama ko si Lindsay do'n at buong araw kami sa Horror House. Hindi kami lumabas hanggang gumabi. Natakot talaga 'ko... na maaksidente, hindi sa Horror House."

"Sabi mo eh."

"At kahit ano'ng mangyari--"

"Huwag kakainin 'yong fortune cookies na gawa ni Mrs. Moseley," sabi ko, bago pa man niya ulitin for the fifth time. "Kung hindi, masisira ang tiyan ko at hindi na'ko kakain ng cookies kahit kailan. Alam ko na nga."

Manghuhula ang nanay ni Lindsay. Obvious naman. Muntik na'kong masakal ng mga bead curtains sa pinto pa lang ng apartment.

Isang maliit at bilugang babae si Mrs. Moseley, hindi katulad ni Lindsay na payat at matangkad. Pero bukod do'n, malamang, minana na lahat ni Lindsay sa kaniya: blue eyes, kulot at blonde na buhok, freckles, pati 'yung colorful na pananamit at pagsusuot ng kung anu-anong crystal na alahas.

Pinag-aalis muna ni Mrs. Moseley ang mga charms na nagkalat sa sofa bago niya kami pinaupo ni Carter.

"Lalabas na si Lindsay, hintayin niyo na lang," sabi niyang nakangiti. May inilapag siyang plato ng fortune cookie sa lamesa. "Cookies?"

Nagtinginan kami ni Carter.

"Thanks po, pero kakakain ko lang," sagot agad ni Carter.

Pinilit kong ngumiti. "May dala po kaming mango tarts para kay Lindsay."

Pag-abot niya ng box, nahawakan niya ang kamay ko. "Paborito ni Lindsay. Salamat, Aramis."

"P-papaano ninyong--"

"Nalaman ang pangalan mo?" Yumuko siya at binulong, "Manghuhula ako, hindi ba?"

Lalo nang hindi mapakali si Carter sa kinauupuan niya. "Pupuntahan ko lang si Lindsay sa kwarto niya. Antagal eh."

Bago pa man ako makapagreklamo, nagtatakbo na siya paalis.

Paglingon ko, nakatayo pa rin si Mrs. Moseley sa harap ko. Walang anu-ano, kinuha niya ang kamay ko at pinagmasdan ang palad ko. Biglang nawala ang ngiti niya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Nakakatakot," sabi niya.

"H-hindi po ako magpapahula." Sinubukan ko'ng hilahin ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak dito. Napansin kong nanginginig siya.

"Nakakatakot," ulit niya, nangingilid ang luha habang nakatitig sa palad ko. "Pero makinig ka, Aramis: kahit ano'ng mangyari huwag kang papasok sa Gates. Huwag na huwag mong iiwan ang katawang ito... ang katawan mo. Kung hindi, napakasama... napakasama ang mangyayari at walang makakaligtas. Wala. Kahit na ang mga taong mahalaga sa'yo."

Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Napaupo siya sa sofa, itinakip ang mga kamay sa mukha niya at saka humagulgol.

"A-ano po'ng ibig n'yong sabihin, Mrs. Moseley?"

Nilingon niya ako. 'Yong tingin niya sa'kin, para bang awang-awa siya. "Ang bata mo pa... Bakit ikaw pa? Patawarin mo'ko, Aramis. Hindi ko na dapat binasa ang kapalaran mo. Sana... sana mali ako."

"Hindi..." Parang hindi ako makahinga. "Hindi totoo 'yan."

Tumayo ako at nagmadaling lumabas ng bahay. Natatakot ako kung ano pa ang sasabihin ni Mrs. Moseley sa'kin.

"Maging matatag ka!" sigaw niya. "Kahit ano'ng mangyari, huwag kang tatawid! Huwag kang papasok sa Gate!"

Hindi ko siya nilingon. Nag-panic ako. Once nakalabas ako ng apartment, nag-inhaler agad ako.

Tama si Carter. Alam kong binalaan na niya 'ko na huwag paniwalaan ang mga hula ni Mrs. Moseley, pero natakot pa rin ako. Ang gulo ng utak ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin.

Napaupo na lang ako sa hagdanan ng balkonahe.

"Okay ka lang?" Tanong ni Carter, humahangos palabas. "Sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? Kung anuman ang sinabi ng nanay ni Lindsay, huwag mo na lang seryosohin. Tingnan mo, hindi naman nagkatotoo 'yung hula niya sa'kin."

"Umuwi na tayo, please," sagot ko.

Naupo siya sa tabi ko. "Hinihintay na tayo ni Lindsay sa taas. Hindi ba may importante kang sasabihin sa--"

Biglang huminto sa tapat namin ang isang dilaw na Cruiser. At alam ko na agad kung kanino yo'n. Bumukas ang pinto sa harap.

"Hey," tawag ni Vincent mula sa driver's seat. Nagsimula siyang magsalita, huminto. Inirapan niya ang manibela na para bang may ginawa 'yong malaking kasalanan sa kaniya. "Sabi ng dad mo sa dad ko, sabihin niya daw sa'kin na sabihin ko raw sa'yo na okay lang ang dad mo."

"H-ha?"

Kumunot na naman ang noo niya. "Your dad. He wanted my dad... to tell me to... Don't make me say it again. Basta sumakay ka na lang."

Nakanganga yata ako habang ini-imagine kung ano'ng itsura niya kung hindi siya galit. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob? Ano kaya ang nangyari sa kaniya at parang lagi na lang siyang galit sa mundo?

"Ah..."

"Ah?" ulit niya. "I'm not asking. Sasakay ka ba o do'n kita ilalagay sa compartment?"

Mukhang may gustong sabihin si Carter. Sa halip na magsalita, kinuyom na lang niya ang mga kamao at tumahimik.

"Kita na lang tayo bukas, Carter," sabi ko bago sumakay sa front seat.

Umiling si Carter. Pinandilatan ako. Pero wala siyang nagawa kundi panuorin kaming umalis.

"Buti naman," sabi ni Vincent, medyo natatawa. "Akala ko tatanda na'ko kakahintay sa'yo."

"Ano'ng nakakatawa?"

Ngumisi siya. "Wala."

"Vincent Sinclair, hindi ka na nakakatuwa."

"Meh. Hindi naman ako pinanganak para pasayahin ka."

Diniinan niya ang tapak sa silinyador. Biglang humarurot ang sasakyan kaya napakapit ako sa upuan ko. Pustahan tayo, kung mamamatay man ako, dahil dito sa ugok na'to.

"'Di ba panlalaki 'yung name mo?" Pinagtawanan na naman niya 'ko. "When I hear Aramis, 'yung musketeer na balbas-sarado ang unang pumapasok sa isip ko. 'Yong sa movies?"

"FYI, Vincent, si Rene d'Aramis de Vannes ang pinaka-loyal sa three musketeers."

"But still, so old," he scoffed.

"Mahilig kasi sa mga luma si Mom. Dati."

Napangiti ako. Tuwing naaalala ko kasi si Mom, naaalala ko rin 'yung noong bata pa 'ko. Noong hindi pa komplikado ang lahat.

"Dati?" tanong niya.

"She passed away when I was eight. Ang totoo niyan, noong ipinagbuntis ako ni Mom, nagpahula siya. Ang sabi baby boy daw. At magiging sobrang swerte daw ang baby boy na 'yon. Naisip ni Mom na Aramis ang ipangalan. Thirteen generations na kasing walang ipinapanganak na lalaki sa mother's side ko."

Lumingon sa'kin si Vincent. "Thirteen?"

"Oo," sagot ko, umiwas ng tingin. "Kaso ako 'yung lumabas. Kaya Aramis na lang din ang ipinangalan sa'kin..."

Pinigil ko ang sarili ko bago ko pa mai-kuwento kay Vincent ang buong life story ko. Hindi kasi ako nagku-kwento tungkol kay Mom kahit kailan. Kahit kami ni Dad, hindi namin siya pinag-uusapan. Pero nang si Vincent na ang kaharap ko, parang wala na 'kong control sa mga sasabihin ko.

Hindi na'ko inasar ni Vincent pagkatapos no'n. Hindi rin siya nag-sorry o nag-try na i-comfort ako gaya ng mga lagi kong naririnig sa mga tao kapag nalalaman nila na patay na ang nanay ko. Siguro, alam na rin ni Vincent kung ano'ng pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Walang kahit anong salita ang makakapagpa-okay no'n.

"Natahimik ka d'yan?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya.

Kinatok ko ulit 'yung orasan sa dashboard. Nasa 12:59 pa rin 'yon at hindi gumagalaw. "Nakahinto pa rin ang oras."

"Oo nga," sagot ni Vincent, nakatitig sa'kin. "Parang ayaw ko nang umandar--'yung orasan." Ibinaling niya ang tingin sa daan. "Luma na kasi 'yan."

"Ahh..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 179K 203
Online Game# 2: MILAN X DION
337K 25.2K 40
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
7.8M 248K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had innumerable questions on her...
11.1M 501K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...