He Doesn't Share

By JFstories

21.7M 705K 179K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... More

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 40

409K 14.5K 1.9K
By JFstories

Chapter 40

"HE NEVER WANTED TO LEAVE YOU."

[ Ingrid,

I'm sorry for hurting you again but I can't keep on seeing you. I'm leaving for Europe and it's for good. You can hate me all you want. I know I'm a coward for turning my back on you, but you have to trust me that this is for your own good. You don't need a broken man in your life. Just take care of yourself and take care of our baby. ]

Namumugto ang mga matang tumingin kay Acid. Ibinato ko sa kanya ang nilamukos kong sulat at bank check. "Anong tawag mo diyan?!"

Nang magising ako sa penthouse ni Alamid ay may iniwan siyang maiksing letter. Kasama ng maiksing letter na iniwan niya ay two-hundred million pesos in check na nakamagnet din sa pinto ng ref.

Bukod sa check ay nandoon din ang number ng lawyer at secretary niya na pwede ko raw kontakin kung may mga kakailanganin ako sa pagbubuntis at panganganak ko. Naiayos niya na ang lahat para sa amin ng ipinagbubuntis ko. At kapalit ng lahat ng ito ay ang paglayo niya nang tuluyan.

Kahit ilang beses kong basahin ang sulat niya ay hindi pa rin ako makapaniwala na iniwan niya na nga talaga ako. Na hanggang doon na lang talaga. Na pupunta na siya sa Europe dahil hindi niya na gustong maalala ang mga masasakit na nangyari sa kanya sa Pilipinas. At kasama ako sa mga gusto niyang kalimutan.

Maliwanag na ayaw niya na akong makita dahil nasasaktan siya kapag nakikita niya ako. At least ngayon alam ko na ang dahilan niya kaya siya pilit na umiiwas sa akin.

"Natatakot lang siya na lalo kang masira kapag nandiyan siya. Ayaw niyang mawasak ka sa tuwing makikita mo siya at maaalala mo ang nawala sa 'yo dahil sa kanya."

Hindi lang naman ako ang nawalan, siya rin.

"Gusto niyang makalimot ka."

"Paano ako makakalimot?" Itinuro ko ang sikmura ko. "Ilang buwan na lang lalaki na ito. At pag lumabas 'to, malamang kamukha at kaugali niya na naman. Kaya sabihin mo sakin, Acid! Paano ko makakalimutan ang kaibigan mo? Ginagago niyo ba ako?!"

Hindi niya ako pinansin. "Gusto niyang maging masaya ka, Ingrid. That's the only reason why he wanted to leave you."

Nanghihina akong napaupo sa sofa. Masaya? Paano ako magiging masaya kung wala siya?

"Hindi ka niya sinukuan, Ingrid. Don't tell me, susukuan mo siya ngayon?"

Matagal akong nahulog sa pag-iisip. Sa tuwing iniimagine ko ang bukas na wala siya, para akong masisiraan ng bait. At kung lumaki na itong baby namin, kapag nagkaisip na ito na katulad ni Aki at tanungin ako, ano ang isasagot ko kapag naghanap ito ng daddy?

Ayoko nang maulit iyong mga pagkakamali ko. Ayoko nang magsinungaling sa anak ko.

"Ingrid, aalis si Alamid papuntang Europe hindi para magpasarap. He's going there dahil balak niyang ibalik ang sarili niya sa asylum. Iyon lang ang paraan para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya sa inyo. But I don't think na gagaling pa siya. Hindi ko nakikitang gusto niya pang gumaling dahil alam niyang hindi ka na niya makakasama. He's now broken beyond repair. Wala na siyang direksyon dahil wala ka na sa buhay niya."

"H-hindi pwede ang gusto niya." Marahas kong pinahid ang laylayan ng damit ko sa luhaan kong mga mata. Nangako na ako noon na ako naman ang mag-aalaga sa kanya, kaya hindi pwedeng solohin niya ang lahat ng sakit at problema.

Para saan pa na mahal ko siya kung hindi niya ako hahayaan na alagaan at protektahan siya?

"Acid, salamat."

"For what? Wala naman akong nagawa. He's still going to Europe at nakaupo ka pa rin naman diyan."

Tiningala ko si Acid. "A-anong oras ang flight niya?"

Tumingin sa suot na wristwatch si Acid. "You only have one hour left to stop him."

"Ano?!" Napatayo ako. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"You just asked right now." Nagkibit siya ng balikat.

Pilosopong guwapo! Ngali-ngali kong lamukusin ang mukha niya. "Akina ang susi mo."

"What?" Tumaas ang kaliwang kilay ni Acid.

"'Sabi ko, akina ang susi mo!"

Nakatingin lang siya sa akin. Sa inip ko ay kinapkapan ko si Acid, nakapa ko agad sa left pocket niya ang susi. Agad ko iyong kinuha at tinakbo ko ang pinto palabas. Gulat na gulat ang rekasyon niya.

Nang mahimasmasan ay humabol siya sa akin. "Hey, woman!"

Itim na Ferrari ang nasa labas ng gate. Tumunog agad iyon ng pindutin ko ang key. "Magcommute ka na lang, Acid! Kailangan kong maabutan si Ala!"

"No, shit!" Kandatalisod siya palabas ng gate, ang kaso ay nakapasok na ako sa loob ng kotse niya. Pinaghahampas niya ang windshield. Nagsasalita siya pero hindi ko na siya marinig, pero kitang-kita ko ang halos magbuhol na makakapal niyang kilay.

"Sorry, Acid. Pero alang-alang sa pag-ibig, isasakripisyo ko 'tong Ferrari mo." Dahil hindi naman talaga ako magaling magdrive. Bahala na!

Agad kong ini-start ang makina bago pa makaisip ng way si Acid na mapigilan ako. 

Wala akong dapat aksayahing oras. Tama na ang isa lang ang nawala sa akin, hindi ako papayag na pati ang tatay mawala pa. Hindi ko hahayaang makaalis ng bansa si Alamid. Hinding-hindi!

Paesi-esi ako sa kalsada. Mabuti at hindi ko rinig ang labas, busina lang ng mga nakakasalubong kong sasakyan ang naririnig ko at hindi ang mga mura nila.

Pinaharurot ko ang Ferrari. Pasalamat na lang ako at Sunday kaya walang blue men sa kalsada. Nakaalis ako ng Rizal ng walang aberya, maliban sa bangas sa nguso ng Ferrari ni Acid ng magitgit ako ng truck ng isang kilalang bakeshop.

Minalas naman ako pagdating ko ng Edsa. Kandaiyak na ako habang pasulyap-sulya ako sa maliit na analog clock sa ibabaw ng dashboard ng sasakyan. Hindi ko nadala ang cell phone ko kaya hindi ko matawagan si Alamid. Saka hindi ko rin naman sigurado kung sasagot siya sa tawag ko kaya pupuntahan ko na lang siya.

Ang kaso, limang minuto na lang, tapos na ang isang oras!

Hindi ko pa alam ang daan. Mula sa Edsa, sumunod lang ako sa bus na Baclaran na dadaan sa loob ng airport. Wala akong pang GPS na phone kaya wala akong choice kundi sumugal. Pero natalo ako sa sugal. Napaiyak ako nang makitang lumipas na ang isa at kalahating oras.

Patuloy pa rin ako sa pagda-drive hanggang makarating ako sa Mall of Asia. Hinang-hina ako nang bumaba ako ng Ferrari. Sa gilid ako ng kalsada napaupo. Tumingala ako sa langit. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang paglipad ng eroplano sa himpapawid.

Wala na siya. Huli na ako.

"Alamid..." hikbi ko.

Lulugo-lugo akong bumalik sa sasakyan at nagdrive nang walang tiyak na direksyon. Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Mabigat ang dibdib ko sa mga emosyong naghahalo-halo.

Paikot-ikot ako sa Maynila. Ilang beses pa akong muntik-muntikang mabangga, mabuti na lang at Sunday, walang huli. At sadyang malakas ang loob ko ngayon na magmaneho.

Kung hindi ko pa nakitang mauubos na ang gas ni Acid ay hindi pa ako matatauhan. Ichineck ko ang glove compartment ng sasakyan, baril ang unang kong nakita. Kinalkal ko ang ibang laman ng compartment. Napangiti ako ng makita ko ang isang leather Versace wallet.

"Sorry, Acid, pero lulubusin ko na." Pinahid ko ang luha sa pisngi ko bago ako tumuloy sa pinakamalapit na gas station.

Puno ng cards ang wallet ni Acid. May cash din na sa tingin ko ay aabot hanggang bente mil. Pinili kong gamitin ang cash para hindi madetect ni Acid kung nasaan ako. Iyon ay kung hindi niya made-detect ang kotse niya. Asa pa ako. Pero hanggat hindi niya pa ako nahahanap, magpapaikot-ikot pa muna ako.

Hindi ko kayang umuwi na ganito kabigat ang nararamdaman ko. Baka kung ano ang maisipan kong gawin kapag napag-isa na ako sa apartment. Baka masiraan ako ng bait.

Nagpa-full tank ako sa Shell. Nang ibabalik ko na ang wallet sa compartment ay may napansin akong maliit na bag sa loob. Out of curiosity ay kinuha ko iyon at binulatlat. May iPhone X sa loob. Mukhang spare phone iyon ni Acid.

Itinabi ko sa gilid ng kalsada ang kotse saka inopen ang phone. Dahil walang passcode ay nakarating agad ako sa contacts. Dalawang number lang ang meron dito, isa sa number ng isang doktora, at isa ay sa pinangalanang "My Wife". Number malamang ng namatay na asawa ni Acid at hindi pa nito binubura.

Ibabalik ko na sana sa bag ang phone nang mapindot ko ang call sa number ng namatay na wife niya. Nagulat ako ng magring ang numero.

"Hello? Sino 'to?"

Napapitlag ako ng marinig ang boses ng isang babae. Sa tingin ko ay kaedad ko ito. Sino kaya ito? Bakit gamit nito ang number ng wife ni Acid? O hindi kaya bagong babae ito ni Acid?

"Hello? Hello sino nga 'to?"

Napalunok ako. "Uhm, hello?"

"Sino ka? Bat alam mo number ko?"

"Ah, kay Acid itong phone—"

"Wala akong kilalang Acid, wrong number ka, Miss. Ge, bye, naglalaba pa ako, e." Pinatay agad nito ang line.

Nangunot ang noo ko. Baka nga nagkamali ng save si Acid. Baka nga wrong number.

Biglang nagring ang phone. Unknown number. Kinabahan agad ako. Huminga muna ako nang malalim bago ko iyon sagutin. "Hello?"

"'Tapos ka na bang magliwaliw?"

Napatuwid ako sa pagkakaupo. "Hello, Acid?"

"Go home now, Ingrid."

"May CP ka pala rito, bakit ngayon mo lang ako tinawagan?" Nabangasan ko pala ang nguso ng Ferrari mo. Pero hindi ko iyon sinabi dahil baka atakihin ito sa puso.

"I just thought that you needed the time. Pero ngayon, umuwi ka na."

"P-paano ko pala masosoli sa 'yo itong kotse mo? Pasensiya ka na pala—"

"It's yours now."

"Ha?" Napakapit ako sa manibela.

"Just think of it as my advance gift."

"Advance gift saan?" Malayo pa naman ang birthday ko?

"Just go home, Ingrid. At wag mo ng isipin ang kotse, iyo na 'yan. In fact, napalipat ko na 'yan sa pangalan mo just an hour ago."

Wala na akong kausap sa phone ay hindi pa rin ako makapaniwala. May Ferrari na ako!

"Just bring me back my spare phone. That's... very important to me."

"O-okay..." Ibinalik ko sa compartment ang iPhone X at muling pinaandar ang kotse. Nakakaloka si Acid, mas importante pa sa kanya itong phone niya kaysa sa kotse niya.

Pero kahit siguro sampung Ferrari pa ang ibigay ni Acid sa akin, hindi pa rin iyon sasapat para maampat ang pagdurugo ng puso ko.

Kahit ilang Ferrari ang sakyan ko, hindi non matutumbasan ang pakiramdam kapag nakasakay ako sa Jaguar, sa Porsche, sa Audi o sa kahit anong kotse ni Alamid. Pero kahit sa jeep lang, kahit nakasabit lang, basta si Alamid ang kasama ko, masaya na ako.

Pero ngayon, papunta na siya sa Europe. Siguro ibebenta ko na lang itong kotse ni Acid para makasunod ako sa Europe. 

Dati siya ang sumusunod sa akin, ngayon ako naman ang susunod sa kanya.

Kung kinakailangang maging stalker niya rin ako, sige magiging stalker ako. Hindi ako magbibilang at manunumbat. Gagawin ko ang lahat kasi mahal ko siya. Siya naman ang ipaglalaban ko. Siya naman.

"Aki, gabayan mo si Mommy. Susundan ko ang daddy mo kahit saang lupalop pa siya ng mundo magpunta."

Nakarating ako sa Rizal na buo na ang loob ko. Susunod ako kay Alamid sa Europe. Ibebenta ko tong Ferrari at magpapatulong ako kay Acid para makakuha agad ako ng visa.

"Hintaying mo ako, love. Hintayin mo ako."

Paliko palang ako sa kanto na malapit sa apartment ay nakita ko na ang kulay itim na Jaguar na malapit sa gate. Tinambol agad ng kaba ang dibdib ko.

Lalong magiba-giba ang dibdib ko sa kabog ng puso ko nang makita ko ang matangkad na lalaking nakatayo at nakasanda saradong gate ng apartment ko.

Bumaba agad ako ng Ferrari nang makilala ko siya. Tumingin siya sa akin at agad na nagtama ang aming mga mata. Nang manlabo ang mga mata ko ay saka ko nalamang umiiyak na pala ako.

Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya rito?

Humakbang siya palapit sa akin, at sa isang iglap ay nakakulong na ako sa mabango at matigas niyang mga braso. "Alamid..."

Hinalikan niya ako sa noo. Basag ang boses niya ng magsalita siya. "I want to forget you, I want to let you go..."

Napahikbi ako. "P-pero hindi mo kaya."

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Hindi mo kaya kasi mahal mo ako. Mahal mo ako kaya ka nandito," umiiyak na dugtong ko. "Sabihin mo sa akin please na iyon ang dahilan kaya nandito ka. Kasi hindi mo kayang wala ako sa buhay mo." Gustong-gusto ko na iyong marinig mula sa kanya.

Gusto kong sabihin niya sa akin na hindi niya ako kayang iwan. Hindi niya ako magagawang iwan kasi mahal na mahal niya ako. Kahit ano, ipagpapalit ko, basta marinig ko lang ulit sa kanya ang mga iyon.

"Yes, Ingrid. I was a fool to let you go."

Napahagulhol ako sa dibdib niya.

"Hindi ako magiging okay kahit kailan dahil iniwan kita." Kinabig niya ako at hinalikan sa ulo. "Leaving you was more painful than physical pain."

Natunaw ang puso ko sa isang iglap. Lahat ng paghihirap ko, tila mga bulang naglaho agad.

"Would you ever forgive me for being a coward?"

Umiiyak akong tumango at tumingala sa kanya.

Ikinulong niya ang mukha ko sa kanyang mga palad. "Ingrid, mahal na mahal kita. I'm so sorry, patawarin mo ako sa lahat ng pananakit ko sa damdamin mo."

"S-sasama ako sa 'yo sa Europe."

Namilog ang luhaan niyang mga mata. "W-what?"

"Aalis ka pa rin, Alamid, dahil iyon ang kailangan mo. Pero sasamahan kita. Hindi ka namin iiwan ng bago nating baby. Kahit saan ka magpunta, makakasama mo kami. Hihintayin ka namin hanggang sa pwede na tayong magsimula ulit."

"Ingrid..."

"Susuportahan kita at hindi ka na ulit mag-iisa."

Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa akin. Luhaan ang kulay abo niyang mga mata.

"Oo, Alamid." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "I'll be with you every step of the way."

Mahigpit na yakap ang sagot niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
9.9M 387K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
69.1K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...