Love at its Toughest (Love Se...

By FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 6: A Tough Deceit
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 8: A Tough Consequence
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 10: A Tough Timing
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 12: A Tough Response
Chapter 13: A Tough Truth
Chapter 14: A Tough Marriage
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 16: A Tough Test
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 23: A Tough Acceptance
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 1: A Tough Beginning

264K 3.5K 227
By FGirlWriter

Chapter 1: A Tough Beginning

HANGGANG sa mga oras na iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Eunice na nagising na talaga si Terrence mula sa pagkaka-comatose nito nang mahigit-kumulang dalawang buwan. Kaninang umaga pa nang magising ito at buong araw itong sinuri ng mga doktor. Kahit ang mga ito kasi ay hindi makapaniwala na nagising pa ang asawa niya pagkatapos tumigil sa pagtibok ang puso nito.

            It's indeed a miracle for all of them to see.

            "We will continue some tests tomorrow, Mr. Aranzamendez. For now, you can eat and rest," nakangiting sabi ni Dr. Rescober. "Have a good night."

            Nagpaalam din sa kanya ang doktor bago tuluyang lumabas.

            Sa gabing iyon ay siya na lang ang natira sa ospital dahil nagsi-uwian muna ang mga kapamilya ni Terrence at bukas pa ulit babalik. Siya naman ay hindi na lumayo pa sa asawa nang magising ito.

            Tumingin sa kanya si Terrence. His brown eyes were looking at her with love. Ngumiti ito. "Come here," he softly asked. Itinaas nito ang mga nanghihina pang braso at ibinuka iyon.

            Mabilis siyang yumakap rito. Nakailang beses na ba silang nagyakap nito sa loob ng isang araw?

            Kahit nanghihina pa ay ramdam ni Eunice kung gaano siya kagustong yakapin ng mahigpit ni Terrence. Siya naman ay iniingatan ang pagyakap rito dahil baka may masakit pa rito.

            "I miss you," bulong nito sabay dampi ng labi nito sa noo niya. "Lagi kitang naririnig, alam mo ba?"

            Napatingala siya rito at nanlaki ang mga mata. "H-Huh? Naririnig mo 'ko habang nasa coma ka?" Posible pala iyon?

            Marahang tumango ito. "I wanted to smile every time I hear how positive you were despite my condition and how you always took care of me." Hinaplos nito ang buhok niya gamit ang kamay nitong walang suwero. "I also wanted to cry with you whenever you're losing hope and b-begging for me to wake up. God knows how much I wanted to move just to give you the sign you wanted to see."

            Nakagat niya ang ibabang labi at pinigilan ang mga luha sa pagtulo. Ayaw niya nang umiyak dahil nag-uumapaw sa saya ang puso niya na, heto at nakakausap niya na ulit ang asawa. Pero sa mga sinabi ni Terrence, all along he was with her—listening to her.

            "Kapag nakalabas na 'ko rito, puntahan natin ang p-puntod ni Rachelle."

            Mabilis siyang tumango. "Yes, yes. Puntahan natin si Rachelle. Alam kong may mga gusto ka ring sabihin sa kanya."

            Napabuntong-hininga ito. "Any news about my son?"

            She cupped his face. "Malapit na siyang mahanap nila Matthew. Huwag ka mag-alala, one of these days, we will able to find Renz."

            Hinawakan nito ang kamay niyang nasa pisngi nito. "Thank you for searching for them habang... natutulog ako."

            "When I woke up after the accident and when I learned about your condition, nag-promise agad ako na kapag gumaling ako, ipagpapatuloy ko ang paghahanap kay Rachelle at Renz para pagkagising mo, nandito na sila. Pero..." napayuko siya. "I was too late for Rachelle. And your son was—"

            "Shh..." pigil sa kanya ni Terrence. "You've done what you could, Eunice. That's what matters most."

            She swiftly kissed him on the lips. "By the way, gusto mo na bang kumain? It's almost past dinner."

            Umiling ito at mas hinapit siya sa baywang. "Ngayon lang ulit tayo nakapagsolo na tayo lang. Gusto kong makatabi at mayakap ka lang."

            Inalis ni Eunice ang suot na sandals at saka sumampa ng maayos sa hospital bed ni Terrence. Medyo may kalakihan iyon kaya naman nagkasya siya. Pinaunan siya nito sa isang braso at siya naman ay idinantay ang kamay sa baywang nito.

            Parehas lang silang tahimik. Kuntento na magkatabi at yakap ang isa't-isa. Kahit si Eunice ay walang maisip na sasabihin. Up until now, she's too overwhelmed.

            "Eunice..."

            She looked up. "Yes?"

            Terrence lips curved into a playful smile. "I love you, baby. If I could just make love with you right now, I would," he huskily said.

            Namula ata ang pisngi ni Eunice. "Terrence!" sabay subsob sa dibdib nito.

            "What? Sabi ko sa'yo, babawi talaga ako kapag magaling na'ko," he chuckled. "If I remember it right, the last time I made love with you was the night before the accident. That was also the same night I confessed everything to you. How long was that already?"

           "Two months more or less."

            "See? Ang tagal na. Ako ba hindi mo na-miss... sa gabi?"

        Natawa na lang rin siya. "Oh, I do. I miss you at night. Day and night. Naalala ko, magigising na lang ako sa kalagitnaan ng gabi kasi hindi kita katabi. That was the first three weeks of your coma. Umuwi pa 'ko sa Paris ng isang linggo niyon. Magre-resign kasi ako sa trabaho ko—"

            "You quit your job?" gulat na tanong nito. "Hindi ko alam iyon."

            Nagkibit-balikat siya. "Mas gusto kong alagaan ka rito. At saka, alam kong we'll start our marriage again once you wake up. Siyempre, hindi ko kayang lumayo sa'yo."

            Tinitigan siya nito ng mataman. "However, you wanted that job on Paris... You love your career."

            "But I love you more, Terrence."

            Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. She smiled.

            "Besides, malay natin may future din pala ako dito sa Pilipinas? Maybe I can start my own fashion business here. Kasama pa kita at ang magiging family natin."

            "Magiging family? Gusto ko 'yan. Bigyan mo 'ko ng madaming anak."

            Napalabi siya. "Ilang anak?"

            "Sampu. Limang lalaki, limang babae."

            Nanlaki ang mga mata niya. "You have got to be kidding me!" She can't mother ten children! Wala pa nga siyang kaalam-alam sa pagiging ina. "Malolosyang ako!"

            Ang lakas ng tawa nito na agad nahinto dahil sumakit ang tadyang nito. Bahagya itong napangiwi pero halatang natatawa pa rin.

            "Why, you're still young, baby. Still fresh and very fertile. Hindi ka naman agad malolosyang sa sampung anak."

            Pabirong inirapan niya ito. "Ayoko. Gusto ko, mga tatlo lang. Have you heard of 'family planning', ha?"

            "Bakit? Kaya naman nating bumuhay ng sampung anak. Kahit pa nga dalawampu, hindi sila maghihirap."

            "Tigilan mo 'ko, Terrence. Ikaw talaga! Kagigising mo lang, ganyan ka na agad," nakangusong sabi niya.

            "I'm just kidding. Basta kung ilan ang gusto mo, iyon lang din ang gusto ko. Isa pa," Idinantay nito ang noo sa noo niya. "Kahit ilan pa ang magiging baby natin, ikaw pa rin ang pinaka-baby ko." Then, he claimed her lips and gave her a long sweet kiss.

            Masyadong masaya na ang puso ni Eunice. Lahat ng iyak, pagod,  at hirap ng loob na naranasan niya sa nakalipas na mga buwan ay burado nang lahat. She learned all the things she has to learn about love and God already tested her if she can truly bear real love in her heart.

            Hindi niya alam kung nakapasa ba siya pero sa nakalipas na mga buwang comatose si Terrence ay masasabi niyang maraming nagbago sa kanya. Mas naging independent siya, matatag, at matapang.

            Sana iyon na ang huling pagkakataon na ganoon katindi ang hinarap niya para sa pag-ibig at buhay.

            Sana talaga.

❤❤❤

PAGKALIPAS ng dalawang araw ay naging clear na sa lahat ng test si Terrence. Unti-unti nang bumabalik ang dating lakas nito at malaki talaga ang in-improve nito magmula nang magising ito sa pagkaka-comatose.

            "By tomorrow, I can sign the discharge slip already," ani ng doktor. "And you're good to go home, Mr. Aranzamendez. Huwag mo lang kakalimutan ang mga bilin na gamot at ang weekly check-up and therapy mo."

            "Thank you, doc."

            Pagkalabas ng doktor ay napahikab si Eunice.

            "Hija, umuwi ka muna kaya? Magpahinga ka ng maayos at saka ka bumalik ulit dito," payo ni Mama Theresa.

            "Tama si Mama, Eunice," segunda ni Terrence na nakakaupo na ngayon sa kama nito. "Two straight days ka nang nandito. Umuwi ka muna sa bahay natin at magpahinga."

            "Ayaw kitang iwan." Lumapit at tumabi siya rito.

            "It's okay, baby. Nandito naman si Mama. Cleared naman na 'ko pero bukas pa 'ko puwedeng umuwi. Sige na, wala nang mangyayari sa'kin." Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo. "Ihanda mo 'yung kama para bukas ng gabi," pilyong bulong nito.

            Eunice chuckled. "Mind you, Terrence. Hindi ka pa puwede sa mga physical activities until next month."

            He groaned. "Oo nga pala. Anyway, just have some rest at home. Saka baka nalulungkot na doon si Mang Emman."

            "Okay, okay." Yumakap siya rito. "Babalik ako mamayang gabi."

            Pumulupot ang mga braso nito sa baywang niya. "Hihintayin kita."

            "I love you," sabay halik sa pisngi nito.

            "I love you more, baby. Have some proper sleep. Kumain ka rin ng marami," bilin pa nito kaysa siya ang dapat na nagbibilin rito.

            Mabilis na hinalikan niya ito sa mga labi bago tumalikod. Pero, hinila siya nito sa kamay at napaharap muli rito. Mabilis ulit siyang hinalikan nito pero paulit-ulit.

            Natatawang humiwalay siya rito. "I'm going home na."

            "Isa na lang na kiss," ungot pa nito.

            Lumapit ulit siya rito at siya na mismo ang humalik ulit dito.

            Narinig nilang tumikhim si Mama Theresa. "Parang hindi kayo magkikita mamayang gabi, ano?"

            Nagkatawanan sila ni Terrence at saka totoong umuwi na talaga si Eunice.

            Pagdating niya ng bahay nila ni Terrence ay agad siyang sinalubong ni Mang Emman. Sinabi niya rito na magpapahinga lang siya at bibilinan niya rin ang matandang kasambahay na mag-prepare para sa pag-uwi ni Terrence bukas.

            "Magluluto po ba ako ng paboritong ulam ni Sir Terrence?"

            "Nako, Mang Emman, bawal pa si Terrence sa ibang pagkain, maliban sa gulay at sabaw. Pili lang rin ang mga prutas na kailangan niyang kainin. Ililista ko na lang po tapos, mamaya bibigyan ko po kayo ng pang-grocery."

            "Mas mabuti nga na ilista mo para alam ko kung anong makakabuti para sa asawa mo. O, siya, magpahinga ka na. Mamaya mo na ibigay ang listahan kapag nagising ka ng mga bandang hapon," nakangiting sabi ng matanda.

            "Sige po, Mang Emman!" Mabilis siyang tumuloy sa kuwarto nilang mag-asawa.

            Nang makita niya ang malinis at malaking kama sa kuwarto ay bigla siyang nakaramdam ng matinding antok at pagod. Nagpalit lang siya ng damit at pagkuwa'y binagsak na ang sarili sa kama.

            Nagising lang si Eunice dahil sa malakas na tunog ng cellphone niya. Agad niyang inabot iyon sa ibabaw ng bedside table. Tinignan niya ang screen at tawag iyon mula sa pinsan ni Terrence na si Matthew—an NBI agent and a part-time private investigator.

Napasulyap siya sa wall clock ng kuwarto. Three PM na. Almost eight hours din siyang nakatulog. Bumangon siya sa kama at nag-inat muna bago sagutin ang tawag.

            "Hello, Matt?"

            "Eunice! Kumusta naman?"

            "Doing great. Lalo na si Terrence. Bukas puwede na siyang makauwi from the hospital," pagbabalita niya rito. "Ikaw?"

            "Maraming trabaho, as usual. Pero, 'yung tungkol sa asawa ni Rachelle na si Alfred Garcia, nahanap na namin siya."

            Biglang napatuwid ng upo si Eunice at nawala na ang kahit anong antok dahil sa narinig. "Nahanap niyo na siya? Ibig sabihin, nahanap niyo na rin ang baby?" Oh, my! Terrence would be more delighted if he knew about this!

            "Yup! But, Eunice..."

            "What?" nagtatakang tanong niya.

            "Sabi ni Alfred, bago niya daw ibigay ang bata, gusto niya munang makausap ka," seryosong sabi ni Matt.

            "A-Ako?" Bakit naman siya gustong kausapin ni Alfred.

            "Oo. Gusto niya makipag-usap ngayong araw sa'yo. Alas singko ng hapon, pagkalabas ng trabaho. Ayos lang ba sa'yo?"

            "Ah... it's fine with me," pagpayag niya.

            "Are you sure? Do you want me to come with you?"

            "Hindi na, Matt. Alam kong busy ka at marami kang tinatapos na mga trabaho. I'll talk to Alfred Garcia. Baka may importante siyang sasabihin kaya gusto niya 'kong makausap."

            "Okay, then. I'll text you the place where you will be meeting him and his contact number."

            "Thanks, Matt!"

            Pagkatapos ng tawag ay biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Eunice. Ano kayang sasabihin sa kanya ng nabiyudong asawa ni Rachelle? Bakit siya ang gusto nitong makausap?

            Tungkol kaya kay baby Renz ang pag-uusapan nila? O kay Terrence? O sa mag-ama?

            Pero kung anuman ang pag-usapan nila, isa lang ang tanong sa isip ni Eunice...

            Ipapauubaya kaya sa kanila ni Alfred ang anak ni Terrence?

❤❤❤

SA ISANG sikat na fastfood chain sa Makati ang pinuntahan ni Eunice. Iyon ang nakalagay sa text na pinadala sa kanya ni Matthew kasama ang contact number ng lalaki. Doon sila magkikita ni Alfred na wala siyang ideya kung anong itsura.

            She just texted Alfred's mobile number to say that she's already in their meeting place. Pagkalipas ng ilang minuto ay nag-reply si Alfred na paparating na daw ito. After five minutes, someone approched Eunice.

            Napalingon siya at nakita ang isang mataas na lalaki na naka-asul na poloshirt at black slacks. Mukhang uniform sa trabaho iyon. May pagka-kulay tsokolate ang mga mata nito ngunit hindi pansinin sa unang tingin—hindi katulad kay Terrence. Guwapo ang lalaki at may perpektong ukit ang jawline at ilong. He looked...so tough and mature.

            "Eunice? Ikaw si Eunice Aranzamendez, tama ba?" buong-buo ang boses nito.

            Tumango siya. "Are you Alfred Garcia?"

            Tumango rin ito at umupo sa katapat niyang upuan. "Salamat at pumayag kang makipagkita sa'kin."

            "Salamat rin sa'yo dahil nagpakita ka na."

            Umangat ang gilid ng labi nito. "Pasensya na pala kung nawala ako kasama si Renz." Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Masyado lang naging masakit sa'kin ang pagkawala ni R-Rachelle... kaya naisipan 'kong lumayo kasama ang bata. H-Hindi ko alam na pinapahanap niyo pala sila."

            "I understand, Alfred. I'm sorry about Rachelle. But I think wherever she is right now, she's happy."

            Pinagsalikop nito ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa na nasa pagitan nila. "Hindi man lang ako nakapagpaalam sa asawa 'ko," tila nasasaktang sabi nito. "Grabeng buhay... pinaparusahan yata ako," mahinang sambit nito.

            "Alfred?"

            Umiling-iling ito. "Kumusta na pala ang asawa mo?"

            "Maayos naman na si Terrence. Pagaling na rin siya," sagot niya rito. "How about the baby? Nasaan siya ngayon?"

            "Maayos lang rin si Renz. Hindi ko naman siya napapabayaan. Iniwan ko siya sa nanay ko. Siya ang nag-aalaga sa bata kapag nasa trabaho ako." Tinignan siya nito ng diretso sa mga mata. "Nga pala, gusto kitang makausap dahil nalaman ko ang nangyari sa inyo ng asawa mo. Nalaman ko rin na ikaw na nga ang nagpapahanap kay Renz. G-Gusto mo siyang mabalik kay Terrence?"

            Eunice sighed. "G-Ganun nga sana. Pero... pero alam kong hindi mo ganoon kabilis na ipapaubaya ang bata. Lalo na, sinabi sa'kin ni Rachelle sa iniwan niyang sulat sa'kin na minahal mo si Renz na para mong tunay na anak. I know that you have an attachment with the child, pero gustung-gusto na talaga siyang makilala at makita ni Terrence. Also, I know that my husband wanted to father his first child."

            Umiwas ng tingin sa kanya si Alfred at nahalata niyang parang kinakabahan ito.

            "A-are you alright?"

            Napansin niyang napalunok ito at saka ulit tumingin sa kanya. "Papayag ako."

            "What?" naguguluhang wika niya. Saan ito pumapayag? Na ipaubaya kay Terrence si Renz?

            Alfred sighed. "Mas mabuti siguro sa bata kung titira siya sa lugar na katulad sa tinitirhan niyo. Maayos, ligtas, maganda, marangya... alam kong mabibigay ni Terrence lahat ng pangangailangan ni Renz hindi katulad ko, isang simpleng empleyado lang."

            "Don't be hard on yourself. Nagawa mong buhayin si Rachelle at si Renz."

            Nagkibit-balikat ito. "Mahirap ang buhay namin, kung alam mo lang. Namatay ang asawa ko na, hindi ko man lang naparanas sa kanya ang komportableng buhay na gusto niya."

            "Pero, mahal ka ni Rachelle at masaya siya sa'yo. Iyon ang sabi sa'kin ng mga kinakapatid niya nang makausap ko sila," sabi ni Eunice rito. She can't just let Alfred belittle himself. Lalo na at naiisip niya kung ano ang mga sinakripisyo nito para sa sariling pamilya.

            "Alam ko iyon. Pero, ngayon, hindi ko naman puwedeng ipagkait si Renz kay Terrence lalo na at siya ang t-tunay na ama. Pero... mahirap sa'kin na basta lang ibigay si Renz."

            "I understand." Napayuko si Eunice.Malungkot at tila napaka-hopeless ng itsura ni Alfred kaya hindi niya kayang tignan ito. "But, you agree to give Renz for him to have a better life?"

            "Ganoon na nga. Pero, Eunice, may gusto akong hilingin."

            Napaangat siya ng tingin rito. "What is it?"

            Nagsusumamo na agad ang mga mata nito. "Ipapaubaya ko si Renz sa inyo... pero sana huwag niyong ilayo sa'kin ang bata. Parte pa rin siya ng asawa ko na hindi ko kayang pakawalan."

            "Paanong huwag ilayo? Do you want us to have a schedule para makikita mo pa rin si Renz?"

            "Hindi," iling nito.

            Biglang kinabahan si Eunice. So, what does Alfred want?

            Sinalubong nito ang mga tingin niya. "Let me live in your house with Renz."

            "W-What?" Tama ba ang narinig niya?

            "May sakit ang bata, Eunice. May butas siya sa puso. At alam kong kaya niyo siyang ipagamot ni Terrence. Alam kong hindi niyo siya pababayaan pero.. gusto ko pa rin siyang alagaan dahil... para sa'kin a-anak ko siya."

            Natigalgal si Eunice sa nalaman. May sakit pala ang bata! At wala siyang kaalam-alam tungkol doon.

            Inabot ni Alfred ang kamay niya. "Kahit tagapag-alaga lang niya, hayaan mo 'kong makasama ang bata. Kung malabisan ang hinihiling ko, pasensya na. Sana, hayaan mo pa rin akong maging ama kay Renz."

            Eunice bit her lower lip. Her heart goes to Alfred for his fatherly love. Ngunit, alam ni Eunice na hindi siya puwedeng mag-isang magdesisyon. Kailangan niya pang makausap si Terrence. Hindi nga alam ng asawa niya na makikipagkita siya kay Alfred ngayon.

            "Eunice, pakiusap..." sabay marahang pisil nito sa kanyang kamay. His eyes were pleading so much.

            Napalunok siya. "O-Okay..." sagot niya na ikinaliwanag ng mga mata at ekspresyon ng mukha nito.

            Tama nga kaya ang desisyon niya? Ano kayang magiging reaksiyon ni Terrence?


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 75K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
26M 785K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
487K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...