Scribbled Metaphors

By esotericreverie

799 92 124

Pages covered with random scribbles that may or may not entertain you. Technically, a collection of one-shot... More

Scribbled Metaphors
ⅰ.
ⅱ.
ⅲ.
ⅳ.
ⅴ.
ⅵ.
ⅷ.

ⅶ.

100 13 26
By esotericreverie

"Sam! Teka lang!" Buset! Akala mo kung sino 'tong lalaking 'to. Wala nang ginawa kundi sirain ang araw ko. Ginawa na nga yata niyang hobby, e.

"Hoy Samantha Leigh Diaz! Sandali lang sabi!" I nearly screamed nang bigla n'yang isigaw ang kumpletong pangalan ko. He did not just do that! Isa 'yan sa mga bagay na pinakaayaw ko.

I just continued walking, ignoring him. I started my day right tapos hindi pa umaabot sa one-fourth sinira na ng balahurang lalaking 'to. Nakakainis!

"I said stop!" Napahugot ako ng malalim na hininga nang sumigaw na naman siya. Napatigil din ako sa paglalakad. At ngayon lang din ako naging aware sa mga bulungan sa paligid ko. Mga tsismoso't tsismosa nga naman.

Calm yourself, Samantha. I recited it like a mantra sa isip ko. Pero hindi umepekto, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Quotang-quota na kasi siya sa akin.

Kaya naman lumingon ako sa kanya saka siya itinuro or should I say dinuro.

"Hoy Mr. Charlie Mikhel Dela Rosa! Tigil-tigilan mo ko ah! Nakakainis ka na!" Buset! Pandagdag badtrip pa yung mahaba niyang pangalan. "You picked the wrong day para pagtripan ako! Kaya kung mahal mo pa 'yang mukha mo, lumayo-layo ka sa akin!"

Tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo. Maybe you're all wondering kung anong rason at nagkakaganito ako. Flashback? Oo? Paano kung ayaw ko? Fine. Whatever. E di flashback.

* flashback *

Maganda yata ang gising ko ngayon. Halos lahat kasi ng kasambahay namin kanina ngini-ngitian ko. Weird. Madalang mangyari 'to kasi madalas kulang ako sa tulog dahil sa mga projects and stuff. At 'pag kulang ang tulog ko, asahan mong mukha akong zombie at sobrang grumpy ko pa. Kahit nga medyo traffic kanina, hindi uminit ang ulo ko. Gusto ko na tuloy kabahan.

Pagbaba ko pa lang ng kotse, ngini-ngitian na ako ng mga students. 'Yung iba pa nga ay binabati pa ako. Another rare case dahil kilala akong snob at masungit sa buong campus. Marami kasing naiinggit sa kagandahan ko. Yeah, I know nag-uumapaw ako sa self confidence kaya hindi niyo na kailangang sabihin pa sa'kin. Nakakasawa ang paulit-ulit, you know?

Papasok na ako ng department building namin. As expected, pinagtitinginan na naman ako. The difference is may mga nakairap at akala mo'y kakatayin ako kung makatingin. Mga inggitera nga naman.

"Saaaaaaaaam!" I rolled my eyes so freakin' hard, muntik nang sumakit ang ulo ko. Naramdaman kong may umakbay sa akin.

"Seriously, kailangan mo ba talagang isigaw ang pangalan ko, Maine?" Tinanggal ko ang kamay n'yang nakaakbay sa akin saka siya pinandilatan.

She's Charmaigne, isa sa mga best friend ko. The hyper and retarded one.

"What's wrong with that? Ayaw mo nun, instant publicity?" She gave me her infamous Cheshire cat grin.

"Matagal na akong sikat, Maine. 'Di mo na kailangang gawin 'yan." Tinalikuran ko na siya saka nagpatuloy maglakad papuntang first class ko.

"Hintayin mo naman ako, Saaaaam!" Huminga ako ng malalim. Maganda ang gising ko kaya 'di ko hahayaang sirain nitong si Maine ang araw ko.

Sinabayan niya ako sa paglalakad. Ano ba kasing ginagawa ng babaeng 'to dito?

"Maine, what are you doing here ba? Sa kabila ang medical department."

"Maaga pa naman, e. Masama bang ihatid ka sa first class mo?" Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"I smell something fishy." Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Baka ikaw 'yun? Naligo ka ba?" Bigla niya akong inamoy. Jusko. Can somebody tell me why am I friends with this girl?

"Lumayo ka nga!" Tinulak ko siya nang marahan, enough para magkaroon ng space sa pagitan namin. "At naligo ako! Kadiri ka talaga, Maine!"

Tinalikuran ko siya saka mabilis na naglakad palayo. I can hear her laughters behind me.

"Ingat Saaaam!" Pinigilan ko 'yung urge na lumingon kay Maine and stick my middle finger at her.

Pagtapak ko ng third floor, which is kung nasaan ang halos lahat ng klase ko ngayong araw, bumungad sa akin ang buong hallway na puno ng red and white rose petals. I groaned inwardly. Sino naman kayang siraulo ang nagkalat nito? Hindi ba niya alam na ang laking perwisyo nito sa mga dadaan dito?

"Saan ako dadaan ngayon nito?" Napatingin ako sa relo ko at 5 minutes na lang male-late na ako.

Damn it! Napatingin ulit ako sa hallway na puno ng flowers tapos sa orasan ko tapos sa paligid ko na walang katao-tao. Teka...

Linibot ko ulit ang tingin ko sa paligid. Sarado pa ang mga classrooms. Bakit walang tao dito? Nakakapagtaka dahil sa mga oras na 'to, dapat may nagkla-klase na. Don't tell me nasuspend ang classes dahil sa mga lecheng rose petals na 'to?!

I need to make sure na wala nga akong klase. Kaya naman walang pakialam akong naglakad sa mga rose petals. Sorry Mr. Whoever Loverboy Boy, you are.

Amoy na amoy ko 'yung mga roses habang naglalakad dito. Ang bango naman. Napapikit pa ako habang naglalakad at inaamoy 'to. Roses are not my favorite flowers but I don't hate them either. Mas lamang lang talaga para sa akin ang mga carnations. My ultimate favorite flower. Sa sobrang pagka-gusto ko dito, may sarili akong spot sa garden namin na puro carnations lang.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa may pinto ng classroom namin nang biglang may marinig akong tumutugtog ng gitara.

When your legs don't work like they used to before

And I can't sweep you off of your feet

I stop on my tracks nang magsimulang kumanta 'yung naggi-gitara. Damn it. Ang boses na 'yun.

Will your mouth still remember the taste of my love

Will your eyes still smile from your cheeks

Di ako pwedeng magkamali. Iginala ko ang paningin ko. Where the hell is he?

And darling I will be loving you 'til we're 70

And baby my heart could still fall as hard at 23

And I'm thinking 'bout how

Nang finally makita ko siya na palabas sa classroom namin. Holy crap dela Rosa! He's smiling at me and here I am, parang naka-glue sa kinatatayuan ko. Heart beating erratically. Butterflies going crazy in my stomach. Jusko!

People fall in love in mysterious ways

Maybe just the touch of a hand

Me I fall in love with you every single day

And I just wanna tell you I am

Magsasalita sana ako para tanungin kung anong kalokohan na naman 'to, pero biglang may sumigaw sa likuran ko.

"Shut up, Saaaam!" Napapikit na lang ako nang marinig ko ang boses na 'yun. Kahit hindi ako lumingon kilala ko ang boses n'ya. Walangh'ya ka, Maine!

So honey now

Take me into your loving arms

Kiss me under the light of a thousand stars

Place your head on my beating heart

I'm thinking out loud

Maybe we found love right where we are

Bumalik ang tingin ko kay Charlie. Mas lalo akong kinabahan nang magsimula siyang maglakad nang dahan-dahan papalapit sa akin. Pero heto ako, hindi makagalawa sa kinatatayuan ko. Idagdag mo pa na we're looking at each other, eye to eye.

When my hair's all but gone and my memory fades

And the crowds don't remember my name

He stop a few meters away from me. Gusto ko sanang isigaw na lumapit pa siya nang mabatukan ko s'ya sa kalokohan n'ya pero pati boses ko nawala na yata. Anong nangyayari sa'yo, Sam? Si Charlie lang 'yan!

When my hands don't play the strings the same way, mm

I know you will still love me the same

Feel na feel niya ang pagkanta with matching papikit-pikit pa. Tapos pag dumilat naman siya diretso ang tingin sa akin and my heart never fails to skip a beat everytime he does that.

'Cause honey your soul can never grow old, it's evergreen

And baby your smile's forever in my mind and memory

And I'm thinking 'bout how

Hindi ko talaga maisip na may ganitong side ang lalaking 'to. Akala ko puro hangin lang ang dumadaloy sa buong katawan.

People fall in love in mysterious ways

Maybe it's all part of a plan

I just keep on making the same mistakes

Hoping that you'll understand

'Di ko akalaing may sweet side pala siya. Magpapaka-ipokrita ako 'pag sinabi kong 'di ako kinikilig. Kasi kinikilig talaga ako, it's taking all my self-control not to smile like a freakin' idiot.

But baby now

Take me into your loving arms

Kiss me under the light of a thousand stars

Place your head on my beating heart

I'm thinking out loud

That maybe we found love right where we are...

Mas dumoble ang kaba ko nang magsimula na naman siyang maglakad papalapit sa akin. Tumingin ako sa paligid para sana maghanap ng pwedeng taguan or something. Pero nagulat ako nang makita ko ang mga ka-department ko na nasa loob ng mga classrooms pati mga professors. Nagtatago lang pala sila sa loob kaya di ko sila nakita kanina. What is this stupid arse up to anyway? At pati ang buong department namin kinuntsaba pa? 

Bumalik ang tingin ko sa kanya and he is just a few steps away from me. At dahil pakiramdam ko'y wala na rin akong magagawa hinintay ko na lang na makarating siya sa kintatayuan ko.

So honey now

Take me into your loving arms

Kiss me under the light of a thousand stars

Oh darling, put your head on my beating heart

I'm thinking out loud

That maybe we found love right where we are

Baby we found love right where we are

And we found love right where we are

He stop a few steps away from me. Mabuti naman para hindi niya marinig ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko.

"Sam..." No. H'wag kang titingin sa kanya, Sam. I settled in staring at his shoes instead. Mukhang bagong bili. Walang bahid ng dumi. Akalain mo 'yun malinis din pala siya sa gamit.

"Sam." Kahit anong tawag ang gawin mo 'di ako titingin sa'yo. 

"Samantha Leigh Diaz." Hindi ko sana siya papansinin pero may biglang humarang sa sapatos niya. A bouquet of my favorite, pink carnations.

Napatingin tuloy ako sa kanya, gulat na gulat. Wala siyang hawak na bouquet kanina. Saan nanggaling 'yun?

"You like them?" Nakangiti niyang tanong. I nod slowly. Those are my favorite, you freak!

Then nagulat ako sa sumunod na ginawa niya, lumuhod siya at inabot sa akin 'yung bouquet. You can call me OA pero napatakip talaga ang dalawang kamay ko sa bibig. Mas lalo akong nagulat sa sumunod na sinabi niya.

"Samantha Leigh Diaz, can I have the most awesome privilege to court you?" My jaw literally drop on the floor.

"May nakain ka bang masama, dela Rosa?" Tumawa siya sa nang malakas. Seriously, sobrang taas na umecho pa sa buong hallway.

"Just what I expected," Natatawa siyang tumingin sa akin. "So, anong masasabi mo, Sam? Pwede na ba?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Is this some kind of sick joke? Kasi kung oo, hindi nakakatuwa!

"Nagpra-practice kasi ako para sa group play namin mamaya." Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ang pisngi. Sinasabi ko na nga ba!

"You freaking arschloch!" Hinablot ko ang hawak n'yang bouquet of flowers at hinampas sa mukha niya bago ako umalis doon. Feel na feel ko pa naman 'yung moment tapos practice para sa play lang pala!

Sinubukan akong pigilan ni Maine pero I gave her a death glare kaya tumabi di s'ya sa dadaanan ko. Nakakahiya! Halos buong department namin ang nakakita. Anong mukha na lang ang ipapakita ko sa kanila if ever? God! My whole day is ruined!

* End of flashback *

And that what brings us to the present. So alam niyo na kung bakit ganito kainit ang ulo ko? Nakakahiya! As in nakakahiya talaga!

"Teka nga, Sam!" I felt his hand on my arm. Hahablutin ko na sana pabalik pero hinila niya ako paharap sa kanya. I landed on his hard chest. "Patapusin mo nga kasi muna ako!"

Tinulak ko siya ng marahan para magkaroon kami ng konting distansya sa isa't-isa. We're too close. Pero ayaw pa rin n'yang bitawan ang braso ko.

"Let go, Charlie!" I glared at him. I know I'm still blushing kasi mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

"No, I won't. Baka bigla ka na namang umalis nang hindi mo pa naririnig ang dapat na sasabihin ko."

"Can you just spill it up? We're already attracting too much attention."

Kung kanina buong department lang namin, ngayon pati ibang department na kasi nasa main lobby na kami. A much bigger audience sa embarassment ko 'pag nagkataon and I don't want that to happen.

Tumingin siya sa paligid at bigla na lang siyang ngumiti ng sobrang laki. "Much better." 

Inulit na naman niya 'yung ginawa niya kanina. Lumuhod siya sa harapan ko. Inabot niya sa akin 'yung bouquet ng pink carnations na ngayon ay may bawas na dahil sa paghampas ko kanina. 

"This is not funny anymore, dela Rosa! Tumayo ka nga d'yan!" Tumingin ako sa paligid. Pinangkakaguluhan na kami. Some of the students have their cell phones out and if I'm right, taking a video or a picture of us.

"Can you shut up for a second, Diaz?" Napakagat-labi ako to control myself from answering him back. I can hear murmurs and giggles from our 'audience'. Dahan-dahan siyang tumayo at lumayo ng kaunti sa akin. Allowing me to breathe. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.

"Samantha Leigh Diaz. From the first time that I saw you I think you took a piece of my heart. This may sound gay but I think I fell in love at first sight. You're beautiful, smart, intimidating and one of a kind. Hindi ka katulad nang ibang babaeng nakilala ko.  I hate your guts but I like you. Ginawa ko ang lahat para mapansin mo. Inaasar kita. Kinukulit. Binabadtrip. Lahat ng ka-bwisitan, ginagawa ko para lang mapansin mo. And yes, napansin mo ko nang dahil sa mga 'yun. Pero ang tingin mo pa rin sa akin ay isang lalaking walang magawa sa buhay." Hinaplos niya ang isang pisngi ko sending shivers to my spine. 'Di ako makapaniwala na ganito ang magiging epekto ng lalaking 'to sa akin. "Pero kahit pinapansin mo ako, pakiramdam ko napakalayo mo pa rin. Kaya naman, I took the risk para gawin 'to. Kahit alam kong 50-50 ang tsansa ko..."

"Can I court you, Miss Samantha Leigh Diaz?"


Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 398 18
[Completed, 2022] Les Tendres Series #1 || Tender Love Series "When you don't have money, how far away are you willing to go just to earn it?" An unl...
6.7K 391 39
Everything about her screams perfection, aphrodite herself might feel overshadowed if they stood side by side. - Kivriel Lew Mercer If you can't reme...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...