Friendzoned

By LadyKnight

64.3K 1.4K 238

Friend. Iyon ang tawagan natin sa isa't isa. Pero alam mo bang sa lahat ng KAIBIGAN ko, ikaw lang ang INIBIG... More

Author's Corner
Foreword
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One

Chapter twenty-two

1.4K 49 16
By LadyKnight

A'N: 

Hello po! Maraming maraming salamat po sa inyo sa pagbasa, paglike, at sa support na binigay nyo sa storyang ito. Ang chapter na ito ay para sa lahat ng aking mambabasa, pero may special mention para sa taong nag-inspire sa akin na gawin ang storyang ito.

Para sa iyo, thank you for making me realize na marami pa akong dapat baguhin sa sarili ko, na marami pa akong dapat iimprove dahil balang-araw, I want you to look at me and say, "sayang, pinakawalan ko pa"

Chos. Ang drama ko na naman. 

xoxo,

Lady Knight :)

*****************************************************************************

Nagdaan ang mga oras. Hindi ko mapigilan ang excitement ko habang papalapit na ang dismissal. Ano kaya ang surprise na iyon?

Kasabay ng pagsabi ng prof ko na “Class dismissed” ay ang pag-vibrate ng phone ko.

“Are you ready, beautiful?” sabi sa text.

Napangiti ako. Hindi ko maitatanggi na excited na ako sa kung ano man ang surprise niya, kahit na sabihin na hindi ko naman sya talaga kilala sa mukha.

Bago man ako makapag-reply, tinawag na ako ni Bianca. Lumingon ako at nakitang papalapit siya sa akin, may hawak na panyo sa kamay.

“Iba-blind fold na kita,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“What? Bakit?”

“Utos ito ng secret admirer mo,”

“Paano kung sinabi kong ayaw ko?”

Bago man ako makapalag, natakpan na ang mga mata ko ni Bianca.

“Magpapablindfold ka sa ayaw mo at sa gusto mo,” natatawa niyang sabi sa akin.

Hinawakan ni Bianca ang braso ko at dahan-dahang g-in-uide ako palabas ng room. May naririnig akong mga tao sa paligid ko kaya naman nahihiyang yinuko na lang ang ulo ko.

“Saan ba tayo pupunta, Bianca?” tanong ko.

“Sa lovers’ park nga,”

“Ha? Paano ako makakababa papunta doon, nandito tayo sa third floor,”

“Asus! Para saan ba ang gamit ng elevator?”

“Elevator? Diba bawal iyon gamitin ng mga estudyante?”

“Pwede daw para ngayon.”

“Talaga? Paano nangyari yun?”

“Tanungin mo nalang ang secret admirer mo.”

Natouch naman ako sa effort na ginawa ni stalker para lang pasayahin ako sa araw ng birthday ko.

Pagkaalis namin mula sa elevator, nakatakip parin ang mga mata ko. Dahan-dahan pa rin akong g-in-uide ni Bianca palabas ng building at papunta sa lovers’ park.

 “Ready na?” narinig kong tanong ni Bianca.

Hindi ko alam kung ako ang kausap ni Bianca. Napuno na kasi ng hindi maipaliwanag na kaba at excitement ang dibdib ko.

Lub dub.  Lub dub.

Lub dub.  Lub dub.

Lub dub.  Lub dub.

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng blindfold sa mata ko kasabay ng pagsikip ng dibdib ko. Pinikit ko ang mga mata ko para hindi mabigla sa liwanag pagkatanggal ng blindfold. Unti-unti ko iyon minulat at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Lahat ng mga malalapit sa buhay ko ay nakatayo sa harap ko. Lahat sila ay nakasuot ng pula, may mga ngiti sa mga labi at tig-isang rose sa mga kamay, at naka-form sila ng isang malaking heart.

Nag-init ang mga pisngi ko at napuno ako ng tuwa ng lumapit sila isa-isa. Ang mga chilhood friends, best friends from high school, kabarkada ngayong college, pati yung pinsan kong nagturo sa akin maggitara ay nandoon. Yinakap ko sila ng mahigpit at nagpasalamat habang binabati nila ako at binigyan ng roses.

Binilang ko ang mga rosas sa kamay ko.

7 pink roses and 7 white roses.

Napangiti ako at marealize na kagagawan itong lahat ni secret admirer aka stalker. Lumingon ako sa paligid at nakitang papalapit sa akin sila Bianca at Mark. Si Mark ay parang may hawak na pulang papel at si Bianca naman ay may hawak na iPad.

“Happy Birthday!” sabay nilang bati sa akin.

Bago man ako makapagpasalamat sa kanila, ibinigay na sa akin ni Bianca ang iPad at umalis sa tabi niya si Mark.

“I-play mo iyang video at panuorin mo,” utos sa akin ni Bianca.

Curious kong pinindot ang play button. Narinig ko ang unang notes ng paborito kong kanta, ang Out of My League ni Stephen Speaks.

“It's her hair and her eyes today

That just simply take me away

And the feeling that I'm falling further in love

Makes me shiver but in a good way”

 

Nag-flash ang mga pictures ng mga kaibigan at mga kakilala ko na may hawak na card na Happy 18th Birthday. Natawa ako ng pati si Manong Guard na suplado ay napangiti nila at nakahawak rin noong card.

“All the times I have sat and stared

As she thoughtfully thumbs through her hair

And she purses her lips, bats her eyes as she plays,

With me sitting there slack-jawed and nothing to say”

Nang pagdating ng chorus, nagulat ako ng biglang mag-iba ang mga pictures.

 

“Coz I love her with all that I am

And my voice shakes along with my hands

Coz she’s all that I see and she’s all that I need

And I'm out of my league once again”

 

Mga pictures ko ito. Mga pictures ko na iba’t iba ang anggulo na halatang kinuhanan lang ng palihim. Yung mga stolen shots. Mayroong nakangiti ako sa kaibigan ko, nakayuko at natutulog, nagsusulat sa notebook, nakabuka ang bibig na parang papasukan na ng langaw, mayroong nakaconcentrate ako sa bola ng volleyball.

It's a masterful melody

when she calls out my name to me

As the world spins around her she laughs, rolls her eyes

And I feel like I'm falling but it's no surprise

Ang pinakahuli sa lahat ay ang picture ko habang nakapikit at inaamoy ang isang bouquet ng roses. Naalala ko ang eksenang iyon ng makita ang red ribbon sa pantali ko ng buhok. Iyon yung Valentine’s day last sem, ang unang beses na nakakuha ako ng bouquet from my secret admirer. Maganda ang pagkakakuha, in fairness. Medyo nakatalikod ako sa bintana kaya naman nagbigay ng halo effect ang liwanag ng araw sa buhok ko.

Coz I love her with all that I am

And my voice shakes along with my hands

‘Cause it's frightening to be swimming in this strange sea

But I'd rather be here than on land

Yes she's all that I see and she's all that I need

And I'm out of my league once again

Unti-unting nag-fade ang mga larawan. Nagtaka ako ng biglang lumitaw sa screen ang front door ng bahay namin. Rinig sa background na malakas ang ulan. Bumabagyo yata noong time na kinunan ang video na ito.

“Kinakabahan ako,” sabi ng isang boses. Hindi ko narinig ng maayos kasi masyadong mahina iyon.

“Ano ka ba? Kaya mo yan!” sabi ng isang mas malakas na tinig. Nakilala ko agad ang boses na iyon. Si Bianca.

Lumitaw sa screen ang kamay ni Bianca at pinanood ko siyang kumatok. Bumukas ang pinto at nakita ko si Rose na nakatingin sa mga dumating.

“Ahh kayo po ba ang mga kaibigan ni Ate? Pasok po,” anyaya ni Rose sa kanila.

Lumitaw naman sa screen si Mama.

“Pasok kayo, mga bata. Tuloy na kayo sa salas.” nakangiting sabi ni Mama. Kasunod niya si Kuya Rio na nakakunot ang noo. Binalingan ni Mama si Kuya Rio. “Orion, pakitawag ang daddy mo. Sabihin mo nandito na sila,”

Pinanood ko sila Bianca na pumunta sa salas. Medyo gumalaw ang screen ng maupo si Bianca at saglit kong nakita ang rubber shoes ng kung sino man ang kasama niya. Kumunot ang noo ko ng maisip na pamilyar sa akin ang mga sapatos na iyon, pero hindi ko maalala kung saan ko nakita ang mga iyon.

“Ikaw ba ang tumawag sa amin kanina, iho?” rinig ko ang boses ni Papa. Nakita ko sa screen na nakaupo ang buong pamilya ko sa mahaba naming sofa.

 Magkatabi sila Rose at Mama, may mga malawak na ngiti sa kanilang mga labi at masaya silang nag-uusap. Sila Papa at Kuya Rio ay nakakunot naman ang noo sa kasama ni Bianca.

“Opo,” narinig kong sagot nito. Mahina parin ang boses, at feeling ko ay sinadyang hinaan ang boses para hindi makilala ang nagsasalita.

“Ano ang pakay mo sa pagpunta mo dito?” tanong ni Papa.

Manghihingi ho sana ako ng permiso na manligaw sa anak niyo, sir.

“Alam ba ng kapatid ko na balak mong manligaw sa kanya?” sabat ni Kuya Rio.

“Hindi pa po. Tyinempuhan ko po na wala siya ngayon para po makausap ko muna kayo,”

“Edi nasaan na ang batang iyon ngayon?”

“Hindi rin ho namin alam,” sabi ni Bianca.

“Siguro ay nasa library na naman iyon,” sabi naman ni Mama.

“Mamaya na muna natin problemahin kung nasaan siya ngayon. Ikaw ba, iho, seryoso ka sa anak ko?”

“Opo sir.”

“Ipaliwanag mo ng mabuti sa akin ang intensyon mo sa kanya.”

Ang intensiyon ko lamang po ay mahalin siya. Hindi ko po mapapangako na hindi ko siya masasaktan dahil alam kong lahat ng relasyon ay mararanasan iyon. Ang maipapangako ko lang po ay mamahalin ko siya sa abot ng aking makakaya at sa paraan na alam ko.”

Tumahimik ang lahat. Kilig na kilig sina Mama at Rose habang nagsulyapan sina Kuya Rio at Papa. Lumipas ang ilang minuto at akala ko ay mauuwi lang sa wala ang lahat. Pero unti-unting ngumiti si Papa at inilahad ang mga kamay.

“Very well. Ang pagpunta mo dito at paghingi ng permiso sa amin ay isang patunay na isa kang mabuting tao. “ Nakita kong nakipagkamay siya at napangiti na rin si Kuya Rio. “Pinapayagan na kitang manligaw sa kanya, pero syempre ang huling desisyon ay manggagaling sa anak ko. Pero binabalaan kita. Oras na malaman kong ginag@go mo ang anak ko, hindi ako magdadalawang isipin na ipahanap ka.”

Natatawang inakbayan ni Kuya Rio yung lalaki. “Kailan mo nga pala balak sabihin sa kanya?”

“Sa araw po ng 18th birthday niya. “

Tumango na lang si Papa. Tinapik ni Kuya Rio ang balikat nito habang si Rose naman ay nakangiting lumapit.

Nag-fade ang video at naiwan akong nakatitig sa blank screen ng iPad. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Biglang tumunog ang cellphone ko at parang lutang na sinagot ko ang tawag.

“Hello?”

Happy Birthday.”

Nakilala ko agad ang boses mo. Ang boses mong kanina ko pa hinihintay na batiin ako. Chineck ko ulit ang screen kung ikaw nga ba ang tumatawag. Nagtaka ako ng hindi pangalan mo ang lumitaw. Stalkerang nakalagay sa caller ID ng cellphone ko.

“Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa iyo?”

“Wha—Ikaw si stalker?”

“Ako nga.”

“Ikaw ang nagbibigay sa akin ng roses?”

“Ako nga.”

“Ikaw ang nagtetext sa akin at bumabanat ng cheesy pick-up lines?”

“Ako nga.”

“Ikaw ang nag-plano ng lahat na ito?”

“Ako nga.”

“Ikaw ang pumunta sa bahay namin at tinanong sila Papa habang wala ako?”

“Ako nga.”

“Kailan mo ginawa iyon?”

“Noong first day of classes. Noong naabutan kita sa gitna ng kalsada. Noong araw na bumabagyo at naaksidente ka. Noong araw na tinanong mo kung bakit ako nasa bayan ninyo kung nasa kabilang subdivision ako nakatira.”

Hindi ko na napigilan ang mga luha. Umaapaw na sa kaligayahan at pag-asa ang nararamdaman ko ngayon.

“Na-nasaan ka?” pahikbi kong tanong.

Nasa likod mo.

Lub dub. Lub dub.

Lub dub. Lub dub.

Lub dub. Lub dub.

Nakita kong nakatalikod na ang mga kaibigan at kakilala ko. Nakadikit pala sa likod ng mga t-shirts nila ang buong pangalan ko, kaya naman ingat silang hindi ko iyon mapansin kanina. May hawak-hawak rin sila Mark at Bianca na pulang papel. Nakangiti sila, pero hindi sa akin, kundi sa isa’t isa. Kung hindi lang ako masyadong overwhelmed ngayon ay tatanungin ko na sila ora mismo kung sila na ba. Ang mga ganoong klaseng titigan kasi ay yung parang sila lang ang tao sa mundo.

Pero dahil magkahalong tuwa, excitement at pag-asa ang nararamdaman ko, ang huling napansin ko nalang ay ang mensahe para sa akin. Ang mensahe mo na basang-basa ko at tumagos sa puso ko. Siguro, isa ito sa mga moments sa buhay ko na never kong makakalimutan. Ever.

“Lily Kho Samonte, will you be mine? “

 

Tuluyang umagos ang mga luha ko. Napahikbi ako. Naramdaman ko nalang na napalibutan ako ng mga braso mo, at napayakap na rin ako sa iyo ng mahigpit.

“Hindi ito panaginip, di ba?”

Napatawa ka at lalong humigpit ang yakap mo sa akin.

Syempre, hindi. I really really love you, you know.” bulong mo sa akin.

“I love you too,” nahihiyang amin ko sa iyo.

Lumuwag ang yakap mo at napatingin ako sa iyo. May magandang ngiti sa iyong mga labi at kumikislap ang mga mata mo sa tuwa. Sigurado akong ganoon din ang hitsura ko, papangitin lang ng kaunti dahil pangit ako pag umiiyak.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang hawak-hawak mo.

Isang puting pig-rabbit na may hawak na card:

Mommy Lily, pwede mo ba kaming i-adopt ni Daddy sa puso mo? Mahal na mahal na mahal ka namin ni Daddy at gusto namin na maging part ng buhay mo :)

Napangiting yinakap ulit kita.

Maraming Salamat, Lance.

Sa halip na sagutin ako, iginalaw niya ang mukha at pinagsaluhan namin ang tamis ng first kiss.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 235K 50
The characters are highly complex and they exist in a world that values strength over compassion, only the strong survive. The life inside the pack m...
151K 5K 21
MY BEST FRIEND IS A SECRET AGENT: How Chip Became C.H.I.P. and Foiled the Freaky Fuzzy Invasion **Check out our new hardback, available worldwide! (S...
360K 19.9K 64
**CURRENTLY A FEATURED STORY** highest ranking: #11 in Science fiction ❝true happiness is only achieved without freedom. There is a girl who wakes t...
26.6M 1M 70
The Locker Exchange is becoming a film and will be adapted by Wattpad WEBTOON Studios and Leone Film Group. Stay tuned for updates! ***** The Locker...