Prince of Lust: The Seven Dea...

By thefairyfromnorth

265K 4.7K 484

Language: TAGALOG/ENGLISH For a 17 year old, Catriona Amberden is a damn hot temptress. A sexually active one... More

Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 16

5.7K 102 8
By thefairyfromnorth

                 [ Catriona's POV ]

On the next day, pagkapasok ko ay nakita ko agad si Jenny sa loob ng classroom. Habang abala siya sa pagba-basa ay nilapitan ko siya.

Hindi pa man ako nakakalapit ay umangat na ang tingin niya sa akin saka siya ngumiti. "Alam kong hindi mo ako matitiis, Cat."

Ngumiti rin ako sa kanya, oh how I missed my friend's genuine smile. "Alam mo 'yan."

Tumayo siya sa pagkaka-upo saka niya ako niyakap. Her sweet vanilla musk scent lingers on my nose. Kinalas ko ang pagkaka-yakap naming dalawa, "Ilang weeks din tayong hindi nag-usap, Jenny. Na-miss kita."

"Sorry sa nangyari, Catriona. Babawi ako sa'yo. Yung nakita mo sa'min ni Marcus, wala naman talagang ibig sabihin ang mga 'yon. Nagpapatulong lang talaga siya sa'yo. Alam mo namang mahal ka ni Marcus."

"Mahal? Imposible." Bahagya pa akong natawa.

"Alin ang imposible? Ang mahalin ka Catriona? Nah... Inamin sa akin ni Marcus na mahal ka niya at inamin na niya sa'yo daw 'yon dati kaso pinigilan mo lang daw siya."

Naalala ko yung araw na 'yon. Nakaka-guilty kasi ang akala ko si Asmodeus ang kasama ko sa bakanteng room, non pala si Marcus.

------- mini flashback -------
"Alam mong ayaw ko sa mga official relationships. Ayaw mo ba ng ganito? You can fūck whoever you want ng walang hesitations na may masasaktan kang damdamin." Sambit ko.

"You know I lov-"

"Stop." Putol ko kay Marcus, "Kung tutuusin Marcus, you already reached your limit sa pakikipag-sex sakin. Buti nga nangyari pa 'to ngayon."

Matapos kong magbihis at kinuha ko na ang mga gamit ko.

"Marcus," I kissed him on the cheek, "We better stay this way." I smiled and walked out of the room.
----- end of mini flashback -----

Marcus is too good for me. Kahit 342x ko na itong nabanggit sa buong buhay ko. Heck, I'm just a 17 year old pero kung magsabi ako ng too good for me parang saksakan ako ng sama ah?

Ang nakakatawa, sa edad kong ito normal lang sa akin ang mag-enjoy, mag-explore at kung ano pa. Pero pagdating sa love parang wala pa akong kahanda-handa.

Love? Si Asmodeus.

Naisip ko lang ang salitang love, bakit si Asmodeus na agad ang pumasok sa isip ko. Nagkakamali lang nga ba ako? Nahuhulog na nga ba talaga ako sa kanya? O naninibago lang ako dahil sa hindi pangkaraniwan niyang dating sa akin?

Narinig ko ang pagtikhim ni Jenny kaya nabalik ang ulirat ko.

Tinignan ko siya saka ako ngumiti, "Uy ah! Dami ninyo na palang napag-usapan ni Marcus. Hindi ko alam na may pagka-chikadora rin pala siya." Biro ko.

"Tinanong ko kasi siya, Catriona. Para alam ko ang detalye. Alam ko kung saan ko siya banda tutulungan sa'yo."

"At sino na nga ulit ang kaibigan mo sa aming dalawa? Si Marcus o Ako?" Tinaas ko ang isa kong kilay saka ako ngumiti.

"Ikaw syempre. At kaibigan na ring matalik ang tingin ko kay Marcus. Hindi na siya iba satin." Bulalas niya. "Bakit ba ayaw mo? What's holding you back, Catriona?" Tanong ni Jenny.

Hmmm.. what's holding me back nga ba?

Wala.

"Wala." Simpleng sagot ko saka ako naglakad patungo sa upuan ko.

"See, my friend? Wala." Sinundan niya ako saka umupo sa katabing bakante ng upuan ko. "Palitan ko nga ang tanong ko, Who's holding you back?" Napansin ko ang paniningkit ng kanyang mga mata.

Asmodeus.

"Huh? Lalong wala." Sagot ko. I sighed. "You are playing cupid again and please stop this, Jenny. Kaka-bati lang natin, remember?"

Hanggang ngayon she is so persistent sa pagre-reto kay Marcus. Kahit muntik ng masira ang pagkakaibigan namin ay heto pa rin siya. Still as stubborn as a hard rock.

"Ah, yeah. Oo nga pala. And that's almost 8 minutes ago." Sambit niya sabay ngiti.

Sakto naman na dumating na rin si Asmodeus. He is our first subject for this day. His gaze locked on mine and I felt my heart race. Sa tingin niya pa lang para na akong nama-manipula.

Or is he manipulating me? Demon siya kaya posible 'yon.

"Good morning!" Bati ni Asmodeus in a cold way aka Sir Alessandro sa buong klase.

Wala ata siya sa mood?

I notice Jenny is slightly tensed up as she gaze to Asmodeus. Lagi siyang ganito whenever he is around. Well, hindi lang naman siya ang mukhang may crush sa kanya. 96% of girls population in school has a crush on him and I'm pretty sure of that statistics.

"You better go back to your seat, Jen." I murmured. She nodded and transfered to her seat.

                           ••• *** •••
"Nasaan ka kagabi, Catriona? Bakit wala ka sa bahay mo? Magdamag akong naghintay sa kwarto mo." Anas ni Asmodeus ng hilahin niya ako sa isang sulok. Isang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha. His dark and thick eyelashes makes me jealous. How could this man manage to look so fine kahit naka steady lang ito?

Pansin ko pa rin ang pagiging cold ng mga mata niya.

"Bakit di mo ginamit ang demon power mo para makita ako?" I raised my brow to him.

That is the most convenient answer na masasabi ko. Demon siya diba? Why don't he use it?

"I am giving you your privacy, Catriona. Gusto ko man na puntahan kung nasaan ka, mas pinili kong maghintay sa kwarto mo dahil alam kong uuwi ka rin agad."

"Then it is your fault. Nandon ako sa bahay namin."

"Bahay?"

"Oo. Dumating ang parents ko kaya doon muna ako mag-stay."

"What? Hindi pwede!"

Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Bakit hindi pwede?"

Magsasalita na sana si Asmodeus kaso pinigilan ko siya, "May tanong ako sa'yo, Deus. Sinusubukan mo ba, o nagawa mo na akong manipulahin?"

"Hindi. Hindi ko gagawin sa'yo 'yon." Sagot niya.

"Kasi nararamdaman ko. Parang hawak mo ako sa mga kamay mo." Natawa ako ng medyo mapait, "Isa kang Demon. Kaya mong gawin lahat."

"Hin-"

"I'm attracted to you, Deus." Bulalas ko. Napatigil si Deus saka niya ako tinignan sa mga mata. Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko sa pag-amin ko sa kanya. "Hindi ko alam kung isa lang ito sa mga devil tricks mo o ano...." bahagya akong napa-isip, "I better go. Baka ma-late ako sa susunod kong klase."

Nagsimula na akong maglakad paatras.

"Catriona.." halos bulong niyang sambit. Tila nasa state of shock pa rin si Deus.

"At wag kang basta basta susulpot, Deus. Minsan nakakairita na." Pag-uutos ko. Gulay! Di ko alam saan ko nahuhugot itong mga sinasabi ko sa kanya. "Tama ka, give me some privacy. Hindi mo ko pag-aari."

Tama rin naman ang sinabi niya about privacy, I really need that. Naglakad na ako palayo ng magsalita siya ulit,

"Maghihintay ako sa bahay mo mamaya, Catriona. Gusto lang kitang makasama magdamag."

                           ••• *** •••
"Thank you, Catriona." Anas ni Marcus.

"For what?" Sambit ko habang nagda-drive ako. Matapos kasi ang klase namin ay niyaya ko silang dalawa ni Jenny sa family house namin para makilala sila ng mga parents ko. Naka-upo si Marcus sa passenger seat habang si Jenny naman ay nasa back seat, nakaheadset at nakikinig ng music.

"For this." Ngumiti si Marcus. "Na nakakausap na ulit kita."

"Wow. It's not as if it is a big deal, Marcus." Natutuwang sagot ko sa kanya.

"It is for me." Mahinang sambit niya.

"Sabagay, magkaibigan naman tayo."

"Friends....." anas niya. "Right." He nodded.

I bit my lower lip. I just friendzoned Marcus. The great university hottie.

In my peripheral vision, I saw that he is hurt. Alam kong mas higit pa roon ang gusto niya but I can't give more. Hanggang doon lang talaga kami.

Nang makarating na kami sa family house namin ay agad na napabalikwas si Jenny sa kanyang kinauupuan, "Wow.. dito ka nakatira, Catriona? Ang laki at ang ganda ng bahay ninyo."

Isang marahan na tango ang isinagot ko kay Jenny habang pinapasok ko sa loob ang kotse.

Pagkababa namin ng kotse ay agad kaming sinalubong ni Yaya Marina at sinabing umalis lang saglit sila Daddy at Mommy. Napagpasyahan muna naming mag-miryenda sa loob.

Naghapag si Yaya Marina ng mga slices ng blueberry cheesecake saka fresh orange juice.

"At nakita ko si Chuck kanina, kasama ang bago niyang girlfriend." Kwento ni Jenny.

"Aww. Di ko akalain na ang dami na rin palang ganap mula nung hindi tayo nag-usap." Sambit ko.

"Saka tama na rin 'yon. Ang ibig sabihin, hindi talaga karapatdapat ang mokong na 'yon para sa akin." Si Jenny.

"Catriona. Saan pala 'yong banyo ninyo?" Tanong ni Marcus.

"Sabi na nga ba e! Kanina mo pa hino-hold 'yang wiwi mo Marcus. I can sense it." Biro ni Jenny.

"Akyat ka sa stairs tapos diretso ka lang, sa pangalawang pinto sa kaliwa." Pagtuturo ko sa kanya.

Agad na tumayo si Marcus at umakyat sa stairs.

"Don't forget to wash your hands, Marcus!" Muling biro ni Jenny.

"Uy!" Saway ko sa kanya. "Baka magalit si Marcus ah. Ginagawa mo siyang bata."

"Di no. Di magagalit sa ganyan lang si Marcus." Sambit ni Jenny habang umiinom ng juice.

"Mukhang malapit ka na rin kay Marcus at sa tingin ko, bagay kayo."

Muntik ng maibuga ni Jenny ang juice na iniinom niya. Buti na lang di niya naituloy.

"That will never happen." Todo iling pa si Jenny habang sinasabi niya 'yon. Iginala niya ang kanyang mga mata, "you do really have a nice house." Sabay tingin sa cheesecake, "and a tasty cheesecake."

"My mom made that. You can thank her later." Sagot ko.

Narinig ko ang pagtawa ni Ate Celestine habang pababa siya ng stairs. Nandito pala siya. Ang akala ko wala siya sa bahay.

"Nandito lang kami for a vacation and to visit my sister. Baka kasi nagiging pasaway na siya." Si Ate Celestine. Ang akala ko ay kung sino ang mausap niya, si Marcus pala. Napahinto siya ng makita niya ako sa sala kasama si Jenny, "oh, hi Sis! Nakilala ko na pala itong friend mo na si Marcus."

Bahagya akong tumango.

Tumayo si Jenny sa kanyang kinauupuan sabay lapit kay Ate Celestine, "Omg! You are stunningly beautiful! I'm Jenny." Inilahad niya ang kanyang kamay.

Tinanggap naman ito ni Ate sabay labas ng kanyang award-winning na ngiti, "Celestine. Catriona's big sister."

"Nice, nice." Bulong ko.

"Akala ko wala kang pasok ngayon, Catriona." Si Ate. "Sayang. Bonding sana nating dalawa." Tinignan niya ang kanyang newly manicured nails, "Kanina pa ako naghihintay sa'yo rito. I actually cancelled all my appointments this day just for you."

"Aww. You are so sweet, Ate. Why don't you join us here?"

Napansin kong tumaas ang kanyang isang kilay. She doesn't like the idea.

Narinig namin ang pagpasok sa bahay nila Mommy at Daddy. Nakita ko ang tuwa sa kanilang mga mata ng makita nila ang mga kasama ko.

"Finally.. Nagdala na rin ng kaibigan itong si Catriona at ipinakilala sa atin." Si Mommy.

"Good afternoon po, Mr. and Mrs. Amberden. Ako po si Jenny."

"Nice to meet you, Jenny."

"I'm Marcus."

Nag shakehands silang lahat.

"Your cheesecake is good. I mean, super good po, Mrs. Amberden." Si Jenny.

"Oh, thank you!"

Natapos ang pagpasyal nila Marcus at Jenny sa isang masayang dinner kasama ng pamilya ko. I never thought na ganito pala kasaya pag kasama mo ang kaibigan at pamilya mo. Sana pala dati pa hindi na ako nag-alangan sa mga ganito.

Buti na lang din at hindi nagtopak kanina si Ate Celestine. Mukhang kailangan kong maghanda para sa mga susunod na araw na makakasama ko siya dahil she will never let things happen na hindi niya ako maaasar.

Nagpaalam na sila at pinahatid ko na sila kay Manong Tany. Pagkapasok ko sa loob ay dire-diretso na akong umakyat papunta sa kwarto ko roon.

Pagbukas ng pintuan ng kwarto ko ay may nakita akong isang bulto na nakatayo sa may malapad na bintana. Bahagya ko pang ini-squint ang mga mata ko upang tignan kung sino 'yon.

Asmodeus?

Hindi ko naitago ang ngiti sa mga labi ko. Sabi ko na nga ba at hanggang dito ay susunod siya.

Sinabihan ko man siya na huwag susulpot basta basta but I can't deny the fact na nami-miss ko ang presensya niya.

Dali-dali ay lumapit ako sakanya, "Maghihintay pala sa kwarto ko ah?"

As I approached him, napansin kong hindi ito si Deus. Humarap siya sa akin, revealing his godly features. Then he dangerously smirks at me. He is wearing a black leathers jacket with no shirt on it. Undeniably sexy!

Nakita ko na siya. Saan nga ba?

Muntik ko ng matutop ang bibig ko ng maalala ko. Siya yung biglang sumulpot sa parke noon at naka-away ni Deus.

Sa pagkakatanda ko, nabanggit ni Satan na itong perfectly carved na demon na ito ay ang Prince of Greed at isinigaw din ni Deus ang pangalan nito.

Well, if you'll excuse my word, dahil lahat silang mga nakita at nakilala ko ng demon prince ay nasa beyond perfect pagdating sa pisikal na katangian.

"Mammon?" Mahinang bigkas ko.

"My Catriona." Anas niya na nagpatindig sa mga balahibo ko.

-------------- 2182 words -------------

Continue Reading

You'll Also Like

43.7K 1.4K 57
[COMPLETED]"Sige, let's play hide and seek. Pag nahanap kita, akin ka." -Crayon Arevallo.
132K 3.7K 49
A place where death is everywhere a girl who have a pure heart and a monster who killed and make people's life miserable what if they met it each oth...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
5K 97 10
A loving, obedient son to her mother, the Flademian Queen. A Perfect Prince. The Future King