The Sound of Silence

By endlesslaugh

478K 10.8K 1.1K

MUSIC BROUGHT THEM TOGETHER. Huling taon na ni Chord at ng kanyang banda sa CCPA. Konting tiyag... More

Intro
Track A
Verse 1: A Thousand Miles
Verse 2: Keep Holding On
Verse 3: If I Ain't Got You
Verse 4: Club Can't Handle Me
Verse 5: Forever And Always
Verse 6: Because of You
Verse 7: 1 2 3 4
Verse 8: Womanizer
Verse 9: Count On Me
Verse 10: You Are Not Alone
Verse 11: Close To You
Verse 12: All To Myself
Verse 13: Only Hope
Verse 14: Realize
Verse 15: We've Got Tonight
Verse 16: Two Is Better Than One
Verse 17: Thank You For The Music
Verse 19: It's My Life
Verse 20: To Be With You
Verse 21: I Won't Say (I'm In Love)
Verse 22: Cruisin'
Verse 23: Why Don't You Love Me?
Verse 24: Half Of My Heart
Verse 25: Terrified
Verse 26: How To Save A Life
Verse 27: Boyfriend
Verse 28: I Could Not Ask For More
Verse 29: Angel
Verse 30: All I Ask Of You
Verse 31: Misguided Ghosts
Verse 32: Can't Take My Eyes Off You
Verse 33: Don't Go Breaking My Heart
Verse 34: Good To You
Verse 35: Everybody Hurts
Verse 36: How Deep Is Your Love?
Verse 37: I'm Sorry
Track B
Verse 38: Brokenhearted
Verse 39: Nothing
Verse 40: Learn My Lesson
Verse 41: Over You
Verse 42: Celebrity Status
Verse 43: Cold As You
Verse 44: Fall Apart
Verse 45: All For Love
Verse 46: Forever and Always (Piano)
Verse 47: I Won't Give Up
Verse 48: Fix You
Verse 49: You Hear A Song
Verse 50: Beside You
Verse 51: Think Of You Later
Verse 52: Sad Song
Verse 53: Find Me
Verse 54: We'll Be A Dream
Outro
The Final Score
The Final Note

Verse 18: Beautiful Disaster

7.7K 191 16
By endlesslaugh

Chord

"Anong ginagawa mo dito?" Pagkakitang pagkakita niya pa lang sa mukha ko, umasim na agad ang itsura niya.

Wala pang bente-kwatro oras ang nakakalipas simula noong closing ng Foundation Week, pinuntahan ko na agad si Max sa bahay nila. Ilang beses namin siyang tinawagan kagabi, ni minsan hindi siya sumagot. Noong naging desperado na kami, tinawagan na namin yung home phone nila. Sa pangatlong try, may sumagot ng telepono at si Tito Mike ang nakausap naming tatlo. Posible ang tatluhan kung naka-loud speaker. Baka nagtataka lang kayo.

Sabi ni Tito Mike hindi raw maganda ang pakiramdam ni Max at tulog na. Tinanong pa nga niya kami kung kumusta raw ang performance namin na nangangahulugang hindi nagkwento si Max sa tatay niya. Sabay pa roon ang nag-aalalang boses niya. Kaya kinuwento namin ang nangyari. Tahimik lang si Tito sa buong pagkukwento namin at noong natapos na, tanging "I see," lang ang sinabi niya. Ibig sabihin merong something dito sa situation na ito. Hindi lang namin alam kung ano.

At kaya nga ako nandito ngayon sa harap ng bahay nila ay para malaman kung ano 'yon. At 'di ko na rin patatagalin 'to. Sana naman napag-isip-isip na niya na napaka-unreasonable niya para bumitaw ng wala man lang eksplanasyon.

Isa pa, kagabi, habang pinagmamasdan ko ang lumalayong pigura ni Max sa ulan, naramdaman ko uli ang betrayal na naramdaman ko noong natanggap ko ang text ni Geo. Si Geo, hinayaan ko. Pero si Max...

Hindi ko talaga siya pakakawalan. Hindi lang dahil sa kagustuhan ko kundi dahil na rin kay Jack at kay Iñigo. Sa Chaos Theory. Siya na talaga ang alas namin para masungkit ang kontrata sa mga sikat na record label sa bansa. Pero syempre hindi rin naman namin siya gagamitin lang. May goal lang talaga kami. And I hate to admit it, but I really do like her.

"Kumusta ka na?" Medyo naging concerned ako noong nakita ko yung mukha niya. Mukha kasing itinulog niya nang umiiyak. Kahit na gabi na, markang marka pa rin sa mukha niya ang pagod.

"Anong ginagawa mo dito?" inulit niya.

"Kailangan nating mag-usap."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sahig at nilagay ang mga kamay niya sa bewang niya. Sa stance niya pinapakita niya na siya ay matapang pero tinraydor siya ng kanyang balikat na mukhang naka-sag dahil siguro sa pagod. Finally, a chink in the armor. "Wala tayong dapat pag-usapan, Chord. Umuwi ka na."

Hindi ko siya pinakinggan at lumapit lang sa kanya. "Kumusta ka na?" tinanong ko ulit.

Yung mata niya, ang acidic ng tingin habang sinasabing, "Okay lang ako."

Nginitian ko lang siya. Sarcastically. "I don't think so."

"Chord? Please, wala ako sa mood na makipag-usap. Saka na lang, okay?"

Umiling ako. "Hindi. Ayoko ng next time. Masyadong maraming oras na ang nailaan mo sa pag-iisip, hanggang ngayon mag-iisip ka pa? Eh magiikot-ikot lang iyan sa utak mo hanggang sa makumbinsi mo ang sarili mo kung bakit hindi ka pwedeng kumanta. Isasara mo ang sarili mo sa aming lahat. I bet that's the reason why you don't have friends. Kasi konting silip lang nila sa buhay mo, lalayuan mo na sila." Nakita kong nag-flinch siya sa mga sinabi ko pero hindi pa ako tapos. Saka na lang ako maaawa sa kanya. "Sabihin mo nga sa akin, Max. Bakit ba sobra kang insecure sa boses mo?"

Just then, narinig ko ang sagot.

I want to sing it out to everybody.
What a joy, what a life, what a cha-

Bigla kong binaling ang atensyon ko sa TV na mukhang nag-automatic na nag-play dahil siguro matagal na itong naka-pause.

Doon, nakita ko ang isang batang babae na kamukhang kamukha ni Max, nasa harap ng stage, hawak ang mikropono at takot na takot na nakatingin sa audience habang tuloy-tuloy lang ang instrumental ng kinakanta niya. Tapos naging black na yung screen.

"Out," sabi niya.

"Max-"

"Labas," sinabi niya through clenched teeth.

Nakita ko iyon pero hindi ko pinansin. Masyadong abala ang isip ko sa pagpoproseso ng mga nakita ko kanina sa screen nila. Basta bigla na lang gumana lahat ng makina sa utak ko at gumawa agad ng assumption. "Nagkaroon ka ng trauma? Tapos hindi ka na kumanta?"

"Wala kang alam Chord kaya hindi mo maiintindihan."

"Edi ipaintindi mo sa akin."

Siya naman ang umiiling ngayon. "Umuwi ka na lang, kalimutang nakita mo iyon, at babalik tayo sa dati."

"Ayoko ng dati, Max. Lalo na't alam ko kung anong mga kaya mong gawin. Hindi mo ba nakikita kung gaano ka kaswerte sa talento mo? Bakit mo tinatago? Makikinig ako, Max at hindi ako aalis hangga't di mo ako kinakausap." Halos nagmamakaawa na ako sa kanya. Gusto kong maintindihan kung anong pinagdaanan niya kaya gumawa siya ng isang malaking pader sa harap niya para harangan lahat ng taong gustong makalapit sa kanya.

Umupo na siya sa sofa nila. At narinig ko ang isang sigh na lumabas mula sa mga labi niya. "Oo, trauma ang dahilan kung bakit hindi ako kumakanta," panimula niya. "Hindi mo alam kung anong pakiramdam, Chord. Kapag tinitingnan ka ng mga tao na parang isang malaking kasalanan ang magkamali. Kapag iiwan ka nila dahil lang doon. Because you're not good enough. And because you'll never be good enough for them. At kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, hindi mo na maibabalik yung mga nawala. At sa akin, simula noong araw na iyon," tinuro niya ang TV, "parang nawala na lahat.

"Maswerte ka, Chord. Kasi sa nakikita ko, blessed ka sa lahat. Ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, pati ang musika, nasa panig mo. Ako, tanging si Daddy at ang piano ko lang ang naging refuge ko."

"Mali ka," sabi ko agad noong natapos na siyang magsalita. Nakayuko na siya kanina at sa pagsasalita ko, inangat niya ang ulo niya at nagtama ang tingin namin. Kaya inulit ko. "Mali ka. Nandiyan ang Daddy mo, nandyan ang piano mo, oo. Pero nandito rin ako, si Iñigo at si Jack. At hindi dahil kabanda mo kami kundi dahil kaibigan mo rin kami. Nagsimula iyon noong tinanggap ka namin bilang isa sa amin. Kaibigan mo kami, Max."

Pinanood ko siya habang nagsi-sink in sa kanya ang mga sinabi ko tapos umupo ako sa tabi niya sa sofa. Nasabi ko na lahat ng sasabihin ko. Hahayaan ko muna siya sa sarili niyang mundo at bahala na siyang gumawa ng susunod na move. The ball's in her court.

"Thank you," mahina niyang sinabi pero narinig ko pa rin.

"So, babalik ka na sa banda?"

"Pag-iisipan ko muna," ang sagot niya.

"Hindi mo pag-iisipan, Max. Nagdadalawang-isip ka, oo. Kasi bahagyang gusto mo at bahagyang hindi mo gusto. Ang susundin mo lang naman ay kung anong nakakalamang sa dalawa. So what's it going to be?"

Tinigil niya ang paglalaro ng mga daliri niya at tumingin sa akin na para bang nakikita niya ako for the first time. "Kilala ba kita? Anong ginawa mo sa Chord na parang timang lang at panay kalokohan ang sinasabi sa akin? Bakit ngayon parang si Confucius na ang kaharap ko at bigla akong sinasabihan ng mga words of wisdom?"

"Oo o hindi." Pinili kong huwag pansinin yung Confucius comment niya.

"Gusto ko, Chord. Alam ng Diyos kung gaano kahirap ang umayaw na maging parte ng banda niyo. Lalo pa't napamahal na ako sa inyong tatlo-"

Ano raw? Napamahal? Sa aming tatlo?

Biglang nag-iba yung takbo ng utak ko noong narinig ko yung salitang "napamahal" kaso panira yung parteng "sa inyong tatlo." At bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Samantalang pawang mga salita lang iyon. Minsan may kwenta, minsan wala.

"-pero hindi ko kayang bumalik. Hindi ngayon dahil alam kong pakakantahin niyo ako."

Ayan na naman siya. Parang bumalik lang kami sa umpisa kaya nag-iba na naman ang mood ko. Frustrated na ako. "Ano bang kinatatakutan mo?"

"Yung totoo?" tinanong niya at lumambot yung puso ko habang nakikita ko siya, barely holding it together. Tumango lang ako at tinuloy niya ang sinasabi niya. "Natatakot ako na mangyari uli iyon. And this time, kapag nangyari iyon, pwede ring mawala sa akin ang tatlong taong naging mababait na kaibigan sa akin."

Ngayon naman naging touched na ako. Kung nandito lang yung dalawa, lalo na si Jack, panigurado yayakapin niya agad si Max at magdadrama sa harap naming lahat. At ang style na iyon ni Jack ay may certain appeal. Parang ang sarap gawin ngayon pero pandagdag lang iyon sa mga bagay na mas magpapakaba kay Max sa presensya ko.

"Nagtitiwala ka ba sa amin?"

Tumango siya.

"Kung ganon, magtiwala ka na sasamahan ka namin. Hihintayin namin hanggang sa kaya mo nang kumanta ng hindi matatakot na iiwan ka naming kapag nagkamali ka. We won't let you down."

Tumango uli siya.

"So... susubukan mo uli? Ang kumanta?"

"Susubukan ko," pagsang-ayon niya. "Pero magiging mahirap iyon."

Ngayon, kinuha ko yung kamay niya at pinisil ito. Para patunayan sa kanya na totoo ang mga nangyari ngayon. Na wala siyang dapat ikatakot dahil nandito lang kami. "Tutulungan ka namin."

Ngumiti siya. At tumalon ang puso ko sa tuwa noong nakita iyon. "Hindi ako sanay sa'yo kapag ganito ka. Nakakatakot. Ibalik mo na nga ang dating Chord."

"Basta ba ibabalik mo si Maxyn pero ngayon kasama na ang boses niya."

"Okay, sige." Humiwalay siya sa akin tapos umalis ng living room. Ewan ko kung anong nangyari at hindi siya agad bumalik pero noong bumalik siya, may hawak siyang pineapple juice tsaka banana cue. "Oh, bakit nandito ka pa?"

The attitude. Yep, bumalik na kami sa dati.

Max

Oo, nagsinungaling ako kay Chord. Pero what's a little white lie, right?

Kaso hindi siya white lie. Black lie siguro ang tawag doon sa sobrang laking pagsisinungaling ko na dahil lang sa trauma kaya ako nagsimulang magbalot ng cocoon sa sarili ko. Yung ibang sinabi ko kay Chord, totoo iyon. At anong ginhawa ang maramdaman ko noong nasabi ko. Sure, nasabi ko na iyon kay Iñigo pero iba yung situation kagabi. Mas may emosyon. Mas may pinaghuhugutan.

And finally, after 12 years, nagkaroon ako ng lakas para harapin ang mga kinatatakutan ko. Kasi kasama ko na ang Chaos Theory at tiwala ako sa sinabi ni Chord na nasa likod ko lang sila. Keri ko 'to.

Kayang kaya.

OHMIGOD, HINDI KO kaya 'to.

Kapapasok ko pa lang ng campus, naramdaman ko na ang lahat ng mata sa akin. Ang bilis kumalat ng chismis sa eskwelahang ito. Hindi naman lahat sila nanood nung closing ceremonies pero siguro, kung hahanapin ko sa Youtube, makikita ko yung video at maririnig ko yung boses namin ni Chord at panigurado magdadalawang-isip uli ako sa ginawa kong desisyon.

Nasaan ang paper bag na pantaklob sa mukha kapag kailangan mo nito?

Uuwi na ako. Bahala na kung magka-cutting ako. Wala akong pakialam. Mas maganda na iyon imbes na pagtiyagaan ang isang buong araw na ganito. Mas malala pa ito noong nalaman ng music department na member na ako ng Chaos Theory. Itong balitang ito, hindi lang music department ang nakakaalam kundi buong school. Yikes!

Umatras ako at akmang lalabas na ng school. Kaso may pumigil sa likod ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Chord na nakahawak sa mga balikat ko para itigil ang ginagawa ko.

"May naiwan ako sa bahay," paalam ko.

"Ano?"

Ano nga ba? Sinabi ko ang unang kasinungalingang lumabas sa bibig ko. "Music score."

"Meron sa library no'n," si Iñigo yung nagsalita. Bakit ba kasi lumalabas ang katalinuhan niya sa mga ganitong sitwasyon?

Tapos sinamahan ako nung tatlong unggoy papasok ng school. I swear kung hindi ko lang talaga sila kaibigan at kung hindi ko lang talaga sila mahal, tatakbo na ako palabas.

Comfortable namang maglakad habang kasama ko pa sila. Pero noong ako na lang mag-isa at wala na sila, natakot ako lalo na noong sinunggaban ako ng mga kaklase ko sa first class ko. Bilib raw sila sa akin dahil nagawa kong itago ang "golden voice" ko samantalang nag-aaral daw ako sa isang performing arts school. Ngumiti lang ako roon.

Mas lalo naman silang nagtaka dahil daw hindi ako kumakanta sa voice class gayong may ibubuga naman daw pala ako. Muli, ngumiti lang ako. Sabi nila sa sobrang ganda daw ng boses ko, lalo na kapag kasabay si Chord, lahat ng buhok sa katawan nila ay tumayo. At oo, kasama yung buhok sa ulo. At tama kayo, ngumiti lang ako. Sa sobrang ngiti ko, nahirapan na akong isara yung bibig ko noong nag-dismiss na.

Nakarating din yung balita sa professor ko ngayon sa Voice. Pagkatapos ng klase niya, pinanatili niya ako sa room at kinausap ako.

"I don't know how to start, Maxyn but I just want to say, it was a great leap you did last Friday. And I'm so happy you did it. Nagawa mo na ring maging confident para marinig ka," sabi niya sa akin.

Confident. Malayo sa confidence ang dahilan kung bakit ako kumanta noong Friday.

"Your mom would be so proud," mahina niyang sabi. At paglabas na paglabas noon sa bibig niya, nanigas na ako sa kinauupuan ko.

Hindi namin pinag-uusapan si Mama. Isang understanding na sa aming dalawa iyon ni Tita Mara. O sa madaling salita, ang babaeng nasa harap ko ngayon. Ang kapatid ng Mama ko. Hindi kami nag-uusap ng family matters sa school. Ginagawa namin iyon kapag nagre-reunion lang kami. Hindi sa school. Never sa school.

"Ma'am..."

"Tinawagan ko siya noong Biyernes at sinabi yung nangyari. Hindi man niya sinabi ng diretso, alam kong proud siya sa'yo."

I doubt that. Pero merong na-trigger sa curiosity ko na gusto kong itanong.

"Tita..."

Huwag mong itatanong, Max. Huwag.

"Anong sinabi niya?" Ang weak ko. Kahit ilang beses kong harangan lahat ng bagay na may relasyon sa kanya, sasalubungin ko pa rin with open arms. Masochist ata ako.

"That's good," ang sagot ni Tita.

Nakaupo lang ako doon at hinayaan ang katahimikang bumalot sa kwarto. Hindi nagtagal, tumayo na ako at lumapit sa professor ko-sa Tita ko- saka ko siya yinakap. Siya kasi ang pinakamalapit na mother figure sa buhay ko. "Thank you, Tita."

Yinakap niya rin ako saka pinakawalan. "Go and eat your lunch. See you later," sabi niya, balik sa professor mode. Kaya sinunod ko na lang siya at nagtungo na sa canteen.

Pagdating ko sa pinakahuling step ng hagdan at paliko papuntang canteen, may humarang sa akin. Si Arthur. Napatalon ako sa gulat hindi dahil sa biglang pagsulpot niya kundi dahil sa panaginip ko noong isang gabi kaya bigla akong napahawak sa leeg ko para proteksyunan ito.

"Hey," bati niya at medyo nag-relax ako dahil ngumiti siya. Paranoid lang ako.

"Hi," mahanging lumabas ang mga salita sa bibig ko.

"So... tuloy pa tayo sa Biyernes?" tanong niya patungkol sa nagawa kong pangako sa kanya.

Oo nga pala! Nakalimutan ko na. Sa dinami-rami ng tumatakbo sa utak ko ito pa ang nakalimutan ko. "Uhm..."

Napansin niya siguro ang hesitation ko kaya medyo nabawasan yung 100-watt smile niya. "Nakalimutan mo?"

"Uhm... kasi..." Ano ba 'yan! Nag-iisip na naman ako ng kasinungalingan. Pangalawag beses pa sa isang araw. Magiging masamang habit 'to eh. Nagsimula sa isa tapos ngayon dumarami na... "Masyado akong na-distract sa mga current events kaya medyo nakaligtaan ko na." Ayan. Hindi naman siya isang buong kasinungalingan. May hint of truth pa iyan.

Bumalik yung ngiti niya. Mukhang naniwala sa sinabi ko. "Speaking of current events, you were great out there."

"Thank you."

"So, tungkol sa Friday-"

'Di natapos ni Arthur ang sinasabi niya kasi biglang nagsalita si Chord sa likod niya, "Hindi siya pupunta."

Ibinaling ni Arthur ang atensyon niya kay Chord at yung ngiti niya ay tuluyan nang nawala. At nagkaroon lang sila ng isang stare down. Ano na naman ba ito?

Lord, pangako ko po hindi na ako magsisinungaling! Ang bilis kasi ng karma ko eh.

• • • • • • • • • • • •

interlude...

The songs in this story are copyrighted to the composers and singers who made them. Anything said otherwise are purely fictional.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 57.3K 103
(Finished) Stella Dominguez works during the day and goes to law school every night - well, after her law classes, she parties at clubs to have some...
55.6K 2.9K 33
It's always a normal day for Viennica to run around her auntie's cafe as a novice barista. She likes to think that she's good at brewing coffee, but...
421K 9.7K 54
Marami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibi...
421K 5.7K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...