The Lady in Shining Armor: Mo...

By imbethqui

138K 3.5K 1.1K

Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story... More

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo High
Author's note
Prologue
I. The New Kid
II. The Roommate
III. Black Day Friday
IV. The News
V. Suspecting Dawn
VI. Guilty Conscience
VIII. Let the Games Begin
IX. The Unexpected Hero
X. Challenged
XI. Escape part 1
XII. Escape part 2
XIII. Truth, Lies, Secrets and Weirdness
XIV. Let Me Give You A Heart Attack
XV. Cloudy
XVI. Switch Part 1
XVII. Switch Part 2
XVIII. Help
XIX. Problems
XX. Solutions
XXI. JS Prom Part 1
XXII. JS Prom Part 2
XXIII. JS Prom Part 3
A Note From Me To You
XXIV. Monday Mourning
XXV. A Helping Hand
XXVI. Missing Victims
XXVII. Lost and Found
XXVIII. Two Is Better Than One Part 1
XXIX. Two Is Better Than One Part 2
XXX. So Little Time
XXXI. Heart, Heart!
XXXII.The Smart Mouth and The Ice Queen
XXXIII. On The Move
XXXIV. Hesitations
XXXV. Fact or Bluff?
XXXVI. Campaign
XXXVII. Distance
XXXVIII. Miss Monte Carlo High 2015
XXXIX. One More Chance?
XL. The Tributes
XLI. Broken Hearts Part 1
XLII. Broken Hearts Part 2
XLIII. Surprise
XLIV. Espada
XLV. Level Up
XLVI. Last Dance
XLVII. Too Late
XLVIII. Divert
XLIX. The Sacrifice
L. Ice and Blood
Epilogue
What's Next?
Notice To All
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 1
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 2
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 3
The Lady in Shining Armor: Reed University
A Sad Note
not a sad note :)
Cast revamp

VII. Transformation

2.9K 75 7
By imbethqui

Media Box: Imaginary by Evanescence. 


***Dawn's POV***


"That's the most stupid question that came out of your mouth, Rachel." Hindi ako makapaniwala sa babaeng ito! Ano ba, naghahanap lang siya ng maituturo para may masisi siya sa pagkawala ni Anastacia?

"I know you know something! Baka naman ikaw ang may sala sa lahat ng killings sa school niyo at kaya ka lumipat dito dahil mahuhuli ka na nila doon?! Next thing we know, namamatay na rin ang mga estudyante ng Monte Carlo!"

Itinulak ko siya ng malakas at napasandal siya sa pader. "How dare you accuse me of that!" Nakatingin na sa amin ang lahat ng tao sa Cafeteria. Great. Ngayon, iniisip na nilang killer ako. Salamat sa 'yo, Rachel!

Tumayo siya at nakatayo na rin si Domingo sa tabi niya. "No one here knew why you transferred here in the last quarter of the school year. Sino'ng matinong estudyante ba ang gagawa ng ganoon, 'di ba?"


"Miss Rachel, please tone down. We don't know if it's really her..." Pag-awat ni Domingo.

"Hihintayin mo na lang ba na may mamatay din dito sa Monte Carlo bago ka maghinala?"

Tumayo na din ako at ininda ang sakit ng ulo ko. Hindi magandang kombinasyon ang paghaharap na ito at ang kundisyon ko. Inirapan ko siya at ikinuyom ang kamao ko. Nakita kong nanigas bigla si Domingo sa puwesto niya at mukhang alam na niya ang gagawin ko.

"Dawn, please. Miss Rachel's just upset..."

"Sabihin mo diyan, ayusin niya 'yong mga iniisip at sinasabi niya. Wala akong kinalaman sa mga nangyari sa dati kong eskwelahan at hindi ko kailangang magpaliwanag kahit kanino." 'Yon lang at umalis na ako ng Cafeteria. I badly need that medicine. The hell with that Rachel! Siya na nga ang inaalala, tapos kung anu-ano pa sasabihin sa akin! Crazy!

***


Agad kong tinungo ang study table ko pagpasok ko ng dorm room at uminom ng gamot. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at pumikit. Akala ko kapag lumipat na ako dito sa Monte Carlo High, tahimik ang magiging buhay ko. Tama yata si Mama sa sinabi niya sa akin noon.

"Anak, bakit hindi ka na lang dito mag-aral? Nandito kami ng Papa mo, at least, mas mababantayan ka namin. May magagandang eskwelahan dito na pwede mong pasukan."

"Ma, I'll miss the two of you badly, but I don't see myself living here for long. Nasa Pinas ang buhay ko."

"Okay, mukhang naging matigas na rin ang ulo mo pagkatapos ng therapy mo. I'll just call Rika and tell her to report to us everything that's happening to you there. Are you sure it's Monte Carlo High School you want to go to? Why not attend--"

"Mama...Okay na po ako sa Monte Carlo High School. Maganda raw po 'yong Dorm doon and the curriculum's almost the same as Sisters of Mary's."

"Bakit ba kasi kailangan mo pa'ng mag-dorm? Hindi ba maganda ang pakitungo ni Rika sa 'yo?"

"No, Ma. No. Tita Rika's the coolest Tita in the world and I love her friends as well. Kaya lang kasi she's too busy with work na halos hindi na kami nagkikita sa bahay. It's almost the same as living in a dorm. At least doon, ilang hakbang lang, school na. Hindi ako ma-la-late."

"You were never late. You never failed any of your classes, you never missed a class and you belonged to good student clubs and organizations in Sisters of Mary. I'm so proud of you, Dawn." Niyakap niya ako at alam ko nang tapos na ang debate.


Nagsimula akong magkaroon ng sunud-sunod na mga bangungot nang makita ko ang patay na katawan ni Jennifer sa classroom nila. Hindi ko makalimutan ang itsura niya at lagi kong nakikita ang imahe niya sa mga classroom at kapag may mga bagay na nakakapag-paalala sa akin ng pangyayaring iyon. Nako-kontrol ko na ang mga iyon, pinaalalahanan ako ng doktor na gumawa ng mga diversional activity kapag nakikita ko ang mga imahe na iyon.

Maayos na ang lahat nang may namatay na naman noong ikalawang taon ko sa high school.


Bilang miyembro ako ng Glee Club noon, inabot kami ng gabi sa ensayo namin para sa isang kumpetisyon sa makalawa. Dumaan muna ako sa restroom sa may gilid ng gym para umihi nang may marinig akong ingay sa loob.

"Ano po ba'ng kailangan niyo sa akin?" Takot na tanong ng isang estudyante. Sumilip ako sa loob at nakita ang estudyante at dalawang mama na naka-suit at naka-shades pa kahit gabi na. Mukhang hindi sila kilala ng estudyante at bakas sa mukha nito ang matinding takot. Hawak niya ang kanyang kanang braso at duguan ito.

"Parang-awa niyo na po, huwag niyo na po ako saktan. W-wala naman po akong atraso kahit kanino." Mas lumapit pa ang isang mama at sinakal ang estudyante gamit ang isang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong nagtago sa likod ng drum na basurahan at nagtakip ng bibig.

"Ta-ma...na...po..." Pag-ma-maka-awa ng estudyante. Iniangat siya ng mama at lumapit sa kanila 'yong isang nasa likod. Iniangat nito ang kamay niya at may hawak siyang malaking kutsilyo. Nakita ko ang sobrang gulat sa mukha ng estudyante na agad nawala nang hiwain siya sa tiyan noong pangalawang mama. Gusto kong tumakbo at humingi ng tulong ngunit alam kong wala na akong makikitang tao sa campus at malayo pa ang guard house dito. Isa pa, hindi na ako makakatakbo dahil nanlambot na ang mga tuhod ko sa takot.


Nagdasal na lang ako na sana may dumating na janitor o roving guard para matulungan nila ang estudyanteng iyon. Hiniwa pa ulit ng pangalawang mama ang estudyante sa tiyan at kitang-kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa katawan niya. Nagkulay pula na ang puting uniporme niya at umiiyak na rin siya sa sobrang takot at sakit na nararamdaman.

"P-please...po...Ta-ma na..." Imbis na tumigil, binigyan pa siya ng hiwa sa magkabila niyang binti. Napasigaw na ang estudyante, pero hindi sapat ang lakas noon para makatawag ng atensyon ng kung sinuman ang pwedeng dumaan dito ng ganitong oras. Naaawa na ako sa kanya. Kung may pwede lang akong gawin...kung malakas lang ako...

May dinukot sa bulsa niya ang mamang may hawak sa leeg ng estudyante-- isang Swiss knife! Tama na. Maawa na kayo sa kanya. Dahan-dahang hiniwaan ng mama ang estudyante sa braso nito-- mula sa balikat pababa sa kamay. Sigaw lang ng sigaw ang estudyante, pero parang bingi ang mundo para sa kanya. Ginawa ulit ito ng mama sa kabilang braso ng estudyante. Hindi pa ito nakuntento at pinadaan na din ang Swiss knife niya sa mukha ng kawawang bata-- sinimulan sa noo, pababa sa gilid ng tenga, sa pisngi at sa baba. Parang gusto niyang tanggalin ang mukha ng babaeng hawak niya.


Tinapik siya ng kasama niya at ibinaba na niya ang estudyante sa gilid ng pool. Akala ko iiwanan na nila ito ngunit mas matindi pa ang ginawa nila sa kanya noong sumunod-- sinaksak siya ng pangalawang mama sa katawan, paulit-ulit. Nakita ko ang pagtaas-baba ng katawan ng bata at tila hindi pa nakuntento ang unang mama sa ginawa nila dahil hiniwa pa niya ang leeg nito gamit ang kanyang duguang Swiss knife. Wala na siya. Nanlabo na ang mga mata ko sa kakaiyak.

Tumayo na ang pangalawang mama at kumuha ng lubid sa kalapit nilang upuan. Itinali nila iyong mabuti sa katawan ng estudyante, na parang makakagalaw pa siya, at ihinulog nila ito sa pool. Ilang saglit lang ang kinailangan para magkulay pula na rin ang tubig. Walang tunog na maririnig mula sa dalawang mama buong oras na ginawa nila iyon. Bigla akong natakot nang magsimula silang lumakad palayo sa pool. Mabuti na lang at sa back entrance sila lumabas na parang wala silang karumal-dumal na ginawa sa loob.


Hindi ko alam kung paano ako nakauwi noong gabing iyon. Basta ang alam ko, hindi nila alam na nandoon ako nang mangyari ang lahat. Hindi ako nakatulog magdamag. Para akong may PVR sa utak at replay ng replay ang mga nakita ko sa gym. Takot na takot ako. Tuwing sinusubukan kong matulog, mukha naman ni Jennifer ang nakikita ko. Ayokong istorbohin si Tita Rika sa kabilang kwarto, dahil alam kong pagod din siya sa trabaho niya. Pakiramdam ko, masisiraan na ako ng ulo.

Pagpasok ko kinabukasan, ramdam ko na ang takot at lungkot sa campus. Ganitong ganito ang itsura ng lahat noong isang taon. Nakita ng janitor ang katawan ng estudyante nang magpapalit na raw siya ng tubig sa pool. Agad silang tumawag ng pulisya at ambulansya. Isinara pansamantala ang gym habang nag-iimbestiga ang mga pulis. Taon-taon na lang bang ganito? Lutang ako buong araw at wala ako sa sarili ko.



"I suggest her to seek medical assistance, ma'am." Kausap ng school nurse namin si Tita Rika. Ipinatawag na nila ang guardian ko nang magsisigaw na naman daw ako sa klase. Hindi ko mapigilan ang pagtakbo ng mga imahe nila Jennifer at Nina sa utak ko. Hindi ko mapigilan iyon dahil lahat ng tao ay iyon ang pinag-uusapan. Hindi gumana ang mga diversional activity ko at sa clinic ako naipadala dahil doon.

Sinabi ng doktor na kailangan kong mag-undergo ng psychiatric therapies and counseling sessions. Ginawa ko iyon lahat sa loob ng tatlong buwan at sakto naman na simula na ng Junior year ko nang matapos iyon. Naging maayos ang lahat noong unang apat na buwan nang may nangyari na naman na ikina-trigger ng anxiety attack ko.



May sleep over ang mga kaibigan ni Tita Rika sa amin at napagdesisyunan nilang manood ng nakakatakot na palabas. Nagbabasa ako ng libro noon sa kwarto ko nang makaramdam ako ng uhaw. Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng tubig sa kusina, na katapat lang ng sala kung nasaan silang lahat. Napatingin lang ako sa TV at napagtantong nanonood sila ng SAW. BAM! Lahat ng imahe bumalik sa isip ko-- ang nakabigting katawan ni Jennifer at ang pagkamatay ni Nina.

Nabitawan ko ang baso ng tubig at nagsisigaw na naman ako. Nataranta silang lahat sa nangyari. Hinatak ako nila Tito Jake at Tita Lacey palayo sa mga bubog sa sahig. Dinala nila ako sa ospital at pinayuhan doon na magpalipas ng gabi. Sunod na naalala ko ay kausap ko na si Mama sa telepono at alalang-alala sila ni Papa. Sinabi nilang pumunta ako ng Amerika at mag-bakasyon.



"Vacation in the start of the school year? No way, Ma."

"It's for your health, hija. We can't afford to risk your health dahil ayaw mong ma-miss ang school. Please, Dawn..."

"Alright, alright." Pagsuko ko. Ayoko na rin kasing abalahin pa si Tita tuwing inaatake ako sa school o sa bahay.

Isang buwan at kalahati rin ako sa Amerika, kung saan nandoon ang isang branch ng Cafe business namin at doon din nakatira ang mga magulang ko. Apat na oras kada araw at tatlong beses sa isang linggo ang punta ko sa ospital. I did their therapeutical activities and underwent counceling with their resident psychiatrist. Other than that, I spent my days at home-- reading, watching TV and surfing the internet.

"Make friends."

"Bakit pa? Aalis din naman ako."

"Pwede namang hindi na."

"Mama..."

"There are kids your age around the corner--"

"I'm not interested, Ma. I have friends in the Philippines and I will go back to them."

Wala nga akong naging kaibigan doon, naging suki naman ako ng mga teen gangsters sa lugar namin. Nilalakad ko lang ang ospital mula sa amin at lagi akong dumadaan sa isang eskinita para makapunta sa main street. At doon nakatambay ang mga gangster na iyon.


"Hey, newbie." Isang puting bata ang tumawag sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad.

"Feisty! I like that." May humatak sa likod ko at doon ako unang nakatikim ng pambubugbog. Pareho lang ang nangyari sa loob ng mga sumunod na araw hanggang sa nag-desisyon akong mag-enrol sa isang self-defense training. Nag-alala ang mga magulang ko noong una, pero sinabi kong kung gusto pa nila akong mabuhay ng matagal, kailangan kong gawin iyon.

I learned to be stronger and more aggressive. I learned to believe in myself more and I was able to adapt to the LA environment. Nawala na ang dating ako. Natuto akong ipagtanggol ang sarili ko at lumaban. The next thing I knew, I was hanging out with those teen gangsters.

I went back to the Philippines after months of recreating myself and I transferred to Monte Carlo High School. Kung mag-i-stay pa raw kasi ako sa Sisters of Mary, mas malaki ang posibilidad na bumalik ulit ang anxiety attacks ko. Binigyan na lang ako ng gamot kung sakaling atakhin akong muli ng sakit ko.


"Kung bakit kasi dito ka pa nag-transfer!" Rinig kong sigaw ni Rachel papasok niya sa kwarto namin. Inirapan ko lang siya at natulog nang may unan na nakatakip sa ulo ko.


---edited 06.26.20

Continue Reading

You'll Also Like

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
18.2K 672 38
Season 1 In the world of mafias, Tyler Tetsuo and Ace Villegas stand fierce as wolves, but not when it comes to Jenna Del Valle; they transform into...
158K 4.3K 58
It is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but bein...
178K 4.2K 56
Bella isn't a trouble maker. She just wanted to be alone and not bothered by anyone but people just really like to get on her nerves that is why she'...