Immortal City

By Kokonoze

650K 19.2K 3K

They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen... More

Immortal City
Note
01 - Cenon Thanh
02 - Kaven Slade
03 - Zairus Demafelix
04 - Lucienne Starr
05 - Xaniel Velasco
06 - Celestine Demafelix
07 - Drake Parker
08 - Julien Ruiz
09 - Kaoru del Valle
10 - Ione Alcazaein
11 - Riley Avena
12 - Van Veridiano
13 - Luna White
Prologue
Chapter 01
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Character Design
Special Chapter: The Moon and the Fireworks
Special Chapter: Tale of Hers
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 02

13.8K 370 61
By Kokonoze

Chapter 02
Class III-D


"Kuya, hindi ka ba kakain?" tanong ko kay Kuya Zairus dahil kakaiba ang ikinikilos niya ngayon.

Maaga siyang gumising hindi gaya ng dati. Isa pa, napakatahimik niya ngayon at mukhang may bumabagabag sa isipan niya.

"Ikaw nalang, wala akong gana," sabi niya.

Pareho kaming hindi nakatulog ni Kuya Zairus. Nang makauwi kami kanina 12:47 a.m. na, at 6:39 a.m. na ngayon. Lunes ngayong araw at required pa rin pumasok ang mga napuyat kagabi dahil sa extracurricular activities. Kauumpisa palang ng school year pero ang dami na kaagad ginagawa.

Kadalasan hindi na pumapasok si Kuya Zairus ng ganitong araw kapag sobra siyang napagod. Pero ngayon bigla nalang siyang nagbago.

"Kuya, anong date ngayon?" tanong ko.

Nakasanayan ko na araw-araw kong itinatanong kay Kuya Zairus ang petsa dahil lagi kong nakakalimutan sa school. Ni-minsan kasi ay hindi pa nagkamali si Kuya ng sagot tuwing tinatanong ko siya kaya naman ngayon ay sa kanya na ako nakadepende.

"H-Huh?" ganyan siya kanina pa. Nauutal at hindi makapag salita ng maayos. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

"'Yung date ngayon, tinatanong ko."

"A-Ahh, June s-six. June six, two thousand sixteen." Bigla nalang akong kinilabutan nang banggitin niya ang date ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko biglang lumakas ang hangin at nanlamig ang katawan ko.

Strange.

'Di rin naman nagtagal ay umalis na kami ng bahay at sumakay sa bus papuntang school. Kakaiba talaga ngayon ang ikinikilos ni Kuya Zairus. Hawak niya ang kamay ko simula pa nang lumabas kami ng bahay. Hindi naman niya ako hinahawakan sa kamay dati kahit pa lagi kaming sabay pumasok at umuwi.

"Kuya, bakit ayaw mong bitawan ang kamay ko?"

"H-Ha?" Ayan na naman siya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi siya mapakali at wala sa sarili.

"Sabi ko 'yung kamay ko, ayaw mong bitawan. Bakit?" tanong ko ulit sa kanya. "May problema ba?"

"Mabuti na 'yung sigurado." Hindi ko na sana siya tatanungin pa pero may idinagdag pa siya sa sinabi niya. "Hindi ko na alam ang mangyayari, Celestine, kaya gusto kitang protektahan."

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo na alam ang mangyayari? Bakit? Dati alam mo ba?" sunod-sunod kong tanong na hindi naman niya sinagot kahit isa. "Huy! Kuya! Ano nga kasi 'yon?"

"Wala. Tumahimik ka nalang."

Wala naman akong magagawa kapag ayaw niya talaga kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya at nanahimik ako hanggang makarating kami sa school. Kahit sa loob ng school, ayaw pa rin bitawan ni Kuya ang kamay ko. Medyo naiilang na ako dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nakakakita. Marami-rami rin kasi ang nakakakilala kay Kuya dahil siya ang top one sa Immortal City.

Lagi ko naman siyang nakakasama at hindi ko siya nakita kailanman na nag-aral kaya hindi ko maintindihan kung paano siya nagiging top one. Oo aminado akong matalino si Kuya pero hindi kasi talaga siya nag-aaral sa bahay. Tinignan ko rin ang bag niya pero kahit isang notebook wala siyang dala. Isang ballpen at longpad lang ang nasa loob ng bag niya at wala pang notes na nakasulat doon. Hindi naman pwedeng saulo niya lahat ng idini-discuss ng teacher. Imposible naman yata 'yon.

"Anong iniisip mo?" nagulat ako nang biglang magsalita si Kuya Zairus.

"W-Wala naman."

"Nasa tapat na tayo ng room niyo. Hindi ka pa ba papasok?"

Napatingin ako sa paligid. Oo nga, nasa tapat na nga kami ng room ko. Hindi ko man lang napansin.

"Sige, papasok na ko." Tumango lang si Kuya at umalis na rin.

Class III-D ang section ko. Ang second to the last section. Hindi naman kasi ako gano'n katalino. Ang III-A lang kasi talaga ang pina-prioritize na section dahil doon natipon ang matatalino at mga may-kaya. 'Yon din ang section ni Kuya Zairus. Si Kuya ang top one nila at si Kuya rin ang top one overall.

Isa akong proud na kapatid.

"Uy weird eyes! Paturo naman ako sa kuya mo," sabi ng isa kong kaklase nang salubungin niya ako mula sa pinto ng room.

No. Hindi nila ako binu-bully.

Talagang 'yon ang tawag nila sa'kin at tanggap ko na rin. Ang weird daw kasi ng mga mata ko at totoo naman dahil sino lang ba ang may pulang mata sa mundo?

"May inaasikaso kasi si Kuya ngayon," sagot ko, "hindi ko alam kung pwede ba siya."

Nagsinungaling nalang ako dahil hindi si Kuya 'yung tipo ng lalake na nagtuturo. Mas gugustuhin pa yata niyang matulog kaysa magturo.

"Gano'n ba? Sayang naman, ang pogi pa naman ng kuya mo. Ang swerte siguro maging kapatid niya, 'no? Matalino na, gwapo pa!"

"Ah. Oo." Nginitian ko nalang siya.

Hindi ko kasi magawang makipagusap sa kanila kapag sinasabi nilang gusto nila ang kuya ko at nagwa-gwapuhan sila sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at pakiramdam ko namumula ako kaya umiiwas ako sa gano'ng usapan.

Pumunta na ako sa desk ko saka ako umupo. Katabi ko lang si Luna sa kaliwa ko at nasa pangalawang hanay ang desk namin. Malapit sa bintana ang pwesto ni Luna kaya madalas kong makita ang repleksyon niya sa tuwing tumitingin ako sa may bintana.

"Nakatingin na naman siya sa'yo," biglang sabi ni Luna sa'kin.

"Sino ba kasi 'yung tinutukoy mo?"

"Celestine, bulag ako. Ngayon sabihin mo, paano ko malalaman kung sino?"

"Nagawa mo ngang malaman na may nakatingin sa'kin, e. Ibig sabihin, posible ring malaman mo kung sino."

"Hoy babae, malakas lang ang pakiramdam ko pero kahit na ganon hindi pa rin sapat 'yon para malaman ko kung sino."

"Ano ba 'yan."

Paano ko kaya malalaman kung sino 'yon? Nakakailang tuloy gumalaw ngayong alam kong may nagmamasid sa akin.

"Class!" tawag ni Rina, ang class president namin. "Tahimik! Wala tayong teacher ngayon dahil may biglaang meeting!"

Imbis na tumahimik ay mas lalong umingay ang mga kaklase ko.

"Hindi nga, Pres? Totoo?" tanong ng isa kong kaklase, si Ione Alcazaein. Isa sa pinakamaingay sa mga babae.

"Oo, Ione, kaya 'wag na kayong maingay."

"Waaah! Walang teacher!" Oh, 'di ba? Kakasabi lang na 'wag maingay pero sumigaw pa siya.

Napatingin si Class President sa may likuran.

"Kaoru!" sigaw ni Rina. "Ikaw na naman ang pasimuno ng ingay diyan sa hanay niyo!"

Kaoru? Kaoru del Valle? 'Yung kaklase namin na sinasabi nilang magulo? Kapag nagpapasa ng test papers, lagi ko siyang nakikita kapag lumilingon ako dahil kahanay ko siya. Pero bakit sa tuwing tinitignan ko siya laging seryoso ang mukha niya?

"Pres naman, ang bait-bait ko kaya!" sabi ni Kaoru.

Masigla ang tono ng pananalita niya pero bakit hindi ko makita 'yung sigla sa mukha niya? Bigla siyang napatingin sa'kin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang nakita kong naging pula ang mga mata niya? Nagulat ako nang magtapat ang mga mata namin.

Nakakahiya!

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at ngayon ay napaka seryoso ng tingin niya sa'kin.

"Celestine, pakuha naman ng ballpen ko. Nahulog kasi, e. Hindi ko makapa." Nabaling ang atensyon ko kay Luna na nagpapatulong kumuha ng ballpen niya.

Mabuti nalang at tinawag niya ako, kung hindi baka magkatitigan pa rin kami ni Kaoru. Nilingon ko ulit siya saglit at nakita kong hindi na siya nakatingin sa'kin.

"Nga pala, Celestine," panimula ni Luna.

"Oh?"

"Kani-kanina lang, hindi na siya nakatingin sa'yo."


* * *


Pangatlong subject na namin ngayon at wala pa ring teacher. Gaano katagal ba ang meeting nila? Siguro 'yung iba nasasayahan pero ako kasi hindi. Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa nagmamasid sa'kin. Sabi kasi ni Luna nakatingin na ulit sa'kin kung sino man 'yung kaklase kong 'yon. Naiilang na talaga ako. Teka, hindi kaya niloloko lang ako ni Luna? Baka naman wala talagang nakatingin sa'kin?

"Luna, nagsasabi ka ba ng totoo sa'kin?" tanong ko sa kanya. "May nakatingin ba talaga sa'kin o wala?"

"Celestine, sa ilang taon nating pagkakaibigan ngayon pa ba ako magsisinungaling sa'yo?"

"Kasi baka niloloko mo lang ako. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil lang sa sinabi mo!"

"Kasalanan ko pang sinabi ko sa'yo 'yon? Paano pala kung may masamang intensyon 'yung nakatingin sa'yo tapos hindi mo alam? E 'di napahamak ka?"

"Oo na. Kinonsensya mo pa ko."

Tinignan ko nalang si Rina na class president namin at 'yung kausap niya sa may pinto na estudyanteng galing III-A. Sa palagay ko may ipapagawa sa amin 'yung third subject teacher namin. Mukha kasing nagbibigay ng instructions 'yung student from III-A.

Natapos na silang mag-usap at pumunta na sa unahan si Rina.

"Classmates! Tahimik muna!" sigaw niya.

"Pres! Ikaw 'yung maingay!" sigaw ng classmate ko na nasa likod.

Kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Kaoru 'yon. Nagtawanan ang lahat pati na rin si Rina at tanging ako lang ang walang reaksyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natawa sa sinabi niya.

"Pero seryoso na guys. May pinapagawa kasi si Sir Hanazawa. Ito 'yung instructions, write at least three paragraphs about your thoughts regarding our school, Immortal City. Sa long pad isusulat at ipapasa 'yan after 30 minutes. Dapat on time. Any questions? Please raise your hand kung may tanong."

Ibinoto si Rina ng mga kaklase ko bilang presidente dahil sa teacher-like niyang ugali. Halata naman sa pananalita niya. Napaka responsable.

"Wala bang magtatanong?"

Absent-mindedly akong napalingon dahil pakiramdam ko ay may magtataas ng kamay mula sa likuran. Hindi nga ako nagkamali. May nagtaas nga ng kamay.

"What's your question?"

"A-Ano kasi... paano ko ba 'to sasabihin? Uhm, ganito kasi 'yan... A-Ano nga ulit gagawin, Pres?" tanong ni Kaoru sabay ngiti na pa-inosente. Napabuntong-hininga nalang si Rina dahil sa kanya.

"Ione, paki-explain nalang sa mabait mong seatmate ang gagawin," sabi ni President.

"Ha? May gagawin ba, Pres? Hala, ano 'yon? Ang daya bakit hindi ko alam?" Isa pa pala itong si Ione. Magkaibigan nga sila ni Kaoru.

Nagtawanan ulit ang ibang kaklase ko na nakasubaybay sa pag-uusap nila at mayroon din namang iba na nagsisimula na sa gagawin.

Kumuha na ako ng ballpen at long pad saka sinulat ang pangalan at section ko.

Thoughts about Immortal City?

Ang alam ko lang, walang nakakapansin sa school namin. Okay naman ang school namin kung tutuusin. Sa katunayan nga, masyadong malaki ang school namin para sa iilang estudyanteng nag-aaral dito. Hindi naman kami private school pero gaya nga ng sinabi ko, walang nakakapansin sa Immortal City. Nakakalungkot lang dahil maayos naman ang pagpapatakbo sa paaralan na 'to pero mukhang hindi napapansin ng publiko.

Naisip ko na dati na baka dahil sa pangalan ng school namin kaya hindi ito kilala. Para naman kasing hindi bagay na pangalan ang Immortal City para sa isang school. Bihira akong makarinig ng estudyante na gustong lumipat dito at mag-aral. Para ngang walang ibang nakakaalam na may Immortal City palang nag-eexist at isa pala itong school.

Sakto namang thirty minutes nang matapos ako at gaya ng sinabi ni Class President, dapat namin ipasa on time. Lumingon na ako para kunin ang mga papel ng hanay ko.

Laging ang papel ni Kaoru ang nasa harapan sa tuwing kukunin ko na ang papel nila kahit pa nasa pinakadulo siya. Ugali na yata ng mga estudyante na ilagay ang papel nila sa likod para hindi makita agad ng teacher. Hindi ko na dapat titignan pa ang gawa niya kaya lang hindi ko maiwasang mapansin ang nakasulat.


Kaoru del Valle
III-D

School name is lame.
Few students.
Nothing new.


Ayon ang nakasulat sa papel niya. Sa pagkakatanda ko ay tatlong paragraph ang isusulat hindi tatlong phrase. Tatakpan ko na sana ang papel niya ng papel ko nang may makita akong nakasulat sa bandang ilalim ng paper niya.


Why were you staring at me?


Agad akong napatingin sa kanya nang mabasa ko 'yon.

Wrong move.

Nakatingin pala siya sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
132K 14.5K 98
Embark in a virtual journey that is full of wonders along with the frightening existence of spirit beasts. Awesome character sets? Nah we have spiri...
275K 20.9K 57
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
304K 21.1K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...