Mr. and Mrs. Gangster Boss

By zynxie_yumi

1.6M 25.6K 1.4K

[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala s... More

Mr. and Mrs. Gangster Boss
Chapter 1: Ang Emperor at ang Pinuno
Chapter 2: Questions and Suspicions
Chapter 3: You're Dead!
Chapter 4: Goodbye Ezekiel
Chapter 5: I Don't Want You!
Chapter 6: The Tales of the Past
Chapter 7: The Truth
Chapter 8: Annulment (Part 1)
Chapter 8: Annulment (Part 2)
Chapter 9: Meet the BPS and Nine Flowers (Part 1)
Chapter 9: Meet the BPS and Nine Flowers (Part 2)
Chapter 10: The Reunion (Part 1)
Chapter 10: The Reunion (Part 2)
Chapter 10: The Reunion (Part 3)
Chapter 10: The Reunion (Part 4)
Chapter 11: Falling Tears
Chapter 12: I Hate You
Chapter 13: Her Hottest Distraction
Chapter 14: Observant Bastard
Chapter 15: Daddy is Bleeding!!!
Chapter 16: The Pierce Simmons Style
Chapter 17: Goodbye Athena
Chapter 18: His Story
Chapter 19: Pierce's Story
Chapter 20: Eliza Marrie Ricafort
Chapter 21: His Straggling Heart
Chapter 22: The Escape
Chapter 23: Way Back Into Love
Chapter 24: Forty Seven
Chapter 25: Mysteries
Chapter 26: Guardian Angel
Chapter 27: The Vault
Chapter 28: The Blazing Fire
Chapter 29: Zachary David
Chapter 30: Is It Real?
Chapter 32: It Ends Here
Chapter 33: After Two Years
Chapter 34: Got to Believe
Chapter 35: Happy Birthday
Chapter 36: Endlessly
Chapter 37: Back to Normal
Chapter 38: Memories
Chapter 39: Renewal of Vows
Epilogue
LAST AUTHOR'S NOTE
Random Facts & Announcements
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 31: The Introductory Party

28.5K 436 12
By zynxie_yumi

Athena's POV

Nakatingin lang ako sa function hall na pagaganapan ng Introductory Party ko bilang pinuno ng BPS. Kitang-kita ko ang pagiging abala ng lahat sa hall.

Maya-maya lang ay magsisidatingan na ang mga bisita at magaganap na ang pangyayaring magtatakda sa kapalaran ng dalawang grupo.

Bago kami makarating dito, inayos ko muna ang lahat ng dapat ayusin para maging matagumpay ang gabing ito.

Hindi lang para sa akin at sa BPS. Ang lahat ng ito ay para na rin sa ikapapayapa ng buong Nine Flowers at ng mga bumubuo sa mga grupo namin.

FLASHBACK
A few hours ago sa BPS Headquarters

Pinatawag ko ang lahat ng miyembro ng BPS para sa isang mahalagang pagpupulong. Hindi sila sanay na nagpapatawag ako ng meeting pero kinailangan ko tong gawin para masigurong magiging maayos ang lahat para bukas.

"Gusto kong maghanda kayo ng mga armas para bukas." Saad ko sa kanila.

Napakunot ang noo nilang lahat.

"Bakit pinuno? Sigurado naman kaming magiging ligtas ang pagtitipon bukas. Bakit kailangan pa naming magdala ng armas?" Takang tanong ni Krizza.

"Mabuti na yung sigurado tayo. Ayokong magpakasiguro dahil mamaya malusutan tayo." Tinignan ko ang mga miyembro ng grupo na nagdadalang-tao. "Yung mga buntis diyan ay hindi maaring dumalo sa nasabing pagtitipon."

Nagkatinginan sa isa't-isa ang mga babae.

Hindi ko naman maiwasang pangaralan ang sarili ko sa isip ko. Ang lakas ng loob kong pagbawalan ang mga buntis pero isa ako sa mga buntis sa grupo.

"Ynares, gusto kong maghanda ka ng emergency escape plan. Kailangan ko yun mamaya sa huling meeting na gaganapin sa kwarto sa function hall ng venue." Tumango naman si Ynares.

"Amarie, gusto kong gawan mo ng paraan na makapasok ang zodiacs sa venue nang hindi nahahalata ng mga bisita." Napakunot ang noo ni Amarie.

"Pero pinuno, kilala ng lahat ang miyembro ng Nine Flowers. Mahihirapan akong papasukin silang lahat." Naisip ko na rin yan pero alam kong magagawan niya ng paraan iyon.

"Kaya mo yan Amarie. May tiwala ako sayo." Binalingan ko ng tingin si Paige. "Paige, gusto kong ihanda mo ang mga sasakyang gagamitin. The faster, the better."

Kitang-kita ko na ang kaguluhan sa mga mukha nila. I am instructing them and yet they don't know what are the real plans.

"Sa iba, manatili kayo sa loob ng function hall at bantayan ang mga preparasyon para sa pagtitipon."

Matapos kong ipaalam sa kanila ang dapat nilang gawin, iniwan ko sila sa conference room.

END OF FLASHBACK

Napabuntong-hininga ako at nilapitan ang side table ng kwartong kinalalagyan ko. Kinuha ko doon ang isang pistol.

Ibinigay ni Andrew sa akin ang baril na ito dahil hindi siya makakarating sa pagtitipong ito dahil may ibang iniutos sa kanya si ZD.

FLASHBACK
One hour after the meeting of BPS

Ang seryosong mukha ni Andrew at ZD ang nadatnan ko sa loob ng King's Cafe. Nakadisguise si Andrew. Nakasuot siya ng isang leather jacket, shades at maong pants.

Hindi ko alam kung disguise pang matatawag yan lalo na at kahit sa malayo, nakikilala ko siya.

Nilapitan ko ang mesa nilang dalawa at agad kong napansin ang pagtaas ng kilay nilang dalawa.

Anong problema nang dalawang to?

"May problema ba miss?" Tanong ni ZD sa akin. Napakunot naman ang noo ko kasabay ng pagtaas ng isang kilay ko.

Mataman lang na nakatingin sa akin si Andrew. Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Seriously? Ganyan ba ang pagsalubong sa akin?" Inis na wika ko sa kanila.

Nanlaki naman ang mga mata nilang dalawa. "Athena?" Gulat na tanong ni Andrew.

"Unless may iba pa kayong hinihintay? Malamang ako to! What happened to you guys?"

"Uh-uhm, you just look ... You look gorgeous my!" Amaze na amaze na wika ni Andrew.

"Nagpaiksi lang ako ng buhok hindi mo na ako nakilala? Asawa ba talaga kita?"

Pinaupo niya muna ako sa upuan sa tabi niya. "Ikaw naman my. Natulala lang ako dahil ibang klase ang ganda mo." Umiling na lang ako sa pinagsasasabi ng lalakeng to. "Nga pala, eto na yung mangga mo. Galing pang Guimaras yan."

Inabot ni Andrew ang isang supot ng mangga. Natakam naman ako agad nang maamoy ko ang mangga. Amoy pa lang alam ko ng matamis ang manggang nabili ni Andrew.

"Thanks dy!" I gave a him a quick peck on his lips. Simple reward what he did.

"Tss. Tama na nga yang lambingan niyo." Mataman akong tinignan ni ZD. "Ano na? Bakit mo kami pinatawag?"

Inilapag ko sa mesa ang isang blueprint. "Pag-aralan niyo yan. Kakailanganin niyo yan para makatakas agad."

Binuklat ni Andrew ang nilapag kong blueprint. Pinag-aralan nila ang lugar.

"At isa pa ..." Nilabas ko ang isang envelope. " ... Eto ang listahan nang mga grupong imbitado sa party. Gusto kong malaman kung may alam kayo patungkol sa mga grupong to."

Binuksan ni ZD ang envelope at binasa ang mga pangalan ng grupong nakalagay doon. Inisa-isa namin ang mga bagay na nalalaman namin patungkol sa bawat grupo.

Kakailanganin ko ang mga bagay na malalaman ko para sa plano ko.

Matapos naming pag-usapan ang mga bagay-bagay. Inabot sa akin ni Andrew ang isang libro. Nasa sasakyan na ako ng maisipan kong buksan ang librong inabot niya. Laking gulat ko nang makita ko ang isang baril.

END OF FLASHBACK

"Pinuno, oras na po." Tumango ako kay Paige.

Kinuha ko ang baril na binigay ni Andrew at nilagay sa purse na hawak ko. Lumabas ako at hinanda ang sarili ko sa lahat ng mangyayari.

Third Person POV

Isa-isa nang pumapasok ang lahat ng inimbitahan ng BPS para sa party. Hindi magkumahog ang mga imbitado sa pakikipag-usap sa isa't-isa habang hindi pa pormal na nagsisimula ang programa para sa gabing iyon.

Samantalang sa kusina naman naghihintay ang Zodiacs ng pagkakataon para makapasok.

"Pre, ang gwapo ko talaga." Nakatitig sa isang siyanse si Gemini habang inaayos ang toque na nasa ulo niya.

"Gago. Buhat pa sariling bangko." Naiiling na saad ni James habang inaayos ang bow tie niya.

"Mga sira ulo. Bakit ba sa akin napunta to?" Angal ni Klein. "Mga walang hiya kayo. Ako pa na model, ako ang naka janitor uniform."

"Angal pa bagay ka naman diyan." Biro ni Charles kay Klein.

"Mga pugo. Puro kayo dakdak. Yung misyon na pinapagawa ni boss."Steve

Nakatitig lang si Amarie sa kanila habang nagkekwentuhan sila. Hindi pa rin nagbabago ang mga lalakeng to. Pitong taon na silang magkakakilala pero para pa rin silang mga bata kung umasta.

"Guys, pasok na tayo." Binigay na ni Amarie ang mga coats na susuotin nila.

Napatakip ng mata ni Amarie nang walang hiyang naghubad ang mga lalake sa harap niya. "Guys naman! Bakit hindi niyo muna ako pinalabas?"

"James, magbihis ka sa harap ng girlfriend mo nang hindi tumingin sa amin." Pang-aasar ni Dane.

Agad namang tumalima si James. Nakangising lumapit siya kay Amarie kahit na nakatakip ang mga mata nito at sa harap mismo nito nagbihis.

"Sige babe. Lagyan pa ng suwang yang kamay mo. Busog ka na ba sa abs ko?" Tanong ni James kay Amarie.

"Gago!" Sigaw ni Amarie sa kasintahan tsaka patakbong lumabas ng kusina.

"Langya pre, lakas ng tama ng jowa mo sayo." Klein

"Wala eh. Gwapo." Sagot ni James.

"Ang sabihin mo, mahangin masyado. Haha!" Dane

Sabay-sabay na pumasok sa function hall ang Zodiacs. Hindi maipagkakailang kilala silang grupo dahil pagkapasok na pagkapasok pa lang nila, umani na agad sila ng atensyon mula sa mga bisita.

Samantalang abala sa pagchecheck ng CCTV footage si Krizza, Ei Ra at Thalia. Lahat ng pwedeng maging entrance at exit ay tinitignan nila. Binabantayan din nila ang mga taong labas pasok sa mismong hotel.

Napakunot ang noo ni Krizza nang may mapansing kakaiba sa screen.

"This is weird." Tinuro ni Krizza ang limang tao na nakabull cap at nakahooded na jacket na kakapasok lamang ng hotel.

Napatingin din naman sina Ei Ra at Thalia. "Anong weird diyan? Umuulan sa labas kaya malamang nagsumbrero at nkajacket sila." Sagot ni Thalia.

"Pero ang magshades ng disoras ng gabi? Sa loob ng isang establishment? May toyo lang sa utak ang gagawa nun." Sagot ni Krizza.

"Eh malay niyo ba kung fashionista yang pamilyang yan." Sagot ni Thalia.

Hindi nagsasalita si Ei Ra dahil pilit niyang inaalala kung sino ang mga iyon dahil namumukhaan niya ang mga ito.

'Saan ko nga ba sila nakita?' Tanong ni Ei Ra sa sarili habang pilit na inaalala kung saan niya nakita ang mga tinuro ng mga kasama sa screen.

Pumasok naman sa silid na kinaroroonan nila si Richelle. "Sabi ni pinuno, bantayan niyo daw yung parking area kung saan nakapark yung mga sasakyan natin. Siguraduhin niyo daw na walang sasakyang mabubulilyaso."

Dinako nila ang paningin sa monitor kung saan pinapakita ang parking area kung saan nakagarahe ang mga sasakyang gagamitin nila sa pagtakas. Pinuno nila ang parking area ng first floor. Nagdala sila ng kanya-kanyang sasakyan para mas madaling mailigaw ang hahabol sa kanila.

"Shit! May humarang na truck sa CCTV!" Inis na sigaw ni Thalia. Ilang minuto ding nakaharang ang truck kaya hindi nila makita kung ano mang kaganapan sa parking area.

"Sandali, si Andrew to di ba?" Seryosong nakatingin si Krizza sa screen kung saan pinakita ang pagpasok ni Andrew sa lobby ng hotel. Mula sa lobby ay dumiretso sa elevator si Andrew. Papunta siya ng rooftop.

"Anong gagawin ni Andrew sa rooftop?" Takang tanong ni Thalia.

Wala namang maisagot ang mga kasama niya dahil maski sila hindi alam ang konkretong plano para sa gabing ito. Lahat sila naghihintay lang ng utos mula kay Athena at kay Andrew tsaka lang sila pwedeng kumilos.

"Holy shit!" Malakas na sigaw ni Ei Ra. Nagulat naman sina Krizza at Thalia.

"Etong buntis na to ang lutong pa rin magmura kahit naririnig na ng anak niya." Komento ni Krizza.

"Fvck! Tignan mo yung mga sasakyan natin!" Tinuro ni Ei Ra ang screen sa parking area. Wala na ang truck na nakaharang kanina pero laking gulat nila sa nakita nila.

Wala na ring hangin ang mga gulong ng sasakyan nila. As in lahat ng sasakyang gagamitin nila, flat tire na.

Dali-daling tinawagan ni Krizza si Rianne para ipaalam ang patungkol sa nangyari sa mga sasakyan nila.


Magkakasamang naghihintay sa waiting room sina Paige, Athena at Rianne. Ilang sandali na lang mula ngayon ay magsisimula na ang pagtitipon.

"Kinakabahan ako pinuno." Kanina pa kinikiskis ni Paige ang mga kamay niya dala ng sobrang kaba.

"Kalma lang. Walang mangyayaring masama." Kampanteng saad ni Athena.

Nagambala ang pag-uusap nila dahil sa pagring ng telepono ni Rianne. Sinagot naman niya iyon sa harap nila Athena at Paige. "Hello Krizza, may problema ba?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Rianne nang marinig ang sinabi ni Krizza. "What? Sigurado kayo?"

Nagtataka naman sina Athena at Paige dahil sa paraan ng pakikipag-usap ni Rianne kay Krizza. Halata sa pagsagot nito na may problema sila.

Binaba na ni Rianne ang tawag. "Pinuno, flat ang gulong ng lahat ng escape car na gagamitin natin."

"Just as expected." Mahinang bulong ni Athena sa sarili. Alam na niyang may magsasabotahe ng mga plano niya. Nakahanda siya sa lahat ng pwedeng mangyari dahil marami siyang kalaban na handa siyang patumbahin ano mang oras mula ngayon.

"Pinuno, ano nang gagawin natin?" Tanong ni Paige.

"Wala." Simpleng sagot ni Athena na ikinasinghap ni Paige at Rianne.

"Seryoso Pinuno? Wala talaga?" Paniniguro ni Rianne.

"Wala. Anong gusto niyong gawin natin? Takbuhan sila? Sinigurado na nga nilang hindi tayo makakatakas, gagawa pa tayo ng paraan para makatakbo? Mas maigi pang harapin na lang natin sila."

Naguluhan naman si Paige at Rianne sa sagot ni Athena. May punto nga naman ang sagot ni Athena sa kanila ngunit may kung anong bumabagabag sa loob nila at pakiramdam nila ay sa unang pagkakataon, may maling desisyong magagawa ang pinuno nila.

Hindi malaman ni Athena kung paano nga nila haharapin ang mga kalaban. Wala silang naihandang maraming bala at armas. Kung ano lang ang dala nila ay yun lang din ang magagamit nila para engkwentrong magaganap kung sakali.

Muling nagring ang telepono ni Rianne. Agad naman niya itong sinagot at niloudspeaker gaya ng utos ni Athena.

"Nakaloudspeaker ako. Kasama ko si Paige at si Pinuno." Rianne

"Pinuno, nasa hotel po si Amber at si Avery." Pagrereport ni Thalia.

"ANO?" Umalingawngaw sa buong kwarto ang lakas ng boses ni Athena. "Paano napunta dito ang kambal?!" Galit na sigaw ni Athena sa mga kausap.

"Hindi po namin alam. May kasama silang anim na tao. Apat na lalake at isang babae at isa pang batang lalake." Napakunot ang noo ni Athena.

Agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan si Pierce at Eliza. Sa kanila niya inihabilin ang mga anak niya ngunit mukhang hindi nagtagumpay ang mga ito sa pagbabantay sa kanila.

Ilang beses nang tumatawag si Athena sa dalawa ngunit walang sumasagot. Kahit na ilang ulit niyang tawagan ang mga ito patuloy lang sa pagring ang kabilang linya.

"Alamin niyo kung saan papunta yung may dala sa mga bata." Utos ni Athena sa mga kasamahan tsaka lumabas ng waiting room at diretsong sumakay ng elevator.

"Pinuno, papunta sila ng rooftop." Napakunot ang noo ni Athena sa narinig. Sa rooftop mamamalagi si Andrew gaya ng inihabilin ni Athena sa kanya. Bakit sa rooftop pupunta ang kambal?

Hindi kaya pinasundo sila ni Andrew?

Ayaw pakasiguro ni Athena kaya nagtungo siya mag-isa sa rooftop para tignan kung si Andrew nga mismo ang nag-utos na dalhin ang kambal doon.

Habang paakyat si Athena, hindi maalis sa isip niya kung bakit hindi ipinaalam ni Andrew na papupuntahin niya ang kambal sa hotel. Pinapaalam naman ni Andrew sa kanya sa tuwing may pinaplano itong isang bagay ngunit hindi nito nabanggit ang patungkol sa kambal.

At bakit may kasama pa silang isang bata? Sino yung isa pang bata na kasama nila?

Ang daming tanong ang naglalaro sa isipan ni Athena ngunit masasagot lamang iyon kapag nakaakyat na siya sa rooftop.

Ilang minuto lang din ang lumipas at nakarating din si Athena sa rooftop. Maingat niyang binuksan ang steel door palabas ng rooftop. Napasinghap siya sa nakita niya.

Si Andrew tinututukan ng apat na lalake habang hawak ng isang babae si Avery. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Avery yung hawak nung babae.

Agad na hinanap ng paningin ni Athena si Amber. Hindi niya makita sa kahit na saan si Amber.

Mula sa kinaroroonan sa likod ng pinto, dahan-dahang lumabas si Athena at umikot sa kabilang daan kataliwas sa kinaroroonan nila.

Ngunit bago pa man siya makalayo, narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Parang awa niyo na, wag ang anak ko." Kahit hindi lingunin ni Athena ang asawa ay ramdam na ramdam niya ang sakit at pagmamakaawa nito sa mga kalaban.

"Akalain mo nga naman? Ang emperor ng Nine Flowers? Magmamakaawa sa akin?" Hindi malaman ni Athena kung sino sa kanila ang nagsalita. "Kamusta ang pakiramdam nang wala kang magawa? Yung pakiramdam na wala kang magawa kundi ang magmakaawa?"

Napapapikit si Athena habang naririnig ang usapan nila ngunit pinilit niyang patatagin ang sarili niya. Hindi siya dapat maging mahina. Kailangan siya ng pamilya niya.

Kumilos na muli si Athena. Umikot siya para makalapit sa mga kalaban. Mas malapit na siya ngayon sa mga ito ngunit hindi pa rin siya napapansin. Luminga-linga siya para hanapin ang anak na si Amber. Hindi mapakali si Athena dahil hindi niya makita ang isa sa kambal.

Wala ring tigil sa pag-iyak si Avery na kasalukuyang hawak nung babae at tinututukan ng baril.

"Kapag nasaktan talaga ang anak ko, hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ang mga bungo nila." Bulong ni Athena sa sarili.

Mukha namang kalmado pa ang sitwasyon sa kanila dahil mukhang trip noong pinuno nila na pahirapan si Andrew.

"Pagkatapos mo emperor, yung pinuno naman ng BPS ang susunod." Itinutok nung lalake yung baril sa baba ni Andrew. "May bomba sa building na to. Sa oras na magsimula ang programa, siguradong magkakalasug-lasog ang katawan ng mga bisita niya maging ng buong BPS." Lumayo kay Andrew yung lalake. "At magsasama-sama na kayong lahat sa impyerno! Hahaha!"

Naasar na si Athena sa naririnig niya ngunit hindi siya pwedeng magpadalos-dalos. Baka mas lalong mapahamak ang mag-ama niya kung magpapadalos-dalos siya.

Kinuha ni Athena ang telepono sa bulsa saka nagpadala ng mensahe sa lahat ng miyembro ng BPS at ng Nine Flowers.

To: Rianne; Paige; Ei Ra; Amarie; Thalia; Krizza; Richelle; Steve; Dane; James; Klein; Andre; Charles; Ynares

CODE RED. Evacuate the area! May bomba sa hall. Don't make an announcement. Tahimik niyong palabasin ang lahat ng tao nang hindi makahalata ang mga kalaban. You only have thirty minutes to do that. After thirty minutes, proceed sa rooftop. Do my instructions NOW.

Matapos isend ang mensahe sa kanila, itinuong muli ni Athena ang atensyon kina Andrew. Naikuyom niya ang kamao niya nang makitang sinasaktan at pinagtutulungan ng apat na lalake si Andrew sa harap ng anak nila.

"Don't cry Amber. They might hear us." Nakarinig si Athena nang tinig ng isang lalake hindi kalayuan sa pinagtataguan niya.

Lumingon-lingon niya ay pilit na hinanap sa may kadilimang lugar ang pinagmulan ng tinig. Nanahimik si Athena at pumikit saka pilit na pinakinggan ang pinagmumulan ng pigil na hikbing naririnig niya.

Dinilat niya ang mga mata saka tumingin sa kaliwa niya. May mga kahoy doon na nakapatong-patong. Gamit ang cellphone niya bilang flashlight, inalis niya ang mga kahoy na nakapatong-patong na kahoy.

Maingat niyang ginawa iyon para hindi siya makagawa ng kahit na anong ingay. Maari kasing malaman ng mga kalaban na nasa malapit lang siya kung makakagawa siya kahit na konting kaluskos lang.

Nang maialis na niya lahat ng kahoy na nakapatong, nabigla siya nang makita ang dalawang batang magkayakap. Nanginginig sila parehas. Marahil dala iyon ng takot.

Yumuko si Athena saka hinaplos ang ulo ng anak. Akmang sisigaw si Amber at yung kayakap nitong batang lalake ngunit tinakpan agad ni Athena ang bibig ng dalawa.

"Sssh. You're safe now baby. Don't make any noise okey? Mommy will do something to save you both." Mabilis na tumango si Amber habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata nito.

Kinuha ni Athena ang panyo sa coat na suot niya saka pinunas iyon sa mukha ng anak niya. Maging ang batang lalakeng kasama nila ay pinunasan niya rin.

"Stay still you two." Ibinalabal ni Athena ang coat niya sa dalawang bata. "Wag kayong aalis dito. Maliwanag ba? Wag kayong gagawa ng kahit na anong ingay." Yumuko si Athena saka niyakap ng mahigpit ang anak. Kinintalan niya ito ng mabining halik sa noo.

Muling itinakip ni Athena sa mga bata ang mga kahoy. Pabalik na siya sa orihinal niyang pwesto kanina nang ...

*BANG*

*BANG*




A/N: Ang intense nito. Naloloka ako habang tinatype ko to. Haha. Salamat sa walang sawang pagsuporta sa MMGB!

Comments naman diyan! Special request ;) para ganahan akong magtype. :)

Nga pala, marami akong chapters ng MMGB na walang dedications. Pacomment na lang po kung gusto niyong magpadedicate ng isang chapter. :)

Next update? Soon.

Continue Reading

You'll Also Like

21.4K 2.8K 57
May mga pag ibig na hindi inaasahan at may mga pag ibig naman na nabuo sa isang pag kakaibigan. Sa pag takbo ng oras hindi mo mamamalayan na nahulog...
289K 8.6K 56
Highest achieve in rank #36 in teenfiction Paano kung inaya ka ng Gangster crush mo na maging girlfriend ka in 50 days? Papayag ka ba? Kahit na ala...
1.2M 7.5K 10
Denise Monica Vega is COLD. HEARTLESS. BITCH. Lahat nalang na masamang katangian, nasa kanya na. They don't know that behind those bad traits of hers...
629K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...