Oneshots by Ate Sushii

By AteSushii

14.6K 557 367

Love in its many different angles... More

19th, March
YOU GOT ME
Hi, Jon
Reach the Skies
[shushii notes:]
You Owe Me a Day

Chasing Louis

1.5K 62 34
By AteSushii

Chasing Louis [one-shot]

by: calleMiishushii3193

“You think we met by chance? How if I tell you that I planned it all?” (a STALKER one-shot waha!)

----

“YOU THINK that we met by chance but really I planned it all…”

 

“Wow! Natututo na ang only girl namin sa banda, ah,” bati sa 'kin ni Kuya Phen, ang leader ng music club sa campus namin at vocalist ng bandang Acid H— the most popular band in the entire university, especially to the female population.

 

Bagong member ako ng Acid H. Ngayong third year, second sem lang ako sumali kahit matagal na akong ini-encourageng kuya ko na barkada ni Kuya Phen dahil sa talent ko sa pagtugtog ng bass guitar and almost all types of guitar and string—dist, electric, jazz,violin, cello, harp, sitar, etcetera.

 

Ang hindi ko lang talaga alam tugtugin— pero interesadong-interesado akong matutuhan— ay ang piano. Kaya nga heto ako ngayon, nakikikutingting sa nag-iisang grand piano dito sa music room.

 

“Salamat, Kuya. Pero alam mo, I think mas matututo ako tumugtog ng piano kung may magaling akong teacher.” Pasimpleng sinulyapan ko muna ang panaparinggan ko bago ko ipinagpatuloy ang panghaharana sa kanya… “La, la… You think that we met by chance but really I planned it all…”

 

Nang mag-college ako, sinabi ko sa sarili ko na wala akong sasalihan na kahit anong school organization o club. Gusto ko kasing mas mag-focus sa pag-aaral. Pero sinira ko ang pangako ko ngayong sem nang may dumating na distraction sa buhay-koleheyo ko.Si Louis.

 

“Yo, guys!”

 

 

Here he is. LOUIS VERA SALVACION—ang beautiful, yummy distraction sa buhay ko ngayon. Ang totoong dahilan kaya ako sumali sa banda na pareho naming kinabibilangan.

 

Mula nang mag-transfer si Louis dito, the moment I first saw his face after literally bumping into him in the library, nasira na ang focus ko. Instantly, naging dalawa na ang iniisip ko: ang studies ko at siya.

 

At syempre, kasunod ngna-jumble kong concentrationay: sleepless nights, eyebags, daydreaming, doodles, biglaang paglitaw ng mga pimples sa mukha ko, giddy feelings and butterfies in my stomach; pagiging clumsy ko, at ang pinaka-gross sa lahat, ang pagtulo ng laway ko 'pag natutulala sa kanya.

 

Asintado si Kupido!

 

He is an added thrill sa kamuntik nang maging plain at boring na buhay ko as a teenager. Ang weird nga ng feeling. Ilang buwan na lang, twenty years old na ako, at feeling ko,huli na para kiligin at umakto ako nang ganito—like anultimate fan girl who wants to squeal and jump everytime she glances at her major-major highschool crush. Yet I am acting this way. At ang mas malala, hindi ako nakokontento na nagkikita lang kami by chance; na nagkakataong nagkakasalubong kami sa hallway.

 

 

Wala akong tiwala kay Kupido o kay Tadhana o kay Batman!

 

Kaya gumagawa ako ng paraan para mapalapit sa kanya at makausap rin siya. Hindi rin kasi ako kontento sa secondhand info tungkol sa kanya na narirnig ko lang mula sa members ng fans club niya.Gusto kong kausap siya lagi para makahita kahit ng maliliit na detalye tungkol sa kanya. Kahit mapudpod na ang takong ng sapatos ko; kahit mabasa ako saulan; kahit nalimutan ko ang jacket ko;halos tumapon na lahat ng gamit ko sa sahig, at KAHIT MUKHA NA AKONG TANGA, basta masundan ko lang siya!

 

Yes. Nakakahiya mang aminin, isa ako sa mga tinamaan sa kagwapuhan at karisma ni Louis. And though pwede na akong matawag na “dakilang stalker” sa mga pinaggagagawa kong pagsunod sa kanya, hindi ko pinagsisisihan 'yon. Dahil sa tatlong buwan na “paghabol” ko sa kanya, may mga magagandang bagay akong nadiskubre na sigurado akong kaiinggitan ng ibang mga humahanga sa kanya.

 

For one, Louis has an intoxicating laugh at hindi rin siya mahirap patawanin. Another is that he’s got a real good sense of humor. He’s a genius in playing the piano— which I find fascinating. Nalaman ko rin ang mga paborito niya— mula sa paborito niyang kulay hanggang sa mga gusto niyang pagkain. Tuwing kausap ko naman siya, feeling ko ako ang pinakaignoranteng tao; he talks with profundity. And he smells soooo good— clean and very manly! Tuwing tatabi ako sa kanya, para akong nakahithit ng drugs. HEAVEN ANG FEELING! He’s very appreciative of life. And the most important thing I’ve learned about Louis is he has a big kind heart.

 

No’ng una, akala ko it was all just curiousity. Na nakakita lang talaga ako ng added thrill sa ginagawa kong pagsunod-sunod sa kanya. Pero na-realize ko na isa siyang “classic example” ng tipo ng lalaki na pwedeng ipasok sa sako, ilagay sa compartment ng sasakyan,at dalhin sa bahay para ipakilala sa mga magulang at ipagmalaki sa buong angkan! Kyaaa!

 

Tinigil ko na ang paglalaro sa keys ng piano.Pasimpleng lumapit na ako sa pwesto ni Louis kung saan kasama niyang nagtatawanan ang iba pang miyembro ng Acid H.

 

“Hey, pipol,” bati ko sa bawat isa. Kailangang isa-isa ko pa silang ngitian para walang makahalata na si Louis lang ang pakay ko. “Kumusta?” I smile sweetly, particularly at Louis. My Louis!

 

Gaya ng madalas na mangyari, halos magtatalon ako sa kinatatayuan nang gumanti ng ngiti si Louis. Aw, yummy smile!

 

“I’m having a great day,” sagot niya. “Ikaw, Danica, kumusta ka?”

 

Aw! Why does my name sound so delicious and sexy when he says it? Lalong lumapad ang ngiti ko. Pero bago pa ako makasagot, may asungot na nakisingit.

 

“Kung magkumustahan kayo parang ilang taon kayong hindi nagkita, samantalang magkaklase naman kayo sa huling subject na pinasukan niyo bago kayo makarating dito,” sabi ng drummer na si Kuya Topher.

 

Sinimangutan ko siya. Then I paint another sweet smile as I turn to Louis again. “Ang KJ ni Kuya Topher, 'no? Nami-miss lang naman natin ang isa’t isa, masama ba 'yon?”

 

Umabot naman sa tenga ang ngiti ng karas ko at lalong kuminang ang mga mata. Bumaling siya kay Kuya Topher. “Oo nga, Topeng. Ang killjoy mo. Masama bang kumustahin ang taong lagi kong nami-miss?”

 

Bago ko pa tuluyang mayakap si Louis at tuluyang ibuko ang sarili ko, nagpaalam na akong  mauuna na.

 

“Diba kararating mo lang?” pahabol ni Louis.

 

“Oo. Pero dumaan lang naman ako rito kasi…” Naghanap ako ng pwedeng idahilan. Luckily, nahagilap ng paningin ko ang music sheets sa mesa. “Kasi binalikan ko lang 'tong music sheets. Hiniram ko lang kasi 'to kayKuya.”

 

Buti hindi na nag-usisa pa si Louis o si Kuya Topher tungkol dito napare-pareho naming alam na hindi ko talaga hiniram kung kanino man.Umalisna ako.

 

As much as I want to stay, hindi pwede. Kahit masarap sa feeling ang sinasakyan ng crush koang mga palipad-hangin ko, wala naman sa plano ko ang mabisto nang wala sa oras. Kaya kahit papaano, nililimitahan ko ang mga flirty banters tulad ngayon.Yes, Loius can be flirty sometimes. Pero hindi ako sigurado kung ganito rin siya makipag-usap sa ibang babae. Napansin ko kasi, mabait at open naman siya sa lahat— babae man o lalaki. Ayoko ko naman mag-aasume na akin lang siya... sweet?

 

Also, hindi rin ako makatagal na kausap siya. Feeling ko kasi matutunaw ako sa titig niya.

 

Anyway, tuloy ang araw. Pagkatapos ng Linguistics ko, dumiretso ako sa library. Pero hindi para mag-aral. Today is Monday so Louis must be spending the afternoon in the library. Nakakatuwa. Sa tagal ko nang “stalker” niya, kabisadoko na ang schedule niya.

 

Pero, nakakapagtaka. Wala si Louis sa paborito niyang pwesto. Lumipat ako ng shelf na tinataguan— 'yong mas malapit sa mesa na lagi niyang inuokupa. Nagtanggal ako ng isang libro para makasilip—

 

“Aray!” mahinang bulyaw ko. Tumama ang parte ng noo kona may pimple nang ilapit ko ang mukha ko sa wooden shelf. Ang sakit! “Shi—”

 

“Danica? Nandito ka rin? Ano 'yang binabasa mo?”

 

Natulala na lang ako sa pagkabigla. Si Louis! Hindi ko in-expect na maaabutan niya ako rito. Nahuli ba ako sa ginagawa kong “pagpapatrol”? Bago pa ako mag-panic, I collect my senses back.

 

“U-uy, nandito k-ka rin?” sabi ko sa kanya, hoping I don’t sound stupid by asking the obvious.

 

Tumango siya with a little smile. “Nagbasa-basa lang, tapos may sinulat lang ako sandali. May gagawin pa ako, so mauna na ako, ha? Pagpatuloy mo lang… 'yang pagbabasa mo.”

 

Shock pa rin ako sa biglaang pagsulpot ni Louis; hindi ko namalayaan ang pag-alis niya. Tiningnan ko ang hawak kong libro. Kama Sutra… SYEEEEET! Kaya pala parang natatawa at iwas si Louis kanina no’ng kinakausap niya ako. NAKAKAHIYA!

 

Problemadong umalis ako sa library. Ano’ng mukha na lang ang ihaharaap ko kay Louis? Nag-iisip pa lang ako ng sagot sa sarili kong tanong nang makita ko na naman ang taong pinoproblema ko malapit sa locker area. At mukhang na-sense niya ang presensya ko. He turns to my direction.

 

“Danica?”

 

Huli na para makapagtago ako. “Louis.”

 

Wala ang nakakabaliw na ngiti na normal niyang reaksyon tuwing kaharap ko siya. Rather, it’s… irritation all over his face now.

 

Huminga ako nang malalim. Ito na yata 'to… Ang pagkakataon na inasahan ko nang darating pero ayaw ko sanang mangyari.

 

“Danica. Are you following me… around?”

 

Sabi ko na nga. I take another deep breath before nodding, “Yes.”

 

Despite the softening of Louis’ features, I still can’t manage a true smile when he mumbles, “Sorry.” Binawi niya ang tingin. “Please don’t follow me around. Because  I’m… already in love with someone. And I want her to notice me because of my efforts. Not because I’m popular and, uh, admired by many…”

 

“Sure,” the only thing I’m able to tell him.

 

Isa pang “sorry” mula sa kanya ang narinig ko bago siya umalis. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa kinatatayuan pagkatapos no’n. This is stupid! Ilang beses na ba akong may nabalitaan na may napaiyak ang taong hinahangaan ko dahil c-in-onfront niya ito tungkol sa pagsunod-sunod sa kanya? I even anticipated this day, pero 'eto ako,depressed sa gitna ng hallway.

 

Waaa! 'Wag kang iiyak, Danica, paalala ko sa sarili. Sabi ko nga matagal ko nang alam na pwedeng mangyari itosa 'kin dahil isa rin ako sa mga babaeng nagpakabaliw sa paghabol sa kay Louis. Napaghandaan ko na 'to kaya… HINDI AKO IIYAK!

 

Humugot ako ng isa pang malalim na hininga bago ako lumapit sa locker ko. Napansin ko agad ang isang kulay green na envelope na nakasiksik sa slit ng locker ko.

 

“Ito na naman,” I mumble unmindfully as I go over the neat scribbles of what happens to be another unsigned love letter.

 

Yes, love letter. Bago pa magsimula ang semester na 'to, may natanggap na akong sulat mula sa hindi ko kilalang tao. Mas naging madalas pa ito nang mag-umpisa ang pasukan. Poems, cards and even drawings that are marked simply “interesting”. Then one day, may sweets and cute stuff na rin akong natatanggap.

 

“Ang tanga…” wala sa loob na sabi ko, more to myself.Kasi naman, I’ve been spending a huge chunk of my time chasing Louis and dealing with Louis-related stuff. Nalimutan ko nang tumingin sa paligid ko.Hindi ko na nabigyan ng oras ang mga bagay tulad nitong mga sulat na 'to: mga bagay na kung tutuusin ay sweet at worthy pansinin.

 

Ngayong na-realize ko 'to, sa tingin ko panahon na para sarili ko naman ang isipin ko. Tumingin ako sa direksyong pinuntahan ni Louis, like he’s still there. Siguro… isang hint na rin ito na wala talaga akong pag-asa kay Louis dahil may ibang nakalaan para sa 'kin…

 

 

 

***

NAKAILANG MALALIM na hininga at paghawi ng side-bangs na ako habang nakatayo sa harap ng Engineering Campus.Gee, I’m tense, but in a nice kind of way. Ang tagal na rin nang huling nakaramdam akong ganitong klase ng excitement—mula no’ng araw na binitawan ko ang lahat ng kahibangan ko kay Louis.

 

It’s been months since I decided to stop chasing Louis. The same amount of time I spent making efforts for my own happiness— of course, minus Louis in the story. The day I admitted to him I was one of his admirers was the same day I opened myself to other chances of happiness. Nag-reply ako sa mga sulat ng sarili kong “secret admirer”.

 

And everyday, I hafto remind myself that I made the right decision…

 

Not long after, naka-move on rin ako sa tulong ni Secret Admirer. He’s been nice, sweet and funny, too.

 

Kahapon nga, napilit ko na siya na magpakita na sa 'kin sa wakas. Kaya nga 'eto ako ngayon sa harap ng department building niya. He told me to meet him here. Hindi naman ako nao-offend na halos kalahating oras na akong nakatayo at naghihintay rito sa gitna ng crowd. Mukha na akong tanga pero palalagpasin ko na lang 'to dahil may magandang surpresa naman daw si Secret Admirer para sa 'kin.

 

“Miss,” tawag sa 'kin ng isang lalaki bago inabot ang isang pulang lobo.

 

Litong-lito na tinanggap ko 'yon. Dalawang lalaki pa ang lumapit para mag-abot rin ng pulang lobo. Now I’m making a scene. Nakatingin na sa 'kin lahat ng estudyante sa paligid. Then, before I shrink to where I’m standing, a familiar sound of a piano played in the air. I keep myself from crying when I hear Secret Admirer’s voice from the speakers all over the hall. He’s singing a familiar song. I remember myself singing the same song for him…

 

“You think we met by chance? How if I tell you that I planned it all…?”

 

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang makita ko si Louis na papalapit sa 'kin bitbit ang isang microphone.

 

“Aw, don’t cry…” bulong niya nang makalapit sa 'kin.

 

“Ikaw si Secret Admirer?”

 

“Diba sabi ko sayo, I want the girl I’m in love with to fall for me because of my efforts, not her chasing me,” he answers.

 

“Sira, hindi naman gano’n sinabi mo!”

 

His response is just his supermodel-smile.

 

God, I missed that smile! Suminghot muna ako bago nagpatuloy, “Ang ganda ng boses mo, palpak ka naman sa lyrics.”

 

The next thing I remember is his intoxicating laugh and  warm embrace, and the crowd’s booming applause.

 

 

 

One year later…

“JUST… GOT… lucky…”

 

“Iba na kinakanta mo?”

 

“Oo. Naka-get over na ako sa kantang sinasabi mo. Hindi ko na kailangan alalahanin na ‘we met 'cause you planned it all’. Na nag-transfer ka lang ng school para makilala ako nang ma-love-at-first-sight ka sa 'kin nang puntahan mo ang pinsan mo rito para isama siyang mag-cut class. At mas lalo ka pang na-in love sa 'kin no’ng lagi na tayong nagkikita.”

 

“Akala mo naman ako lang ang naghabol sa 'tin.”

 

Naupo ako mula sa pagkakahiga sa soccerfield kasama si Louis. Tinanggal ko ang suot niyang shades.

 

“Aray, cheezums, nasisilaw ako sa araw!” Naupo na rin siya paharap sa 'kin.

 

“’Cheezums’ ka r’yan. Hampasin kita nitong iPad e. O gusto mo isako na kita?”

 

"Wooo, matagal mo nang balak 'yan e. Para masolo mo ko."

 

"Actually, tama ka," pag-amin ko.

 

He just laugh before pulling me in abig warm hug. Then he whispers in a sweetest male voice I ever heard, “Happy anniversary, Danica Mejellano Batbatan.”

 

Gumanti ako ng yakap. Everyday, I’m reminded that chasing this guy isn’t a bad idea at all.:]

-----

 

[shushii notes:] first, i hafto give credits to Ponds' commercial. Sa isang particular commercial kasi ng brand na 'to ko nakuha ang kanta ni Danica (I'm not sure but  think it's by Lenka). Sunod, kay dear Danica for lending her pretty-ful name! At kay Dixie dear na kinikilig raw sa mga kwento kong ewan ahaha! I love you all!

Fall in love. Smile. Be an inspiration

'miishu loves you!

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features