"General's patience is over"
-
Hazel's POV
Ngayon na ang ikalawang gabi at ngayon namin makakalaban ang dalawang grupong nagwagi noong nakaraan.
Hindi ko sila kilala pero sa asta nila ay mukhang magagaling sila.
Hindi pa maayos ang pakiramdam ni Kc. At wala pa akong sapat na kahit anong pahinga.
Sinulyapan ko si General na tahimik na nanonood.
"Goodevening Ladies and Gentlemen, tonight we are going to see the most awaited fight in Tribus. We have three groups but, only one group will be alive later. May all your strength be in good case"
Mukhang mahihirapan kami.
Takte. Paano nanaman to?
"Sabay sabay ang laban?!"
Dalawa kami ni Kc laban sa anim? Mahirap yun.
Mahirap pa nga atang makatalo ng isa e. Lalo at pagod kami.
"Ah!" Mabilis na pinaulanan kami ng pako ng isang grupo kaya naman napabagsak ang tuhod ko sa sakit.
Ang sakit.
Parang sa buto ko tumama ang pakong itinapon nila!
Magaling sila umasinta kaya mabilis kong pinag aralan ang mga galaw nila habang tuloy tuloy sa pakikipaglaban si Kc sa kaya niyang paraan pero sa tingin ko maya maya ay hindi na din niya kaya.
Pinagtulungan man namin ay hindi pa rin kami nakakatama sakanila.
Halo halo ang labanan pero mahirap talaga dahil pagod na pagod ar masakit ang mga katawan namin.
Halos mapunit ang puso ko ng makitang tinamaan si Kc ng palaso sa dibdib ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pakikipaglaban.
Hanggang sa napabagsak na siya sa sahig pero patuloy pa din siyang pinatamaan at pinaulanan.
Ako naman ang lumaban sa iba ng mapatay na ni Kc ang isa.
Kahit hirap na hirap ay nagsalita si Kc. "Isa lang nakaya ko, sobrang pagod na ako"
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak.
Hindi ko na sinayang ang panahon ko at agad ng lumaban.
Isang malakas na hampas lang ng martilyo sa kamay ko na gamit ng kalaban namin ay napa aray na agad ako.
Isang mabigat na bagay nanaman ang muli kong naramadaman na inihampas sa mukha ko.
Maliliit na butil ng dugo ang nakita kong tumalsik sa hangin.
Hindi na kaya ng mga paa ko.
Mukhang dito na ang magiging katapusan namin.
Malakas ang paghiyaw ng isang babae at nakita ko nalang na kalahati ng isang kakaibang blade ang bumaon sa leeg niya.
"They are not yet complete" sabat niya.
Ashe.
Wala na akong alam sa nangyari dahil madilim na ang pumalit sa aking nanlalabong paningin.
Ashe's POV
Masyado na ata akong huli.
Sakit na sakit siguro si Kc.
Flashback
Sobrang sakit ng ulo ko ng masilayan ko ang dpait silim. Hindi ko maintindihan kung hapon o madaling araw na.
Ano na kaya ang nangyayari sa labas?! Bakit ba kasi ako ikinulong ni Gray?! Ano bang problema niya?!
Nagmakawala ako sa gapos sa akin pero wala akong nagawa dahil sa mga higpit nito ngunit di naman ako nasasaktan.
Nasan na ba siya?
Isang katok ang nagpatigil sakin at ang taong nandun sa likod nun ang nakapagbago ng nararamdaman ko.
"L-Lorde" mautal utal kong bigkas.
Sobrang namiss ko siya. Ang mga mata niya.
"Lorde! Anong ginagawa mo dito?! Anong nangyayar--"
Mahigpit niya akong niyakap. Sa yakap niyang iyon ay nagpatunay lamang na masaya nga ang puso ko na nakita ko siya uli. "Tama akong pinagkatiwala kita kay General"
"Hindi ko maintindihan! Bakit ba ako nandito?!" Tinanggal niya ang yakap niya at hinawakan ang pisngi ko.
(For this scene play the song Total Eclispe of The Geart by Hazel)
Forevers gonna start tonight
"Iloveyou"
Pinatigil nun ang lahat ng tanong sa isip ko. Napatahimik nun ang nagwawalang galit sa loob ko.
"Lorde, kalagan mo muna ako"
Agad naman niya akong kinalagan at muling niyakap.
"I will be the owner of the badge. I want to go home with you"
Kinuha ko ang mabigat na bagay sa mesa na nakita ko at hinampas yun kay Lorde.
"Yes, ill go home with you"
Napasalampak siya sa sahig at inayos ko na ang sarili ko palabas.
Pipihitin ko na ang siliniyador ng naalala kong nay nakalimutan pa ako.
Hinalikan ko siya sa noo at nagpaalam. "Ill be back. Lorde. Hindi tayo makakalabas dito kung laging kayo lang ang kikilos"
Gray, maaari kang mapahamak sa gagawin ko pero, patawarin mo ako.
Bumalik ako sa hinaharap ng paparating sakin ang isang pako na tumapyas sa kaunting balat sa pisngi ko.
Hinawakan ko ang mga blade sa kamay ko at dinama ang bawat isa nito para malaman kung ilan at paano sila matatamaan.
Lumaban ako ng walang kahit anong armas na gamit.
Nakakapagod nga. Malakas sila. Mabibigat ang kamay.
Nasan kaya si Gray. Hinanap ng mata ko si Gray pero mula kanina ay hindi ko pa siya nakikita. Mabuti naman kung ganun.
Sabay sabay silang kinalaban ako.
Mahirap pero mas mahirap pa ang makita si Hazel na hinang hina at si Kc na napuno na ng palaso.
Napakahirap nun.
Magagaling sila at mabibilis. Dun ako talo.
Malapit na maubos ang blade na hawak ko, kung sakali, lalaban ako ng walang armas.
Sa pulso ko pinatamaan ang dalawa. At hindi naging madali yun dahil nagantihan din ako ng martilyo.
Lasang lasa ko ang dugo ko na tila kalawang. Tss.
"Ilang beses ka na bang nakaligtas sa kamatayan?" Natatawang tanong ng isa.
"Marami na" sagot ko.
"Pero ngayon hindi na"
Napalingon ako likod ko ng tamaan ako ng palaso sa kanang likod.
Nalukot ang mukha ko sa sobrang sakit.
"Sa tingin ko, ikaw ang wala"
Malayang nakararing sa kaniya ang huli kong blade na may lason.
May isa pang natitira na makakalaban ko.
Pinilit kong ibigay ang ang buong lakas ko para makatayo.
Medyo nahihilo na ako. Medyo nanginginig na rin ang buo kong katawan.
Lumapit siya sa akin para kamayan ako.
Mukha siyang mahusay.
"Nice to meet you"
Pinunasan ko ang mga dugong humaharang sa mata ko.
"Ashe!"
Nakita kong paparating palang pala ang GG.
Hindi ko sila pinansin dahil ayokong pigilan nila ako.
Pinigilan naman sila ng mga guwardiya ng eakwelahan.
Lahat sila ay may kaniya kaniya g sugat at tama.
GG, balang araw makakapagpasalamat din ako sainyo.
Nanlaki ang mata ko ng napugutan ng ulo ang babaeng makakaharap ko.
"I dont want her bleeding!" Sigaw niya na nagpatahimik sa lahat.
"General's patience is over" mahinang bulong ni Hazel.
Nakakatakot. Nagawa niya yun mismo sa harap ko.
Gray, ikaw ba talaga yan?
May mainit na dumaloy sa pisngi ko.
Ito nalang uli ang panahong napaluha ako pagtapos ng ilang panahon.
Pero bakit ba ako naiyak?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker