Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Eight

250K 4.4K 424
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-EIGHT

SABI NG nakararami, ang lahat ng katanungan ay may kasagutan sa takdang panahon. At minsan, kahit hindi nagtatanong, may dumadating pa ring sagot.

            Alam ni Lana nang makulong dati ang asawa niyang si Dylan sa Cebu noon ay itinigil na nito ang pagtatanong kung saan nga ba ito nanggaling at kung sino ang totoong mga magulang nito. Ang mahalaga na rito ay inampon at minahal ito ng mag-asawang Guevarra.

            After years, sinubukan nina Lana at Dylan na magpa-imbestiga tungkol sa kung saan kaya posibleng nanggaling si Dylan. Para sa kanila, kahit ano mang ibigay na resulta—meron man o wala, ng private investigator na kinuha nila ay maayos lang. Six months ang hininging oras ng imbestigador. Hindi nila akalain na pagkatapos pa lang ng limang buwan ay may nakita agad na impormasyon.

            "Anong plano mo ngayon?" tanong niya sa asawang tahimik na umiinom ng kape. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang manganak siya sa bunso nila. Nakauwi na sila sa kanilang bahay sa Manila at kasalukuyang nasa sala silang mag-asawa upang mapag-usapan ang susunod na hakbang na gagawin nila sa mga resulta na ibinigay sa kanila ng private investigator.

            Inilapag ni Dylan ang tasa ng kape nito sa center table at saka kinuha ang isang sealed-long brown envelope. Nandoon ang lahat ng impormasyon na nakalap ng inupahan nilang imbestigador.

            "I just can't open this thing and read the informations inside," sambit ng asawa at saka seryosong napabaling sa kanya. "Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang magbukas nito at magbasa?"

            Umiling siya. "I think it's better if you'll be the first to know the answers, Dylan." Hinawakan niya ang kamay nito. "Come on. Open it. Let's just read it together," she encouraged him.

            Malalim na napabuntong-hininga ito. Tinitigan nito ang envelope na para bang sa labas pa lang ay nababasa na nito ang nilalaman. "What if my real p-parents were still alive?"

            "Magpakilala ka sa kanila. Higit kanino man, sa kanila mo malalaman ang lahat ng tanong mo dati."

            "Good morning!"

            Sabay silang napalingon ni Dylan sa maliit na tinig na masiglang bumati sa kanila. Napangiti si Lana nang makita ang panganay na si Aki na bagong gising at kinukusot-kusot pa ang mga mata. Her son's wearing a cute red pajamas.

            "Morning, baby," bati niya rito. "Come here."

            Mabilis na lumapit ito sa kanila. Kumandong agad ito kay Dylan na binigyan ito ng halik sa noo.

            "What's this?" inosenteng tanong nito nang makita ang hawak na envelope ng daddy.

            "Answers," simpleng tugon ni Dylan sa anak. Parehong nakatitig na ang mag-ama sa envelope.

            "Are you hungry, Aki?" tanong niya sa anak.

            Umiling ito at inabot ang envelope. "What's inside this? Can we open?"

            Binigay ni Dylan sa anak nila ang malaking envelope. "You want to open it, baby?"

            Tumango si Aki at saka sinubukan ng maliit na mga kamay nito na alisin ang seal. Napansin ni Lana na tila hindi humihinga ang asawa habang pinapanood nito si Aki na buksan ang envelope. Parang naghahanda ito sa biglaang lalabas sa loob niyon.

            Mga ilang minuto siguro ang lumipas bago mabuksan ni Aki ang envelope. "Papers!" anito nang makita ang nasa loob. "Ang daming papers."

            Sumulyap sa kanya si Dylan. Para itong biglang di mapakali.

            "Basahin mo na," aniya rito. "Matagal ka naman nang ready, hindi ba? Sige na," udyok niya rito. Bumaling siya sa anak pagkatapos. "Aki, baby, come on. Pagluluto kita ng breakfast. Gisingin na rin natin sina Calvin at Bench."

            "Gusto ko kay Daddy. Dito lang ako," sabay yakap sa ama.

            "Ako nang bahala kay Aki," ani Dylan. "Sasamahan niya 'kong magbasa. Di'ba, baby?"

            "Yes."

            Ngumiti si Lana at saka tumango na lang. She knows that Dylan wanted to be alone for a while pero hindi naman kalabisan na kasama nito si Aki. Their son woudn't understand the papers kaya't okay lang.

            Umakyat muna siya sa nursery room kung saan natutulog si Calvin at ang bago nilang baby na si Deina. Pagpasok niya roon ay tulog na tulog pa rin ang babaeng anak sa crib nito. Si Calvin ay gising na pala at tahimik na naglalaro ng mga laruan nito sa kama.

            "Mommy!" bati nito nang makita siya. "Breakfast time na?"

            "Yes," mahinang sagot niya upang hindi magising si Deina. "Kanina ka pa gising, Calvin?" tanong niya rito at saka ito hinalikan sa noo.

            Tumango ito habang ang atensyon ay nasa mga laruan pa rin. "I have a bad dream, eh. Gising na lang ako."

            "Bad dream? Anong bad dream?"

            Tumingin ito sa kanya at nakita niyang ang lungkot lungkot ng mga mata nito. "Iniwan daw ng mommy kangaroo yung baby kangaroos. Ta's lahat sila nag-cry. Pati yung daddy kangaroo nag-cry."

            "Saan pumunta yung mommy kangaroo?"

            "Sa ibang planet. Sa Mars."

            Pinigilan ni Lana ang matawa dahil nakikita niyang apektado talaga ang apat na taong gulang niyang anak sa panaginip nito. Niyakap niya na lang ito ng mahigpit. "Huwag kang mag-aalala, baby. Babalik din ang mommy kangaroo."

            "Hindi na siya babalik. Kakainin na siya ng alien sa Mars," naiiyak na sabi nito. Maya-maya ay umiyak na talaga ito.

            Binuhat niya ito at inilabas ng kuwarto. "Calvin, don't cry. Sshh..." alo niya rito at hinagod-hagod ang likod. "Dream lang iyon. Ako, nandito lang si Mommy for you saka kanina Kuya Aki at Kuya Bench. Pati kay baby Deina.  Hindi ko kayo iiwan nila Daddy. Hindi ako pupuntang Mars katulad ng mommy kangaroo."

            Yumakap ito sa leeg niya at sinubsob ang mukha roon. "Promise?"

            "Promise," bulong niya rito at saka patuloy na pinatahan ito. "Saka makakabalik si mommy kangaroo from Mars. Mababait aliens doon. Hindi sila nangangain."

            "Really?"

            "Yes. Don't cry na."

            "Good morning, Mommy!"

            Napayuko si Lana at nakita si Bench na nasa tabi niya na. "Morning, baby," bati niya rin rito. Yumuko siya at hinalikan ito sa tuktok ng ulo. "Kagigising mo lang?"

            Tumango ito at saka naghikab pa. Napatingin ito kay Calvin na buhat niya at hindi na umiiyak, pasinghot-singhot na lang. "Bakit ka umiiyak?" tanong nito sa kapatid.

            "May bad dream ako, eh."

            "Ahh... Kain na lang tayo," nakangiting sabi ni Bench. "Mommy, gusto ko na breakfast."

            Of course, si Bench ang una talagang naghahanap ng pagkain. Kaso hindi naman mataba, chubby lang ng kaunti. Kapag tulog lang yata kasi ito hindi kumakain. "O, sige. Breakfast na tayo. Okay ka na, Calvin?"

            Tumango ang anak niya na buhat niya pa rin. "Very good. Baba na tayo. Come, Bench," sabay hawak sa kamay ng pangalawang anak.

            Habang pababa ay natatanaw ni Lana nangseryosong nagbabasa pa rin si Dylan habang tahimik lang si Aki sa kandungan nito.

            "Ano ginagawa ni Daddy?" tanong ni Bench habang papunta sila sa dining area.

            "May binabasa lang siya. Important iyon kaya huwag tayong maingay, ha? Para hindi natin ma-disturb si Daddy."

            Ibinaba niya si Calvin sa high-chair nito. Inalalayan niya naman si Bench na makaupo sa upuan. She's starting to cook Calvin's favorite sunny side up egg and Bench's favorite cheesedog when Dylan appeared. Buhat-buhat nito si Aki.

            "Kumusta?" aniya rito.

            Ibinaba muna nito si Aki sa dining area at binati ang dalawa pang anak bago humarap sa kanya.

            Humugot ito ng malalim na hininga. Napansin niya na parang nagtutubig ang mga mata nito ngunit pigil na pigil nito ang pag-iyak.

            She cupped his face. "A-Are you alright?"

            Napalunok ito. "Call your friend Eugene."

            "Ha? Bakit?" nagtatakang sambit niya. Bakit naman nito biglang pinapatawag ang kaibigan niya? Through the years, Eugene and her kept constant communication maliban lang sa nagdaang dalawang buwan. Ang huling pagkikita nila ay nang dalawin siya nito sa ospital sa Pangasinan nang manganak siya kay Deina.

            Diretso itong tumingin sa kanya at napalunok. "I t-think. He can help us. H-He can help me..."

            Bumaba sa mga balikat nito ang kamay niya habang napapakunot-noo siya. Paano silang matutulungan ni Eugene?

            Tila nabasa nito ang isip niya dahil napabuntong-hininga ito. "I-I'm a possible Arguelles, Allana."

***

"HI, EUGENE!"

            Napangiti naman ang lalaki nang makita siya sa lagi niyang puwesto sa paborito niyang pastryshop.

Kung dati, madamot ito sa ngiti, medyo hindi na ngayon. Well, malapit kasi silang magkaibigan kaya nginingitian na siya nito sa tuwing nagkikita sila.

            "Kumusta?" anito at saka siya hinalikan sa pisngi. "Mukhang hindi ka nanganak last two months, ah. You're gorgeous!"

            She chuckled. "Binobola mo na naman ako. Are you making up sa dalawang buwan na hindi mo pagtawag sa'kin o pangangamusta man lang?" she teased.

            "I'm sorry, I've been really busy. Alam mo nang naaksidente si Eunice more than three months ago kasama ang asawa niya, di'ba? Binabantayan talaga namin siya nang maiigi this past months at sinusuportahan."

            Nakakaintinding tumango siya. Hindi pa niya personal na kilala ang nakababatang kapatid nito ngunit lagi naman itong naku-kuwento ni Eugene. The siblings reconciled after long years of having an animosity just months ago.

            "Nagising na ang asawa niya last week from comatose."

            "Oh, thank God!"

            Tumango ito. "True. It was indeed a miracle. Ngayon, okay naman na ang lahat."

            "Pakilala mo 'ko sa kapatid mo one of these days, kung ganoon. Seven years na tayong magkaibigan, hindi ko pa rin siya nakikita."

            "Oo nga, ano? I'll plan that one. Paalala mo sa'kin. Abala rin kasi ako sa trabaho."

            "How about Heart? How is she?" pangangamusta niya sa anak nito na ngayon ay dalagita na.

            Nahilot ni Eugene ang sentido nito nang banggitin niya ang anak nito. "Pasaway pa rin. Hindi siya nakikinig sa mga kasama niya sa US! Tumatakas tuwing gabi para gumimik."

            Napangiwi siya. Mukhang lumalaki na mas bratinella ang bata. Pagkatapos ma-treat ang sakit ni Heart at gumaling ito mula sa leukemia ay pinadala ito ni Eugene sa Amerika. Iyon ang huling bilin ng Lola ni Heart sa testamento. Kailangan daw matago si Heart mula sa mga Aragon. Desperada daw kasi ang mga kamag-anak nito na agawin ang mana ni Heart mula sa yumaong lola. At the age of fourteen, Heart's already a billionaire and her life was on danger. Pero hindi iyon alam ng bata. Hindi alam ni Heart na nasa panganib ang buhay nito dahil sa mga suwapang nitong mga kamag-anak. And Eugene's the only one to protect her from harm.

            "Gusto mo kausapin ko?" she volunteered. "Baka sakaling makinig sa'kin."

            Umiling ito. "Nagre-rebelde lang siya dahil gusto niya na 'kong magka-girlfriend! Para daw may mommy na siya!"

            Natawa siya. "Iyon lang pala! Bakit hindi mo pagbigyan ang anak mo?"

            Hindi ito sumagot bagkus ay iniba ang usapan. "One of these days, pupuntahan ko siya sa America at iuuwi na rito nang palihim. Oras na para makilala siya nina Eunice at Uncle Johnny. I got a 'go signal' from the lawyers na puwede ko nang ipakilala ang anak ko sa mga kamag-anak ko."

            "That's great! At least, kahit sa mga kapamilya mo, wala ka nang kailangang itago." Ilang taon din nitong tiniis na huwag aminin na may anak ito. Sumusunod ito sa testamento ng Lola ni Heart dahil oras na may suwayin ito sa utos ay ilalayo rito ang anak.

            Sumandal ito sa kinauupuan at napabuntong-hininga. "I hope Eunice and Uncle Johnny would understand why I have to hide my own daughter all these years," tila problemadong wika nito.

            "Hey, everything would be fine, Eugene. Base sa mga kuwento mo sa'kin, wala namang dahilan para hindi matanggap ng kapatid mo at ng uncle mo si Heart."

            "Thanks," anito at saka dumiretso ng upo. "Sandali, ako na ang napag-usapan natin. Di'ba kaya mo ko tinawagan ay may hihingin kang tulong? Kayo ni Dylan? What is it?"

            Uminom siya ng kanyang juice. Bakit ba wala pa si Dylan? Ang usapan nila ay ito ang makikipag-usap kay Eugene at sasamahan niya lang. Kanina pa ang labasan sa Day Care nina Aki, Bench, at Calvin. Ito kasi ang susundo sa mga anak nila kaya sinabi nitong susunod na lang sa kanya.

            "Gusto mong um-order ng kape or cake?" alok niya muna rito.

            Nagkibit-balikat ito. "I'll order first. Excuse me." Tumayo ito at pumunta na sa counter.

            Tatawagan niya na sana ang asawa ngunit nakita niya na si Dylan sa papasok ng pastryshop. Buhat-buhat nito si baby Deina at may baby bag pa na kulay pink na nakasukbit sa balikat nito. Daddy na daddy na ang dating ni Dylan. Pero napapansin niyang nililingon pa rin ito ng mga babae ng makailang beses. Well, her husband is still as gorgeous and hot as ever kaya hindi niya rin masisisi ang mga kababaihan.

            Sumunod na pumasok ay ang tatlo nilang lalaking anak na nagtatakbuhan papunta sa kanya.

            "Mommy!" sabay-sabay pa na bulalas ng mga ito nang lapitan siya at isa-isa siyang halikan sa pisngi. Pare-parehong may backpack sa likod ng mga ito.

            "How's school, kids?" kumusta niya sa mga ito habang isa-isang tsine-check ang likod ng mga ito.

            "Ang tagal magpalabas ni teacher," angal agad ng mainiping si Aki na nasa prep na. "Nag-wait ng matagal si Daddy sa labas ng school."

            "May stars ako!" sabay angat ni Calvin ng likod ng palad nito. He's already in Nursery. "Tama ako sa sagot kanina if what sounds ng dogs, eh. Arf arf!"

            "Mommy, gusto ko ng cake. Nagugutom na 'ko," ungot ni Bench na nasa Kinder naman.

            Tumayo siya at hinila ang mga upuan para sa mga anak. "Okay, upo na kayo rito. Behave kayo, ah? Kasi may pag-uusapan si Tito Eugene at saka si Daddy niyo."

            Nagtanguan ang mga ito at saka nagsi-upo.

            "Allana."

            Napalingon siya kay Dylan. She smiled at him and kissed him swiftly on the lips. "Akala ko, hindi ka na pupunta, eh. Didiretso mo ng iuwi ang mga bata," aniya rito at saka kinuha si baby Deina mula rito.

            "Na-late kasi lumabas si Aki. Traffic pa," paliwanag naman nito. "Buti na lang hindi umiyak si Deina sa kotse. Kinuha ko na siya kanila Mommy kasi ayaw daw matigil sa kaiiyak. Pero nang dumating ako tumahan na."

            "Nangingilala pa siguro si Deina," aniya at saka hinaplos-haplos ang manipis na buhok ng anak. Kung si Aki ay carbon copy ni Dylan, si Deina naman ang mini version niya. Parehas na parehas sila ng mga mata.

            "Baby, na miss mo si Mommy, ha? Ha? Miss ni baby Deina si Mommy?" she baby talked Deina. Ngumiti ang anak niya at sumandig sa dibdib niya. It's a familiar place for Deina kaya ramdam niyang panatag ang loob nito.

            "Ninong Eugene!" tawag ni Aki sa ninong nito. "Hello, Ninong!"

            Palapit sa kanila si Eugene na may hawak ng isang tray ng mga sliced cakes at mga juice. Nakita siguro nito ang pagdating ng mga bulilit kaya nagkusa nang um-order.

            "Hi there, kid! How are you?" pangangamusta naman dito ni Eugene habang nilalapag ang tray sa mesa. Isa-isa nitong binigyan ng cake ang tatlo niyang anak bago ito bumaling kay Dylan.

            Nagbatian at nagkamay rin ang mga ito.  "Kumusta? I heard you need my help?"

            Napatingin sa kanya si Dylan. Tinanguan niya lang ito.

            "Ahm, let's have a seat?" aya muna ng asawa na pinaunlakan naman ni Eugene.

            Katapat ni Eugene si Dylan habang siya ay katabi ng asawa. Nasa tabi niya si Calvin. Habang sina Aki at Bench ay nasa side ni Eugene. May sariling pinag-uusapan ang mga magkakapatid na hindi naman masundan ni Lana kung ano. Kalong niya pa rin ang bunsong anak na nakasubsob sa dibdib niya at nakakatulog na.

            "Eugene, di'ba nakuwento ko sa'yo yung tungkol sa private investigator na nakuha namin?" panimula ni Lana.

            "Yes. What about it?"

            "We got answers," ani Dylan. "I know who are my real parents. Kaso p-patay na ang totoo kong ina. Naiwang biyudo ang totoo kong ama. And... I... I know my case was hard to believe." Nahalata niya ang panginginig ng kamay ni Dylan kaya inabot niya iyon at hinawakan iyon nito.

            Nagsalubong ang kilay ni Eugene. "Go on."

            Humigpit ang hawak ni Dylan sa kamay niya. "Sabi sa reports,  sa taong pinanganak ako, may kaso ng kidnapping na naganap sa isang ospital. Two to three kids on a nursery room were kidnapped by a sindicate at isa ako sa mga iyon. I was kidnapped because my parents were rich."

            Nanlaki ang mga mata ni Eugene. "I know that story. Inatake sa puso ang asawa ng Uncle ko pagkapanganak ng baby nila, dahil nasama sa kidnapping na iyon ang baby. Namatay si Auntie Debbie dahil doon. Uncle Johnny never found their lost son dahil nang mahanap daw ang mga sindikato na kumuha sa mga bata, nagkasunog sa hideout nila at walang nakaligtas. Kahit ang mga dinukot nilang mga bata. But... mukhang mali ang reports dahil buhay ka kung kasama ka nga sa mga batang nadukot."

            Mabilis ang naging pagtango ni Dylan. "Yes, yes. Nailigtas daw ako ng isang tauhan ng sindikato. Pero wala na rin siya ngayon. Tanging mga kamag-anak niya lang ang nagkumpirma na may iniligtas nga siyang sanggol at dinala sa ampunan kung saan ako pitong taong lumaki. That baby was me, Eugene."

            Hindi tumugon ang kaibigan niya bagkus ay lalong nangunot ang noo nito at tila kay lalim ng iniisip. Nakukuha siguro nito kung anong gustong palabasin ni Dylan.

            Maya-maya ay bigla itong napaangat ng tingin sa kanila. "Am I getting what you are trying to say?"

            Napalunok si Dylan. "Ano pang alam mo sa a-anak na nawala sa uncle mo?"

            "It's been thirty-nine years... Hindi pa nga ako buhay ng mangyari iyon. Kaya hindi nagkukuwento si Uncle. Hindi nga alam ng kapatid ko na nagkaanak si Uncle Johnny. Noong nabubuhay pa ang Daddy ko, siya lang nagkuwento sa'kin na may anak si uncle. Pero nadukot nga at namatay bago pa nila maiuwi ng bahay. Namatay pa ang asawa niya... Uncle Johnny never talked about his wife and their lost child. He was devastated up until now, I think," iiling-iling ito at saka matamang tumingin kay Dylan. "Do you have a birthmark?"

            "Sa mga batang nadukot, ako lang ang walang birthmark."

            Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa. Mas kinakabahan pa ata si Lana kaysa sa asawa niya. Napakabilis ng pagtibok ng puso niya at parang sa oras na magsalita ulit si Eugene tungkol sa Uncle nito ay sasabog ang dibdib niya.

            "Uncle Johnny was twenty years old, then. Maaga siyang nagpakasal dahil pinanagutan niya si Auntie Debbie. He's fifty nine years old now..." Eugene let out a calm sigh.

            Puro buntong-hininga rin ang ginagawa ni Dylan. Mukhang bumubuwelo ang dalawa.

            Akalain mo nga naman, posibleng magpinsan sila.

            "Awkward!" Calvin voiced out.

            Natawa si Lana sa anak at pabirong ginulo ang buhok nito. Napangiti naman sina Dylan at Eugene. Tila nawala ang tension, thanks to her son who loves kangaroos.

            "Anong nakalagay sa imbestigasyon ng kinuha niyong private investigator?" tanong pa ni Eugene pero mukhang alam naman na nito ang sagot.

            Napasulyap muna sa kanya si Dylan bago ito sumagot.

            "I may be your Uncle Johnny's lost son."

***

"KINAKABAHAN ka?"

            Naging mahigpit ang paghapit ni Dylan sa kanyang baywang. "It's not everyday that you'll meet your real father."

            Kasalukuyan silang nasa hardin ng mansyon ng sikat na land developer at businessman na si Mr. Johnny Arguelles. Sinamahan sila doon ni Eugene mula nang malaman nito kahapon na si Dylan nga ang nawawalang anak ng tiyuhin nito.

            "Oh, I know the feeling," ani Lana. "I was so nervous when I was about to meet Dad. But at the same time, I was feeling giddy. I was pretty excited, you know?"

            "How was it... when you met Daddy King?" marahang tanong nito.

            Ikiniling ni Lana ang ulo at saka inalala ang araw na nakilala niya ang tunay na ama. "When we saw each other, wala nang nakapagsalita sa'min ni Dad. Totoo iyong lukso ng dugo, mind you. Bigla na lang ako tumakbo sa kanya at yumakap. Mahigpit din ang yakap sa'kin ni Dad. When my father embraced me that tight... I just knew, I belong in there," napapangiting pagkukuwento ni Lana. "Daughter instinct, maybe. Then, I cried. Halo-halo ang emosyon ko. Kasi, at that time, may sakit na rin ako di'ba? Sobrang saya ko na malungkot rin. So, yeah... that's it."

            Tumangu-tango si Dylan. "T-Tanggapin niya kaya ako?" mahinang tanong nito na parang ayaw pang iparinig sa kanya. "Paano kung mali pala tayo?"

            Hinawakan niya ang kamay ng asawa na nasa baywang niya. Tinangala niya ito at matamis na nginitian. "It was fate that brought us here, Dylan. Sa dinami-rami ng puwede kong maging kaibigan, bakit kaya si Eugene pa? Matagal na pala tayong malapit sa hinahanap mo, pero ngayon lang natin nalaman. Kasi nga, ito na iyong tamang oras na iyon. Ito iyong tamang pagkakataon na makilala mo ang tunay mong mga magulang—ang tunay mong ama," pagpapalakas niya ng loob rito. "Kung kailan, hindi mo na hinahanap at saka kung kailan hindi naman tayo umaasa ng positibong resulta mula sa private investigator, biglang ibibigay sa'tin ni God 'to?  It was meant to be, Dylan."

            Unti-unti itong napangiti ito at pagkuwa'y kinabig siya para sa isang mahigpit na yakap. "Oh, Allana... I love you so much."

            Yayakapin niya rin sana ito nang makarinig sila ng isang pagtikhim.

            Sabay silang napalingon ng asawa at nakita si Eugene. "Pababa na si Uncle."

            She felt Dylan stiffened. Humawak siya sa braso nito at marahang hinaplos-haplos iyon. "Everything will be alright," she whispered to him.

            Later on, an old man in his late fifties came out from the house. Agad itong napatingin sa kanila—most particularly, kay Dylan.

            "G-Good afternoon, Sir," bati rito ni Dylan na ngayo'y nanginginig na ang mga kamay na hawak niya.

            Halatang natulala ang matandang lalaki na mahusay pa rin ang tindig at abuhin na ang kulay ng mga buhok. Halata na rin ang wrinkles at laughlines sa mga mata nito ngunit hindi maikakailang napakaguwapo pa rin.

Hindi ito kamukha ni Dylan ngunit...

"You... You look like Debbie..." sambit ng matandang lalaki. Unti-unti itong lumapit sa kanila ngunit diretso ang tingin kay Dylan.

Nakagat ni Lana ang mga labi upang pigilan ang maiyak lalo na ng makita niya ang matandang Arguelles na nangingilid na ang luha sa mga mata. She let go of Dylan's hand.

Si Dylan naman ay natulos na sa kinatatayuan. Parang hindi nito alam ang gagawin o sasabihin man lang.

"H-How old are you?" nanginginig na tanong ni Mr. Arguelles.

"T-Thirty-nine, S-Sir..."

Ngumiti ang matanda. "You look exactly like her..." Tumulo na ang mga luha  ng matandang Arguelles at huminto sa harap ni Dylan. "You look exactly like your mother."

Lana saw Dylan tried to smiled. But he failed. Nakita na naman ni Lana ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ng asawa. When Johnny Arguelles opened his arms, without any hesitations, Dylan hugged his father.

"I never thought this day would come," sabi ni Dylan.

"Anak ko... Ikaw ang anak ko..."

Lana started crying with the sight of the reunited father and son. Ganoong-ganoon ang nangyari noon sa kanila ng Dad niya. Sobrang saya niya para sa asawa niya ngayon. Alam niyang matagal din 'tong pinangarap ni Dylan, na malaman kung saan siya nanggaling.

When Dylan stopped searching, that's when fate started bringing him closer to his real parents. Kahit wala na ang totoong ina nito, ngayon naman ay kasama na nito ang ama. Wala nang tanong-tanong pa na tinanggap agad ito.

Naramdaman niya ang kamay ni Eugene sa balikat niya. Paglingon niya ay nakita niya ring masaya ito para sa tiyuhin nito.

"All his life, he believed that his son was dead," anito na ang tinutukoy ay ang tiyuhin nito. "Hindi na nag-asawa ulit si Uncle dahil masyado siyang nasaktan sa sabay na pagkawala ng asawa at anak niya. He never really moved on. He just have me and my sister. But, now, he has Dylan, again."

Tumango siya at pinunasan ang mga luha. Pumasok muna sila ni Eugene sa loob ng mansyon upang makapagsolo ang mag-ama.

"Grabe, hindi ako makapaniwala na sa lahat ng tao, sa'yo konektado si Dylan. Pinagselosan ka pa niya noon, eh." Naalala niya noong pinagbubuntis niya pa si Aki ay naiinis si Dylan kapag si Eugene ang hinahanap niya dahil nami-miss niya ang amoy ng kaibigan.

Napangisi lang ito. "Looks like you have the hots for the Arguelles' charms."

She chuckled. "Mukha nga. Kaya pala ang lakas ng appeal mo sa'kin noon, magpinsan pala kayo ni Dylan."

"At nagustuhan kita noon. Kaso nauna siya. We have the same preference. Magpinsan nga talaga kami," he joked.

Nagkatawanan sila at pagkalipas pa ng dalawang oras ay sinamahan na sila ni Dylan at ng kanyang bagong biyenan. Pinakilala siya ni Dylan bilang asawa nito at nangako silang babalik kasama ang mga anak.

Nangako rin si Dylan na sabay-sabay nilang dadalawin ang puntod ng totoo nitong ina.

***

NAGKUKULITAN ang magkakapatid na sina Aki, Bench, at Calvin habang si Lana ay nakaupo sa playmat ng nursery room at nilalaro si Deina.

            It's past their bed time ngunit hindi mapatulog ni Lana ang mga anak. Hinayaan niya na lang na maglaro ang mga ito hanggang sa mapagod tutal ay Sabado naman bukas.

            It was past ten PM already, nang sinamahan sila ni Dylan sa kuwarto at talagang nakipagharutan pa ito sa mga anak. Lalo tuloy nag-enjoy ang tatlo at hindi na lalo makatulog.

            Naglilikot na rin si Deina at kinakawag ang mga kamay nito habang nakatingin sa mga kapatid nito. Tumitili rin ito at nakikitawa kapag dinadaganan ng tatlong kuya nito si Dylan.

            "Ikaw talaga, nakisali ka pa sa mga bata," natatawang wika niya sa asawa.

            "Para lalo silang mapagod," sagot nito at saka hinuli sa mga braso nito sina Aki na tawa ng tawa. "At para mahaba ang tulog ng mga ito hanggang bukas. Para walang gambala sa'tin," nakangising sabi nito sabay kindat pa sa kanya.

            Lana chuckled. At kahit apat na ang anak ay kilig na kilig pa rin siya kapag may mga ganoong pahiwatig si Dylan. Like, oh come on, who doesn't get excited with the sex? Really?

            Mga ilang minuto pa ang lumipas bago tumigil na ang mga bata sa paglalaro. Calvin and Bench were resting in Dylan's lap. While Aki rested in hers. Kanina pa tulog si Deina kaya naman nasa crib na ito kanina pa.

            "Mommy, bakit ang dami naming grandpas and grandmas?" Aki curiously asked.

            "Yes, Mommy. We have Grandpa Rob, Grandma Daisy, Mamita, and Papsy," dagdag ni Bench.

            "Tsaka si Lolo Angelo and Lola Venus. Meron pa, si Lolo Johnny!" Calvin added.

            "Bakit? Ayaw niyo ba iyon? Ang dami niyong lolo at saka lola. Ang daming may love sa inyo! Blessings sila sa'tin!" simpleng paliwanag ni Lana sa mga anak. Kapag medyo malaki na ang mga ito at saka sila magpapaliwanag ni Dylan kung bakit ganoon.

Humikab si Bench. "I'm sleepy."

"Me, too," Calvin agreed.

Napahikab na rin si Aki at mapungay na ang mga mata.

"Sige, we go to sleep na but Kuya Aki will pray first."

Kahit antok na antok na ay tumayo si Aki at ito ang nag-lead ng prayer. Ganito lagi ang ginagawa nila gabi-gabi. Sabay-sabay silang nagdadasal at pinagli-lead nila Lana ang mga anak nila. Ngayon si Aki, Bukas ay si Bench naman. Sa susunod na araw, si Calvin. Then, back to Aki. Kapag lumaki na si Deina, kasama na rin itong magli-lead ng prayer.

Pagkatapos magdasal ay dinala na ni Dylan si Aki at Bench sa kuwarto ng mga ito. Inayos naman ni Lana sa higaan si Calvin. Kinumutan niya ito at saka hinalikan sa noo.

"Sleep well, okay?"

            Ngumiti ito. "Pero, Mommy, sa dream ko yesterday, hindi pa rin bumabalik si mommy kangaroo."

            "Eh, baka ngayon sa dream mo, bumalik na. Just think of beautiful things para di ka na nagkakaroon ng bad dream, baby. Saka magpe-pray ka ulit, okay?"

            "Yes, Mommy." Ngumuso ito at hinalikan ulit siya sa pisngi. "Good night. 'Love you..." humihikab na sabi nito at saka tuluyang nakatulog.

            "I love you, more, Calvin," bulong niya rito bago siya tumayo at tinignan naman si Deina sa crib nito. Yumuko siya at masuyong hinalikan ang bunso sa noo.

Bago lumabas ng kuwarto ay tinitigan pa ulit ni Lana isa-isa ang apat na anak. She's forever grateful to the Lord for this life. Nagpapasalamat siya sa Diyos na dito siya dinala sa buhay na 'to... Ang maging isang tunay na ina.

Tama ngang hindi siya nagpagapi sa cancer noong kabataan niya. This is the very reason why God kept her alive--so she can be the mother of Aki, Bench, Calvin, and Deina.

Punong-puno ang puso niya.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 134K 33
More Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then...
3.7M 88K 19
Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si Gideon? Written ©️ 2014 (Published 2017...
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
19.8M 401K 43
Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3