ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 55: REVELATION

365 23 8
By angelodc035

Ginising ng mga yabag ng nagmamadaling mga paa si diyosang Tala. Hindi niya mailarawan ang kanyang pakiramdam dahil magkahalong pananakit sa buong katawan at pagkahilo ang nangingibabaw sa kanyang nararamdaman. Kahit nakadilat na ang kanyang mga mata ay hindi pa rin niya maaninag ng maayos ang lahat ng nasa kanyang paligid.

Narinig niya na tumigil sa kanyang tabi ang mahihinang mga yabag at amoy niya ang napakabangong halimuyak ng Ylang-ylang na nanggagaling sa nilalang na nasa kanyang paligid. Kilala niya ang amoy na iyon at hinding-hindi siya puwedeng magkamali.

"Mariang Sinukuan..." ang mahinang wika ni diyosang Tala sa nilalang sa kanyang tabi na akmang ibinuka ang kanyang bibig upang sumambit rin sana ng salita sa kanya.

Isinara ni Laurea ang kanyang bibig at kinagat ang ibabang labi.

"Alam kong ikaw 'yan Mariang Sinukuan. Bakit mo nagawa ito sa akin?" ang may panunumbat na tanong ni diyosang Tala sa diwata.

"Pa...patawad mahal na diyosa. Wala po akong kinalaman sa mga nangyari. Katulad rin po ninyo, ako man ay bihag ni Anilaokan dito." ang emosyonal na tugon ni Laurea.

"Sinungaling! Kinupkop ka ni ama kasama ang iyong kapatid na si Aring Sucu, pero bakit ito ang isinukli mo sa kabutihan ng aking ama." ang matigas na wika ng diyosa.

"Kailan man ay hindi ko magagawang magtaksil kay Bathala dahil parana rin siyang ama sa akin. Hindi rin ako magiging taksil sa'yo alam mo 'yan dahil ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan."

"Ewan ko... dahil ako mismo ay hindi ko na alam kung sino ang kakampi o kalaban." Ang malungkot na sabi ni diyosang Tala. Sinubukan niyang tumayo pero tila ayaw umayon ng kanyang katawan sa kagustuhan ng kanyang isipan.

"Mananatili akong kakampi mo aking kaibigan at mahal na diyosa." ang tugon ni Laurea at marahang hinawakan ang kamay nito.

Tumingin si diyosang Tala sa mukha ng kaibigan at saka ipinatong ang kabilang kamay sa nakahawak na kamay ni Laurea sa kanya. "Kung gayon, patunayan mo sa akin ngayon na tapat ka pa rin sa akin ngayon kahit man lang bilang isang kaibigan."

Tumango si Laurea bilang pagtugon sa kaibigan. Kahit man hindi ito sabihin sa kanya kung paano nito patutunayan ang katapatan nito sa kaibigan ay alam niya kung ano ang ibig sabihin ng diyosa sa kanya. Pero nabaling ang kanilang atensiyon ng marinig nila ang malulutong na palakpak ni diyosang Bulan habang papalapit ito sa kanila.

"Magaling! Magaling! Magaling!" Kasabay ng pagpalakpak ng diyosa ng buan. "Napakagandang eksena! Parang eksena sa mga kaartehan ng mga tao sa kanilang mga palabas sa telebisyon. Nakakaiyak at nakakaantig ng puso."

"Bulan!" Ang sigaw ni diyosang Tala pagkakita sa kapatid. "Bakit mo ginagawa ito?" ang halos mapatayo sa kinahihigan na si Tala.

"Tala! Ang pinakamamahal kong kapatid! Ang napakahina at pinagkanulo ang sariling ama." Ang tugon ni diyosang Bulan sa kapatid. Tila nakalutang ito sa hangin habang papalapit sa kinaroroonan ng dalawa. Kitang-kita ang mga ngipin sa kanyang matamis na ngiti pero para kay Laurea ay makamandag ang mga ngiting iyon. Pero tila nababasa ni diyosang Bulan ang nasa isipan ng diwata. Tumingin ang diyosa ng buwan kay Laurea na nagbigay ng matinding kilabot sa kanya.

"Hindi ka nabibilang dito diwata!" ang nanggigigil na wika ni diyosang Bulan sabay kumpas sa kamay nito.

Nakaramdam ng matinding puwersa si Laurea na nagpatilapon sa kanya ng mahigit sa sampung metro pero imbes na sa matigas na sahig ito bumagsak ay sa malalakas na mga bisig ni Anilaokan ang sumalo sa kanya. Sinalo siya ng lalaking diwata na naroroon din pala sa paligid.

"Salamat..." ang naging wika ni Laurea na mabilis na nahimasmasan sa kanyang pagkabigla.

Ngumiti lamang si Anilaokan at mahirap basahin ang ekspresyon nito sa mukha. Ibinaba niya sa sahig si Laurea at isinamang papalabas sa kuwarto.

"Napakasama mo!" Ang galit na galit na sabi ni diyosang Tala sa kapatid dahil sa ginawa nito kay Laurea.

"...ginagawa ko lang ang nararapat at tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakabuti sa Sanlibutan mahal kong kapatid. Itatama ko lamang ang mga pagkakamaling ginawa ni Bathala sa Sanlibutan."

"Alam mo kung gaano ko kamahal si ama. Ang naging pagkakamali ko lamang ay nakinig ako sa'yo dahil tiwalang-tiwala ako sa'yo. Hinahangaan kita alam mo 'yan. Hinahangaan kita dahil sa napakabuti mo sa akin at napakagaling mo sa pakikidigma. Kaya sinunod kita dahil naniwala ako sa'yo. Pero bakit nagkakaganyan ka? Minahal ka ni amang Bathala at pinagkatiwalaan ka niya! Bakit mo ginagawa ito sa amin na kapamilya mo?" Ang nagpupuyo sa galit na si diyosang Tala. Pero wala siyang magawa sa kanyang kinahihigan dahil kontrolado siya ng kapangyarihang mas malakas sa kanya.

"Bakit ko ito ginagawa, mahal kong kapatid? Wala ka ngang kaalam-alam sa mga nangyari. Siguro nga napapanahon na para malaman mo na ang katotohanan."

"Katotohanan?" ang nagtatakang tanong ni diyosang Tala.

"Oo ang katotohanan at paano nagsimula ang lahat." ang tugon ni diyosang Bulan habang uni-unting lumalapit sa kinahihigaan ni diyosang Tala. Pagkalapit nito sa kanya ay inilapit nito ang kanyang mukha sa kapatid. Kitang-kita niya ang mahabang pilat sa mukha ni diyosang Bulan na nilikha niya ng itinakas niya ang tungkod ng kanyang ama.

Kapansin-pansin na napakabata ng mukha ni diyosang Bulan ng mga sandaling iyon. Marahil ay nalalapit na naman ang pagbilog ng buwan na hindi na namalayan pa ni diyosang Tala. Nasa kalakasan ngayon ang kapangyarihan ng kanyang kapatid kaya hindi siya magwawagi kung lalaban siya sa kanya. Pero may kakaiba sa mukha nito na ngayon lamang niya napansin sa napakahabang panahon. Kailan ba ang huling pagkakataon na nakita niyang malapitan ang mukha ni diyosang Bulan? Hindi na niya matandaan dahil ilang libong taon na rin ang nakakaraan. Bata pa sila noon. Natuon ang mga mata ni diyosang Tala sa mga mata ni Bulan.

"Mahabaging amang Bathala..." ang halos pabulong na wika ni diyosang Tala ng mapansin niya ang mga mata ni diyosang Bulan. Hindi iyon ang mga mata ni diyosang Bulan pero pamilyar ang mga matang iyon. Nakita na niya dati ang mga matang nasa harap na niya ngayon pero hindi lang siya sigurado kung sino at saan niya ito nakita.

"Sino ka?!" Ang matigas na tanong ngayon ni diyosang Tala sa kapatid. Sa mga sandaling iyon ay sigurado na siya na hindi niya kapatid ang diyosang nasa kanyang harapan ngayon.

Isang napakalutong na halakhak ang pinakawalan ni diyosang Bulan at saka sinabunutan ang walang kalaban-labang si diyosang Tala.

"Matagal ko ng gustong gawin sa'yo to mahal kong kapatid. Lalo na ang ginawa mo sa aking mukha. Tingnan mo ang mukhang ito dahil sinisigurado kong ito ang huling mukhang makikita mo bago kita papatayin!" Ang nanggigigil na wika ni diyosang Bulan habang nakasabunot ang kanang kamay nito sa gawing likurang buhok ni diyosang Tala. Mabilis na hinawakan ni diyosang Bulan ang panga ng kapatid at buong gigil na pinisil iyon at itinapat muli ang mukha sa kawawang diyosa.

"Matagal ko ng gustong simsimin ang iyong kagandahan at kapangyarihan pero hindi ako makakuha ng pagkakataong gawin iyon dahil laging nakabantay sa'yo si Bathala at ang manliligaw mong si Sucu. Pero mabuti na lamang pala at hindi ko ginawa iyon dahil kung hindi ay walang matitira sa aking tunay na kapatid, ang pinakamamahal kong kapatid na kasama kong pamumunuan ang Sanlibutan." Pinakawalan ni diyosang Bulan ang pagsabunot nito sa buhok at pagpisil sa mukha ni diyosang Tala. Muli ay tumalikod ito sa kapatid at marahang naglakad papaikot sa higaan ng diyosa.

"Hindi ikaw ang aking kapatid! Hindi ikaw si Bulan! Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Ang galit na galit na wika ni diyosang Tala. Hindi niya napigilan ang umiyak ng masigurong hindi nga si diyosang Bulan ang kasama niya sa kuwarto. Bakit hindi niya ito napansin na ibang diyosang Bulan ang nakasama niya sa kanyang paglaki? Bakit pati ang kanyang amang si Bathala ay hindi rin nito napansing hindi ang tunay na diyosang Bulan ang kanilang nakasama ng matagal sa palasyo sa kalangitan?

"Tama, hindi nga ako si diyosang Bulan. Bakit? Alam mo na ba kung sino ako, mahal kong kapatid?" Ang tila nang-iinsultong tanong nito kay diyosang Tala. "...hindi ba't napakagaling ko? Libong taon na wala kayong kamalay-malay ni Bathala na si diyosang Bulan ay matagal ng patay!"

"Hindi, hindi totoo 'yan. Nasaan ang kapatid ko? Anong ginawa mo sa kanya?" Ang malakas na wika ng humahagulgol na si diyosang Tala. Pilit siyang kumakawala sa puwersang pumipigil sa kanya para makagalaw sa kanyang kinahihigan.

"Tulad ng sinabi ko sa'yo mahal kong kapatid matagal na siyang namatay sa aking mga kamay. Naalala mo ba ng huli kayong bumisita sa kuwebang inilaan sa isang batang pinagkaitan ng pag-aaruga at pagmamahal ng isang pamilya? Sabagay ilang libong taon na rin ang nakakalipas mula ng maganap iyon kaya sa tingin ko hindi mo na maalala pa. Pero hinding-hinding mo makakalimutan ang sugatang si diyosang Bulan na napayakap sa'yo ng araw na mawala si Kasanaya? Nang araw na iyon ay hindi si Kasanaya ang nawala kungdi ang mismong kapatid mong si Bulan."

"Napakasama mo, anong ginawa mo sa kapatid ko! Papatayin kita! Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Bulan at sa aking ama, magbabayad ka sa ginawa mo!" Ang galit na galit na sigaw ni diyosang Tala dahil sa narinig mula kay diyosang Bulan.

"Masisisi mo ba ako Tala? Naniningil lang ako ng pautang sa ginawa ng ama mo sa akin at sa aking mga magulang. Ipinaghihiganti ko lang ang ginawa ng ama mo ng pinagkaitan kami na makilala man lang namin ang aming mga magulang, ipinagkait iyon ng iyong ama sa amin ng kapatid ko!"

"Kapatid? Sino ang iyong kapatid?" Ang nalilitong tanong ni diyosang Tala sa nabanggit ni diyosang Bulan sa kanya.

"Oo nga pala, nakalimutan ko nga palang ipakilala sa'yo ang aking kapatid. Ang tunay at nag-iisa kong kapatid. Ang aking kakambal si Daleria!" Ang buong pagmamalaking pagpapakilala ni diyosang Bulan sa isang matangkad na babaeng may tatoo sa gitnang bahagi ng kanyang noo. Napanganga si diyosang Tala pagkakita kay Daleria na nakangiti sa kanya. Tila isa itong gutom na hayop na gustong lumapa sa kanya sa oras na iyon.

"Alam kong magkakilala na kayo, peke kong kapatid. Ako naman ang magpapakilala sa'yo bago sisimsimin ni Daleria ang iyong ganda at kapangyarihan." Ang ngayoy malumanay na wika ni diyosang Bulan sa diyosa ng mg bituin sa kalangitan. "Ako si Kasanaya! Ako ang nagpanggap na diyosang Bulan sa napakahabang panahon. Gusto mo bang malaman kung paano ko ginawa iyon ng hindi ninyo napansin?"

"Kasanaya..." ang mahinang sambit nito sa pangalan ng inakala nitong si diyosang Bulan. Sa pagkakataong iyon ay bumalik sa kanya ang mga alaala at unti-unting bumibigay linaw sa kanya ngayon kung bakit pagkatapos ng insidenteng iyon ay bigla na lamang nag-iba ang ugali ng kapatid niyang si Bulan

"Gusto mo bang malaman kung paano nagmakaawa sa akin si Bulan bago ko siya pinatay?" Ang nang-iinsultong wika ni diyosang Bulan na ngayon ay si Kasanaya kasabay ng kanyang mga malulutong na halakhak. Lumapit sa kanya si Daleria at hinawakan ang kamay ni Kasanaya. "...Plinano ko ang lahat Tala. Ikaw dapat ang sadya kong patayin imbes na si Bulan dahil napakabait sa akin ng kawawang si Bulan. Kaso masyado siyang pakialamero imbes na ikaw ang pumunta sa gubat ay siya ang humanap sa akin. Naalala mo ba na ikaw ang niyayaya kong maglaro sa labas ng kuweba? Kaso mas pinili mo ang maglaro na lamang sa loob ng aking silid. Ang napakabait na si Bulan ay hinanap niya ako sa loob ng kagubatan dahil inakala niyang nagtampo ako sa magaling ninyong Ama dahil sa hindi pagpayag nitong pagsama sa akin sa palasyo."

"Napakasama mo Kasanaya! Paano mo nagawa ito? Itinuring kang sariling anak ni Ama at minahal ka namin ni Bulan ng higit pa sa tunay na kapatid, bakit kasamaan ang isinukli mo sa kabutihang ibinigay namin sa'yo?" Ang galit na galit na si diyosang Tala.

"Wala kang alam sa ginawa ng ama mo sa aming magulang. Pinatay ng ama mo ang aming ama ng dahil lang isa itong Manggagaway na umibig sa isang diyosa mula sa Kalangitan."

"...diyosang Cusi? Kayo ang anak ni diyosang Cusi?"

"Oo kami ang anak na kambal ni diyosang Cusi. Sinira ng ama mo ang buhay ng mga magulang ko. Naitakas ng aking ina ang kakambal ko na si Daleria at dinala niya sa kaharian ng mga manggagaway kahit alam niyang buhay ang kapalit sa pagpunta niya roon. Isinakripisyo niya ang buhay niya mailigtas lang ang kakambal kong si Daleria. At ako binalak na patayin ng pinakamamahal mong ama."

"Hindi totoo yan! Minahal at itinuring kang tunay na anak ni amang Bathala. Pero dahil nananalaytay na sa'yong dugo ang kasamaan kaya nagawa mong patayin ang aking kapatid at si amang Bathala! Wala kang kasing sama!" Ang tugon ni diyosang Tala kay Kasanaya.

"Sino ba ang naunang gumawa ng kasamaan? Namuhay sa kabutihan ang aming ina, umibig sa isang manggagaway at hinatulan para mamatay. Iyon din ang ginawa niya sa akin na isang sanggol pa lamang noon at walang kalaban-laban. Anong klaseng diyos si Bathala na sirain ang buhay ng tulad namin ng aking kapatid ng dahil lamang sa pag-iibigan ng aming mga magulang." Ang wika ni Kasanaya na punong-puno ng hinanakit.

"Pero binuhay ka niya! Binuhay ka ni ama para bigyan ka ng pagkakataon maitama ang pagkakamaling nagawa ni diyosang Cusi at ng iyong ama."

"Pagkakamali? Kailan ba naging pagkakamali ang umibig? Pagkakamali dahil diyosa ang aming ina at isa lamang manggagaway aming ama? Tapos kami ng aking kapatid ay bunga ng pagkakamali dahil anak kami ng ipinagbabawal na pag-ibig? At para maitama ang pagkakamali ay kailangan lahat kami ay kailangang patawan ng parusang kamatayan?" Muli ay lumapit si Kasanaya kay diyosang Tala at muli niyong sinabutan ang buhok nito sa likuran. "Yan ang malaking pagkakamali ni Bathala. Ang binuhay niya ako at ituring na tunay na anak."

Binitawan ni Kasanaya ang buhok ni diyosang Tala at tumingin sa kapatid na naglalaway na sa pananabik na matikman ang dugo ng diyosa. "Alam mo ba kung paano ko kayo nalinlang? Sinipsip ko ang dugo ng iyong kapatid. Pilit na nagmamakaawa at umiiyak sa sakit na nararamdaman. Sinaid ko ang kanyang dugo hanggang sa mawalan na siya ng hininga. Kaawa-awang Bulan dahil pati ang kanyang kapangyarihan ay akin ring sinimsim at pagkatapos ay itinapon ko sa bangin ang kanyang katawan. Ang sarap palang maging si Bulan, mahal kong kapatid." Ang tuwang-tuwang si Kasanaya habang galit na galit na nagpupumiglas si diyosang Tala sa naaririnig mula sa manggagaway.

Lalong lumutong ang mga halakhakan ng magkapatid na sina Kasanaya at Daleria habang nakikitang nagpupuyos sa galit ang diyosa at wala itong magawa sa kanyang sitwasyon. Tila musika sa kanilang pandinig ang paghihirap ng kalooban ng diyosa.

"Napakasama mo, itinuring kitang kapatid, minahal ka namin ni Bulan..." ang galit na galit na si diyosang Tala. "Papatayin ko kayo! Makawala lang ako dito papatayin ko kayo!"

"Kung makakawala ka pa diyosang Tala!" Ang wika ni Daleria at mabilis na lumapit kay diyosang Tala. Sinakal niya ito at saka inilapit ang mukha nito sa kanya.

Pilit na itinatapos ni diyosang Tala si Daleria at amoy na amoy ang tila naaagnas na laman ang hininga ng manggagaway. Idinikit ni Daleria ang kanyang mukha sa pisngi ni diyosang Tala at ramdam na ramdam nito ang mainit at malapot na laway na tumulo sa kanyang makinis na mukha. Ilang saglit lang ay inilabas ni Daleria ang kanyang mahaba at napaka-itim na dila at dinilaan sa mukha ang walang magawang si diyosang Tala. Parang ahas na lumilingkis ang dila ng manggagaway habang ang pinakadulong bahagi nito ay tila may maliit na bibig na unti-unting bumubukas at napapaligiran ng matatalim na ngipin.

Nakaramdam ng takot si diyosang Tala sa mga sandaling iyon. Takot para sa kanyang buhay at sa pagkakataong hindi na maipaghiganti pa ang sinapit ng ama at kapatid kay Kasanaya na luminlang sa kanila bilang si diyosang Bulan. Kung may magagawa lamang siya sa mga sandaling iyon, kung mayroon lang sana.

Biglang tumayo ang dila ni Daleria na tulad sa isang ahas na nakahanda ng tuklawin ang kanyang magiging biktima. Habang si Kasanaya ay tuwang-tuwa sa kanyang nakikita sa paghihirap ni diyosang Tala. Noon ay napagtanto ni diyosang Tala kung paano pinatay ni Kasanaya ang kanyang kapatid, ang pinakamamahal niyang si Bulan.

Tumulo ang mga luha sa namumugtong mga mata ni diyosang Tala dahil na rin sa kawalan ng pag-asa sa kamay ng magkapatid na manggagaway. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinilit na tawagin ang pangalan ng taong sa tingin niya'y natitirang pag-asa para mailigtas sa kamay ng mga kalaban. Pero huli na ang lahat para gawin pa niya ito, dahil nakaakma ng tumuklaw sa kanya ang dila ni Daleria.

Sa labas ng kuwarto ay umiiyak na nakikinig si Laurea. Awang-awa siya sa sinapit ng kaibigan. Gusto niyang tumulong ngunit wala siyang magawa. Naroroon at nakatingin lamang sa kanya ang walong talampakan na si Anilaokan at hindi mabasa kung ano ang nasa isip nito.

"Mariang Sinukuan...tulong...pakiusap..." ang tila pabulong na boses  na narinig ni Laurea sa kanyang isipan.

"Diyosang Tala..." ang wika nito at nagsimulang mabalisa ang diwata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi siya puwedeng tumayo lamang doon na walang gagawin para mailigtas sa kamatayan ang kaibigang diyosa.

Tumingin siya kay Anilaokan. Gusto niyang kausapin ito. Gusto  niyang magmakaawa pero tila wala itong pakialam sa nangyayari. Sa tuwing naririnig niya ang mga daing at sigaw ni diyosang Tala ay para na rin siya ang pinahihirapan.

"Mariang Sinukuan, kaibigan...tulungan mo ako..." ang muling pakikipag-usap sa kanya ni diyosang Tala gamit ang isip nito.

Hindi kakayanin ni Laurea kung may mangyayaring masama sa diyosa. Kaya lumapit siya kay Anilaokan. Huminga siya ng malalim bago ito lumuhod sa harapan ng lalakeng diwata. Magmamakaawa, makikiusap.

"Nakikiusap ako sa'yo Anilaokan. Tulungan mo si diyosang Tala. Iligtas mo ang kaibigan ko, pakikiusap." Ang nagsusumamong si Laurea.

Pero parang walang naririnig si Anilaokan. Nanatili itong nakayuko at nakatingin sa makinis na sahig na yari sa purong marmol.

"Pakiusap...huwag mong hayaang mamatay si diyosang Tala. Ipinapangako ko sa'yo na mananatili ako sa'yo at hinding-hindi ako aalis sa tabi mo at kusa akong magpapakasal sa'yo sa nalalapit na pagsapit ng pulang Buwan." Ang pagmamakaawa ni Laurea kay Anilaokan.

Nabuhayan ang loob ni Laurea ng unti-unting iniangat ni Anilaokan ang kanyang ulo at saka tumingin sa kanya. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito at ipinako ang mga mata nito kay Laurea.

"Pakiusap tulungan mo ang kaibigan ko...pakiusap parang awa mo na."

Huminga ng malalim si Anilaokan at pabagsak na pinakawalan ang kanyang hininga. "Patawarin mo ako, pero hindi kita matutulungan sa pagkakataong ito." Ang malungkot nitong tugon.

"Nakikiusap ako sa'yo, kahit ngayon lang...kahit ngayon lang..." ang pangungulit ni Laurea. "Kung mahal mo talaga ako hindi ba dapat ay ipinaglalaban mo kung ano ang ipinaglalaban ko? Hindi ka masama at nararamdaman ko iyon sa puso mo. Hindi pa huli ang lahat para maipakita mo na kaya mong ipaglaban kung ano ang tama."

"Pasensya na, wala na akong magagawa para sa kanya mahal ko. Nararapat lamang sa kanya ang kamatayan dahil anak siya ni Bathala." Ang tugon ni Anilaokan at nagpapakita pa rin ng kawalan ng interest sa hiling ni Laurea.

"Walang kasalanan sa'yo si diyosang Tala. Kay amang Bathala ka galit pakiusap huwag mong idamay ang aking kaibigan. Tatanawin kong utang ng loob sa'yo kung tutulungan mo siya. Ngayon lang ako hihiling sa'yo...ngayon lang."

"Tapat ako kay diyosang Bulan at hindi kita puwedeng pagbigyan, mahal kong Mariang Sinukuan. Kaya kalimutan mo na yang kahilingan mo. Hindi sa ganitong paraan mo masusukat ang pagmamahal ko sa'yo." Tumalikod si Anilaokan para tunguin na ang daan papalabas sa tore. "Tara na! Marami pa tayong dapat gawin para paghandaan ang nalalapit nating kasal."

Tumakbo si Laurea papunta kay Anilaokan. Yumakap ito sa likuran ng lalakeng diwata at humahagulgol na muling nakiusap sa kanya.

"Parang awa mo na Anilaokan. Tulungan mo si diyosang Tala, iligtas mo siya. Kung gusto mo alisin mo ang kapangyarihan mong bumabalot sa akin, ako na ang magliligtas sa kanya."

"Hindi puwede."

"Ako na ang magliligtas sa kaibigan ko. Ako na lang." Ang pangungulit ni Laurea.

Sa pagkakataong iyon ay nawalan na ng pasensya si Anilaokan. Mabilis na humarap ito kay Laurea at buong puwersa niya itong itinulak.

"Sinabi ng hindi puwede eh!" Ang nanginginig sa galit na si Anilaokan.

Tumilapon si Laurea sa matibay na poste ng tore ng palasyo. Halos yumugyog ang poste sa tindi ng pagtama ni Laurea dito. Nakadapang bumagsak ang diwata sa makinis na sahig. Tila nawalan ng hangin sa kanyang baga si Laurea at nagsuka ito ng dugo.

Natulala si Anilaokan sa kanyang ginawa lalo na ng makita ang naging kalagayan ni Laurea. Gusto niyang tumakbo upang tulungan ang pinakamamahal niyang si Laurea. Gusto niyang yakapin at humingi ng tawad sa kanyang nagawa. Akmang ihahakbang na sana niya ang kanyang mga paa para lapitan si Laurea, pero pinilit niyang huwag lumapit sa kanyang Mariang Sinukuan kahit na nasasaktan siya sa kanyang nakita, sa kanyang ginawa.

Tumingin si Laurea kay Anilaokan at pinunasan ang dugo sa kanyang bibig gamit ang harapan ng kanyang kamay. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at saka sinimulan niyang tumayo.

"Bilisan mo ang pagtayo riyan at sumunod ka na sa akin, aalis na tayo." Ang dumadagundong na wika ni Anilaokan kay Laurea.

"O...oo mahal ko, masusunod..." mabibigat ang bawat hakbang ng mga paa ni Laurea. Kung may lakas lamang siyang alisin ang nakabalot na kapangyarihan sa kanya ay makakaya niyang labanan si Anilaokan at mailigtas ang kaibigang si diyosang Tala.

Nakayukong lumakad si Laurea para sumunod na kay Anilaokan. Umiiyak siya dahil sa kahinaan niya. Umiiyak siya hindi para sa kahihinatnan ni diyosang Tala. Umiiyak siya para sa kanyang sarili.
_________________
Parang isang ahas na nakahandang tumuklaw ang dila ni Daleria. Takam na takam at sabik na sabik na matikman ang dugo ni diyosang Tala. Punong-puno ng mga ngipin, mga matatalas na ngipin na sisipsip sa sariwang dugo ng diyosa. Mapapasakanya ang kapangyarihan at kagandahan ni diyosang Tala. Magiging makapangyarihan siya tulad sa isang totoong diyosa. Tulad ng ginawa ng kanyang kakambal na si Kasanaya, magkakaroon siya ng kapangyarihan at pamumunuan ang Sanlibutan.

Hayan na...at malalasap na niya ang sarap ng dugo ng isang diyosa. Nakaumang na ang kanyang mabangis na dila para simsimin na ang pinanabikang linamnam ng dugo ni diyosang Tala.

Isa...

Dalaw...

Tat...

"Huwag Daleria, huwag muna. Hayaan muna natin siyang maranasan ang paghihirap at siya na mismo ang hihiling sa kanyang kamatayan." ang biglang pagpigil sa kanya ni Kasanaya.

Napatingin si Daleria sa kapatid. "Pero Kasanaya kailangan ko ng makuha ang kanyang ganda at kapangyarihan. Nasasabik na ako sa lasa ng kanyang dugo."

"Konting tiis na lang kapatid ko. Pahihirapan muna natin siya. Bukas iyong-iyo na siya, buong-buo, sariwang-sariwa." Ang tugon ni Kasanaya.

Walang nagawa si Daleria kundi sundin ang kapatid. Padabog na inalis nito ang pagkakasakal sa diyosa at naiinis na lumayo ito dito.

"O paano na kapatid kong Tala, maiwan ka na muna namin ni Daleria. Dapat ay magpasalamat ka pa sa akin dahil kung hindi ko pinigilan ang aking kapatid ay baka nilalapa na ng mga mababangis na hayop sa kagubatan ang iyong katawan. Katulad ng sinapit ng iyong kapatid na si Bulan."

Sabay na humalakhak ang magkapatid at iniwan si diyong Tala na hinahabol pa rin ang hininga dahil sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Daleria.

Naiwang nag-iisa si diyosang Tala. Umiiyak at nagluluksa para sa kapatid niyang si Bulan at sa amang si Bathala. Nalinlang sila ni Kasanaya, nalinlang sila ng inakala niyang kapatid sa napakahabang panahon.

Kailangan ay may gawin siyang paraan para makatakas dito. Kailangan niya ang tulong ni Laurea. Kailangan niya ang tulong ng kanyang kaibigan. Tatakas sila dito at paghahandaan ang paglaban sa kanya. Hahanapin nila ang babae sa propesiya. Ang babaeng may kapangyarihang tapusin ang kasamaan.

Tumigil siya sa pag-iyak. Hindi na siya iiyak kahit kailan dahil tapos na siyang umiyak para sa kanyang pinakamamahal na ama at kapatid. Alam niyang magtatagumpay siya, magtatagumpay sa tulong ng babae sa propesiya...

Continue Reading

You'll Also Like

726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...
39.7K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
79K 2.4K 39
Stone Academy. Ito ay nakatampok sa Stone World; ang mundo na binuo ng labing-dalawang gemstones. Ang Stone Academy ay ang paaralan kung saan itinutu...
243K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...