The Second Woman

By ceresvenus

1.7M 23.7K 2.2K

How does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second... More

The Second Woman
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Guideon
Chapter 33
Special: Greg & Camille
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 41

30.3K 478 26
By ceresvenus

VERONICA

As soon as that stupid conversation ended, I called my daughter's nanny and told her to come back home immediately. Mabuti nalang at kada umaga at hapon ay nag si swimming sila sa dagat. My daughter loves the sea so much.

Hindi ko na papaabutin pa hanggang kinabukasan ang Pag alis namin ng anak ko. Hindi na ako papayag na maging magulo ulit ang lahat sa buhay ko. Maayos na ako eh, tahimik na kami. Bakit kung kailan hindi ko inaasahan ay saka pa babalik ang ama ng anak ko?

Hindi na ako nag isip pa, basta nag empake nalang ako ng mga damit. Natatakot ako dahil baka bumalik pa siya dito. Pabalik balik ako sa bintana para tingnan kung bumalik ba siya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang dumating na ang anak ko kasama ang nanny niya. Tulog na tulog ang bata. Mabuti naman.

"Ma'am, ano hong nangyari, bakit nag e empake kayo?" Nagtatakang tanong niya.

"Mida mamaya ka na magtanong. Tulungan mo muna akong mag empake dito. We'll leave as soon as we can."

Hindi ko naisip na darating pa ang araw na ito, na kakailanganin ko pang bumalik ng Maynila. But it's the only way. Mas mapo protektahan ko ang anak ko doon.

Pinilit kong i kundisyon ang sarili ko. I shouldn't be thinking about myself right now, dapat ay mas inuuna kong isipin ang ang kapakanan niya pero hindi ko maiwasang isipin ang pag balik ko sa Maynila. I have to face my dad, and everything that I left there. I have to plan my most awaited come back.

"Ma'am mukhang hindi ho tayo makaka daong ngayon, masama ho ang panahon." Ang sabi ng bangkero ko nang ipatawag ko siya.

Gabi na nga at mukhang malakas ang alon. Mahina na ang ulan ngunit wala pa din iyong tigil. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag hintay hanggang bukas. Kailangan ko nang umalis dito. Just the thought of having him around in this island turns my stomach up side down.

"Sige manong. We'll leave as sun as the sun rises." Nag aalalang sabi ko.

"Sige ho. Babalik nalang ho ako."

"Thank you, manong."

I quietly sat on the living room while waiting for my tea. Hindi ko magawang mag hapunan man lang dahil sa lalim ng pag iisip ko. Kapag sinabi ni Guideon na gagawin niya ang isang bagay, gagawin niya talaga.

Mukhang ngayon nga lang talaga nag sink in sa akin ang nangyaring kumprontasyon kanina.

Ang hirap lang din paniwalaan na hindi si Guideon ang ama ng dinadala ni Camille noon. I've had so many sleepless nights thinking about that. Gabi gabi ko ding iniyakan ang nangyari noon.

Hindi birong itaboy ka ng ama ng sarili mong anak. Ang unfair talaga ano? Tanggap ko na sanang hindi ko mabibigyan ng kumpletong pamilya ang anak ko eh, tapos bigla bigla siyang susulpot na parang ganon lang kadali ang lahat?

Hindi naman parang chalk board lang ang lahat eh, buhay ko iyong nasira. Pati buhay ng inosenteng bata nasira nang dahil sa katangahan ko. I should have chosen another man but it was him that I loved and cared about the most. Anong napala ko? Naging kabit, nabuntis at iniwan.

I can still remember the day that my daughter was born. It was a bittersweet memory.

I lost so much blood and my body was so exhausted that I passed out. I almost died that day. Ramdam ko na noon ang panlalamig ng buong katawan ko. The next thing I knew, I was in the ICU. The nurse said I've been asleep for five days. I thought I don't deserve to live. I made so much mistakes, but I guess God is really good. Ayaw niya sigurong lumaking mag isa ang anak ko, and commit the same mistakes that I did.

I couldn't believe my eyes, the first time I saw my daughter. She was so precious. That's why I named her Precious Shellainah Bellerose. The little munchkin looked so much like her father. Naisip ko nga noon na, baka iyon talaga ang way ng buhay para ipaalala sakin na minsan kong minahal si Guideon.

"Ma'am nakatulog na po si baby. Magpahinga na rin po kayo para hindi kayo mapagod sa byahe bukas." Naputol ang pag iisip ko nang kausapin ako ng kasambahay.

Tipid ko lang siyang nginitian. Makakatulog pa kaya ako nito? Umiling na lamang ako at kinuha ang paborito kong libro. Nag basa ako hanggang sa antukin ako at tuluyan nang makatulog.

Naalimpungatan lamang ako nang masilaw ako sa kaunting liwanag na nang gagaling sa labas. Papasikat palang ang araw. If this was just a normal day, I'd take my time and appreciate the sunrise. Napakaganda ng sunrise sa Gigantes. Lalo pa't tanaw mo ang lawak ng dagat sa paligid.

I went to Shelly's room and I saw her still sleeping soundly. Hindi na ako nag aksaya ng oras at pinatawag ko na agad ang mga kasama ko sa bahay upang tulungan akong ipababa na ang mga gamit ko sa baba ng bundok. I was so scared that Guideon is gonna come back. Kailangan kong makaalis dito as soon as I can.

Nang matapos kami sa pag eempake ay kinuha ko ang tote bag na puro mga gamit ni Shelly. Saka ko siya binuhat. Swerte namang mahimbing pa rin ang tulog ng bata.

Ang kalimitang sasakyan lamang sa Gigantes ay habal habal. When I came here, una kong naisip ay kailangan ko ng sasakyan na safe para sa amin. The closest thing that I cam get is a golf cart. At iyon din ang sasakyan namin ngayon.

After fifteen minutes, we are already on the shore. I have all my belongings on the yacht that I own. Mabilis pa sa alas kwatro kaming sumakay doon. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ako nakakasakay ng eroplano paalis ng Iloilo. Kailangan ko pang bunuin ang isa't kalahating oras na pag baybay sa dagat. I can use that time to eat and maybe relax a little bit.

"Mida, ang mga bilin ko ha. Kayo na munang bahala sa bahay. Treat it as your own." Sabi ko sa kasambahay ko bago umakyat ng yate.

"Nako ma'am. Mag iingat ho kayo. Mamimiss ko po si Shelly." Sagot niya.

"Mida, kapag may nag hanap sa akin sabihin mo nalang na hindi mo alam kung nasaan ako ha? I need you to do that."

"Mukhang alam ko na ho kung sinong nag hahanap sa inyo. Pero sige po. Ako pong bahala."

"Oh siya, kapag may kailangan kayo alam niya naman ang number ko hindi ba? Tumawag ka lang. We have to go." Nginitian ko siya bago ako tuluyang sumampa.

Wala nang sinayang na oras ang bangkero ko at tuluyan na naming nilisan ang isla. This island was my home for the past two years. But now, I don't know if I can still come back.

GUIDEON

"Can you fucking hurry up, Scorpion?" I shouted at Scorpion while we are hiking up the mountain.

"Tangina! 'Wag mo ko sigawan ah, ikaw nalang nag papasama eh." Tila irita ding sagot niya.

Hindi ko na siya pinatulan at nag hike na lang ako nang mabilis patungo sa tuktok. Hindi ko man gustong bumalik sa resort kagabi, I had no choice. It was raining so hard and I have nowhere else to go. Naisip ko rin na mas mabuti kung papalamigin ko muna ang ulo ni Veronica. It seemed like she was not ready to hear everything.

I'm still agitated but I was excited. Sa tingin ko ay makikita ko na ang anak namin. I can't even believe that this was happening but here I am, hiking the mountain at 7 am. Wala pa kasing gas ang mga motor kaya napilitan nalang kaming mag hike ni Scor. Mabuti nga at sinamahan ako ng loko.

"Pare malayo pa ba? Pagod na ko, puta!" Reklamo niya.

"Oo pre! Para ka namang bakla eh!"

"Tangina, pag ako talaga walang napala diyan ah." Pinangakuan ko kasi siya na may ipapakilala ako sa kanyang chicks. Kahit na alam ko naman na gusto niya din iyong pinsan ni Clint.

"Dito na." Huminto kami nang marating ang gate ng mansyon ni Veronica.

"Ah, dito pala! Mas malaki pala sa tuktok 'noh? Sino bang nakatira dito? Chicks?"Tanong niya.

"Oo, chicks ko." Bahagya akong napangiti.

"Naknamputa! Iba ka na!" Biro naman ni Scor habang tatawatawa.

I saw a woman sweeping the leaves. Tinawag ko ang atensyon niya.

"Hey! Nandiyan ba ang amo mo?" I asked.

Tiningnan niya ako na parang nakakita siya ng multo. I don't even know this woman.

Parang sumama ang kutob ko.

"Sino ho sila?" Tanong niya naman kahit na namumutla siya at tila ineeksamin niya ang mukha ko.

"I'm-uh. Her friend." Tumikhim akoZ

"Sir, wala na po si Ma'am V. Umalis na po. Hindi ko po alam kung saan sila nagpunta."

"What?"

I couldn't believe what I heard. Niyugyog ko ang gate at lalong tinakasan ng kulay ang mukha ng babae.

"Veronica! Lumabas ka diyan! I know you're there!" Sigaw ko habang niyuyug yog ang gate.

"Sir! Wala na po talaga sila ma'am!" Sigaw naman pabalik ng babae.

"Pare ano ka ba! Huwag kang mag wala dito!" Pinigilan ako ni Scor dahil gusto ko nang gibain ang gate.

"No, no! You can't leave me again, V." I whispered under my breath.

"Pre! Ano ba? Tara na! Wala daw dito." I didn't listen to Scor.

I was busy thinking. I have to know where she went! Fuck it!

Hindi mo na ako matatakasan ulit Veronica. Over my dead fucking body! Kung kailangan ko ulit halughugin ang buong pilipinas ay gagawin ko, lalo na ngayong alam kong buhay na buhay ka at ang anak natin.

Matagal ko nang hinintay ito. I promised myself to love her and cherish her with every bit of my heart when I found her. And I did.

So run. Run while you still can, V. Because I swear, if I find you, you're never gonna get away from me again. I'll make you love me again. Harder than before. And this time, I'll love you. Love you harder than you love me.

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
5.8M 142K 40
He is a playboy billionaire. She's an assistant's daughter. He loves her. She loves another man. She wanted the love of her life to be hers, but th...
32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
4.6M 58K 51
Nagkulang ba ako sa kanya? Binigay ko naman sa kanya ang lahat, ang puso ko, ang kaluluwa ko at ang katawan ko pero bakit niya sakin nagawa ito? Akal...