ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Rom...

By CeCeLib

1.6M 40.9K 2.3K

Heelan Alvarado got kicked out again. And she’s prouf of it. Walang sinuman ang may karapatan na laitin ang p... More

ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Romance with Mr. Candy 1
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 8

101K 3K 121
By CeCeLib

CHAPTER 8

    

IPINARADA ni Sky ang sasakyan sa labas ng bahay ni Heelan.

“Dito ka nakatira?” Tanung ni Sky habang nakatingin sa bahay nila.

Tumango siya. “Yeah. Thanks sa paghatid.” Heelan unbuckled her seat belt and opens the door.

“I won’t tell him.”

Nilingon niya si Sky na nakatingin sa labas ng bintana. “Thanks, Sky.”

Sky shrugged. “It’s fine. Just don’t cry again. Nakakairitang tingnan e.” Naiiritang tumingin ito sa kanya. “Sige, labas na. Kanina mo pa pinapalabas ang Air con ng sasakyan ko.”

Napailing-iling na napapangiti na lumabas si Heelan sa sasakyan ni Sky. Agad na pinaharurut ng binata ang Lamborghini na makalabas siya.

Pagkapasok niya sa bahay, nagpapasalamat siya at wala ang kuya niya. Nasa kalagitnaan siya ng hagdanan ng tumunog ang cell phone niya.

It’s her mother.

“Hey, mom.” Bati niya rito sa matamlay na boses.

“Are you okay, Hee?” Nag-aalalang tanung ng ina.

“Yes, mommy. Medyo na drained lang ako sa midterm namin.”

“Oh. Are you well? Two days from now, ila-launch na ang new fashion line ko. I want you to be here. Ipapasundo kita bukas diyan. Kaya pa ba ng katawan mo?”

“Okay mommy.”

“Okay. Pack your things tapos magpahinga ka na.”

“Okay. Love you, mommy.”

“Love you too, baby.” Anito at tinapos na ang tawag.

Pumasok siya sa kuwarto at nagumpisang mag-impaki sa dadalhin niyang mga damit para bukas.

ISANG malakas na suntok ang pinakawalan ni Blue sa mukha ni Sky ng pumasok ang kakambal sa kuwarto.

Kanina pa siya nagtitimpi at naghihintay na dumating ito. After that ‘dating Heelan’ incident hours ago, hindi siya mapakali. Alam niyang hindi ang mga ito nagdi-date pero nagseselos siya. Nakita niya ng akbayan ng kakambal si Heelan at iginiya palayo sa kanya kanina. Parang may kung anung pumipiga sa puso niya.

“What the fuck, bro?! What was that for?!” Galit na sigaw sa kanya ni Sky habang hinihimas ang pisngi at nakatingin sa kanya ng masama.

“That’s for dating Heelan!” He shouted back. “Alam mong gusto ko siya. Alam mong balak ko siyang ligawan—”

Umigkas ang kamao ni Sky at tinamaan siya sa pisngi. “Gago ka pala e. Ilang beses ba kitang tinanung kung may gusto ka sa kanya? Panay naman ang deny mo. Kasalanan ko ba kung denial king ka?”

“Akala ko ba kakambal kita. You should know—”

“Oo, magkakambal tayo pero hindi ako manghuhula.” Kalmadong sabi ni Sky at naglakad papunta sa mini fridge ng kuwarto nila at kumuha doon ng Milk Tea.

“Whew!” Sky exclaimed after sipping his Milk Tea. “Naubos yata ang laway ko sa pakikipag-usap kay Heelan.” Tumingin ito sa kanya ng nakakaloko. “No wonder gusto mo siya. She’s so amazing to talk too. Ang talino niya. Lahat ng topic na ako nag-umpisa nasasakyan niya.”

Blue gritted his teeth. “I swear Sky, if—”

“No swearing, Brother.” Naglakad ito papuntang harapan niya. “If you want her that much, then get her. Huwag mo akong isama sa ka-dramahan mo.” Sumipsip ulit ito ng milk tea.

“Are you really dating Heelan?” Tanung ni Blue sa mahinang boses.

“That—” Naputol ang sagot ni Sky ng tumunog ang cell phone nito. “Wait, bro.” Kinuha nito ang phone sa bulsa at sinagot ang tawag. “Hey, who’s this—Kreiya? Bakit ka napatawag? Ahm… yeah, sure. – I’ll be there.” Tinapos na nito ang tawag at tumingin sa kanya. “I have to go. Kreiya needs me.”

“Akala ko ba you’re dating Heelan. Bakit ka pupunta kay Kreiya? I swear Sky, pag pinaiyak mo si Heelan, bubugbugin kita!”

Tumigil sa paglalakad si Sky ng nasa pintuan ito ng kuwarto nila at nilingon siya. “Kung ganoon, umpisahan mo ng bugbugin ang sarili mo.”

Kumunot ang nuo niya. “Ano?”

Umiling si Sky. “Nothing. And Heelan and I didn’t talk after I give her a ride home. Hindi kami close. I was just kidding you.” Umalis na ito at naiwan siyang naguguluhan.

ALAS-OTSO palang ng umaga, natagpuan na ni Blue ang sarili sa harap ng bahay ni Heelan at nagdo-door bell.

Nakakailang pindot na siya ng door bell ng may magsalita sa likuran niya.

“Anong ginagawa mo dito?” Boses iyon ni Doctor Keelan.

Nilingon niya ito. “I’m looking for Heelan.”

“Si Heelan? Umalis papuntang Paris kaninang alas-sais lang.”

Nanigas si Blue sa kinatatayuan. “A-Ano? Sa P-Paris? Anong gagawin niya doon?”

“Pinakuha siya ni Mommy.” Naglakad ito sa palapit sa kanya at ginulo ang buhok niya. “Uwi ka nalang sa inyo. Wala si Heelan dito e.” He pats his shoulder and went inside the house.

Naiwan siyang nakatayo sa labas ng bahay. Umalis si Heelan? Kailan siya babalik? Shit! I have to clarify things with her. Baka anong isipin ‘non sa nakita kahapon.

Hindi siya nakagalaw ng makita ni Heelan ang nakalingkis na braso ni Leiche sa braso niya. Sobrang kaba ang naramdaman niya. Bakit ba kasi ini-entertain pa niya ang babaeng ‘yon. Nasisira tuloy ang mga plano niya!

Napatigil siya sa pag-iisip ng mag-ring ang cell phone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa at sinagot ang tawag.

“Hello?”

“Hey, bro. you have to see this.” Sky chuckled over the phone. “Nagwawala si Leiche.”

Kumunot ang nuo niya. “Bakit naman?”

Sky chuckled again. “Bro, alam mo ba kung sino ang top one ngayon sa Fashion Designing College?”

Naglakad siya papuntang sasakyan. “Sino?”

“None other than, Heelan Alvarada. Your love interest.”

Blue halts on his step. “What? Natalo niya si Leiche?” Si Leiche ang pinakamagaling na designer sa ACU. Ngumiti siya. Mukhang may mas magaling na kay Leiche ngayon. Nice!

“Hinihintay pa ng rankers’ ang new list of University ranking. Siguradong makakapasok doon sa Heelan at magwawala si Leiche. Halos isumpa niya si Heelan. Nakakatawa nga e.” Malakas na tumawa si Sky.

Napailing-iling siya. He understands Leiche. Ito ang number one sa Fashion Designing College mula ng freshman ito, kung mangyayari ‘yon sa kanya, magagalit din siya. Isang transferee lang pala ang magdi-dethrone kay Leiche.

“Ayokong makita yan, bro. Madugo kung mag tantrums yang si Leiche.” Tumawa siya ng mahina.

“So… bati na tayo?” Tanung ni Sky.

Napangiti siya. “Para namang kaya kung magalit ng matagal sayo. Saka, magkakambal tayo. Ang magkambal, nagmamahalan ‘yan—”

     “Baliw! Huwag kang emo diyan. Bye.” Tinapos nito ang tawag na ikinatawa niya ng malakas.

Pumasok siya sa sasakyan at pinaharurot ‘yon papuntang school. Para namang may iba pa siyang pupunta.

Sana naman umuwi kaagad si Heelan. Hindi siya mapapakali hanggat hindi siya nakakapagpaliwanag. Alam niyang iba ang inisip nito sa nakita.

Sa kabang nararamdaman, may kasayahan din na lumulukob sa puso niya. Kung tama ang nakita niya sa mukha nito kahapon, may pag-asang pareho sila ng nararamdaman.

Sana…

 “HEELAN, ARE you not enjoying the party?” Tanung ng mommy niya ng mapansing matamlay ang mukha niya habang sumisimsim ng wine.

Ipanilibot niya ang tingin sa kabuunan ng five star restaurant na isa sa mga pag-aari nilang restaurant sa Paris, kung saan ginaganap ang after fashion gala party.

“I’m fine, mommy.” Pilit siyang ngumiti. “This high heel is killing me.”

“Heels ba talaga o may ibang dahilan.”

Tumingin siya sa ina. Bakit ba siya naglilihim dito? It’s her mom. She deserves to know.

“Mom, I met a guy in ACU.” Paguumpisa niya at humugot ng isang malalim na buntong hininga. “He’s sweet, charming and gorgeous. He ranked one in University ranking in ACU. He’s nice and sweet to me, I know I shouldn’t hope that the girl he likes is me but I can’t help myself. Then I saw him with that bitch—”

“Language, Heelan.” Her mom said in a warning tone.

Napalabi siya. “Sorry. Then I saw him with another girl and it hurts. So freaking much. I keep convincing myself that it’s just a harmless crush and it will disappear, but I’m just fooling myself. It’s not. It’s something deeper than crush and I’m scared. This is the first time I felt it.”

Her mom hugged her in so much affection. “Let your heart guide you, Heelan. Pero kapag nagtatanung at hindi sigurado ang puso mo, gamitin si utak. Ang puso at isip ay dapat iisa lang ang sinasabi. Huwag padalos-dalos. Bata ka pa naman. Alam kong first love never dies, Heelan, pero in time makakalimutan mo din siya—”

Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap sa ina. “Mommy! A-anung first love ang sinasabi niyo? I-It’s not that, mom— it’s just a simple crush—”

Ngumit ng makahulugan ang ina at pinanggigilan ang pisngi niya. “If that’s what you want, Heelan. But we both know that it’s not just a simple crush.”

“Anong crush ang pinag-uusapan niyo?” Singit ng isang boses na pamilyar sa mag-ina.

Nagningning ang mga mata ng mommy niya. “Oh, honey. I thought you’re not coming.” Anito sa nasa likod niya.

Lumingon si Heelan at nakita ang ama na nakatayo at nakabuka ang braso. “Why not? Kahit busy ako, may oras din naman ako para sayo, mahal.” Anito at niyakap ang ina.

Napangiti si Heelan sa ginawi ng mga magulang. Kahit kailan talaga napaka-emo ng dalawa. Kahit minsan lang ang mga ito magkita, higit pa sa kahit na sino man ang pagmamahalan ng mga ito.

“Dad, mom, stop it. Pinagtitinginan na kayo. Nakakahiya.” She whispered loudly.

Pinakawalan ng ama ang kanyang mommy at humarap sa kanya na seryoso ang mukha. “Okay lang magka-crush pero bawal pa ang boy friend. Naiintindihan mo? Bata ka pa. Wala ka pang alam sa mundo kung saan mga halimaw ang mga lalaki maliban nalang sa akin.” Ngumit ito sa mommy niya at bumaling ulit sa kanya. “Sino ang lalaking crush mo at ng masintinsyahan ng maaga?”

Hindi alam ni Heelan kung nagbibiro ang ama o seryoso ito. “Dad, wala ‘yon.” Pagkakaila niya at tumingin sa ina.

Kinindatan siya ng ina. “Honey, hayaan mo na si Heelan. We’re talking about Dreia’s crush.”

Kumunot ang nuo ng ama. “Crush ni Dreia?” Kinuha nito ang cell phone at may tinawagan.  “Hello, Dreia?”

Napakagat labi si Heelan. Shit. Patay sila ng kapatid niya. Mukhang nararamdaman din ng ina ang kabang nararamdaman niya dahil napakagat labi din ito tulad niya.

“May crush ka na daw? Sino ba ‘yon ha? Ang bata-bata mo pa— Ang mommy mo ang nagsabi sakin. Yes, sino ba yon ha? Ipapahanap ko sa uncle Jullo mo na leader ng isang Mafia. Tamang-tama at nasa Italy kami ngayon—” Tumigil sa pagsasalita ang ama at tumingin sa cell phone nito. “Pinatayan ako?”

Kinindatan siya ng mommy niya at ipinalibot ang braso nito sa bewang ng ama. “Hayaan mo na ang mga anak mo, hon. Malalaki na sila. Come, may ipapakilala ako sayo.” Bumaling ang ina sa kanya at bumulong. “It’s more than a crush.”

Naiwan siyang nakatanga sa sinabi ng ina. Kinapa niya ang dibdib kung saan ang puso niya.

More than a crush? Love? First love? First love ba talaga ang nararamdaman niya?

Is it really?

NAGLAKAD palabas ng restaurant si Heelan. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin dahil parang hindi siya makahinga ng mabuti. Ang baliw niyang mommy. Paano naman nasabi nito na love ‘yon? Para sa kanya, it was just a harmless crush. Wala lang ‘yon. Mawawala din ‘yon. At dahil sa sinabi nito, hayan tuloy at sumisiksik sa utak niya na love ‘yon.

Pero, love nga ba ‘yon?

Ipinilig niya ang ulo at kinuha ang cell phone sa loob ng pouch. Ang sarap itapon ng makita niyang walang signal. Pinindot-pindot niya ang screen at namalayan nalang niya nasa Gallery na siya.

Napakunot ang nuo niya ng makita ang larawan ng paa nila ni Blue. Pinalaki niya yon at napangiti nang maalala ang komento nito sa paa nila. Parang mocca at gatas nga.

Heelan sighed and put her phone back on her pouch. She looked up at the sky and saw thousands of stars on the sky. Sa dami ng mga ‘yon, halos nagdidikit-dikit na.

Is Blue looking at the same star I’m looking at? Tanung niya sa sarili.

Binatukan niya ang sarili. “Why would he? May Leiche na ‘yon. Shut up na heart. At saka umaga ngayon sa Pilipinas kaya walang star.” Kastigo niya sa sarili.

Bumalik na siya sa loob ng restaurant baka hindi lang pagkausap sa sarili ang gawin niya.

“KAILAN KA PA natutong uminom, Blue?” Tanung ng ama sa kanya ng makita siya nitong nasa mini-bar ng bahay nila at nilalaklak ang mga inumin.

“Dad, alam mong umiinom ako.” Aniya at tinunga ang Jack Daniel na hawak-hawak.

Umiling-iling ang ama at inagaw sa kanya ang inumin. “Tama na ‘yan. Magpahinga ka na.”

Hindi niya pinansin ang ama at kumuha ng bagong bote ng inumin. Bubuksan niya ‘yon ng magsalita ang ama.

“Ano bang problema mo ha, Blue?” Umupo ito sa katabi niyang stool.

Blue shrugged then look at his father. “Dad, alam mo ba ‘yong feeling na natatakot ka sa iisipin sayo ng isang tao na mahalaga sayo? Yong pakiramdam mo pag hindi siya naniwala sa mga paliwanag mo, hindi mo na alam ang gagawin mo? ‘yon ang nararamdaman ko ngayon. Parang may kung anung nakadagan sa dibdib ko.”

His father taps his shoulder. “Son, madali lang naman ang sulosyon diyan sa problema mo e. I-explain mo sa taong ito ang totoo. Gawin mo ang lahat para maniwala siya sayo.”

“Yon nga ang problema e, wala siya dito sa pilipinas. Umalis siya apat araw na ang nakaraan.”

“E di mas mabuti. Ngayon na wala pa siya, praktisin mo na ang mga sasabihin mo. And stop drinking. Bata ka pa para magkasakit sa atay.” His father tapped his shoulder once more and left him on the mini bar.

Praktisin?

Blue cleared her throat. “Heelan, wala kaming relasyon ni Leiche, yong nakita mo, wala ‘yon. Feeling close lang talaga siya sakin—”

“If I’m Heelan, I won’t believe you.”

Napamura siya ng marinig ang boses ni Sky.

Shit! Nilingon niya ang kakambal na may nakakalokong ngiti.

Umiling-iling ito. “Blue, para kang tumutula ng hindi rhyme. Alam mo bang mukha kang timang habang nagsasalita ng mag-isa diyan at kinakausap ang hangin sa paligid?”

Tiningnan niya ito ng masama at naglakad patungong kuwarto nila. Pagkapasok niya sa silid, ilang minuto lang, pumasok na din si Sky.

Kumuha si Sky ng papel at ballpen at ibinigay yon sa kanya. “Hayan, para hindi ka obvious na baliw. Isulat mo ang sasabihin mo, then ibigay mo sa kanya.”

Hindi niya tinanggap ang ibinibigay nito. “Bakit ko naman papatulan yang kabaliwan mo?”

“Bahala ka. Nagsa-suggest lang naman ako ng magadang gawin.” Inilapag ni Sky ang papel at Ball pen sa study table niya at nahiga ito sa kama.

Nang maramdamang medyo malalim na ang paghinga ni Sky at mukhang tulog na, kinuha niya ang papel at ball pen at nag-umpisang magsulat.

“I’ll just pretend that I didn’t see you writing.” Boses ‘yon ni Sky na ikinatigil niya sa pagsusulat.

“Matulog ka nalang. Huwag mo akong isturbohin.”

“Whatever, bro. Dahil diyan sa pagiging denial king mo, mawawala sayo si Heelan hindi pa man siya nagiging sayo. Own up to your feelings, brother.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Sky at nagpatuloy sa pagsusulat.

HEELAN took a deep breath after she exited the plane. Hay. Na-miss kaagad niya ang pilipinas kahit limang araw lang siyang nawala.

Napangiti siya ng makita ang kuya niya na may hawak na placard na may sulat na pangalan niya.

“Anong drama na naman to kuya?” Tanung niya ng makalapit siya sa kapatid.

Her brother grinned. “Masama bang i-welcome ang kapatid ko na galing Paris?”

Umiling-iling siya at naunang maglakad papuntang parking lot ng airport.

“Kumusta naman ang launch ng bagong fashion line ni mommy?” Tanung ng kapatid ng makapasok na sila sa sasakyan nito.

Heelan shrugged. “It’s fine. Dad was there.”

Her Kuya Keelan chuckled. “Anu namang bago dun? Palagi namang umaa-attend si dad sa mga important events ni mommy.”

“Yeah.”

Katahimikan ang naghari sa kanilang magkapatid hanggang makarating sila sa bahay.

“Blue was looking for you the day you left.” Ani ng kapatid na ikinatigil niya sa pagbubukas ng pintuan ng kotse.

Nilingon niya ang kapatid. “Hinanap ako ni Blue?”

Puno ng suspisyon ang kislap ng mga mata ng kapatid. “Nililigawan ka ba niya? Huwag kang magsinungaling, Heelan.” Nanghindi siya sumagot, nagpatuloy ito. “Bata ka pa para sa mga ligaw-ligaw na yan. At isa pa—”

“Kuya, hindi nanliligaw sakin si Blue.”

Nanahimik ang kapatid niya. “Okay. Pero hindi ka parin puweding mag-boy friend. Bata ka pa. Aral muna bago ang love love na yan.”

Naiinis ng sinabunutan ni Heelan ang sariling buhok. “Urgh! Stop it! It’s not love. Tantanan niyo ako ni mommy sa love love na yan!” Padaskol siyang lumabas ng sasakyan at naiwan ang kapatid na napapantastikuhang nakatingin sa kanya.

Pabalibag na isinira ni Heelan ang pinto ng kuwarto niya at ihinagis ang katawan sa kama.

Ilang minuto din siyang nakatingin sa kisame ng may kumatok sa pintuan ng kuwato at pumasok ang kapatid niya.

“May sulat na dumating para sayo kahapon.” Inilapag nito ang isang puting sobre sa study table niya. “Kahit kating-kati na akong buksan para malaman kung sino yan, I didn’t. I still respect your privacy.”

“Thanks, Kuya.” She yawned. “Paki lagay diyan sa drawer ko. Mamaya ko na bubuksan ang sulat na yan. Magpapahinga muna ako.”

Ilang minuto din itong natahimik na parang nag-iisip. “Fine. Magpahinga ka na. Papasok na ako sa Hospital, maya pang eleven p.m. ang labas ko.”

“Okay.” Aniya at ipinikit ang mga mata para magpahinga.

Continue Reading

You'll Also Like

333K 1.7K 59
❗ DISCONTINUED ❗ ( since 2018 ) Most lists were last updated in the first half of 2020. ❗❗ WARNING ❗❗ MEDYO DETAILED 😂 SPOILER C O M P I L A T I O N...
1M 14.4K 7
“I remember the kiss and I’m not sorry that I kissed you.” Si Kara San Miguel ay isang party girl. Wala na itong inatupag kundi ang mag-party. Sa eda...
142 14 1
Trevor, a 20-year-old young man, met his ex-girlfriend, Aster Rivera, after two years. As they met, Trevor noticed significant changes in her ex - sh...
4.7M 127K 15
Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa ba...