ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Rom...

By CeCeLib

1.6M 40.9K 2.3K

Heelan Alvarado got kicked out again. And she’s prouf of it. Walang sinuman ang may karapatan na laitin ang p... More

ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Romance with Mr. Candy 1
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 4

118K 3.4K 201
By CeCeLib

CHAPTER 4

After dinner with his family, Blue went to his and Sky room. Yeah, they share the same room but sleep on different beds.

Hindi alam ni Blue kung may magkambal ba na katulad nila na nagsha-share ng kuwarto. They find it weird. Sinubukan na nilang matulog sa magkaibang kuwarto, at sa kasamaang palad, hindi sila naka-tulog.

He and Sky are hoping na sana as they grow old, matutunan na nilang matulog na magkaiba ang kuwarto.

Blue open his laptop and sat on his bed.

Nasa kalagitnaan siya ng pag ta-type ng website sa address bar ng pumasok si Sky sa kuwarto nila.

Ibinagsak nito ang katawan sa kama nito. “Stalking Heelan Alvarada in Facebook?”

“Nope.” Aniya. “Bakit ko naman siya hahanapin sa facebook?”

Ini-erase ni Blue ang website na na-type na niya at itinype ang facebook.com. Pagkatapos niya mag log-in, hinanap ka agad niya ito sa search box.

It took him ten minutes to find her. Napatitig siya sa profile picture ng dalaga. Magulo ang buhok nito sa larawan pero maganda parin ito. He started scrolling down the page. At salamat sa facebook, marami siyang nalaman tungkol sa dalaga.

He was about to add her as friends when someone talk behind him. It was Sky.

“Birth day, is August 31. Interested in women and men. She’s a fashion critique. She lives in Makati City.” Pagbasa ni Sky sa basic information ni Heelan.

Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya ito. Masyado siyang naka-focus sa facebook account ni Heelan.

Pinandilatan niya ang kakambal. “Can you go away?”

Sky snickered. “May pa deny-deny ka pang nalalaman. Hindi daw nag ii-stalk, e anong tawag diyan sa ginagawa mo?”

Ibinalik niya ang tingin sa screen ng laptop. “I just stumbled on her account in facebook. Hindi ko siya hinanap.” Pagkakaila niya.

“Uh-huh, yeah, sure.” Anito. Nasa boses nito na hindi ito naniniwala sa kanya.

He sighed heavily and looked at his twin again. “Can you go away please?”

“I bet masayang-masaya ka ngayon dahil single and status niya sa facebook.” Anito na hindi apektado sa pagtataboy niya.

Isinara niya ang laptop para tantanan na siya nito at humiga sa kama niya. Umusal siya ng maikling panalangin bago ipinikit ang mga mata. Narinig niyang bumalik si Sky sa sarili nitong kama. Ilang minuto din siyang nagpanggap na tulog. Nang maramdaman niyang natutulog na si Sky, kinuha niya ang cellphone sa night stand na nasa tabi lang ng kama niya at binuksan ang facebook niya via mobile.

Binuksan niya ang notification at nakitang in-accept na ni Heelan ang friend request niya. He smiled when he saw that she’s online.

Blue was smiling from ear to ear with no apparent reason while he composes a message for Heelan. But before he can send it, Heelan messaged him first.

Heelan Alvarada: Hey, Mr. Candy. Why are you still awake?

Mabilis niyang binura ang una niyang mensahe at nag-type ng bago. Then he hit send.

Blue Kither Valen: Just surfing the net for additional knowledge.

Heelan Alvarada: Ah, am I disturbing you?

What? No! I was stalking you actually. ‘Yon ang nasa utak niya pero iba ang isinagot niya.

Blue Kither Valen: No. I’m almost done anyways.

Heelan Alvarada: So, did you just stumble on my fb account and added me, or you searched me?

Gusto niyang magsinungaling pero nahuli nalang niya ang sarili na nagsasabi ng totoo.

Blue Kither Valen: I searched you. I finally found you after ten minutes.

Heelan Alvarada: *Smiling* Thanks for the add candy man. I have to go. I have an early class tomorrow. Good night. Don’t let the bugs bite and have a sugary candy dream.

Nag reply siya dahil hindi pa naman ito offline.

Blue Kither Valen: Good night. See you tomorrow?

Pigil ang hininga na hinintay ang reply ng dalaga.

Heelan Alvarada: If you have some candies for me, why not? *Yawning* Night. Bye.

Kumawala sa mga labi niya ang kanina pa sinusupil na ngiti. God. Nawe-weirduhan na siya sa sarili niya. It’s his first time smiling just because he chatted with a woman.

Ano bang nagyayari sa kanya?

Napaigtad siya ng biglang bumangon si Sky at humarap sa kanya. “Hindi na ako magtaka kung bigla ka nalang magtitili diyan sa sobrang kilig.”

He quickly wiped away his smile. “What do you mean?”

Sky rolled his eyes at him. “Denial king.” Bumalik ito sa pagkakahiga. “Matulog ka na diyan. Hindi na ako magtataka kung marinig kung binabanggit mo ang pangalan ni Heelan sa pagtulog mo. Magbibingi-bingihan nalang ako.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kakambal. Ibinalik ni Blue ang cell phone sa night stand at ipinikit ang mga mata. Napailing-iling nalang siya ng matagpuan na naman ang sarili na nakangiti.

Ano ba ang nangyayari sakin? Nakatulugan ni Blue ang katanungang ‘yon.

NAGMAMADALING pumasok si Heelan sa klase niya dahil late na siya. Bakit naman kasi hindi siya nagising nag mag-ring ang alarm clock niya? Bakit ba kasi hindi siya natulog kaagad.

Napangiti siya ng maalala kung bakit hindi siya natulog agad. She was smiling from ear to ear when Blue asked her to be his friend in facebook. Wala naman nakakatawa sa chat nila kagabe pero ang ngiti niya hanggang tenga.

Nang maka-pasok siya sa loob ng class room para sa first period niya, umupo siya sa bakanteng upuan na nasa unahan.

She was silently sitting on the chair, waiting for the teacher when a girl appeared in front of her.

Nag-angat siya ng tingin. “Yeah?”

“That’s my chair.” Tinuro nito ang inuupuan niya. “Get off.”

“Is it?” Tiningnan niya ang desk at ang likod ng upuan, kapagkuwan ay ibinalik niya ang tingin dito. “Wala namang nakasulat na pangalan kung kanino ang upuang ‘to. So, I’m free to sit here.”

Biglang tumalim ang mga mata nito. “How dare you talk to me like that?! Don’t you know who I am? I’m Leiche Blei Saavedra, the student body president—”

“Shut up. Not interested.” Heelan rolled her eyes at her. “I don’t know you and not planning to. So…” She flicked her hands to motion the girl to leave. “Bounce.”

Nanggigigil na naglakad palayo sa kanya ang babae.

She rolled her eyes again. Para namang uubra ang pananakot nito. Ano naman ngayon kung student body president ito? Pakialam naman niya. Ayaw niya talaga sa mga ganoong uri ng tao. Ilang babae at lalaki na ba ang nasuntok niya dahil tinatakot siya gamit ang mga posisyon ng mga ito sa eskuwelahan o kaya naman gamit ang kapangyarihan ng mga magulang? Hindi yun uubra sa kanya.

Nang pumasok ang professor nila para sa subject na Haute couture, nag-umpisa kaagad ang klase. Focus siya sa pakikinig sa tinuturo ng professor. Hindi niya namalayan na tapos na ang oras para sa subject na ‘yon dahil masyado siyang engross sa topic na dini-discuss nila.

“You only have three weeks before the midterm exam.” Ani ng Professor nila habang inaayos ang gamit nito sa mesa. “For your midterm exam, you are going to make an Haute Couture dress.”

Nagtaas ng kamay ‘yong babae na student body president daw. “Sir, long gown or short dress?”

“You can make long gown or short dress as long as it’s an Haute Couture.” Sagot ng Professor nila. “You have to pass it before Midterm exam. Late na makapasa will fail in my subject.” ‘Yon lang at lumabas na ito ng room.

Kinuha niya ang class schedule sa bag at binasa ‘yon. She has Haute couture, Computerize fashion design and flat pattern making. Then after lunch, she has fitting techniques, Fashion History, Intimate apparel and Fashion business. 

Heelan walk to her next class. Computerize Fashion Design.

She’s thankful that she knew how to make designs in computer. Tinuruan siya ng ina niya sa lahat ng dapat malaman sa fashion designing ng malaman nito nuong elementary palang siya na fashion designing ang gusto niyang kurso paglaki, kaya naman hindi siya nangangapa ngayon. Her mother thought her everything she knew about fashion designing. Mula sa Fashion History hanggang sa technique sa pagtahi ng iba’t-ibang klase ng damit.

Nang mahanap niya ang room para sa subject niyang Computer Fashion Design, umupo siya sa unahang row at hinintay na pumasok ang professor nila.

As hours drag on, namalayan nalang ni Heelan na malapit ng mag lunch. Masyado siyang engross sa mga discussion tungkol sa fashion na hindi niya namalayan ang oras.

Paglabas niya sa last subject niya para sa umagang ‘yon, nag-ring ang cell phone niya. She smiled when she saw that it was her mother.

“Hey, mommy!” Heelan chirped happily.

“Hello, Hee. How are you?” Her mother asked lovingly. Hee ang pet name nito sa kanya.

She smiled. “Okay lang po ako mommy. How about you?”

“Okay naman ako dito, baby. Ikaw, kumakain ka ba sa tamang oras?”

Ang mommy talaga niya. Kahit malayo ito sa kanila at minsan lang sila magkita-kita, nararamdaman niya ang pagmamahal nito.

“Kumakain po ako sa tamang oras, mommy.”

“Pinapasakit mo na naman daw ang ulo ng kuya Keelan mo. I heard from him that you were kicked out again.”

Napakagat-labi si Heelan sa narinig. Ang kuya talaga niya. Nagsumbong na naman. “Ahm, naka-transfer na po ako sa ACU. Okay na ako, mommy. Settled na po ako. And I promise po hindi na ako maki-kick out.”

“You better fulfill that promise, Hee, dahil last school mo na ‘yan. Kapag na-kick out ka pa diyan, wala ng tatanggap na school sayo. Anyway, I called to tell you na ipapasundo kita sa private jet natin. I want you to be here with me in Paris when I launch my new Fashion line. Since ga-graduate ka na, gusto ko ma-expose ka sa na fashion world. Makatulong ‘to sayo.”

“Kailan po mommy? Malapit na po kasi ang mid-term exam namin. I already miss two weeks of classes.”

“A month from now, Hee. Can you make it?”

Tapos na ‘non ang exam niya. “Yeah, I can.”

 “Good. Anyway, I have to hang up. Medyo busy ako. I’ll call you when I get the chance, okay? Take care. I love you.”

“I love you too, mommy. Take care.”

Nang patayin niya ang tawag, naglakad siya papunta sa park na nakita niya kahapon. Doon niya balak magpalipas ng lunch. Hindi naman siya nagugutom dahil madami ang kinain niya sa agahan.

Umupo siya sa isang bench at inilabas ang sketch book niya para umpisahan ang design para sa mid-term niya sa Haute Couture.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-i-sketch ng design para sa Haute Couture ng may nag-appear na milk tea sa harapan niya. Nilingon niya kung kanino nanggaling ang kamay na may hawak sa milk tea. Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng makita si Mr. Candy.

He smiled when their eyes met. “Hi. Lunch?” He wiggled the milk tea in front of her face.

Tiningnan niya ang hawak nitong milk tea. “Para naman saan ‘yan?”

Umupo ito sa tabi niya. “You told me you would see me if I have candy. Hinanap kita sa cafeteria with candies in my hand pero hindi kita nakita. Then I was aimlessly walking when I saw you here. I assumed na hindi ka pa nag-lunch, then I realize na hindi ka mabubusog sa candy lang. So… I stole this,” He wiggled the milk tea again. “From my twins’ car.”

Heelan was touched by what Mr. Candy did for her. Then she chuckled when she realize something.

“Your brother has a milk tea on his car?” Heelan asked, chuckling.

“Yeah. Actually, sampu pa ‘yong nasa sasakyan niya. But I bet mapapansin ‘non na may nawawala.” Tumawa ito ng mahina. “Ganoon siya ka-adik sa milk tea.”

Dahan-dahan niyang kinuha ang milk tea sa kamay nito. “Tatanggapin ko to kasi sayang naman ang effort mo.” Itinusok niya ang straw sa cover ng milk tea.

Heelan took a sip. “Hindi kaya ako ma-diarrhea nito? Ninakaw mo ‘to diba?”

Mr. Candy laughed, it was rich and genuine. When he sobered up, he leaned in to the milk tea and took a sip.

“Hayan. Para pareho tayo ma-diarrhea.” Anito ng nakangiti.

Napatingin siya sa straw na sinipsipan nito. Did he just take a sip? Gamit ang straw na gamit niya? Hindi nito napansin ang dilemma niya dahil nakatingin ito sa sketch book niya.

“I don’t know a thing about fashion but it’s beautiful.” Anito sa ini-sketch niyang damit.

“Hindi pa tapos ‘to. Huwag mong tingnan.” Pinag-krus niya ang braso sa sketch book niya para itago ang ini-sketch niyang damit.

  Tumawa ito sa ginawa niya. “So, you’re a fashion designer student?”

Tumango siya. “Yep. Senior. Transferee. Ikaw?”

“Civil Engineering. Fifth year.”

Napataas ang kilay niya sa kurso nito. “Hmm. Tell Mr. Calculus that I hate him for torturing me in high school.”

Mr. Candy chuckled. “I’m sure Mr. Calculus didn’t mean to torture you.”

“Uh-huh.” Hindi naniwalang sagot niya. “So, hindi ka lang pala Mr. Candy, Mr. Math genius ka din.”

“Nah.” Pagkakaila nito. “I’m not a genius. I just know how to solve equations.”

“I heard from Kreiya na top two sa University ranking ang kakambal mo, I bet kasali ka rin sa ranking.” Humarap siya rito. “So, anung rank ka?”

Napakamot ito sa batok. “It’s not that important.”

“It is. I want to know.” Pangungulit niya.

Sumandal ito sa likod ng upuan. “I rank top one.”

Naibuga niya ang iniinom na milk tea sa sobrang gulat. Heelan felt a smooth material touched her chin. Tiningnan niya kung ano ‘yon. It’s a black handkerchief from Mr. Candy. She was about to take the handkerchief from him, when Heelan felt the handkerchief slowly drying her chin, unto her cheeks and then move to dry her lips.

“Okay ka lang?” Nag-aalalang tanung nito. “I expect you to react but I’m not expecting that reaction. Ganoon ba talaga ‘yon ka shocking?”

Inagaw niya ang panyo nito at siya ang nagpatuloy na nagpahid sa gilid ng labi niya.

“Sorry about that.” Aniya ng okay na siya. “I was expecting na rank three ka. No offence meant. Wala kasi sa mukha mo na ganoon ka pala katalino.”

Mr. Candy chuckled. “Bakit? Ano bang impression mo sa itsura ko?”

Tiningnan niya ang mukha nito. “Honestly? You look irresponsible and a bit of a playboy.” 

“Ouch!” Kinapa nito ang puso na parang nasaktan. “Well, I am a bit irresponsible and a bit of a playboy.”

Umusog siya palayo rito ng ikomperma nito ang hinala niya.

“But I can feel myself changing.” Dagdag nito ng mapansin ang pag-usog niya palayo.

“How?” Puno na pagdududa ang boses niya. “Kasasabi mo palang na tama ang impression ko sayo.”

“I felt the change when I can’t stop smiling like an idiot since I met her.” Anito na matiim na nakatingin sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit parang may kung anung kirot siyang naramdaman sa sinabi nito. He’s changing nga diba? Dapat masaya siya para dito at para sa babaeng ‘yon na dahilan ng pagbabago daw nito. Pero hindi niya kayang maging masaya rito. Ni hindi nga nakikisama ang fake niyang ngiti.

“Lucky her.” Komento niya.

She closed her sketch book then put it back inside her bag. Inubos niya ang laman ng milk tea bago tumayo at nagpaalam dito.

“I have to go.” Aniya. “May klase pa ako.”

Hindi niya hinitay ang sagot nito at naglakad palayo sa binata. Nang may madaanan siyang basurahan, nangigigil na itinapon niya doon ang lalagyan ng milk tea. Ang sarap sipain ng basurahan. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis sa sinabi ni Mr. Candy.

Imposibli naman kasing magka-gusto siya rito sa loob ng bente-kuwatro oras lang. Pero iyon lang ang nakikita niyang tanging rason kung bakit siya naiinis.

Urgh! Buwesit!

Naiinis siyang naglakad patungo sa first subject niya after lunch. Fitting techniques.

Continue Reading

You'll Also Like

142 14 1
Trevor, a 20-year-old young man, met his ex-girlfriend, Aster Rivera, after two years. As they met, Trevor noticed significant changes in her ex - sh...
472K 10.7K 50
Wendel Garcia is just an ordinary 20 years old student na ang gusto lang sa buhay ay mataguyod nya sa kahirapan ang pamilya. She's a loving daughter...
160K 2.5K 37
Yung long time Bf mo na minahal mo na ang sobra'2...pero sinaktan ka rin ng SOBRA'2 ay pumunta ng Pilipinas para sayo?! At sinasabing mahal ka pa daw...
1M 14.4K 7
“I remember the kiss and I’m not sorry that I kissed you.” Si Kara San Miguel ay isang party girl. Wala na itong inatupag kundi ang mag-party. Sa eda...