Switched

By HopelessPen

52.4K 2.1K 181

(Lost Senoritas Book 1) Noelle Madrid ran away from her controlling mother to get away from an arranged marri... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10

SIMULA

12.8K 288 13
By HopelessPen





Nanginginig ang kamay kong hinarap ang nagmamakaawa kong ina. Bits of the broken glass was scattered all over the floor as my mother tries to calm me. In her plum pink silk robe, she took one careful step towards me. I backed out in disgust, my heavy breathing the only sound I can hear inside the room.

"Hija, if you would just listen---"

"Shut up, Ma!" I cried. Napaupo ako sa dulo ng kama bago naluha. I bit my lip hard and stared at my mother. Mapangakusa ang binigay kong titig sa kanya. Nagbaba naman siya ng tingin at hindi na nagsalita.

"How can you do this to me, Ma? I'm just 18 and yet you're selling me for business?!"

"Anak, no! Leon's son is a very suitable husband for you---"

"Kaya pumayag kang ipakasal ako sa kanya? Because he's suitable?" I lashed out with too much acid a metal can actually melt from my words.

Napamaang si Mama bago humakbang palapit sa akin. Lumuhod siya sa aking harapan at hinawakan ang aking tuhod. I flinched from her touch but my mother held me thoroughly, her eyes pleading for me to listen.

"We're facing bankruptcy, Noelle. The Fuego's own the largest airlines in Asia. They will be able to pull us back to our feet again. With their help, our company would survive. Noelle, please. Marry Phoenix and all of our problems will be solved," she said. Her lower lip was shaking from the intensity of her pleading but I couldn't find it in my heart to take pity.

"Your late father built Madrid Aviation through hard work and tears, Noelle. Pinaghirapan niya ito, minahal na parang sariling anak. Ginawa niya ang lahat para sa kumpanya, for you to have a good life. You were meant to lead the company when he dies, Noelle. But you will have nothing to lead if you would refuse to marry Phoenix."

"Atleast I would have a life, Ma. I'm not going to marry a stranger!" madiin kong sabi. Ang paninindigan kong tanggihan ang pagpapakasal para sa kumpanya ay mas nagalab kumpara kanina.

I know how hard my father worked for our business. And I know how much he loves me too. If he is here right now, he would do something other than selling me to a much wealthier family. Hindi katulad ni Mama na matindi ang paniniwala na lahat ng problema ay masasagot ng pera!

Pumikit ang aking ina at minasahe ang kanyang sentido. Bakas sa mukha niya ang iritasyon dahil sa pagmamatigas ko. But I won't budge, mother. I'm sorry. If I would marry, then it would not be for fortune or wealth. I would marry for mutual love and respect. Hindi ko sasaktan ang sarili ko para lamang magkaroon ng marangyang buhay.

Tumayo ako mula sa kama at naglakad sa pinakamalapit na bintana. I stared at the full moon captivating the dark sky. The stars were all kissing the face of the moon, trying to illuminate the black night. Thunder clouds are slowly consuming the stars as the winds blew a little stronger than usual.

"Noelle, anak. Kahit kilalanin mo lang si Phoenix. Pwede ba 'yun? Do it for your mother, please." She begged. Hindi ko siya hinarap at nanatili akong nakatitig sa madilim na gabi, mas lalong dumidilim ng unti unting sinakop ng mga ulap ang bituin sa taas.

"I'm leaving to talk to Leon Fuego tomorrow. Tutulak akong Espanya. Hindi kita pipiliting sumama sa akin pero sana'y sa pagbabalik ko ay maisip mo ng tama ako." Aniya. I rolled my eyes at her and didn't answer. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagsara ng pinto at ang boses ni Mama na nag uutos sa mga kasambahay na linisin ang mga pitak ng bubog sa aking kwarto. Maya maya ay pumasok sila upang maglinis habang ako ay nananatiling nakatitig sa madilim na gabi.

Sana'y sa pagbalik niya ay maisip kong tama siya? Tama siya na ipakasal ako sa isang taong hindi ko naman kilala? How could she do that, right? How could she sell her daughter for the sake of her business?!

Sa salamin ng bintana ay naroon ang repleksyon ko. Mula sa liwanag ng kwarto ay kumislap ang kwintas na iniregalo ni Papa sa akin noong 15th birthday ko. It was a diamond studded necklace with a rose gold N pendant.

Napapikit ako ng mariin. Oh, how much I miss my father. If he was still here, then somebody would defend me from my prideful mother. Kung narito lamang si Papa, kung hindi siya natalo ng kanser, siguro ay hindi ako ipipilit ni Mama sa isang kasal na wala namang magandang maidudulot.

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. I rolled and rolled on my bed, bothered by the thought that my mother would meet the Fuegos tomorrow to finally seal the deal. My fate is doomed already. Kapag nagtagumpay si Mama ay katapusan ko na.

Naalarma ako sa naisip. Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga at agad na kinuha ang pinakamalaki kong knapsack. Kinuha ko lahat ng damit na maaaring magkasya roon. I took some cash and pushed it into one of my bag's pockets. Noong matapos ay isiniksik ko ang bag sa ilalim ng aking kama. Aalis ako kapag hinatid na si Mama sa airport. I would leave when everybody is busy from my mother's departure.

Tatakas ako. This is clear to me. Aalis ako bago pa man makabalik si Mama. My father is no longer here to save me so I have to save myself.

Morning came. Wala akong tulog mula sa kaba, galit, at desperasyon. Noong bumaba ako para magalmusal ay bumungad sa akin ang mga gamit ni Mama na inilalagay sa likod ng kotse. She was sitting in the couch, talking to our maids and leaving her last commands. Her hair was in a tight bun and the only color on her face was the brick red lipstick.

"I'm leaving, Noelle." She declared to me. Bumaba ako at hinalikan ang kanyang pisngi. Hinaplos niya ang takas kong buhok bago bumuntong hininga.

"You know I'm doing this for you, right?" malambing niyang sinabi. A sarcastic laugh erupted from me. I looked at my mother coolly before nodding.

"I didn't feel like it."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Ashera Noelle!"

Tumalikod ako at dumiretsyo sa hapag para makapagalmusal. Nanatili naman ang tingin ni Mama sa akin habang kumakain ako. Hindi na siya muling nagsalita. I defiantly ate my breakfast when our driver called my mother. Hindi na nagpaalam si Mama at agad ng umalis patungong airport.

Nagpalipas ako ng dalawang oras matapos niyang umalis. When the time came, I immediately ran to my room. Kinuha ko ang bag at nagbihis. Pagkababa ko ay tahimik ang buong bahay. No one was there so I went to the gates immediately. Pagkalabas ko ay tinakbo ko ang paradahan ng taxi para tuluyang makatakas.

Hinihingal ako sa ginawa. Habang papalayo ako sa aming mansion ay tinatanaw ko ito. Hinahanap ko sa aking sarili ang kalungkutan mula sa paglayo dito pero wala. I didn't feel sadness at all. All I feel is freedom and liberty. Para bang matagal itong ipinagkait sa akin at ngayon ay abot kamay ko na ang kalayaan na matagal ko ng inaasam.

Finally. After 18 long years, I am free.

I arrived at the airport right after. Bumili ako ng ticket papuntang Palawan. Noong makuha ko na ang ticket ay agad na akong pumasok sa sasakyang eroplano. Kinakabahan ako sa gagawin pero buo na ang desisyon ko. Ipaglalaban ko ang karapatan kong pumili at maging masaya.

The flight to Palawan was long enough to hunt my thoughts. Ilang beses ko mang sinubukang matulog sa byahe ay di ko magawa. Mulat na mulat ang isipan ko dala ng pagod at puyat na nararamdaman.

Mabilis akong lumapit sa isang grupo ng mga tindera ng pasalubong. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay kumukuha na sila ng shell na kwintas at pamaypay.

"Ganda! Gusto mo ba ng pamaypay? Singkwenta lang isa. Dalawang daan kapag bibili ka ng lima, may libre kang isa," sabi ng ale. Ngumiti lamang ako at agad na kinuha ang inaabot niyang pamaypay.

"Saan po ang pinakamalayong isla rito?" tanong ko. Nagkatinginan ang tatlong ale bago sumagot iyong nagtitinda ng pamaypay.

"Mula rito? El Nido na ang pinakamalayo." Sagot nito. Napangiti ako at nagbigay ng buong isang libo rito.

"Sa inyo na po ang sukli. Paano po ako makakarating doon?"

"Pwede kang sumakay ng shuttle o kaya naman bus."

"Ganoon po ba? Maraming salamat po!" masigla kong sabi bago nagpaalam. Humanap ako ng shuttle van at noong makakita ako ay agad na akong sumakay roon. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa El Nido. Medyo dumidilim na rin ang langit at malakas na ang ihip ng hangin noong makarating na ako.

Nilanghap ko ang amoy ng tubig alat at ang lamig ng hangin dala ng makulimlim na langit. Ibinaba ko ang gamit ko sa isang malaking batuhan at agad na lumapit sa dalampasigan. Humampas ang alon sa aking binti at napatili ako sa lamig noon.

Humagikgik ako habang nakikipaghabulan sa mga alon. Noong mapagod ako at tuluyang mabasa ay saka lamang ako umahon. Madilim na ang gabi at maingay na ang mga mangingisdang mukhang mag iinuman na yata.

Naglakad lakad ako para humanap ng tutuluyan noong makarinig ako ng mga sipol. Nilingon ko ang mga iyon at nakakita ako ng tatlong lalaki na may kanya kanyang hawak na alak.

"Turista ka, Miss?" medyo lasing na sabi noong isa. Sunog ang balat nito mula sa araw at halos buto na lamang.

Ngumiwi ako at hindi sila pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad noong muli nila akong tinawag. Mas binilisan ko ang aking hakbang dahil sa takot noong maramdaman ko ang paghagip sa aking braso.

"Eto naman, para makikipagkwentuhan lang eh." Anas noong pinakamatangkad sa kanila. Pinilit kong bawiin ang kamay ko noong ngumisi ito.

"Yayamanin ata ito, Manoy?" sabat naman noong may katabaan. Pumiglas ako at sinubukang makawala.

"Bitiwan niyo ako, ano ba?!"

"Sumama ka muna sa amin. Inuman tayo, gusto mo?"

"Let me go!" sigaw ko na. Bahagyang nanginig ang boses ko at naluluha na. Padarag akong hinila noong tatlo sa isang tagong batuhan. Pumalag ako pero mabilis na hinawakan ng dalawa niyang kasama ang braso ko.

"Yan ang gusto ko sa babae. Nanlalaban," manyak nitong sabi. Tahimik na tumulo ang luha ko habang humihigpit ang hawak nila sa aking braso at bibig.

Hinawakan nila ang laylayan ng shirt ko at pinilit kong sumigaw. Sinubukan ko rin silang sipain pero tumatawa lamang silang umiwas. Hinihingal na ako at hindi makahinga sa sobrang takot.

Naramdaman ko ang kamay nila sa aking tiyan. Sa sobrang takot ay kung ano anong subok na ang ginawa ko para makatakas. Tumawa lamang sila ng tumawa habang ako ay nawawalan na ng pag asa.

"Hanggang dito ba naman, Noy?" anas ng isang boses sa malayo. Lumuwag ang hawak sa akin ng mga lalaki. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para lumayo sa kanila at tumakbo. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay nanlambot ang tuhod ko at bumigay sa buhanginan.

"L-Lukas? Gabi na ah," kinakabahang sabi noong isa sa mga lalaki. Lumapit sa akin iyong binata na tinawag nilang Lukas. Hinawakan nito ang aking braso pero nagpumiglas ako.

Tumiim ang bagang noong binata at tinitigan ako. Tuloy tuloy na ang bagsak ng luha ko habang siya ay malamig lamang ang tingin sa akin.

Tiningala niya ang mga lalaki sa aming likuran. Narinig ko ang pagkukumahog nilang makaalis at mapalayo sa binatang nasa harap ko ngayon.

"Ayos ka lang?" tanong niya. Pinanood ko ang pagtakbo ng tatlo habang umiiyak.

"Miss, may masakit ba sayo?" anas niya ulit. Sasagot pa sana ako noong tuluyang nandilim ang aking mata. Huling naalala ko na lamang ay ang matigas na pagmumura at ang pagbagsak ko sa kanyang balikat.

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
1M 29.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
2.7M 100K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...