Dito Ka Lang (BxB)

By YDOnodera_

8.8K 436 84

Hindi inaasahan ni Enr ang kanilang paglipat sa panibagong lugar kasama ang kanyang pamilya. Sa kanilang pag... More

Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Panlima
Pang-anim
Pampito
Pangwalo
Pangsiyam
Pangsampu
Panlabing-isa
Panlabing-dalawa
Panlabing-tatlo
Panlabing-apat
Panlabing-lima
Panlabing-anim
Panlabing-pito
Panlabing-walo
Panlabing-siyam
Pambente

Una

1.7K 58 11
By YDOnodera_

ENR

"Enrico Rojo, bumaba ka na diyan at aalis na tayo ngayon!" Bulyaw ni mommy na nasa labas ng bahay na dinig sa kwarto sa may pangalawang palapag. 

"Saglit na lang po 'to, Mommy! " Pasigaw na tugon ko habang iniimpake ang mga natitira kong damit sa drawer. Papalitaw pa lang ang haring araw sa mga oras na ito. Medyo napapahikab pa 'ko dahil ala una y media na ako nakatulog sa kakaimpake ng mga gamit. Lilipat na kami mula Maynila pa-Batangas. 

Pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng kwarto -- mula sa kulay lila na kisame na puno ng planetang glow in the dark stickers hanggang sa dingding na puno ng bakas ng double sided tape na pinaglagyan ko ng mga posters ng mga paborito kong singers at mga larawan namin ng ex kong duwag.  Tinuldukan niya ang lahat ng namamagitan sa amin nang sambitin kong lilipat  kami sa Batangas sapagat madedestino roon si Papa upang magtrabaho at doon na rin niya ako pinag-aaral para magkakasama pa rin kami sa iisang bahay.

Bago bumaba, tumingin ako sa salamin upang mag-ayos nang aking sarili. Habang marahang hinahawi ng itim na suklay ang buhok kong makintab at matuwid, pinagmamasdan ko ang aking sarili. Tanaw ng mata ko ang malamlam na mga mata't bibig na dati'y masaya na sa isang iglap lang ay nawala na lamang ito dahil sa mabigat na pinagdaraanan ko; ramdam ko na parang na-patay na ilaw ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Pinilit kong ngumiti na lang na parang maayos ang lahat, kahit hindi dahil sa sugatan ang buong pagkatao ko ngayon.

Alam kong maraming alaala na dapat nang ibaon sa limot sapagkat maari lang akong masaktan kung pipiliin ko na mag-aral dito sa Maynila. Nakakapanlumong  isipin na lilisan ko ang apat na sulok ng kwarto kung saan ka lumaki at nagkamalay. Ngunit kailagan ko na rin iwanan upang makapagsimula ng panibagong yugto ng buhay ng aming pamilya.

Pagkatapos mag-impake't magmuni-muni,  bumaba ako kasama ang mga maleta at bag ko'y patungo sa kotse namin dahil kailangan na rin namin umalis agad para hindi kami abutan ng traffic papunta sa lilipatan naming bahay.

Nang nakasakay na kami, pinagmamasdan sa bintana ang buong subdivision sa huling pagkakataon. Medyo paliwanag na rin ang paligid sa labas at may mga taong nagja-jogging na kung saan laging ginagawa ng mga tao rito dahil wala masyadong dumaraang sasakyan sa mga oras na ito. Mamimiss ko ang mga kalye na kung saan kami naglalaro ng mga kaibigan ko, puno't halaman na nagpapasariwa kahit papaano sa mapolusyong lungsod at ang mga kaibigan ko na nabuo dito simula noong pagkabata'y iiwanan ko na.

Napatingin si Papa sa akin. "Mukhang malalim ang iniisip mo ngayon, 'nak?"

"Mamimiss ko lang kasi dito," matamlay na tugon ko habang pinagmamasdan pa rin ang bintana. "Di ko po alam kung makakapag-adjust ako," dagdag ko.

"Drama ng baby bro oh!" pangangasar na banat ni Kuya Kaz na nakasando at board shorts lang. "Smile naman diyan oh?"

"Wala ako sa mood, Kuya Faux Hawk", matamlay na sagot ko sa kanya. Tinawag Faux Hawk dahil naging signature hairstyle niya ito simula noong nagpagupit siya for new look sa college. Ang ending, pinagkaguluhan siya ng mga kababaihan; nag-compliment naman kasi ang kanyang mala-chinitong bad boy na may konting angas na parang pagtatanggol ka kapag naapi ka.

Hindi ko inasahan na bigla na lang nanundot sa tagiliran at napaurong ako nang di oras. Napabuntong-hininga Pinigilan ko ang sarili ko na mainis sa kanya, dahil nawawalan ako nang gana makipag-usap kahit kanino dahil sa mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Patuloy lang siyang nanunundot sa tagiliran ko hanggang sa nabulyahawan ko siya sa pagkapika sa ginagawa niyang pangungulit. Nagulat na lang siya sa

Biglang sumingit si Mommy na nagmamaneho ng kotse. "Anak, alam kong mamimiss mo sa dati nating bahay, magugustuhan mo rin sa bago nating tirahan," masiglang pagsabi niya.

Alam kong napamahal na ko sa lugar na kung saan ako lumaki't nagkamalay, pero kailangan ko na lang tanggapin na life goes on at may mga bagay na talagang kailangang lisanin sa kadahilanan na mas mapapabuti ang hinaharap. Ipinikit ko ang aking mata na sobrang nangangalumata sa pagod kakaimpake at kaka-social media kung saan nag-paalam na ko sa mga kaibigan ko rito sa kadahilanang lilipat na kami sa malayo.

Makalipas ang ilang oras, tinatapik-tapik na ako ng kuya ko.
Nagising agad ang diwa ko at kinusot ko ang aking mga mata na bagong mulat.
Hindi ko namalayan na nandito na kami sa bago naming lilipatan.

Pagkababa namin sa kotse ay nagulat ako sa bagong bahay na aming lilipatan, dahil napaka-kaunti lamang ang bahay sa paligid at tanaw ang dagat na nasa likuran lamang nito.

Napakaliit kumpara sa bahay namin noon, bungalow size lamang ito, samantala ang luma naming bahay ay two-storey. Sa totoo lang, mararamdaman mo na nasa tabing dagat kami nakatira dahil sa kulay asul na panlabas at maraming mga sea shells na disenyo sa dingding.

Tanging mga damit at iba pang gamit ba lamang ang aming mga dala papunta rito sa bagong bahay. Naalala ko noong unti-unti nang nababawasan ang mga gamit namin dahil dinadala na sa bagong bahay ang mga ito at ang iba naman ay binenta sa rummage sale sa luma naming bahay.

Nang makapasok na kami, itinuro ni Mommy kung saan ang kwarto ko na malapit sa sala, at hindi ko inasahan na makakasama ko si Kuya Kaz dahil dalawa lamang ang kwarto rito. Medyo uminit ang ulo ko sa sobrang inis nang malaman ko 'yon. Close naman kami ni Kuya, ngunit I want my privacy as a person. I can' t be myself if may kasama ako at hindi ako kumportable na kasama siya. Baka kasi mamaya, pag nakita niya ang diary ko ay baka isumbong niya kay Mommy at Papa. I don't want that to happened because all of my secrets, frustrations and everything else are there in that diary.

Habang naglilipat ako ng gamit, bigla na lang akong kinausap ni Kuya.

"Enr, are you okay?" Panimulang salita niya habang naglilipat ng damit niya sa kanyang drawer. "Ang tamlay mo kasi for the past few days."

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Simula kasi ng lumipat tayo, parang nawala na sa akin ang lahat sa 'kin, " matamlay kong sagot habang nilalagay ang mga natitira kong underwear sa drawer.

Napatigil siya sa paglilipat at lumapit siya sa kama ko. "Kung si Kah na naman' yang iniisip mo, hayaan mo na 'yon."

Biglang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niyang' yon. "Hindi ko naman kayang hayaan na lang 'yon, dahil ang tagal rin ng relasyon naming dalawa," tugon ko habang tumulo ang mga luha sa mata ko.

Inakbayan ako ni kuya at bigla niya akong niyakap. "I know that it is not easy for you, Enr. Kung mahal ka ni Kah, gagawa' yon ng paraan para makapag-usap kayo kahit malayo ka na sa kanya," malumanay na payo ni Kuya habang patuloy niyang hinahagod ang likod ko.

Tumulo ang luha nang isang iglap lang sa 'king mata nang maalala ko ang mukha ng ex kong si Kah. Masyadong mabigat sa puso ko na iiwanan niya na lang ako sa isang iglap lang dahil malalayo na' ko sa kanya; di niya kasi kaya ang LDR kaya pinili na lang niyang tapusin ang lahat. Napayakap ako kay Kuya at patuloy na bumuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Kuya knows everything about me -- simula sa pagdiskubre sa sarili ko na attracted ako sa kapareho kong kasarian hanggang sa relasyon namin ni Kah.

Patuloy niya kong tinatapik sa likod. "He's not worth it, bunso," sabi niya habang patuloy niya kong pinapatahan. Patuloy lang akong nakayakap kay kuya hanggang sa napatahan na niya ko.

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas muna ako ng bahay at inikot ang labas para ma-familiarized ako sa bagong tirahan . Hindi ko inasahan na ang ganda pala rito dahil ang maririnig mo lang ay ang hampas ng alon ng dagat. Patuloy kong nilibot ang dalampasigan dahil namangha ako sa kulay asul na dagat at mala-gintong buhangin na walang kabato-bato.

Tumingin ako sa kalangitan at sumigaw para mas mailabas ko pa ang bigat ng nararamdaman ko dahil hindi ko ma kaya ang sakit na idinulot niya noong siya'y nawala sa buhay ko.

"Bakit ba kasi hindi pwedeng umibig nang hindi nasasaktan?" hiyaw ko habang patuloy pa rin nakatingin kalangitan.

Sa hindi inaasahan, may biglang sumagot sa tanong ko. "Pag hindi ka nasaktan habang umiibig, hindi ka talaga tunay na nagmamalal," sagot ng mala-baritonong boses na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Sino ka?" Pasigaw na tanong ko. "Multo ka ba o kung anong aswang?" dagdag ko habang nanginginig na ako sa kaba kahit tirik pa ang araw dahil sa narinig na boses.

Sa hindi niya inaasahan, may biglang tumapik sa aking likuran at napalingon ako bigla. Tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaking naka asul na sando at itim na shorts. Sa sobrang pagkagulat, bigla na lang nagdilim ang aking paligid at hindi ko na alam kung ano na ang sunod na nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
298K 7.8K 30
About the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? We...
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
21.9K 195 2
I'M NOT GAY!!! (ONGOING/UNDER REVISION) BY: PLASTICKYUKI Si Kitsume (Kit/Kwatro) Manalo ay isang graduating senior high school student. Siya ang...