Endless Reality (SERIES 2) [...

By PecheaL

257K 7.7K 817

[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone... More

Authors Note:
Prologue
Endless~[01]
Endless~[02]
Endless~[04]
Endless~[05]
Endless~[06]
Endless~[07]
Endless~[08]
Endless~[09]
Endless~[10]
Endless~[11]
Endless~[12]
Endless~[13]
Endless~[14]
Endless~[15]
Endless~[16]
Endless~[17]
Endless~[18]
Endless~[19]
Endless~[20]
Endless~[21]
Endless~[22]
Endless~[23]
Endless~[24]
Endless~[25]
Endless~[26]
Endless~[27]
Endless~[28]
Endless~[29]
Endless~[30]
Endless~[31]
Endless~[32]
Endless~[33]
Endless~[34]
Endless~[35]
Endless~[36]
Endless~[37]
Endless~[38]
Endless~[39]
Endless~[40]
Endless~[41]
Endless~[42]
Endless~[43]
Endless~[44]
Endless~[45]
Endless~[46]
Endless~[47]
Endless~[48]
Endless~[49]
Endless~[50]
Endless~[51]
Endless~[52]
Endless~[53]
Endless~[54]
Endless~[55]
Endless~[56]
Endless~[57]
Endless~[58]
Endless~[59]
Endless~[60]
WAKAS?
OUR ENDLESS HAPPY ENDING
OUR FOREVER REALITY ENDING
EPILOGUE
Authors Note: [MUST READ]
Series 3

Endless~[03]

4.9K 104 8
By PecheaL


SHE'S BACK


Dahlia's(Lia) POV,

Nasa school ako ngayon, syempre pasukan na ano pa nga bang bago?

3rd year collage na kami nila Hazelle, Melanie, at Pauline. Si Elyzza, labag man sa kalooban nya na tumigil sa pag aaral ay kailangan dahil sa maselan nyang pagbubuntis. Tsaka kabuwanan naman na nya kaya makakahabol pa sya samin.

Mabuti nga at patapos na kami ng 2nd year collage nung nabuntis sya kung hindi ay dalawang taon ang hahabulin niya. Kaya siniwerte pa sya at nairaos nya ang 2nd year collage.

Kung akala nyo ay magkaklase kami nila Hazelle ay nagkakamali kayo. Magkakaiba ang kurso na mga kinuha namin. Syempre magkakaibigan kami pero iba iba ang hilig namin.

Ako ay Arts & Design ang kinuha kong kurso. Yup i'm interested in arts, kagulat noh?

Si Hazelle naman ay Business and Management ang kursong kinuha. Balak nya daw mag negosyo. Tsk, o gusto nya lang kaparehas ng kurso si Dylan?

Si Melanie naman ay Fashion Design ang kinuhang kurso. Mahilig daw kasi sya mag design ng sarili nyang damit.

Si Pauline ay Music naman ang piniling kurso. Pero dahil pinagpalad ng dakilang katalinuhan ang babaita, napili syang exchange student sa New York, kaya kung hinahanap nyo ang babaeng yun ngayon? Wala po sya dito nasa New York at isa naring dakilang Model ng isang sikat na beauty products ngayon sa buong amerika.

Akalain nyo yun? Ang kilala naming tahimik at walang ka interes interes sa Modeling ay sikat na ngayon?

Habang naglalakad ako papunta sa klase ko ay may bigla akong aksidenteng naka bungo ng isang babae.

"Nako miss pasensya na" agad kong sabi sakanya. Napatitig naman ako sa babae, maganda sya. Ash blonde ang kulay ng buhok nya at nakakulot ang dulo nito. Nakasuot sya ng isang fitted na sleeve less dress na kulay pula ang kulay. Ipares mo na don ang napaka taas nyang high heels na kulay silver ang kulay.

Base sa itsura nya, mukhang nanggaling sya sa isang mayaman na pamilya.

Nginitian naman nya ko at humakbang ng ilang hakbang para mas makalapit sakin.

"It's ok miss. Pero next time, mag iingat ka na. Baka hindi mo alam, naaagawan ka na pala" aniya bago ako tinalikuran at naglakad palayo.

Anong ibig nyang sabihin?

***

"Oh Lia tapos na klase mo?" Biglang bungad sakin ni Elyzza. Ngumiti naman ako sakanya at tumango.

"Lia, Elyzza magkasama pala kayo. Mukhang sabay tayo ng recess ngayon ah?" Sabi naman bigla ni Hazelle.

"Buti pala hindi pumasok yung prof namin ngayon" sabi naman bigla ni Melanie.

"Halina kayo. Minsan lang tayo ulit magkasama sama eh. Dun tayo sa bagong bukas na cafe malapit lang dito sa school, libre ko" yaya ni Melanie.

"Wow Melanie anong meron sayo ngayon ha? Mukhang nag enjoy kayo ni Kyle sa anniversary nyo ah? Ano bang ginawa nyo?" Tanong sakanya ni Hazelle kaya agad namin napansin ang pamumula ng pisngi ni Melanie.

"W..wala noh! Edi hindi ko na kayo ililibre bahala kayo hmp" aniya at naglakad papalayo.

Agad naman namin syang sinundan at nakarating na kami sa cafe.

Pagkapasok namin sa cafe umupo kami agad sa bakanteng upuan. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong cafe at nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babae.

Sya yung nakabangga ko nung isang araw ah? Mukhang napansin nya yata na nakatingin ako sakanya kaya nginitian nya ko at lumapit sa table namin.

"Hi, it's nice meeting you again. Uhm, Dahlia right?" Aniya kaya tumango naman ako.

Teka, wala naman akong natatandaan na sinabi ko pangalan ko sakanya ah?

"P..paano mo nga pala nalaman pangalan ko?" Tanong ko.

"Oh, nabasa ko kasi sa student I.D mo" sagot nya kaya napatango ako.

"Ah okay. Nice meeting you din. Ano ulit pangalan mo?" Tanong ko naman.

"I'm Erlyn, Erlyn Wills" aniya.

"E..erlyn?" Biglang sabi ni Hazelle kaya napatingin kaming lahat sakanya.

"K..kilala mo ba si Evan Mendoza?" Tanong bigla ni Hazelle kaya napakunot ang noo ko.

Nakita ko naman ang pagbabago ng exspresyon ni Erlyn.

"Y..yes. He's my ex boyfriend. How do you know?" Sagot ni Erlyn kaya nanlaki ang mata ko.

Sya? Sya ang ex girlfriend ni Evan?

"K..kapatid ko kasi sya. Nakabalik ka na pala dito?" Ani Hazelle.

"Oh, sorry nakalimutan ko na may kapatid nga pala sya. Actually last month pa ko nakabalik dito. A company invited me to be their interior designer for remodeling their company" aniya.

"May i know what company?" Tanong ko.

"Uhm, Mythx if i'm not mistaken" aniya kaya napapikit nalang ako.

Duon nagtatrabaho si Evan.
Posible kayang, nagkita na sila?
Kaya ba hindi sya nagpaparamdam sakin? Dahil alam na nyang bumalik si Erlyn?

"N..nagkita na ba kayong dalawa?" Tanong ni Elyzza.

Malamya namang ngumiti si Erlyn.

"No, but soon we will. Alam kong sa Mythx sya nagtatrabaho as the CEO secretary. The CEO called me a month ago that he wants me to remodel his company kaya pumayag ako. But then he has an important different business to do in the next day kaya, his secretary will meet me instead... which is Evan" aniya kaya parang may sumasaksak sa puso ko na libo libong karayom.

"Alam na ba ni Evan na nandito ka na?" Deretso kong tanong sakanya.

Ngumiti sya at umiling.

"I want to surprise him. It's been years since the last time we met. Alam kong mali na iniwan ko sya non, that's why i'm back to make everything right again. I still love him... I hope he still feel the same way" aniya kaya hindi ko na maiwasang mapatayo at dere deretsong lumabas ng cafe.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa napadpad ako sa isang lumang parke, kung saan ko nakita si Evan noon na naka upo sa isang tabi, iyak ng iyak. Lasing na lasing.

Umupo ako sa kung saan sya mismo pumwesto noon at hindi ko na napigilan ang paglabas ng luha ko.

Bakit kung kailang nakalimutan ka na nya, doon ka pa bumalik?

Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag nagkita sila ulit... iiwan na nya ko.
Paano kung... mahal nya parin pala si Erlyn?

"Broken hearted ka noh?" Biglang sabi ng isang boses lalaki.

Inangat ko ang ulo ko at isang pamilyar na lalaki ang bumungad sakin.

"Dahlia ang pangalan mo diba? Khenz nga pala, kaklase mo ko sa arts class" aniya kaya pinunasan ko agad ang luha ko at tumango tango.

"O..Oh? Kaya pala pamilyar ka. B..ba't ka nandito?" Tanong ko.

Nagkibit balikat lang sya.

"Naglalakad lakad lang ako tapos bigla kitang nakita dito. Kaya naisipan kitang lapitan. Ayos ka lang ba? Baka may maitulong ako?" Tanong nya kaya malamya akong ngumiti at umiling.

Bigla naman syang umupo sa harap ko at nagulat ako ng punasan nya ang luha sa mata ko at nginitian ako.

Hindi ko maikakaila na may taglay na kagwapuhan si Khenz. Maamo ang mukha nya at parang anghel ang mga mata nya.

"Kung ano man yang dinadamdam mo, wag mo idaan sa iyak. Anong mangyayari sa inyo kung iiyak ka lang dito? Hahayaan mo bang tuluyan syang mapunta sa iba?" Aniya na ikinagulat ko.

"Ini istalk mo ba ko? Paano mo nalaman lahat yan?" Tanong ko kaya bigla syang tumawa.

"So tama pala ang hula ko? Let me guess, natatakot ka na nagseselos dahil baka magkabalikan ang boyfriend mo at ang ex girlfriend nya noh?" Tila nanlaki ang mata ko sa mga sinasabi niya. Tao ba toh o immortal na nakakabasa ng utak?

"Manghuhula ka ba!?" tanong ko at tumawa nanaman sya.

"Halika na, ihahatid na kita pauwi" aniya at tumayo na. Linahad nya pa sakin ang kamay nya na tinanggap ko naman at tinulungan nya kong tumayo.

"Akala ko ba naglakad ka papunta dito? Bakit may motor ka?" Tanong ko ng inabot nya sakin ang isa nyang helmet.

"Binalikan ko dito yung motor ko. May dinaanan kasi ako sa kabilang kanto kanina" paliwanag nya at sinuot na sa ulo nya ang isang helmet at umangkas na sa motor nya.

Nilahad naman nya ang kamay nya kaya tinanggap ko yun at umangkas narin sa likod ng motor nya at humawak sa balikat nya.

Nagulat naman ako ng bigla nyang hawakan ang dalawa kong kamay na nasa balikat nya at pinulupot sa may bandang bewang nya.

"Baka mapatay pa ko ng boyfriend mo pag nahulog ka" aniya at pinaandar na ang motor nya.

Inafareness ah... may abs sya, nakapa ko eh.

Ano ba yan Lia hindi ka pa nakuntento sa abs ni Evan!

Mabilis naman kami nakarating sa bahay ko.

"Salamat sa paghatid ah" sabi ko at inabot na sakanya ang helmet.

"Wala yun. Sige kita nalang tayo ulit sa klase bukas. Good night" aniya kaya ngumiti ako.

"Good night din. Ingat ka sa pag uwi, delikado mag motorsiklo ngayon" sabi ko kaya tumawa sya.

"Baka ikaw ang dapat mag ingat. Baka hindi mo namamalayan, nahuhulog ka na sakin. Delikado ako, Dahlia" aniya at kinindatan ako bago sinuot ulit ang helmet nya at agad pinaandar ang motor nya.

Napatulala naman ako sa sinabi nya.
Ano daw?

"Mukhang nag enjoy kayo ah?"

Continue Reading

You'll Also Like

11.2K 555 83
Rebecca Allison Brandt, a young fashion model and writer who suffered from an ultimate heartbreak when she broke up with her long time boyfriend. She...
391K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
Sana By cheslaxx

Teen Fiction

2.7K 240 21
[COMPLETED] This story is simply about two characters who created a presumption to people falling in love. Seirra Veradona and Zanth Monzimvino are k...
8K 687 37
BOOK 2 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished : August 10, 2021