Dayo

By helliza

994K 43.9K 9.1K

Dayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masak... More

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
kabanta 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas

Kabanata 3

26.1K 1K 156
By helliza


H/n

Enjoy🤓. Please do comment  kung ano po tingin nyo sa story na'to.

3

     “Ano ang ibig mo sabihin na hindi mo alam? Hindi kaya nagpapanggap ka lang para maipahamak mo kami lahat.” mula kay Drigo napatingin ako kay Sena.

     Tumaas ang isang kilay ni Flirty side ko sa mataray na si Sena. Naamoy niya ang isang karibal.

     “Miss. Hindi ko mataandaan kung sino ako. Hindi ko talaga makilala ang sarili ko. Hindi ko gusto magkaroon ng amnesia. Believed me. Me, myself and I want to know the answer for your question.”

     Pumalakpak si Flrty side ko. Tablado si ateng eh.

     Napanganga sila na para ba may sinabi ako kakaiba.

     “Kakaiba ka talaga.” Sabi ni Drigo. Hindi ko maintindihan ang pinapahiwatig ng titig nya pero bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

     Tumikhim ako. Dahan-dahan lumayo rito at bumalik sa gilid ng kama. Hindi naman sya sumunod. Tumaas lang ang sulok ng labi nya. Namulsa bago muli ako tinignan. Tingin na hindi ko sinalubong.

     “Anong salita ang ginamit mo dasal ba iyan? Isa ka siguro mangkukulam.” Si Winona na takang-taka sa pag-iingles ko.

     Geez nasaan lupalop ba ako. Nag-english lang mangkukulam na kaagad hindi ba nakakaintindi ng ingles ang mga tao dito. Lalong sumasakit ang ulo ko sa kanila.

     “Huminahon kayo.” Pigil ni aling Geneva sa magtatanong din sana na si Trina. Tinignan ako ng babae.

     “Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi mo Ineng pero mukha naiintindihan ko na ang kalagayan mo. Sa akin tingin nawala ang iyong alaala dahil  sa pinsala natamo mo sa iyong ulo. May nakilala na ako nagkaroon ng ganyan karamdaman. Ang sabi niya buwan ang lumipas bago bumalik ang lahat ng alaala nya.”

      “Nawala ang alaala?” Ulit ni Drigo na nakatingin kay Aling Geneva.

     “Oo dulot iyon ng pagkakauntog ng kanya ulo. Pero huwag kayo mag-alala babalik din ang lahat makalipas ang ilang buwan.”

     Sino ba sila? Bakit parang wala silang alam? Amnesia can be severe pwede hindi na bumalik ang alaala ko. Bakit kung ituring nila parang lagnat lang meron ako.

     “Dumito ka muna pansamantala Ineng hanggang sa bumalik ang mga alaala mo.”

     “Nanay Geneva hindi po maari. Paano kung isa nga sya espiya. Paano kung ipahamak nya tayo o saktan nya tayo.” Apila kaagad ni Sena.

     "Sena. Babae rin sya tulad mo. Anong magagawa nya. Isa pa ang dami natin kalalakihan na pwede pumigil sa kanya kung sakali may gawin  sya masama.”

      Ano ibig nya sabihin na babae lang ako?  My badass side  said. Bakit gusto ko umapila sa narinig ko.

     “Tama si Nanay Sena. Kung sakali may gagawin na masama ang binibini mapipigilan namin sya.” Inirapan ni Sena si  Pedro na nagsalita.

     Hindi talaga ako makasabay sa usapan nila. Umiikot ang isip ko sa sobra kalituhan.

     Wala sa loob na napahawak ako sa damit ko. Then something hit me.

     Wallet! Kailangan ko makita ang wallet ko. Sigurado ako may ID ako nakalagay doon.

     “My pants. Asan ho? Kailangan ko makita ang wallet ko.”

     “Ano daw P-pants? Wallet?” bulong ni Ejercito kay Drigo. Bakas ang pagtataka at pagkalito sa mukha.

     My sensible side  rolled her eyes. Bakit pakiramdam ko pare-pareho kami nalilito sa bawat isa. Sila sa akin, ako sa kanila.

     “Shit.” Napakunot ang nooni Drigo, napatalon naman ang ilan sa malutong na mura ko. But I’m sure, hindi nila naintindihan ang sinasabi ko.

     Hindi sila nakakaintindi ng English. Make it simple. No, make it tagalog.

     Huminga ako ng malalim. Naisuklay ang mga daliri sa buhok. Napangiwi ng mahagip ng  daliri ko ang sugat ko sa noo.

     “Iyong mga damit ko. Iyong mga gamit na nasa kasuotan ko, nasaan po?"

     “Ang kakaiba mo kasuotan? Nilabhan sya ni Nanay Geneva.” sagot ni Trina. Hindi ko na pinansin ang salita 'kakaiba'.

      “Ito ang gamit mo Ineng.” Mula sa mahaba bestida dumukot sa gilid nya si Aling Geneva. I was so amazed, may bulsa pala ang bestida. Unconsiously kinapa ko iyong sa akin.

     The heck, ang lalim aba pwede na ilagay lahat ng gadget dito ah.

     Inilabas ni aling Geneva ang isang leather walllet, kulay itim iyon na isa kilalang brand ang tatak. Pati ang relos ay naandon din. Obviously sa akin ang mga iyon.

     Mabilis ko iyong kinuha. Naupo sa papag at binuksan ang wallet. Kumunot ang noo ko. Oo may mga I.D doon. Mga I.d.

     Shit ano to?

     Mga anim na i.d ang nakita ko sa wallet ko. Ibat-ibang propesyon sa ibat-ibang pangalan.

     The heck? Ano'to alin ang totoo dito?  At bakit ang dami ko I.d?

     Magkasalubong na magkasalubong  na magkasalubong  ang kilay ko. Unti-unti kumikirot ang ulo ko.

     Hanggang sa nakuha ko ang drivers license ko.

    
     Mary Rayette Digno ang nakasulat.

     “My name is Mary Rayette. Rayette Digno.” hindi ko alam kung bakit ang pangalan na ito ang nasabi ko. Pero malakas ang kutob ko na ito ang pangalan ko.

     Wala umimik o nagreact sa sinabi ko. Kaya inulit ko iyon sa tagalog.

     “Ang pangalan ko ay Rayette. Mary Rayette Digno.” Bumakas ang hindi pagkapaniwala sa mukha nila.

     “Anong klase panlunas iyan? Nalunasan nya kaagad ang sakit mo!” Disbelief was evident in Winona’s voice.

    Ha? Panlunas?

     Napakurap-kurap ako. Bigla napailing ng ma-gets ang ibig nya sabihin.

     “No. Shit." I sighed. "I mean...hindi. Hindi ito gamot o panlunas.  Ito ay I.D Identification Card. Dito nakasulat ang mga information… inpormasyon tungkol sa isang tao.”

     Nang hindi parin nawala ang pagtataka sa mga mukha nila. Nagtantrums na ang  sensible side ko.

     Anong klase mga tao sila. I.D lang di nila alam. Napapadyak pa.

     “Hindi bale na.” Kumamot ako sa kilay nang lalong tumulay doon ang kirot. Wala ako ako sa mood magpaliwanag ngayon. Lalong sumasakit ang ulo ko. “Ako si Mary Rayette. Rayette ang pangalan ko.” I said habang binabalik ang I.d sa loob ng wallet.

      “Rayette. Pati pangalan mo binibini ay kakaiba.” Si Pedro.

     “Mary Rayette.” Drigo said. Bakit ang lamyos pakinggan ng pangalan ko sa bibig nya? My flrty side purred na para bang gustong-gusto nya binabanggit ng binata ang pangalan ko.

     Muli naghinang ang mga mata namin ni Drigo. Time stand still.

      What the hell is happening to me? Oo may amnesia ako pero sigurado ako hindi pa ako nakaramdam ng ganito.

     Naputol ang tinginan namin ng kumalam ng pagkalakas-lakas ang sikmura ko.

     Namula ang pisngi ko

      “Damn.” Lalo pa ako namula ng ngumisi si Drigo.

      “Mukhang gutom na ang Binibini Mary Rayette." May pang-aasar na sabi niya.

      Uungusan ko sana sya kaso nagsalita si Aling Geneva.

     “Ihahanda ko na ang almusal. Tulungan nyo ako Sena, Trina. Dito na kayo kumain, Winona, Ejercito.” Binalingan ako ng matanda habang hinahawakan nito sa kamay si Rosa na wala kakurap-kurap ang tingin sa akin.

     “Lumabas pagkalipas ng labing-lima minuto Ineng.”

     Napatango ako.

     Lahat sila lumabas maliban kay Drigo na nakatitig sa akin. Wala na iyong nakakaloko nya ngisi.

     “May kailangan ka?” tanong ko. Tumaas ag isang kilay nya pero hindi nagsalita. Bagkus lumapit sya sa akin na nagpatuwid sa likod ko. At nang yumukod sya nahigit ko ang akin hininga hanggang magpantay ang mga mukha namin. Tumaas ang kamay nya  para haplusin ang sugat ko sa noo.

     “Nakakahinayang na magkakaroon ka ng pilat makinis mo balat Mary Rayette.”

     Napakurap-kurap ako hindi alam kung ano ang sasabihin.

     Ngumisi sya sa akin. Sandali naglaro ang daliri nya sa buhok ko bago nya ako iniwan na nakatulala.

▪▪▪

     Pinagmasdan ko ang mga pagkain sa harap ko.

     Nilagang saging na saba. Tuyo na may kamatis na hula ko ay bagong pitas. Bagoong-isda. Nilagang talbos ng kamote.
Iyan ang nakahain sa mahabang mesa sa labas ng kubo sa ilalim ng puno ng mangga.

      May tatlo pa mesa na may mga tao ng nakaupo. Nasa labing-lima yata ang bawat tao nakapwesto doon. Napansin ko na malawak pala ang bakuran ng kubo pinanggalingan ko. May tatlo o apat pa kubo sa loob. Parang compound dahil kita ko ang kahoy na gate sa di kalayuan.

     “Kain na binibini.” Tawag sa akin ni Pedro.

     Naramdaman ko ang mga mata nila lahat sa akin. Ako na lang ang hinihintay kaya ako ang nag-iisang nakatayo.

     “Rayette. Call me Rayette or Raye.”

     Nang tumitigtig lang sila sa akin tumikhim ako. “Uhmm. Rayette o Raye ang itawag nyo sa akin.”

     Pakiramdam ko bumalik ako sa panahon ni Gat. Jose Rizal sa tuwing tinatawag nila ako binibini. Hindi ba pwede Miss na lang?

     “Kung iyon ang iyong gusto Binibi--Rayette.” Nginitian ko si Pedro. Shyboy. Komento ni Flirty side ko ng mamula ang binata pagkatapos ko ngitian.

     Hindi parin ako umuupo.

     Matiim naman ang tingin sa akin ni Drigo, ramdam ko kahot hindi ko  sya tinitignan.

     Sya ang ang nasa gitna ng parihaba mesa. Nasa kaliwa niya si Aling Geneva at bakante ang kanan.

     Nang tumayo sya para hilahin ang bankate upuan saka lang ako napatingin sa kanya.

     “Upo na binibini Mary Rayette.” Ngisi nya.

     Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung  nang-aasar sya. Nakakaloko kasi ang ngiti nya.

     Naupo ako. Hindi umimik.

     “Magpasalamat na tayo.” Sabi ng binata. Napapitlag ako ng hawakan nya ang kaliwa kamay ko, habang si Trina naman na nasa tabi ko ang humawak sa kabila.

     Nagsigayahan ang mga kasama namin sa mesa ganon din ang nasa kabila.

     “Bathala, kami’y nagpapasalamat sa pagkain..”

     Habang nagdadasal sila napatingin ako sa buong paligid.

       Pagkatapos ay sa binata nasa tabi ko.
Base sa paraan ng pag-uutos nya. Sya ang pinuno ng grupo ito.

     Bakit ko nasabi grupo? Sa lahat ng mga kasabay namin tanging si Aling Geneva ang may edad. At si Rosa ang pinakabata. The rest magkakasing-edad na. I think we are all the same age.

     “...ito ang aming panalangin at dasal ng pasasalamat sa inyo Bathala.”

     Napabalik ang tingin ko kay Drigo ng pisilin nya ang kamay ko bago nya iyon bitawan. Hindi sya nakatingin sa akin.

     Hindi ako umimik. Pero si flirty side daig pa ang nakakain ng sili.

     Nagsimula lang kumuha ng pagkain ang lahat ng una sumandok si Drigo.

     Ako nanatili nakatingin sa mga pagkain na nasa harap ko.

     “Kumain ka na Mary Rayette." Sabi ni Drigo na hindi ko pinansin  bagkus sina Sena na nasa harap ko ang tinitigan ko.

     Kung kumilos sya para dalagang Pilipina na mula sa sinaunang panahon.

     Pati si Winona at Trina ay ganon din.  Parang lahat ng babae rito Maria Clara, Maria Clara kumilos.

     Hindi kaya nagtime travel ako at bumalik sa nakaraan? Napailing-iling ang sensible  side ko sa akinnaisip.

     Imposible.

     Paano imposible look at them, kahit tuyo ginagamitan ng tinidor. Para silang mga mga ignorante pero may breeding.

     Totoo iyon. Tinalo pa ako sa sobra kaayusan kumain. Para kapag pinatong ko ang siko ko sa mesa may hahampas na stick sa akin.

     “Hindi kusa aakyat ang pagkain  sa iyong bibig binibini Mary Rayette, hindi ka mabubusog kung titigan mo lang.” Napatingin ako kay Drigo. Ayon na nanaman iyon nakakaloko ngisi sa mga labi nya.

     My flrty side batted her eyes dahil sa ngiti  iyon.

     Why he’s always smirking at me? My sensible side asked.

     Okay lang iyon ang gwapo nya kaya. Shit malalaglag yata panty ko.

     Tumigil ka.

     Dahil sige ng pagtatalo ang isip ko. Wala ako nasagot sa binata kundi titig lang.

      Napakagat-labi ako ng marealize ko na para ako tanga nakatitig sa kanya.

     Dumako ang tingin nya sa labi ko.  At nang ibalik nya ang tingin sa mga mata ko napansin ko ang pangingitim pa niyon.

     “Kumain kana Ineng huwag ka mahiya.” Pangungumbinsi ni aling Geneva sa akin. Napinagpasalamat ko dahil hindi ako makawala sa tingin sa binata.

     Tinangoan ko ang babae.

     Nagtatalo ang isip ko kung gagamit ako ng fork & spoon. Lahat kasi sila gumagamit. Kahit si Drigo.

     Bakit gagamit ka? Tuyo kaya iyan. Magkamay ka nalang. My badaas side said. Hindi ka mag-eenjoy sa pagkain ng tuyo kung titinidorin mo.

     “Saan ho ako pwede maghugas ng kamay?”

■■■■■

     Lahat sila nakatunganga sa akin habang kumakain ako ng nakakamay.

     Hindi ko naman sila pinansin. Kahit nga si Drigo nakatingin din sa akin.

     I was starving. Narealize ko, gutom na gutom pala ako. Kaya wapakels na ako sa mga tingin nila.

     Hinimay ko ang tuyo at sinawsaw sa  suka naandon.

     “Bakit ganyan ka kumain?” hindi na nakatiis na tanong ni Winona sa akin.

     “Paano ba dapat kumain ng tuyo?”

     “Dapat gumamit ka ng mga kubyertos. Hindi ba itinuro ng iyon magulang ang tama ugali sa pagkain?"

     Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago tinignan si Sena.

     “Miss alam ko kung paano gumamit ng kutsara at tinidor. Alam ko din kung ano ang etiquette sa pagkain. Itong tuyo pwedeng gamitan ng fork and spoon pero mas masarap kainin kapag kinakamay.”

     Pumalakpak si badass side ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit maiinit ang dugo sa akin nito si Sena.

     Baka insecure sa beauty ko. Si flirty side.

     “F-fork and s-spoon?” ulit naman ni Trina na nasa tabi ko.

     “Fork and spoon. Ingles ng kutsara at tinidor.” Sabi ko habang tinuturo iyon.

     “Ingles? Anong klase salita iyon?” si Benito.

     Ako naman ang napatanga sa kanila.

     Seriously hindi talaga nila alam ang salita english as in hindi.

     “Eh iyong Miss? Ano ang ibig sabihin sa aming salita.” Napatingin ako kay Winona.

     “Binibini. Binibini ang tagalog ng Miss.” wala sa loob na sagot ko. Huminto ako sa pagkain. “Guys is this some kind of joke? Nasa isang reality show ba ako at tinitrip nyo? Makikita ko ba ang sarili ko sa t.v habang pinagtatawanan ng buong Pilipinas?”

     Katahimikan.

     Iyan ang sumagot sa mga tanong ko.  Mukhang hindi na naman nila ako naintindihan.

     “Okay. Pwede ko ba malaman kung ano ang date ngayon?” nang walang sumagot inis na akong napakamot sa tungki ng ilong ko gamit ang malinis ko kamay. “Ugh, Petsa. Anong petsa ba ngayon?”

     “Ika-pito ng Hunyo taong,” nabingi ako sa sagot na iyon ni aling Geneva.

     Wala ako sa nakaraan. Ang binanggit na year ng babae ay ang natatandaan ko taon.

     Kung hindi ako nagtime travel where the hell I am?

     “A-ano lugar nga ho ulit ito?”

     “Ito ang bayan ng Liwayway sa mundo ng Dapit-hapon.

     Mundo ng Dapit-hapon? Ano ba ang ibig nila sabihin? My sensible side clutched her head na nagsisimula na naman sumakit.

     “Namumutla ka Ineng.” Puna ni Aling Geneva.

     Napatingin ako sa kanya. Hindi umimik

     Posible ba nasa ibang mundo ako?

     “Miss Mary Rayette.” Napatingin ako kay Drigo. Sa kabila ng pagkalito ko hindi ko parin napigilan na kiligin.

     Nakakakilig ang paraan nya ng pagtawag sa pangalan ko. My flirty side commented.

     Maghunis dili ka Rayette. Isipin mo muna ang kalagayan mo ngayon. Saway naman ng sensible side ko.

     “Huwag mo muna isipin ang kalagayan mo ngayon. Bukas ang pinto ng Sandugo sayo.” sabi ni Drigo.

     Sandugo?

     Marami ako mga  tanong. Hindi ko alam kung paano mahahanapan ng sagot.

     Isa na ay kung sino ba talaga ako? At paano ako napunta dito? Dito sa mundo ito.

...itutuloy 8/31 friday

****

H/n

Salamat.

Helliza Sabida
9292019Uvf 8:24

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 86.5K 57
Isa ang Otokawa mafia sa kinatatakutang organisasyon sa mundo ng sindikato lalo na sa Japan. Bukod sa marahas nitong pamamaraan ay may nakatago itong...
204K 1.6K 5
[COMPLETE] Read full chapters on Dreame App! Grimoire Academy: The Harem of the Fallen Princess (FILIPINO-ENGLISH) Hyacinth Silva was a goddess rein...
34.9K 2.3K 50
Yazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highes...
301K 13.3K 30
[Reincarnation Series 3: COMPLETED] When an unfinished mysterious book lands in front of Serene Elodia Flores, she envied the main lead of that story...