My Naughty Bratinella (Comple...

By twinklingberyl

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Chapter 3

4.1K 61 2
By twinklingberyl

Cloud's POV


"So pathetic." Ang huling sinabi ng babaeng 'yun na hindi ko alam kung saang planeta nanggaling. She even smiled at me sweetly before she ran. I can't believe na may gano'n pa palang ka-childish na taong nag-e-exist sa mundong 'to. So pathetic, tss. Okay, fine! Pathetic na kung pathetic! That girl... Napaka-abnormal! I admit, napikon talaga ako lalo na ng isigaw niya ang, 'Ingat ka my stalker!' at ang baliw, nag-flying kiss pa. Grabe! That feeling na hindi ka makagalaw kasi lahat ng mata sa'yo nakatingin? Lalo na ng ulit-ulitin niya na stalker niya 'ko. Ano na lang iisipin ng mga empleyado ng Daddy ko? Na gano'n ako ka-desperado sa isang babae at nakuha ko pang i-stalk siya? Damn it!

Lumabas ako ng building at sumakay ng kotse. "Manong, kila Carl tayo," inis na utos ko sa driver ko.

Habang nasa biyahe ay nawala bigla ang inis ko sa babaeng malas na 'yun ng mapatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ko. I missed the Philippines. It's been a year since I nag-stay ako sa Australia. I love Australia but I really love everything about my own country.

I'm on my way to Carl's place hoping that he could help me regarding my arranged marriage.

"CLOUD!" masayang salubong niya sa akin pagkabukas ng pinto.

Carl De Castro is one of my bestfriend. Well, kung ide-describe ko siya, wala akong ibang maisip maliban sa—notorious playboy. Hobby lang naman niya ang araw-araw na pakikipaglandian sa iba't ibang babae. Pero naniniwala naman akong matitigil din 'to kapag nakahanap ng katapat.

"Long time no see dude! Did you miss me?" he asked smiling.

"Miss my ass, tss." walang ganang sagot ko sa kanya 'tsaka ako dire-diretsong pumasok sa unit niya at sumalampak sa sofa.

"Kararating mo lang nagsusungit ka na naman. May problema ba kaya ka napauwi dito sa Pinas?" biglang tanong niya. Sana lang nasa katinuan 'to ngayon para mapagsabihan ko ng problema.

"Problema ba kamo? Oo, malaki!"

"Like?"

"An arranged marriage."

"Really? At sino naman 'yang malas na babaeng 'yan?" tumatawang tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Carl, this is a serious matter."

"O-kay. So... who's the girl?" he asked again.

"I don't know. I have no intention of meeting her. Tumakas lang ako ngayon, actually."

"So you mean, dapat ngayon kayo magkikita?"

"Exactly. At 'yun ang dahilan kung bakit ako pinauwi dito sa Pilipinas ng parents ko at kung bakit dito na 'ko mag-aaral."

"Really? Biglaan naman ata?"

"Ewan, I hate it. I don't want to get married!"

"Relax... sabi nga nila, for every problem, there's always a solution," nakangising usal niya. Mukhang may kalokohan na naman 'tong naiisip.

"Solution? Like... tumakas?"

"Nah."

"E, ano?"

"Ibalato mo na lang sakin 'yang future wife mo!"

"Tss. Kung puwede nga lang e. Baka ako pa ang maghatid sa kanya dito sa'yo, kaso hindi puwede e."

"Fine, damot mo. Pakasalan mo na lang para no problem! Tutal after college pa naman 'yan diba? Atsaka tingin ko, maganda naman 'yang future wife mo. Hindi naman 'yun pipiliin ng parents mo kung alam nilang hindi bagay sa'yo."

"Wala akong pakialam kung sino man siya at ayokong makilala siya, okay?"

"Si Aileen pa rin ba?" seryosong tanong niya kaya hindi agad ako nakaimik.

Si Aileen pa nga ba? Teka, paano ba napasok si Aileen sa usapan? Siraulo talaga 'tong si Carl.

Pero... si Aileen pa rin ba talaga? She's my ex-girlfriend. My first love and first girlfriend. Okay na sana ang relationship namin pero nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang family namin regarding sa business. His father is also a business tycoon in the country at parehong nasa iisang industry ang business ng mga pamilya namin. They were on top of the game but not until mag-produce ng bagong product ang company namin at talagang bumenta ito sa market until now. Nagalit ang daddy niya ng malamang naungusan na namin ang business nila even international. Kaya naman nagulat ako isang araw ng bigla na lang siyang nakipaghiwalay sa akin.

Flashback.

"Cloud, I'm sorry pero kailangan na talaga nating maghiwalay. Wala rin naman tayong choice dahil ilalayo ako ni dad sa'yo," she mumbled crying.

"Pero bakit? We're okay, right? We love each other. Wala naman tayong kinalaman sa away nila kaya hindi natin kailangan maghiwalay." I said.

"I have to do this Cloud, baka saktan ka ni dad kapag nagkataon ayokong umabot pa tayo sa puntong 'yn. You know how much I love you pero sana maintindihan mo na hanggang dito na lang tayo."

"Aileen kahit anong gawin mong pagpapaintindi sa akin, I still don't understand it! Bakit kailangang madamay tayo? Kung sasaktan ako ng dad mo, I'm not afraid. Ipaglalaban kita Aileen because I love you. Lalaban tayo please kaya sabihin mong lalaban ka rin para sa atin."

"I'm so sorry," aniya 'tsaka ako tinalikuran.

"You told me you love me and you don't want me to get hurt, right? But look what you're doing? Mas gugustuhin ko pang ipabugbog ako ng daddy mo kesa iwan mo 'ko." Mahinang sabi ko sa kanya pero sapat na marinig niya. Nahinto siya sa paghakbang pero hindi niya pa rin ako hinaharap. This time, hindi ko na napigil ang aking mga luha. Humakbang ako palapit sa kanya para yakapin siya mula sa likod. "I love you Aileen. Huwag mo namang gawin sa akin 'to oh, please? Lalaban tayo 'di ba?" I begged.

"I'm sorry Cloud. You deserve someone better than me. 'Yung kaya kang ipaglaban... at hindi ako 'yun," she muttered. Hinarap niya 'ko at hinalikan kaya lalo akong naiyak. Bakla na kung bakla pero nasasaktan talaga ako. She cupped my face and she smiled while staring at my face. "I'm sorry kasi hindi ko kayang labanan ang sarili kong pamilya. Take care of yourself always, okay? I love you, goodbye." agad siyang sumakay sa kotse niya pagkasabi niya ng mga katagang 'yun kaya wala na 'kong nagawa.

End of flashback.

And that's the reason why I went to Australia.

"Sabi ko na nga ba," ani Carl kaya natauhan ako.

"I don't know Carl. Hindi ko talaga siya kayang kalimutan. Alam mo namang siya lang minahal ko sa buong buhay kong 'to," malungkot na sagot ko sa kanya.

"Then you must pretend that you're gay," he uttered out of nowhere.

"Huh? What the fuck are you saying?"

"Ayaw mong magpakasal 'di ba? Then pretend that you're gay! As simple as that."

"Are you insane?"

"No I'm not. I'm just giving you an option. Pretend that you're gay and make them believe that it's the real you and in that case they will not force you to marry that girl OR... stay as what you are, do nothing and let's see kung ano ang kahihinatnan mo with your future wife. Escaping is not the solution," he stated while grinning.

"Tigilan mo nga 'ko. Alam kong may iba pang solusyon sa problema ko."

"Solution, like?"

"Like... uhm..." napatingin ako sa kanya ng wala akong maisip na kahit ano.

"Pretending that you already have someone is already common. Kapag ginawa mo 'yun, paghihiwalayin lang rin naman kayo. And besides, kaya ka nga pumunta sa akin para humingi ng tulong, right?"

I heaved a deep sighed while staring at him seriously. "Fine," nasagot ko na lang bigla.

"Good. Trust me, Cloud."

"Are you sure about this plan?" may doubt na tanong ko.

"Of course! At kailangan ng maisakatuparan ang plano as soon as possible."

"Pero after graduation pa naman ang kasal ah?"

"The earlier, the better para wala ng pilitan pang magaganap," he said and an evil smile was flashed on his face.

Napaisip ako sa sinabi niya. Napakaangas talaga nito mag-isip pagdating sa kalokohan.

But the only question right now... kaya ko bang mapanindigan ang pagpapanggap bilang...BAKLA?

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 576 22
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
86K 3.9K 2
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
5.4M 274K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...