One Time

By mitchiesumone

205 1 0

Paano kung may pagkakataon kang balikan ang nakaraan? At may pagkakataon ka ding malaman ang hinaharap? Saang... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

EPILOGUE

13 0 0
By mitchiesumone

2 years later...

August 31,2016 10:10 am

LRT Station

Nandito ako ngayon sa LRT Station at kasalukuyang bumibili ng ticket. Papunta kasi ako ngayon sa Tita Flor ko para ibigay ang regalo ni Mama para sa kanya. Ikinasal kasi si Tita Flor last three weeks na at hindi naka-attend si Mama. Nahihiya naman daw si Mama kaya pinaabot na lang itong regalo para sa kanya. Kaya naman napag-utusan ako ni Mama na ibigay ang regalo para kay Tita Flor dahil busy siya ngayon. Pumayag naman ako dahil libre ako sa araw na iyon at gusto ko ding maggala ngayon.

Nakuha ko na ang ticket at pumuwesto na sa yellow line. Huminto ang tren at bumukas. Papasok na sana ako kaso biglang may humarang sa akin na matabang babae. Kaya nag-give way na ako para sa kanya pero ang nangyare may iba pang tao na humarang sa akin. Ang resulta, nagsara na ang tren.

Sa susunod na lang na tren ako sa sasakay but this time, sisiguraduhin ko nang makakapasok ako sa loob. Naghintay ako ng kasunod na tren kahit na masakit na ang paa at binti ko. At sa wakas, may tren ng paparating! Hindi pa humhinto ang tren ay ready na ako kaagad para pumasok. Saktong huminto at bumukas ang tren sa harapan ko kaya madali lang akong nakapasok sa loob. Naghanap ako ng bakanteng upuan pero wala na kaya pumuwesto na lang ako sa kabilang side ng tren at humawak sa bakal na nakita ko. Huminto ang tren sa next station at medyo sumikip na sa loob. Hanggang sa padagdag ng padagdag ang taong pumapasok sa loob lalong sumikip ito. Para kaming mga sardinas sa loob ng lata! Kung kanina ramdam ko ang lamig,ngayon mainit na.

Puwede bang huwag nang dagdagan pa ang tao dito? Huwag na silang pumasok parang awa na nila! Sana pala nag-taxi na lang ako.Haay! Kailangan kasi magtipid eh. Naman!

Natigil ang pag-iisip ko ng may nagsalita mula sa likuran ko.

"Miss,umusog ka nang kaunti masikip na dito sa pwesto ko."

"Wala na pong maiuusog dito,kuya."

Sabi ko sa kanya na di humaharap dahil nakatalikod ako sa kanya.

"Meron pa 'yan. Umusog ka nalang kaya para matapos na."

Bakit ba ang kulit niya? Wala na ngang space pinipilit pa! Bahala ka diyan!

Dinedma ko lang siya at nag-tengang kawali kaso naiirita na talaga ako sa paulit-ulit niyang sinasabi.Kaya sa inis ko hinarap ko na siya. Imbes na mainis ay nagulat ako dahil ang lalaking kinaiinisan ko ngayon at ang lalaking kinaiinisan ko sa panaginip ko noon ay iisa.

"Daemon?"

"Ha?"

"Wala!"

"Miss,naman umusog ka na nga. Pinahihirapan mo pa ako eh."

"Sa wala na ngang maiuusog pa ang kulit mo din ano?"

"Ayan oh! Meron pa! Sabihin mong wala eh meron nga."

Tinuro niya pa 'yung sinasabi niya para maniwala ako.Magsasalita pa sana ako pero nahiya na ako dahil totoo pala na may space pa hindi ko lang nakita. Biglang huminto ang tren, dahil duon na out of balance siya at nadaganan niya ako sa gilid. Ang resulta, magkaharap kami at ako nakasandal sa gilid na tren. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa parang hindi ako makahinga. Ilang inch na lang ang pagitan namin at magkakadikit na ang katawan namin. Tatalikod na sana siya pero hindi niya nagawa dahil huminto ang tren at may mga pumasok pang tao sa loob. Dahilan para lalong sumikip at magkadikit ang katawan namin.

Uminit ang mukha ko dahil sa pamumula ng pisngi ko.Lalo na kapag humihinga siya hindi ko maiwasan na kabahan at mapalunok. Ang bilis ng tibok ng puso ko, di ko alam kung bakit. Tinignan niya ako at lalong nakadagdag ito sa pagbilis nang tibok ng puso ko. Mukhang may Heart attack na ako!

"Namumula na 'yung pisngi mo. Sa sobrang init ba?"

Concern ba siya o nang-aasar lang? Which is which!

"Duling ka lang siguro kaya feeling mo namumula 'yung pisngi ko."

"Oh talaga? Nasobrahan ka ata sa blush-on kaya ganyan ang pisngi mo. Hindi kaya?"

"Sorry. Pero hindi ako nag-bablush-on. Natural lang iyan dahil rossy cheeks ako."

"Haha..Are you sure?"

"Yah. Im sure."

Dahil sa mas matangkad siya kesa sa akin tumango siya dahilan para lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Really..really..sure?"

"Ang kulit m--."

Ang laking pagsisisi ko dahil inangat ko pa ang ulo ko.Tuloy nagkahalikan kaming dalawa nang di sinasadya. Kaagad akong tumungo para hindi niya makita ang sobrang pamumula ng mukha ko. Walang naglakas ng loob na magsalita sa amin pagkatapos ng nangyareng iyon. Buti na lang at paunti ng paunti ang tao sa loob kaya nakaupo na ako. At siya nakatayo padin sa pwesto niya kanina. Narinig ko mula sa operator ng tren na huling station na kaya tumayo na ako para mag-ready sa paglabas. Huminto na at bumukas na ang tren, isa isang nagsilabas ang mga tao kabilang ako. Nakita ko pa 'yung lalaki kanina pero dinedma ko lang siya.

"Hoy! Babaeng magnanakaw ng halik!"

Napalingon ang lahat pati ako sa sigaw niya. Nainis ako dahil tinuro niya pa ako. Hanuraw? Magnanakaw ng halik? Iumpog niya kaya 'yung ulo niya sa bakal para matauhan siya.

"Ang kapal mo naman. Kung hindi mo nilapit 'yang mukha mo sa mukha ko hindi mangyayare yun."

"Hahaha..Defensive ka naman masyado. Sige na paalam na! Sana huwag na tayong magkita pang muli! Baka kasi nakawan mo ulit ako ng halik."

Nag-wink siya sa akin. Sa asar ko tinalikuran ko siya at nagmadaling umalis. Kasi naman marami nang tao na pinapanuod kami. Parang eksena lang sa pelikula. Paglingon ko ay sumusunod pala siya sa akin at tinatawag ako.

"Hoy! Magnanakaw ng halik. Sandali!"

Buwisit siya! Tantanan niya ako!

"Hoy! Tumigil ka nga muna!"

Ayoko.Ayoko.Ayoko.

"Pagkatapos mo akong nakawan nang halik di mo na ako papansinin!"

Sa inis ko at sa gumagawa na naman siya nang eksena kaya hinarap ko na siya.

"Ano ba?!"

"Akin na ang phone mo."

"At bakit?"

"Basta."

"Paano kung ayoko?"

"Ehdi ipagsisigawan ko sa lahat na nandito na magnanakaw ka ng halik. Ibibigay mo na ba?"

Ngumisi siya at lalo lang akong naasar. Kaya para matigil na 'yung pangungulit niya kinuha ko na 'yung phone ko at binigay sa kanya.

"Subukan mong itakbo 'yan, yari ka sa akin."

"May load ka?"

"Meron."

"Patawag ha."

"Bahala ka."

Nakita kong may tinatype siya sa phone ko at may tinatawagan pero saglit lang at binigay niya na kaagad.

"Salamat."

Binigay niya na sa akin ang phone ko at tinalikuran ako. Pero ilang hakbang pa lang niya humarap ulit siya sa akin.

"Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina na huwag na tayong magkita muli. Dahil gusto ko magkita pa tayo ulit. At sisiguraduhin kong ako na ang unang magnanakaw ng halik."

Tuluyan niya na akong tinalikuran at iniwan. Namula ang pisngi ko sa sinabi niya kahit na may pagka-pervert siya. Ewan ko ba sa nararamdaman ko ang gulo lang!

Narinig kong may tumatawag sa phone ko. Tinignan ko muna kung sino ang tumawag pero unknown number ito. Pero sinagot ko padin baka kasi si Tita Flor na nakitawag lang.

Me: Hello.

Unknown: Magnanakaw nang halik! Mag-ingat ka pauwi ha.

Me: Teka paano mo--.

Bastos lang binabaan ako! Paano niya kaya nalaman number ko? Haayy! Bahala na nga siya. Ibinalik ko sa bag ko ang phone at nagsimula nang maglakad pababa at papunta sa sakayan ng tricycle.

Nakita kong nagtatawag pa ng ibang pasahero 'yung tricycle driver kaya nagmadali akong makasakay na. Pagsakay ko ay narinig ko pang tumawa ang katabi ko.

Baliw ata 'tong katabi ko. Nilingon ko siya at laking gulat ko nang makita ko ulit 'yung lalaki kanina.Nagsalita siya habang nakangiti sa akin.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Excuse me! Hindi kita sinusundan noh. Dito talaga ang way ko papunta sa tita ko."

"Hmmm..ganun ba. O sadyang tinadhana talaga ng Diyos magkita tayo ulit.Hindi kaya?"

"Aba malay ko sa iyo."

"Hahahaha..."

Tadhana nga ba o hindi? Hindi ko alam pero ang alam ko kapag kasama ko siya di ko maiwasang kiligin at bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit biglaang ganito ang pakiramdam ko at sa isang estranghero pa. Bakit nga ba?

Hindi ko talaga alam pero sa tingin ko ang Diyos lang ang nakakaalam.

Noon, ang buhay ko ay nakakulong sa nakaraan. Sa isang hindi magandang pangyayare sa buhay ko na naging dahilan para hindi ako makatakas sa nakaraan. Pero ngayon nakalaya na ako at nagpapasalamat ako sa Kanya at naging masaya na ako. Only God will know kung kailan tayo makakalaya sa nakaraan.

Ako si Cassandra na nagsasabing..

"Forget the former things and do not dwell on the past. God is making new things in a different way."

***

Thanks for reading this! :)

Continue Reading

You'll Also Like

44 0 9
You only lives once Paano sa hindi inaasahang pangyayari ay mababago ang buhay mo. Masasabi mo kung anong mangyayari kinabukasan?? Paano nga ba maiba...
246K 2.8K 52
It was a night drowned in secrets, heavy with the taste of liquor and unspoken truths. She was wasted, clinging to him as if he were the only thing k...
9.2K 413 26
Paano kung binigyan ka ng second chance ni tadhana para itama ang mga pagkakamali mo sa nakaraan?
1.6K 94 23
Paano mo nga ba maiibabalik ang panahon at oras na nasayang mo na? Paano mo nga ba mababalikan ang gusto mong balikan kung isa na lang itong naka...
Wattpad App - Unlock exclusive features