hindi ko alam ang gagawin sa tuwing nakikita kita....
tuwing ika'y nakikitang nakangiti abot hanggang langit ang tuwa ko..
masilayan lamang ang angkin mong kagandahan sa araw araw ay ayos na ayos na ang umagahan at pananghalian ko..
bakit sa dinami daming tao sa mundo sayo pa ako nahulog?!
ano ba ang meron ka na wala sa mga kalalakehan? oo babae ako pero sa babae din ako na in love ng ganito ka tinde...
sa tuwing naririnig ko lamang ang pangalan at bosses mo akoy parang nasa alapaap..
"oi!! oi!! kasandra! ahon! naka nganga ka na naman diyan! laway mo tumutulo oh!"
habang sinisiko ako ni lourie at naka tingin ng masama sa akin..
si lourie ang kaibigan kong panira moment.. parang hindi babae parang bakla kung magsalita at kumilos..
"wala namang ganyanan lourie! hindi naman ako naglalaway ano ka bah!"
habang siniko ko siya bilang gante.. :)
"hahahaha"
ang lakas ng tawa niya parang hindi nga babae.
"hay naku! kasandra marie alcantara.. bakit mo kase pinagpapantasiyahan yang si joey? isa pa pareho kayung girl.. ako na lang ang gayahin mo.. sa mga gwapong lalake lang naka dikit ang magaganda kong mga mata.."
habang napapacute at may patwinkle twinkle pa ng mata..
^___^
"eh... wala akong magagawa eh.. sa kanya ako tinamaan ng ganito ka tinde.. "
napakibit balikat na lang ako..
natatanaw ko si Joey Clear Santos sa kinauupuan namin ni lourie.. maganda siya lalo na yung dimple niyang ang cute cute.. at ang mga chinita niyang mga mata... ang mala porsela niyang kutis na parang naligo sa dagat ng freshmik.
maraming naghahabol sa kanya mapalalake man o babae pero lahat hindi niya pinapansin, magaling na drummer siya sa isang banda sa school namin.. minsan ko na rin siyang nakitang humahawak ng guitara at tumugtug ng isang awitin...
"hay... grabe bakit sa kanya lang ako nakadama ng ganto? abnormal ba ako my friend?"
napatingin ako kay lourie na abalang kumakaen ng sandwich
"ay anu ba yan my friend! i'm sure hindi ka niya magugustohan habang buhay.. parang hindi naman ata yan pumapatol sa kapwa babae.. eh"
napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niyang yun...
"diba friend.. maganda naman ako?"
"oh namen!"
pasigaw na sagot ni lourie habang puno ang bunganga sa kinaen niyang sandwich..
"maputi naman ako.. at higit sa lahat may katawan na mala toni gonzaga.."
"oh namen!"
"oh! tapos kana? hali ka na't malelate na tayo sa klassy tapos na ang recess oh.. hindi kapa nagmerienda at kanina pa nagbell "
nakatayo na ito at tumitingin na sa akin at sa wrestwatch niya na parang wall clock ang lake..
"kahit kailan friend panira moment ka naman diyan.. sige sige eto na oh! tatayo na ako!"
padabog kong sabi sa kanya..
habang siya naman ay naka ngiti...
Dahil sa late na kami ni lourie.. nagmamadali kaming naglakad papunta sa class room namin.. at sa hinding inaasahan na pang yayare ay nagkabonggoan kami ni Joey! parang nagslowmo ang mga pangyayare lumipad sa ere ang mga bitbit niyang mga papel na ang nilalaman naman nito ay mga ibat ibang lyrics ng kanta.. pareho kaming natumba pero dun sa posesion naming yun ako napako.. dahil pumaibabaw ako at siya naman ang pumailalim.. nagtama ang mga mata namin at para akong maiihi sa kaba.. tumingin siya sa akin na parang nagtatanong....
"okay ka lang my friend? "
malakas na tinig na nagalala ni lourie ang pumukaw sa aking diwa.
"miss.. pwede ka nang umalis sa katawan ko.. ang bigat mo, at masakit yung pagkakabangga mo sa akin"
habang namimilipit ito sa sakit..
pinilit kong itayo ang sarili ko pero para akong nanghihina.. dahil ba ito sa kaba o sa kilig na nararamdaman ko ngayon? dati pangarap ko lang na makalapit ako sa kanya kahit 2feet lang ang pagitan okay na okay na ako.. pero nasubrahan naman ata.. eto ako ngayon walang pagitan magkadikit kami at ang bunos pa nagtama ang mga mata naming dalawa...
*kilig
*kilig
*kilig
^_____^
may humawak sa aking braso at akoy nagulat.. napasigaw ako ng malakas..
"aaayy..!! "
si lourie lang pala.. ~_~
tinulungan niya akong makatayo sapagkakadapa at agad ko naman inalok ang kamay ko kay joey..
pero tiningnan niya lang ito.. at siya na mismo ang kusang tumayo.. tinulungan ko na lang siya na polutin ang mga papel na nagkalat sa lobby...
"ah... joey, pasensiya kana ha.. kase nagmamadali lang kami ng my friend kong si kasandra kase malelate na kami sa klasse namin"
paawang sabi ni lourie kay joey habang inaabot niya yung mga papel na pinulot namin..
"next time sabihan mo yang kaibigan mo na tumingin naman siya sa dinadaanan niya... hindi yung tatanga tanga kung maglakad.. nakakaperwesiyo naman siya.. yan tuloy masakit yung likod ko at yung dib dib ko sa impact ng pagkakabangga namin"
nakatingin siya sa akin habang hinahagod ang likod niya na sa subrang sakit
"pasensiya na talaga .. kase hindi kita napansin... nagmamadali lang talaga kami.."
nakayuko lang ako dahil sa hiya...
-_-
"sige na pwede na kayong makaalis pero mag-uusap tayo mamaya para maareglo na ito... magkita tayo dun sa music room mga 5:30 ng hapon"
paalis na ito pero masungit pa rin ang expression sa mukha nito...
"hala! may friend.. ano kaya ang pag-uusapan niyo?"
nananakot na sabi ni lourie sa akin... ang hindi niya alam natutuwa ako sa mangyayare kahit pagalitan man ako ni joey okay lang kase makakausap ko siya... eiiihh.. kilig much! superduper!!
fast forward
5:15pm hindi na ako mapakale..
"anu ba may friend! sure ako na maayos niyo na ang lahat... kahit na may pagkamaldita yang joey mo parang mabait naman"
pampacheer sa akin ni lourie kasi nakikita niya na sa akin na hindi na ako mapakale...
5:25pm
sinamahan ako ni lourie ng biglang tumunog ang cellphone niya..
*princess you have a text message*
kahit kailan feeler talaga itong my friend ko...
gulat na gulat si lourie sa kanyang nabasa... 0o0
"my friend!! may meeting pala kami sa art club... pasensiya na hindi kita masasamahan.. ikaw lang naman ata ang pinapunta ni joey eh.. kase ikaw yung naka bangga sa kanya.."
nako! kung hindi ko lang talaga friend to sinapak ko na siya ng subra...
"okay lang my friend... hindi ka namang pwede umabsent sa meeting kase isa ka sa mga officer ng club ang pagkatanda ko muse ka sa art club.."
biglang umiba ang mood ni lourie at yung tingin niya parang pwede ka nang kainin ng lupa..
"atleast na elect akong muse dun... ikaw parang wala ka namang club na sinalihan eh..."
maypagkamataray niyang sabe sa akin..
napangiti na lang ako sa kanya para hindi na lumala ang tensiyon.. ^__^
"sige na my friend puntahan muna ang club mo.. baka kase walang saysay ang meeting nila kong walang insperasiyon ang mga head officer ng art club.."
umiba na naman ang mood niya sa narinig niyang salita galing sa akin.. lumiwanag na ang mukha niya na dating nangingitngit sa galit..
hehehehehehe
"... sige na nga makaalis na nga baka ibahin mo naman ang sasabihin mo sa akin.. text ka lang kung ano ang resulta ng paguusap niyo.. ha?"
nagsimula na itong maglihis ng landas...
malapit na pala ako ng music room may na rinig ako na para bang nag-aaway... dahan dahan akong lumapit sa pinto at sumilip sa my maliit na window glass ng pinto nakita ko si joey na may kausap na babae.. umiiyak ito.. pero si joey galit na galit
"joey, i cant take it anymore...
you know i love you but dumating sa point na unting unti nang nawawala ang pag-ibig ko sayo..."
paiyak na sabi ng girl..
nagulat ako sa na rinig ko.. si joey ay isang...
...
......
........
.......
0o0 !
"oh!!! hindee!!!! "
A.N:
to infinity and beyond!
vote and comment lang po, sana supportahan niyo po itong story na ginawa ko ^_____^