Can't Get Over You

By janekhuletz007

132K 5.4K 739

My 5th story for JaThea. ? Hope you enjoy it since some of you requested for this. Mabuhay kayong lahat!! ❤❤❤ More

See You Again
Here I am
Feelings for you
Love me like you do
First date with her
Can't Help It
New Day
Jelly Ace
More Than Words
Torete
Sweet Revelation
The Naughtiness
The First Time
We belong
Lovely Day
Beautiful You
One More Day
Between Love & Trust
Fear of Losing Someone
Devastated
Jealousy
Caught Off Guard
Bela & Kim
Agustin Siblings
The Little Man
Dreams Never End

Sorrow & Loneliness

3.8K 163 13
By janekhuletz007

Jade's POV


Namimiss ko si Althea ngunit hindi ko man lang siya magawang tawagan. We are busy talking about the upcoming concert of Moira. Bagaman may idea na ako sa mga outfit na ipasusuot ko sa kanya ay kinailangan ko munang ikunsulta sa kanila.

I'm so glad that they like all my ideas showing them all my sketches. Pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay sumibat na ako ng pag-alis. Pero kailangan ko pa ring bumalik for some other commitments. I just need to energize by seeing the love of my life.

Pagpark ko ng sasakyan ay malalaki ang hakbang na pumasok na ako loob ng restaurant. "WANNATRIP CAFE" yan ang name ng resto ni Althea. Astig di ba?

Sa entrance pa lang ay nahagip na ito ng mga mata ko. Teka kilala ko yong guy na kausap niya.

"Althea!!"

"Bibi!!" Aniyang gulat na napatayo.

"Jade?!" Si Nathan na halatang nagulat rin ngunit nanatiling nakaupo.

"Oh, Nathan you're here!" Lumapit ako rito at bumeso. Then pagbaling ko kay Althea ay hinalikan ko siya ng mabilis sa lips na mas lalong ikinagulat ng binatang nasa harap namin. "Hi love.. I miss you." Maging yong ibang mga customers na nakatingin sa amin na kumakain ay tila mga nagulat rin. Well maybe it's time for me to come out. Tanggap na rin naman kami ng mga pamilya namin. So there's no use for hiding.

"I miss you too.." Aniyang hindi napigilan ang kilig kaya't napayakap sa akin. "I love you so much." Dagdag pa niya.

"Ehim!" Tikhim ni Nathan dahilan para kumalas ng yakap si Althea. "Oh god! What's happening on earth?"

Magkatabi kaming naupo ni Althea at nakangiting bumaling kami sa binata. Medyo shock pa rin kasi ito sa natunghayan. "Ang ganda ng girlfriend ko di ba? Sabi ko sayo eh." Sabay akbay ko sa katabi ko.

"You guys are so weird! Pareho ko pa naman kayong natipuhan. Ugh! Another karma for me."

"Hey! It's not karma Nathan. Siguro may iba lang talagang nakatadhana para sayo." Napatingin ako sa mga food na nasa mesa. "Wow! Ang dami nito. Pwedeng makikain?"

"Yeah sure! Kain kayo." Alok nito sa amin.

"Thanks Nathan!" Nakangiti kong tugon rito bago ko ulit binalingan ang girlfriend ko. "Love naglunch ka na ba?"

"Ah.. Yes! Kanina pa oo kasabay ko sina Wila at Batchi."

"Sure ka huh? Baka mamaya nagpapalipas ka ng gutom. Naku ka!"

"I'm telling you the truth Bibi. You can ask them kung nagdududa ka."

"Oo na naniniwala na."

Patingin-tingin lang sa amin si Nathan na itsurang hindi pa rin makapaniwala. Panay kasi ang pagbuntong hininga nito.

"Bibi bakit nga pala kayo magkakilala ng lalaking ito?" Sabay turo niya sa binata.

"Future bayaw ng Pards mo. Kapatid siya ni Sussy." Magana akong sumubo ng pagkain. Kare-kare, pork bagnet, garlic shrimp at kung ano-ano pang mga gulay-gulay ang nakahain. Meron ding sweet & sour na fish.

"Ganon ba? Naku! Pasensya ka na kay Pards. Yaan mo sure ako na maaalagaan niya ng mabuti ang kapatid mo."

"She's right Nathan. Mabuting tao ang Kuya ko."

Ang sarap talagang magluto nina Sally  at Chef Batchi. Kaya marami-rami rin ang dumadayo dito para kumain.

"Bibi dahan-dahan baka mabilaukan ka." Pabulong na paalala sa akin ni Althea. Ngunit napangiti lang ako sa kanya.

Subalit nang biglang tumunog ang celpon niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa ay parang nawalan ako ng panlasa.

Napalunok siya nang mapatingin sa akin. "Bakit tumatawag ang babaeng yan sayo? Wala naman kayong pasok today."

"Bibi hindi ko alam. Kung gusto mo ikaw ang sumagot."

"Talaga gusto mong ako ang sumagot? Baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko diyan."

"Oh di cancel na lang nat----"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hindi! Huwag mong ika-cancel yan. Sagutin mo!" Putol ko sa sasabihin pa niya.

"Tss! Eto na.. init ng ulo." Aba at nagpout pa talaga. Pasalamat siya at nasa public place kami.

"Yes Jessy, napatawag ka?" Masigla niyang bungad sa kabilang linya sabay irap sa akin. Bigla namang napatawa si Nathan habang nakamasid sa aming dalawa.

Putek! Nabubwisit tuloy ako. Tiim bagang na nakuyom ko ang kamao ko at pagkatapos ay padabog na sumubo ako ng isang malaking hiwa ng pork bagnet na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Nasa orphanage ka? Okay pakisabi na lang kina sister hindi ako pwede ngayon. Siguro next time kapag hindi ako busy." Nakipagtawanan pa ang bruha. Hindi naka-loud speaker kaya hindi ko alam ang iba pa nilang pinag-uusapan. "Huh?" Aniyang napatingin sa akin. "Yes kasama ko siya. Okay sige salamat. Kamusta na lang sa kanila. Bye!"

"Kung gusto mong pumunta ay pumunta ka. Hindi rin naman ako magtatagal dahil kailangan ko rin agad bumalik sa Studio." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Sobra kasing nag-iinit ang ulo ko sa pagtawag ng babaeng iyon.

"Tss! Like what I said to you, dito lang ako sa restaurant at dito lang din kita hihintayin pagkatapos ng trabaho mo." Naiiling niyang sagot sa akin.

"Ayaw mong makita si Jessy?" Hindi ko maiwasang tanong dahil naiinis pa rin talaga ako at wala akong pakialam kung may ibang tao sa harap namin.

"Bakit ko naman yon gugustuhing makita? Bibi naman! Will you stop this nonsense?"

"Baka naman nagpapalandi ka kaya hindi ka pa rin tinitigilan ng babaeng yan!" This time ay hindi ko napigilang sumabog sa sobrang inis. Kaya kung ano-ano na itong lumalabas sa bibig ko.

"Oh, god! Do you think kaya kong gawin iyon sayo?"

"Errr! Let's not talk about this right now. Baka mas lalo lang tayong mag-away." Tumayo na ako at hinarap si Nathan. "Thanks Nathan sa lunch. Aalis na ako."

Tumango lang sa akin ang binata. "Ingat ka!"

"Bibi sandali!" Pigil ni Althea sa akin. "Doon tayo sa loob ng office mag-usap." Bigla na lang niya akong hinila sa braso.

"Althea ano ba! Baka madapa ako sa ginagawa mo."

Nagtinginan lahat ng mga nadadaanan namin including Wila at Sally. "Hey! Nag-aaway na naman ba kayo?" Narinig kong tanong ni Wila ngunit nilampasan lang namin siya.

Pagpasok namin sa loob ng office ay agad niyang isinara ang pinto. "Althea.. hmnn!!" Isang mariin na halik sa labi ang iginawad niya sa akin. Nagulat ako at hindi nakakibo.

Hindi ako gumaganti sa mga halik niya ngunit tila mas lalo siyang naging mapusok. "Althea stop it p-please.."

Makaraan ang ilang sandali ay tumigil na rin siya at pagkatapos ay yumakap ng napakahigpit sa akin. "Bibi mahal na mahal kita.. Huwag ka nang magalit please." Garalgal ang boses niyang sabi. Kaya alam kong umiiyak na siya.

Wala na akong nagawa kundi ang mapayakap na rin sa kanya. "I'm sorry kung nagseselos ako. Natatakot lang ako na baka maagaw ka niya sa akin."

"Never na mangyayari iyon mahal ko. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ikaw lang ang minamahal at mamahalin ko habang nabubuhay ako?"

Hindi ko na napigilan ang mga luhang naglandasan sa mga mata ko. Mahal na mahal ko rin kasi ang babaeng ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

***6 years later***
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Althea's POV

Isang mahabang panaginip na tila hindi matapos-tapos.

Paulit-ulit lang ang mga nangyayari sa paligid ko.

Mula sa kasal ni Pards kung saan pareho kaming bridesmaid ni Jade.

Sa panganganak ni Sussy kung saan isang baby boy ang iniluwal nito na pinangalanan nilang Daryl.

Pati ang napakasayang pagpopropose ko kay Jade na inakala kong tatanggihan niya. Iyon pala ay may nakahanda rin siyang singsing para sa akin.

Ikinasal kami sa US and then lumipad kami patungo sa Germany para sa IVF (In Vitro Fertilization).

I think I become the happiest person on earth when we found out na pregnant na si Jade. Sobang excited ako. It was successfully done at magiging parents na kami.

After we got the assurance in our doctor na safe nang bumiyahe si Jade ay bumalik na rin kaagad kami ng Pilipinas.

Naging maselan si Jade sa mga pagkain. Kaya kung ano-ano na lang ang hinihinge nito basta kung ano lang ang matripan niyang kainin.

Ngunit kung kelan kabuwanan na niya ng panganganak ay naging busy ako sa trabaho. Nagsabi ako kay Dad at kay Kuya na kung pwede na magleave muna ako hanggang sa makapanganak si Jade. Pumayag sila pero kailangan ko munang umattend ng conference meeting na gaganapin sa Baguio. 3 days iyon at walang ibang pwede na ipadala kundi ako lang dahil mga busy rin ang mga kuya at in laws ko.

After two days ko sa Baguio ay nabalitaan ko na nakapanganak na ang asawa ko. Sobrang excited ako nang araw na iyon. Nagvideo call si Mommy sa akin kaya for the first time ay nasilayan ko ang napacute na mukha ng unico hijo ko. My gosh! Kamukhang-kamukhang ko siya. Kinabukasan pagkatapos ng conference meeting at kung kelan pabalik na ako ng Manila ay bigla namang lumagunos ang napakalakas na ulan.

"No way! Hindi pwedeng hindi ako uuwi today. Kailangan ako ng mag-ina ko."

"Ma'am Althea baka kung mapaano po kayo sa daan. Maghintay na lang po tayo kung kelan tumila."

"You stay here Melvin. Pero hindi talaga pwedeng hindi ako umuwi ngayon."

Ilang beses akong pinigilan nina Melvin at Jomel na siyang mga kasama ko sa team. Ngunit wala silang nagawa. Umalis pa rin ako kasama ang company driver namin na si Mang George.

Tuwang-tuwa ako nang biglang tumila na ang ulan. Kaya kampante ako na makakauwi kami ng safe ni Mang George. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay isang 10 wheeler truck ang nawalan ng preno. Sa pag-iwas ni Mang George ay tumilapon ang sinasakyan namin sa hindi kataasang bangin. Pero dahil nakailang baligtad ang sinasakyan namin ay ilang beses ring nauntog ang ulo ko. Hanggang sa kusang magdilim na ang paningin ko at hindi ko na rin ang alam ang sunod na nangyari.







Jade's POV

Mag-aapat na taon nang comatose ang asawa ko. Minsan ay pinanghihinaan na ako ng loob. Hindi ko kasi alam kung magigising pa siya. Tanging dasal na lang sa panginoon at ang anak namin ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Nakakapagod mang maghintay ngunit kakayanin ko pa. "Love huwag kang susuko. Mahal na mahal kita." Nahihikbi kong bulong sa kanya. Tumayo ako at hinalikan siya sa noo niya. "Miss na miss na kita. Hindi mo ba ako namimiss, kami ng anak mo?" As usual wala pa ring response galing sa kanya.

Ayon sa mga eksperto ay marami na raw cases ang nangyari na katulad ng kay Althea. Yong iba ay himalang nabubuhay pa at ang iba naman ay natutuluyan din kapag hindi na kinakaya ng katawan ng pasyente.

Laking pasasalamat ko na lang rin at suportado siya ng  pamilya niya. Maging sila ay hindi sumusuko na balang araw ay magigising rin ang bunso nila. Wala silang problema sa perang magagastos. Dahil marami naman silang pera na pambayad.

"Oo nga pala Love magbibirthday na ang anak natin sa isang araw. 4 years old na siya love. Gusto mo dito na lang ulit natin icelebrate?"

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Ang bigat bigat sa dibdib na kung hindi ko ilalabas ay baka hindi ko na kayanin.

"Love sabi mo dati di ba? Sabay tayong tatanda na magkasama. Promise mo yon sa akin noong ikinasal tayo. So please sana gumising ka na. You have to see your son. Kamukhang-kamukha mo siya love." Panay ang pahid ko ng mga luha ko na kusang bumubukal sa mga mata ko. "Miss na miss na kita sobra.."

Hinawakan ko ang isa niyang kamay at sumubsob ako sa tabi ng higaan niya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

+++++++++

Makalipas ang ilang araw ay birthday na ulit ng anak namin na si Aljed. Parang kelan lang ay ang liit-liit pa nito. Ang bilis-bilis talaga ng panahon. Sayang at hindi nasundan ng Meme niya ang kanyang paglaki. Pero sana ay magising na siya upang makabawi na siya sa anak niya.

Happy Birthday to you..
Happy Birthday to you..
Happy Birthday.. Happy Birthday..
Happy Birthday to you..

"Yeeey!!! Anak blow the candle but before that hmm.. Wish ka muna."

Tumingin muna ito sa paligid bago itinutok ang tingin sa Meme niya na sobrang himbing pa rin sa pagkakatulog.

Sa naging gesture ng anak ko ay tila naging teary eyed silang lahat. Buong family ni love ay naroroon pati na rin ang buong family ko kasama ang iba pa naming malalapit na kaibigan.

"Ma.. Ang wish ko po---" Malungkot na napatungo ito then saka ulit nag-angat ng tingin sa Meme niya. "I want my meme to wake up na para hindi ka na palaging sad Mama."

Naglandasan ang mga luha sa mga mata ko kahit nakangiti ako. Lalo na nang yumakap sa akin ang anak ko. Nagtalikuran ang iba dahil hindi na kinaya ang natutunghayan nila. "Anak blow the candle muna para magrant ni God ang wish mo. Okay?"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at dali-daling hinipan ang candles ng cake niya. "Yeheey! Magigising na apo ang Meme mo. Sure ako diyan." Naluluhang bigkas ng mother in law ko na mommy ng asawa ko.

"Ay oo! Magigising na yang anak natin. Huwag natin siyang susukuan." Sabi naman ng Daddy niya na umakbay sa asawa. Sinang-ayunan naman ng mga brother in laws ko.

"Opo.. Naniniwala po ako na magigising rin siya. Hindi yan papayag na hindi niya makita ang anak niya." Madamdamin ko namang tugon sa kanila.

"Tama ka diyan bunso. Sa pagkakaalam ko diyan kay Pards malakas ang loob niyan. Hindi yan basta-basta sumusuko." Naiiyak ring sabi ng Kuya ko.

"Agree ako sayo Bro! Maraming nagmamahal sa kanya. I know na lumalaban siya." Si Kuya Gab na makikitaan mo ng katatagan pero umiiyak rin yan kapag siya lang mag-isa. Minsan ko na siyang nadatnan na pugto ang mga mata matapos magbantay sa kapatid niya.

"Bago po ang lahat ay kumain na muna po tayo. Pagsalo-saluhan natin ang simpleng handa ng aming anak."

Kanya-kanya silang bati sa anak ko na may kanya-kanya ring bitbit na regalo. Panay thank you naman ang bata dahil sa dami ng regalong natatanggap.

Pinilit naming maging masaya para hindi naman maging malungkot ang kaarawan ng anak ko.

Dumaan lang din sina Wila at Sally ngunit umalis din agad pagkatapos nilang kumain. Kailangan na kasi sila sa restaurant.

Ang iba naming kaibigan tulad nina Gael, Tom, Kring at Trixie ay isa-isa na ring nagsi-alisan. Matapos ang ilang oras na kwentuhan.

Nauna na rin ang mag-asawa ni Kuya Marco na may dalawa na ring anak. Inaanak namin ni Althea ang panganay nila na si Charles. Habang sina Kuya Gab ay nag-iisa pa rin ang anak na tila hindi na nagawang sundan si Gabin.

"Oh siya! Mauuna na rin kami ng Ate Pearl mo Jade. Basta kapag nagising na siya tawagan mo agad kami, ha?"

Tumango ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Sige Kuya Gab. Mag-iingat kayo pauwi."

"Jade alis na kami." Tinanguan ko lang si Ate Pearl. Hinila naman niya ako para yakapin.

"Huwag kang mag-alala gigising rin si Althea. Magtiwala lang tayo. May awa ang diyos."

"Salamat Ate Pearl." Madamdamin kong sagot sa kanya.

Maya-maya ay nagpaalam na rin sa akin ang parents ni Althea. Sumunod na rin ang mag-asawa ni Kuya kasama ang anak na si Daryl.

Sina Mama, Dada, dalawang maids at ang anak kong si Aljed ang kasama kong naiwan.

"Aljed anak doon ka muna kina lolo at lola mo ha? Nandon naman si Kuya Daryl mo. Para may kalaro ka."

"Ma.. Sasamahan kita. Dito lang ako sa tabi mo. Big boy na ako di ba?"

Nagkatinginan kami ni Mama. "Anak hindi pwede.."

"Ma.. birthday ko ngayon. Pagbigyan mo na ako please? Gusto ko ring makasama si Meme."

Tinanguan naman ako nina Mama at Dada. Kaya wala na akong nagawa kundi pagbigyan ang bata sa kahilingan nito.

Sa pag-alis ng parents ko ay binitbit na rin nilang pauwi ang mga natanggap na gift ng anak ko. Idadaan na lang raw nila sa bahay namin. Oo bahay namin na siyang regalo sa amin ng parents ng asawa ko noong makasal kami. Dahil idadaan rin naman daw nila si Bechay na isa rin sa mga maid namin. Ang isa pang maid na si Dora ay naiwan sa bahay upang siya muna ang tumao doon.

Ang pinaiwan ko lang sa ospital kasama namin ay si Agnes na siyang yaya ng anak ko.

Tuwing weekend lang ako natutulog at nagbabantay sa asawa ko. Dahil meron talagang nakatokang nurse na palaging nagbabantay sa kanya.

Kailangan ko rin kasing asikasuhin ang clothing line business ko pati na rin ang restaurant. Pero kapag may free time naman ako ay palagi akong dumadaan dito sa ospital upang tingnan ang kalagayan niya.








Althea's POV

Bukod sa paulit-ulit na nangyayari sa paligid ko ay palagi rin akong may naririnig na umiiyak. Mga familiar na boses na nag-uusap at may boses rin ng isang bata.

Pero this time ay parang kay bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong kumilos ngunit hindi ako makagalaw. Ano ba itong nangyayari sa akin? Parang kanina lang ay nakakatakbo pa ako at nakakakilos ng maayos.

Bumalik sa ala-ala ko ang isang malagim na aksidenti. "No! Buhay pa ako. God please.. Hindi pa ako maaaring mamatay. Gusto ko pang makapiling ang mag-ina ko.

Kung tayo ay matanda na
Sanay di tayo magbago..
Kailanman nasaanman ito ang pangarap ko..

Ang nakalipas ay ibabalik natin
Hmm.. Hmm..
Ipapaalala ko sayo..
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sayo
Kahit maputi na ang buhok ko

Naririnig kong kanta ng isang familiar na tinig na kay sarap sa pandinig. Gusto kong yakapin ang kung sino mang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Ma.. I'm hungry na po."

"Sandali lang anak. Bumibili pa sa labas si Yaya Agnes mo."

Pinilit kong ikilos ang katawan ko kahit sobra itong namamanhid.

"Ma!! Yong kamay ni Meme gumalaw." Boses iyon ng isang batang lalaki na para bang nakakasabik ring pakinggan ang tinig.

"Talaga anak? Teka sandali.." Naramdaman ko na may lumapit sa tabi ko. "Love.. Ako ito si Jade. Please gumising ka na. Miss na miss na kita." Aniyang may halong excitement sa tinig bagaman parang maiiyak na anumang sandali. Muli kong iginalaw ang kamay ko. "Oh my god! Aljed anak si Meme mo!!" Aniya na tila tuluyan nang napahagulhol ng iyak.

Siyang saktong namang may nagbukas ng pinto. "Agnes tawagin mo si Dok please.. Gising na ang asawa ko!!"

"O-opo Ma'am!!" Tugon nito na tila natarantang tumakbo ulit palabas.

Ang labo ng paningin ko kaya muling napapikit ang mga mata ko. Sinusubukan kong ibuka ang bibig ko. Ngunit wala akong lakas na gawin iyon.

"Yey! Mama.. Papa God granted my wishes."

"Oo anak!! Diyos ko salamat po."










To be continued... 😊😊😊







Hello guys!! 🙋‍♀️ Tumalon na naman ng taon. 😂

Wala nang maisip na idea si awtor eh. But anyway sana ma-enjoy nyo pa rin. 😉

Thank u po ulit sa patuloy na pagbabasa. 😁

Continue Reading

You'll Also Like

382K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
3.6K 250 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
214K 10.9K 31
"I didn't know that it was fate all along. Seeing you every day made me remember the pain I buried in the past. However, being this close to you made...
816K 25.5K 50
Mahal ni Anne ang kuya nya. Simula kasi ng mamatay ang mama nila at naging missing person naman ang Papa nila ang kuya nalang nya ang meron sya. At u...