I'm his TUTOR

By NerdyIrel

55M 775K 224K

She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books... More

I'm His Tutor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
WATTPAD PRESENTS: I'M HIS TUTOR
Special Chapter

Chapter 41

532K 9.4K 1.2K
By NerdyIrel

Hey guys,

nawalan kmi ng kuryente for 18 days mula nung bagyong Glenda (-_-) 

Grabe lang, ngayong gabi lang nagkaroon kaya agad-agad akong nagupdate

Babawi na talaga ako pramis. Mas magUD ako ng mas mabilis haha kahit laging busy

------------------------------------------------------------------

Chapter 41

Mikay’s POV

“Wala pa ba tayo dun? I’m so tired na” Pagrereklamo ko nung tumigil kami saglit ni Gino.

HE DIDN’T FREAKING TOLD ME  na magha-hiking pala kami!

Eh di sana, di ako nagsuot ng dress at high heels!

Tinawanan pa ko!

Kaya pala iba ngiti niya nung nakita niya yung suot ko!

Lokong ‘to, pinagtitripan pala ako.

“Haha malapit na, promise” sabay humalakhak na naman.

Putek, nakakabadtrip ah.

“Ayoko na” Then I crossed my arms.

His face suddenly fell. “Ano? Kung kelan malapit na tayo tsaka mo sasabihing ayaw mo na?”

I glared at him sabay upo dun sa isa sa mga nakatumbang puno. “Mukha ka kasing ewan. Sana sinabi mo man lang na magshorts at t-shirt ako tapos magrubber shoes ako. Ang sakit kaya sa paa na maghiking habang nakaheels!”

Sa inis ko tinanggal ko na yung heels ko at binato ko sa kanya.

Natatawang umilag naman siya.

“Munchkin, ayoko kasing masira yung surprise. Kapag sinabi ko sayong magha-hiking tayo, malamang may idea ka na agad kung ano yung private place natin”

“Sa lahat ba naman kasi ng private place, dun pa talaga sa pinaka-private yung napili mo! Nakakaasar talaga. As if naman babalik pa ko dito after this”

He smiled even wider. “Actually may shortcut hahaha gusto ko lang tumagal tayo kasi ang cute mo tignan. Kanina sobrang eager ka na makarating tayo to the point na di ka nagrereklamo”

That’s it!

Nakakabwisit na talaga siya!

Tumayo ako at tinanggal ko yung isa kong heels tapos tumalikod na ko.

Nagmamadali akong umalis palayo sa kanya.

“Whoah wait…munchkin!” Sigaw niya.

Bahala ka diyan!

NAKAKAINIS KA!

“Mikay, saglit lang” sabay hawak niya sa kamay ko.

“Bitawan mo ko!” Pagalit na sabi ko.

“Hey, I’m sorry. I know it’s wrong but please just give this date a chance okay? Tara. This will be fun”

Tinitigan ko siya at ngumiti siya.

Geez.

Parang nagmelt yung puso ko.

How could I stay mad at this guy kung ganyan siya makangiti?

“Kapag pauwi na tayo, dun na tayo sa shortcut”

“Yes boss”

Naglakad na ulit kami after that little conversation.

Lagi siyang lumilingon para ngumiti tapos hihigpitan hawak sa kamay ko.

Sweet!

After a few minutes, bigla siyang tumigil.

“Bakit?” Tanong ko.

“Naglalakad ka nang naka-PAA? Bakit di mo sinasabi?” Pasigaw na tanong niya.

Napatalikod tuloy ako sa gulat. “Ah eh…mas okay naman na naka-paa ako. Atleast di ako nahihirapan”

Tinignan niya ko na para bang nababaliw na ko.

“Paano kung magsugat yang paa mo?”

“Mas magsusugat yung paa ko pag nakasuot ako ng heels”

Napailing siya tapos binitawan niya kamay ko kaya parang nagskip yung beat ng puso ko.

Galit siya?

Hala.

Tinitigan niya ko kaya mas lalo na kong kinabahan.

Then he suddenly did something kaya napasigaw ako.

“WAHHHHHHHHHHH”

Bigla-bigla niya kong binuhat.

Yung parang bridal style.

Tawa siya ng tawa.

“Ano ba Gino! Ibaba mo ko!”

“Ayoko. Ayokong nahihirapan ka”

“Ibaba mo sabi ako!” sabay sampal ng mahina sa mukha niya.

“Sssh. Practice toh munchkin”

“Practice para saan?”

“Para sa alam mo na...after ng future wedding natin” nagtaas-baba pa yung kilay niya bago tumawa ng nakakaloko.

Naglakad na siya, buhat-buhat ako.

Naspeechless ako dun and at the same time, feel na feel ko yung butterflies sa tiyan ko.

Wedding…

So he’s really planning in staying in my life forever?

“Oh bakit ang tahimik mo?”

“Natuwa lang ako sa sinabi mo…”

“Hoy ikaw mikay ah!”

“Ha? Bakit?”

“Iniisip mo yung honeymoon agad!”

“HALA HINDI! Hindi yun! Dun ako natuwa sa sabi mo, future wedding”

“Ah yun ba? Pinaplano ko na nga paano ako magpopropose eh”

“HA? AGAD-AGAD?”

“Hahahaha cute mo. Hindi, joke lang hahaha syempre pag stable na work natin”

Ni-wrap ko yung arms ko sa leeg niya ng mas mahigpit para yakapin siya.

Ganyan-ganyan lang yung position naming until he stopped walking kaya napatigin ako sa kanya.

“We’re here”

I immediately looked around.

*gulp*

Sobrang simple lang nung lugar pero natuwa ako.

Kasi nakahanap siya ng ganitong lugar.

Open space in the middle of the forest.

Malapit itong forest na ito sa Camp Earthfire.

Hindi pa ganun kalago nung mga flowers pero ang ganda na niyang tignan.

Tapos ang mas nakakatuwa pa, may little picnic place sa pinakagitna.

Inayos yata ni Gino bago kami pumunta dito.

And then sa may right, may nakataling duyan.

“Welcome to our own little private place” He said.

Binaba niya na ko pero di niya hinayaang lumayo ako sa kanya.

He back-hugged me.

“H-how…?” Yun lang yung nasabi ko dahil sobrang breathless pa rin ako.

“Bata pa lang ako, paikot-ikot na ko dito. Pero nung naging kayo ni Jerome, mas napadalas na ko dito. Hanggang sa nakarating ko itong lugar na ito. Araw-araw kong binalikan para matandaan ko paano papunta”

I pulled away lightly para makaharap ako sa kanya.

“This is amazing”

“You think so? Sorry ah, di ako masyadong maeffort. Hindi ako katulad nung iba na---”

I shut him up by hugging him tightly.

“Hindi pa ba effort ito? Ha? Sobra-sobra nga eh!”

He hugged me back. “Ito yung inaasikaso ko kaninang umaga kaya ko kinancel yung lunch date natin hehe”

Bigla akong naguilty.

I went to see Derrick and have fun with him just because my boyfriend cancelled our date.

May hindi ko man lang naisip na kaya niya ginawa yun ay dahil din may magandang reason talaga siya.

“I’m sorry”

“Ha? Bakit? Di mo nagustuhan---”

“No. I felt like I cheated on you kahit na wala naman kaming ginawang masama ni Derrick. I shouldn’t have went to see him dahil galit ako sayo. I’m sorry muffin”

He caressed my face. “It’s okay. Napagusapan na rin naman natin yan diba? We both made mistake and I trust you naman. I know you wouldn’t choose him over me”

“Of course I won’t”

“Quit drama na?” Pagbibiro niya kaya natawa ako ng kaunti.

“Quit drama” I agreed.

He held my hand at umupo na kami dun sa may blanket.

Tapos excited siyang binuksan yung picnic basket.

Ang dami niyang dalang pagkain.

May cookies, may chips, fruits, chicken wings at bread!

At di mawawala lang..

“CUPCAKES!”

“Munfin nga kasi diba, remember?” Sabi niya.

Tumango na lang ako at tinikman na yung cupcakes.

“hmmm Heaven!” I moaned. SARAP GRABE!

“Pahinge”

Inabot ko yung cupcake at kumagat naman siya. “Sarap nga” sabi niya habang nanguya. Hahaha.

Kumain lang kami ng kumain.

Inubos naming yung hinanda niyang merienda namin.

^_^

Nung nabusog na kami, parehas kaming humiga sa picnic blanket.

Ako, ginawa kong unan ng ulo ko yung tiyan niya. Haha

Hindi na ma-araw tapos mahangin pa kaya ang sarap lang magpahinga ng nakaganito.

We stayed quiet for minutes…nakatitig lang sa langit.

“Munchkin…” Bigla niyang sinabi.

“Hmmm?”

“Kung magpapakasal tayo, san mo gusto?”

“Sa simbahan, malamang”

“Walang particular place?”

“Kahit saan basta ikaw pakakasalan ko”

Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya.

“Bakit?” Tanong ko.

“Wala lang, iniimagine ko yung araw na maglalakad ka na tapos may belo ka sa mukha…”

Napangiti ako ng sobra dun.

Yung future talaga namin, iniisip niya na ngayon pa lang.

Ganun siya kaseryoso sakin.

“May tanong pa ko” sabi niya.

“Ano yun?”

“Kada nagaaway tayo, napapansin ko lang, umiiyak ka”

“Di naman tanong yun”

Di siya nagsalita kaya natawa ako.

I guess he’s still waiting for me to say something about that.

“Way ko lang naman yun para mailabas yung galit ko muffin. Pag nasaktan kasi talaga ako, naiiyak ako”

“Pero nung binubully ka dati, di ka naman iyakin ah”

“I guess napagod na yung puso kong magpanggap na matapang talaga ako”

Nanahimik ulit siya bago siya nagsalita ulit.

“Mahal mo ko?”

“Oo”

“Gaano ka-mahal?”

“Sobra-sobra”

“Gaano ka-sobra?”

Umupo ako para tignan siya.

Ngumiti naman siya.

“Sobra sobra. Mas mahal nga kita kesa sa sarili ko” Sagot ko.

Tinitigan niya ko tapos umupo din siya.

“Ako rin. Sobrang mahal kita. Sobra pa sa buhay ko”

“Di ka ba natatakot?” Tanong ko.

“Bakit naman ako matatakot?”

“Kasi sobrang mahal natin ang isa’t-isa. Na iniisip ko pa lang na mapalayo ka sakin, di ko na kinakaya”

“Ibig sabihin lang niyan, totoo yung nararamdaman natin sa isa’t-isa”

I leaned into him and kissed him lightly.

“I love you”

“I love you too” Sagot niya.

Tumayo ako bigla at ngumiti sa kanya.

“Dun tayo sa duyan”

He nodded kaya hinila ko agad yung kamay niya papunta dun sa duyan.

Natawa ako nung nauna siya tapos pinasunod niya ko.

Bale, nakahiga ako sa kanya, yung ulo ko nasa chest niya.

Cuddling moment…

 ^_^

“Malapit na pasukan…” I mumbled.

“Oo nga, mawawalan ka na ng time sakin”

“Ako daw? Sino kaya satin ang sobrang busy, bakasyon pa lang”

He chuckled. “Okay, my bad. But hey, wala nang tuturuan ang tropa pag nagstart na ang classes”

“Magiging busy naman ikaw sa studies mo”

“And so are you” He said.

“Basta ipromise natin sa isa’t-isa na kahit once a week, magkakaroon tayo ng time sa isa’t-isa. Okay?”

“Of course munchkin. Dapat lagi tayong magtetext sa isa’t-isa”

“Tama. Para di mawalan ng communication”

“At di magsawa”

I frowned. “Nagsasawa ka sa isang relasyon? Pagsasawaan mo ko?”

“Hindi ako, baka ikaw. Natatakot ako na kapag nawalan ako ng time sayo, magsawa ka sakin”

“I don’t think na magsasawa ako sa relationship natin. Iba ito eh. Iba ka”

“Ano ako? Alien?”

“Lol Gino! Whatever!”

“Hahaha basta gawin natin lahat para forever na yung relationship natin ah”

Bakit ba napagka-sweet sweet nitong lalakeng ito?

Hindi sa madrama at macheesy pero for a guy na dating badboy?

Nakakatuwa na sineseryoso niya talaga ako.

“Don’t ever leave me”

“I won’t”

“Don’t ever stop loving me”

He stared at my eyes, long enough to take my breath away.

“I will always love you Mikay. Always”

“Promise?”

“Cross my heart”

“Paano mo iko-cross yung heart mo?” Pabirong sabi ko.

“Hahaha oo nga naman. Ito na lang”

He told me to get up kaya ginawa ko naman.

Tumayo siya tapos tumakbo pabalik dun sa picnic basket.

Umupo muna ako dun sa duyan habang hinihintay siya.

Napansin kong may kinuha siya tapos tumakbo na ulit siya pabalik dito.

Hinawakan niya kamay ko at hinila ako papunta dun sa isang malaking puno.

“Alam mo yung sa mga movies? Yung kapag inukit niyo yung pangalan niyo ng mahal mo, forever na kayo? Naniniwala ako dun”

Tapos nagstart siyang ukitin yung name namin.

Mikay and Gino

Forever

Nasa loob yun ng heart shape.

Tinititigan ko lang siya habang ginagawa niya yun.

How can I fall out of love with this guy?

Sobrang swerte ko nga at napunta siya sakin.

 Na minahal niya rin ako.

Hindi lahat ng tao, minamahal ng taong mahal nila.

---------------------------------------------------

Totoo naman diba? Hayyyyy. 

Kayo na sweet. KAYO NA! Hahaha

nabibitter ako, naiinggit ako! Uweee joke.

Anyway, sa mga taga-PAMPANGA at SUBIC, sana po makapunta kayo sa #SITM Booksigning and meet-and-greet with me this August 2 (SM Clark) and Aug. 3 (Harbor Point) KITAKITS!

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 27.7K 16
She was a princess turned nobody. They were the men that every girl wanted to be their prince. They did not plan it but their paths crossed, and so a...
3M 67.4K 58
Tucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl fro...
277K 9.3K 8
Am I Wrong (The Knightless Princess Book 2) By SexyKisser
2.3K 148 42
Sa pagkakataong naghiwalay na ang pusong dating magkatugma, may pag-asa pa kayang muli itong magkita? Ang pagkakamali ay isang bagay na hindi kailanm...