On the Seventh Day of May [Se...

By Red_Raselom

103K 1.8K 91

[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite... More

On the Seventh Day of May
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Epilogue
Make Her Fall in Seven Weeks

Chapter Two

7.1K 119 2
By Red_Raselom

Kenneth Cristobal


Hanggang kinabukasan ay hindi pa rin makalimutan ni Ruby ang nangyari. Tuloy, para siyang ninja habang pababa ng hagdan, checking whether Kenneth or the de Jesus twins were around.

Nabatukan tuloy siya ni Josel na kasabay din niyang bumaba. Kasama rin nila si Michelle na tatawa-tawa naman at nasa kabilang side niya.

"Aray!" reklamo niya. "Brain cells ko! Binawasan mo na naman ng fifty-two!"

"Para ka kasing t**** d'yan, duh." Napaikot pa ito ng mga mata.

Samantalang, hindi na napigilan ni Michelle na mag-comment. "Kalma lang, Ruby, okay? Kung iniisip mo 'yung nangyari kahapon, huwag mo nang isipin iyon."

Pasasalamatan na sana niya ito sa pag-comfort kung hindi lang nito dinagdagan ng, "Kumalat na iyon at naging scandal nang wala sa oras kaya kung ako sa iyo ay chill ka na lang. Walk with confidence and ignore the haters and just say, 'B**** please, I'm fabulous!'," sabay ngisi.

At ito namang si Josel, humirit din. "Right ka d'yan, friend. Kung ako sa iyo, gayahin mo na lang si Chito Miranda na walang pake sa mga hater niya noong kumalat ang scandal niya."

"TSE!" Padabog siyang naglakad pababa. "Nakakairita kayo, ay! Pwede bang huwag na nga ninyong ulitin ang tungkol doon. Nakakaloka kayo, promise."

Sabay namang natawa sina Michelle at Josel.

"Eh, kasi naman, para kang aning," sabi ni Michelle. "'Di ba, sabi naman sa iyo ni Kenneth, sorry daw saka wala lang sa kanya 'yung nangyari. Hindi niya bibigyan ng malisya?"

Kaya ko nga siya iniiwasan, eh! Kasi, para bang wala lang sa kanya 'yung na-kiss niya ako nang wala sa oras! Gusto sana niyang isumbat kaso pinili niyang huwag na lang at pumasok na lamang sa canteen para um-order ng almusal.

She was overacting? Maybe, pero wala namang makakasisi sa kanya. After all, kahit ba medyo alembong rin siya kung tutuusin, naniniwala siyang ang first kiss ay parang virginity lang – binibigay lang sa taong handa mo at handa kang mahalin habambuhay. Iyon kasi ang laging pangaral sa kanya ng kanyang yumaong na Lola Cion.

Anyway, may pancake sa canteen nang araw na iyon. Dahil first time iyon, nakaramdam siya ng excitement. Iyon nga lang, agad ding napatungan ng disappointment nang malamang dalawang piraso lang pala kada order.

Fifty pesos na ba ito? Napaikot siya ng mga mata. Hay naku. Kaya ayokong prepaid 'yung meal, eh. Kasama kasi sa bill ng dorm ang pagkain nila. Bale, 150 pesos per day iyon, excluding the snacks, kaya umaabot ng P 3,000 kada buwan. Mahal iyon at kaya nga siya nagrereklamo.

As usual, pinili nilang pumwesto sa harap ng TV.

"Ano ba iyan? Hindi naman masarap 'yung syrup, eh," muli na naman niyang reklamo nang tikman ang pancake. Strawberry ang flavor na nilagay. She likes strawberry, though, hindi lang talaga masarap 'yung nabiling syrup ng canteen.

"Sabi ko sa 'yo, eh. Kaya nga hindi ko pinalagyan 'yung akin, eh." Tuwang-tuwa pa si Michelle. Halatang enjoy ito sa pagkain.

Samantalang, wala namang comment si Josel dahil HamSiLog ang in-order nito. Hindi talaga ito mahilig sa pancake saka mas sanay itong heavy ang almusal habang light naman dinner. Healthy eating habit daw, ika.

Biglang may nagtulak sa screen door at pumasok doon si Kenneth kasunod ang kambal. Immediately, Ruby's heart... pulsated.

Ha? She thought her reaction was weird. It felt like she was glad that Kenneth was finally there, and she was excited to talk to him. It was odd dahil iniiwasan nga niya ito.

Gusto niyang umalis but before she even realized it, Kenneth had already taken the seat beside her. Ang bilis naman!

"Morning, Ruby," bati nito sa kanya habang kinukusot ang mata. "Kumusta tulog?"

"Nang-aasar ka ba o what?" inis niyang turan.

"Ha?" nagtataka nitong tanong. Then, immediately, he was enlightened. "Ay, puta. Hindi kita inaasar, Ruby. Kinakamusta lang kita."

Her eyes squinted.

"Promise!" Tinaas nito ang kanang kamay. "Kung iniisip mong akala ko, napanaginipan mo 'yung nahalikan—"

"TSE!" malakas niyang sigaw. Her voice echoed inside the canteen. Good thing, silang anim lang ang naroon, bukod pa sa mga canteen personnel. Otherwise, paniguradong pinagtinginan na sila.

Napakamot ng ulo si Kenneth. "Ruby naman. Pwedeng kalimutan na lang natin ang tungkol doon? Hindi naman natin sinasadya, eh."

"Oo nga naman, Ruby," singit ni MJ na umupo sa harap ni Michelle. Samantalang, nasa tabi naman ni Josel ang kakambal nito. "Ang OA mo na."

"Oo nga!" the remaining three said in chorus.

"See? Kahit sila ay agree," Kenneth said once again.

Her face turned red. "Tse! Oo na po!" Tumayo siya saka kinuha ang plato.

Kenneth stopped her. "Uy, saan ka pupunta?" He was looking on her plate.

"Tapos na ako kumain."

"Ha? Ni hindi mo pa nga halos nagagalaw 'yung pagkain mo, ay. Hindi pwede iyan." Hinila siya nito at pinaupo ulit. "Ubusin mo iyan. Dapat laging kumakain ng breakfast lalo ka na. Bugbugan pa naman ang sched mo lagi."

Totoo iyon. Katunayan, tuwing Wednesday nga ay tuluy-tuloy na 8 a.m. to 5 p.m. ang klase niya at wala iyong break. Puro kasi siya laboratory class.

"Hindi masarap, eh. Wala akong ganang kumain. Tikman mo kaya! Kadiri 'yung syrup."

Napakamot ng ulo si Kenneth. Tapos, bumuntong hininga. "Sige, palit na lang tayo. Tutal, wala namang syrup 'yung akin saka hindi ko pa nagagalaw iyan." Pinagpalit nito ang plato nila.

"Yiie, sweet!" hirit ni Josel. "Meant to be talaga kayo."

Pinandilatan niya ito. "Josel, shut up."

Natahimik naman ito. "Opo, madam." Pinagpatuloy nito ang pagkain.

Muli siyang hinarap ni Kenneth. Pansin niyang kakaiba ang ngiti nito. "Kain ka na, Ruby. Nagpalit na tayo. Wala ka nang reason para tumanggi, ha?" Sinimulan na nitong kainin ang pancake.

Ilang ulit siyang napakurap. 'Yung nagbago ang ugali ni Kenneth, sigurado siya roon. His new personality actually reminded her of something... or maybe, someone? Ewan. Basta, may naaalala talaga siya sa bagong Kenneth.

Napakamot siya ng ulo. Imagination ko lang siguro ito.

TAPOS nang kumain ang barkada at paakyat na sila noon sa second floor para bumalik sa kani-kanilang mga kwarto.

Tinabihan ni Kenneth si Ruby saka siniko. "Uy."

"What?" medyo iritadong sambit ni Ruby.

Ilang ulit siyang napakurap. "Galit ka pa rin ba du'n sa kahapon?"

"Tingin mo?"

Bumuntong hininga siya. "Ruby naman. Sorry na." He sounded like a lost puppy and it was unintentional. Kusa lang naging ganoon ang tono niya dahil hindi niya gustong magalit si Ruby sa kanya. "Hindi ko naman sinasadya iyon. Gugulatin sana kita dapat kung hindi ka lang biglang humarap—"

"So kasalanan ko pa, ganoon?" Inirapan siya ni Ruby saka naglakad nang mabilis at tinabihan si Michelle.

Muli siyang bumuntong hininga. May PMS na naman siguro si Ruby kaya mainit ang ulo.

Natigilan na lamang siya nang mapansin ang short ni Ruby. Tang ina! 'Buti pala itim ang suot niya. Binilisan niya ang lakad sabay niyakap ito patalikod.

"Ano ba—"

Tinakpan niya ang bibig nito. "Shh. Huwag kang maingay." Inilapit niya ang bibig sa tenga nito sabay bulong nang, "May back leak ka."

Ito naman ngayon ang natigilan. Pagkatapos, hinawakan niya ang likuran ng short nito saka napalunok.

"Kiyaah!" biglang irit nito sabay tumakbo paakyat hanggang makapasok ito sa girl's dormitory na nasa east wing ng building.

"An'yare kay Sapphire?" nagtatakang tanong ni Josel. Ugaling-ugali ni Josel na bigyan ng pet name ang mga kaibigan nito at Sapphire ang napili nitong pangalan para kay Ruby dahil mahilig daw ito sa kulay blue, hence sapphire dahil iyon ang una nitong naisip na birthstone na kulay asul.

Samantalang, mukhang naintindihan naman ka agad ni Michelle kung bakit ganoon ang reaksyon ng kaibigan. "Sabi na, eh. Kanina ko pa napapansing mainit ang ulo niya. PMS na naman." Umiling-iling ito. Dahil sa sobrang close nito sa kaibigan, halos kabisado na nito ang cycle nito.

"May tampon kaya iyon?" tanong naman niyon.

"Ano? T****?" hirit ni RJ.

Binatukan tuloy ito ni MJ. "Gago! Huwag mo ngang ipangalandakan dito ang kali***an mo. Alam nang may babae, eh."

At tinadyakan naman ito ni Josel. Napa-"aray!" tuloy ito. "Isa ka pa! 'Yang bunganga mong napakabastos, kailangan na talagang spray-an ng anti-septic para luminis!"

At tuluyan nang nag-away ang tatlo kaya nagkatinginan na lamang sila ni Michelle at nagdesisyong iwan na ang mga ito.

Nang makarating sila sa second floor, saglit silang nag-usap.

"Kumusta na kayo ni Dylan?" tanong niya sa kaibigan. "Stable na ba ang relasyon n'yo?"

Nagkibit-balikat si Michelle. "Sa totoo lang, kahit ako, hindi ko alam kung kami ba talaga. I mean, you see, bago siya umalis ng bansa, naging kami for one day tapos break agad."

Tumangu-tango siya. "Pero mahal n'yo pa rin ang isa't isa?"

"Yah, kaso ayaw ko kasi ng long distance relationship, eh. I guess ganoon din siya. Kaya, iyon, usapan namin, pagbalik niya dito sa Pinas, pag-usapan naming dalawa at i-check kung pwede pa kami sa isa't isa."

Michelle sounded so melancholic, he can feel it. Maging siya tuloy ay hindi naiwasang ma-frustrate sa nangyari.

The more you hate, the more you love, ganoon ang kunsepto ng kwento ng dalawa. Dylan was a transferee student from FEU. Bale, una itong nakatagpo ni Michelle sa acquaintance party noong nakaraang semester. Doon ito na-"crush at first sight" dahil gwapo ang binata at sobrang lakas ng dating.

Iyon nga lang, laking disappointment ng dalaga nang hindi ito nakilala ni Dylan. Matindi pa, nasabihan itong parang bakla dahil flat-chested. Kinumpara pa nga sa wash board sabay tinawanan nang sobra. Tuloy, ang init ng dugo ni Michelle dito.

That annoyance soon turned to intimacy once again. However, it was too late when they realized it dahil magma-migrate si Dylan sa Italy upang makasama ang mama nito. Iyon, isang araw lang naging sila.

Mahina niyang tinapik ang balikat ng kaibigan. "Don't worry, Mich, panigurado namang magwo-work ang relasyon n'yong dalawa. Maniwala ka lang, Michelle."

She smiled faintly. "Yah, sana nga." Bumuntong hininga ito saka muling ngumiti. This time, matamis na iyon. "Saka mas mainam na huwag akong mag-isip ng negative tungkol sa amin ni Dylan. Aba, hindi ko naman talaga dapat pina-prioritize ang love life! Hello, kaya nga ako nandito sa Letran na pagkamahal-mahal ng tuition – kailangan at gusto kong matuto for the sake of my future career."

Napangiti siya. Ito ang gusto niya sa kaibigan. Positive thinker at responsableng estudyante rin. Hindi na siya magtataka kung maipasa nito ang CPA board exam sa unang subok pa lang at makahanap din ka agad ng trabaho pagka-graduate.

Nagpaalam na sila sa isa't isa saka siya nagdesisyong bumalik sa kwarto nila ng kambal.

"Ang tagal naman ng dalawang iyon. Hindi na natapos?" bulong niya sa sarili saka binuksan ang kwarto nila.

Pang-apatan ang kwarto nila; bakante nga lang ang isa. Iyon kasi ang dating kama ni Dylan.

"Nakaka-miss din si Dylan, ha? Wala na kasing manlilibre sa akin ng meryenda, ay." Tumawa siya. Galante kasi ang kaibigan niyang iyon.

He remembered Michelle's melancholy kaya napawi ulit ang ngiti niya. He felt sorry for the two. Humiling tuloy siya na sana ay magkatuluyan pa rin ang dalawa sa huli.

"Panigurado namang babalikan ni Dylan si Michelle. Naniniwala akong sila pa rin hanggang huli."

Lumapit siya sa study table niya at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa upuan nang mapansin niya ang stand-up desk calendar na nakapatong sa mesa.

Kinuha niya iyon saka tiningnan ang buwan ng Mayo. Magkasama ang May at June sa isang page.

"May 7. Sigurado ako, iyon ang date." Bumuntong hininga siya. "Magkaroon din kaya kami ng sariling kwento ni Ruby?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
8.4K 392 56
(COMPLETED✔ SEASONS 1-3) Alexa Barbara Buraot isang babaeng panget na may crush sa isa sa dalawang magkapatid na sina Cleo at Geo. Pero biglang mag b...
6.6K 483 33
DEJA VU AU where in, Josh never thought na after ang aksidente, makikilala niya si Hashtin(Justin). He promised me. Nangako siya na hindi niya ako ii...
262K 1.4K 6
"4 years . 4 years na kitang pinagmamasdan sa malayo.. 4 years ko nang pinapangarap na sana ako naman ang tingnan mo, na ako naman ang ngitian mo. Ta...