Fools in Love [COMPLETED]

By mysehuniverse

316K 13.9K 3K

Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin... More

P R O L O G U E
Mr. Geeky
BASTED
First Score
Plans
Avoiding Audrey
NEW LOOK
Misunderstandings
Do I Make You Nervous?
Besties
Like a Date?
Flirting Lessons
Doubts
Confrontations
Romeo and Juliet
Friends?
Change
Loving Boyfriend or Loyal Friend?
Key and Chace
STORM
Prism vs. STORM ; First round
Confusion
The Conclusion
Cinderella and the Evil Stepsisters
Damn it Chace
Curse the Hiccups
Admit It
Beach
Scared
Fireflies and A Sunrise
True or Not?
I'm Jealous
Bonfire
Mistakes
Torn
Sorry
Past is Past
I Wish
Key Puso Mo
I Can't Ask Her
Hopeless Romantic
Hulog
Get Well Soon
Selos Ka?
Wala Na
Heart
Too Late
My Hero
Till We Meet Again
Waiting
E P I L O G U E
AUTHOR'S NOTE + PLAYLIST

Why Now?!

5.4K 235 29
By mysehuniverse

Key's POV

Medyo lutang pa rin ako habang naiwan akong nakahiga sa kama ko. Grabe lang! Talaga bang nangyari yung kanina?! Muntik ko ng mahalikan si Hero! Sa totoo lang napagpantasyahan ko na rin na mangyayari yun eventually pero di ko aakalain na siya talaga ang magi-initiate. Pero di talaga natuloy eh, of all times kailangan niyang magka-hiccups sa time talagang iyon. Hmph!

Sayang lang, pero buti na rin di natuloy... kinda. Kung natuloy yun who knows what could happen next? Argh... kung anu-anong 'what if' situations ang pumapasok sa isip ko pero move-on na Key! Tapos na yun, di nga natuloy di ba?!

Asar with a dash of sayang naman.

Nanatili lang akong nakahiga sa kama ko ng makarinig ako ng katok sa pintuan. "Hope anak? Ayos lang ba na pumasok kami?" boses yun ni daddy ah. Not this again.

"Opo" sagot ko at pumasok na nga sila pagkatapos nun. Mukhang nag-aalala na naman sila at may dala rin silang pagkain para sa akin.

"Bakit po nagdala pa kayo ng pagkain? Pwede naman po akong bumaba eh" sabi ko sa kanila. Pero ngumiti lang sila sa akin saka umiling.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni mommy. I hate this feeling, ayoko ng may nag-aalala ng ganito sa akin. Hero and Chace worrying is stressful enough, paano pa kaya kapag parents mo na yung nag-aalala?

"Wala po, konting hilo lang like the usual. Sorry po kung nag-alala kayo" sabi ko sa kanila. I smiled to give them assurance but based on their expressions it wasn't enough.

Hinawakan ni daddy yung kamay ko saka niya ako tiningnan ng matagal. "Anak, dapat siguro magpa-check up ka na ulit. Sasamahan ka namin ng mommy mo" sabi niya.

"Daddy I'm fine. Result of fatigue lang po ito" pagmamatigas ko pa.

"Hope, makinig ka sa amin ng daddy mo" I flinched when I heard mom's voice. Matagal tagal ko ng di nakita etong serious side ni mommy, can't say it's good though.

"Di ka ba nagtataka na napapadalas na yang pagkahilo at chest pains mo? Nag-aalala lang ako kasi baka bumalik yun"

I sighed. "Okay po. Pero trust me, okay lang po ako" sabi ko sa kanila. Tumango naman sila, niyakap ako ni bigla ni mommy.

"Kumain ka ha, wag mo lang magawang mag-skip ng meals. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang kami. We'll be downstairs" sabi ni mommy bago sila lumabas sa kwarto ko.

Umupo na lang ako sa kama ko saka ako nagsimulang kumain. Gutom rin lang ako, might as well eat.

Habang kumakain ako, naisip ko lang na ang swerte ko rin pala. Mayroon akong mga kaibigan at mga magulang na palagi na lang nandyan at iniisip ako. Dati, ayaw na ayaw kong nandito sa bahay. Ayoko dito kasi I never felt loved and needed.

Busy sa work si daddy, pati rin si mommy. Tahimik ako dati, introverted ako at di ako marunong makitungo sa iba. Madalas rin akong ma-bully sa school. Pero kapag tatanungin ako nila mommy kung kamusta ang school, sasabihin ko laging okay lang ako at masaya ako kasama ang marami kong kaibigan. Which is really ironic since wala nga akong mga kaibigan.

I entered high school and things got worse, lalo lang akong naging mahiyain. Ayokong nakikipag-usap kahit kanino at dahil nga wala akong ginawa kundi ang mag-aral dun na nga ako na label as a nerd. Pero kapag nasa bahay, sinasabi ko pa rin kay mommy na masaya sa school.

I was contented with everything until one day my mom came to school to check on me. She wasn't happy with what she saw, at dahil nga galit na galit siya nagawa niyang ipahiya ako sa harap ng buong student body.

Since then nawala na yung dating bond na meron ako at yung parents ko. Mom was always mad at me and dad never stood up for me. Although at the same time I got a chance to press the reset button on my life, it was all thanks to Audrey and the others. Akala ko mas okay akong ganun na lang, being with Prism was really fun. Habang kasama ko sila, noon ko rin nakita si Hero at like any typical story I immediately liked him.

Then Chace transferred and all my bad memories came haunting me, kaya nagawa ko siyang ma-bully ng ganun. Eventually, things took a turn on their own and I ended up in this situation.

Right now I'm close with my parents once again, nagsimula yun ng dahil kay Hero. Next thing I know, my mom was hugging me tightly and apologizing for everything she did, same with dad. Masaya lang ako ngayon, lalo na nung sinabi ni mommy na willing daw siya na i-decline yung client niyang sina Mr. and Mrs. Carlos a.k.a Audrey's BIG TIME parents para sa akin.

Akala ko back then kay Audrey siya kakampi, pero then again... hindi yun mangyayari kung hindi dahil kay Hero.

Pagkatapos kong kumain ay binaba ko yung pinagkainan ko, bumalik ako kaagad sa kwarto ko. Binuksan ko yung TV at nanuod na lang ako. Busy akong nanunuod ng biglang umilaw yung cellphone ko.

Herobabes <3 calling...

Natawa ako sa sarili ko sa nakita ko. First time lang akong tinawagan ni Hero, usually hanggang text lang kami at madalang pa yun. By the way, I should change his contact name soon. Baka makita pa niya eto at kung ano pa ang sabihin niya sa akin.

"Bakit ka tumawag?" tanong ko sa kanya pagkasagot ko nung call.

"Wala lang, bored ako dito sa amin eh. Ano ginagawa mo?" tanong naman niya. Is this real? Talagang tinatawagan ako ni Hero?

"Nothing much. Nanunuod lang ng TV, ikaw ba?" tanong ko naman sa kanya. What's with this awkward atmosphere?

"Same" matipid na sagot niya. "Kumain ka na?" natawa naman ako ng mahina dahil sa tanong niya. "Bakit ka naman tumawa?" tanong niya.

"Wala lang, ang awkward lang kasi. Di ba ganitong usapan ang meron ang dalawang tao kapag first time lang na nagkausap? Parang di tayo magkasama kanina eh. And yes, kumain na pala ako" gosh Key, parang lalo mo lang pinapa-awkward ang usapan!

"Ganun ba?" narinig ko yung tawa niya. "Sorry kung ganun yung pakiramdam mo. Next time sasabihan kita kapag tatawag ako. I wish I'm with you right now" bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko sa narinig ko.

"Loko, kanina lang nandito ka eh" sabi ko naman sa kanya.

"Alam ko, sana lang talaga nayayakap kita ngayon" dagdag pa niya. Napapikit naman ako ng dahil sa kilig. Shete, isang Hero Torres lang ang nakakapagpakilig sa akin ng ganito! Baka atakihin ako sa puso at ikamatay ko pa!

"Itulog mo na lang yan Hero" yun na lang ang kinaya kong sabihin.

"Grabe, hindi pa naman nagtatagal ang usapan natin tapos papatulugin mo na ako" sagot naman niya. Nako! Nakakabaliw talaga itong side ni Hero na eto!

"I repeat Hero, matulog ka na"

"Basta ba sa tabi mo"

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Kapag nakita ko talaga si Hero talagang sisipain ko siya! Wala akong paki kung gaano siyang ka-gwapo basta sisipain ko talaga siya! "Ay nako, ano ba nangyayari sayo Hero?"

"Adik lang sayo" I can tell na nakangiti ang mokong na eto ngayon.

"BADUY KA HERO! Good night!" narinig ko muna yung tawa niya bago ko pinutol yung call.

Inaamin kong gusto ko ang takbo ng usapan namin pero di ko talaga kayang i-handle ang ganung usapan. It was getting too cheesy that it was starting to feel weird.

Pero di ko maipagkakaila, sa tuwing maalala ko yung mga kabaduyan na sinasabi ni Hero ay napapangiti ako.

The next day, weekend na kaya sinamahan nga ako nila mommy na magpa-check up sa doktor. When was the last time I had a check-up with this doctor? Naiwan sa waiting area sila mommy at daddy habang nagpa-check up na nga ako.

Nung natapos na ay pinatawag na yung parents ko dahil kakausapin na sila ni doc. Nagtaka na lang ako ng pinalabas muna nila ako nung nag-usap sila, pwede namang sabihin ng kasama ako di ba? I'm old enough for that right?

I was calm and relaxed in the waiting area until I saw my mom and dad walking soullessly outside of the room. Tumayo ako kaagad para salubungin sila.

"Ano po nangyari? Di ba sabi ko okay lang ako di ba?" I know it's stupid but I had to act cheerful in front of them. Di ko alam kung ano man ang nangyaring usapan pero as anxious as I am I had to pretend that I'm not even a tad worried.

Pinaupo ako nila ulit, tumabi si mommy sa akin tapos lumuhod naman sa harapan ko si daddy. I can't bring myself to look them in the eyes, if I did I might start crying... like they are right now.

"Hope anak, may kailangan kaming sabihin ah. Pero isipin mo lang na kahit ano man ang mangyari ay di ka namin pababayaan" sabi ni mommy. Alam kong pampalubag loob yun pero bakit parang lalo lang akong natakot sa kung ano man ang sunod nilang sasabihin?

"Naalala mo yung sakit mo dati?" tanong ni daddy.

Oh no... please don't be it.

Huminga ako ng malalim "Tungkol po ba eto sa heart defect ko dati?" tanong ko sa kanila, a part of me hoped that I was wrong. Nabasag ang lahat ng yun ng nakita kong tumango sila. "Di po ba wala na yun? Di ba magaling na po ako nung five years old pa lang ako? Dapat okay na ako di ba?" tanong ko sa kanila.

"I know. Dapat rin magaling ka na, pero hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganito" sabi ni mommy. Parang di pa rin ako handang maniwala sa kanila, hindi pwede. Mali lang sila di ba?

"Pero bakit? May proper exercise naman ako, healthy naman ako. Parang kailan lang naman nagbalik yung chest pains ko. Bakit ganto kaagad?" tanong ko pa.

Niyakap lang nila ako parehas. Umiiyak si mommy tapos tahimik lang si daddy. "Sana ako na lang ang nagkaganito. Sorry at kailangan mo pang maranasan ito" sabi ni mommy.

"Bakit naman bumalik?" di ko maiwasang tanungin. It's impossible, I had proper medication and I was in perfectly good health all these years.

"Hindi ka daw fully healed pa dati, dapat never nating hininto yung pagdala sayo sa doktor. Ang nag-trigger daw talaga ay mostly emotional stress" bakit ganito? Isn't all of this way too much for me?

"Sorry anak, We're sorry" hinigpitan lang ni mommy yung yakap niya sa akin. "Naging pabaya kami, kasalanan namin ito. Sorry nak" even dad is crying now.

I just kept silent and waited for them to release their hug. Nung medyo natahan na sila, ngumiti lang ako. "I'll be okay, kung na cure siya the first I had it then it could still be cured right?" I'm not fully believing my words but I meant them anyway, not for me... but for them. They need it.

The week passed by quickly. Di ko lang alam, ever since na nalaman kong nagbalik yung sakit ko, naisip kong di dapat ako masyadong maging attached kila Hero at Chace. I haven't told them and I'm not planning to... at the moment. Hahanap lang ako ng tamang time.

"Parang masyado ka yatang tahimik, may problema ba Key?" tanong sa akin ni Hero. He's been asking me this question everyday but I've always had the same response for him.

"Wala, okay lang ako no" lagi kong isasagot na may kasamang matamis na ngiti.

"Nga pala, field trip na natin next week. Sasama ba kayo?" tanong ni Chace.

Oh right. Field trip na nga pala, gustuhin ko mang sumama mas mabuti siguro kung wag na akong mag-expect. Base sa condition ko ngayon, hindi ako papayagan nila mommy. After all, I'll be alone and sa time na yun di rin nila masasabi kung ano ang pwedeng mangyari sa akin.

"Probably, kung sasama si Key" sagot naman ni Hero sabay tingin sa akin. I feel bad for keeping things from him, ako na nga lang ang lagi niyang inaalala at palagi siyang nagpapakita ng concern and sincerity sa akin, if only it's easy to tell him.

Pero hindi ko naman kailangan pang sabihin sa kanya di ba? I'll be cured in no time, the medication will work. I just know it.

"Paano pag di ako makakasama? Di ka rin sasama?" tanong ko naman sa kanya. Ngumiti lang si Hero saka niya ginulo yung buhok ko.

"Hindi, eh di ikaw na lang ang sasamahan ko." Damn it, here he goes again! Di pa ba ako nasanay? Ang tagal ko ng ka-close si Hero pero hanggang ngayon nararanasan ko pa rin yung Hero Fever na yan.

"Hay nako, oras na ba para iwanan ko kayo?" tanong naman bigla ni Chace. He's wearing that boyish half-smile of his. "Baka nakakalimutan niyo NA NAMAN yung existence ko" biro pa niya.

Natawa naman kami ni Hero, napapadalas yung mga ganyang type of comments ni Chace. Pero nakakatuwa naman nonetheless. "Sorry naman" sabay naming sabi ni Hero.

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko rin na parang laging nakatingin sa amin sila Audrey. Pero hindi ko na lang pinansin, as long as na hindi nila kami napapahamak eh okay lang yun. Pero particularly, Audrey's usually keeping an eye on Chace. Di kaya na-realize niya na baka gusto niya si Chace? Hope not, malas lang ni Chace.

Nung time na para sa klase ay na-explain na nga ng teachers yung field trip namin. Three day trip daw to Zambales, lalo lang akong nawalan ng pag-asa na papayagan ako. "Key, sasama ka di ba?" kinalabit ako ni Chace.

"Hmm... sana" sagot ko.

"Sama ka ha, para masaya" he smiled.

Sapat na yung mga sinabi ni Chace na yun para ma-motivate akong magpaalam sa parents ko. Kaya pag-uwi ko, nagpaalam na ako kaagad sa kanila.

"Hope naman, sure ka ba na sasama ka pa?" tanong ni mommy.

"Opo, once a year lang naman po nangyayari ang field trips eh" sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila ni daddy at parehas na lang silang napahinga ng malalim.

"Papayag kami pero lagi kang magtetext sa amin ha" sabi ni mommy.

"At wag mong kakalimutan yung gamot mo, tapos ibigay mo rin sa amin ang number ng Hero na yan para makasigurado" sabi naman ni daddy.

"Po? Bakit niyo naman kailangan ang number ni Hero?" nagtataka kong tanong.

"Para siya ang matanong namin minsan, at para makasiguradong naka-behave mode yung batang yun" natawa na lang ako sa sinabi ni daddy.

"Daddy naman, kilala niyo naman na si Hero eh" sabi ko sa kanila.

"Kahit na, ang lalaki ay lalaki pa rin" dagdag pa ni mommy.

"Kapag talaga may narinig akong nangyari sa inyo, naku baka ma-castrate ng di oras si Hero ah." Dagdag pa ni daddy habang sinenyas niya na ibigay ko sa kanya yung cellphone ko para makuha nila yung number ni Hero.

I slapped my forehead, wala na rin lang akong choice. Sorry Hero, pero ang buhay mo ay nakasalalay na sa kamay ng daddy ko.


Continue Reading

You'll Also Like

52.7K 2.4K 50
Ang storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob...
2.3K 153 19
[PAPERINK MIDNIGHT SCREAM SERIES - COLLABORATION] BLURB Taong 2000, isang malawakang pagpatay ang naganap noon sa isang lugar na kung tawagin ay Bary...
The Savage Woman By soju

Mystery / Thriller

71.1K 2.1K 12
Babaguhin si TISAY ng isang pangyayari sa kanyang buhay. Handa na siyang pumatay para sa kanyang paghihiganting sagad sa buto! Pagbabayarin niya ang...
340K 26.5K 52
Synopsis #1: What will happen if a poor boy has been granted a full scholarship at the best University in the country where the most elite, richest...