Hello Loves!
Short update lang :">
Next update would be on Wednesday or Thursday! :)
5 chapters to go! :D Ending naaaaaa! :">
Happy Reading!
Much Love,
Raiiinn <3
_______________________________________________________________________
After nung mini surprise ko kay Warren eh naggather kami sa rooftop. Ako, si Warren, Maxene, at Joysee. Si Lyka naman at yung lalaking nakaduet niya eh naguusap dun sa may gilid.
"Joysee, Okay lang ba si Lyka?"
"Hindi ko nga alam eh. Mukhang nagulat siya dun sa lalaki."
"Hindi mo kilala?"
"Hindi eh pero sa tingin ko pumoporma yun kay Lyka. Halata naman"
"He's into her." sagot naman ni Maxene.
"Talaga?" tinignan ko si Lyka at mukhang di siya masaya na nakita niya yung lalaki. "Ikaw Warren ano sa tingin mo?"
"Let them be" sagot niya habang tinititigan yung cake na dala ko.
"Ang suplado. Birthday na birthday"
Lumingon ulit ako kela Lyka and this time papunta na siya sa amin tas yung lalaki naman eh dala na yung gitara niya at papaalis.
Nung nakaupo na siya eh tinanong ko agad siya.
"Sino yun ha? Ang gwapo ah. Bagay kayo!"
Ngumiti lang sa akin si Lyka "Si Russel. Kabanda ko yun"
Awkward ata kasi ang tipid ng sagot niya.
"Lyka, salamat nga pala dun sa kanta at sa tingin ko maganda yung collaboration niyo ng kasama mo. Hindi mo makakanta yun ng ganun kaganda kung hindi ka nagmahal ng ganun" Seryosong sabi ni Warren kay Lyka na kinagulat naman ni Lyka.
"Tama si Warren. You two make a cute pair" Dagdag pa ni Maxene.
"Tama na nga yan. Kumain na lang tayo, nahihiya na sa inyo si Lyka eh" sabat ni Joysee.
Biglang tumayo si Lyka.
"Mauna na ako. May aasikasuhin pa ako"
Hindi na siya naghintay pa at umalis na bigla.
Nung tinignan ko si Warren eh nakangiti na siya.
"Anong nangyari?"
"Wala" sumubo siya ng cake tapos tumayo "Tara na nga." Hinila niya ako patayo.
"Teka saan tayo pupunta?"
Hindi niya ako sinagot at humarap siya kay Maxene at kay Joysee.
"Salamat talaga. Kahit na sinakyan niyo ang kalokohan ni Ray."
"Kalokohan?" apila ko pero hindi na ako nakasagot kasi hinihila na niya ako.
Akalain mong hindi pa maayos ang lakad nito pero kung makahila.
"Warren, baka mabigla yang mga paa mo"
Hindi pa rin siya sumasagot.
Nung nakababa na kami ng tatlong hagdan eh bigla siyang lumingon sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Warren, bakit?"
"Keep in mind that I will always protect you"
Tinignan niya ako ng seryoso nun.
"Para saan yan? Diba dapat masaya tayo ngayon?"
"Sobrang saya ko"
"Eh bakit mo pa sinabi yun?"
"Ray, ngayon ko malalaman yung sa 2nd opinion ng check up sa akin"
Biglang may kumabog sa dibdib ko.
Ano to?
"No Worries" ngiti sa akin ni Warren.
"Pero kasi"
"Wag ka na magisip. Magiging maayos ang lahat."
"Pero paano pag-
"Sabay na lang natin alamin gusto mo?"
Hindi ko alam kung gusto ko nga na marinig yung sasabihin ng doktor. Masyado akong masaya ngayon para makaalam ng isang possibleng maging masama na balita.
At kagaya ng nararamdaman ko eh ganun din ang nararamdaman ni Warren. Birthday niya ngayon tapos ganito?
Binigla kong hinawakan yung mukha ni Warren.
"Ever, malay mo eto na yung regalo ni God sayo. Smile ka na. Tyaka may katabi ka namang angel diba?"
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"One thing is for sure. When allaround me fails, I know I have you"
Umakbay sa akin si Warren at sabay kaming dumeretso sa doctor niya.
Nung tinitignan yung resulta ng CT scan ni Warren eh parang mapipiga na yung kamay ni Warren sa sobrang hawak ko.
"No symptoms of early dimentia" sabi nung doctor.
"Talaga po doc?" tanong ni Warren.
"Oo, wala namang kakaiba sa fold ng brain mo"
Napasalita din ako bigla.
"Ibig sabihin doc, okay na si Warren?"
"Oo, no indication ng sakit sa utak niya"
Ater sabihin yun ng doctor eh parang nabingi na nga ako. Tama nga, eto ang regalo ni God kay Warren.
A new beginning.
Not only for him.
But for the both of us.
____________________________________________________________________________
Dahil isang linggo din nawala si Warren sa school eh mas minabuti naming magstay dito sa kwarto niya at ayusin ang mga bagay na pinapagawa ng mga prof niya.
Sa totoo lang busy siya ngayon at ako naman tong walang ginagawa. At dahil normal naman akong girlfriend eh nagseselos ako kasi mga ilang oras na siyang nakaharap sa laptop niya. Kung hindi naman eh sa mga papers niya. Sana pala hindi na ako pumunta dito.
Nagtatype si Warren nun nung yumakap ako sa likod niya.
"Break ka naman muna. kanina ka pa diyan"
"Wait lang malapit na matapos"
Napapout ako kasi wala paring effect. Kanina pa talaga ako nagpapapansin. kumanta na ako, nanuod ng tv at palabas labas ng kwarto niya pero ayun dedma pa din.
Pingutin ko kaya ang tenga nito?
O di kaya kagatin na lang?
Eh sa gusto ko na talaga na pansinin ako ni Warren.
Ayun, kinagat ko yung tenga.
At luckily eh napahinto siya sa ginagawa niya.
"Dapat hindi mo yan ginawa"
Sinaway pa ako.
At dahil dun eh kumalas na ako sa pagkakayap sa kanya.
"Uuwi na nga lang ako."
Kukunin ko na sana yung bag ko nung bigla akong hinawakan ni Warren.
"Ngayon pa when you lead me to reach my limit?"
"Ano?"
"Never ever bite a guy's ear, Ray"
"Sorry na. Pwede mo na tapusin yang ginagawa mo"
Nakakainis. Naglalambing lang naman ako tapos mali pa?
Isasabit ko na yung bag ko nung biglang dahang dahang binababa yun ni Warren.
He tilted his head ang reach for my lips. At dun pa lang talo na ako. I closed my eyes and I felt his lips. Dahan dahan nung una tapos lumalim bigla as he reached for my nape. Napakapit na din ako sa braso niya kasi ayoko ma-out of balance. He reached for my back then carefully place me on his bed.
Ewan ko ba kung ano ang nangyayari. Basta kabilang to sa kakaibang lambingan namin ni Warren.He fixed my hair then planted a kiss on my neck. He keep on kissing me there nung napansin ko na yumayakap na ako sa likod niya. He placed my right hand under his shirt. Napabukas ako ng mga mata nung bigla niya ulit akong hinalikan. This time a french kiss. Nun ko lang din napansin na nakapatong na siya sa akin. He also reached for my tummy then slightly exposed it to him at yun naman ang hinalikan niya. Napaupo ako bigla.
"Warren" isang malalim na pagtawag sa pangalan niya.
Napaupo din siya pero he pulled me closely to him.
"Lets have a practical."
"Anong practical?"
"Dahil ako ang kissing coach mo, show me how should you kiss"
"Ha? Ano bang practical yan?"
"Kasalanan mo to kasi kinagat mo yung tenga ko"
"Ganun?"
"Oo. ganun. Show me how to smack"
Sa isip isip ko alam kong nagbibiro lang si Warren at hindi kailangang sundin ang gusto niya pero I wanted him to give me his attention I kissed him.
Wala pang inch ang layo ko eh humabol na siya ng smack pa tas ngumiti na siya.
"Pano naman pag lip locked?"
nagforward ako tapos humalik sa kanya. Yung akala kong liplocked lang nung una eh dahan dahan ng gumalaw.
Kumalas bigla si Warren at naghabol ng hininga.
"Grabe ang galing mo na humalik"
"Compliment ba yan o ano?"
Tumawa siya.
"I think I should give you this"
"Ano yan?
May kinuha siya sa drawer niya na nasa tabi ng kama niya.
Isang silver na ring band at dahan dahan niyang sinuot sa akin.
Tinignan ko yung singsing.
"Ano to?"
"Chastity Ring"
"Ano? Para saan tong chastity Ring?"
Kinuha niya yung kamay ko.
"We cant do that before we get married. Im tempted like now pero to be the most suitable guy para sayo handa akong maghintay. Hindi naman sukatan ng pagmamahal yun. Ayoko lang na gawin natin yun tapos magsisisi tayo"
Tama ba ang naririnig kong sinasabi ni Warren.
"Warren yung tinutukoy mo ba ay yung?"
"Love making"
He just said it plain and simple.
"Sorry" yun agad ang nasabi ko.
"Para saan ang sorry? Yung chastity ring just tells us na yung relasyon natin pangmatagalan and that thing could wait"
"Wow. Ang swerte ko naman sa boyfriend ko"
"Syempre naman mahal kita kaya dapat nirerespeto kita pero Ray wag na wag mo na gawin yun ulit. That biting act. Nakaka-urge siya to do that"
"Talaga? Hindi ko alam"
"Halata nga eh"
"Hindi ko na gagawin"
"Ganun?" bigla siyang sumimangot.
"Bakit?"
"Pwede bang let's start again?"
"Start again?"
"Yeah, kissing."
"At bakit?"
"Kasi ang galing mo na. And I am starting to get addicted with it."
"Nope, ayoko. Uuwi na ako. Too much na kaya yung kanina"
Tumayo ako at kinuha yung bag ko para umalis na ng bahay nila nung bigla akong may nakita sa pintuan ni Warren.
Isang babae.
Magandang babae.
At hindi ko siya kilala.
_____________________________________________________________________
PS:
Curious ba kayo kay Russel? Check my fb account at the external link kung sino siya.
Naaalala niyo ba yung gusto kong gumawa ng story ni Lyka, Joysee at Jayson? Kasama si Russel dun.
:)